Chapter XIV-B (editing)
Pagkalabas niya sa bodegang iyon ay dumiretso na si Czarina sa itinuro sa kaniya ng uncle niya. Inaalalayan siya ni Miggy sa bawat dadaanan niya papalapit doon sa mismong tahanan ng target nila.
Kitang-kita ni Miggy mula sa monitor niya ang kabuuan ng lugar sa tulong na rin ng satelite at modernong kagamitan na sadyang inangkat nila sa ibang bansa.
Unang binagtas ni Czarina ang malawak na bakuran ng lugar.
"Sweetie, may bantay malapit sa'yo, sa may unahan mo bandang kanan. Don't worry isa lang naman siya, sisiw na sisiw sa 'yo." Ngumiti lang si Czarina sa paalala ng kaniyang Uncle.
Dahan-dahan siyang lumapit sa lugar na tinutukoy ng tiyuhin. At doon ay nakita nga niya ang isang lalaki na abala sa pagsindi ng kanyang yosi, nakasalukbit sa balikat nito ang isang uri ng baril.
Kinuha niya ang kaniyang pulang scarf at saka isinakal sa lalaki, hinigpitan niya ang pagkakaikot sa leeg nito. Hindi na nakapalag pa ang bantay dahil na rin sa bilis at pagkabigla, mahigpit itong pinilipit ni Czarina at hindi binitawan hanggat hindi ito natatapos sa pagpalag.
Ngunit dahil sa lalaki ito ay nagawa pa rin nitong makawala mula sa pagkakasakal sa kaniya ni Czarina. Nang makatakas ang lalaki ay agad niyang tinanggal ang pagkakasalukbit sa kaniya ng baril at tangkang papuputukan si Czarina pero naagapan ito ni Czarina.
Bago pa man pumutok ang baril sa kaniya ay sinipa agad ni Czarina ang baril kaya tumalsik ito palayo sa kanila. Walang nagawa si Czarina kundi ang makipagbuno sa lalaki. May alam naman siya sa pisikal na pakikipaglaban sa tulong na rin ng Uncle niya.
Unang umatake ang lalaki pero mas handa si Czarina sa ganitong pagkakataon, nagawa niyang dipensahan ang sarili. At nagkaroon siya ng pagkakataon na mapabagsak ang kalaban ng sipain niya ito sa maselang parte ng kaniyang katawan.
Namilipit sa sakit ang lalaki. Kasabay naman nito ang pagbunot ni Czarina ng isang pistol na may silencer, nakalagay ito sa beywang niya. Mabilis niyang naitutok ito sa mukha ng lalaki. Napahinto naman sa pamimilipit ang lalaki nang mapansin ang baril.
"Any last words?" sarkastikang tanong ni Czarina.
"Huwag mo a-akong papatayin, m-may pamilya pa ako," nauutal na litanya ng lalaki habang napapailing at nakataas ang dalawang kamay.
"Ganoon ba, don't worry I will send my condolence to them."
"Huwag!"
Hindi nagdalawang-isip si Czarina na kalabitin ang gatilyo sa hawak na baril at sa halip na sa ulo patamain ay itinapat na lamang niya ang baril sa dibdib ng lalaki. Ipinikit niya muna ang kaniyang mga mata at saka muling nagbitaw ng dalawang sunod-sunod na putok na agad namang ikinamatay ng lalaki.
Ako rin, may pamilya pa noon, pero hindi sila nagdalawang-isip na paslangin ang mga ito. Bulong niya sa sarili.
Pagkatapos maitago ang patay na katawan ng lalaki ay agad na tinungo ni Czarina ang bahay kung saan naroroon si Jovit. Isa-isa niyang pinagbabaril ang mga bantay na nakita niya, walang kamalay-malay ang mga ito sa mga mangyayare sa kanila. Sa tulong ng silencer ay naitumba ni Czarina ang mga nagbabatay sa labas nang walang nagagawang ingay o walang nakakahalata. Hindi naman ganoong karami ang mga nagbabantay sa lugar.
