Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XVI (editing)

Pagkatapos maalalayan ng grupo nina Caleb ang ilang kakababaihan na kanilang nakasalubong ay agad silang dumiresto kung saan nagsisimula ang sunog, ito rin ang lugar na tinutukoy ng mga babaeng nakatakas mula roon.

Nang makarating sila ay bumungad sa kanila ang ilang mga bangkay sa iba't ibang parte sa bakuran ng may kalakihang bahay. Napag-alaman nila na konektado ang mga natagpuang bangkay sa sindikatong binabantayan nila; Ang TWO HEADED SNAKES SYNDICATES, makikilala ang mga miyembro nila sa pamamagitan ng mga tattoo sa kanilang katawan, isa itong simbolo ng ahas na may dalawang ulo.

Tukoy na rin nila ang pinagmumulan ng sunog, nagmumula ito sa likod ng bahay. Tiyak nilang ito ang sumabog kanina, isang bangkay din ang natagpuan nila roon, gutay-gutay ito at sunog.

Maya-maya ay nakita na rin nila sa second floor ng bahay si Vincent, nananatili pa rin itong nakatayo roon.

Ipinagtataka naman ito nina Caleb, kung bakit hindi ito umaalis sa kabila ng pagtatama ng kanilang mga mata.

"Sir, may tao pa ho ang nasa itaas," banggit ng isa.

"Sige, get his identity and make things here clear do you understand?" paalala ni Montaro sa mga kasama.

"Yes Sir."

Pinangunahan ni Caleb ang pagpasok sa loob ng bahay, naging maingat pa rin sila dahil hindi pa nila sigurado kung may iba pa ba ang naroon maliban sa lalaking natanaw nila sa itaas.

Mabilis at masinop ang kilos nila, sinenyasan ni Caleb ang mga kasama na walang problema sa sala at kailangan na nilang tunguhin ang second floor ng bahay.

Nang makaakyat na silang lahat ay nakita nila si Vincent na nakatayo malapit sa may terraces, nanginginig ito at tila kabadong-kabado.

"Taas ang kamay!" Sunud-sunod naman ang pagtutok ng baril ng mga kasama ni Caleb kay Vincent.

"S-sandali! Huwag kayong lalapit. M-may bomba ang tinatapakan ko. At a-a-ayaw ko pang mamatay," nauutal na saad ni Vincent habang marahan nitong itinataas ang kaniyang mga kamay. Nakaramdam naman ng kaba ang buong team ni Caleb kaya bahadyang pinaatras niya ang mga ito.

"Sinong ang nasa likod ng lahat ng ito?" tanong ni Caleb, pero mga iling lang ang isinagot nito sa kaniya.

"Caleb, tignan mo ito!" May itinuro si Arthuro sa kaibigan, ang tinutukoy nito ay ang salamin malapit sa kinatatayuan nila. Nilapitan ito nina Caleb, nanatili naman ang mga kasama nilang alerto. Walang nais gumawa ng hakbang dahil sa badya di umano ng bomba.

Nagkatinginan pa sina Caleb at Arthuro sa isa't-isa nang mapansin ang isang pamilyar na sulat na naroon sa may salamin.

"Letrang J ulit?" takang tanong ni Arthuro. Ginamitan ng pulang lipstick ang pagkakasulat. Isinalukbit nina Caleb at Arthuro ang mga hawak na baril at muling nagkatinginan.

"Ano sa tingin mo Caleb, hindi kaya... isa lang ang may kagagawan nito?" pangungumpirmang hula ni Arthuro.

"Kung ibabase natin sa ginagamit niyang simbolo, maaring isang tao o grupo lang ang may pakana ng lahat ng ito." Hinaplos ni Caleb ang pagkakasulat sa malaking J sa salamin. May kakaiba talaga siyang nararamdam mula sa bagay na ginamit dito.

