Chapter XIII ✔
"Sir!"
Saludo ng ilang pulis na sumalubong sa papalabas na si Darwin, huminto ito para sumaludo rin at muling naglakad palabas ng building. Kasabay niyang lumalabas sa istrakturang iyon ang mga nasabat sa raid, mga nahuling tauhan pati na rin ang mga nabiktima ng malaki at iligal na subastahan na iyon. May mga ambulansya na rin ang naghihintay sa labas para sa mga patay na katawan na nanlaban sa raid. Nakasalubong din ni Darwin sina Caleb at Arthuro. "Magandang araw po, Sir," bating bungad ng mga ito kay Darwin.
"Carry on, ikaw si Agent Zembrano 'di ba?"
"Yes Sir"
"I heard isa ka sa mga humahawak sa kaso ng pamilya Javier?" Nagpatuloy sa paglalakad si Darwin sa kabila ng kaniyang pagtatanong. Sinundan naman siya ng dalawa. Kinumpirma naman ni Caleb ang naitanong sa kaniya, "Tama po kayo Sir."
"Ano na ba ang status sa kasong iyon?" seryosong tanong ni Darwin nang hindi lumilingon sa dalawa.
"Ginagawa na ho namin ang lahat ni Chief Montaro, kasalukuyang may nagtimbre sa amin kung saan naroroon si Jovit Tansingco, but we're still in the verification process at si colonel Kathy na ho ang nakatoka doon. As soon as possible, for sure, by monday makukuha na namin ang important details patungkol sa lokasyon ng lalaking iyon Sir," mahabang paliwanag ni Caleb
"Colonel Kathy? Yah I know about her. She is the best asset that NBI had. I can't wait to meet her again. Mabuti at kasama n'yo siya sa kaso. And by the way, please tell Montaro na kasama na ako sa kasong ito kahit pa nga retired na ako. Huwag kamo siyang mag-alala dahil may authorized ako from justice department. Gustung-gusto ko rin talaga matulungan ang aking kaibigan patungkol sa kasong ito."
"Ka—kaibigan n'yo ho, sino ho?" takang tanong ni Caleb
"Wala ba akong nababanggit? Na ako at si Mr. Miguel Javier ay matalik na magkaibigan. Oo, tama, that's why gusto kong tumulong sa kaso ng pamilya niya. O sige I have to go may kailangan pa akong asikasuhin," paalam ni Darwin. Pasakay na sana siya ng kotse nang mapahinto at muling humarap sa dalawa, "Siya nga pala! Agent Zembrano pakidagdag sa listahan ng inyong imbestigasyon si Mr. Luke Hernandez, natagpuan itong patay sa isang kwarto sa loob at hinala ko may malaki itong ambag sa kasong hinahawakan n'yo, oh I mean NATIN. Alamin mo ang lahat ng may koneksyon sa kaniya okay? And report it to me immediately."
"Sige po Sir, I'll check ko it pagkapasok ko sa loob"
"Okay, see you then." Tuluyan na nga niyang iniwan ni Darwin ang dalawa sakay ng personal niyang kotse.
Samantalang agad na dumiretso ang sina Caleb kung saan naroon ang bangkay ni Hernandez na siyang tinutukoy ng Former Director nilang si Darwin. "How's the initial report?" tanong ni Arthuro sa mga kapulisan din na nasa loob na ng kwarto kung saan naroon ang wala ng buhay na katawan nang hinihinala nilang may koneksyon sa Javier Massacre.
"Sir, may tama ho ng baril sa ulo ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang pagkamatay at saksak sa kaniyang kaliwang dibdib mula sa isang matulis na bagay pero hindi pa namin tiyak kung ano ang ginamit. Kung ibabase sa unang obserbasyon lumalabas na isa itong patalim. At saka may nakita po kaming nakasulat na 'J' sa may salamin sa loob ng banyo, naisulat ho ito gamit ang isang pulang lipstick, nasa loob ho ang tinutukoy namin." Sabay turo sa isang pintuan ng banyo. Sinilip ito ni Arthuro, "Ano naman kaya ang ibig sabihin niyan, ano sa tingin mo Caleb?"