Pagkatapos malinis ang kalat sa ibaba at mailagay sa ilang parte ng bakuran ang mga improvised explosive device na bitbit ay saka lang siya nakapasok ng tuluyan sa loob ng bahay at ginawa ang sumunod na plano.
Kulay puti ang karaniwang kulay ng mga dingding at mga kagamitan, nakakabaliw para kay Czarina. Inakyat niya ang second floor ng bahay at pumasok sa unang pintuan. Doon niya nakita ang babaeng kinuha kanina sa bodega. Sinenyasan niya ito na huwag gumawa ng anumang ingay.
"W-wala pa siya rito, n-nasa kabilang kwarto siya. Doon sa may dulo," nanginginig at natatakot na sambit ng dalagita sa kaniya.
"Perfect..."
Kinuha itong pagkakataon ni Czarina para isagawa ang plan B nila.
"Okay sweetie, it's showtime! Any request song?" saad ni Miggy mula sa kabilang linya.
"Nah, who cares?" mabilis na tugon ni Cazrina.
Sa loob lamang ng tatlong minuto ay natapos ni Czarina ang setup na naayon sa plano nila. Ilang saglit lang ay naramdaman niyang may paparating na sa silid na kinaroroonan nila. Agad muna siyang nagtago sa likod ng pintuan at inihanda ang sarili. Nanahimik naman ang babae at hindi nagpahalata na may kasama siyang iba sa kwartong iyon.
"Ikaw babae! Ayusin mo ang magiging trabaho mo. Bad trip ngayon si Boss at huwag mo ng dagdagan pa 'yon dahil maniwala ka sa akin, hindi magdadalawang-isip iyon na patayin ka! Nauunawaan mo ba?" galit na bungad ng isang lalaki na pumasok sa silid. Bakas naman sa mga mata ng babae ang takot at kabang nadarama nito.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Czarina at ikinasa niya ang baril na kanina pa pala nakatutok sa ulo ng lalaki, agad naman itong narinig ng lalaki at kita rin sa mga mata nito ang pagkagulat. Namumuo ang mga pawis nito ng tangkain niyang lingunin at alamin kung kanino nagmula ang pagkasa ng baril na iyon mula sa kaniyang likuran.
"Hep! Gusto mo bang tumagos dyan sa ulo mo ang bala nitong baril na hawak ko?" pagbabanta ni Czarina. Napahinto naman ang lalaki at dahan-dahang itinaas ang dalawa nitong kamay senyales ng kaniyang pagsuko.
"S-sino ka, paano ka nakapasok dito?" tanong ng lalaki habang nakataas pa rin ang mga kamay nito.
Dahan-dahan naman lumapit sa kaniya si Czarina at idinikit ang nguso ng baril sa batok nito na nagbigay lalo ng kaba sa nakatalikod na lalaki. Halos pagpawisan ito sa kaba.
"As if naman na maganda ang depensa ninyo rito, kahit ligaw na bata ay kayang makakapasok dito ha! Don't worry pahahabain ko pa ng kaunti ang buhay mo kung susunod ka sa mga sasabihin ko."
***
"Anak ng-- Anong kalokohan na naman ang pinagkakaabalahan ni Vincent at napakatagal niyang bumalik," galit na sambit ni Jovit. Ang tinutukoy niya ay ang lalaking katiwala niya na inutusan niyang kumuha ng babae na magpapaalis sana ng init ng kaniyang ulo. Pero mas umiinit pa lalo ang ulo niya sa tagal na pagbalik nito.
Kaya nagpasya si Jovit na puntahan na lang niya mismo, dahil sa totoo lang, naiinip na siya ng sobra. Nakakunot ang noo niya nang puntahan ang silid na alam niyang kinaroroonan ni Vincent. Nakasara ang pinto ng abutan niya ito.
