Chapter XXI (editing)
Hinatak ni Czarina si Alizares sa pamamagitan ng paghawak sa necktie at pinaupo sa working table nito at saka pinaikot paharap sa kaniya. Nahaharangan tuloy ni Czarina ang view mula sa labas ng building na iyon, pero hindi iyon ang view na inaasam ni Alizares, kundi ang magandang hubog ng pangangatawan ng dalaga na nasa harapan niya lalo na nang simulan nitong tanggalin ang pagkakabutones ng blusa nito. Bumulaga sa harapan ni Alizares ang makinis at porselanang balat ni Czarina, dumagdag pa sa tanawin ang malulusog nitong mga dibdib na tinatakpan naman ng itim na bra. Hindi naman lubusang binuksan ni Czarina ang mga butones sa suot niya, nagtira siya ng dalawa sa mga ito. Pagkatapos ay marahang umupo si Czarina sa mga hita ni Alizares, kaya naman mas lalong nag-init ang negosyanteng lalaki.
Nilalaro ng daliri ni Czarina ang buhok ng lalaki hanggang sa likod ng tainga nito. Damang-dama ni Benedict ang sensasyong dala ng dalaga sa kaniya habang nakaupo ito sa kandungan niya. Hahalikan niya sana sa leeg ang dilag pero pinigilan siya nito.
"Please allow me to do it on my own way Mr. Alizares." Ipinangharang ni Czarina ang daliri niya sa mga labi ng lalaki. Para namang asong ulol si Benidict na sumunod sa sinabi ni Czarina sa kaniya. Hinayaan niya na ang babae na ang kumilos at gumanap ng mga bagay na inaasahan niya.
Isa-isang tinanggal ni Czarina ang butones ng polong suot ng lalaki. Kasabay nito ang pasimpleng pagpindot ng paa niya sa emergency button na nakalagay sa ilalim ng table na nasa likuran ni Alizares. Ang button na ito ay ginagamit kapag may emergency or nasa panganib ang isang boss. Sinadya itong gawin ni Czarina, kaya naman dali-daling pumasok sa silid ang apat na lalaki at bakas ang kanilang pagiging alerto. Nailabas agad nila ang mga baril nila.
Ikinabigla ng apat na bantay ang kanilang nasaksihan, napaharap si Alizares at nagulat din. Kaya bahadyang huminto muna si Czarina sa ginagawa at kunwari ay nahihiya, medyo idinikit pa ni Czarina ang sarili kay Benedict upang ipakita na may lampungan ang kasalukuyang nagaganap sa pagitan nila.
Nahihiya namang nagsalita si Czarina gamit ang mapang-akit niyang tinig, "Opps sorry, mukhang... may napindot ako nang hindi sinasadya."
"So-sorry boss," paumanhin naman ng isang tauhan ni Alizares.
"It's okay, you may go. And please anuman ang marinig ninyo. Huwag na kayong magbalak mangdisturbo okay?" paalala ni Alizares sa mga tauhan niya na sinabayan pa niya ng mga tingin na tila nagbabanta.
"Yes Boss!" pagkasabi nito ay agad lumabas ang apat. Isang makahulugang ngiti naman ang pinakawalan ni Czarina.
"So~ shall we continue?" nakangisi pang tanong ni Alizares.
"Sure~"
Sinimulan ni Czarina alisin ang dalawang chopstick na siyang pumupusod ng kaniyang buhok. Ang isa ay inilagay niya sa table, habang ang isa ay pinanatili niya sa kanyang kaliwang kamay. Bagsak na bagsak ang buhok ni Czarina at naghahari ang taglay nitong bango na mas lalong nagpapaakit kay Alizares.
Mas nabighani si Alizares dahil mas bumagay kay Czarina ang may kahabaan ng buhok nito. Nagsimula si Czarina na ilapit ang mukha sa leeg ng lalaki. Dumadampi tuloy ang mainit niyang hininga sa balat ni Alizares dahilan para mas lalong itong mabaliw sa kaniya.
"You are so pretty... Be mine sweetheart!" saad pa ni Benedict. Akmang hahalikan niya ang napapikit na si Alizares, ngunit biglang napangiwi ang mukha nito nang makaramdam ng kirot mula sa kaniyang tagiliran.
"What the-"
Dalawang beses isinaksak ni Czarina sa tagiliran ni Alizares ang hawak niyang chopstick. Dahilan para magulantang ito at magsimulang lumuwa ng dugo mula sa bibig nito.