"Sa ngayon hindi ko rin alam." Walang ideya ang lahat sa kung ano ang ibig ipakahulugan ng letrang iyon. Kaya nagmasid pa sila sa buong kwarto. "Gumagana ba ang mga CCTv na nandito sa kwarto?" tanong ni Caleb nang mahagip ng mga mata ang mga CCTv na tinutukoy niya. Dahan-dahan din siyang nagpaikut-ikot loob ng banyo sa silid na iyon.
"May nag-aasikaso na ho doon, at ni re-retrieve na nila ang laman ng mga CCTv dahil may nakapagsabi na na-hacked daw ang buong system ng satellite ng building na ito. Pero tinitignan pa namin kung totoo nga po iyon," patuloy na paliwanag ng lalaki. At habang binubusisi ni Caleb ang buong lugar, may isang bagay ang tila pumukaw sa kaniyang atensyon. Isang pulang scarf ang nakita niyang nakabalandra sa sahig. Pinulot niya ito at hindi maiwasang maakit sa pabangong taglay nito. Hindi niya rin maunawaan ang sarili kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Nailagay niya ito sa kaniyang pisngi at tila may dinadama na kung sino mula sa pulang scarf na iyon, napaka-weird, pakiramdam niya malapit sa kaniya ang nagmamay-ari nito.
"Caleb nandyan na si Chief Montaro," tawag sa kaniya ni Arthuro mula sa labas ng banyo. Agad na lumabas si Caleb na bitbit pa rin ang malambot at mabangong pulang scarf.
"Sir!"
Huminto sa kanilang ginagawa ang lahat at sumaludo kay Montaro, halata ang mataas na respeto nila sa kaniya. Agad siyang nilapitan ni Caleb.
"Carry on..." bati niya kay Caleb pagkalapit nito sa kaniya.
"Sir galing ho pala rito si Director Aguirre at pinapasabi niya na makakasama na siya sa kaso ng Javier Massacre."
"Sabi ko na nga ba hindi talaga makakale ang matandang iyon kahit retired na gusto pa rin talagang makidutdot. Ano pa ang mga sinabi niya sa 'yo."
"May sinabi ho siya tungkol kay sir Luke Hernandez, may hinala siya na may kinalaman ito sa Javier Massacre. At saka sir, ilan sa mga napatay at nasabat sa raid na ito ay miyembro ng Two headed snake sindicate. Hawak na sila ngayon ng QCPD," paliwanag ni Agent Caleb na tinangu-tanguhan naman ni Montaro.
"Ilan ang nasaktan sa kampo natin?"
This time si Arthuro na ang sumagot, "Sir, hindi ho lalagpas ng lima, nabaril agad nila iyong mga nanlaban during the raid. Wala naman hong lubhang nasugatan sa mga kasamahan natin."
"Okay,I want you both to give all the information we gathered here to colonel Kathy. So she could add more interesting details about this case. And tell her that we will having a meeting regarding to Javier Massacre asap tonight, do you understand?"
"Yes Sir, ah one more question sir. Do I need to inform Director Aguirre about our meeting?" tanong ni Arthuro habang tahimik naman na nakatayo si Caleb, unconsciously hawak-hawak pa rin niya ang pulang scarf.
"Ano bang sabi niya sa inyo?" Sinabayan pa ito ni Chief Montaro ng mata na tila nagtatanong na 'Ano-bang-sa-tingin-n'yo? Tinatanong-pa-ba-iyan?
"Okay Sir, aasikasuhin na po namin ang lahat." Agad namang nakuha ni Arthuro ang nais sabihin ng chief.
"Good!"
At nagpatuloy sila sa pangangalap ng mga ebidensiya na maari nilang magamit sa pag-usad ng kaso
***
Kinabukasan.