Mula sa kinatatayuan ni Jovit ay nakaaninag siya mula sa ibabang bahagi ng pinto na tila may anino ang siyang nagpaparoo't parito mula roon sa loob. May pakiramdam siya na may hindi magandang nangyayare sa loob. Inihanda niya ang kaniyang baril, malakas ang kutob niyang may hindi tama.
Binuksan niya ng dahan-dahan ang pinto at doon nakita niya ang tauhan niya na nakatayo sa may kanang bahagi ng kama; malapit sa may pintuan na patungo naman sa terraces ng silid na iyon. Samantalang ang babae naman ay nakaupo sa may sulok na bahagi ng kabilang kama malapit sa side table.
"Anong kalokohan 'to? Ang tagal kong naghihintay doon tapos ganito lang ang maabutan ko? Nakatayo ka lang dyan?" sermon ni Jovit sa tauhan niya. Habang maingat niyang ipinoporma ang hawak na baril patungo sa direksyon sa likod ng pintuan. Nararamdaman niyang may iba pang tao bukod sa kanila ang tila nagtatago sa bahagi ng silid na iyon.
Bigla niyang sinipa ang pinto pasara at mabilis na itinutok ang kaniyang baril sa isang-- Pader?
Mali ang kaniyang hinala dahil wala naman palang tao ang nandoon, pero pakiramdam niya talaga ay meron pa silang ibang kasama sa loob ng silid bukod sa tauhan niya at sa babaeng kasama nito. Inisip ni Jovit na baka dala lang ng pagod kaya nakakapag-isip siya ng ganoon.
Ngunit ikinagulat niya ng may maramdaman siyang may kung anong biglang tumutok sa ulo niya, naikasa ito kaya siguradong isa itong baril.
"What the--" Ang pagkainis ni Jovit ay napalitan ng pagngisi. "Huh! Naisahan mo ako roon ah," kalmadong komento nito.
Nakatalikod pa rin si Jovit habang hawak ang sarili niyang baril.
Nagpasya si Czarina na magtago na lang doon sa likod ng isang malaking Cabinet na malapit sa kinatatayuan ni Vincent. Hindi siya agad napansin ni Jovit dahil mas tinuon nito ang atensyon sa likurang bahagi ng pintuan.
"Long time no see Mr. Jovit Tansingco, I just wonder if you could still remember me?" sarkastikang tanong ni Czarina sa kaniyang target.
"How could I say that kung hindi ko man lamang masisilayan ang iyong mukha?" paghahamon ni Jovit. Palibhasa ay nakatalikod siya mula sa taong tumututok ng baril sa kaniya.
"Don't worry, I will allow you to see my face before you die he he, hindi naman ako madamot," dagdag-biro pa ni Czarina.
"You'll kill me? Ha-ha, minamaliit mo ba ako?"
"Hindi naman... para ka lang namang linta na hindi mabubuhay kapag nawala sa poder ng kinikilala mong Ama, hindi ba Jovit? And anytime I want pwedeng-pwede kitang tirisin."
"Nahihibang ka na, hindi mo kinikilala kung sino ang binabangga mo."
"Ilang beses ko pa bang kailangan ipaalala sa inyong lahat? Kaya nga ako nandito para kilalanin kayo isa-isa at burahin sa mundong ito."
"Pwes ngayon pa lang sinasabi ko sayo, kawawa ka. Dahil sa ginagawa mong ito parang humukay ka na rin ng sarili mong libingan kung sino ka man."
"Well, ito ang tandaan mo Jovit Tansingco. Bago mangyari iyon, lahat kayo ay pare-pareho ng nakabaon sa sinasabi mong hukay. Ako mismo ang magbibigay ng malaking reunion sa inyo, doon mismo sa impyerno. Magkita-kita na lang tayo sa impyerno!" Palaban na litanya ni Czarina. Hindi mababakasan ng anumang karuwagan ang mukha niya.
"Vincent! What do you think you're doing? Do your stupid Job here! Don't just stand there!" sigaw niya sa tauhan niya na nananatili pa ring nakatayo. Hindi pa rin ito makakilos sa kinatatayuan niya.