"Ba-bakit?" pagtataka ni Alizares. Napatingin pa siya sa mga mata ni Czarina at kitang-kita niya ang galit sa mga matang iyon. Ibang-iba sa una niyang pagkakita rito kanina. Tahimik pa rin si Czarina at nagbitaw ito ng nakakakilabot na ngiti. Walang nagawa ang lalaki kundi tignan ang tagiliran niya at doon niya nakita ang chopstick na hawak-hawak pa rin ni Czarina habang nakatarak pa rin ito sa kaniyang tagiliran.
Napansin naman ni Czarina na pinipindot pala ni Alizares ang emergency button na nauna na niyang napindot kanina.
"Akala mo ba papasukin ulit nila tayo rito Ha ha ha! Hindi ba't pinagbawalan mo na sila?" nakangising pahayag ni Czarina.
"Bitch!"
Buong lakas na itinulak-palayo ni Alizares si Czarina mula sa kaniya kahit pa nga nahihirapan siya dahil sa natamong sugat. Kasabay niyon ay ang paghugot ni Czarina sa chopstick na naisaksak niya at mabilis na naibalanse ang sarili mula sa pagkakatulak sa kaniya ni Alizares. Ngunit bago pa man mailayo ang sarili sa target ay isa pang saksak ang ibinigay niya rito nang magsimula itong tumalikod sa kaniya, nahagip pa niya ang tagiliran nito.
Tuluyan na ngang nagkalayo ang dalawa, napabagsak na lamang sa sahig si Benedict dahil sa mga malalalim na sugat na ginawa ni Czarina sa kaniya. Nagsimula si Alizares na gumapang palayo kay Czarina habang nakahawak ang isang kamay sa kaniyang duguang sikmura. Pinipilit niyang puntahan ang pintuan ng kaniyang opisina upang humingi sana ng tulong sa mga tauhan niyang nasa labas lamang.
"Benedict Alizares, isa sa mga kinatatakutang big three hmmp. Nakakatawa namang isipin na ang isang kinatatakutan ng lahat, ngayon ay nanginginig na sa takot sa isang babaeng katulad ko. Bakit Alizares, natatakot ka bang harapin si kamatayan? Nasaan na ang ipinagmamalaki mong sindikato? Ha! Mga wala kayong kwenta. Kayo ang salot sa lipunan," kalmadong pahayag ni Czarina habang sinusundan ang gumagapang na si Alizares.
Nagawa pang maglabas ng galit si Alizares sa kabila ng iniindang sakit, "Ahrg! Nababaliw ka na ng ulo!"
"Yeah, you're right Mr. Alizares I'm insane. At hindi na nakakapagtaka. Oh I'm pretty sure naalala mo pa ang kawalang hiyaan na ginawa ninyo sa pamilya ko right? Kaya huwag kang magtaka kung isa akong baliw sa harapan mo. Dahil nakakasira naman talaga ng ulo ang ginawa ninyo sa amin," pang-aasar na pananalita ni Czarina habang patuloy niyang sinusundan ang dahan-dahan na paglayo sa kaniya ni Benedict. Hawak pa rin ni Czarina ang chopstick sa kaliwang kamay niya.
"Wa--wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo. Who are you? At p--paano mo nalamang isa ako sa two headed snake?" tanong ni Alizares habang patuloy pa rin siya sa paggapang palapit doon sa pintuan.
"What a stupid question. Do you still remembered the Javier Massacre? And what do you think of me, Cheap? Remember this~ I can get the source whatever and whenever I want. Knowing all about you and to your syndicate group is more easy than solving 2 by 2. So don't get surprise Mr. Alizares. Dahil di lang pera ninyo ang may kakayahang magtago, alamin at baligtarin ang mga katotohanan."
Nakita ni Czarina na napatingin pa si Alizares sa CCTV sa loob ng office na iyon. At nakuha niya ang nais sanang sabihin nito.
"Oh I almost forgot, siya nga pala! The CCTV here in your office is now under our control. Kaya wag kang umasa na ikababagsak ko ang CCTV na meron kayo rito."
"Pa-paano?"
"Oh please don't ask." Sabay tingin ni Czarina sa eye glasses na suot niya kanina na nailapag niya sa may table doon sa sofa. Ito ang device na ginamit ni Czarina para magkaroon ng access ang uncle niya sa satelite system ng Alizares Corporation. As usual high technology ang ginagamit nila to make things perfect.
