Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXII (editing)

"Sandali tigil!"

Humarap si Czarina at alerto siya sa mga maaring mangyare kaya agad niyang itinutok ang hawak na baril, pero hindi niya nagawang kalabitin ang gatilyo dahil isang pamilyar na tao ang pumigil sa kaniya.

"C-Czarina!!?"

Halos hindi makapaniwalang bulalas ng taong pumigil sa kaniya. Namagitan tuloy sa kanila ang katahimikan at tanging ihip ng hangin ang siyang nagpapatunay na ang mga nagaganap ngayon ay parte ng isang malaking reyalidad at hindi isang panaginip lamang. Kapwa nakatutok sa kanila ang hawak-hawak nilang baril at tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa kanila.

"Bu--buhay ka?" Unang bumasag sa katahimikan si Caleb, para siyang nakakita ng isang multo. Literal na multo dahil ang akala niyang patay na ngayon ay buhay na buhay habang nakatayo sa harapan niya.

"Nice to see you Caleb, mukhang hindi mo nagustuhan ang pagkikita natin." Mapait na ngiti ang pinakita ni Czarina. Wala na rin naman siyang mapagpipilian kundi ang harapin ang binata.

"Pero papaanong buhay ka? Okay, nakaligtas ka pero bakit ngayon ka lang nagpakita sa lahat? At saka ba-bakit? Bakit mo ito ginagawa. Bakit mo ito kailangan gawin? Huwag mong sabihing, ikaw ang may pakana ng lahat ng ito Czarina?" Mga tanong na nagpapaikot-ikot sa isipan ni Caleb na sa wakas ay naitanong na rin niya, wala talaga siyang nauunawaan sa mga nangyayare. Dahan-dahan na rin niyang ibinababa ang hawak na baril. Ganoon din si Czarina na tila nag-iisip ng mga isasagot sa mga tanong na ipinupukol ni Caleb sa kaniya.

"Ganyan mo ba kukumustahin ang isang kaibigan? Hindi mo lang ba ako tatanungin kung ayos lang ba ako? Kung nakakatulog o nakakain pa ba ako ng matino?" kalmadong pangungusap ni Czarina. Itinuon din niya sa malayo ang mga tingin niya.

"Czarina... Kumusta ka na?"

"Ayan! At least may nakakaalala pa rin sa sitwasyon ko." Muling nag-iwan ng mapait na ngiti ang dalaga.

"Hey sweetie what's going on there?" tanong ni Miggy mula sa kabilang linya.

"Uncle sandali lang ito, may kailangan lang akong linisin," bulong ng dalaga sa tiyuhin niya.

"What do you me--" Hindi na pinatapos ni Czarina ang sinasabi ng uncle niya at in-off na niya ang earings kung saan sila nakakapagkomunikasyon sa isa't isa.

"Ikaw ba ang pumatay kay Mr. Alizares?" seryosong tanong ni Caleb. Dama sa tono ng pananalita niya ang takot na baka totoo ang hinala niya.

"What if sabihin ko sa 'yo, ako nga! Magagalit ka ba? Kamumuhian mo ba ako?"

"Pero bakit Czarina? Nilalabag mo ang batas ng tao at hindi lang 'yon, nilalabag mo rin maging ang batas ng Diyos. Isang malaking kasalanan ang pagpatay at alam kong alam mo iyan!"

"Mahuhusgahan n'yo ba ako, ako ba'y may sala o wala? Kung Oo, ngayon pa lang hulihin mo na ako Caleb. Ikulong mo ako at ipagkait mo sa akin mismo ang katarungan na pinaglalaban ko!" Tumaas ng bahadya ang tono ng pananalita ni Czarina, naiinis siya dahil hindi siya magawang maunawaan ni Caleb.

At mas lalong nadagdagan ang pagkamuhi niya dahil nakumpirma niyang walang sinuman ang makakaintindi sa mga ipinaglalaban niya.

"Czarina, kung alam mong may nagawa kang kasalanan. Ang nais kong mangyari, ikaw mismo ang sumuko. Tutulungan ka naman ng batas natin at ako mismo, tutulungan kita Czarina. Isuko mo na ang kabaliwang ito, please Czarina tama na. Huwag mong ilagay sa kamay mo ang batas at huwag mong ipahamak ang sarili mo!"