"Hija! maglibot ka muna dyan sa syudad. Para naman kahit papaano ma-enjoy mo ang buhay-maynila. Matagal-tagal ka na rin kasing hindi nakakapamasyal dyan 'di ba?" usap ni Miggy mula sa kabilang linya. Ganoon pa rin ang pag-uusap nila, sa pamamagitan pa rin ng earings na suot niya. Hindi na nagkakasama ang dalawa ng personal para walang makahalata o manghinala. At desisyon nila iyon pareho. Magkahiwalay din sila ng kanilang tinitirhan. Wala na sila sa isla dahil kung mananatili sila roon hindi nila magagawa nang maayos ang kanilang mga plano.
"Are you kidding me Uncle, gusto ko lang ipaalala, hindi ako nandito para magpakasasa at alam n'yo iyan," seryosong sagot ni Czarina. Kasalukuyang siyang nagkakape sa isa sa mga sikat at mamahaling coffee shop sa may eastwood.
"Nagsa-suggest lang naman ako, total successful naman ang nauna nating hakbang. You deserved to celebrate that kaya lang pagpasensiyahan mo na ako at hindi kita masasamahan ngayon dahil may usapan kami ni Darwin na magkikita kami. May bago siyang updates about sa kaso ng pamilya natin at gusto kong makuha iyon. Pagkatapos kung malaman kung anuman 'yon, aasikasuhin at paghahandaan agad natin iyon. But at this moment Hija kagaya ng sinabi ko kanina, Celebrate this day. Keep yourself busy sa mall at kung ano pa man ang maisipan mo."
"At kagaya rin ng sinabi ko kanina, hindi ako nandito para magpakasaya! Sige mamaya na lang ulit Uncle Miggy." She turned off her earings.
Nagpatuloy siya sa iniinom niyang Iced Caramel macchiato at aminado siya babalik-balikan niya ito dahil nagustuhan ito ng panlasa niya.
Simple lang ang porma niya nakanerdy looks siya. Kada-araw ay iba-iba ang ipinapakita niyang pagkatao, 'yong tipong hindi kapansin-pansin. Kase kung magna-natural siya for sure lagi siyang lilingunin ng tao dahil napakaganda naman kasi niya talaga at ayaw niyang mangyare 'yon at baka may makakilala pa sa kaniya, mahirap na.
Nakamaong pants siya at naka-plain gray sneakers, Plain and fitted white T-shirt na may white ribbon sa magkabilang balikat nito. Above the knee ang haba ng damit niya. Nakasuot din siya ng nerdy glass at kulay gray na winter knitted hat (bonet), may ribbon na naka-design sa gulid nito at talaga namang bumagay sa kaniya. Kahit ano pa yatang gawin niya sa kaniyang hitsura ay bagay na bagay sa kaniya. Kinapalan din pala niya ang kilay niya at naglagay ng pekeng nunal sa mukha.
"Napakaboring ng araw!" bulong niya sa sarili. Sinabayan pa niya ito ng paghikab at pag-unat ng katawan.
Nagpasya siyang maglakad-lakad para kahit papaano may magawa naman siya. Naninibago siya sa lahat, matagal-tagal din siyang nanirahan sa isla at nalayo sa maraming tao. Wala na rin siyang ibang alam na lugar para puntahan so she decided again na sa lupain na lang nila siya magpalipas ng oras habang hinihintay niya ang next step nila ni Miggy.
Tumawag siya ng taxi at nagpahatid hanggang doon lang sa main gate ng village nila, hindi na mismo sa lupain nila baka may makahalata pa sa kaniya. Naglakad na lang siya papasok sa loob.
Ilang sandali lang ay nasa harapan na siya ng puntod ng mommy at daddy niya pati na rin ng mga kapatid niya.
