Chapter XIX (editing)
Kinagabihan...
Hindi naging mahirap kay Czarina ang pagpasok sa hospital, nagpanggap siyang isa sa mga pasyente at nang makakuha ng pagkakataon ay agad niyang sinimulan ang mga dapat niyang gawin.
"Nasaan na 'yon?" takang tanong ng Nurse pagkakita sa pasyente niyang wala na sa lugar na pinag-iwanan niya.
Isinuot ni Czarina ang nakitang uniporme ng mga nurse sa isa sa mga silid na pinasok niya. Lumabas siyang suot ito at ni isa ay walang nakahalata sa pagpapanggap niya.
Pinuntahan niya ang room na sinabi ni Miggy sa kaniya, kung saan naroon si Mayor Tansingco. Ayon sa nakalap nila, unstable pa rin daw ang sitwasyon nito. Sa 8th floor ng hospital naka-confined ang mayor kasama ang sariling mga Security Guard at ilang kapulisan na naatasang magbantay dahil na rin sa pagtatangka sa buhay niya
***
Samantala...
Katulad nina Czarina, kumikilos na rin ang TWO HEADED SNAKE SYNDICATE, bilang bahagi ng kanilang napagkasunduan. Kailangan madispatsya si Tansingco bago pa man ito makapagsalita.
Aminado naman silang naging palpak ang kanilang unang plano na pagpatay dito pero ngayon ay sisiguraduhin nila na hindi na matatakasan pa ni Tansingco ang kamatayan.
Nagpadala sila ng dalawang tauhan na kagaya ni Czarina ay mapayapa ring nakapasok sa Hospital ng walang nakakahalata.
***
Hawak ang isang notepad na nakita niya ay nagsimulang maglakad si Czarina patungo sa silid na kinaroroonan ng Mayor, wala pa man sa pintuan ay agad siyang nilapitan ng isang pulis na kasalukuyang nagbabantay doon.
"Ma'am? Kayo po ang titingin kay Mr. Tansingco."
"Oho, kailangan ko hong maging updated sa blood sugar niya at sa mga vital organs niya. Kukuha rin ako ng ilang sample para ibigay kay doctor Calmeron," paliwanag ni Czarina.
"Okay lang ho bang makita ho namin ang ID po ninyo?"
"Yes po, here." Iniabot ni Czarina ang Fake ID na inihanda ng Uncle niya para sa misyong ito.
Nakalagay dito na isa siyang lisensyadong nurse ng hospital. Tumingin naman ang lalaki sa isang kasamahan nito na nasa tapat pa rin ng pintuan ng silid ni Tansingco, sinenyasan niya ito at muling ibinalik ang atensyon sa nakangiting si Czarina.
"Ahm sige po, pwede na ho kayong tumuloy ma'am." Nagpa-cute pa ang pulis sa kaniya, ngiti naman ang isinukli niya rito.
Nagsimula si Czarina na maglakad palapit sa pintuan, pinagbuksan naman siya ng lalaking nakatayo roon at nginitian din siya nito.
Matagumpay siyang nakapasok sa silid, pasimple niyang nai-lock ang pinto at agad na tinungo ang kama kung saan nakaratay ang natutulog na Mayor.
Halos magkahalong kaba at galit ang namayani sa puso niya ng lapitan niya si Tansingco. Hanggang sa ang nararamdaman niya ay napalitan ng awa pagkakita sa nakaratay nitong katawan.
Oo naawa nga siya sa kinahantungan ni Tansingco, at the same time napopoot din naman siya dahil ito mismo ang naging dahilan kung bakit nasira ang buong buhay niya at kung bakit ngayon ay nangungulila siya sa pamilya niya.
Kung sa tingin mo kaawaan kita dahil sa sitwasyon mo, pwes nagkakamali ka! You deserved to be on that. After what you've done to us! Kinasusuklaman kita! Sigaw ng isip ni Czarina habang matalim na nakatitig kay Tansingco.
May benda ito sa kaniyang katawan at benda sa kaniyang ulo. May mga lapnos din na umabot ng third degree burn dahil sa pagsabog.
Saglit na napahinto si Czarina nang makita niyang gumalaw ang dalawang daliri nito at nang silipin niyang maigi ang mukha ng mayor, nabatid niya ang pagluha ng isang sa mga mata nito. Hindi niya maipaliwanag pero parang ang galit na dapat ay nararamdaman niya ay unti-unting nababawasan.