"Mr. Benedict, ito ang tandaan mo. Uubusin ko ang sindikatong kinabibilangan mo, iisa-isahin ko kayo kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Total sira na naman ang buhay ko, tandaan mo ang mukhang ito dahil ang babaeng nasa harapan mo ngayon ang siyang dapat katakutan ng Two Headed Snake sa mga susunod na araw." Itinaas ni Czarina ang chopstick na hawak at buong pwersa niyang itinarak ito sa likod ni Alizares. "Mamatay ka na!"
"Huuwaaag!" sigaw pa Alizares at dahil naka-sound proof ang silid kaya malabong marinig ang sigaw niya ng kaniyang mga tauhan na nasa labas lamang. At sa huli pang saksak ay tuluyan na ngang nawalan ng buhay si Alizares.
Binuhat ni Czarina si Alizares pabalik sa upuan nito. Naiharap niya ang upuan doon sa may bintana kaya nakatalikod ang ayos ni Alizares kung sakaling may pumasok man. Pinunasan niya ang ilang dugo na nasa carpet, para hindi agad mahalata. Pati ang chopstick na kaniyang ginamit ay pinunasan niya rin at agad inilagay sa kaniyang maliit na bag. Kinuha ang salamin, blazer at ang isa pang chopstick na nasa table. Pinalantya ng kamay ang nagusot niyang damit at medyo ibinaba ang hapit na palda. At katulad ng nakagawian nag-iwan ulit ito ng kaniyang simbolo sa glass window sa harapan ng bangkay ni Alizares. Isang malaking sulat na J na ginamit ng pulang lipstick. Kinuha rin niya ang isang baril sa may maliit na cabinet para may magamit siya.
"Uncle I'm done."
"Good! Stick on the plan. At kagaya ng nauna kong sinabi, rooftop would be your exist point kapag nagkaroon ng aberya. Pero try to leave on that place in a normal way okay?"
"Okay"
Nagsimulang maglakad palabas ng silid na iyon si Czarina. Nakita niya sa di kalayuan ang apat na tauhan. Tig-dalawa sa mag kabilang hallway, nilapitan agad siya ng dalawang lalaki na malapit sa may elevator.
"Oh siya nga pala sabi ng boss ninyo, huwag ninyo muna siyang disturbohin. Hayaan n'yo munang siyang namnamin ang ginawa namin ha," malambing na usap ni Czarina sa dalawa. Napangiti naman ang mga ito at tila naakit din sa maamong mukha at malaanghel na tinig ni Czarina.
"Ganoon ba~"
"Napakaswerte talaga ni Boss, naka-jackpot siya ng tulad mo," komento ng isang lalaki.
Inasar naman siya ng kasama niya, "Ganyan ang nagagawa ng pera, kaya ikaw magpayaman ka na!"
Ngumiti lang sa kanila si Czarina at dahil nasa gitna siya ng mga ito ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalawa sabay bulong sa mga ito.
"Tawagan ninyo ako kapag may sapat na kayong pera ha," sabi ni Czarina sabay haplos sa mga pisngi nito. Nagsimula si Czarina na maglakad sa pagitan ng dalawa at nag-iwan muli ng makahulugang ngiti. Sinundan siya ng tingin ng ng mga ito hanggang sa tumapat na siya sa may elevator at hinintay ang pagbukas nito.
"Ang hot niya Pare! Kaya hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon nasa heaven pa rin si Boss," komento pa ng isa. Nagsibalik na sila sa kanilang mga pwesto.
***
Samantala...
"Ang dami pang paligoy-ligoy paakyatin din naman pala tayo," inis na saad ni Arthuro habang nasa loob na sila ng elevator. Anim silang nasa loob kasama na ang apat na civillian. Nasa bandang likuran sila.
"Wala naman silang magagawa dahil tauhan tayo ng gobyerno. Sa ayaw man nila o sa gusto kailangan pa rin nilang humarap sa atin." dagdag pa ni Caleb. Naihatid na rin sila sa 18th floor kung saan naroon ang office ni Mr. Alizares.
Agad namang nagbigay daan si Czarina sa mga papalabas ng elevator, kaya gumilid ito at sadyang itinungo ng ulo upang walang makakilala sa kaniya
"Oh andito na tayo, tara na" anyaya ni Caleb. Pinauna nilang palabasin ang apat na nasa unahan nila. Hindi nahagip ng atensyon nila si Czarina na nakatayo lamang sa tabi. Nagpatuloy sa paglalakad sina Caleb. Agad na pumasok sa elevator si Czarina pagkaalis ng mga nakasakay doon at tuluyan na nga itong nagsara.