"I-isa lang siya maniwala kayo!" nauutal na sabat ni Vincent kaya napatingin sina Caleb sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin? Maari mo ba siyang ilarawan sa amin?" mabilis na tanong ni Caleb. Tinuon nito ang buong pansin sa lalaki. Panandaliang nanahimik si Vincent na tila binigyang pansin ang panunumbalik ng isang alaala.

***

Flash back from Vincent view.

"Siya nga pala, huwag kang magtatangka na ipakilala ako sa mga pulis okay? Or else mauunahan ka ng pamilya mo lalo na ang anak mong si Vina sa hukay na inihahanda ko na para sana sa 'yo. Huwag kang magkakamali na mabanggit man lamang ako sa kanila Vincent. Tandaan mo, alam ko kung saan naroon ang pamilya mo at ang malambing mong anak na sa pagkakaalam ko malapit nang mag-birthday, ano nga ulit ang pangalan niya? Vina, right? Hmmn siya ang bunso mong anak, di ba? Ah hindi pala, may mas bunso ka pa palang anak, kaya lang sa ibang ina."

"P-paano mo iyon nalaman? Papaano mk sila nakilala? P-please, huwag mo silang idamay lalo na ang mga anak ko," pagmamakawa ni Vincent.

"Marami akong source Vincent. Don't worry hindi ko sila gagalawin dahil mukhang nagkakaintindihan naman tayo? Tama ba ako ha Vincent? Naiintindihanmo kung ano ang gusto ko?" Kasalukuyan nang idinidikit ni Czarina sa salamin na ilang dipa ang layo kay vincent ang isang sticky notes na sinulatan niya, tapos na rin siyang mag-iwan ng marka na letrang J sa mismong salamin.

"Oo... Oo... p-pangako! Hindi nila malalaman ang tungkol sa 'yo," kabadonh sagot ni vincent. Takot din siyang magkamali ng kilos dahil sa bomba na tinatapakan niya.

"Siya nga pala, kapag dumating ang mga pulis, paki lsabi may munti akong mensahe para sa kanila. Okay?" Nakangiti pa si Czarina sa kabila ng mga naganap na patayan sa lugar na iyon.

Mabilis na mga tango ang isinagot ng binata at kitang-kita sa mga butil butil nitong pwamis ang matinding kaba.

End of his flash back

***

"M-mabilis masyado ang pangyayare at hindi ko na nagawang mukhaan pa ang taong iyon, p-pero may mensahe siyang iniwan sa inyo, d-dyan din mismo sa may salamin."

Muli nilang tinignan ang salamin at doon nga ay may isang sticky note, kinuha ito ni Caleb at tahimik na binasa.

PS. Huwag kayong mag-alala, hindi totoong bomba ang tinatapakan niya. Gusto ko lang mahuli n'yo siya ng buhay, mga pagong na pulis! Siya nga pala na dispastya ko na rin si Jovit Tansingco! Huwag na kayong mag-abalang hanapin siya.

"Pre anong sabi sa sulat?" tanong ni Arthuro. Sa halip na sagutin ang tanong ay tinignan lamang siya ni Caleb ng seryoso.

"Sige i-pull out n'yo na 'yan at dalhin sa head quarters, " utos ni Caleb.

"Pero papaano 'yong bomba?" pangangamba ni Arthuro.

"It's negative."

"Papaano ka nakasisigurado sa bagay na iyan pre? Paano kung bigla sumabog yan?"

"May iba akong nararamdaman sa taong nasa likod nito, ewan para bang kilala ko siya at hindi niya kayang gawin kung anuman ang bagay na sinabi niya sa lalaking ito. Isipin mo na lang, iniwan pa niyang buhay ang lalaking ito, kung anytime maari naman niyang paslangin ito. But I think, si Mr. Jovit lang talaga ang target niya. Sige ganito na lang, iwan n'yo na kami rito at sabihin mo kay Chief Montaro na wala na si Jovit, he's dead."