No! Hindi mo siya dapat kaawaan Czarina, tandaan mo, nararapat lang 'yan sa kaniya. Dapat nga mamatay na rin siya dahil sa ginawa niya sa pamilya mo. Bulong niyang muli sa sarili. Alam niya kasing may bahagi ng pagkatao niya ang nagtatalo-talo na.
Lumapit pa siya ng bahadya sa kama, laking gulat na lamang ni Czarina ng dahan-dahan naimulat ni Tansingco ang mga mata niya. Naramdaman siguro nito ang presensiya niya.
Napatitig si Czarina sa mga mata nitong nakamulat na. At tanaw niya ang tila pagsisisi ni Tansingco sa lahat ng mga nagawa nito
Naituon ni Tansingco ang kaniyang paningin sa gawing kaliwa niya. May kalabuan ang nasisilayan niya ang alam niya lang, may nurse siyang kasama dahil sa kasuotan nito.
"Uhhhh~" utal niya.
"M-may gusto ka bang sabihin?" tanong ni Czarina.
"Uhhhh~"
Halata na may nais itong banggitin subalit hirap siya.
"Mayor Tansingco~ hindi mo ba ako natatandaan?" Nagpasya si Czarina na ipakilala na ang sarili.
Naglakad siya patungo sa kabilang dako ng kama, sinusundan naman siya ng tingin ni Tansingco, tila unti-unti na ring lumilinaw ang paningin nito. Walang narinig si Czarina na anumang tugon mula rito.
"Ako~ ako lang naman ang isa sa mga pinapatay mo noon~ Na maswerteng nakaligtas. Ang inagawan mo ng masayang buhay, ang inalisan mo ng pangarap, ang pinatay mo ng dahan-dahan sa pamamagitan ng pagkitil sa sarili kong pamilya. Nagulat ka ba? Isa lang naman ako sa nga anak ni Miguel Javier. At alam kong nakikilala mo ako."
Hindi napigilan ni Czarina ang pangingilid ng luha niya dala na rin ng galit na kay tagal niyang inipon sa dibdib niya.
"Uhh~" muling ungol ni Tansingco.
Dahan-dahang inalis ni Czarina ang oxygen sa bibig ni Tansingco na siya namang sumusuporta sa paghinga nito.
"I--ikaw~" bulong nito.
"Oo ako nga, natutuwa ka bang nagkita ulit tayo? Tandaan mo ito, hinding-hindi kita mapapatawad!" Sinubukan ni Czarina na kontrolin ang boses niya, ayaw niyang marinig ng mga nagbabantay sa labas.
"Hey Sweetie, Calm down," pigil sa kaniya ni Miggy na kanina pa pala nakaabang sa kabilang linya.
"Sa ngayon, huwag mo munang pairalin ang pagnanais mong mapatay siya, dahil kakailangan pa natin ang Mayor na iyan. Make sure to do our first goal, get the files on him, Okay?" paalala ni Miggy.
Pinahid agad ni Czarina ang pumatak na niyang luha. Tama ang Uncle niya, walang maitutulong sa ngayon ang galit niya. Kailangan niyang makakuha ng anumang impormasyon mula kay Tansingco.
Pilit na inintindi ni Czarina ang ibinubulong nito, "P-pa--tawad~"
Ngunit hindi pa rin napigilan ni Czarina na maglabas ng saloobin. "Ha!~ As if naman may magagawa ang paghingi mo ng tawad. You already ruined everything! It was all your fault! Kaya hindi na ako magtataka kung pati sarili mong pamilya, iniwan ka na rin! Pinagpapasalamat kong naabutan kitang buhay, masaya akong makita ka sa ganyang sitwasyon at nagdurusa! You deserve it!"
"I know~ but I know its~ its not too late--- to do, w--what is right~" hirap na banggit ni Tansingco.
"Anong ibig mong sabihin?"
"T--they'll kill me soon but I will make s--sure, I will ruin them too, t--the way they did to me."
Hindi masyadong mauunawaan ni Czarina ang nais sabihin ng Mayor dahil sa pautal-utal nitong pagsalita. Pero isa lang ang sigurado siya, tutulungan siya ni Tansingco upang mapabagsak ang mga taong gusto rin niyang mapabagsak.
***
Agad na nilapitan ng isa sa mga pulis na nagbabantay ang dalawang lalaki na papalapit na sa kanila, habang nakatayo naman sa kabilang dulo ng hallway ang mga SG ng Mayor. Naging alerto ang mga pulis dahil na rin sa postura ng dalawang lalaki na may kalakihan ang katawan. Kapwa nakasuot ng sun glasses at naka-leather Jacket ang mga ito, ang isa ay brown at ang isa ay black.
