Chapter XIV - A ✔
"Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng pulisya ang isa na namang babae na di umano'y dinukot ng mga armadong lalaki noong araw ng lunes sa may kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Ayon sa mga nakasaksi...." pag-uulat ng isang babae mula sa telebisyon na kasalukuyang pinapanood ni Caleb at ng grupong kasama niya na naka-assigned sa kasong Javier Massacre.
"Sobra na talaga ang pagkakahalang ng mga bituka ng mga tao ngayon," pahapyaw na komento ni Arthuro sa pinapanood nila.
Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanila si Chief Montaro hudyat na magsisimula na ang meeting nila. Kasunod nitong pumasok si Colonel Kathy.
"Ang ganda at sexy talaga ni ma'am Kathy 'no?" bulong ni Arthuro sa kalapit na si Caleb.
"Tumigil ka nga diyan, kaya minsan ang hirap ibigay sayo ang boto ko para sa kapatid ko ng dahil sa mga paganyang banat mo e," saway ni Caleb sa kaibigan.
Natigil lang ang pag-uusap nila nang magsalita si chief Montaro, "Hanggang ngayon pala ay wala pa rin silang lead sa mga taong nasa likod ng pandurukot na iyan. Ilang linggo na rin nagbibigay takot sa mga kababayan natin ang kasong iyan!" naiinis na puna ni Chief Montaro sa pinapanood ng mga kasama niya sa kwarto. Matapos ay in-off na rin ng isa sa mga kasamahan nilang naroon ang tv.
"Kaya nga po sir, habang tumatagal ay palala ng palala ang mga krimen ng ginagawa nila, hindi na biro ang dami ng bilang ng mga nawawala," dagdag-komento ng isa sa kanila.
"Anyway! Lets move on to our agenda for this meeting. Kailangan nating maging maingat sa plano nating pagdakip kay Jovit Tansingco. Kathy, show them the full details we had," utos ni Montaro.
May iniabot si Kathy na isang blue envelope kung saan nakalagay sa loob nito ang detalye ng kanilang mga posibleng gawin upang madakip ang isa sa maaring magbigay ng linaw sa Javier Massacre.
Kinuha ito ni Caleb at sabay-sabay nilang inaral ng mabuti ang lugar ng pinagtataguan ng kanilang puntirya. Kasama rin nila sa meeting ang ilang miyembro ng kapulisan at mga PDEA dahil may nagtimbre sa kanila na may ilang nakaimbak ng mga droga ang di umano sa lugar nang pinagtataguan nito.
***
Samantala....
(Somewhere in Mabitac Laguna national road)
"I'm on my way Uncle, may dinaanan lang ako," paliwanag ni Czarina sa tiyuhin niya. Nakasalpak sa tainga niya ang earphone at kinakausap ang Uncle Miggy niya. Binabaybay niya ang mahabang kalsada at magubat na daan sa Mabitac Laguna.
"Saan ka nagpunta Hija?" tanong ni Miggy mula sa kabilang linya.
"Remember my Red scarf? I think nakalimutan ko ito during my operation kay Luke Olivarez. Kaya bumili ako ng another scarf sa may mall na nadaan ko. Pakiramdam ko kasi nandito ang swerte ko," paliwanag ni Czarina. Hinawakan niyang muli ang scarf na ngayon ay nakapulupot na sa kaniyang leeg.
Minamaneho niya ang isang black SUV papunta sa lugar kung nasaan ang target nila ngayon.
Halos pa zigzag ang daan papunta sa secret townhouse di umano'y pinagtataguan ni Jovit. Halos kaunti lamang din ang nakikita niyang nakatira dito base sa mga nadaanan na niya kanina, ang ilan nga sa mga bakante at malawak na lupain na nadaanan niya ay may signage na government property.
"Ganoon ba, sige Hija. Madaliin mo na lang para maunahan natin ang mga pulis dahil for sure naghahanda na rin sila sa operasyon na kanilang gagawin," paalalang muli ng tiyuhin niya sa kaniya.
"I know Uncle"
"Don't forget, kapag may checkpoint kang makakasalubong. Mag pakasimple ka lang. Maging Casual na driver na nadaan lang dyan sa ruta na iyan dahil ayon sa nalaman ko, hindi grupo ng mga kapulisan ang mga iyan kundi tauhan ni Tansingco at ng two headed snake. Sinadya nilang maglagay ng checkpoint dyan para maagapan at mabigyan ng babala si Jovit kung sakaling may mga pulisya na dadaan dyan. Ikaw na ang bahalang dumiskarte Czarina, alam mo na ang gagawin, just make sure nobody can notice and found out who you are. Make this one another perfect plan for us..." paalala ni Miggy.
