Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XX (editing)

Czarina Joy Javier POV's

Sa coffee store...

"Thank you for coming!" paalam sa akin ng isang crew bago ako tuluyan lumabas ng store. Katulad ng dati hindi na uso sa akin ang pagngiti, kaya marahil sanay na rin silang dinededma ko sila.

Agad kong tinungo ang paborito kong pwesto sa labas ng store na iyon. Tinignan ko ang wrist watch ko, 6 am pa lang. Pakiramdam ko magiging mahaba ang araw na ito, then panandalian akong humigop ng kape.

"Ate Rina!"

May kung sino ang tumawag sa akin, at mukhang tukoy ko na rin kung sino ito. Nang silipin ko, siya na naman, ang estudyanteng na-meet ko kamakailan lang. I actually forgot her name.

"Hi, good morning!" bati niya sa akin. Hindi na niya hinintay na alukin ko siyang maupo dahil naupo agad siya sa upuang katapat ko.

"Ang agap mo ngayon, wala ka bang mahalagang gagawin?" tanong ko kasunod ang paghigop ko sa aking kape.

"Ha? Ahm wala naman, at saka sinadya ko talagang pumarito ng maagap."

"Bakit?"

"E, kase hindi na kita naabutan kapag dumarating ako rito. Ang laging sinasabi ng mga crew dito, kanina ka pa raw umalis," paliwanag niya sa akin. Teka, nagmamaktol ba siya?

Tama siya, pagkatapos kasi noong engkwentro namin ni Tansingco, dalawang araw na rin ang nakakalipas, inaagapan ko na ang pagpunta rito para sana hindi na niya ako maabutan. Pero balewala rin dahil nagkita ulit kami. Ayaw niya talaga akong tigilan, ayokong makipagkaibigan sa kahit na kanino, mahirap na baka madamay pa sila sa mga pinanggagawa ko. Ayoko rin naman na saktan ulit ang damdamin niya, paano kaya ito?

"Ahh okay~" tipid kong sagot sa kaniya. Muli akong humigop sa tasa ko, maya-maya ay may lumapit sa amin na isang crew.

"Ma'am, may gusto ho ba kayong orderin?" Ang tinatanong niya ay ang babaeng kasama ko, hindi ko talaga maalala pangalan niya. Nahiya naman akong itanong iyon sa kaniya. Bago siya sumagot ay kinuha niya ang wallet niya at tila may binibilang sa loob ng pitaka niya.

"Give her Chocolatte please." Ako na ang nag-order para sa kaniya..

"Its that all ma'am?" anang ng singkit na crew.

"Dalhan mo rin kami ng cupcakes, please."

"Sige po."

Pagkaalis ng lalaki ay humarap ulit sa akin ang estudyanteng kasama ko at bahadyang inilapit ang mukha sa akin.

"Ate Rina, magkano ba 'yong Chocolatte na iyon at saka ang cupcakes na tinutukoy mo?" bulong niya.

"Don't worry about that, ako na ang bahala roon, as I promise ako manlilibre lahat ng iinumin at kakainin mo rito."

Nang marinig niya iyon, muli ko na namang nasilayan sa mukha niya ang ngiting punong-puno ng pag-asa. Naalala ko ang sarili ko sa kaniya, ang masayahing ako NOON. Pero wala ng ang Czarina na 'yon, matagal na siyang nakabaon sa lupa.

"Naku salamat ng marami Ate Rina, nakakahiya naman~"

"Wala 'yon. Teka 'wag kang magagalit ha, pero ano nga ulit ang pangalan mo? Malilimutin na kasi ako."

"Yllana po! Ayos lang. Maganda nga na tinanong mo ulit, ibig sabihin, nagkakainterest ka na rin na maging kaibigan ako. Yehey! Salamat po!"

***

Sumama ako sa kaniya after namin tumambay sa coffee shop, wala naman kasi akong gagawin. Dinala niya ako sa isang karenderya 'ata. Nagpresinta kasi siya sa akin na ililibre niya raw ako para naman daw makabawi siya sa akin. Pumayag naman ako.

"Manang Sally, espesyal Lomi po dalawa!" sigaw ni Yllana

"Okay Yana!" sagot ng matanda. Mukhang kilala na rito si Yllana, suki yata siya ng tindahan na ito.

"Masarap ang lomi nila rito pwamis, babalik-balikan mo talaga!" pagyayabang pa niya sa akin.