Seryoso ang mukha ni Caleb kaya hindi na nagtanong pa si Arthuro at sinunod na lang niya ang iniutos nito, ito ang team leader sa operasyon kaya nararapat na respituhin nila ang desisyon ni Caleb.

***

Samantala...

"Mayor! Mayor, totoo ho ba na wala na ang anak-anakan ninyong si Mr. Jovit?" tanong ng isang reporter sa papalabas na si Mayor Tansingco.

Kasalukuyan siyang ina-ambush interview ng iba't ibang mga reporters dahil sa napabalitang raid na ginawa ng NBI ngayong araw.

Pinoprotektahan naman siya ng kaniyang mga sariling security guard. Pinagkakaguluhan si Tansingco ng mga reporters na takaw na takaw ng makakuha ng impormasyon mula sa kaniya.

Nagpatuloy siya sa paglakad habang nakapalibot pa rin sa kaniya ang mga SG niya.

"Sa papaanong paraan ho siya napatay at bakit ho siya pinatay?" anang ng isang reporter.

"May kinalaman po ba ito sa kasong kinasangkutan ninyo? Sa Javier massacre?" tanong naman ng isa.

"Mayor, ibig sabihin totoo ngang kasabwat ang apo ninyo sa Javier massacre, ano ho ang masasabi ninyo patungkol dito?" bungad naman ng isang reporter na bakas ang pagiging veterans sa larangang kaniyang kinabibilangan.

Halu-halong tanong ng mga sumusunod na reporters kay Tansingco. Nanatili namang tikom ang bibig niya.

Namayani sa mukha ni Tansingco ang sunud-sunod na flash ng camera, dagdag din sa gulo ang mga nakikiusyosong mga tao. Saglit na huminto si Mayor Tansingco pagkatapat nito sa sariling niyang sasakyan, tinanggal ang salamin at humarap sa mga reporter na sumusunod sa kaniya.

"Pagpasensiyahan n'yo kung hindi ko muna masasagot ang mga tanong ninyo. Pero sa ngayon, kung pwede lang, hayaan muna ninyo kami na magluksa ng pamilya ko ng pribado. Hindi biro ang mawalan kami ng isang kapamilya. Please lang po, sana maunawaan n'yo kami lalo na ang damdamin ko bilang nawalan ng isang anak," pagkasabi nito ay muli niyang isinuot ang salamin at sumakay na siya agad sa kaniyang sasakyan.

Mas lalo namang nagkaingay sa lugar dahil patuloy pa rin sa pagtatanong ang mga maghahayag na nandoon sa kabila ng mga sinabi ni Tansingco. Ilang segundo lang ay umalis na ang sasakyan ng mayor at naiwang nakatigang-gang ang mga reporters.

Sa loob ng kotse.

"Bull Shit!"

Galit na ibinato ni Tansingco ang kaniyang sun glasses. Napatingin na lang sa rare view mirror ang driver nito.

"Ang tigas-tigas kasi ng ulo ng Jovit na iyan, sinabihan ko na siyang umalis na ng bansa pero mas pinairal niya ang katigasan ng bungong meron siya. Kaya 'yan tuloy ang nangyare sa kaniya at talagang aalis na lang siya sa mundong ito ay nagawa pa niyang dumihan ang pangalan ko. Walang utang na loob! Tanga! Tanga!" Napahawak pa sa ulo niya si Tansingco, halata ang galit niya dahil sa mga naglabasang ugat sa ulo at leeg niya.

Biglang nag-ring ang kanyang cellphone at nang silipin niya kung sino ang tumatawag ay nakaramdam agad siya ng kaba. Nagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin ba niya ito o hindi, pero hindi naman niya pwedeng hindi sagutin ito kaya dahan-dahan niyang nai-press ang okay.

"H-hello?" Halatang sa panginginig ng boses niya ang kaba niya.