"Kabaliwan? Ha ha ha! Caleb, mukhang hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Dahil kung ako tatanungin mo, lahat ng mga ginagawa at sinasabi ko ay alam ko ang anumang kahahantungan nito. Sa simula pa lang, tanggap ko na ang mga posibleng mangyari sa akin. At pwede ba, 'wag mong asahan na susuko ako, hindi na ako si Czarina na nakilala n'yo noon. Matagal ng patay ang Czarina na iyon. Hindi ba't pinagluluksa n'yo na nga ang pagkamatay ko sa ginawa ninyong puntod ko. Mabuti pa siguro kalimutan mong nagkita tayo, ipagpatuloy ninyo ang pagdadalamhati sa puntod ko. Dahil nakapagpasya na ako Caleb, ako mismo ang kukuha ng hustisya para sa pamilya ko!"

"Hindi Czarina! Gagawin ko ang lahat para hindi tuluyang masira ang buhay na meron ka. Kaya ngayon pa lang pipigilan na kita bago ka pa gumawa ng isang bagay na sa bandang huli ay pagsisisihan mo!" Pagkasabi ni Caleb ng mga katagang ito ay hindi nagdalawang-isip si Czarina na itutok kay Caleb ang hawak na baril, ikinagulat naman ito ng binata. Hindi niya lubos maisip na ibang-iba na nga si Czarina kumpara sa unang beses niya itong nakilala. Ngumiti muna si Czarina bago muling nagsalita.

"Caleb~ Mapipigilan mo lang ako kung mapapatay mo na ako! Ikaw tatanungin kita, kaya mo na ba akong patayin?" Makikita sa mga mata ni Czarina na seryoso siya sa mga binitawan niyang mga salita kaya nanaig na naman ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ibinaba ulit ni Czarina ang baril nang makita niya sa mga mata ni Caleb ang matinding kalungkutan dahil na rin sa mga sinabi niya, nanahimik ito na para bang alam na ni Czarina ang sagot nito sa naitanong niya.

"Magagawa mo ba akong patayin ha Caleb? Ang babaeng minsan pinangarap mong maging sa 'yo?" makahulugang salaysay ni Czarina kaya naman nakuha niyang muli ang atensyon ni Caleb.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Caleb.

"Ha~ Akala mo ba hindi ko alam at hindi ko napapansin, 'yong mga palihim mong pagsulyap sa akin noon? Sa tuwing nasa malayo ako o di kaya kapag kasama ko si Andrew, kitang-kita ko rin sa mga mata mo na nagseselos ka sa tuwing magkasama kami ni Drew? Sa totoo lang ayoko naman talagang maging asyumera pero 'yong ginagawa mo sa puntod nina mommy at daddy at sa inaakala ninyong ako. Imposible namang gawin mo ang mga bagay na iyon ng walang malalim na dahilan pwera na lang kung napakahalaga ko sayo. As far as I remember, hindi naman tayo ganoong ka-close para gawin ang mga bagay na iyon. Aminin mo Caleb, Gusto mo ako. Gusto mo ako sa simula pa lang di ba?!" kampateng paliwanag ni Czarina. May pakiramdam siyang hawak niya ngayon ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa ni Caleb.

"C-Czarina~"

"Ha, sabi ko na nga ba." Napangiti pa ng bahadya si Czarina, kinuha niya ang kaniyang sticky note at ballpen at may isinulat siya rito. Pagkatapos ay lumapit siya sa pader na nagsisilbing haligi sa roof top kung saan sila naroon, idinikit niya ang sticky note doon at muling humarap sa tahimik pa rin na si Caleb, minamasdan lang nito ang ginagawa niya.

"Caleb... saka mo na ako pigilan kung kaya mo na akong patayin. Dahil kahit anong mangyare hinding-hindi ako susuko! Kung gusto mo ulit tayong magkita let the sticky note leads you to find me." Pagkasabi nito ay naglakad si Czarina ng dahan-dahan palapit kay Caleb para sana bigyan ito ng munting regalo, isang regalo na alam niyang matagal nang inaasam-asam ni Caleb mula sa kaniya.

Hindi pa man nakakalapit ay biglang bumukas ang pintuan ng roof top at may ilang kalalakihang nakasuot ng amerikana ang lumabas mula roon. Ito ang nag-senyales kay Czarina na kailangan na niyang umalis sa lugar.

