Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XII ✔

                "Hindi ka pamilyar sa mukha pero good job! Maganda ang diskarte mo kanina. Tuwang-tuwa tuloy sa'yo sina Boss," usap ng lalaki kay Czarina. Inihatid siya nito sa isang pribadong silid. Hindi pinansin ni Czarina ang komento ng lalaki sa kaniya, nanatili lamang seryoso ang mukha niya. Pagkapasok niya sa kwarto ay may ibinigay sa kaniya ang lalaki, "Iyan daw ang suotin mo sabi nang nakabili sa'yo."

               "Pu-pwede ba akong magtanong?" kunwari ay nauutal at kinakabahang tanong ni Czarina.

               "Dahil maganda ka naman, sige, pero isa lang ha dahil kailangan ko na rin umalis, baka maabutan pa nila ako rito."

               "Iyo—yong nakabili sa akin, ma—madalas ba siya rito. Sinu-sino ba 'yong mga kasama niya ka—kanina?" nauutal na pagpapanggap ni Czarina, sinadya niya ito upang hindi mahalata ng lalaki na hindi siya naiiba sa mga babaing nakasama niya kanina.

            "Hmmn hindi lahat, basta ang alam ko, si Mr. Olivarez  ay suki na rito maging ang iba pa niyang  mga kasamahan. Sa pagkakaalam ko nga e, kasapi sila sa isang grupong nirerespeto at kinatatakutan ng lahat na nandito, pagkakatanda ko, may pangalan na ahas ang grupong kinabibilangan nila. Hindi na rin ako magtataka kung madalas ang grupo nila rito, isa kasi ito sa mga negosyong pinapatakbo nila. Karaniwan nga ng mga nandito ay halos kamiyembro rin nila, ang ilan naman  sa pagkakaalam ko ay mga bigating kliyente nila. Teka! Ano ba yan ang dami ko nang nasabi, kailangan ko nang umalis marami pa pala akong tatrabahuin." Namumugit na iniwan si Czarina ng lalaki. Samantala, pumasok naman si Czarina sa loob ng kwarto at pinagmasdan at kinabisado niya ang buong lugar. Magarbo ito at kapansin-pansin ang mga mamahaling muebles na taglay nito. May wall tv na nasa harapan ng kama, kalapit nito ang ilang cd na naglalaman naman ng malalaswang bidyo. Inilapag niya ang handy bag niya sa ibabaw ng malambot na kama. Kasunod niyon ay kinuha niya sa loob ng bag ang isang device at inilapag sa table na malapit sa lampshade na siyang nagbibigay naman ng dim light sa buong silid, sobrang liit lang ng bagay na iyon at hindi talaga kapansin-pansin. May CCTV sa loob ng kwarto at base sa bilang niya, may dalawa mula sa kinatatayuan niya. At isa naman doon sa may banyo. Nagpalit muna siya ng black nighties na ibinigay sa kaniya ng lalaki bago isagawa ang plano niya. "My goodness! Do I really need to wear this!" komento niya sa sarili habang nasa harapan ng malaking salamin. Nasa loob siya ng restroom at habang tinitignan sa malaking salamin ang napakanipis na nighties na hawak niya. "You have to, Darling," pang-aasar ni Miggy sa pamangkin, "Sigurado ka bang walang makakahalata sa device na inilagay mo?" paniniguradong muli ni Miggy.