"I'm gonna kill you and your family kapag hindi mo naayos ang gusot na ginawa mo, naiintindihan mo ba Mayor Tansingco!"

Isang banta na nagmumula sa kabilang linya.

"W-wag kayong mag-alala, aayusin ko agad ang lahat." Napapunas pa si Tansingco sa pawis na pumutak sa mukha niya, pinagpapawisan siya sa kabila ng aircon na mayroon ang sasakyan niya.

"At siguraduhin mong hindi madadamay ang grupo lalo na ako sa kapabayaan na ginawa mo. Tansingco umayos ka! Kung ayaw mong mabura agad sa mundong ito! Siguro naman naiintindihan mo ang sinasabi ko?"

Pagkasabi nito ay bigla na lamang naputol ang komunikasyon nila sa isa't-isa.

Samantalang hindi na nagawa pang magsalita ni Tansingco dahil alam niya na sa oras na hindi niya magawa ang dapat gawin, malalagay sa panganib ang buo niyang pamilya.

Mayor siya, ngunit sa kabila nito'y hindi pa rin niya hawak ang kaligtasan niya at ng kaniyang pamilya. Aminado siyang hawak pa rin siya sa leeg ng grupong kinasadlakan niya, kung may pinagsisisihan man siya, ito ay ang mapabilang dito.

***

Lumipas ang isang linggo na ang pinagpipiyestahan ng mga tao at media ay ang pagkamatay ni Jovit Tansingco, pati na rin si Mayor Tansingco. Siya ang madalas na nasa hotseat ng mga balita.

Sina Caleb at ang grupo naman niya ay nalilito pa rin sa pagkatao ng nasa likod ng dalawang magkasunod na pagpatay sa miyembro ng sindikatong binabantayan nila. Ano ang koneksyon ng taong iyon sa kasong hinahawakan nila? At ano rin ang ibig sabihin ng letrang iniiwan nito sa kanila? Pangalan ba ito ng tao o ng grupo? Sila ba ay mga kakampi o kaaway ng gobyerno? Ito ang mga tanong na gumugulo ngayon sa isipan ng NBI higit lalo na kay Caleb.

"Pare nasaan ka na ba?" tanong ni Arthuro mula sa kabilang linya.

"Ha? Ah e, nasa mall pa ako ngayon, birthday ni Yllana bukas at bibili ako ng regalo para sa kaniya, bakit?" tanong din ni Caleb sa kaibigan. Kasalukuyan siyang naglalakad sa loob ng mall sa kalagitnaan ng madaming tao, mukhang may event ang nagaganap kaya mas marami ang tao ngayon.

"Pinapatawag ka ni Chief Montaro sa kaniyang office at may importanteng impormasyon daw siya na dapat mong malaman." ani ng kaibigan.

"G-ganun ba? Oh sige pagkatapos kong bumili ng regalo didiretso agad ako riyan!"

"Pare ang daya mo naman, di mo man lang sinabi na pupunta ka ng mall, siguro may ka-date ka riyan 'no?" biro pa ni Arthuro.

"Baliw! Wala 'no! Bibilhan ko lang talaga ang kapatid ko ng rega-"

Napatigil sa pagsasalita si Caleb nang may mapansin siyang pamilyar na mukha na nakasalubong niya. Sinundan pa niya ito ng tingin para lang makasigurado.

Hinayaan niya si Arthuro na magsalita sa kabilang linya.

"Pero imposibleng mangyari yon," bulong ni Caleb sa sarili.

Isang babae ang nakasalubong niya. Nakasuot ito ng dark green na bonet, naka-jeans at isang blouse. Hindi matukoy ni Caleb kung guni-guni lang ba o parte na naman ng kaniyang ilusyon ang nakikita niya.

Ngunit sa pagkakataong ito, para kasing totoo sa paningin niya ang nakikita niya. Gusto niyang makasiguro kaya sinubukan niya itong tawagin sa pangalang alam niya.