"Yana, mukhang mayaman iyang kaibigan mo, pakilala mo naman ako!" anang ng isang lalaking lumapit sa akin. Ang sarap pilipitin ng leeg niya. Mukhang kaedad lang ito ni Yllana.

"Hoy Jobert! Tumigil ka riyan, huwag mong babastusin ang kasama ko, baka pagsisihan mo." Natuwa naman ako kay Yllana, Oo nga pala, witness siya kung paano ko napatumba iyong nagnakaw ng bag niya.

Tinaasan ko lang ng kilay ang mokong ay lumayo na ito sa amin. Mga kabataan nga naman, ang bilis mapatiklop.

Sa totoo lang ito ang unang beses na makakakain ako sa mga ganitong kainan. Nasanay kasi kami na sa mga first class restaurant kami kumakain nina mommy. Umuusok pa nang ihanin sa amin 'yong Lomi, mukha ngang masarap sa amoy at hitsura pa lang. Ang dami ring budbod ang nakasahog kaya para namang nakakatakam.

"Ayan na, shocks na kakagutom naman talaga! Salamat po nay! Tara simulan na natin."

"Ha? Ah, okay."

Nang tikman ko na ang Lomi, hmmn not bad. Okay na okay ang lasa niya, nagulat nga ako kase P35 lang ang espesyal na pagkain na ito. Si Yllana naman ay napakasayang panoorin habang abala sa pagkain.

Maya-maya pa ay may umagaw ng atensyon naming lahat. Isang balita sa telebisyon na nasa loob din mismo ng karinderya na iyon.

"Isa sa mga nahuling suspek sa pagpatay kay Mayor Tansingco ang napatay naman habang inililipat ito sa Quezon City Jail. Pasado alauna ng madaling araw kanina, inam-bush ang police mobile na ginamit sa paglilipat sa suspek. Dalawang pulis ang sugatan habang tatlo civilian naman ang nadamay. Ayon sa mga nakasaksi, isang itim na van ang humarang sa grupo ng kapulisan at pinaulanan sila ng bala ng mga ito~"

Dinispatsya na rin pala nila ang sarili nilang mga kasamahan, hindi na nakakapagtaka, mga wala talaga silang puso. Bumalik lang ang ulirat ko nang magbigay ng komento si Yllana.

"Grabe na talaga ang mga kriminal ngayon. Kapwa sila-sila na rin ang nagpapatayan. Tsk, pero kahit patay na ang Mayor na iyon ay hindi pa rin tapos ang kaso ng mga Javier, kawawa naman sila parang ang hirap ng hustisya para sa kanila. Ipagpalagay na lang natin na mayaman sila, paano pa kaya kaming mahihirap tsk tsk~" komento nito sabay subo ng kaniyang kinakain. Panandalian akong natigilan dahil sa mga sinabi niya. May alam ba siya tungkol sa pamilya ko?

"Kilala mo ang mga Javier?" tanong ko.

"Oo naman, halos lahat sila kilala ko." Sa sinabi niyang iyon, mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko, what if makilala niya ako? Nagpatuloy siya sa pagsasalita, habang iniiwas kong makipagtitigan sa kaniya, mahirap na, baka maalala niya ako.

"Sinong hindi makakakilala sa kanila, e, sila iyong pamilyang minasaker ilang buwan na ang nakakaraan at hanggang ngayon hindi pa rin tukoy kung sino talaga ang mastermind sa pagpatay sa kanila. Sabi ni kuya, iyon daw mayor na iyon ang may pakana. Ang sabi nga ng iba, kaya raw pinatay si Mayor kasi raw ibubuking na raw ng mayor ang mga kasabwat niya. Iyon ang chismis ng iba." Pinagpatuloy nito ang pagkain. Mabuti na lang, may idinagdag ako sa mukha ko na magtatago sa totoong ako.

"Ahhh~"

Hindi na ako nagtanong pa, dahil baka sa kakahukay ko ng impormasyon ay mailagay ko pa ang sarili ko sa hukay na iyon, at hindi pwedeng mangyare iyon.

Pagkatapos ng bonding namin ni Yllana ay nagkahiwalay na kami. May klase pa raw siya, ako naman ay dumiretso sa lupain namin para roon na magpalipas ng oras habang hinihintay ko ang susunod na ipapagawa ni Uncle sa akin. Pero ang mga nangyare talaga sa amin kanina ang halos nagbigay ng matindi kaba, talo pa nito ang mga nauna kong misyon.

