Chapter XXIII (editing)
Sunday, 9 am.
Javier Family Property.
Halu-halong emosyon ang kasama ni Caleb habang naglalakad na siya sa malawak na lupain ng Javier Family, patungo siya sa pinaniniwalaan ng lahat na puntod ni Czarina kung saan sila magkikita ng dalaga.
Nang marating niya ang puntod, wala siyang ibang nakita roon. Tinignan niya ang kanyang wrist watch, 8:58 am pa lang. May 2 minutes pa para maghintay. Pero para kay Caleb, ilalaan niya ang buong oras niya sa paghihintay makita at makausap lang niya si Czarina. Hihintayin niya ito kahit gaano pa katagal.
Eksaktong 9 am, isang tinig ang pumukaw sa likuran ni Caleb.
"Kamusta ka na Agent Zembrano?"
Bumungad kay Caleb, ang isang simpleng Czarina. Papalapit ito sa kinaroroonan niya, malayung-malayo sa huling kita niya rito. Nakasuot ito ng high waisted short, white hanging blouse na may naka-printed na malaking question mark sa gitna at nakasuot ng gray na sneakers. May sunglasses din ito, in short napaka-blooming ni Czarina ngayon sa kabila ng kaniyang kasimplihan.
Tumabi si Czarina sa kinatatayuan ni Caleb sa tapat ng puntod na inaakala ng lahat na siya at pinagmasdan ito, nanatiling namang nakatingin sa kaniya ang binata, sinisikap alamin kung guni-guni nga lang ba ang dalagang nasa harapan niya, may kung anong kaba rin ang gustong kumawala sa kaniya.
"Tatanungin kita, anong pagkatao ba ang gagamitin mo sa pakikipag-usap mo sa akin ha Agent Zembrano, isang alagad ba ng batas o isang dating kaibigan?" tanong ni Czarina nang hindi tumitingin kay Caleb.
"Czarina..." bulong niya na sapat pa rin para marinig ng dalaga.
"Base sa pagkilos mo, isang kaibigan. Well thank you for that."
"Ang tagal mong nawala, bakit 'di mo man lang pinaalam sa akin na buhay ka. E di sana'y natutulungan kita."
"Bakit pa? Hindi ba't alagad ka ng batas? Bakit ako hihingi ng tulong sa isang alagad ng batas sa paggawa ng mga bagay na magiging labag naman sa pinaglilingkuran niya?"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Czarina gawin mo sa tamang paraan ang lahat. Alam ko, hindi mo gusto ang mga ginagawa mo ngayon, hindi ganyan ang Czarina na nakilala ko."
"Tsss~ Caleb, 'wag kang mag-alala desisyon ko ito. At sa lahat ng nagawa ko ay sang-ayon ang kalooban ko roon. By the way, wala na ang Czarina na nakilala mo noon, she was dead right?" malumanay nitong sagot.
"Nauunwaan kita, kung bakit humantong sa ganyan ang damdamin mo. Czarina, ikinalulungkot ko ang nangyare sa pamilya mo."
"Caleb..."
Nabalot nang panandaliang katahimikan ang paligid nila. Damang-dama ng bawat isa ang hanging dala ng amihan na tila nakikisabay sa kanilang malungkot na emosyon. Tahimik at inaabangan na lamang ni Caleb ang mga susunod na sasabihin ng dalaga sa kaniya. Naging mahinahon pa rin sa pagtatanong si Czarina habang nakatingin na ngayon sa puntod ng magulang niya. "Naging masama ba ako? Ang pamilya ko? Bakit nangyare ito sa amin?"
"Isa lang ang alam ko Czarina, isa ang pamilya mo sa mga huwarang pamilya na nakilala ko. Kung paano naging mabuti sina Mrs. at Mr. Javier ay ganoon din kayo. Sadyang may mga pagsubok lang na ibinigay ang Diyos na dapat natin pagdaanan."
"Pagsubok? Ang lupit naman ng diyos mo para ibigay niya sa akin ang mga pagsubok na iyon. Pawang kabutihan ang naituro sa amin nina Mommy at Daddy. At lahat ng iyon ay ginagawa naman namin, may takot din kaming gumawa ng masama dahil naniniwala kami sa karma pero Caleb... Ang mundong ito kung saan pinaniniwalaan ng halos lahat na may Diyos ay kailanman hindi naging patas!" Dito na nagsimulang tumulo ang luha ni Czarina, pigilan man niya ito ay ayaw naman siyang sundin ng utak niya.