"Dali! Paputukan ninyo!" sigaw ng isang lalaking nasa likod ni Caleb kaya napalingon siya at nakaramdam ng kaba dahil nakita niya ang mga ito na papuputukan na si Czarina. Nang silipin niya ulit si Czarina ay laking gulat niya nang makitang patakbo itong tumalon at bumulusok pababa. Tatlong putok naman ang pinakawalan ng mga lalaking nasa likuran niya pero ni isa ay walang tumama sa dalaga.

"Hindi!" Napatakbo pa si Caleb mula sa pinagtalunan ni Czarina, agad niyang nahawakan ang sticky note na idinikit ng dalaga bago pa man ito tumalon. Agad niya itong ibinulsa upang walang makapansin. Kitang-kita niya ang pagbulusok ni Czarina pababa, nakangiti pa ito sa kaniya na para bang sinasabi na ayos lang ang kaniyang ginawa.

"Bakit mo siya hinayaang makatakas?" galit na tanong ng isang lalaki na tila tumatayong boss sa mga kasamahan niya.

"Dahil sa inyo! Kundi kayo nangealam napasuko ko sana siya! And please huwag ninyong kukwestunin ang ginagawa naming mga otoridad because you don't have the right to do that!" inis na bwelta niya rito. Iniwan niya ang mga ito, nakasalubong naman niya si Arthuro habang pababa na siya ng hagdan at kasama na nito ang ilang security guard at ang grupo ni Yllana na curious din sa mga naganap kanina.

"Kuya..." mahinang bulong ni Yllana pero dinaanan lang siya ni Caleb.

"Tara na Yllana sundan natin ang kuya mo," paanyaya sa kaniya ni Arthuro at nagsisunuran na nga sila kay Caleb habang nanggagalaiti naman sa galit ang grupo ng kalalakihan na naiwan sa itaas.

***

Mabuti na lang agad na ikinabit ni Czarina ang hook doon sa bakal na nakalagay sa edge ng pader bago pa man dumating si Caleb, nakahawak ang kanang kamay niya sa may tali habang ang isa ay sa harness na suot niya. Nang umabot na ang dulo ng tali ay halos ilang dipa na lang ang layo niya sa samento. May itim na kotse ang huminto sa tapat ng kinaroroonan niya, walang duda na si Darwin na ito kagaya ng sinabi ng Uncle niya. Inalis niya ang pagkakalock ng harness sa kaniya at patalon na bumagsak sa ibabaw ng kotse.

Pribado ang eskinita na iyon na kasya lang ang kasing laki ng kotse. Ito ang likuran ng building at halos walang tao rito. Agad na umalis sa ibabaw si Czarina at pumasok sa kotse.

"You're late," bungad sa kaniya ni Darwin pero hindi ito pinansin ni Czarina. Paaandarin na sana ni Darwin padiretso ang kaniyang kotse ngunit nakita nila at narinig sa kanilang unahan ang mga wangwang ng mga pulis. Kitang-kita nila ang pagdaan ng ilang police mobile sa unahan nila kaya nagpasya na lang si Darwin na iatras ang kotse at doon na dumaan sa likuran nila palayo sa lugar.

"Czarina! What do you think you're doing up there ha? Pinatayan mo ako ng komunikasyon ng hindi ako pinapatapos sa mga sinasabi ko?" sermon ni Miggy sa kaniya pagka-on niya sa earings niya.

"Im just cleaning the mess as you always saying Uncle."

"Cleaning the mess? My goodness! Sa tingin mo dahil sa ginawa mo nalinis mo ang trabaho mo? Tell me, sino ang nakausap mo sa rooftop? Did you kill that person?" Kahit di nakikita ni Czarina ay alam niyang naglalabasan ang mga ugat ni Miggy sa kaniyang sintido dahil sa pagkainis sa nangyare kanina.

"No I didn't. I'm sorry... I just can't~" halos pabulong na sagot ni Czarina habang patuloy naman sa pagda-drive si Darwin at nakikinig lang sa bangayan ng magtiyuhin.

"What?! Alam mong nakita ka niya! Nakilala ka pa and yet hindi mo siya naligpit? Are you insane, paano kapag namukhaan ka niya at isumbong ka sa mga otoridad ha! Naisip mo ba ang katangahang nagawa mo ha?" Ngayon sigurado na si Czarina, galit nga ang uncle niya.