"Czarina?" pangungumpirma niya.

Muli niyang nilakasan ang kaniyang pagtawag, "Czarina!!"

Ilang dipa na ang layo ng babaing tinutukoy niya, subalit laking gulat ni Caleb ng mapahinto ito at biglang lumingon sa direksyon niya. Hindi siya pwedeng magkamali ang mukhang iyon, si Czarina Joy Javier iyon. Dumagdag pa sa kumpirmasyon ni Caleb nang lingunin siya nito ng tawagin niya ang pangalang Czarina. Para sa kaniya, walang duda, si Czarina talaga ang nakita niya.

Bago pa man humakbang si Caleb palapit sa babae ay napansin niyang dali-dali itong naglakad palayo sa kaniya na para bang nagsisimula ng tumakbo ng mabilis.

Bigo si Caleb na masundan agad ang babae dahil na rin sa dami ng tao na sumasalubong sa kaniya.

"Czarina! Sandali!" sigaw niya na para bang sigurado siyang si Czarina nga iyon.

"Hello Ian andyan ka pa ba? Caleb, pre anong nangyayare riyan?!" paulit ulit na tanong ni Arthuro na nasa kabilang linya pa rin pala.

"Ah pre mamaya na lang tayo mag-usap, ako na lang ang tatawag sa 'yo, may kailangan lang akong kumpirmahin!" pagkasabi nito ay in-off na niya ang kaniyang cellphone at itinabi.

Ipinagpatuloy ni Caleb ang pagsunod doon sa babaing nakita niya. Ang bonet na suot nito ang ginagamit niyang tanda para masundan ang ito, halatang namimilis sa paglakad ang babaeng tinutukoy niya dahil, may kalayuan na rin ito sa kaniya. Lalo tuloy naging agresibo si Caleb na maabutan ang babae at kumpirmahin kung tama ang hinala niya.

Kung ikaw man si Czarina, bakit ka lumalayo imbes na tulungan kaming mga otoridad na ayusin ang tungkol sa kaso ninyo? Bakit kailangan mong magtago? Czarina naguguluhan ako! Bulong niya sa sarili habang nakikipagsisikan siya sa mga taong sumasalubong sa kaniya at pilit pa rin niyang hinahabol ng tingin ang babaeng inaasahan niyang si Czarina.

***

Natatarantang binuksan ni Czarina ang communication earings niya para makontak ang uncle niyang si Miggy.

Come on Uncle! Bulong niya habang pinapabilis niya ang kaniyang paglakad. Lumipas pa ang dalawang minuto bago sinagot ni Miggy ang tawag niya.

"Oh sweetie, what's going on?" takang tanong ni Miggy.

Hindi kasi ito ang pangkaraniwang ginagamit ni Czarina na pantawag sa kaniya kundi ang sarili nitong cellphone number. Kapag ganitong ordinaryong araw lang, hindi inaasahan ni Miggy na kokontakin siya ng pamangkin lalo na kung gamit ang surveillance communication nila. Nagagamit lang ito kapag ang dalaga ay nasa isang misyon.

"Uncle, help~ May nakakita at nakakilala sa akin. He's currently following me!" Pagkarinig nito ay natatarantang tinakbo ni Miggy ang computer room niya para matulungan ang pamangkin.

"Okay~Sige Hija calm down, listen to me. May nailagay akong tracking device diyan sa relos mo. I-press mo lang iyong button sa may gilid para ma-trace kita agad at matulungan. You got it?"

"Okay~"

Agad na sinunod ni Czarina ang sinabi ng tiyuhin. At nang mapindot na niya ay dali-dali namang nai-search ni Miggy ang location ng pamangkin. Mula sa world satellite hanggang sa pinakamalapit at malinaw na detalye ay nagawa niyang makita ang kinaroroonan ng dalaga. Agad niyang kinuha ang blueprint ng mall kung saan naroon si Czarina. Sa tulong na rin ng device na nakalagay sa relos ni Czarina ay tanging ang dalaga lang ang nakikita ni Miggy sa monitor niya, pati na ang blue print ng building na 'yon ay agad din niyang nakuha sa tulong na rin ng hacking system niya na naka-install sa computer niya.