"Kung ako sa 'yo huwag mo siyang piliting umalis sa kinatatayuan niya kung ayaw mong sabay-sabay tayong mapunta agad sa ilalim ng lupa at makipag-meeting na kay kamatayan ng wala sa oras," pagbabanta ni Czarina.
"What the Fuck do you mean?" takang tanong naman ni Jovit.
Agad namang ipinaliwanag ni Czarina ang ibig niyang sabihin."Ang mismong tinatapakan ng tauhan mo ay isang pressed bomb at sa oras na alisin niya ang mga paa niya sa pagkakatungtong sa bagay na iyon. Well I'm sorry to tell you mauuna tayong mapunta sa impyerno nang hindi man lamang natin maisasabay ang ilan sa mga kasamahan mo. Papayag ka ba na gan'on-gan'on na lang matatapos ang buhay mo?"
"Imposible ang sinasabi mo sa akin, dahil ikamamatay mo rin iyon kapag nagkataon. At hindi ka naman siguro nasisiraan ng ulo para gawin ang bagay na iyon, hindi ba?"
"Pwes! You're wrong! Paano kung sabihin ko sa 'yo na wala na sa katinuan itong pag-iisip ko? Ang totoo nga niyan gusto ko na rin mamatay para makita ko na ang pamilya ko."
Sa sinabi niyang iyon ay bahadya na naman nakaramdam ng lungkot si Czarina dahil naalala na naman niya ang kaniyang pamilya.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" seryosong tanong ni Jovit.
''Simple lang naman..."
Hindi itinuloy ni Czarina ang sasabihin niya sa halip ay dinukot niya ang isa pa niyang pistol na nakalagay sa kaniyang hita. Itinutok niya ito roon sa babae na nasa sulok lang at nangangatog sa kaba. Halatang may takot ito mula sa mga nasasaksihan niya.
"Ikaw! Umalis ka na rito at isama mo ang ibang mga naiwan doon sa bodega. At huwag na huwag kayong gagawa ng anumang ingay. Umalis kayo sa lugar na ito ng hindi nagpapahalata." Agad-agad na tumalima palabas ang dalagita. Hindi na siya napigilan ni Jovit, dahil maging sa kaniya ay may nakatutok din na baril.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ang lakas ng loob mong paalisin sila ng wala ang permiso ko,'' galit na reklamo ni Jovit.
Tuluyan ng nakalabas ng kwartong iyon ang babae, nananatili pa namang nakatayo si Vincent dahil na rin sa takot niyang mamatay.
"Ayoko lang silang idamay sa nakaambang panganib sa pagitan natin. So, sabihin mo sa akin! Bukod sa magaling mong Ama, sinu-sino pa ang may pakana sa pag-massacre sa pamilya ko? Sa Javier Family!"
Bahadyang ikinagulat ito ni Jovit, hindi niya akalain na tungkol pala sa Javier ang dahilan ng mga nangyayare sa kaniya ngayon. "You mean? May naka-survived pa pala sa pamilyang iyon? Aba! Napakaswerte mo naman."
Hindi nagustuhan ni Czarina ang sagot ng lalaki kaya hinampas niya ito ng malakas sa pagitan ng batok at leeg gamit ang hawakan ng kaniyang baril.
Napaluhod ang lalaki at ininda ang hirap niya sa paghinga dahil sa pagkakahampas na iyon.
"You gave me a wrong damn answered Jovit. Kung ano ang tinatanong ko, iyon lang ang sagutin mo? Nagkakaunawaan na ba tayo ngayon? Sige, tumayo ka!" giit na utos ni Czarina kay Jovit. Marahan naman itong sumunod.
"Sige simulan ulit natin sa umpisa Jovit, ano ang kinalaman ng kaso ni Miguel Javier sa pagpatay sa buong pamilya niya?" Nakatutok pa rin ang baril ni Czarina kay Jovit.