End of her pov's


***

Kinabukasan, mula sa apartment na inookupahan ni Czarina

"Benedict Alizares, 48 yrs old. May asawa at dalawang anak. Nasa ibang bansa ang mga anak nito, ang isa may pamilya na at ang isa nag-aaral pa. Chairman at CEO ng Alizares Corporation; Isang Recruitment Agency sa makati. Office hour, 8 in the morning until 10 pm. Mahilig din mag-golf, minsan na rin niyang nakasama ang Juarez brothers sa larong iyon. Napag-alaman ko rin na nag-sponsor siya sa pangungumpanya ni Tansingco at heto pa, may isa siyang anak na lalaki mula roon sa kabet niya na hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin sa kaniya. At ang exciting dito, hindi ito alam ng kaniyang asawa ha ha ha!" paliwanag ni Miggy sa kaniya habang nakatingin si Czarina sa laptop niya. Tinitignan niya ang bawat larawan ng lalaking tinutukoy ni Miggy sa kaniya.

Ang profile na iyon ay isa sa mga nakalagay sa folder na hawak na nila ngayon. Ang folder na nakuha niya mula sa vault ni Mayor Tansingco sa may bangko na tinutukoy nito bago ito napatay.

"Hindi lang iyon, according to my credible source ko. Marami na rin pala ang nagsampa ng reklamo sa kumpanya niya dahil ilan sa mga naipapadala nila sa ibang bansa ay walang mga legalization papers. Illegal recruiters, no doubt for that. May mga nabiktima na hindi na nakabalik, ang ilan naman nakakauwi nga pero may mga diperensya na sa katawan o di kaya sa pag-iisip. Ang nakakapagtaka lang dito ay nagagawa nilang takpan ang mga bahong iyon." dagdag ni Miggy.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita."Ang mga ilan sa nagreklamo ay inatras ang kasong isinampa nila, marami nagsasabi binayaran ng malaking halaga ang mga ito. Ang ilan naman tinakot kaya wala silang magawa kundi kunin ang pera kapalit ng hustisya ng mga taong mahal nila sa buhay"

"So pera pa rin talaga ang kumokontrol ng lahat," malungkot na pahayag ni Czarina.

"Prepare yourself Sweetie, You are going to meet him today."

"Okay."

Isinara na niya ang laptop at tumayomula sa kaniyang higaan.

***

Samantala ng araw din na iyon.

"Yes kuya, doon nga po ang punta ko bakit po?" Kausap ni Yllana ang kuya Caleb niya sa kaniyang cellphone habang nakasakay siya aa isang taxi.

"Doon din kasi ang tungo namin ni Arthuro, call me kapag nandoon ka na. May ipapasuyo kasi ako sa 'yo sa bahay, hindi ako uuwi ngayong gabi, so ikaw na ang maglagay nito sa mga files ko. Ayos lang ba bunso?"

"Syempre naman po kuya!"

"Okay tawagan mo ako kapag nandoon ka na ha?" muling paalala ni Caleb sa kapatid.

"Yes Kuya, I will do that bye!" Ibinaba ni Yllana ang phone niya. Nagpatuloy naman sa pag-andar ang sinasakyan niyang taxi.

***

"Remember kapag nagkaaberya, alam mo na kung saan pupunta. I prepared something for you up there," paalala ni Miggy sa pamangkin.

Yes Uncle! Gotta go."

Pagka-off ng phone ay nagsimula nang maglakad papasok si Czarina sa main entrance ng building na iyon. Marami siyang kasabay na pumasok, marahil mga nag-aaplay din sa agency na iyon kaya naman hindi na rin siya nahirapan.

Tinungo niya ang information desk na nasa bungad lang ng entrance. Nakapang-office attire si Czarina, suot niya ang hapit niyang palda na above the knee ang haba kung saan labas na labas talaga ang ka-sexy-han niya, naka-pony din ang may kahabaan na niyang buhok gamit ang dalawang chopstick. Simpleng lang ang make-up niya, nakasuot din siya ng eye glasses. Kahit anong gawin niya, hindi pa rin maitatago ang natural niyang ganda.

"Good morning!" bati sa kaniya ng babae na nagbabantay doon.

"Good morning! Ahm I have a meeting with Mr. Alizares today," malambing na usap ni Czarina gamit ang maalaanghel nitong tinig.

"Ano po ang pangalan nila ma'am?"

"Nerissa Fernandez, Assistant ni Mr. Chua," pakilala ni Czarina. Sabay abot ng ID na ginawa ng Uncle niya.

Sinimulang hagilapin ng babae ang pangalang binanggit sa kaniya ni Czarina mula sa computer.