"Sweetie may problema, don't go down!" utos sa kaniya ni Miggy
"But Uncle nasa loob na ako ng elevator."
"Sweetie, listen I found out na paakyat na rin dyan si Mr. Adolf Anitohin to meet Alizares," paliwanag ni Miggy sa kaniya.
"That's good, e di I'm gonna kill him too."
"No sweetie there is a right time for that at hindi ngayon iyon. Kasama niya paakyat ang sariling mga tauhan at ilang miyembro ng two headed snake, so please sweetie leave the elevator now. Changing the plan, kahit walang aberya, sa roof top ka na dumaan. Mas panatag ako roon dahil pinaghanadaan ko na ang lugar na iyo and I know you'll be safe there compare sa ibaba. Marami ang nagbabantay doon, mahirap na baka bago ka pa makababa ay makatunog na sila sa pagkamatay ni Alizares," pag-aalala ni Miggy sa pamangkin. Agad naman itong naunawaan ni Czarina.
Alam ni Czarina na kapag magtatagpo ang dalawang bossing ng two headed snake syndicate, asahan na nakakalat ang mga miyembro nito sa iba't ibang parte ng building na iyon. Subalit biglaan ang ginawang pagbisita ng isa sa mga big boss kaya nangangamba si Miggy na baka may makaalam at makahalata sa ginawa nilang pagpatay kay Alizares.
Mabuti na lamang at bumukas muli ang elevator pagkadaan nito sa 17th floor dahil sa mga bagong sasakay. Agad siyang lumabas at naglakad na lamang sa pasilyo. Muli niyang naipusod ang buhok gamit ang natitira niyang chopstick nang may pumukaw ng kaniyang atensyon mula sa isa sa mga pintuan sa pasilyo.
Napatingin siya sa isang babae na nakatayo may hallway. At hindi siya pwedeng magkamali, kilala niya ang babae.
What the --- Anong ginagawa niya rito? bulong ni Czarina sa sarili. Agad niyang binawi ang tingin niya rito at nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang nakita. Tiwala siya na hindi agad siya makikilala ni Yllana dahil sa diguise niya.
***
Sa kabilang banda...
Tinungo agad nina Caleb ang opisina ni Alizares, hinarang sila ng dalawang lalaki kaya nagpakilala na sila.
"Pinadala kami ng NBI, may appointment kami kay Alizares." pinakita ng mga ito ang kanilang badge, nagkatinginan naman ang dalawang bantay. Wala rin silang nagawa kundi papasukin sa loob ang dalawang agent.
Bumungad sa kanila ang nakatalikod na si Alizares.
"Boss, may NBI po ang naghahanap sa inyo," saad ng lalaking nagbukas ng pinto. Pero walang kibo silang narinig mula kay Alizares.
"Mr. Alizares, I am Agent Ian Caleb Zembrano. And this is my partner Agent Arthuro de Chavez, pinadala kami ng NBI para tanungin kayo regarding sa pagpatay kay Mayor Tansingco," pormal na pakilala ni Caleb. Ipinagtataka lang nila dahil wala pa rin silang response na nakukuha mula kay Alizares.
"Mr. Alizares?" tanong ni Arthuro.
Nakaramdam ng panghihinala sina Caleb kaya nagpasya sila na lapitan na ito, nanatili namang nasa pintuan ang dalawang bantay na kasama nila sa silid. Ikinabigla na malamang nina Caleb na wala na palang buhay si Mr. Alizares. Kita nila na halos maligo na sa sariling dugo ito.
"Mr. Alizares! Mr. Alizares!" sigaw ni Arthuro.
Hinawakan agad ni Caleb ang pulso ng lalaki. Malungkot niyang ideneklara na patay na nga ito. Naalarma naman ang dalawang tauhang kasama nila sa kwarto, dali-dali itong lumabas at tinawag ang dalawa pa nitong kasamahan.
"Si boss, pinatay!" sigaw nito.
"Ang babae!" sabay na saad ng dalawang bantay na nasa labas.
"Sinong babae?" takang tanong ni Caleb at pagkadaka'y lumapit sa mga ito.
"Bago kayo dumating ay may babaeng kinatagpo si Boss, kaalis lang niya at malaki ang posibilidad na siya ang may kagagawan ng lahat. Tara habulin natin siya! Sigurado ako di pa nakakalayo iyon," paliwanag ng lalaki. Hindi na nila hinintay pa ang isasagot ng dalawang agent.