         "Of course Uncle. That Dirty Old Man, I'll make sure, ito na ang magiging huling gabi niya." Nag-iwan pa si Czarina ng isang ngiti na animo alam na niya ang kahahantungan ng gagawin niya. Makalipas ang sampung minuto, lumabas na rin si Czarina mula sa banyo suot ang itim na nighties na talaga namang nagpalabas sa alindog na mayroon siya, sinadya niyang hindi tanggalin ang suot na itim na heels, kaya naman mas uminam pa ang kaniyang postura. Subalit kanina pa pala nasa kwarto si Mr. Olivarez, nakaupo ito sa isang single couch habang hawak sa kanang kamay ang isang baso na naglalaman ng matapang na alak , hinihintay nito  ang paglabas ni Czarina, "Akala ko hindi ka pa lalabas,  papasukin na sana kita dyan." Sabay lapag ng susi sa lamesita malapit sa kinauupuan nito, "...Grabe! Bagay na bagay sayo ang suot mong iyan Eerr," dagdag pa nito. Nilagok ni Mr. Olivarez ang baso at siniguradong naubos ang laman nito bago ito ibalik sa lamesita.

         "Forgive me, kung pinaghintay kita ng I think... twenty minutes?" malambing na panunuyo ni Czarina at marahan siyang naglakad palapit sa gilid ng kama.

        "Alam mo,  kakaiba ka kumpara sa mga naunang napili ko. Ang iba kasi sa kanila kailangan pilitin at gusto sa pwersahan pang pamamaraan bago ibigay ang sarili. Well gusto ko rin naman  ng mga ganoon, iyong lumalaban but this time, mukhang... paliligayahin mo ako ng sobra. That's good... kung magiging ganyan ka sa akin, hihilingin kay Tansingco na ikaw na ang laging ibigay sa akin. Kahit na sa magkano ka pang halaga. I will make you a queen, ibibigay ko sayo lahat, bahay? Lupa? Damit? Alahas? Name it, just let me take care of you honey." Lumapit pa  si Olivarez kay Czarina at kita sa mga mata nito ang sobrang pagnanais na maangkin ang dalaga.

        "Tansingco? At sino naman siya?" malambing na tanong ni Czarina na animo'y hindi niya talaga kilala ang tinutukoy niya. Sa pagkakataong ito nakalapit na sa kaniya ang matanda na sa hula niya ay nasa edad singkwenta pataas na. Agad siyang hinablot nito at hinawakan sa beywang na parang isang tigre na handa nang lumapa.

         "Hindi mo siya kilala? Well, siya ang humahawak sa inyo rito, isa rin sa mga malalapit kong kaibigan. Alam mo masyado kang matanong, ibigay mo na lang sa akin kung ano ang ipinunta ko rito, dahil hindi na mapakali itong alaga ko, gusto na nitong manuluyan sa kweba mo," natatakam na sabi ni Mr. Olivarez

        "You're so excited, don't worry mapapasayo rin naman ako ngayong gabi. Malaya mong mapapasyalan ang bawat pagmamay-ari ko, sayung-sayo ang lahat ng 'to." Itinulak ni Czarina ang lalaki kaya patihaya itong bumagsak sa kama. Umakyat din si Czarina sa kama at pagapang na ipinatong ang sarili sa ibabaw ni Olivarez.

         "Hindi ko inaasahan na ang gabing ito ang pinakamasaya sa lahat ng gabing naririto ako," komento pa ni Olivarez habang pinagmamasdan ang magandang katawan ni Czarina na marahang dumadait sa katawan niya.

         Hindi naman mapigilan ni Czarina na maging totoo kahit man lang sa isip niya lang, Damn you dirty old man, nagkakamali ka dahil ito na ang huling gabi mo sa lugar na ito asshole!  "Just wait for my moves," masuyong bulong ni Czarina sa tainga ni Olivarez na sinabayan pa niya ng kaniyang payak na ngiti. Bago mulinh tumayo sa kama ay sinakto ni Czarina ang kamay niya sa ibabaw ng cabinet kung saan niya nailapag kanina ang device na dala, sinigurado niya munang napindot niya ang on button ng device bago umaksyon.

        "Bakit kailangan mo pang mag-heels? Magiging sagabal lang iyan sa atin mamaya," takang tanong ni Olivarez habang tinatanggal ang pagkakabutones sa suot niyang damit pang-itaas.