"Oh si Mr. Chua, okay, actually kanina pa kayo hinihintay ni Mr. Alizares sa office niya," nakangiting saad ng babae.

"Sige po ma'am makakatuloy na po kayo, here's your entrance card."

Pagkakuha ni Czarina sa isang card ay inihatid siya ng dalawang security guard na nakaamerikana patungo sa VIP hallway, ang daan lang na ito ay para sa mga may mahahalagang appointment kay Mr. Alizares at sa iba pang mga VIP ng kumpanyang iyon.

Bago ang araw na ito, nalaman ni Miggy na may ka-Business meeting ang negosyanteng si Chua kay Alizares, kaya kagabi pa lang inasikaso na ito ni Miggy. Humingi siya ng tulong kay Darwin para makipagkita kay Chua, nang sa gayo'y mai-cancel ang meeting niya kay Alizares kinabukasan. Kinuha itong pagkakataon ni Miggy, naharang niya ang pagpapa-cancel ni Chua sa meeting sa tulong ng modernong teknolohiyang gamit niya at hinayaan ang pamangkin ang magpatuloy sa plano. Kaya naman malayang nakakakilos si Czarina gamit ang pagkataong hindi na naman sa kaniya. Lahat ay plakado ni Miggy, kaya sigurado siya, ang tagumpay ay mapapasakanila na naman.

Bago pinapasok sa hallway si Czarina ay tinignan muna ng dalawang security agent ang dala niyang briefcase, wala naman itong laman bukod sa mga papeles kaya agad siyang pinadaan. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang marating nila ang elevator. Kasama pa rin niya ang dalawang security agent. Dinala sila ng elavator sa 18th flr.

Pagkalabas nila, may nakaabang na sa kanila, isang babae at isang lalaki. Kinapkapan ng babae ang buong katawan ni Czarina, mula sa paa pataas sa kaniyang singit. Sa katawan pati na ang kaniyang dibdib.

Matapos makasigurong walang deadly weapon ay malaya na siyang pinapasok kung saan naroon ang target niya. Agad na bumungad sa kaniya si Benedict, hindi nakasuot sa kaniya ang kaniyang coat. Ang tindig at postura ay nababakasan ng pagiging negosyante niya, matipuno at lalaking-lalaki ang ang bawat galaw niya. Nakatingin ito sa bintana habang hawak ang isang white wine.

"Ahem." Pagkuha ni Czarina sa atensyon nito, humarap naman ito sa kaniya.

"Sige makakaalis na kayo, iwanan n'yo na kami," utos ni Alizares sa dalawang Security agents kaya naman lumabas na ang mga ito, naiwan namang nakatayo si Czarina.

"Kamusta ang mga na-recruit ng boss mo? I heard, most of them came in province, oohh I love province's people," tanong ni Alizares kasabay ang paglakad niya patungo sa sofa. "Oh sorry have a seat," dugtong pa nito.

Naupo sa single couch si Czarina.

"Everything is doing fine according sa mga napag-usapan n'yo Mr. Alizares. "

"Good! Hmmn~ Hindi ko inaasahan na napakaganda pala ng personal assitant ni Chua. Huwag ka sanang ma-offend sa sasabihin ko. Magkano ang ibinibigay sayo ni Chua?"

"Sorry?"

"I mean iyong salary mo?" Ngumiti muna si Czarina, tinanggal ang eye glasses niya at inilapag sa lamesang nasa harapan nila. Nai-cross din niya ang legs niya dahilan para matuon ang paningin ni Alizares sa hapit niyang palda at sa makinis at maputing niyang hita. Which is sinadya gawin ni Czarina akitin ang target niya.

"Its confidential sir, bakit sir, nagbabalak po ba kayong higitan ang naibibigay sa akin ni Sir Chua?" tanong ni Czarina gamit ang mapang-akit niyang tinig.

"Ha~ Your aggresive and I like the way you do that."

"Oh Thank you sir." Tumayong muli si Czarina.

"Bakit ganoon sir, parang masyadong mainit dito sa loob ng office n'yo." Tinanggal ni Czarina ang suot niyang blazer at maingat na inihagis sa inupuan niya kanina.

"Alam mo ang sagot d'yan, maybe because your~ so hot?" pambobola Alizares. Muli niyang nilagyan ng laman ang glass wine niya at nilagok ito na animo'y dito kumukuha ng lakas-loob.

"Thank you for that complements sir, kaya lang nabili na ni sir Chua ang loyalty na meron ako e."