Nagkalat sa buong lupain ang mga lapida ng mga nakalibing doon. Ngunit hindi pa rin maiaakila ang gandang taglay ng lugar. Berdeng-berde pa rin ang kulay ng kinatutung-tungan ng mga paa ni Czarina at maging ang kinalalagakan ng mga naging biktima.
Niyakap niya ang lapida ng kaniyang mommy at pilit pinapahupa ang nanunumbalik na naman na emosyon noong patayin sa harapan niya ang mga ito. Ngunit hindi na siya ang dating si Czarina na iyakin, na walang ibang alam na gawin kundi ang umiyak. Pinilit niya talagang maging matatag sa tulong na rin ng Uncle niya kaya napigilan niya sa pagtulo ang kaniyang luha.
Mom... Dad...
Siguro kung buhay pa kayo, masayan-masaya siguro tayo. Alam ko, hindi kayo natutuwa sa sitwasyon ko ngayon kahit naman ako e. But I have no choice kundi gawin ito para rin naman sa inyo. Hayaan n'yo po pagnabura ko na sila sa mundong ito, susunod po ako sa inyo...
But dad... Ang hindi ko lang sigurado. Kung makakasama n'yo ba ako diyan sa langit dahil sa mga kasalanan na nagawa ko na at pinagpaplanuhan pa lang. Mom, Dad may hihingiin lang po akong pabor...
Pakisabi sa Diyos... Ingatan niya ako habang hindi pa tapos ang misyon ko rito sa mundo...
Natawa pa ng bahadya si Czarina sa naisip niyang iyon, aminado naman siya na ang ginagawa niya ay labag sa utos ng Diyos. Kaya anong karapatan niya para humingi ng pag-iingat sa Diyos na pinaniniwalaan niya.
Nagtagal pa siya sa pananatili roon, lumipas na nga ang tanghalian ay nakaupo pa rin siya sa gitna ng lapida ng kaniyang magulang.
Hindi na rin niya nakita pa ang malaking bahay nila, para ngang naging libingan na lamang ang buong lugar na iyon. Sa kinauupuan niya ay natatanaw pa rin niya ang isla na napamahal na rin sa kaniya dahil isa ito sa mga naghubog sa panibagong pagkatao niya.
Hanggang sa makarinig siya ng isang paparating na kotse, dali-dali siyang lumayo sa puntod ng magulang at nagtungo sa may pinakamalapit na puno na maari niyang pagtaguan.
Natanaw niya ang isang lalaki habang may dala-dalang puting mga rosas.
"Parang natatandaan ko siya, siya 'ata 'yong weird na agent na nagbabantay sa bahay noon?" aniya sa sarili. Pinagpatuloy niya ang pagmamasid sa binata na ngayon ay nilalagyan na nito ang bawat puntod ng tag-iisang puting mga rosas.
Sobra namang natuwa si Czarina sa ginawa nito. Sa dami ng puntod na naroon ay nag-effort pa ang lalaki na maglagay ng bulalak sa bawat isa.
Pero bakit?
Hindi maiwasan ni Czarina na mapangiti subalit nang mapansin ang sarili sa naging reaksyon ay binawi niya ang pagngiti at muling sineryoso ang mukha. Ngayon ay nakatayo na ang lalaki sa puntod na pinaniniwalaan ng lahat na si Czarina. May lima pang mga rosas ang naiwan sa kamay niya.
***
"Akalain mo 'yon, may natira pang lima, pa'no kaya ito? Ah ganito na lang isa sa mommy mo." Inilapag niya ang rosas sa Lapida ni Mrs. Carmela. "At isa ulit sa daddy mo..." Ganoon din ang ginawa niya kay Mr. Javier.
"At sayo syempre tatlo, ahm kasi... ah e, basta tatlo para sayo. Ha ha ha, nakakabaliw naman itong ginagawa ko pero para sayo Czarina kahit gawin ko ito araw-araw malaman mo lang na gagawin ko ang lahat para makamit ang hustisyang nararapat sa buong pamilya mo," usap ni Caleb sa sarili.