"Akala mo ba kaya mo akong manipulahin Hah!" Isang malakas na putok muli ang umalingawngaw sa silid. Kasunod ang malakas na sigaw ni Jovit. May tama siya ng baril kaliwang binti nito, kaya naman halos magpagulong-gulong ito sa sakit.
"Oops! Another wrong answered Jovit, kagaya ng sinabi ko kanina. Kung ano lang ang itinatanong ko, iyon lang ang kailangan mong sagutin," naiiritang paalala ni Czarina sa kaniya.
"Damn you bitch! You're dead! You're dead, bitch girl! Such a loser!" bulyaw ni Jovit habang namimilipit sa sakit mula sa tama ng bala sa binti niya.
"Ang tatag mo rin 'no? Hindi ka marunong makinig, kaya siguro pinabayaan ka na lang din ng Ama mo na mabulok dito sa lungga mo. Samantalang siya, ang magaling mong ama. Hayun! Nagpapakasasa sa yaman at kalayaan na meron siya sa kabila ng katarantaduhang ginawa niya. Kawawa ka naman, dahil ikaw lang ang nagsasakripisyo sa mga ginawa niyang iyon! So what do you think? Which among us is the loser now huh Jovit.?" sarkastikang sabi ni Czarina.
Humakbang si Czarina ng tatlong beses palayo kay Jovit at lumapit ng bahadya kay Vincent na hindi pa rin makaalis sa pwesto dahil sa bomba di umano na tinatapakan niya.
"Ahhrrrggg! Wala kang alam sa mga nagaganap sa pagitan naming mag-ama. Walang kwentang babae ka, you don't know anything!"
Hindi nagdalawang-isip si Czarina na iputok muli ang baril niya. Kinalabit niya ang gatilyo ng baril at pinatama sa kanang balikat ni Jovit, sumasagot kasi ito ng hindi naman naaayon sa tanong ni Czarina. Muli na namang namilipit sa sakit si Jovit at tuluyan na itong napahiga sa sahig, dindaing pa rin niya ang sakit mula sa tama ng baril. And this time, nakita na ng tuluyan ni Jovit ang mukha ni Czarina.
"Madali akong kausap Jovit, Nakadipende na ngayon sa akin ang mangyayare sa buhay mo. Ikaw ba ay mamamatay ngayon o magtatagal pa ang buhay preso mo sa lugar na ito?" Naglakad pa si Czarina at tinungo ang teresa ng kwartong iyon. Sinilip niya ang kabuuan ng bakuran.
"Ikaw!? Hindi ba't pinatay ka na namin noong araw na iyon!" tanong ni Jovit ng makilala si Czarina.
Medyo nahimasmasan na ito mula sa pananakit ng kaniyang mga sugat. Nagkalat naman sa sahig ang ilang dugo na umagos mula binti at balikat niya. Sa kabila na iyon, dahan-dahang tumayo si Jovit at naglakad ito papalapit sa nakatalikod na si Czarina, pansamantalang abala ito sa pagmasid sa may kalawakang bakuran.
"... pwes nagkamali kayo noong iniwan n'yo akong buhay. At ngayong buhay ako, gagawin ko ang lahat maipaghiganti ko lang ang pagkamatay ng mga taong mahahalaga sa akin. Sisiguraduhin kong wala akong iiwan sa inyong buhay! Kaya~"
Ngunit ikinagulat ni Czarina na mabilis na nakalapit sa kaniya si Jovit sa kabila ng mga tama nito sa katawan. Nang humarap siya ay halos buong pwersa siyang itinulak ni Jovit dahilan para parehas silang mahulog pababa mula sa terraces na kanilang pinanggalingan. Mabilis ang pangyayare at hindi ito napaghandaan ni Czarina.
Mabuti na lang at ang pinagbagsakan nila ay ang pinagbuklod na mga tuyong dayami. Nabitawan tuloy ni Czarina ang dalawa niyang baril at bumagsak ang mga ito na may isang dipa ang layo sa kanila.
