Chapter XVII (editing)
"Hoy! Pare! Ano bang nangyari sa 'yo kanina? Usap ako ng usap, hindi ka naman pala nakikinig!" salubong agad ni Arthuro pagkakita kay Caleb.
Paakyat na sila sa office ni Chief Montaro dahil sa may sasabihin daw ito sa kanila.
"Wala~ ganoon pa rin, katulad ng dati," matamlay na sagot ni Caleb.
Sinasaluduhan naman sila ng mga kapwa nila pulis doon na nakakasalubong nila, ganoon din ang ginagawa nila bilang respeto sa isa't-isa.
Ipinagpatuloy ni Arthuro ang pakikipagdiskusyunan sa kaibigan, "Tinutukoy mo na naman ba ay 'yong yumao ng anak na dalaga ni Mr. Javier? Aba pare! Mag-move on ka na, wala na nga 'yong tao dapat pinatatahimik mo na kaluluwa niyon," pabirong litanya ni Arthuro kaya natapik tuloy siya ng malakas ni Caleb sa sikmura niya.
"Aray!"
"Hayaan mo na nga lang ako! Hinihingi ko ba opinyon mo!"
Nagpatuloy sila sa pag-akyat sa hagdanan, nasa 3rd floor pa kasi ang office ni Chief Montaro.
"Siya nga pala, hindi mo man lamang sinabi sa akin na birthday pala ni Yllana," pag-iiba ni Arthuro sa kanilang usapan.
"Para ano?"
"E di, sumama sana ako sa 'yo kanina para bumili ng regalo. Para kapag nagpunta na ako sa inyo e, may maibigay man lamang sana ako kay Yllana," pagmamaktol pa ni Arthuro.
"Bakit inimbitahan na ba kita, sa pagkakaalam ko hindi pa. At saka wala akong balak pare na papuntahin ka sa espesyal na araw ng kapatid ko." Sa sinabi ni Caleb ay muling napasingamot si Arthuro.
"Teka~ bakit naman? Hindi ko pwedeng palagpasin ang special day ni Yllana pare. At saka mag-buddy tayo di ba. Kaya dapat, nandoon ako."
"Iyon na nga e, kilala na kita at alam ko na kung paano tumakbo iyang utak mo. At saka pare, iba na lang, huwag na ang utol ko," dagdag pa ni Caleb.
Natigil na lang ang pag-uusap nila ng marating nila ang pinto ng office ni Chief Montaro. Napakamot naman sa ulo si Arthuro at sumunod na lamang sa pumasok na niyang kaibigan.
***
Makalipas ang isang linggo...
Napagpasyahan ng magtiyuhin na pansamantalang itigil muna ang misyon dahil na rin sa pag-init ng mga mata ng pulisya sa mga taong target din nila, mahirap na baka magkaroon pa sila ng ebidensya na magtuturo sa pagkakakilanlan ni Czarina. Baka mabulilyaso pa ang kanilang mga plano. Maingat din na pinag-aaralan ni Miggy kung sa papaanong paraan makakalapit ang pamangkin sa big three na una ng binanggit ni Jovit.
Aminado naman siya na di magiging madali ang mga susunod na misyong ibibigay niya sa pamangkin, kaya kailangan, maging maingat sila sa lahat ng angulo.
"Hey Sweetie, pa-deliver ka na lang ng coffee para sa akin ha," paalala ni Miggy habang nasa harap ng counter si Czarina. Nasa loob siya ng isang sikat ng coffee shop na madalas niyang puntahan nitong mga nakaraang araw. This time, nag-uusap sila through cellphone.
"Okay!" Nai-off na ni Czarina ang phone niya at muling humarap sa kahera.
Pagkatapos pumili ng kaniya at magpa-deliver para sa uncle niya ay naglakad-lakad na lang muna siya.
Nagsasawa na rin kasi siya sa outdoor view ng store na iyon dahil lagi siyang naroon lalo na't pag may free time siya. Katunayan, sa sobrang dalas niya sa store ay namumukhaan na nga rin siya ng mga staff doon e.
Hanggang sa mapadaan siya sa isang toys stored, napahinto siya sa tapat ng salaming bintana nito dahil sa isang masayang alaala na biglang nanumbalik sa kaniyang isipan.