"Okay Hija, alam ko na kung nasaan ka at kung saan ka pwedeng pumunta."

Kasalukyang hinahanap ni Miggy sa computer ang mga exit point ng mall na iyon.

"Tell me kung nasaan siya. Nakikita mo ba siya mula dyan sa kinaroroonan mo?" tukoy ni Miggy sa lalaking sumusunod kay Czarina. Sinilip ni Czarina si Caleb.

"Oo, at sinusundan niya nga ako Uncle. Pa'no 'yan mukhang nakilala niya ako. Uncle ang taong iyon~ walang iba kundi ang agent guy na minsan ko nang naikwento sa inyo!" Nagpatuloy si Czarina sa paglalakad ng mabilis.

"Iyong si Agent Zembrano?"

"Ah ha."

"Okay sige. Alam ko na kung saang exit ang pupuntahan mo. Makinig ka sa akin sweetie, kapag dumiretso ka sa paglakad may makikita ka sa kanang bahagi mo na exit door at doon ka dumaan pababa sa third floor, nauunawaan mo ba?"

"Okay..."

Mas binilisan pa ni Czarina ang paglalakad, pa simple niyang sinilip si agent Caleb. Hindi siya nagkakamali, nakasunod pa rin ito sa kaniya. Agad siyang kumanan at bumaba sa hagdanan kagaya ng sinabi ni Miggy sa kaniya.

"Nakakababa na ako!"

"Go to the left hallway ng kinatatayuan mo. And then may makikita kang elevator diyan, kailangan mong makapasok agad, kung marami man makipagsiksikan ka. Huwag ang hindi."

"Sige!"

Ilang saglit lang ay natatanaw na niya ang elevator at ang mga taong nag-aabang doon. Pagkatapat niya sa may elevator ay nakiabang na rin siya. Sakto namang pagbukas ng elevator ay ang pagbaba ni Caleb sa may hagdanan na pinanggalingan niya, palinga-linga pa ito at talagang hinahanap siya ng binata.

Dali-dali siyang nakipagsingitan nang matuon na sa kaniyang direksyon ang paningin ni Caleb.

"Excuse me! Come on! Come on!" aniya sa mga sumasakay at lumalabas ng elevator. Mahigit anim na katao ang kasama niya sa loob. Hindi na naabutan pa ni Caleb na bukas ang elevator. Para sa kaniya, sigurado siyang si Czarina ang babaing kaniyang hinahabol, dahil kung hindi, bakit magmamadali itong makalayo sa kaniya.

Nagpasya si Caleb na gamitin ulit ang emergency exit na malapit sa elevator, ngunit bago siya bumaba ay sinilip niya muna kung saan patungo ang elevator. At nang malamang pababa ito, wala siyang inaksayang oras, nagmamadaling binaba niya ang hagdanan mula sa hagdanan.

***

Samantala...

"Uncle I am sure, hindi siya titigil sa pagsunod sa akin, gagamit iyon ng hagdan para lang sundan ako," bulong ni Czarina kay Miggy.

"Don't worry, basta sundin mo lang ang sasabihin ko, wala tayong magiging problema. May nakikita ka ba riyan na kasing edad mo lang na babae?" tanong ni Miggy.

Pinagmasdan ni Czarina ang bawat isa na kasama niya sa elevator, "Oo Uncle..."

"Good, ganito ang gawin mo~"

***

Bakit mo kailangan tumakbo palayo~ bakit? Tanong ni Caleb sa kaniyang isipan habang mabilis na bumababa sa hagdanan.