"Caleb... Ang sakit... Nawala ang lahat sa akin. Pinatay nila ang pamilya ko at hindi pa sila nakuntento pati si Andrew, ang lalaking pinakamamahal ko ay pinatay din nila at sa harapan ko rin mismo." Ang luhang pagluluksa ay nagsimula ng maging luha ng paghihinagpis. Tila nanariwa na naman sa isipan ni Czarina ang lahat. Ang bawat detalye ng pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay ay unti-unti na namang pinupunit ang kalooban niya.
"Caleb... Ang hindi ko lalo matanggap pati sina Sairah at Zoren, pinatay nila! Napakabata pa nila, marami pa sana silang mararanasan. Caleb! Bakit? Bakit ang sama-sama ng lahat. Pati tuloy ang paniniwala ko sa Diyos ay nagkaroon na rin ng bahid ng pagdududa. Kaya hindi mo ako masisisi kung sa ngayon hindi ko magagawang magtiwala sa kaniya."
"Czarina! Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Naniniwala akong may dahilan ang mga bagay-bagay. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat. Tutulungan kita. May isa lang akong hihilingin sayo, itigil mo na ang lahat ng ito. Humarap ka sa publiko at tumayong eye witness para sa pamilya mo." Pagkarinig nito'y nagpasya nang itigil ni Czarina ang pag-iyak niya, dahil alam niyang wala namang mababago sa sitwasyon nila pareho. Pinahid ng palad niya ang bumasa sa kaniyang pisngi at humarap sa binata.
"I'm sorry Caleb, the same as what I've said the last time na nagkita tayo. Hindi ako susuko, hindi ko kailangan ang tulong ng sinuman lalo ka na. Hindi ko rin hahayaang pigilan mo ako! Pinili ko ito, desisyon ko ito kaya I'm looking forward na mauunawaan mo ako. Kung hindi man, wala na akong magagawa. I guess it's time to say kung ano ba ang magiging takbo ng relasyon natin. From now on, I'll be your mortal enemy and there's nothing you can do about that."
"Czarina please huwag mong gawin ito," pagmamakaawa ni Caleb. Nagbabakasakaling mababago pa niya ang pag-iisip ng dalaga. Sa ngayon ang nasa isip lang niya ay matulungan si Czarina pero sa papaanong paraan. Kahit siya ay nahihirapan na rin sa sitwasyon nilang dalawa. Kapag hinayaan niyang umalis ito, tuluyan na niyang magiging kaaway ito. Magiging kalaban niya ang dalaga dahil sa paglabag na ginagawa nito sa batas na sinumpaan niyang ipaglalaban niya.
"Caleb... May isa lang akong hihilingin, gusto mo akong pigilan hindi ba?" seryoso ang mukha ni Czarina at parang may inilalatag siyang hamon para sa binata.
"Oo, Czarina gagawin ko ang lahat mapigilan ka lang. Kaya sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin." Bakas sa mukha ni Caleb ang pagnanais nitong matulungan ang taong aminado siya na palihim niyang iniibig.
Naglakad palapit sa kaniya si Czarina at inilagay ng dalaga ang kaliwang kamay nito sa batok ni Caleb para ilapit ang mukha ng binata sa mukha niya. Nakadama naman ng sensasyong makapigil hininga ang binata sa paglapat ng kamay ni Czarina sa kaniyang batok, mga kiliti na tuluyang nagpahina sa pagkalalaki niya. At sa dahan-dahang paglapit ng bibig ng dalaga sa punong tainga ni Caleb ay damang-dama ng binata ang init at bango na ibinubuga ng hininga nito, kasabay ang pakiramdam na para bagang unti-unti siyang tinutunaw ng dalaga.
Halos kasing lapad na lang ng ruler ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Napapikit ang binata na tila nag-aabang sa isang bagay na nais niyang mangyari sa pagitan nilang dalawa. Subalit iba ito sa inaasahan niya. Sa halip, mga pangungusap ang nagpagising sa mapantasya niyang utak dahil sa mga sinabi sa kaniya ni Czarina.