Ang kambal niyang kapatid na sina Sairah at Zoren. Naaalala niya ang dalawa na masayang bitbit ang mga napili nilang laruan. Kinukulit ng mga ito ang mommy at daddy nila. Parang isang buhay na alaala ang nakikita niya, ngunit dahan-dahan din itong naglaho sa harapan niya.
Saglit siyang nakaramdam ng pangungulila kaya hindi maiwasan na may pumatak na isang luha sa isa sa mga mata niya, agad niya itong pinahid.
Magsisimula na sana siyang maglakad nang may marinig siyang sigaw.
"Snatcher, tulong! Magnanakaw!"
Maya-maya lang ay may bumangga sa balikat niya dahilan para matapon ang kapeng hawak niya. Natumba naman ang lalaking bumangga sa kaniya, na out-of-balanse din si Czarina pero agad din naman niyang naibalik ang sariling balanse.
Naging alerto si Czarina nang malaman na ang bumangga sa kaniya ay ang tinutukoy na snatcher ng sigaw na narinig niya. Nawalan ng oras ang lalaki para tumakas dahil napalibutan agad siya ng mga utsuserong tao. Pero ni isa sa mga ito ay walang lumalapit para kuyugin ang lalaki dahil na rin sa takot.
"Hoy magnanakaw! Ibalik mo sa akin ang gamit ko!" sigaw ng isang babae na lumapit kina Czarina. Hingal na hingal ito, halatang galing sa matinding habulan.
Walang nagawa ang lalaki kundi kunin ang kaniyang nakatagong patalim, tumayo at tumingin ito ng may galit kay Czarina.
"Ikaw! Nang dahil sayo nasira ang plano ko! Kaya pagbabayaran mo ang ginawa mong ito!" giit ng lalaki. Inihagis muna nito ang ninakaw niyang bag na agad namang kinuha ng babaeng nagmamay-ari. Walang ibang choice si Czarina kundi ang dipensahan ang saril kahit sa totoo lang, ayaw niyang gumawa ng anumang agaw-eksena.
Bigla siyang sinugod ng lalaki gamit ang patalim mabuti na lamang at may alam si Czarina na dipensahan ang sarili lalo na kung ang makakalaban niya ay gumagamit ng patalim. Salamat sa uncle niya.
Naiwasan niya ang unang pagwasiwas ng lalaki sa kutsilyo at sinundan ito ng pagwasiwas sa kaniyang mukha na muling nailagan ni Czarina.
Nailagan ni Czarina ang una at pangalawa, at sa pangatlong pagkakataon, hinawakan na ni Czarina ang braso ng lalaki kung saan naroon ang kutsilyo. Ibubulusok sana ito ng lalaki sa kaniyang katawan, ngunit napigilan ito ni Czarina, pinaikot niya ang braso nito dahilan para mabitawan nito ang hawak na patalim.
Namilipit ang lalaki sa sakit at sa pagkakataong ito ay mabilis na pinatumba ni Czarina ang lalaki. Tinangka pa siyang suntukin ng nakaluhod na lalaki pero nasalo agad ito ni Czarina, pagkatapos ay agad niyang sinipa sa maselang bahagi ang lalaki. Itinulak ito ni Czarina palayo sa kaniya kaya bumalandra ito sa kalsada.
Pinaghahampas naman siya ng bag ng babaing inagawan niya.
"Walang hiya kang lalaki ka! Ako pa talaga ang biniktima mo, hindi mo ba alam, pulis ang kuya ko ha! Ha!" sigaw ng dalagita. Patuloy ito sa paghahampas, nagsilapitan na rin ang ilang mga tao para kuyugin ang lalaki na ngayon ay wala na rin nagawa dahil mag-isa lang naman siya.
At wala talaga siyang laban sa mga taong nakasaksi sa mga pinaggagawa niya. At dahil sa ginawa ni Czarina ay saka lang nagkaroon ng lakas ng loob ang mga nandoon na kuyugin ang lalaki.
Ilang saglit lang ay may narinig na silang mga palpito ng pulis, kinuha naman itong pagkakataon ni Czarina para makaalis na sa lugar habang wala pang nakakapansin sa kaniya.
