Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XVIII (editing)

"Ilang beses na nating pinagbibigyan si Tansingco at hanggang ngayon hindi pa rin niya nalilinis ang kalat na ginawa ng anak niya. Kapag pinatagal pa natin ito, baka pati sarili nating baho ay umalingasaw na rin sa publiko. At ang lahat ng iyon ay dahil lang sa kapabayaan ng Tansingco na iyan," giit ng isang balbas-saradong lalaki. Nakasalamin at nakasuot ito ng formal wear na pang-office kagaya ng mga kasama niya.

"So~ ano sa tingin n'yo? Pauunahin na ba natin siya sa impyerno?" mungkahi naman ng isa.

May isang grupo ng mga kalalakihan ang kasalukuyan nagkakaroon ng close door meeting. Lahat sila ay nakaupo sa isang round table para sa isang agenda. Bawat isa sa kanila ay may nakalatag na laptop sa harapan nila, may hinihintay sila roon na kasama rin sa kanilang meeting.

Halos lahat ng mga bigating miyembro ng TWO HEADED SNAKE SYNDICATE ay mga naroroon. Kasama ang kani-kanilang sariling mga tauhan na naghihintay naman sa labas ng pribadong establisyimento.

"Is he really useless in this group?" tanong ng isa na ang tinutukoy ay si Tansingco.

Bawat isa ay nagsabi ng kani-kanilang opinyon kaya medyo nagkaingay sa silid na kinaroroonan nila.

"Wala ng silbi iyan!" deklara ng isa.

"Oo nga? Ano pa ba mapapala natin sa kaniya?" sang-ayon ng katabi nito.

"Wala na!"

"Tama! Tama"

"Mayor siya, mapapakinabangan pa natin siya, hayaan muna natin na ipagpatuloy niya ang ginagawa niyang protection sa ating mga hakbang."

"Ngunit, may dungis na ang pangalan niya sa publiko, at baka makakita pa ang mga kalaban natin ng butas para maidawit tayong lahat!"

Muling nagkaingay sa loob ng silid, dahil may kaniya-kaniya na naman silang opinyon.

Sa kalagitnaan ng diskusyon nila, otomatikong nag-on ang mga laptop nila, senyales na online na ang pinuno nila. Ang ilan sa kanila, hindi pa nakikita ng personal ang pinuno nila. Kakaunti lang ang nakakaalam ng pagkatao nito. Kusang natigil ang pag-iingay nila at itinuon ang atensyon sa kani-kaniya nilang laptop.

Isang imahe ng aninong lalaki lamang ang napapanood nila. Ang boses nito ay halatang pinalitan din ng iba. Sa kabila nito'y batid ang takot at respeto nila sa taong iyon na siyang tumatayo bilang pinuno nila.

"Sino sa inyo ang sumasang-ayon na burahin na siya sa mundong ito?" Ang tinig na iyon ay tila isang boltahe ng kidlat na nagpatigil sa takbo ng mga naiisip ng mga nagkakaingay kanina.

Wala ni isa sa kanila ang nais galitin ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

Kaya halos lahat ay nagtaas ng kani-kanilang kamay bilang pagsang-ayon sa pagpapatalsik kay Tansingco sa kanilang grupo.

Isa lang ang hindi nagtaas pero hindi naglaon, itinaas na rin nito ang kamay dahil mahirap nang mapag-initan ng grupo at mapagkamalan pang kakampi ni Tansingco.

"Kung sa tingin ng marami wala na siyang pakinabang, bakit pa ba natin hahayaan ang tulad niyang isang anay na unti-unting sirain ang grupong ito."

Nanatiling tikom ang bibig ng lahat at hinayaan ang sarili na makinig sa pinuno nila.

".... at ito ang gusto kong tandaan ninyo, ang mga anay dapat pinapatay. Huwag ninyong hayaang maging anay kayo ng grupong ito dahil alam n'yo na kung saan ang tungo n'yo, dahil sisiguraduhin kong pauunahin ko kayo SA IMPYERNO!"