       "I'll take them off later, tulungan na kita?"  pambunuyo ni Czarina at saka nailapat ang malambot na kamay sa dibdib ni Olivarez. At nang sa wakas ay narinig na ni Czarina ang tinig ng kaniyang Uncle mula sa suot na earrings ay saka siya mas naging agresibo, "Hey sweety, i-entertain mo muna ang matandang hukluban na iyan habang ikinokonekta ko ang server ng building nila sa atin, Okay? Hmmn, maglaro ka muna..."

         Tsss! 

         Gustong mainis ni Czarina dahil magtatagal pa siya sa kaniyang pang-aakit sa matanda pero hindi niya ito pinahalata kay Olivarez. Walang nagawa si Czarina kundi simulan ang paggiling ng malambot niyang katawan habang nakapatong sa katawan ni Olivarez, mas lalo naman itong nagbigay init sa nakahigang si Olivarez, "You really make me insane to you Damn girl..." hindi  napigilang bulalas ni Olivarez.

        "Just like what I've said... wait for my moves because I'm gonna make sure, this would be your unforgettable night of your life," bulong ni Czarina na sinabayan niya ng mapangahas niyang ngiti.  At habang hinihintay pa niya na ma-hack ng uncle niya ang server ng security system ng buong building ay ipinagpatuloy na lamang niya ang kaniyang sinimulan, at kahit walang musika ay tila sumasayaw sa takbo ng oras ang kaniyang buong katawan.  Ayaw man ni Czarina o sa gusto kailangan niyang tyagain ang matanda para lang maisakatuparan ang kanilang misyon. Talaga namang makatulo-laway ang bawat paggalaw ni Czarina kaya hindi niya masisisi ang lalaki kung magkanda-luwa ang mga mata nito habang minamasdan ang alindog niya. Naalis na rin ni Olivarez ang mga butonewsuot niyang damit at bumalandra sa harapan ni Czarina ang mabalahibo nitong dibdib ngunit kahit may edad na ay bakas pa rin na naman inaalagaan ni Olivarez ang kaniyang pangangatawan. Maya-maya lang ay muling narinig ni Czarina ang tinig ng Uncle niya, "Get ready Czarina, in five... four... three... two and gotcha, I'm in sweetie!" masiglang wika ni Miggy na nagbigay ng kasiguraduhan kay Czarina. Senyales na nakapasok na si Miggy sa security system ng  hotel na iyon, at ito nga ay sa tulong na rin ng device na inilagay niya kanina sa may side table malapit sa kama na siya namang kumukonekta sa sattelite system mula sa server ni Miggy papunta sa server ng building na kinaroronan nila  ngayon. May kontrol na ngayon si Miggy sa lahat ng CCTV areas sa loob at labas ng building. May access na rin siya para dayain ang nasa video, i-replay, i-pause, i-record at ibahin ang aktwal na mangyayari sa makukuhaan ng CCTV. Kontrolado na ni Miggy ang lahat, isa ito sa mga skills na ipinagmamalaki talaga niya dahil ito ay inaral niyang mabuti. "Sweetie get the additional information before you do our plans for him okay?" dagdag pa ni Miggy, pero ngisi lang ang isinagot ni Czarina.

         Dahan-dahan tinanggal ni Czarina ang isa sa suot niyang heels at mas inilapit pa ang mukha sa nakahigang si Mr. Olivarez, halos nakadagan na nga siya  sa sikmura nito, "Makakadisturbo ba sa atin ito?" aniya. Inilapit pa ng kaunti ni Czarina ang hawak na heels sa kanang bahagi ng mukha ng ni Olivarez. "Hindi naman pero alisin mo na iyan..." malambing na hawi ni Olivarez sa hawak-hawak ni Czarina. Subalit naging hudyat ito upang ang maamong mukha ni Czarina na kanina pa niya ipinapakita ay biglaang nagbago. Mula sa pagiging malambing na binibini ay nagpalit-anyo ito na parang isang mabangis na lobo na anumang oras ay handa nang lapain ang handog na hain. "You are wrong Mr. Luke Olivarez dahil magiging malaking banta nito para sa 'yo, " napangisi pa si Czarina na ikinabahala  ng labis ni Olivarez, "What do you mean, wa—wait, kilala mo ako?" nalilito pang tanong ni Olivarez.