Halos lahat kasi ng atensyon ng mga nandoon ay nasa snatcher na maliban sa isa. Agad siyang napansin ng babaeng tinulungan niya at palihim siyang sinundan nito.
Pinabilis pa ni Czarina ang paglakad sa pag-aakalang walang nakapansin sa kaniya.
"Teka! Teka lang miss!" tawag ng babae sa kaniya. Hindi ito pinansin ni Czarina sa halip ay mas binilisan pa niya ang paglalakad na animo'y walang naririnig.
Naka ilang liko pa si Czarina para makasigurado siya na wala na iyong babaing sunod ng sunod sa kaniya, ayaw na niya kasing makipag-usap sa kahit na sino o makipagkilala man lamang dahil mahirap na.
Mukhang wala na siya. Bulong ni Czarina sa sarili nang muli niyang silipin ang babae sa dinaan niya, ngunit ikinagulat niya nang biglang may sumulpot sa harapan niya. Walang iba kundi ang babaeng nagmamay-ari ng bag.
"Hello!" masayang bati pa ng babae sa kaniya. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Czarina.
"Teka bakit mo ba ako sinusundan? Hindi ba't nasayo na iyang bag mo at saka nahuli na rin naman 'yong snatcher kaya pwede mo na akong lubayan," may bahid ng inis na banggit ni Czarina.
Nagsimula na ulit si Czarina na maglakad, sinadya niyang lampasan ang babae, ngunit sinundan lang siya ulit nito. Sa tingin ni Czarina, school girl ito at mas matanda siya rito. Iyon ay base sa obserbasyon niya at dahil na rin sa suot nitong uniporme.
"Ano kasi~ gusto ko lang sana magpasalamat sa 'yo ng personal at saka sobra mo akong napahanga kanina, kasi bihira na lang iyong mga babaing katulad mo sa panahon na ito. Ang astig mo kanina, parang ikaw iyong napapanood ko sa TV, na bida sa mga askyon. Ang ASTIG!" galak pang paliwanag nito habang nakasunod kay Czarina.
"So?"
"Ahm ano kasi~ nakita kong natapon iyong iniinom mong kape kanina. Ganito na lang, para makabawi naman ako sa 'yo, I'll treat you na lang bilang pasasalamat ko sa ginawa mong pagtulong sa akin kanina."
"Hindi na kailangan, kaya huwag ka ng mag-abala pa!"
"Pasensiya na, pero hindi ako makakatulog kapag hindi kita napasalamatan sa kahit na anong paraan. Please! Kahit sa ganoong paraan, ay payagan mo na ako please!"
Inunahan na siya ng dalagita sa paglalakad at humarang ito sa kaniyang daraanan. Kaya naman napaatras at napahinto sa paglalakad si Czarina.
Napabuntong hininga na lamang si Czarina bago siya nagpasyang magsalita.
"Oh sige~ sige para matapos na ito! But promise me after this lulubayan mo na ako! Okay?"
"Yes! Okay, I'll promise!" Kitang-kita sa mata ng estudyante ang tuwang nararamdaman niya dahil sa pagsang-ayon ni Czarina.
***
Tinungo nila ang coffee shop na malapit lang din sa kanila. Pansamantala pa silang nagkasama habang inuubos nila ang inorder nila.
"Ah salamat talaga!"
"Fifteen times!"
"Ha? Anong ibig mong sabihin" tanong ng estudyante kay Czarina.
"Nakaka-15 times ka ng nagpapasalamat sa akin mula ng pumasok tayo sa store na ito," simpleng sagot ni Czarina sa babae.
Sa totoo lang, ngayon na lang ulit siya may nakausap na iba bukod sa Uncle niya. All this time si Miggy lang ang pwede niyang pagtyagaan na kausapin. Ang masaklap, tanging sa phone na lang din sila nakakapag-usap. Ilang linggo na rin na hindi sila nagkikita ng personal.
Kaya medyo okay na rin kay Czarina na makasama niya ang babae pansamantala. Medyo nararamdaman niya na kahit papaano nag-e-exist pa rin pala siya sa mundo.