Dama ng lahat ang tensyon na bumalot sa silid na iyon dahil sa ibinigay na banta ng kanilang pinuno kaya naman nagkatinginan na lamang sila sa isa't-isa at nagpakiramdaman.

Sa ngayon isa lang ang tiyak ng lahat, paaalisin na si Tansingco sa grupo at alam nilang hindi lamang sa kanilang grupo ang tinutukoy ng bigboss nila pati na rin sa ibabaw ng mundo.

***

"Kailangan n'yo ng lumayo!" ani ng isang lalaki mula sa isang telepono

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Tansingco.

"Itutumba ka na nila, kaya ngayon pa lang mag-impake ka na, ilayo mo na ang pamilya mo!" paliwanag ulit ng lalaki.

"Imposible iyan, mayor ako at kailangan nila ako. Hindi nila ako p-pwedeng basta tanggalin sa grupo." Halata ang panginginig sa boses ni Tansingco, hindi siya halos makapaniwala sa kaniyang mga naririnig.

"Pwes, para sa kanila wala ka ng pakinabang. Nakapagdesisyon na sila kaya kung ako sa'yo ilayo mo na ang pamilya mo. Sige-sige, I have to leave I don't want them to hear me talking to you," pagkawika nito'y in-off na ng misteryosong tao ang phone niya.

Naiwang nakatigang-gang si Tansingco, halos hindi na niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin.


***

Hindi na nagsayang pa ng oras si Tansingco, agad niyang inayos ang mga papeles na kakailanganin.

"Dad, what do you think you're doing?" takang tanong ng anak na babae ni Tansingco. Nakatayo lang ito habang pinapanood siya sa pag-iimpake.

"Alfred ano bang nangyayare? Kinakabahan ako sa kinikilos mo?" tanong naman ng balisa na niyang asawa.

Kinukuha ni Tansingco ang mga passport at ilang mga papeles na matagal na niyang inihanda para sa pamilya.

"You have to leave Hun with the kids." Kasabay nito ang paghalik niya sa noo ng asawa, iniabot na rin ang mga passport na gagamitin nilang mag-iina. Halata ang panginginig ni Tansingco nang inabot niya ang mga passport sa asawa. Napapunas rin ito sa kaniyang pawis.

"I won't leave Dad! My Life and my friends are here! At kung ito ay tungkol kay kuya, sa magaling mong ampon. I won't let him to ruin my life here, lalo na ngayong wala na siya!" giit ng anak niyang babae.

"Hey Sweetie, you have to listen to me. Ayokong mapahamak kayo ng mommy mo at ng mga kapatid mo, kaya ngayon pa lang makinig ka sa akin. Sophia, listen to me please, kahit ngayon lang anak!"

Nakahawak ang mga kamay ni Tansingco sa balikat ng anak niyang dalagita. Niyakap naman si Sophia ng kaniyang mommy na tila naiintindihan na ang nais sabihin ng asawa. Wala itong magawa kundi ang sumang-ayon sa desisyon ng asawa.

"Naghanda na ako ng masasakyan ninyo na maghahatid sa inyo sa airport, huwag kayong mag-alala, naihanda ko na ang town house natin sa California at lahat ng kakailanganin ninyo doon." Kapuna-puna ang lungkot sa mukha ng asawa. Hinagkan niya ito at niyakap para kahit papaano, ito ay maibsan.

"Hun~ Promise me, susunod ka sa amin, please!" mahinahong suyo ni Sylvia. Ngunit sa halip na sagutin siya ng asawa ay hinalikan na lang siya nito sa noo at muling niyakap silang mag-ina.

"Sige na, gisingin n'yo na ang mga bata para makaalis na kayo kaagad bago mag-umaga."

Nagmamadali nang tinungo ng mommy ni sophia ang dalawa pa niyang mga kapatid..

Makalipas ang kalahating oras ay handa na silang lisanin ang kanilang malaking bahay.