        May kung anong pinindot si Czarina kaya ang mahabang takong ng heels ni Czarina ay naging isang matulis na bagay na. Kayang-kaya na nitong kumitil ng isang buhay. Itinutok niya ito sa leeg ni Mr. Olivarez.

        "W-w-wait what are you doing? Who are you? What do you want..." nauutal na pigil ni Olivarez. Naramdaman niya ang pagdait ng matulis na bagay na iyon sa kaniyang leeg, napalunok pa siya sa sobrang kaba dahil alam niya na kahit anong oras maari niya itong ikamatay.

        "You are asking me what I want? Tsss... hindi mo kayang ibigay ang gusto ko maniwala ka. So I think its better to kill you now Mr. Olivarez... Dahil ano bang mapapala ko sa'yo?" Nanatili si Czarina sa pagkakapatong sa lalaki habang nakatutok pa rin ang armas na hawak niya dito.

          "T-t-teka, pera ba? Pera ba ang kailangan mo? Kung gusto mo dadagdagan ko pa kung sa magkano kita nabili kanina. Madami akong pera at ibibigay ko ang anumang halaga ang hihingiin mo."

         "Bull shit! I don't need your money fucking old man dahil marami rin ako niyan. Why don't you try to give me instead a new information?"

         "Impormasyon saan?"

         "The two-headed snake syndicate?"

          "A-ano naman ba ang gusto mong malaman ha! At saka kung anuman 'yon, w-wala akong kinalaman doon," nauutal pa na paliwanag ni Olivarez.

         "Gusto ko talagang maniwala sa'yo eh, promise! But your eyes... your mouth... and even the movements of your body telling me to not trust you. I just wondering why? Maybe because, kita sa mga mata mo na may nalalaman ka! So, are you gonna tell me the things I wanna know?" Napalunok pa si Olivarez habang sinusubukang tignan ang sandatang nakadikit pa rin sa leeg niya.

         Nagpatuloy si Czarina sa kaniyang interrogation. "Who is the master mind of Javier Massacre? Who among them? At sino itong si Mr. Big A?"

         "Pweh! What do you think of me, stupid? Kapag ginawa ko iyon para na rin akong nagpakamatay!" Napansin ni Czarina ang pagngisi Olivarez, ipinagtaka niya ito.

        Kaya naman pala malakas ang loob nitong sumagot ng ganoon ay dahil palihim pala nitong napindot ang isang button na nasa gilid lang ng kamang kinahihigaan nila. Naabot ito ng kamay niya, ilang saglit lang ay biglang bumukas ang pinto ng silid na at isinuka ang dalawang armadong lalaki.

         Napalingon si Czarina, akma naman na babarilin siya ng dalawa nang makitang nasa panganib ang boss nila. Agad na nagpagulong si Czarina bago pa man pumutok ang baril ng mga ito. Sa gilid ng kama siya nagpagulong na animo'y isang stunt sa pelikula para makaiwas sa mga putok ng baril na tumama lang sa pader. Lumikha ito ng mga maliit na butas sa pader. May spring ang pintuan kaya nag-otomatiko itong sumara.

         "Kill that girl!" sigaw ni Hernandez habang tumatayo sa kama.

        Mabuti na lang at may silencer ang baril ng mga ito kaya walang maririnig na kahit anong putok sa paligid.

        Kahit nakabalandra sa sahig, agad na kinuha ni Czarina ang baril na kanina pa palang nakasuksok sa likurang bahagi ng underwear niya. A Model of Airweight Smith and wesson with a touched of color pink sa hawakan nito. Sa sobrang light at small nito, hindi talaga mahahalata ng kahit sino.