"Uncle please stop acting like you're my dad. Si daddy, He never yelled me like that. I know and I am sure hindi niya ako isusumbong~ because... He loves me dahil nakita ko iyon sa mga mata niya," malumanay na saad ni Czarina, walang bahid ng pagdududa. Napatingin na lang siya sa kawalan at inalala ang mga oras noong nagkasama sila sa roof top ni Caleb kanina. Tila nagbabalik-tanaw sa mga alaala niya ang mga naganap sa pagitan nilang dalawa.

"He loves YOU? YOU mean, He knows you very well? Teka sino ang lalaking iyan, Don't tell me iyan ang agent guy na tinutukoy mo?" panunukoy na tanong ni Miggy na tila sigurado siya.

"Y-yes Uncle, its him but don't worry Uncle I'm gonna fix this thing just allow me to do the rest between us and I promised. Hindi siya magiging sagabal sa susunod nating mga plano."

Hindi na nakasagot pa si Miggy dahil pinatayan na naman siya nito ng komunikasyon. Wala siyang magagawa kundi pabayaan na lang ang pamangkin sa mga naisip nitong solusyon. Pinaharurot naman ni Darwin ang pagpapatakbo sa kotse.

***

Samantala...

"Agent Zembrano! Ipaliwanag mo ng mabuti sa akin ang mga naganap sa building ni Alizares," seryosong tanong ni Chief Montaro habang nasa kaniyang office sina caleb at Arthuro.

"Sir, kagaya ng sinabi ko kanina, patay na nang maabutan namin si Mr. ---" paliwanag ni Arthuro, pero pinatigil siya ni Chief Montaro sa pagpapaliwanag.

"I'm not talking to you Agent De Chavez. Okay, sige Caleb ipaliwanag mo ang mga nangyare after ninyong makita ang malamig ng bangkay ni Alizares." Tahimik pa rin si Caleb na nakaupo sa harap ng table ng kanilang Chief.

"May nakapagsabi sa akin na nakausap mo pa raw ang pumatay mismo kay Alizares, is that true?" dagdag na tanong ni Chief Montaro

"No Sir! I mean I'm not sure kung siya nga ang pumatay kay Alizares."

"Then how will you explain kung bakit may babae ang nasa roof top and suddenly tumalon sa harapan ninyo mismo, Aber?" pangungulit na tanong ni Montaro.

"Sir, as a witness ayokong magbitaw ng pahayag ng basta-basta ng wala akong basehan. Hindi ko alam kung bakit may babae doon, hindi ko rin alam kung iyon ba yung babaeng pumatay kay Alizares, di ko rin alam kung bakit siya tumalon at higit sa lahat wala akong alam sa pagkatao niya. Ang sa akin lang I try to warn her na huwag tumalon. Maybe~ nasisiraan na siya ng ulo, act of suicidal. Ang sa akin lang, sinubukan ko siyang pigilan dahil ang pagkakalam ko magpapakamatay siya. Iyon lang 'yon sir at wala ng iba. Its just a co-incident na ako ang nakakita sa kaniya that time," mahabang paliwanag ni Caleb. Kahit siya , hindi niya maunawaan ang ginagawa niya, bakit niya pinagtatakpan si Czarina.

Alagad siya ng batas pero noong malaman niyang si Czarina ang babaeng iyon ay para bang kahit siya hirap ng sumunod sa batas na pinaglilingkuran niya, ang sabihin ang lahat ng mga nalalaman niya. Sa ngayon ang alam lang niya, kailangan niya munang mapanatiling lihim ang pagkakatuklas niya kay Czarina, kahit si Arthuro ay hindi pwedeng malaman ang tungkol doon. Ang nasa isip niya lang ngayon ay ang kaligtasan ng dalaga at kailangan niya munang malaman ang totoong dahilan ni Czarina at ang mga plano nito.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa sticky note na nasa kaniyang bulsa. "Kailangan kitang makausap ng masinsinan Czarina" bulong ng isipan niya.

Hindi rin nagtagal ay pinaalis din sila ni Chief Montaro. Agad siyang kinausap ng kaibigan habang naglalakad na sila sa hallway.

"Pre bakit hindi mo sinabi kay Boss na posible ang babaeng iyon ang killer na hinahanap natin kagaya ng nauna mong ispekulasyon na sinabi sa akin?"

"Dahil wala naman akong basehan doon, kilala mo ako ayokong magbitaw ng salaysay ng walang patunay." Nagpatuloy sa paglalakad si Caleb, sinusundan pa rin siya ni Arthuro.