"Mawalang galang na. Saan ang punta ninyong dalawa? Alam n'yo bang this hallway is now a restricted area, bawal na ho itong daanan unless isa kayo sa mga employees ng hospital na ito. May operasyon ang mga pulis dito kaya roon na lamang kayo sa kabilang hallway dumaan," paliwanag ng pulis.
Sa halip na sagutin ay tinignan lang siya ng dalawa. May kutob ang pulis na may iba itong pakay. Kaya inihanda niya ang kaniyang armas at kinuha ang kaniyang radyo, nilapitan naman siya agad ng kasama niya nang mapansin na may hindi tama.
"Anong nangyayare rito, may problema ba?" tanong kasamahan nitong pulis pagkalapit sa kaniya. Subalit ikinabigla nila nang tutukan sila ng baril ng dalawang lalaki at walang anu-ano ay pinaputukan sila. Mabilis silang bumagsak sa sahig.
Naging dahilan naman ito para maalarma ang mga SG na nasa kabilang dulo ng hallway. Agad silang lumapit sa mga ito at kasabay nito ang pagkuha ng sarili nilang mga baril.
Subalit naunahan sila ng dalawang lalaking armado rin pala ng baril, walang habas na pinaputukan sila ng mga ito, palibhasa may silencer kaya wala masyadong nakapansin sa mga nangyare. Agad bumagsak ang apat na SG na palapit na rin sana sa kanila.
Muling ibinaling ng dalawang lalaki ang paningin sa dalawang pulis na ngayon nakalupagi na sa sahig, duguan subalit humihinga pa rin naman ang mga ito. Itinutok ng dalawa ang baril at hindi sila nagdalawang-isip na patayin na ang dalawang pulis.
Agad tinungo ng dalawa ang pintuan ng silid ni Tansingco, pero naka-lock ito sa loob nang tangkain nilang buksan. Hindi man nagsasalita ang dalawa ngunit tila alam na nila kung sa paano sila magkakaunawaan.
Nang makaisip ng ideya ay nilapitan nila ang dalawang pulis na wala ng buhay at hinanap ang swipe card na magbubukas sa kwarto, agad din naman nila itong nahanap. Wala pang isang minuto ay nabuksan na nila ang pinto. Bumungad sa kanila ang may malay ng si Tansingco, nakatingin lang ito sa kanila. Nilapitan nila para sana gawin na ang planong pagpatay dito subalit may matigas na bagay ang humapas sa batok ng isa sa kanila dahilan para bumagsak ito at panandaliang nawalan ng malay.
Nabigla ang kasama nito, bumungad sa kaniya si Czarina na ngayon ay nabitawan na niya ang Oxygen tank na siyang pinanghampas niya sa lalaki.
Hindi nagsayang ng oras si Czarina, agad niyang sinipa ang hawak na baril ng nakatayong lalaki, bumagsak ito sa ilalim ng sofa ang kaya wala ng dahilan pa ang lalaki para muling kunin ito.
Sinugod siya ng lalaki sa pamamagitan ng pagsuntok na kaniya namang naiwasan at nasundan pa ito ng dalawa suntok at lahat ng iyon ay matagumpay na naiwasan ni Czarina, sa kaniyang kaiiwas ay halos sumandal na rin siya sa pader.
Ngumisi ang lalaki dahil alam niyang wala ng mapupuntahan si Czarina. Ngunit hindi papayag si Czarina na manatili sa ganoong sitwasyon, nang suntukin siya ng lalaki ay agad niyang itong nasalo at mahigpit na kinapitan ang braso nito, iniangat niya ang sarili at sa pamamagitan ng pader ay inilakad niya ang mga paa niya rito upang makipagpalit ng posisyon likurang bahagi ng lalaki. Walang nagawa ang lalaki kundi sundan ng tingin si Czarina habang mabilis itong dumadaan sa ibabaw niya.
Napilipit ng bahadya ang kamay ng lalaki, sinundan agad ito ni Czarina ng sipa sa tagiliran, kaya mas lalong namilipit ang lalaki sa sakit at napaluhod. Binitawan ni Czarina ang pagkakahawak niya sa braso nito at kumuha ng buwelo upang sipain naman ang mukha nito.
"Hyaah!"