Trice a week niya ito kung gawin, parang ito na rin ang panata niya para sa dalaga para makabawi sa lahat ng kakulangan nila dahil wala sila sa tabi ng mga ito ng mangyari ang krimen.
"May good news ako sayo Czarina, alam mo bang tukoy na namin kung saan matatagpuan si Jovit at inihahanda na namin ang pagdampot sa kaniya. Umaasa ako na ito na ang susi para magpatuloy sa mabilisang pag-usad ang kaso n'yo."
Isang pangako na muli na naman niyang binitawan sa harap ng puntod ng inaakala ng lahat na si Czarina.
"Sana talaga matapos na ang lahat. At kung buhay ka lang sana Czarina..."
Makikita sa mga mata ng binata ang nadaramang lungkot pero hindi ito lubos maunawaan nang nakatanaw na si Czarina, bakit kailangan mag-effort ng ganoon iyong weirdong agent na 'yon, gayong hindi naman talaga sila naging close ng sobra. Yah may time talaga na madalas silang nagkakasama ng sila lang but for her it's meaningless. Pero sa mga nasaksihan niyang kilos ng binata kanina parang naramdaman niyang tila nabawasan ang mabigat niyang dalahin sa isip at sa kaniyang puso.
Kung pwede lang makipagkita sayo para sabihing buhay ako ay gagawin ko pero sa ngayon hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino, sapat na si Uncle Miggy para magtagumpay ako... Bulong niya sa sarili.
At dahan-dahan na ngang naglakad palayo sa lugar si Czarina habang hindi pa siya napapansin ng binata. At saka gutom na rin naman siya kaya kailangan din niyang lagyan ng laman ang kanina pang kumukulo niyang tiyan.
Malayo na si Czarina sa lugar nang makatanggap siya ng phone call mula sa Uncle Miggy niya.
"Yes Uncle?"
"We're on our next target Czarina, prepare yourself..." masiglang panimula ni Miggy sa kaniya.
"Sino na po ang isusunod natin?" tanong niya.
"Jovit... Jovit Tansingco, ang anak-anakan ni Mayor Tansingco at hawak ko na ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan niya. Kailangan nating maunahan ang mga pulisya. Kaya get ready as soon as possible." Halatang nakangiti pa si Miggy habang nagbibigay ito ng impormasyon mula sa kabilang linya.
Pagkasabi ng impormasyon sa kaniya ng Uncle niya ay agad ibinaba ni Czarina ang phone niya. Lumingon muna siya kung saan niya nakita si Caleb na nakatayo sa harapan ng puntod ng mga mahal niya sa buhay.
"Mom... Dad... para sa inyo ang gagawin kong ito. At sayo rin weirdong Agent. Teka? Ano nga ulit ang pangalan niya? Hmmn-- teka? Ahh! Ian Caleb Zembranon. Salamat Agent Caleb."
Hindi niya maiwasang gumuhit ang katiting na ngiti mula sa kaniyang labi. Dahil sobrang napagaan talaga ng agent na 'yon ang bigat na dala-dala niya.
Sa ngayon kailangan niyang mas tumapang at mas tumibay pa ang loob para sa susunod nilang target at para sa susunod na namang kasalanan na pagpaplanuhan niya.
Jovit Tansingco... Ipaparamdam ko sayo ang sakit na idinulot mo sa pamilya ko at lalo na sa akin!
Mas tumindi ang galit niya ng ipadala sa kaniya ng uncle niya ang larawan ng target nila. At hinding-hindi niya malilimutan ang lalaking nasa larawan. Ito lang naman ang nanakit sa kaniya at sa mommy niya noon. Nanggagalaiti pa ang mga ngipin niya habang nakatingin siya sa cellphone niya.
Isang makahulugang ngisi ang huli niyang binitawan. Isang nakakakilabot na ngiti na tila nagnanasa sa isang masalimuot na tagumpay.
***
To be continued
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com