"Caleb... Kung gusto mo akong pigilan. Nagmamakaawa ako, ngayon pa lang patayin mo na ako. Ayoko nang mabuhay, pero kung hindi mo ako mapagbibigyan ngayon wala na akong magagawa..." pagkasabi nito'y umatras palayo si Czarina habang naiwan namang nakatiganggang si Caleb at napamulat, pakiramdam niya ang mga bulong na iyon ang nagparalisado sa malusog niyang pangangatawan.
Nakakapanghina, parang kinakalaban niya ang mismong sarili niya. Hindi niya magagawa ang bagay na iyon sa taong minamahal niya, hindi maiaakila na mahal niya ang dalaga. At dahil sa pagmamahal niyang iyon, hindi niya hahayaang mapahamak ito sa mga gagawin niya. Ang hirap mamili, wala siyang nais piliin sa mga pagpipiliang inilatag sa kaniya ni Czarina.
Lingid sa kaalaman ni Caleb ay nakuha pala ng dalaga ang baril nitong nakasuksok sa gunbelt niya. Ikinasa iyon ni Czarina at dahan-dahang pinapakuha kay Caleb. Walang nagawa si Caleb kundi ang mapaluhod habang nakatingin sa baril na inaalok ni Czarina sa kaniya.
"Czarina... bakit mo ito ginagawa sa akin? Please, maawa ka, huwag mong gawin ito."
"I admit, I can't kill my ownself. Simple lang naman ang gusto ko Caleb 'di ba? May dalawa ka lang pagpipilian at mamimili ka lang ng isa; ang mamatay ako sa kamay mo o ang mamatay ako sa kamay ng mga taong kinasusuklaman ko. Kung ako ang tatanungin, mas gustong kong mamatay na ikaw ang huling makikita at makakasama ko sa huling pagkakataon kaysa sa mga taong iyon."
"Czarina... Please huwag mong daanin sa ganito. May pag-asa pa, maniwala ka, tutulungan kita pero ang nais ko'y sa tamang paraan hindi sa ganito, ang paglalagay ng batas sa sariling mga kamay mo."
Mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ng dalaga, inihagis niya ang baril sa harapan ng nakaluhod na si Caleb.
"Sorry Caleb, now, I will give you a chance na magawa ang trabaho mo bilang pulis. Kapag nakaalis ako rito ng buhay, ibig sabihin pinili mo ang mamatay ako sa mga kamay nila, pero kung magagawa mo akong barilin dito, ang masasabi ko lang salamat. By the way, kapag binaril mo ako, please lang huwag mo akong bubuhayin, paalam Caleb."
Tumalikod na si Czarina at nagsimula nang maglakad palayo. Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay sumasabay ang kaba sa pagitan nila. Higit ang bigat na nadarama ni Caleb, wala siyang napili pero kung wala siyang gagawin at hahayaan niyang umalis sa lugar si Czarina, ibig sabihin hinayaan niya itong gawin ang mga bagay na ikapapahamak niya. At kagaya ng sinabi ng dalaga, mapipigilan niya lamang ito sa oras na kitilin niya ang buhay nito.
Malayo na ang distansya nila sa isa't isa. Napapikit na lamang si Czarina na tila nag-aabang din sa desisyong gagawin ni Caleb. Pinulot naman ni Caleb ang baril at nanginginig na itinapat sa nakatalikod na si Czarina na ngayon ay may kalayuan na sa kaniya.
"Czarina... Patawad.... Patawad." Hindi napigilan ni Caleb ang pagpatak ng kaniyang luha at napapikit na lamang sabay kalabit sa gatilyo ng hawak niyang baril
Bang!! Bang!!
Umalingaw-ngaw sa paligid ang bagsik na tunog na baril na iyon. Napalingon naman si Czarina kay Caleb at tinignan kung ano ang ginawa nito. Ipinutok ni Caleb ang baril sa kaulapan kasunod nito ang paghagulgol niya habang nakayuko sa berdeng damuhan.
"Czarina... Patawarin mo ako, hindi ko kaya! Patawarin mo ako! Hindi ko kailanman magagawang patayin ka," hinagpis nito.