"Then I'll buy it more than how much he bought it you. Name your prize." Nag-iwan ng makahulugang ngiti si Czarina nang marinig ang mga iyon.

***

Samantala...

"Kuya I'm here na, nasaan ka na po?" kausap ni Yllana ang kuya niya sa kabilang linya.

"Yah nakikita ka namin, d'yan ka lang, kami na ang lalapit." Nai-off na ng dalawa ang kanilang mga phone.

"Yllana!" sigaw ni Caleb kaya napalingon sa kaniya ang kapatid.

"Hi Yllana!" bati naman sa kaniya ni Arthuro pagkalapit nila sa dalaga.

"Hi~" Halata naman kay Yllana na medyo nagpapa-cute ito sa harapan ni Arthuro. Hinawi niya ng ilang ulit ang buhok niya.

"H-hoy ano 'yan, sa harapan ko pa talaga mismo. Naku-naku, huwag kang magpapaniwala sa mukhang iyan bunso. Marami na 'yang naloko," biro pa ni Caleb.

"Oy brad sobra ka naman!" tanggol ni Arthuro sa sarili.

"Oy! Oy! Ikaw, binalaan na kita huwag ang utol ko ha!" Walang nagawa si Arthuro kundi ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo.

"Ah kuya, bakit nga pala kayo nandito?"

"Para kausapin si Mr. Alizares to clarify important things. Ah siya nga pala, heto dalhin mo 'yan sa kwarto ko at isama mo doon sa mga papers na nasa table ko okay?" Sabay abot ng dalawang white folder.

"Ahm okay."

"Ikaw naman, bakit ka nandito?"

"Ah e kuya, dito namin gagawin iyong interview para sa school projects namin e, actually parating na din ang mga classmate ko," paliwanag niya. Ilang saglit lang ay dumating na nga ang hinihintay ni Yllana.

"Yllana!" sigaw sa kaniya ng mga kaklase niya na ngayon nga ay patakbo ng palapit sa kanila.

"Oh ayan na pala sila kuya, oh sige sasama na ako sa kanila."

"Okay! Mag-iingat kayo, siguraduhin ninyong about sa school iyang ginagawa niyo ha!" pahabol na paalala ni Caleb.

"Yes kuya!"

"Bye Yllana." Kumaway pa si Arthuro, bigla naman siyang sinikmuraan ni Caleb.

"Hoy baka gusto mong magsama ang may balat sa tinalupan? Umaayos ka nga tara na. Hayun, doon tayo magtanong." Ang tinutukoy nito ay ang babaeng nasa harapan nila sa may information desk.

"Magandang umaga!" bati ng dalawa

"Good Morning din po sir, ano ho ang maitutulong ko?" nakangiting tanong ng babae.

"Ah mga Government Private Investigator kami." Pinakita nila ang kanilang mga badge bilang patunay. "At pinadala kami ng NBI. Maari ba namin makausap si Mr. Alizares regarding sa connection niya kay Mayor Tansingco and this is urgent miss," seryosong pagkakasabi ni Caleb. Nagkatinginan naman ang dalawang babae na nasa harapan nila. Para bang nag-uusap kahit walang sinasabing kahit anong salita.

"Ah sir, may ka-meeting na ho kasi siya at this moment. Kaya hindi ko po masasabi kung pwede si sir na makipag-appointment sa inyo. Pero pwede ho kayong bumalik bukas or sa mga susunod na araw."

"Ganoon ba, mukhang no choice na kami kundi ibigay ang warrant of arrest sa kaniya. At sa tingin ko kapag nangyare iyon, hindi iyon magugustuhan ng boss n'yo. Dahil posibleng masira ang pangalan niya at madamay ang kumpanyang ito. Ayaw sana namin munang umabot sa ganoon pero mukhang wala na kaming iba pang mapagpipilian. Kayo rin, baka sa inyo ibuntong ni Mr. Alizares ang kaniyang galit kapag nagkataon," pananakot pa ni Arthuro habang tahimik na nakikinig si Caleb.

"Ano ho ang ibig ninyong sabihin?" Halatang kinabahan ang dalawang dilag sa mga sinabi ni Arthuro.

"Isa siya sa mga hinihinalaang nagpapatay kay Mayor Tansingco. Kailangan namin makuha ang panig niya para ipagtanggol ang kaniyang sarili. May mga ebidensya kasi kaming nakalap na nagtuturo sa kaniya. Kaya miss, ngayon pa lang bigyan n'yo na kami ng appointment sa kaniya," dagdag na paliwanag ni Caleb.