Nagmamabilis tinungo ng apat ang dinaanan ni Czarina, dahil sa tagal ng elevator ay nagpasya ang mga ito na gumamit na lang ng hagdan pababa sa susunod na floor.
"Arthuro tumawag ka ng back up, sabihin mo ang mga naganap dito." utos ni Caleb, tango naman ang isinagot ni Arthuro. Nagsimula si Arthuro gawin ang iniutos sa kaniya at lumabas.
Habang si Caleb ay nag-ikot sa paligid upang maghanap ng mga ebidensya hanggang sa matuon ang pansin niya sa isang pamilyar na bagay.
Nilapitan niya ang imaheng nakasulat sa salaming bintana, ginamitan ito ng pulang lipstick. J? Anong ba talaga ibig sabihin nito?" takang tanong niya. Isa lang ang sigurado siya, iisa lang ang may pakana ng mga patayang nagaganap sa loob ng sindikatong binabantayan nila.
Sa ngayon kailangan niyang makilala ang babaeng tinutukoy ng mga tauhan ni Alizares, kung kakaalis lang nito malamang hindi pa ito nakakalabas ng establisyemento. Dali-dali siyang lumabas at iniwan ang malamig na bangkay ng kakatagpuin sana nila. Nakasalubong niya si Arthuro paglabas niya sa silid.
"Parating na sina Chief Montaro!" pangungumpirma nito.
"Kailangan nating mahanap ang babae" usap ni Caleb.
Nagpatuloy si Caleb sa paglalakad patungo sa elevator, sinusundan naman siya ni Arthuro.
"Sinong babae?" takang tanong ni Arthuro.
"Ang kinatagpo ni Alizares bago tayo, sigurado ako na ang babaeng iyon ang pumatay din kina Luke Hernandez at Jovit Tansingco. May symbol na naman siyang iniwan, iyong letrang J na ginamitan ng lipstick."
"Ha? Babae ang killer natin!" gulat na pahayag ni Arthuro.
"Maghiwalay tayo sa paghahanap, kailangan nating maunahan ang mga tauhan ni Alizares sa paghahanap sa kaniya. Doon ka sa kabilang hallway habang ako ay dito, got it?"
Tumango lang si Arthuro at nagkahiwalay na nga ang dalawa. Nagdesisyon si caleb na maghagdan na lang din dahil sa tagal ng elevator.
***
Czarina Joy Javier Pov's
"Hoy babae tigil!"
Nalintikan na, anong gagawin ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad kunware hindi ko alam na ako ang tinutukoy nila. Ang nakakainis pa andito rin pala si Yllana, delikado ako. Bahala na konti na lang at natatanaw ko na ang hagdan sa banda roon. Mabuti na lamang at magkabilaan ang mga elavator dito. Sa bawat dulo ng hallway may dalawang elevator ang naghihintay at hagdanan para sa fire exist. Kailangan kong manatili sa plano ni Uncle. Kagaya ng sinabi niya kanina kailangan kong muling umakyat.
"Sabi ko tigil"
This time napahinto na ako ipon hearing that. Konti na lang talaga at malapit na ako roon sa may hagdan, konting effort na lang.
Nararamdaman ko ang paglapit ng mga yabag sa akin. Nakahinto ako at hindi pa rin humaharap sa kanila.
"Hoy babae ikaw! Pumasok ka sa loob." Malamang ang tinutukoy nila ay si Yllana na nadaanan ko kanina. Okay na rin, kahit papaano ay makakakilos ako kapag wala ang prisensiya niya roon. I believe nasa loob na siya ng silid kung saan siya nakatayo kanina. Kinuha ko naman iyong pagkakataon para magsimulang tumakbo, lumiko agad ako at inakyat ang hagdanan.
Halos basagin ng mga putok ng baril nila ang pandinig ko.
"Ahhhhhhh!!"
Kay Yllana ang sigaw na iyon. Dalawang putok ng baril ang pinakawalan nila, sa halip na sa akin ay sa pader tumagos ang mga bala nag-iwan pa ito ng mga butas sa pader.
"Uncle I need help." Mabilis kong inaakyat ang hagdanan.
---end of Czarina Pov's---
***
"Okay sweetie, pag-akyat mo sa roof top. May mga baril ng naghihintay sa'yo roon at isang sorpresa na gagamitin mo sa pagbaba. Darwin will wait you down there okay. Wait sinuot mo ba ang pinapasuot ko sa'yo?"
"Yes Uncle, so you want me to jump?" Saglit itong ikinabigla ni Czarina.