"Copy, I think nasa harapan ko na sila. Tatawag na lang ulit ako." Pagkasabi nito ay in-off na muna niya ang kaniyang phone, dahan-dahan niyang hininto ang sasakyan at binuksan ang bintana. Tama ang Uncle niya, may checkpoint nga sa lugar at nakasuot pa ang mga ito ng uniporme ng pulis at higit sa lahat, armado rin sila ng mga baril.
"Ahm miss, saan po ang tungo n'yo?" tanong ng lalaking lumapit sa kaniya pagkabukas niya sa bintana ng kotse niya. May nakaburda na name sa uniporme nito. Pasimple itong binasa ni Czarina.
Cruz, Jaime
May nakasukbit din na armalite ang lalaki.
"Ahm sir... tama po ba itong dinadaanan ko. Pupunta ho sana ako sa Pililia para kitain ang mga kamag-anak ko. Heto ho 'yong address." Mas pinalambing pa ni Czarina ang tinig niya. May inabot siyang mapa sa lalaking may pangalang Jaime Cruz. Isa ito sa mga pinadala ni Miggy sa kaniya bago niya umpisahan ang misyon niya.
"Ganoon ba? Oh sige sandali lang, Mar!"sigaw ng lalaki sa isa niyang kasamahan na nakatayo malapit sa may karatulang 'Please Slow Down Checkpoint', agad din naman itong lumapit sa kanila. May nakasalukbit din na baril sa kaniya at nakasuot din ito ng pulis uniporme.
"Dito ba ang daan papunta sa Pililia?" Alangan na tanong ng lalaki sa nagngangalang Mar. Malakas ang kutob ni Czarina, hindi tagarito ang mga taong iyon. May posibilidad na tama ang uncle niya, na mga nagpapanggap lamang ang mga ito. Dahil kung pulis man sila ng Laguna ibig sabihin alam din nila ang mga lugar na nakapalibot at pasikot-sikot sa buong laguna. Maliban na lang siguro kung dayo lang sila sa lugar. Nagkatinginan pa ang dalawang lalaki bago sumagot ang isa sa kanila kay Czarina.
"Ha?Ah Oo, diretsuhin mo lang iyan miss. Teka, baka gusto mo nang maghahatid sayo?" alok ng lalaki na tila may ibang nais ipakahulugan.
"Naku huwag na ho Sir, ayokong makaabala sa trabaho ninyo. I really wanted to have a little conversation with you but I reallt have to go, gustong-gusto ko na kasi makita mga kamag-anak ko e. Para naman makabawi ako sa kanila." Binigyan pa ni Czarina ang mga ito ng matamis na ngiti.
"O sige ma'am enjoy your road trip. Ah suggestion lang ho ma'am manatili lang ho kayo sa national road at wala po kayong magiging problema. May ilan ho kasi dyan na under construction ng government natin, pagpasensiyahan n'yo na kung makakaabala man ito sa inyong byahe, basta dire-diretso n'yo lang ang pagbabyahe ninyo Ma'am. Huwag na rin ho kayong magpakaabala na gumamit ng mga detour o lumiko sa mga shortcut dahil maging ang mga iyon ay under renovation din ho, baka mas matagalan lamang kayo sa inyong pagbabyahe," paalala pa ng lalaking may pangalang Cruz.
"Sure! Thanks sa paalala!" pagkatapos ay isinara na niya ang bintana at tumawid na sa check point na 'yon at ipinagpatuloy ang pagda-drive.
Nakikita pa rin niya ang mga ito sa salamin habang nakatanaw sa kotse niya na tila nagkakatuwaan sa kung anuman ang pinagbubulungan nila.
Nakailang liko pa si Czarina hanggang sa mapansin niya ang isang sign board sa nakasangang daan na binabagtas niya. Muli niyang tinawagan ang Uncle niya.
"Uncle, nandito na ako." Tukoy niya sa lugar kung saan nakalagay ang sign board. Binasa niya ito ng malakas,
"ROAD CLOSE / Dead End (under Government renovation)"
Sinagot naman siya ni Miggy, "Exactly, sinadya nila iyan para walang magtangkang pumasok sa kanilang teritoryo. Dumiretso ka lang at pasukin ang lugar na iyan and don't forget to put our survelliance Camera Okay. Para mabantayan kita habang nasa loob ka ng teritoryo nila."
"Okay..."
Bumaba muna siya para igilid ang nakaharang na signages, bumalik sa kotse at saka pinaandar ito papasok sa loob ng makipot na kalsada. Muli rin siyang bumaba at ibinalik sa dati ang signages para walang makahalata na may pumasok doon.