Isang malakas ng sipa ang halos nagpaikot sa mukha ng lalaki at tuluyan na itong bumagsak. Naagaw naman ng atensyon ni Czarina ang kasamahan nito na unti-unti nang nagkakamalay. Kailangan na niyang umalis sa lugar dahil nakakuha na naman siya ng impormasyon kay Tansingco bago pa man pumasok ang mga ito
Dali-dali siyang lumabas ng silid, bumulaga sa kaniya ang mga nakahandusay na mga bantay at isang nurse na kararating pa lamang, halatang nagulat ito sa mga nakita niyang mga duguang katawan. Napatingin muna sa kaniya ang babaeng nurse na halos hindi na makagalaw. Hindi na ito pinaglaanan pa ni Czarina ng oras, mabilis niyang tinungo ang emergency exit at bumaba ng hagdan. Nang mawala sa paningin ng Nurse si Czarina, nagsimula na rin itong bumaba para humingi ng tulong.
Wala pang isang minuto ay nakalabas na ang dalawang lalaking nakaengkwentro ni Czarina sa silid ni Tansingco. Nakahawak ang mga ito sa mga nanakit nilang kalamanan dahil sa ginawa sa kanila ni Czarina.
"Dali tawagan mo si Boss, sabihin mo may nangealam sa trabaho natin at pagkatapos habulin mo iyong babae! Bilisan mo! Ako na ang bahala kay Mayor, ako na ang tatapos sa pinapatrabaho sa atin dito," utos ng may kalakihang lalaki sa kasama niya.
Sinundan ng kasama nito ang posibleng dinaanan ni Czarina. Samantalang ang isa naman ay bumalik sa silid para tapusin na ang buhay ni Tansingco.
***
Dahil gabi at pribado ang lugar, konti lang din ang tao sa hospital kaya wala pa rin nakakapansin sa mga nangyare sa itaas. Mabilis tumakbo pababa sa hagdan si Czarina subalit nagulat na lamang siya nang makarinig siya ng mga putok ng baril na tumatama sa mga bakal na nagsisilbing hawakan ng hagdanan. At nang sinilip niya ang pinagmulan, agad niyang natanaw ang lalaking binalian niya ng braso kanina, mabilis na pala itong nakasunod sa kaniya.
Kaya mas binilisan pa ni Czarina ang pagtakbo pababa. Ganoon ang naging sitwasyon nila hanggang sa mga sumunod na palapag. Pagdating niya sa 2nd floor ng hospital agad niyang nakasalubong ang dalawang sekyu at sinita siya ng mga ito, pero sa halip na huminto ay nagpatuloy siya sa pagtakbo.
"Hoy! Sandali tumigil ka!" Ngunit ikinagulat nila ng may nagpaputok sa kanila. Mula doon sa pinanggalingan ni Czarina ay napansin nila ang isang lalaki na pababa na rin ng hagdan at may hawak itong baril sa kanang kamay niya. Dito na itinuon ng dalawang sekyu ang atensyon nila, hinayaan na nilang makatakbo palayo si Czarina.
Lumingon sa huling beses si Czarina upang alamin ang kalagayan ng mga sekyu at bago pa man siya makita ng lalaking humahabol sa kaniya ay nakaliko na agad siya sa kabilang hallway kung saan nakaabang na sa kaniya ang isang exit door papunta sa basement ng hospital. Hindi na nakahabol pa ang lalaki sa kaniya dahil sa may dalawa pa ulit na sekyu ang pumasok sa eksena, nakita pa ng mga ito si Czarina ngunit hindi na itinuon pa sa kaniya ang pansin dahil sa mga kasamahan nito na kasalukuyang nakikipagpalitan ng putok sa lalaking humahabol kay Czarina kanina.
"Bitawan mo ang baril mo!" Sigaw ng isang sekyu. Ngunit sa halip na bitawan ay muli nitong ipinutok ang baril kaya walang nagawa ang mga sekyu kundi ang barilin na lamang din ito ng tuluyan. Bumagsak sa hagdanan ang lalaki.
***
"Hey Sweetie, you have to leave there as soon as possible. Look for a safety exist!" paalala ni Miggy sa kaniya.
"Yes Uncle!"
Tinungo niya ang elevator na maghahatid sa kaniya sa basement, may nakasabay pa siya roon na mag-asawa kasama ang anak nitong kambal na base sa obserbasyon ni Czarina ay nasa edad anim na taon pa lamang. Umakto siyang parang walang nangyare at pumwesto sa likuran ng mga ito.