"Hun mag-iingat ka, wala na si Jovit sa atin at ayoko nang madagdagan pa iyon!" paalala ng asawa ni Tangsingco. Nasa sasakyan naman ang mga anak nila at siya na lang ang inihintay para makaalis na sila.

"Alagaan mo na lang ang mga bata Sylvia para sa akin, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting asawa at huwarang ama. Alam ko marami akong nagawang pagkakamali sa inyo, sa mga bata. Makasalanan akong tao, kaya pinag-uusig na nila ako. Hun, palakihin mo ang mga bata sa mabuting paraan ha, huwag mo silang itutulad sa akin. Mahal na mahal kita ganoon din ang mga bata, patawarin mo ako!"

Niyakap na lang siya ni Sylvia para maibsan ang takot at lungkot na nadarama niya. Kahit siya nagdadalamhati rin sa kinahantungan nila ngayon.

Alam ng asawa niya na kabilang siya sa isang kilalang sindikato sa bansa. Binalaan na siya nito noon pa man pero wala na, nangyare na ang nangyare, sa ngayon, ang nais na lamang niya ay mailigtas sa kapahamakan ang buong pamilya niya. Alam niya kasi kung gaano kahalang ang mga kaluluwa ng grupong kinasasadlakan niya at hindi magdadalawang-isip ang mga ito na idamay ang pamilya niya, mapatay lang siya.

Matapos ibigay ang halik sa isa't-isa ay hinayaan na ni Tansingco na sumakay ng sasakyan ang buo niyang pamilya at umalis na ng tuluyan ang mga ito.

***

Malungkot na nailupagi ni Tansingco ang sarili sa sahig ng sala nila, hawak nito ang isang baso ng red whine. Kanina pa niya nilalaklak mag-isa ang isang bote ng wine, simula noong umalis ang mag-iina niya.

Pakiramdam niya kasi bilang na lang ang oras na ilalagi niya sa mundo. Halu-halong kaba, inis, galit at pagsisisi ang nararamdaman niya. Niluwagan niya ang pagkakatali ng neck tie niya, pakiramdam niya kasi hindi na siya makahinga dahil sa mga nangyayare at sa mga mangyayare pa lamang sa kaniya.

Hanggang sa matuon ang atensyon niya sa isang folder na nasa ibabaw ng lamesang kaharap niya.

Nakapaloob sa folder na ito ang ilang ebidensya ng kanilang mga transaction sa iba't ibang grupo, personalidad at mga bigating sindikato patungkol sa iligal na droga na pinapatakbo ng sindikatong kinabibilangan niya. Lahat, pati ang pangalan ng mga lider nila at ilang kilalang mga buyer. In short, na sa folder na iyon ang alas niya.

Kung sa paningin ninyo wala na akong silbi, pwes hindi ko hahayaang burahin ako sa mundong ito ng hindi ko man lamang na dudungisan ang inyong mga pangalan. Bulong ni Tansingco sa sarili.

Kinuha niya ang folder at tumingin ng matalim sa kawalan. Sa huling pagkakataon ay nilagok niya ang basong naglalaman ng red wine, baon ang isang kaisipang Oras na para itama ang lahat.

***

Kinabukasan

Laking gulat nina Caleb at ng grupo niya nang mabalitaan nila sa telebisyon ang pagtatangka sa buhay ni Mayor Tansingco. Pinasabog ang sasakyan nito sa kahabaan ng isang express way at kasalukuyang inoobserbahan sa isang sikat na hospital sa may taguig. Ayon sa report, papunta na sa munisipyo ang mayor nang maganap ang pagpapasabog. Walang makapagsabi kung ligtas na ba ang mayor basta't ang malinaw lang, kasalukuyan na itong nasa hospital.

"Inuunahan na nila tayo sa paglilinis ng kanilang sariling mga baho," komento ni Miggy habang kausap sa kabilang linya ang pamangkin.

"So~ ano ng plano natin Uncle?"