Kahit may tama ng baril si Jovit ay kakaiba pa rin ang lakas na ipinapakita nito. Marahil ay nakalango na ito ng droga bago pa man sila magkasagupaan ni Czarina.
Sakal-sakal pa rin siya ni Jovit. Nahirapan pa rin si Czarina na ibalik ang nawala niyang lakas dahil na rin sa pagkakabagsak nila. Pero hindi siya papayag na manatli sa ganoong posisyon kaya naman nagpagulong-gulong sila. Parehas silang nag-aagawan sa kung sino ang dapat na sa ibabaw.
Ngunit dahil na rin sa may tama si Jovit kaya sa tuwing gugulong sila ay sumasabay ang pagkirot ng mga sugat niya. Nagkaroon si Czarina ng pagkakataon upang itulak ito para mabitawan na siya. At nang magkahiwalay sila, agad na gumapang si Czarina palayo kay Jovit, pero ilang saglit lang ay mabilis na nahawakan ni Jovit ang kanang paa niya at pilit siyang pinipigilang makalayo sa kaniya.
Natanaw ni Czarina sa 'di kalayuan ang dalawa niyang pistol. Ang isa, malayo at imposible na makuha agad habang ang isa naman ay konting effort na lang ay kaya naman maabot.
Ipinadyak-padyak ni Czarina ang kaniyang paa para mabitawan ito ni Jovit. Hindi naman siya nagkamali, dahil nakabitaw ito kaya nagmamadali siyang inabot ang baril na mas malapit sa kaniya. At nang makuha ay agad na itinutok kay Jovit na ngayon ay nakatayo na at palapit na sana sa kaniya, nakakuha agad ito ng dospordos na ipanghahampas niya sana kay Czarina.
Natigil si jovit sa paggalaw ng makitang nakatutok na sa kaniya ang baril na nakuha ni Czarina.
"Ano Jovit! Hindi ka ba talaga napapagod sa buhay mong ito?" tanong ni Czarina.
Maingat na tumayo si Czarina, pinanatili niyang nakatutok ang baril niya kay Jovit.
Dahan-dahang ibinaba ni Jovit ang hawak na dospordos at saka nagpahayag ng damdamin."Ano sa tingin mo? Kahit kailan mananatili na akong ganito. Sa simula't-simula pa lang itinatago na ako sa lahat dahil hindi naman talaga ako isang Tansingco. Napilitan lang silang ampunin ako para ilapit sa publiko ang pamilya nila, para sa ano? Pampulitikong kagustuhan lamang. Ginawa ko naman ang lahat para matanggap nila ako sa pamilya, at heto nga, lahat ng sabihin ni Dad, ginagawa ko, para lang makuha ang loob niya." Dama ni Czarina ang lungkot ng mga pinagdaanan nito sa buhay. Mahirap nga naman patunayan ang sarili lalo na kung hindi naman siya tanggap ng mga taong nakapalibot sa kaniya.
Ikinasa pa rin ni Czarina ang baril na nakatutok kay Jovit para anytime na may maling kilos na gawin ito ay maging handa siya.
"You don't need to prove yourself to them. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo and worst? Mas pinalala mo pa ang sitwasyon mo dahil ngayon tuluyan ka na nilang inilayo sa buhay nila. Hindi mo ba nakikita 'yon. Inilagay ka nila rito, itinago para mabura na rin ng tuluyan sa mga buhay nila," paliwanag ni Czarina kay Jovit na ngayon ay tila nauunawaan na kung ano ang nais iparating ni Czarina sa kaniya.
Oo tama si Czarina, para talaga siyang nakakulong sa hawla kahit na nga sabihin pang suportado siya ng kaniyang Ama. At aminin man niya o hindi, tuluyan na ngang lumayo ang loob ng kaniyang kinilalang ama sa kaniya. Ito rin ang dahilan kung bakit mainit ang ulo niya kaninang umaga.