Hindi naiiwasan ni Czarina na maalala ang Mommy at daddy niya pati na sina Sairah at Zoren sa mga ito.
"Mommy kailan po uuwi si Kuya sa bahay?" tanong ng isa sa kambal.
"Malapit na anak, kailangan pa natin siyang ipag-pray. Tutulungan n'yo naman si Mama 'di ba?"
Tumango at ngumiti naman ang dalawang bata. Magkakasunod silang lumabas pagkabukas ng elevator at nagkahiwalay din dahil nagpunta sila sa magkabilang direskyon. May mga sasakyan ang nakaparada sa basement, tahimik at iilan lang ang naroon.
Nagpatuloy sa paglalakad si Czarina at hinanap ang pinaka-exist ng parking lot na iyon. Ikinagulat naman niya nang may nagpaputok sa kinaroroonan niya. Hinanap niyang pinanggalingan at natanaw niya sa di kalayuan ang itim na kotse na ngayon ay palapit na sa kaniya. May lalaki ang nakadungaw sa bintana at hawak nito ang baril na nagtangka sa buhay niya.
Agad naghanap si Czarina ng matatakbuhan at nakita niya malapit sa kaniya ang isang ambulansiya at ang driver nito na nakasandal na tila may hinihintay. Naalarma ito nang makarinig ng putok ng baril. Mabilis itong nakapagtago. Tinungo ni Czarina ang kinaroroonan ng ambulansiya
"Teka! Teka sino ka?" tanong sa kaniya ng lalaki pagkalapit niya rito.
"Takbo!" sigaw ni Czarina sa lalaki. h
Hindi na nagdalawang-isip ang lalaki na tumakbo nang masilayan niya ang papalapit na sasakyan kung saan may dalawang lalaki na ang nakasilip sa bintana at tangay ng mga ito ang isang uri ng baril.
Walang habas na pinaputukan ng mga ito ang kinalalagyan ni Czarina. Mabuti na lamang at naitago ni Czarina ang sarili sa pamamagitan ng ambulansiya. Nang makakuha ng pagkakataon at tinungo niya ang pintuan ng driver seat, mabuti na lamang at naiwan itong bukas ng lalaki, nakita rin niya sa susian ang susi ng sasakyan.
Nang makasakay ay mabilis niya itong pinaandar, inatrasan niya ang isang pulang kotse kaya nasira ang harapang bahagi nito. Mabilis na pinaikot ni Czarina ang ambulansiya at pinaharurot sa pagpapaandar, hinabol siya ng itim na kotse kasabay ang patuloy na pagpapaputok ng mga ito sa kaniya.
Kamuntikan pa niyang mabangga ang papaatras na sana na sasakyan ng pamilyang nakita niya kanina subalit napahinto ang mga ito nang mabilis siyang humagibis sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan.
Patuloy siyang hinabol ng itim na sasakyan. Dinig na dinig ang ingay na nililikha ng sirena ng ambulansyang kanyang sinasakyan. Kaya naman naagaw na rin nito ang atensyon ng security guard na nagbabantay sa exist door.
Nakita ni Czarina ang exist ng parking lot at nakita rin niya ang isang security guard na sinusubukan siyang pahintuin nito. Hindi niya ito pinasin, sa halip mas pinabilis pa niya ang pagpapatakbo sa sinasakyan. Nasira niya ang nagsisilbing harang sa labasan ng parking lot na iyon. Walang nagawa ang security guard kundi ang tumakbo palayo nang mapansin ang itim na kotse na pinaulanan ng bala ang ambulansiya ng hospital nila.
Dahil dito, nabasag ang bintana sa likod ng ambulansiya. Walang nagawa ang sekyu ng dumaan sa harap niya ang dalawang sasakyan, agad siyang humingi ng tulong sa radyo niya.
Nang makalabas ng hospital si Czarina. Agad siyang lumiko sa isang kalsada. Nagpatuloy ang habulan at pagbaril sa kaniya ng itim na sasakyan. Halos lahat ng sasakyang nakaririnig sa sirena ng ambulansiya ay tumatabi para bigyan ito ng daan sa pag-aakalang may emergency kaya hindi nahirapan si Czarina na baybayin ang may kalawakang kalsada.
Hanggang sa ang habulan nila ay umabot sa isang intersection. Kahit naka-redlight na ay mas pinabilis pa ni Czarina ang pagpapatakbo sa minamaniobra niya, makatawid lang sa kabilang kalsada.