May mga ilan staff ng mall siyang nakakasalubong dito, at ang bawat isa sa kanila ay napapatingin sa kaniya. Sa bawat floor na dinadaanan ay sinisilip niya ang elevator na patuloy pa rin sa pagbaba at sa ngayon tukoy na niya kung saan ang huling tungo nito, sa ground floor ng mall.

Mas binilisan pa niya ang pagtakbo, laking tuwa niya nang maabutang pababa pa lang ang elevator. Agad siyang tumapat sa pinto at hinihintay ang pagbukas nito. Nagdulot ito sa kaniya ng biglaang kaba at kaunting pag-asa na posibleng buhay pa nga ang dalaga. At kasabay nito ang mahinang dalangin na sana totoo ang nakita niya kanina.

Tumunog na ang senyales na bubukas na ang elevator, nang bumukas na ito ay inisa-isa niya ng tingin ang mga naroon na nagsisimula ng lumabas at doon nga ay nakita niya ang isang babae na nakasuot ng bonet na dark green, pero nakaramdam siya ng lungkot ng mapagtanto na ang lahat ay isang malaking ilusyon na naman niya.

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng malaman na hindi iyon si Czarina, pero ang ipinagtataka lang niya bakit noong akita niya ito kanina ay parang si Czarina talaga.

Siguro nga ay parte na naman ito ng ilusyon niya na madalas mangyari sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Dahan-dahan ng dumadaan sa harapan niya ang babae na nakasuot ng bonet na dark green. Sumara na rin ang wala ng lamang elevator. Nang makalagpas na ang babae sa kaniya, hindi niya mapigilan ang sarili na sundan muli ito at kausapin para makasiguro lang.

"Miss, sandali~" Hinawakan niya ang braso nito dahilan para mapaharap sa kaniya ang babae.

"Huwag po!" Halata sa babae ang panginginig sa hindi malamang dahilan ni Caleb.

"Ah wala, I'm sorry, nagkamali lang talaga siguro ako." Agad niyang binitiwan ang babae na nagmamadali ng lumayo sa kaniya.

Para kay Caleb ang weird ng pinakitang reaksyon ng babaing iyon sa kaniya. Wala naman siyang ginagawa pero parang ang laki ng takot nito sa kaniya. Para bang may itinatago ito o di naman kaya ay kinatatakutan. Ngunit ang lahat ng iyon ay pawang hinala na lamang niya.

Bigo at malungkot niyang nilisan ang lugar, nanghihinayang sa pag-asa na buhay pa si Czarina. Para sa kaniya siguro nagkamali na naman ulit siya.

***

"Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Miggy sa kabilang linya.

"I think so, thanks Uncle for the help!"

Kasalukuyang na sa ibabaw ng elevator si Czarina, umakyat siya rito noong may oras pa siya, para maitago ang sarili kay Caleb. Kaya bago pa man bumukas ang elevator, sigurado siyang walang makikitang Czarina si Caleb sa loob.

Flash Back

Kinuha ni Czarina ang nakatago niyang baril sa kaniyang bag at ginamit bilang panakot mula sa mga taong kasama niya sa elevator . Agad naman nataranta at nabalot ng takot ang mga kasama niya sa elevator na iyon.

"Walang lalabas ng elevator hangga't hindi ko sinasabi. Walang mapapahamak kung susundin ninyo ang sinasabi ko, nagkakaunawaan ba tayo?" Mabibilis na tango naman ang isinagot ng mga naroon sa kaniya.

"Ikaw! Gusto kong isuot mo ang bonet na ito at lumabas ka mamaya sa elevator na parang walang nangyari, naiintindihan mo?" Nagpatuloy sa pagtango ang kabataang babae. Nanginginig nitong kinuha ang bonet na iniabot sa kaniya ni Czarina at agad na isinuot.

"Lahat kayo ay umupo, bilis!" sigaw ni Czarina habang nakatutok ang kaniyang baril sa mga ito. Dali-dali naman siyang sinunod ng mga ito dala na rin ng takot.