Nagkabangayan sila ng lolo niya nang sabihin nitong pababayaan na siya dahil napakawalang kwenta niya raw na anak, dahil na rin sa hindi malinis na paggalaw niya noong tinatrabaho niya ang pamilya Javier. Nkapag-iwan pa kasi sila ng ilang ebidensya na maaring magdiin kay Tansingco na siyang ama-amahan niya. Kaya naman halos patayin siya ni Tansingco sa sermon habang magkausap sila sa telepono kanina.
"Jovit... Sabihin mo lang sa akin kung sinu-sino ang mga naging kasabwat ni Mr. Tansingco? At hahayaan kitang makamit ang totoong kalayaan na hinahangad mo. Gusto ko lang malaman mo na anytime, parating na rito ang mga pulis at ikaw ang target nila. Pero kung sasabihin mo sa akin ang mga nalalaman mo, patatakasin pa kita. Maari kang lumayo, malayung-malayo sa buhay preso na ito. Magihging malaya ka na Jovit."
Tuluyan na ngang binitawan ni Jovit ang dospordos na hawak at pilit inuunawa ang kasunduang inilalahad sa kaniya ni Czarina.
"Si Dad? Nagtatrabaho siya sa Big Three..." malumanay nitong banggit.
"Big Three?" tanong ni Czarina. Natatandaan niya ang mga katagang iyon, bago patayin ang mga mahal niya sa buhay ay narinig pa niya iyon. Oo, tandang-tanda niya ang mga salitang iyon. Hinayaan niya ang sarili na makinig sa mga sasabihin pa ni Jovit.
"Ang big three ang siyang namumuno sa two headed snake syndicate, sila ang nangunguna sa pagbebenta ng mga iligal na droga at pagbebenta ng mga kabataan, mapalalaki man o mapababae, dito sa loob at labas ng bansa. At hindi biro ang kinikita nila sa gawaing iyon"
Nagpatuloy si Jovit sa pagsasalita.
"Mahirap silang banggain dahil na rin sa lakas ng kapit na mayroon sa gobyerno, kaya nga hanggang ngayon matatag pa rin sila at walang nagtatangka na pabagsakin sila dahil na rin sa takot"
Sa pagkakataong ito, ay nagtanong na si Czarina. "Sinu-sino naman ang kabilang sa big three na iyon?" Napatingin sa kaniya si Jovit at nagkatitigan sandali ang mga mata nila.
"Ang big three, sa pagkakaalam ko, ito ay binubuo nina, Mr. Adolf Anitohin, Mr. Benedict Alizares at si Migz Arabis."
Samantala, habang binabanggit ito ni Jovit ay nai-r-research na pala ito ni Miggy na kanina pa nag-aabang ng impormasyon sa pagitan ng pag-uusap ng dalawa.
"Good job Czarina, now searching and loading the data sa mga nabanggit niyang pangalan," puri ni Miggy mula sa kabilang linya. Napangiti naman si Czarina nang marinig iyon, ibig sabihin tapos na ang misyon niya sa lugar na ito at isang bagay na lang ang kailangan niyang gawin.
"Jovit... Don't expect na magpapasalamat ako dahil sa mga impormasyong sinabi mo. Pero kagaya ng sinabi ko kanina. Hahayaan kitang makatakas, iisipin ko na lang naging pabaya ako misyong ito dahil nakatakas ka sa mga kamay ko. Sige... makakaalis ka na rito."
Ibinaba ni Czarina ang kaniyang baril habang si Jovit naman ay tila nagdadalawang-isip pa kung tama ba ang narinig niya kay Czarina, na hinahayaan na siya nitong makatakas sa kabila ng kademonyohang ginawa niya sa pamilya nito.
Pinaputukan ni Czarina ang lupang kinatatayuan ni Jovit dahil mukhang wala sa balak nito ang umalis sa kinatatayuan.
"Takbo!!" sigaw ni Czarina.