Mas nadagdagan naman ang bigat na naramdaman ni Czarina dahil ibig sabihin lang nito, mabubuhay pa siya bilang isang Revencher, ang inaasahang niyang kikitil sa kaniyang buhay ay hindi naman nangyari. Sa totoo lang ayaw na niya talagang mabuhay, hindi naman niya magawang kitilin ang sariling buhay para sana matapos na ang lahat. Pero dahil sa desisyon ni Caleb, wala na siyang magagawa kundi ipagpatuloy na lamang ang kaniyang nasimulan.
Nagsimula na ulit maglakad palayo si Czarina at pinahid ang luha na hindi niya malaman kung ano ang pinaghuhugutan, hanggang sa ang lakad ay naging takbo na palayo sa lugar. Naiwang lugmok si Caleb sa lugar na iyon at ang tanging kasama na lamang ay ang malamig na hangin mula sa kapaligiran.
***
Makalipas ang isang linggo...
"Hi!" matipid na bati ni Yllana sa tahimik na naman na si Rina. Nakaupo ito sa labas ng coffee shop kung saan sila madalas tumambay at hinahalo nito ang paboritong kape.
"Hi, upo ka," alok ni Czarina. Umupo naman ang dalaga katapat niya.
"Hmmmn parang ang tagal nating hindi nagkita, kumusta ka?" pasimula ni Yllana.
"I'm Good," tugon nito kasunod ang paghigop muli nito ng kape.
"Alam ko naman na hindi mo ako tatanungin kung kumusta ako kaya magsasabi na lang ako. Ako? Hmmn mabuti lang din ako, alam mo may nakakakilabot na nangyari sa akin nitong nakaraang linggo, 'kala ko nga mamatay na ako. Biruin mo may barilan na naganap sa harapan ko mismo."
"Sorry Yllana, but I'm not interested."
"Alam ko... Pasensiya na. Hmmn ang tagal nating hindi nagkita ah. Akala ko nga lumipat ka na ng lugar, gusto sana kitang i-text kaya lang naalala ko wala pala akong phone number mo."
"Hindi ako nagse-cellphone."
"Ganun ba? Sayang naman." Napatungo na lang ulit si Yllana na tila naubusan na ng sasabihin.
"So, i-order mo na lang ang gusto mo, Ah waiter!" Lumapit sa kanila ang isang waitress at kinuha ang order ni Yllana.
Ilang saglit lang ay naagaw ng atensyon ni Czarina ang isang itim na sasakyan sa di kalayuan sa kanila, habang nililista naman ng waiter ang ino-order sa kaniya ni Yllana. Nandoon na ang sasakyan nang magpunta siya sa coffee shop. At ilang oras na siyang nakatambay doon and until now nandoon pa rin ito.
"Ahm ate Rina magsi-cr lang ako ha, sandali lang." Tumango naman si Czarina at naiwan na siyang mag-isa.
Hinintay niya munang mawala si Yllana, bago tumawag sa isang waiter na nasa paligid lang.
"Ah waiter!"
"Yes Ma'am?"
"Yong kotse na naka-park sa parking space ninyo? Dito ba nagtatrabaho ang may-ari niyan?"
"Ha? Naku! Ma'am hindi ho. Lahat ng sasakyan ng mga boss namin dito ay kilala namin."
"Baka naman, suki n'yo rito. Kanina pa kasi iyan naka-park sa tapat ng store ninyo"
"Hindi ho ma'am, ngayon ko nga lamang po nakita ang kotse na iyan dito. Halos lahat ng costumer namin ay kilala na namin, kung de-kotse ba ito or walk-in lang. Kaya sigurado po ako bago lang ang kotse na iyan dito. Baka ho nasa kabilang tindahan ang may-ari niyan."
"Sa ibang tindahan? Pero naka-park sa lot ninyo? Tsss never mind."
"Ma'am may kailangan pa ho ba kayo?"
"Wala na salamat!" Nagbigay na lamang siya ng matipid na ngiti rito.
Makalipas ang limang minuto...
"Ahmn Excuse me," tawag ni Yllana sa isang staff ng store.
"Yes po Ma'am?"
"Napansin n'yo 'yong kasama ko kanina na nakaupo dito?"