"Ay sorry~ Pasensiya na kung unli ako hi hi, hindi ko lang talaga mapigiliang hindi magpasalamat sa 'yo at maalala iyong mga ginawa mo kanina. Ang astig lang kasi lalo na noong hinawakan mo na 'yong~" Hindi na pinatapos pa ni Czarina ang sasabihin sana ng dalagita
"At iyang explanation mo, pang-fifteen times mo ring binabanggit sa akin. Okay na, kahit hindi mo na ulit-ulitin. Nage-gets ko naman ang gusto mong sabihin," pagkasabi nito ay kinuha ni Czarina ang tasa niya at uminom ng kaunti.
"Ah okay~ pasensiya na."
Napatahimik naman ang babae, medyo naramdaman na rin niya ang hiya. Kanina pa nga pala siya dadak ng dadak e, siguro nga ay nasosobrahan na rin siya sa kakadaldal.
"Ahhh~ Ako nga pala si Yllana, ikaw? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Pero okay lang kung ayaw mo sabihin! Hindi naman siya required he-he," nahihiyang tanong ng nagpakilalang Yllana, sinabayan niya pa ito na tila natatarantang reaksyon.
"Rina."
Hindi na nagdalawang-isip si Czarina na ibigay ang pangalan niya rito, para sa kaniya wala naman sigurong mawawala.
"Wow ang kyut naman ng name mo, bagay na bagay sa ganda mo. Teka papaano ba kita tatawagin, Rina? Naku parang ang bastos ko, Ate Rina na lang kaya, hala! Baka naman ma-offend kita. Ilan taon na po ba kayo? E, kayo po, ano po ba gusto ninyong itawag ko sa inyo?"
"Sa dami ng tinanong mo, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin. Pero kung tinatanong mo ako kung papaano mo ako tatawagin, it's up to you. Rina isn't bad at all, its sounds fantastic. At saka, mukha namang isang taon lang ang tanda ko sa 'yo kung 'di ako nagkakamali. Huwag ka na rin magbalak alamin ang edad ko. Hindi pa tayo ganoong ka-close para malaman mo."
"Ah sige, ate Rina na lang po. Mas kumportable po ako roon. Huwag po kayong mag-alala, alam ko naman po ang limitasyon ko e, he he he."
"Oh sige, I am sure, what I've done is fair enough? I really have to go, may mga bagay pa kasi akong dapat tapusin." Tumayo na si Czarina at ganoon din si Yllana.
"Ah okay nauunawaan ko ate Rina. Thanks for spending your precious time with me. Salamat po ulit sa tulong mo ate Rina and nice meeting you po, hoping muli tayong magkita somewhere," masayang paalam ni Yllana.
Nginitian naman siya ni Czarina at nagsimula nang maglakad palayo habang si Yllana ay nanatili pa ring nakatayo si pinagpuwestuhan nilang dalawa kanina. Sa huling pagkakataon ay kinawayan niya si Czarina nang lumingon ito sa kaniya.
Sa loob-loob ni Czarina ay gusto pa niya talagang tumagal pa at makipagkaibigan kay Yllana kaya lang, hindi naman pwede, mahirap na. Ngunit hindi maiaakilang natutuwa talaga siya at may nakilala siya na isang bagong kaibigan.
***
Kinabukasan...
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nabiktima ka pala ng Snatcher kahapon?" salubong ni Caleb sa nakababatang kapatid.
"Ay! Oo nga pala kuya, sorry nakalimutan ko kasi. Promise kuya nawala talaga sa isip ko iyong mga nangyari kahapon."
"Nawala? Nakalimutan? Aba matindi! Ngayon lang ako nakarinig na matapos maagawan ng gamit ay bigla na lamang niyang makakalimutan nang hindi pa naman lumilipas ang halos 24 oras," may bahid ng panenermon ang bawat litanya ni Caleb.
"Hayaan mo na kuya, wala namang masamang nangyare sa akin. At saka kuya, alam mo may isang astig na babae ang tumulong sa akin. Naku! Promise kuya, ang astig niya talaga, ang galing-galing niya at higit sa lahat ang ganda-ganda rin niya sobra! Para nga siyang modelo e, para ngang nakita ko na rin siya somewhere. Hmmmn~ ay ewan! Basta ang astig niya talaga kuya!" pagmamalaki ni Yllana kay Rina na tumulong sa kaniya kahapon.
