Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXIV (editing)

Matapos ang insidenteng iyon ay isang linggong hindi lumabas sa rest house si Czarina kung saan kasama niyang naglalagi roon ang Uncle niya. Nagpasya si Miggy na manatili muna ang pamangkin sa poder niya para mas mapag-aralan pa ang mga susunod na plano nila.

Oo, inilatag na nga ng Uncle ni Czarina ang susunod nilang gagawin. At isa ito sa mapanganib na misyon na ibibigay sa kaniya ng tiyuhin.

Sa pagkakataong ito, hindi lamang isa ang target niya kundi pagsasabayin niya sa isang tirada ang dalawa sa mga bigating miyembro ng sindikatong unti-unti nilang pinapabagsak.

Kailangan din niyang magpahinga at magpalamig sa mata ng publiko kahit pa nga wala namang nakakakilala sa kaniya. Dapat siyang makalimot matapos ang pagkikita nila ni Caleb. Aminado siya, nawalan siya nang interest sa paghihiganti dala na rin ng mga sinabi nito sa kaniya.

Pipilitin niya muling hagilapin ang dahilan kung bakit nga ba siya nagpapatuloy sa buhay dahil aminado siyang nalimutan niyang ito pagkatapos ng personal niyang engkwentro kay Caleb.

***

Samantalang si Caleb, halos buong linggo rin siyang nagpapabalik-balik sa lupain ng mga Javier. Pagkatapos ng kaniyang Duty ay dumidiretso agad siya sa nasabing lugar, umaasa na muli niyang makikita si Czarina roon. Pero ni anino ng dalaga, 'di man lamang niya nasulyapan.

Habang si Yllana naman ay nagtataka na rin dahil ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Rina sa coffee shop na madalas nilang tagpuan. Sa tuwing tatanungin naman niya ang mga crew ng coffee shop, ang laging lang isinasagot ng mga ito sa kaniya, "Pasensiya na ma'am, hindi na rin ho namin nakikita si Ms. Beautiful, ilang araw na." Kaya naman malungkot na nililisan ni Yllana ang lugar.

Naglalakad na palayo si Yllana sa coffee shop na iyon nang minsan dumaan ulit siya rito. Maya-maya ay may lumapit sa kaniya na isang matandang lalaki.

"Hija..." Halata sa boses nito ang katandaan.

"Ano ho iyon 'Lo?" magalang namang tanong ni Yllana.

"Nakikilala mo ba ang babaeng ito?" Inilahad ng matanda ang isang larawan ng babae habang nasa isang coffee shop ito at nagkakapeng mag-isa.

"Oho, nakakasama ko ho siya. Si Ate Rina po iyan. Bakit ho, ano ho ang kailangan n'yo sa kaniya?"

"Lolo niya kasi ako Hija, kakarating ko lang dito sa maynila at kailangan ko sana siya makita. Ikaw ba ay isa sa mga kaibigan niya?"

"Hmmmn hindi ko po alam pero para sa akin, magkaibigan po kami," nakangiti pang saad ni Yllana.

"Ah gan'on ba, alam mo ba kung saan siya maaring matagpuan?" muling usisa sa kaniya ng matanda.

Malungkot namang sumagot si Yllana sa kaniya, "Pasensiya na ho Lo, kahit ako 'di ko alam kung saan siya nakatira. At saka, isang linggo na rin ho kaming hindi nag-uusap e."

"Nauunwaan ko, sige hija. Salamat," pagkasabi nito ay naglakad na ang matanda palayo kay Yllana. Umalis na rin sa lugar si Yllana.

Sa tinungong likuan ng matanda ay nag-aabang na pala ang ilang kalalakihan, "Ano tanda, may nakuha ka bang impormasyon?" tanong ng isa. Umiling ito at sinabi kung ano ang mga sinabi sa kaniya ng dalaga. Bigo ang mga ito na kumuha ng karagdagang impormasyon patungkol kay Czarina. Bukod sa pangalang RINA na binanggit ni Yllana at sa pangalang ginamit ni Czarina noong magpunta ito sa building ni Alizares.