         At kahit nakahiga sa sahig, dali-dali niyang pinaputukan ang dalawang lalaki nang tangkain siyang silipin ng mga ito. Bagamat may kaliitan ang bagay na hawak ni Czarina ay may kakayahan naman itong kumitil ng buhay. Dalawang putok lang ang kinakailangan para maialis ang sagabal sa plano ng dalaga. Asintado, at hindi nasayang ang dalawang bala na nasa kaniyang baril.

         Pagkatapos mailigpit ang mga pakielamero, agad niyang binalikan si Olivarez. Itinutok niya ang hawak na baril sa papatakas na sanang lalaki.

        "Hey Mr. Olivarez, missed me? Huwag kang gagalaw kung ayaw mong pumasok diyan sa bungo mo ang isang bala nitong baril ko." Dahan-dahang tumayo si Czarina at naglakad palapit sa lalaki na ngayon ay nakataas na ang mga kamay.

         "Teka sino ka ba talaga... A-ano bang kailangan mo sa akin?" muli na namang nauutal ang lalaki at napapaatras ito the more na lalapit sa kaniya si Czarina.

        "Ang ayoko sa lahat, ipinapaulit sa akin ang mga nasabi ko na Mr. Olivarez, dahil sa totoo lang wala sa bokubolaryo ko ang salitang pasensiya." Palapit pa si Czarina  ng palapit hanggang sa makasandal na ang lalaki sa dingding ng kwarto na iyon sa kakaatras niya.

        "Hindi mo kinikilala ang binabangga mo!"

         "Yeah I know, that's why I'm here para kilalanin kayo isa-isa." At dahan-dahan naman ipinatong ni Czarina sa bandang dibdib ni Olivarez ang isa niyang paa na nakasuot pa rin ng heels na ngayon ay naging matulis na.

        "Isang tanong isang sagot..."

        "Your really insane, hindi mo ba alam na ang buong lugar na ito ay napapalibutan ng mga CCTV ? Ilang  mga tauhan din ng two headed sindicates ang nakakalat sa buong lugar at sigurado ako hindi ka makakalabas dito sa oras na malaman nilang pinatay ako. Baka nga sa mga oras na ito namo-monitor na nila ang mga nagaganap sa pagitan natin ngayon." Kita sa mukha nito ang pag-asa mula sa pinaniniwalaan niya.

        "Oh really... But opps! Sorry kontrolado na ng Uncle ko ang lahat ng CCtv dito, trust me this time. And I think kapag ipinutok ko ito rito." Itinutok ni Czarina ang hawak na baril sa ibaba at maselang bahagi ng katawan ni Hernandez, halatang nagbigay ito ng kakaibang takot sa matanda. "Walang makakarinig... Walang makakapansin at walang makakaalam. Paano mangyayare iyon? Simple lang dahil masyadong maingay at abala ang lahat sa bidding area pero subukan pa rin natin... lets try here." Itinutok ni Czarina ang baril sa kaliwang hita ni Olivarez at walang anu-ano'y pinaputukan niya ito. Napasigaw at napaupo si Olivarez sa sibrang sakit. Ibinaba naman ni Czarina ang kaniyang paa, ngayon ay malaya nang namimilipit si Olivarez, "Ahrgg! Damn it! Damn it!" Nanggagalaiting hiyaw nito.

        "Ooppss isang bala na lang ang meron ako. At hindi ako magdadalawang-isip na ibaon sa katawan mo ang balang ito. Kaya sabihin mo na sa akin Dirty Old Man! Sino ang may pakana ng Javier Massacre?" Kita ang nag-aalab na galit ni Czarina sa bawat salitang binitawan niya. Seryoso at talagang desidido na siya sa gusto niyang gawin. Iinutok niya ang baril sa mukha mimso ni Olivarez.

         "M-mukhang seryoso ka nga diyan sa binabalak mo, sa posisyon ko ngayon halata namang wala akong laban. You won, m-magsasalita na ako but promise me bubuhayin mo ako."