"Sweetie alisin mo ang nagsisilbing bintana ng elavator dyan sa ibabaw mo at dyan ka na muna magtago sweetie," dagdag ni Miggy sa pamangkin.

Mabilis nagawa ni Czarina ang sinabi ng Uncle niya. At nang maiakyat ang sarili ay ibinalik sa dati ang bintanang binuksan niya, hindi naman siya nahirapan dahil nakapatong lang ito at saka sinanay din naman siya ng Uncle niya sa mga ganitong bagay.

"Makinig kayo, walang sisigaw, gagawa ng anumang ingay o humingi man lamang ng tulong sa oras na bumukas ang elevator kung ayaw niyong iputok ko itong baril na hawak ko sa inyo," banta pa niya sa mga kasama niya sa elevator. Nasa labas na siya ng elevator habang nakatutok ang kanyang baril sa mga ito.

"Kumilos lang kayo ng normal at sisiguraduhin kong walang masasaktan ni isa sa inyo," huling banta niya bago tuluyang bumukas ang pintuan.

Isa-isa na ngang nagsilabasan ang mga ito. Kitang-kita naman niya mula sa kaniyang kinapupwestuhan si Caleb na halatang nadismaya pagkakita sa babaing pinagsuot niya ng kaniyang bonet. Nakaramdam tuloy siya ng guilt sa ginawa niya hanggang sa tuluyan na ngang magsara ulit ang elevator.

I'm sorry Caleb pero hindi pa ito ang tamang oras para makita mo ako. Makakagulo ka lang sa mga plano ko, malungkot niyang bulong sa sarili at ibinalik na niya ang kaniyang baril sa kaniyang bag. Bago bumalik sa loob ng elevator, sinira niya ang cctv na nakalagay doon at hinayaan niya ang uncle na niya ang tumapos at maglinis sa mga nangyare.

/End of Flash back/

***

"Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Miggy

"I think so, thanks Uncle... "

"Sweetie may balat ka siguro sa pwet? Minsan ka na nga lang pupunta ng mall ay may naganap pang aberya" biro ni Miggy sa kaniya.

"Shut up Uncle, di nakakatuwa," inis na sagot ni Czarina.

Hindi naman niya talaga nagustuhan ang sinabi ni Miggy sa kaniya, ibig sabihin ba ng Uncle niya, siya talaga ang dahilan kung bakit nawala ang buong pamilya niya dahil sa kamalasan na dala niya na tinutukoy ng uncle niya. Kung ganoon man iyon, hinding-hindi niya talaga mapapatawad ang sarili niya.

"Okay~ I'm sorry Hija" Agad na humingi ng paumanhin si Miggy na mukhang naunawaan na niya ang nararamdaman ng pamangkin.

"Okay hija, I think kailangan mo munang magpahinga, medyo mainit pa ang mata ng mga NBI sa ginawa natin at baka magkaroon pa sila ng clue sa pagkatao mo kapag nagkataon. Sa ngayon hayaan mo munang pag-aralan ko ang susunod nating target. Pero padadalhan kita ng mga background information ng mga taong nabanggit sa atin ni Jovit bago ito mamatay, okay hija?"

"Sige Uncle, kung iyan ang desisyon mo. Tama ka kailangan ko lang siguro ng pahinga," malungkot na sabi ni Czarina. Nang bumukas na ang elevator ay para bang walang nangyare kanina. Sa ngayon ang alam lang niya kailangan na niyang makaalis sa lugar dahil tiyak nasa loob pa rin ng mall si Caleb at malaki ang posibilidad na muling magtagpo ang landas nila.

***

To be continued.

Hi kay, Ate Apple Saludario De Guzman ng pasay city pati na rin sa kapatid niyang si Jomer Tan. Maraming-maraming salamat po sa pagbasa nito, salamat sa pagsama sa laban ni Czarina.

👊👊👊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com