"Pero paano ang simbolong iniiwan ng killer natin. Katulad ng mga natatagpuan natin sa mga unang crime scene na kapwa may koneksyon kina Alizares or much better to say sa sindikatong sinusubaybayan natin?" muling tanong ni Arthuro. Napahinto si Caleb at humarap sa kaibigan.

"Pre, kagaya ng sinabi ko, its a mistake, pagkakamali lang ang lahat. Hindi pa natin alam ang koneksyon ng mga kaso sa isa't-isa. Kaya sige na pre may kailangan pa akong tapusin. Balitaan mo na lang ako kapag may sinabi na naman si Chief okay?" Naglakad na palayo si Caleb sa kaibigan at sinalubong naman siya ng kapatid na kanina pa pala naghihintay sa visitors area ng office nila.

"Kuya~" Salubong sa kaniya ng kapatid at sabay na nga silang lumabas ng establisyimento na iyon. Napakamot na lang ng ulo si Arthuro habang sinusundan ng tingin ang magkapatid.

Dumiretso agad sila sa parking lot kung saan naroon ang owner jeepney ni Caleb, pinasakay muna niya ang kapatid. At bago pa man sumakay ay inilabas niya sa kaniyang bulsa ang sticky note na iniwan sa kaniya ni Czarina.

"You can find me sa puntod ko Sunday 9am ☺"

Ito ang nakasulat sa papel. "Kuya ano yan?" puna ni Yllana sa hawak niya.

"Ha? Ah e, wala. Tara na, nasaan pala ang mga kaklase mo?" pag-iiba niya ng usapan pagkasakay niya sa kanyang sasakyan.

"Ah nauna na sila after nilang magbigay ng salaysay. Pero kuya wala naman silang nakita, actually kuya... ano kase e. May nakita ako sa mga nangyare kanina." Nakatungo pa ito habang nagsasalita.

"Anong ibig mong sabihin?"

"May nakita akong babae at sigurado ako ang babaeng iyon ang hinahabol noong apat na lalaki. Tas pinaputukan pa nga nila 'yung babae. Pero kuya hanggang doon na lang 'yung nasaksihan ko at wala na kasi napayuko na ako sa takot nang iputok ng mga lalaking iyon ang baril nila." Nanatili itong nakatungo habang kinakalikot ang magkabilang daliri niya.

"Na-nakilala mo ang babae?" alanganing tanong ni Caleb.

"Actually kuya.... hindi e. Pero parang nakita ko na siya somewhere kaya lang hindi ako sigurado kung saan kaya nga nagsabi na lang ako sa mga kasamahan mo sa loob na wala akong nakita." Nakahinga ng bahadya si Caleb sa mga naring mula sa kapatid, sa palagay naman niya ay nakalimutan na nito ang mukha ni Czarina kung nakita man niya ito sa TV. Bihira lang din naman kasi lumabas sa publiko si Czarina. Kahit matapos ang murder nila, hindi naipapakita sa publiko ang mukha ng pamilya niya. Yes, kilala sila sa pangalan, pero sa mukha, konti lang ang nakakaalam.

"Ayos lang 'yon, wag mong obligahin ang sarili mo. Isipin mo na lang walang nangyare dahil mahirap ang mapasali sa mga ganoong usapin. Mahihirapan ka lang at baka madamay pa ang pag-aaral mo okay?"

Napatango na lang si Yllana, nagsimula na rin paandarin ni Caleb ang sasakyan at nilisan na nila ang lugar. May isang bagay na lang ang gumugulo kay Caleb, hindi niya alam kung natutuwa ba siya dahil sa nalaman niyang buhay si Czarina o magagalit dahil sa panibagong pagkatao na taglay nito.

Paano na lang sa kanilang muling pagkikita, ano ang paiiralin niyang katauhan? Ang pagiging alagad ba ng batas o isang lihim na tagahanga.

Sa ngayon ang kailangan na lang niyang gawin ay hintayin ang araw ng linggo para muli silang magkita, at dalawang tulog na lang ang kaniyang hihintayin para masagot na rin ang mga katanungan na nagpapalutang-lutang sa kaniyang isipan. Czarina, ano ba ang dapat kong gawin para iligtas ka kinasasadlakan mo ngayon? Bulong ng kaniyang isipan habang mataman na binabaybay ang maingay na kalsada.

***

To be continued.

#YhinTheExplorer
#Revencher
Like my Facebook page everyone @ Yhinyhin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com