"Before you leave make sure na nailagay mo na sa tago ang survelliance camera malapit dyan, gusto kong mamonitor kung may iba pa bang papasok diyan bukod sayo para mabigyan din kita agad ng babala," muling paalala sa kaniya ng Uncle niya.
"I'm Done, nailagay ko na. Papasok na ako sa loob," pagkasabi nito ay bumalik na si Czarina sa kaniyang kotse at muli itong pinaandar palayo sa lugar.
Sadyang malayo ang Town house mula doon sa main road, hindi mo nga aakalain na may malaking bahay pala ang nagkukubli doon. Hindi samentado ang kalsadang binaybay ni Czarina. Napapalibutan din ang buong lugar ng mga puno. Medyo pababa ang nagsisilbing daanan patungo sa isang mansyon na ngayon ay natatanaw na niya. Hindi na niya pinalapiy pa sa mansyob ang kaniyang kotse at nagpasyang maglakad na lang papalapit sa gate.
Bago bumaba ng kotse, mabilis niyang hinubad ang dress na suot. Bago pa man magsimula ang misyon niya ngayong araw ay suot na niya ang isang black at fitted na outfit ng sa gayon ay wala siyang masayang ng oras. Her outfit is perfect para makakilos siya ng magaan at walang maging sagabal. Ang suot na hills kanina ay mabilis niyang pinalitan ng isang black na boots. Syempre, hindi niya pwedeng hindi isama ang kabibili pa lamang niyang pula na scarf. Inayos niya ang pagkakaikot nito sa kaniyang leeg at ngayon handa na niyang gawin ang trabaho niya.
Dinala ni Czarina ang mga bagay na makakatulong sa kaniya, ilang mga modern improvise explosive device, dalawang pistol na nakalagay sa magkaibang gun belt sa kaniyang dalawang hita at isa pang gunbelt na nasa kaniyang beywang. May baon din siyang shotgun kung saka-sakaling may maganap na di inaasahan, inilagay niya ito sa kaniyang likuran. Para sa kaniya sapat na ang mga kagamitang iyon para maitumba na niya ang target.
May maliit din siyang belt bag kung saan nakalagay naman ang maliliit na bagay na malaki ang maitutulong sa kaniya. Nai-turn on na rin niya ang kaniyang earings para makipag-communicate sa kaniyang Uncle.
Hindi naman ganoon katataas ang mga pader, kaya naman niyang akyatin lalo na at may mga puno na nakapalibot sa buong pader.
Nang akayatin ni Czarina at marating ang mataas na bahagi ng puno malapit sa pader dahan-dahan muna niyang inobserbahan ang buong lugar . Nanatili siya doon at may kinuha na maliit na device na parang isang maliit na Ipad sa kaniyang maliit na bag, may nai-connect siya rito na isang Usb para maka-connect din siya sa satelite ng Uncle niya at maibigay sa kaniya ang impormasyon ng buong lugar.
Ngunit bago mangyare 'yon, kailangan niya munang mailagay sa mataas na lugar ang isang Mini satelite na dala niya, halos kasing laki lang ito ng isang CD case.
"Uncle... Pwede na siguro dito sa punong kinatutungtungan ko? Sa palagay mo?" tanong niya habang nasa kabilang linya pa rin ang Uncle niya.
"Its perfect Hija, konti na lang at makukuha ko na rin ang detalye ng buong lugar. Waiting... Ok... Downloading... Downloading.... Saving and gotcha! Okay sweetie you can do your job now. Make it safe and clear okay sweetie?"
"Tsk, sure," nakangiting sambit ni Czarina. Sinilip niya muna ang nasa ibaba ng kabilang pader. Doon ay nakita niya na may limang dog house.
"Uncle you know how much I love dogs right? But I have to this..." aniya.
"I know sweetie but you have to, patutulugin mo lang naman he he, and there's nothing wrong with that. Lets give them a very sweet dream." Pagkarinig nito ay may kinuha ulit si Czarina mula doon sa belt bag niya, isang asul at maliit na bola. Inihagis niya ito sa ibaba kung saan may limang dog house.
Ilang saglit lang ay nagsilabasan na ang mga asong naroon, hindi alintana ng mga ito si Czarina na nasa itaas ng puno. May limang lahing aso ang siyang lumapit sa bolang inihagis niya, inamoy-amoy muna nila ito. Samantala, pinindot ni Czarina ang isang control device na hawak niya dahilan para may lumabas na usok mula bola at nang maamoy ito at nagsimula nang magbagsakan isa-isa ang mga aso at nawalan na ng malay.