"Mas astig pa sa kuya mo?" May halong pagtatampong tanong ni Caleb.
"Ha? Hindi naman kuya. Syempre mas astig ka pa rin kaysa sa kaniya. Kaya lang talaga, kakaiba lang siya kumpara sa mga tulad kong normal na babae. May mga bagay siyang nagagawa na di ko naman kayang gawin."
"Naku-curious na ako sa babaeng iyan, teka alam mo ba ang pangalan?"
"Oo, sinabi naman niya sa akin. Tawagin ko raw siya sa pangalang Rina. Naku kuya! Baka 'pag nakita mo iyon, ma-love at first sight ka pa sa kaniya. Gosh! Kapag nangyare iyon, para ka na rin nanalo sa lotto kuya!" kilig na kilig na saad ni Yllana habang nakayakap siya sa braso ng kuya niya.
"Aba talaga naman, hindi ka naman hangang-hanga sa kaniya niyan ha?" Ngunit bungisngis lang ang tugon ng kaniyang kapatid sa kaniya.
"Pero ito tatandaan mo Yllana, kapag may nangyare ulit sa 'yo na ganyan, ako ang una mong tatawagan. Ano na lang ang silbi ng pagiging Police agent ko kung sariling kong kapatid hindi ko maipagtanggol at maproteksyunan, nauunawaan mo ba ako?" dagdag pa ni Caleb.
"Yes kuya! Promise!" nakangiting sagot ni Yllana. Maya-maya ay nakarinig na sila ng busina, senyales na nasa labas na ng bahay si Arthuro at sinusundo na nito si Caleb.
"Oh siya una na ako, kailangan ko pang mag-report sa office" Inihatid siya ng nakababatang kapatid hanggang sa may pintuan at doon ay nakita nilang nakatayo na nga si Arthuro kalapit ng sasakyan nito. Naka-civillian at nakasuot ito ng sun glasses at hinihintay na lamang ang kaibigan. Kumaway ito pagkakita sa kanila.
"Hi Yllana, good morning!" bati agad ni Arthuro kaya naman sumama ang tingin ni Caleb sa kaniya.
"Oh siya pumasok ka na doon bilis! Mahirap na baka matunaw ka na lang dyan sa kakatingin sayo ng isa riyan."
"Kuya naman ehhh~" Wala nang nagawa si Yllana at sinunod na lamang ang sinabi ng kuya niya pero kinawayan niya muna si Arthuro bago tuluyang pumasok.
"Aba! Aba may pa kaway-kaway ka pa riyan, e, kung hindi kaya kita bigyan ng allowance?" biro naman ni Caleb.
Naglakad na si caleb palapit sa kinaroroonan ng kaibigan.
"At ikaw naman? Kailan ka pa nagkainteresadong sunduin ako rito ha?"
"Ha? Ay! Iyon ba? Ahmmm kelan ba? Ah! Simula ng tumuntong ng bente anyos si Yllana!" pabirong sagot ni Arthuro kaya nasikmuraan na naman siya ng kaibigan.
"Aba talaga namang~"
"Joke lang ito naman, hindi mabiro. Ang totoo niyan, pinapasundo ka ni chief Montaro."
"Okay tara na para maipasa ko na iyong special assignment niya na ibinigay niya sa akin."
"Okay let's GO! Let's GO!"
At nagsimula na ngang umalis ang dalawa, gamit ang sasakyan ni Arthuro.
***
To be continued.
A/N : I dedicated this chapter to @misuMei, dahil sa kaniya ginaganahan akong magsulat. Thank you po mula sa kaibuturan ng aking puso at buto ng aking balunbalunan. (Kung meron man silang buto ha ha ha)
Mahilig siya sa tula, madali ninyong mapapalambot ang puso niya through poems. May mga poems siya na makakapag-inspired sa inyo. Kaya basahin n'yo po ang mga iyon. Favorite ko po mga poems niya.
Follow her too. God bless.
Crush niya raw si Agent Ian Caleb Javier. 😂😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com