Samantala, hindi na nagawang habulin pa ng itim na kotse si Czarina dahil naharang ang dadaanan nila ng isang delivery truck. Tumihil pa ito dahil sa kamuntikan na nilang mahagip ang ambulansiya. Walang nagawa ang mga lulan ng itim na kotse kundi tanawin ang palayo ng ambulansiya sa kanila.
Ikinagulat din nila nang makarinig sila ng mga sirena ng pulis na palapit na sa kanila na agad palang rumisponde pagka-report sa kanila ng mga kaganapan sa hospital kanina.
"Is everthing okay now sweetie?" tanong ni Miggy
"Yes Uncle, I think I lost them." Inihinto ni Czarina ang sasakyan sa gitna ng isang highway, pinatay ang makina at iniwan ito. Wala siyang balak na masundan gamit ang sasakyan.
Hindi pa siya nakalayo ay may humintong sasakyan sa kaniya at bumungad sa kaniya si Darwin, ang kaibigang tinutukoy ng Uncle niya
"Hey! Sakay na bago pa may makakita sa atin." Tumango na lamang si Czarina at sumakay. Pinaharurot ni Darwin ang sasakyan palayo roon sa kinalalagyan ng ambulansiya.
Muli siyang pinuri ni Miggy, "Hey sweetie, Good job!"
Sumabat din si Darwin, "Kamuntukan ka na roon ah, pero mahusay ang ginawa mo." Subalit hindi siya pinansin ni Czarina.
"Ang poproblemahin na lang natin ay ang mga CCTV ng hospital na iyon," paalala ni Darwin.
"Don't worry, Uncle already fixed that. Right Uncle?" Aminado si Czarina na hindi siya komportable sa kabutihang ipinapakita sa kaniya ni Darwin, para kasing may mali na hindi niya matukoy.
Ipinagmayabang naman ni Miggy ang husay niya, "Naman, ako pa! Basta pa-deliver ka ng coffee dito, iyong paborito ko ha!" Hindi rin ito pinansin ni Czarina.
"Bukas na bukas ay pagpipyestahan na ng lahat ang pagkamatay ni Tansingco, teka... may nasabi ba siya sa 'yo na kahit na ano?" basag ni Darwin sa katahimikang bumalot sa pagitan nila ni Czarina.
Hindi na nagsalita pa si Czarina, wala siyang balak sagutin si Darwin. Sa kabila nito ay hindi niya maiwasang malungkot nang maalala niya ang napag-usapan nila kanina ni Tansingco bago pa man dumating ang dalawang lalaking nakalaban niya.
*Flash back
"T--they'll kill me soon but I will make s--sure, I will ruin them too, t--the way they did to me."
"At sa papaanong paraan mo naman iyon magagawa?"
"Ha--hawak ko ang mahahalagang do--dokumento na magdidiin sa ka--kanila, na sila talaga ang pinakamalaking supplier ng iligal na droga. Maging ang mga kliyente at mga kilalang buyers ay hawak ko. Dahil isa ako sa mga nag-aasikaso ng mga iyon para maging ligal." Kahit nahihirapan ay nagawa pa ring sabihin ni Tansingco ang mga nais niyang sabihin.
"Nasaan na ang mga dokumento na iyon?"
"Nasa portrait ng pa--pamilya ko ang dokumento at susi para makapasok ka sa Elmeera bank. Puntahan mo ang bangko na iyon. Huwag kang mag-alala, ang dokumento na makukuha mo sa bahay ko ay kumpleto, magagamit mo ito para pa--payagan kang magalaw ang lahat ng pag-aari kong inilagak ko roon."
Napatango na lamang si Czarina, maya-maya ay narinig nila ang paggalaw ng doorknob at tila may nagpupumilit na pumasok doon. Muling ibinaling ni Czarina ang atensyon kay Tansingco
"Ikaw~ patawarin mo sa-sana ako~" Bakas sa mukha nito ang sensiridad sa paghingi niya ng kapatawaran, nasundan pa ito ng kaniyang pagluha. Ngunit hindi na ito pinansin ni Czarina, sinilip niya kung sino ang nagtatangkang magbukas ng pinto. Nakita niya ang dalawang lalaki na lumapit sa dalawang pulis na ngayon ay duguan na, "kalaban" sa isip niya. Inalerto nya ang sarili, kinuha niya ang Oxygen tank na nakita niya at nagtago sa likod ng pintuan para sa oras na pumasok ang dalawa ay may maipanlaban siya.
*End Of Flash Back
***
To be continued
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com