"Ah si Ms. Beautiful po? Umalis na po, may lakad pa raw ho siya e. Pasensiya na raw po kung mauuna na siya, saka don't worry daw po at siya na ang bahala sa mga in-order mo." Pagkasabi nito'y bumalik na sa trabaho ang lalaki. Naiwan naman na puno ng pagtataka si Yllana at napaupo na lang muli kung saan sila huling nagkasama ni Rina.
"Ano kaya ang dahilan at nagmamadali siya?" aniya sa sarili.
***
Samantala....
"Hey Uncle, mukhang may sumusunod sa akin," kausap na niya ngayon ang tiyuhin gamit ang earings niya.
"What?! Wait, gonna check your location sweety." Agad tinungo ni Miggy ang computer room niya at nai-search ang location ng pamangkin. May tracking device siyang nailagay sa phone nito.
"Ilan sila Hija?"
"I don't know nasa loob sila ng kotse na black, napansin ko lang na kahit saan ako magpunta ay nakasunod sila. What if uncle nakilala nila ako?"
"No! That is impossible. Walang maghihinalang buhay pa ang matagal nang patay na anak ni Miguel Javier. Makinig ka sa akin, sabi mo na sa kotse sila. Then go to a place na hindi kayang pasukin ng sasakyan. Anywhere! Doon sa maraming tao. Bilisan mo lang at huwag kang papahalata sa mga gagawin mo."
"Okay, thanks Uncle."
"Saka ka na magpasalamat kapag wala na sila."
Nakakita ng isang mini department store si Czarina, pumasok siya roon bilang isang normal na customer.
"Good morning Ma'am" bati sa kaniya ng security guard. Nginitian lang niya ito, nasa harapan niya ang ilang mga nakahelerang damit at heels. Hinanap niya agad ang isa pang exit door ng store na iyon at dinala siya ng mga paa niya sa stock room ng nasabing store. Pumasok pa siya sa loob kung saan may ilang mga staff ang nagulat sa biglaang pagpasok niya. Napansin agad ng mga ito na hindi siya nagtatrabaho roon.
Sa kabilang banda...
"Bilis! Bilis! Sundan n'yo siya!" utos ng isang lalaki. Nagsibabaan naman sa sasakyan ang tatlong lalaki at tinungo ang department store na pinasukan ni Czarina.
"Ah Sir, saan po ang tungo natin?" tanong ng guard. Halata kasi sa kilos ng mga ito na may kahina-hinala silang gagawin kaya hindi nagdalawang-isip ang sekyu na harangin ang mga ito.
"Ano bang pakialam mo?" Kasunod ang pagbunot ng baril ng isa sa mga lalaki at pagbatuktok sa ulo ng sekyu kaya bumagsak ito at panandaliang nawalan ng malay. Pagkapasok nila sa loob ay nagulantang ang ilang costumer dahil may mga hawak na baril ang mga ito at buhat ng isa sa kanila ang walang malay na gwardiya.
"Walang masasaktan kung susunod kayo sa sasabihin ko, bilis! Dapa!At walang titingin sa amin." Natataranta namang sinunod ng ilang costumer ang sinabi ng mga armadong lalaki. Isa-isa silang pinagmasdan ng mga ito at ng hindi makita ang hinahanap ay agad silang nagpunta sa posibleng exit point ng lugar. Kung saan hinihinalaan nilang dumaan ang sinusundan nila.
At nang pasukin ng mga ito ang isang silid, kaniya-kaniyang kumpulan ang mga workers ng store pagkakita sa hawak nilang mga baril, ang iba ay napapa-sign of the cross pa.
"Saan dumaan ang babae?" tanong ng isa mga ito. Nanginginig namang tinuro ng isang ginang ang dinaanan di umano ng hinahanap ng mga ito.
"Bilis hindi pa nakakalayo iyon!" Ilang segundo pa ay wala na sila sa stock room na iyon. Saka lang nakahinga ang ilang workers na naroon.
"Salamat..." bulong ni Czarina na nagtatago lang pala sa likod ng isa sa mga cabinet kung saan naroon ang mga naka-stock na damit. Hindi na nakapagsalita pa ang mga ito at napapatango na lang.