        "Speak!"

         Bulyaw ni Czarina habang nakatutok pa rin sa lalaki ang baril.

        "Kahit ako hindi ko pa nakakausap ng personal ang Big three, si Mr. Big A, p-pero ang ilan sa mga kasamahan ko ay minsan na nilang nakasama ang big three. Ang big three ang siyang namumuno sa buong grupo. Masyado silang misteryoso at malihim at pili lamang ang nakakaalam ng mga pagkatao nila."

          "Ano ang kinalaman nila sa pag-massacre sa Javier Family?" Nalilitong tanong ni Czarina.

         "S-sila ang nakabanggaan ni Mr. Javier. Si Tansingco, isa siya sa mga tauhan ng big three na siyang pilit pinapabagsak ni Javier.  Dahil sa ginawa ng Javier ba iyon, malaking halaga ang nawala sa grupo.  Daang milyunes ang ikinalugi ng negosyo namin. At hindi papayag ang big three na gan'on-gan'on na lamang sila mawawalaan ng pera. Kaya naman doon na sila nagplano na pabagsakin si Javier at patayin ang buong pamilya nito sa oras na matapos nila ang kasong isinampa sa kanila. Hanggang sa nagawa nga nilang baligtarin ang lahat, ang katotohanan ay nagawa ring pagtakpan. P-p-pero maniwala ka hindi ako kasama sa plano nilang iyon. Ni hindi ko nga alam na gagawa sila ng mga bagay na ganoon. Nagulat na lang ako nang mabalitaan ang mga nangyare sa balita," pagtatanggol ni Olivarez sa sarili.

        "Hey sweety, tapusin mo na iyan dahil ilang minuto na lang at paparating na ang mga pulis na tinawagan ko para sa raid na gagawin nila diyan. Dapat umalis ka na, mukhang wala tayong mapapala sa kaniya. He is not the big fish we need to catch. Siguraduhin mong malinis ang lahat do you copy?" paalala sa kaniya ni Miggy.

         "Yes Uncle! Sige, I'm done with you, you can leave now." Ibinaba na ni Czarina ang baril na nakatutok pa rin sa lalaki. At nagsimula siyang tumalikod dito.

        "S-salamat... "

        Subalit iba ito sa ikinikilos ni Olivarez, dahil dahan-dahan siyang  tumayo at binuhat ang isang mabigat na vase na nasa gilid lang niya. Buong lalas niya itong iniangat at may balak siyang ipukpok ito sa nakatalikod na si Czarina. "But still....your such a big idiots," aniya bago gawin ang binabalak.

        Ngunit napaghandaan na pala ito ni Czarina, wala talaga sa listahan niya na buhayin pa si Olivarez kaya naman muli siyang humarap dito, mabilis niyang nasalo ang may kalakihang base kahit nga hawak-hawak pa rin niya sa isang kamay ang kaniyang baril.  Pwersahan niyang sinipa  ang katawan ni Olivarez gamit ang paang nakasuot pa rin ang isa niyang heels. Mabilis na bumaon sa dibdib ang matilos na takong ni Czarina. Ipinaikot-ikot pa niya ang kaniyang paa para makasigurong babaon ito ng malalim.

        "Ooppss! Ang gusto ko sanang sabihin, YOU Can LEAVE now... IN THIS WORLD FOREVER!" Kinuha ni Czarina ang vase at ibinato sa kama.

        Muli niyang itinutok ang baril sa noo ni Olivarez. "Pasensiyahan na lang kung makalabit ko man ito!"

        At kinalabit niya ang kaniyang baril. Nagtalsikan ang ilang dugo sa kamay at mukha ni Czarina pero balewala ito sa kaniya.

        Pagkatapos ay sumuka ng dugo sa huling pagkakataon si Olivarez. Isang bala ang tuluyang kumitil sa kaniya, nag-iwan ito ng isang butas sa noo niya.