Halatang ikinabigla rin ito ni Jovit kaya kahit may tama ng baril ay nagpasya siyang maglakad na lang palayo kay Czarina.
"S-salamat!" sabi pa niya ng may ngiti sa kaniyang mga labi. Namintana ang isang pag-asa sa mga mata niya nang titigan ito ni Czarina. Sa halip na matuwa ay ikinalungkot ito ni Czarina, iginilid niya ang kaniyang mukha na para bang nakokonsensiya.
Nagsimula nang maglakad sa kaniya palayo si Jovit kasabay nito ang pagpikit ng mga mata ni Czarina na para bang may magaganap na ayaw niyang masaksihan.
5...
4...
3...
2...
1...
Halos isang minuto pa lang nakakalayo si Jovit ng may matapakan siyang isang bagay dahilan para magkaroon ng malakas na pagsabog sa lugar. Natapakan niya ang isang improvise explosive device na una nang inilagay ni Czarina bago pa man siya pumasok sa loob ng bahay. At ngayon nga ay nagdulot ang pagsabog na iyon ng isang malaking apoy, ito na ngayon ang tinatanaw ni Czarina. Hindi na rin niya makita ang anumang bakas ni Jovit mula sa kinatatayuan nito kanina.
Tuluyan na ngang nabura sa mundo si Jovit at sa simula palang kasama na talaga ito sa plano nila ng Uncle niya. Wala siyang balak buhayin ang mga tao na katulad ni Jovit dahil para sa pananaw niya wala nang karapatang mabuhay ang mga taong katulad niya.
Tandang-tanda pa rin niya ang ginawa nito sa kaniya, si Jovit lang naman ang lalaking nakahuli sa kaniya noong mga panahon na pinapatakbo na siya ng Daddy niya para tumakas. Ito rin ang nanakit sa mommy niya at nagpapatay sa mga ito. Kaya kahit kailan hindi niya magagawang patakasin at patawarin man lamang ito.
"The sound pretty good here." Ang tinutukoy ni Miggy ay ang lakas ng pagsabog na kumitil sa buhay ni Jovit. Nakikipagkomunikasyon pa rin ito sa pamamagitan ng hikaw na suot ng pamangkin.
"But the area here, is pretty bad Uncle," simpleng sagot nito.
Naglakad na palayo si Czarina sa lugar kung saan may malaking sunog na ang nagaganap. Lumilikha na ito ng itim na usok.
"Hey Sweetie, I have a bad news and good news. Which one do you wanna hear first?"
"The Good one..."
"Okay, nakakuha ako ng ticket sa world tour concert ni Mariah Carey na gaganapin sa Mall oF Asia Arena, Yes! And guess what? I got the VIP treatment sweetie," tuwang-tuwa na sabi ni Miggy na tila napapasuntok pa sa hangin sa sobrang galak.
"Uncle you said Good news right, so what the heck is that, nasaan ang good news doon?" naiiritang tanong ni Czarina.
"Oo nga, good news naman iyon ah. Good news dahil magkakaroon ka na ng time makapag-relax pagkatapos ng lahat," paliwanag ni Miggy.
"Ayoko! Okay Uncle, just tell me the bad news na lang, baka sakaling iyan pa ang good news pagdating sa akin," request na lang niya.
Biglang napatingin si Czarina sa kwartong pinagmulan nila kanina ni Jovit. At natatanaw pa rin niya si Vincent na nakatayo pa rin sa kinapupwestuhan nito kanina, napapatingin pa ito sa direksyon niya.
"Okay, Okay hands off na ako sa 'yo Hija. Pero sayang din iyon kung hindi mo pupuntahan, 59k din ang ticket n'on ha."
"Uncle! Just tell me the bad news okay!" iritable ng pigil ni Czarina sa tiyuhin. Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga ng Uncle niya.
"Okay... in less than 25 mins, papunta na rin diyan ang mga pulis. So you better clean up that mess Sweetie and do it as fast as you can."
"Iyon lang ba? Okay. Copy!"
***
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com