"Mukhang mapapaagap ang pakikipagkita mo kay Tansingco, iyon ay kung buhay pa siya hanggang sa mga oras na ito. Kailangan mong maunahan ang mga kasamahan niya dahil sigurado ako hindi papayag ang mga iyon na mabuhay pa ang isang taong maaring magdiin sa kanila. Kailangan makakuha ka agad ng impormasyon kay Tansingco bago siya muling patayin ng mga kasamahan niya."

"Okay naiintindihan ko~"

"Ihanda mo ang sarili mo mamayang gabi" Tumango na lang si Czarina at na i-off na niya ang kaniyang cellphone.

"Good morning!" bati sa kaniya ng isang crew pagkapasok niya sa coffee shop na madalas niyang puntahan.

Agad siyang pumunta sa counter. Hindi na siya tinanong ng kahera dahil as usual hayun na naman ang order niya. Kaya nginitian na lang siya nito.

"Ma'am for dine-in or take out?" malambing na tanong ng kahera. Pero bago pa siya sumagot ay isang pamilyar na boses ang narinig niya sa kaniyang likuran.

"Hello Ms. Rina!" Nang lingunin niya ito, bumungad sa kaniya ang babaeng nakilala niya kamakailan lang.

Masaya siyang nilapitan nito at kita sa mga mata nito na tuwang-tuwa talaga ito pagkakita sa kaniya.

Ano ba problema ng babaeng ito, ang saya-saya niya ha. Mabuti pa siya mukhang walang problema. Bulong ni Czarina sa sarili.

"Wow! Nakakatuwa naman talaga, nagkita ulit tayo rito. Magkakape ka?"

Hindi mag-s-soft drinks

Sagot ng kalahati ng utak niya. Ngunit pananatili niyang tikom ang bibig niya, muli siyang humarap doon sa kahera.

"Ma'am for Dine in or take out?" muling tanong ng babae.

"Ms. Rina, mag-dine-in ka na lang, sasamahan kita."

Sa halip na pansinin ni Czarina ang suhestiyon ng estudyante ay binalewala niya ito," For take out please~" Pero sa totoo lang gusto niya munang manatili sa store kaya lang sigurado siya, hindi siya tatantanan ng estudyanteng ito. Kaya, mas mainam na umalis na lang siya sa coffee, malayo sa dalagitang ito

"Alam mong susundan pa rin kita pag nag-take-out ka di ba?" Seryosong tinignan ni Czarina ang estudyante, bakas na seryoso ang sinabi nitong susundan pa rin siya nito kahit umalis siya.

"Wala ka bang ibang gagawin?" aniya rito.

"Wala naman, dumaan talaga ako rito nagbabakasakaling nandito ka. Then heto nakita nga kita." Sabay bitaw nito ng malambing na ngiti.

Sa bandang huli nauwi rin silang magkasama. Hindi na nai-take out ni Czarina ang inorder niya dahil kahit naman i-take out niya iyon, susundan pa rin siya ng dalaga kaya mas mabuti kung dito na lang sila para wala nang mapapagod sa kanila.

Nasa labas sila ng coffee shop na iyon, mangilan-ngilan lang ang naroon. Tahimik pa rin si Czarina habang hinahalo niya ang kapeng paborito niya.

"Madalas ka pala rito..." panimula ni Yllana

"Hindi naman!"

"Malapit ka lang siguro rito 'no?"

"Hindi rin~"

"E, bakit parang dito tayo lagi nagkikita? Ibig sabihin malapit ka lang dito," nakangiti pa rin na tanong ni Yllana.

"May nagustuhan lang akong timpla ng kape sa store na ito kaya binabalik-balikan ko~"

"Hmmmn ganoon pala!" Sinabayan naman ito ng pag-inom sa kaniyang sariling Chocolatte, ito 'yong inorder niya. "Oo nga 'no, mukhang masasarap ang mga timpla nila rito, kaya lang~" pinutol ni Yllana ang sasabihin at bahadyang inilapit ang mukha kay Czarina para ibulong na lang ang mga susunod na sasabihin.

"Kaya lang ano?"