"Bakit sweetie may problema ba, nagawa mo na iyan di ba noong nasa isla pa tayo?"
Bago pa man niya sagutin ang tiyuhin ay pinaputukan ulit siya ng mga humahabol sa kaniya, mabuti na lang at sa bakal ng hagdanan ito tumama, binweltahan niya rin ito ng putok, at sakto nasapol niya ang isa sa mga ito. Kaya tatlo na lang ang humahabol sa kaniya.
"Okay Uncle!"
Nakabalik na siya sa 18th floor at nagpatuloy pa rin sa pag-akyat. Pinaputukan ulit siya, nailagan din niya ito at kagaya kanina ay gumanti rin siya ng putok. Tinamaan ang isa sa kanila sa ulo at bumagsak ito sa isa sa mga kasamahan nitong tumatakbong kasunod nito. Nagpagulong tuloy ang dalawa pababa sa hagdan.
"Ang swerte ko naman!" Wika pa ni Czarina. nang muli niyang kalabitin ang gatilyo ng kaniyang baril ay ubos na pala ang bala nito.
"What the--- kung minamalas nga naman oh." Nagpasya si Czarina na ibato na lang ang baril sa nag-iisa na lamang na humahabol sa kaniya. Inasinta nito ang kamay ng lalaki kung saan nakalagay ang baril.
Tinamaan niya ito kaya nabitawan ng lalaki ang baril, kukunin sana ito ng lalaki pero bago pa madampot ay patalon na siyang sinipa ni Czarina kaya napasubsob ito sa pader.
Wala ng ibang pagpipilian si Czarina kung kalabanin ito ng mano-mano. Tumayo si Czarina at inihanda ang dipensa sakaling sumugod ito sa kaniya. Tumindig din ang lalaki at inayos-ayos pa ang leeg na para bang pinapatunog at sinasabing handa na siya. Nakakalalaki naman kasi talaga ang posisyon ni Czarina na tila naghahamon ng away.
"Minamaliit mo ba ako ha! Pweh! Sayang ang ganda mo pa naman, pero pasensiyahan na lang dahil kahit babae pinapatulan ko hyaaaah!" Sumugod ng pasuntok ang lalaki, inilagan at hinawakan ito ni Czarina. Kasabay ang pagpapaikot niya rito para mapilayan, sinipa niya rin ang likurang bahagi ng tuhod ng lalaki kaya napaluhod ito sa harapan niya.
Tama ang uncle niya, sa mga ganitong punong braso mas epektib talaga ang mga itinuro sa kaniya ng Uncle niya. Binitawan na niya ang pagkakahawak sa braso nito at bahadyang lumayo, kumuha ng espasyo para bigyan ito ng malakas na sipa sa mukha.
Halos mabali ang leeg ng lalaki at tumilapon ito sa isang furniture na nakapwesto sa may sulok; may taas na tatlong talampakan ito kung saan may paso na nakapatong doon. Huli na para mailagan ito ng lalaki, bumagsak ito mismo sa ulo niya.
Nawalan ng malay ang lalaki. Hindi tiyak kong ito ay buhay pa o patay na. Nagsimula ulit umakyat si Czarina, dalawang floor na lang ang kailangan niyang daanan para makarating sa roof top.
Nang marating na niya ang target location ay nakita niya sa may sulok ang sinasabi ng uncle niya. Agad niyang ikinabit ang bungee rope sa beywang niya kung saan nakasuot na sa kaniya ang pagkakabitan ng harness para sa bungee rope. Matapos maitali sa matibay na pundasyon ay kinuha na niya ang dalawang baril at nagsimula ng maglakad papunta sa edge ng building na iyon hanggang sa may isang boses ang pumigil sa kaniya.
"Sandali tigil!"
Humarap si Czarina at kusang naalerto ang mga kamay niya, agad niyang naitutok ang kaniyang baril sa taong tumawag sa kaniya, pero di niya nagawang kalabitin ang gatilyo nito dahil isang pamilyar na tao ang bumungad sa kaniya.
"C-Czarina!?"
Halos hindi makapaniwalang bulalas ng taong pumigil sa kaniya. Namagitan sa kanila ang katahimikan at mas naghari ang malakas na hampas ng hangin sa mga katawan nila. Kapwa nakatutok sa kanila ang hawak-hawak nilang baril at tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa.
To be continued.
#Revencher
Yhin's Property
Trust NO one except GOD!
#J [is it stand for justice or Joy? What do you think guys?]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com