***

Samantala...

"Ang kyut talaga ng kuya mo 'no?" puri ni Coco short for Colleen na best friend at klasmeyt ni Yllana.

Kasalukyan silang naglalakad sa kabilang hallway para sa gagawin nilang interview sa Head Department ng Alizares Corporation Agency bilang parte ng kanilang thesis.

"Syempre! Magagandang lahi rin kasi ang pinagmanahan namin ni kuya ha ha ha. Tara na nga, 10 mins na lang ang meron tayo at ilang floor pa ang dadaanan natin."

"Teka anong floor nga pala iying sinabi ni ate?" tanong ni Keshia, klasmeyt din ni Yllana.

"17 flr, kaya tara na!" Agad nilang tinungo ang elevator at pumasok pagkabukas nito. Bale apat sila, kasama na si Macuy, na magsisilbing camera man nila; klasmeyt din nila ito.

Bumukas ang elevator at halos malaglag ang mga panga nila ng pagmasdan nila ang floor na kinaroroonan nila.

"Wow! Ang sosyal naman dito. Kumpara sa mga building na napuntahan natin na maingay at saka madaming tao. Pero rito ang tahimik 'tas wala kang makikitang tao na nagpaparoo't parito. 'Tas may red carpet pa astig!" manghang bulalas ni Coco.

"Ang pagkakaalam ko private na ito mula sa 15th floor pataas, I mean para sa mga matataas na opisyales lang na may mahalagang posisyon sa kumpanyang ito ang na-o-occupy ng mga silid na nandito. Then doon sa 14th flr pababa e, mga public usage na, kung saan maraming taong talaga ang nagkalat doon. Nag-a-apply para maging ofw," paliwanag ni Keshia habang naglalakad sila at hinahanap ang office ng ka-meeting nila.

"Mabuti naman at ginawa mo pina-research ko sa 'yo kagabi ha ha," biro ni Yllana.

"Oh nandito na tayo guys." Tumapat sila sa isang glass door at si Macuy na ang nag-doorbell. May nagbukas na babae sa kanila.

"Good day po ma'am, kami po ay mula sa ICCT college, mga mass communication student po at kami po ang---" Hindi na natapos sa pagpapakilala si Yllana dahil nag-usap na bigla ang babae.

"Come in, follow me," saad ng babae. Nakangiti pa ito at nagsimula ng maglakad papasok.

"Oh tara na raw, thank you po ma'am," saad ni Macuy. Kaya isa-isa na silang pumasok. Nagpahuli na si Yllana at pinauna nya muna ang mga kasama. Ngunit napahinto siya ng mapatingin ito sa may dulo ng hallway kung saan sila nakatayo, may umagaw kasi ng atensyon niya.

May isang babae ang kasalukyang naglalakad palapit sa kaniya. Naka-office attire ito, hapit ang palda, nakasuot ng eye glasses at naipo-pony ang may kahabaan nitong buhok gamit ang isang chopstick. Napatingin sa kaniya ang babae, pero agad din binawi at nagmamabilis maglakad hanggang sa tuluyan ng lumampas ito sa kaniya.

"Uy Yllana! Tara na para masimulan na natin ang interview," tawag sa kaniya ni Macuy.

"Ha? Ah s-sige. Susunod na ako." Muli siyang napatingin sa babaeng nakatalikod na sa kaniya ngayon. "Parang nakita ko na ang babaeng iyon?" bulong pa niya sa sarili.

Papasok na sana si Yllana sa loob ng opisina nang may narinig siyang malakas na sigaw.

"Hoy babae tigil!" Kaya hinagilap agad ni Yllana kung kaninong boses iyon. Nagmumula ito doon sa apat na lalaki na nakatayo sa pinanggalingan ng babaeng nakita niya kanina. Mga nakasuot ito ng amerikanang itim.

Kinabahan si Yllana nang makita niyang naglabas ang mga ito ng mga baril. "Hala! anong nangyayare?" bulong ng isip niya. Hinanap niya kung sino ang tinutukoy ng apat. Imposible naman siya kasi medyo nakapasok na ang katawan niya sa may pinto. Sinilip niya ulit ang babaeng nakita niyang dumaan sa kaniya kanina. At walang duda ang babaeng iyon ang tinutukoy ng apat na lalaki dahil ito lang naman ang naroon sa mahabang hallway.


***

to be continued

Like my page mga brad, @ Yhinyhin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com