"Masyadong mahal. Hindi pasok sa budget na ibinibigay ni kuya sa akin," bulong niya. Sinisiguradong walang makaririnig sa kaniya. Natawa naman si Czarina sa sinabi nito sa kaniya.

"Wow, napangiti kita ang galing naman! Alam mo Ms. Rina, mas kyut ka kapag nakangiti ka~"

Ibinalik ni Czarina ang mukha sa pagiging seryoso nang mapansin ang sarili na nakadungaw pala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Huwag mo akong pansinin, hindi ako sanay na pinupuna," tugon niya dito sabay higop ng kape niya.

"Alam mo na-c-curious tuloy ako. Bakit parang ang lungkot-lungkot mo? Maganda ka naman, mukhang mayaman, mabait pa at higit sa lahat~ ang astig pa! Kaya bagay sayo ang nakangiti lang palagi. For sure, ang mga ngiti mong iyan ang may kakayahang magpabago ng mundo hi hi hi." Puno ng posotibo ang payong iyon ni Yllana, lingid sa kaniyang kaalaman, hindi pala ito nagustuhan ni Czarina.

"Huwag mo akong papayuhan sa kung ano ang dapat kong gawin, hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko."

"Ha~ I'm sorry. Hindi naman iyon ang intesyon ko, pasensiya na~"

Hindi maipinta ang mukha ni Yllana dahil may punto nga naman si Czarina, wala talaga siyang alam sa pinagdaanan nito, ni di nga niya alam ang dahilan kung bakit hindi ito ngumingiti. Pakiramdam niya tuloy na-offend niya ito kaya napatungo na lamang si Yllana na para bang wala ng mukhang ihaharap.

At kitang-kita sa awra niya na nabura ang sayang taglay na dala niya kanina.

Napansin naman ito ni Czarina, medyo nakaramdam tuloy siya ng guilt. Hindi niya dapat tratuhin si Yllana ng ganoon dahil wala naman itong kasalanan sa mga nangyare sa kaniya. Sa halip ay gusto lang talaga nitong makipagkaibigan sa kaniya. Ang problema lang hindi niya alam kung papaano siya babawi sa dalaga.

Sinubukan ni Czarina ibahin ang pinag-uusapan nila, "Ahmm kung namamahalan ka rito, 'wag kang mag-alala, ako na lang manlilibre sa 'yo. At kahit ano pa ang piliin mo sa mga menu nila, ako na bahala." Pagkarinig nito ay napaangat ng ulo si Yllana. Halatang natutuwa ito sa offer na ibinigay niya.

"Talaga? Wow! Salamat! At least hindi mababawasan ang allowance ko. Teka, pero hindi naman kita pipilitin gawin iyon Ms. Rina, nakakahiya kasi. Ikaw na nga itong nakukulitan sa akin 'tas ililibre mo pa ako," nakapout pa ang labi nito habang binabanggit niya iyon.

"Ayos lang sa akin. Isipin mo na lang it's a thanksgiving from me for you."

"Thanks giving para naman po saan?" nalilito pang tanong ni Yllana.

"Basta~"

Nagpapasalamat siya kasi may nakakausap na siya at may matatawag na siyang kaibigan kahit papaano.

"Ahh, ahm, sige, hi hi hi, sabi mo 'yan ha, wala ng bawian, teka isa na lang. Paano kung dalawa 'yong gusto kong inumin 'tas mahal sila pareho?" pangungulit muli ni Yllana. Napapangiti na naman si Czarina sa kakulitan nito.

"Kahit ilan pa ang gustuhin mo, ako na ang bahala."

Ngayon ay hinayaan na lamang ni Czarina na dumungaw ang ngiti sa kaniyang mga labi. Papremyo na rin marahil niya sa sarili dahil naging succesful naman siya sa kaniyang misyon. Salamat kay Yllana dahil ngayon bumalik na sa bokubularyo niya ang salitang ngiti at maging masaya kahit sa saglit na panahon lamang.

Kitang-kita rin sa pagitan nilang dalawa ang namumuong pagkakaibigan na sana ay hayaan ni Czarina na magtuluy-tuloy.

***

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com