        "Clean that mess Czarina, and leave the room  immediately okay?" paalala ni Miggy sa kaniya.

         "Yes uncle..."

       Madaling naitago ni Czarina ang dalawang bangkay ng lalaki sa loob ng CR samantalang binuhat naman niya si Olivarez pabalik sa kama. Hinubad niya muna ang damit nito at nilagyan niya rin ito ng kumot na hanggang sa katawan lang para matakpan ang pagkamatay nito.

        Upang isipin na ayos pa rin ito sakaling may pumasok  sa kwarto. Niligpit niya ang kayang iligpit at kinuha rin ang cellphone ni Olivarez at ilang mga papeles sa dala nitong gamit. Matagumpay niyang nakuha ang mga posibleng  kontak at ilang impormasyon sa mga bigating miyembro ng two headed snake sindicates. Maya-maya'y may kumatok sa pintuan, agad siyang nagtago sa likuran ng pinto.

             May pumasok na isang babae, "Ah sir? Sir? Nandito na po ang ni-request ninyo," usap nito na hindi nga nahalata na wala na palang buhay ang kinakausap. Ngunit agad siyang sinunggaban ni Czarina at pinaamoy ng isang panyo na may pampatulog.

         Ilang saglit lang ang lumipas at suot na niya ang damit ng babae, isa itong uniporme ng nasabing five star hotel. Inilapit din niya sa bangkay ni Olivarez ang walang malay na babae para mapagkamalan na siya iyon at walang maghinala na patay na ito. 

        Bago siya lumabas ng silid ay may isinulat siyang malaking letrang "J" sa pader ng silid.  Ginamit niya ang kaniyang lipstick para  maisulat iyon.

         Maingat na lumabas ng kwarto si Czarina.

         "Use the private room sa kabilang dulo ng hallway. Sa loob noon nakalagay ang ilang files na kailangan natin. Mayroong emergency exit doon na maghahatid kung saan naka-park ang sasakyan mo. Before you leave, make sure na dala mo ang mga pinapakuha ko sayo. Kapag may nakakita sayo, alam mo na ang gagawin. Do you copy?" mahabang litanya ni Miggy sa pamangkin.

        "Yes Uncle Miggy!!"

         Wala namang naging sagabal, dahil maayos  siyang nakalabas ng hotel. Sumakay na siya sa kaniyang kotse at naipasok na rin niya ang dalang  briefcase kung saan nakalagay ang mga important files na hiningi ng Uncle niya.

        Nagmamadali siyang lumabas ng basement at saktong nakasalubong niya ang mga pulis na magre-raid sa lugar. Sa Miggy ang nagbigay ng tips sa mga ito habang si Darwin naman ang naging asset ng mga pulis, ngunit lingid sa kaalaman ng mga pulis ay may iba pa palang tinatrabaho ang dating direktor ng NBI.

        Hindi pa nakakalayo ng tuluyan sa lugar ay huminto muna si Czarina  para lagyan ng check ang kaniyang listahan kung saan naroon ang pangalang Luke Hernandez. Ibinalik niya rin ito agad sa isang lagayan sa loob ng kotse niya. Pagkatapos ay nabaling ang paningin niya sa isang  larawan. Ang larawan na naglalaman ng kaniyang masayang pamilya. Kabilang siya sa litrato, makikita ang ganda ng ngiti nila, at ang pag-ibig na mayroon sila sa isa't-isa. Isang imahe na paglilipasan na lamang ngayon ng panahon.

        Naka-display at nakaipit ito sa rear view mirror na nasa harapan niya. Hiinawak-hawakan at dinama niya ang ito. Sa kabilang dulo naman ng salamin ay ang larawan nila ni Drew, giliw na giliw sila habang nakayakap sa bawat isa. Maibibigay ko rin ang nararapat na hustisya para sa inyong lahat... bulong pa niya. "One down!" huling bigkas ni Czarina bago tuluyang pinaandar ang kaniyang sinasakyan.

***

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com