"Paglabas mo rito, may emergency door malapit doon sa may dressing room, doon ka na lumabas. Kung marami sila, malamang may naghihintay pa sa'yo sa labas kaya mas maiging doon ka na dumaan. Dadalhin ka noon sa isang tunnel patungo sa isang mall, malayu-layo na rin iyon dito at siguradong magiging safe ka roon hija," ani ng babaeng may katandaan na ang edad.
"Salamat ho ulit... dahil pinagtakpan ninyo ako."
"Nararamdaman kong hindi ka masamang tao," pagkasabi nito ay nagpalitan sila ng matamis na ngiti.
Salungat sa nararamdaman ni Czarina ay nagi-guilty siya, dahil alam niya sa sarili niya, isa na rin siya sa mga masasamang tao katulad ng mga taong humahabol sa kaniya, dahil kagaya ng ginagawa ng masasama ay pumapatay na rin siya. Bago umalis ay nag-iwan siya ng malungkot na ngiti sa mga ito. At sinunod ang sinabi sa kaniya ng matanda.
***
Samantala..
"Mga pulpol! Paano kayo natakasan ng isang babae?" galit na galit na sigaw ng isang lalaki. May naka-tattoo sa leeg nito hanggang sa kaniyang batok na isang ahas na may dalawang ulo. Ibinato niya ang ubos na niyang sigarilyo sa sahig at muling nagsindi ng isa pa.
"Boss, mukhang naalerto ang target. Matalas ang pakiramdam ng babaeng iyon."
"Magdadahilan ka pa!" Sinikmuraan niya ito. Kaya namimilipit sa sakit ang lalaki.
"Boss, heto ho, nakuhaan ho namin siya ng larawan habang nasa coffee shop siya." Iniabot niya rito ang limang larawan. Ang unang dalawa ay mag-isa lang si Czarina, pangalawa may kasama itong waiter at ang huling larawan ay kasama na ni Czarina si Yllana at ang waiter. Halata ang pagiging estudyante ni Yllana dahil sa unipormeng suot nito.
"Kahit papaano naman pala ay may pakinabang kayo. Sige, magsilayas kayo sa harapan ko. Mga bwiset! Pati ako ipapahamak n'yo pa." Agad namang nagsipulasan ang mga ito.
"Ikaw!" Turo niya sa isang tauhan na agad namang lumapit sa kaniya.
"Yes Boss?"
"Tawagin mo si Leo, gusto kong makumpirma kung ito nga ba ang babaeng nakita niyang tumalon sa rooftop; ang pumatay sa isa sa mga BIG three." Tumango lang ang lalaki at umalis. Ilang minuto pa ay kasama na nito ang lalaking tinutukoy. Iniabot niya rito ang mga larawan.
"May pagkakahawig sila ng babae, sa pananamit at buhok lang sila nagkaiba."
"Kung ganoon, ikaw na ang magsabi kay Mr. Arabiz sa mga nakalap nating impormasyon, mabuti na 'yong may maibigay sa kanila kesa mabaling ang galit nila sa atin. Pakisabi na may posibilidad na ang pumatay kina Mr. Hernandez, Jovit, Mr. Alizares at sa ilan nating tauhan ay iisa lang. Sigurado ako sa kutob ko, may malaking koneksyon ang babaeng iyan sa mga mortal na kaaway ng grupo natin. Kaya kailangan nating maunahan sila. At saka isa pa pala... Pag-aralan ninyo ang lahat tungkol sa babaeng iyan. Kilalanin ninyo kung sino ba talaga siya," pagkasabi nito ay naglagay ito ng alak sa isang baso at nilagok iyon.
Umalis na ang dalawang lalaki dala ang mga larawan.
***
To be continued.
A/N: Sorry sa tagal ng updates naging busy ngayong december e (2014). Belated Merry Christmas and Advance happy New Year.
Good bye 2014 and welcome 2015
Napakaganda ng taong ito dahil ngayong taon ay gradweyt na ako ng kolehiyo at hawak ang titulong,
"Bachelor Of Arts in communication"
Masscomm for short
Thank you Lord
To God be all the glory.
😍😍😍
Batch 2014
(Icct college Inc.)
-Binangonan, Cainta Campus-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com