Hinayaan muna ni Czarina na mawala ang usok bago tumalon papasok sa teritoryo ng kalaban. Nang makababa ay agad siyang dumiretso sa unang cabin na nakita niya. Dahan-dahan niyang tinignan kung may mga tao na naroon. Binuksan niya ang maliit na tarangkahan na iyon, sa tingin niya'y isa ang lugar na iyon sa mga imbakan ng mga paraphernalia sa paggawa ng mga ipinagbabawal na gamot. Nagpatuloy siya sa pagpasok sa loob. Hanggang sa humantong siya sa isang pintuan. Binuksan niya ito at nagulat siya sa kung ano ang nilalaman nito.
Siyam na mga kababaihan ang naroon, mga nakaupo at para bang takot na takot. May Triple deck doon na nagsisilbing higaan nila. Sa palagay ni Czarina, nasa edad katorse hanggang sa bente singko pa lamang ang mga ito.
"Shhhh! Huwag kayong mag-alala," bulong niya sa mga ito. Pero kita pa rin sa mga mata ng mga ito ang masidhing takot ng mga ito sa kung sinuman ang papasok sa silid ng kinaroroonan nila.
"Si-sino ka?" tanong ng pinakabata sa kanila. Subalit nginitian lang ito ni Czarina.
Sa halip na sagutin ay nagtanong siya, "Nakikilala n'yo ba kung sino ito?" Ipinakita ni Czarina ang larawan ni Jovit, tumango naman ang mga ito sa kaniya bilang sagot sa kaniya.
"Ang hayop na iyon pati ang mga kasamahan nila. Sila ang dahilan kung bakit kami napunta sa ganito. Kung hindi ka isa sa kanila ngayon mo patunayan sa amin. Patakasin mo kaming lahat dito," saad ng sa tingin ni Czarina ay pinakamatanda sa kanila.
"Ang totoo niyan isang bagay lang ang pinunta ko rito, at iyon ay patayin ang lalaking iyon. Hindi ko obligasyong tulungan kayo. Pero kung gusto ninyo talagang makaalis dito, huwag kayong gumawa ng ingay at tulungan ninyo ako. Sang-ayon ba kayo?"
Nagkatinginan pa ang mga ito sa isa't isa bago tumango at sumang-ayon sa sinabi ni Czarina.
"Hey Sweetie, magtago ka may paparating based on what I am seeing right now here in my monitor," babala sa kaniya ni Miggy
"Okay..."
Muling humarap si Czarina sa mga babaeng kausap niya, "Kagaya ng sinabi ko, kung tutulungan ninyo ako, matutulungan ko rin kayo dahil sa gagawin ko. Huwag kayong maingay dahil may paparating, kailangan kong maitago ang sarili ko, hindi dapat nilang malaman na nandito ako," pagkasabi nito'y tinulungan pa si Czarina ng mga ito para maghanap ng matataguan. Wala silang ibang mahanap na mapagtataguan bukod sa ilalim ng kanilang triple deck na higaan.
"Ate ganda dito po..." turo ng batang babae. Agad na tinungo iyon ni Czarina at pumailalim. Muling nagsama-sama at nagturumpukan sa iisang lugar ang mga babaeng iyon. Bumukas ang pinto at isang lalaking armado ng baril ang bumungad sa kanila.
"Kailangan ngayon ni boss ng babaeng magpapaligaya sa kaniya!" saad nito sa kanila sa mataas na tinig. Kita ni Czarina ang takot sa mukha ng kaawa-awang mga babae. Wala silang magawa kundi ang matakot, ni hindi nila magawang lumaban.
"A-ako... ako na lang!" pagboboluntaryo ng pinakaate sa kanila. Kusa itong lumapit sa lalaki pero ipinagtulakan lang siya nito.
"Hindi ikaw ang gusto ni boss. Umalis ka dyan! Ikaw! Sumama ka sa akin!" Hinablot ng armadong lalaki ang isang babae na sa tingin ni Czarina ay nasa edad disi-otso pa lamang. Nagpupumiglas ito, tinutulungan naman siya ng mga kasamahan nito.
"Huwag po! Huwag! Maawa po kayo huwag po!" iyak ng dalagita habang hinahatak na siya ng lalaki palabas sa kwartong iyon. Kahit naman manlaban sila wala pa ring mangyayari dahil may baril ang lalaking 'yon. Isinara na muli ng dalawa pang armadong lalaki ang pintuan. Dito na lumabas si Czarina sa kinatataguan niya.
"Ganito ba ang ginagawa sa inyo?" sabi niya sa galit na tinig. Iyak na lang ang isinagot ng mga babae sa kaniya. Dahil sa nangyari mas umigtint ang galit na nadarama ni Czarina ngayon.
"Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat papatayin ko ang hayop na lalaking iyon at ang lahat ng may pakana nito." Nagngangalit ang mga ngipin ni Czarina nang bitawan niya ang mga katagang iyon.
***
To be continued
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com