"Nakakapagtaka naman at paiba-iba ng pangalan ang babaeng 'yan, malakas ang kutob ko, may tumutulong sa babaing iyan," komento ng isang lalaki habang nasa harapan niya ang mga kapwa niya tauhan. Nakalatag din sa kamay niya ang isang folder at ilang larawan ni Czarina na palihim nilang kinuha. Ang nilalaman ng folder ay ang mga impormasyong ginamit ni Czarina upang magpanggap bilang secretary ni Mr. Chua; ang business partner ng napaslang na si Alizares.

"Halatang may itinatago siya sa kaniyang pagkatao. Magmadali kayo, gusto ko sa loob ng isang linggo ay may maipakita na kayong pagkakakilanlan sa babaeng 'yan, nauunawaan n'yo ba ako!" bahadyang tumaas ang tinig nito dahilan para makaramdam ng kaunting kaseryusohan ang mukha ng mga kasama niya.

"Yes Boss!"

***

Kinabukasan, isang balita ang nagpaklaro sa kaso ng Javier Massacre. Ang misteryosong bangkay na natagpuan sa may pangpang ay binigyan na nang pagkakakilanlan ng otoridad base na rin sa salaysay ng isang lumabas na di umano'y testigo.

Pinapanood nina Caleb sa monitor ang interview ng isang lalaki; nakatakip ang buong mukha nito at bahadyang iniba ang boses. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit, alam niya kasi kung ano ang totoo, na buhay na buhay pa si Czarina. At ang mga sinasabi ng lumabas na testigo ay pawang kasinungalingan lamang.

"...nakita ko po si Ma'am Czarina at ang kasintahan nito na si Mr. Andrew na sumakay sa isa nilang mga yate. Pumunta po sila sa gitna ng dagat. Doon na po sila sinundan ng helicopter, pagkatapos kitang-kita ko po kung paano pinasabog ng helicopter na iyon ang sinasakyan ng dalawa. Wala pong natira kahit piraso ng bangka. Sigurado po akong walang makakaligtas sa ganoong klase ng pagsabog. Kung mayroon man ay tiyak, magkakalasug-lasog lamang ang kaniyang katawan. Pero ng mga oras na iyon, may natanaw ako na tumalsik palabas ng yate na iyon, isang babae at alam kong si Ma'am Czarina iyon. Naniniwala ako na ang katawan ni Mr. Andrew ang napasama sa malaking pagsabog na iyon. Sinikap kong huwag mawala sa paningin ko ang katawan ni Ma'am Czarina habang inaanod ito pabalik sa pangpang. Awang-awa ako pagkakita ko sa kaniyang katawan, kukunin ko na sana ngunit narinig ko ang sasakyan ng mga pulis, kaya nga lang natakot akong mapagbintangan kaya hinayaan ko na lamang ang katawan ni Ma'am Czarina at patakbong lumayo," mahabang salaysay ng tumayong testigo. Kasunod nito ang mga nagkakagulong mga media at kaniya-kaniyang flash ng mga camera sa kaniya.

"Hindi totoo iyan!" Sa galit ay napatayo pa si Caleb. Kaya napatingin sa kaniya ang buong team na kasama niyang nanonood.

"Caleb..." bulong ni Arthuro sa kaniya.

"Mr. Zembrano, wala na tayong magagawa. Its a confirmation na rin na patay na nga talaga si Ms. Czarina Joy Javier," komento ni Chief Montaro. "At least now, may nangyayari sa kaso," dagdag pa nito.

"Pare okay lang iyan, tanggapin mo na wala na talaga siya," muling bulong ni Arthuro na sinabayan pa niya ng pagtapik sa balikat ni Caleb. Napaupo na lang ulit si Caleb at pilit pinahuhupa ang pagkainis na nararamdaman niya. Basta ang alam niya lang, hindi totoo ang balita dahil buhay si Czarina. Nakita at nakausap pa niya ang dalaga, pero hindi naman niya pwedeng ipangalandakan sa mga kasamahan niya na buhay pa nga ito.

"So its a good sign na umuusad ang kaso. Listen everyone, here are the things that we found out ni Colonel Kathy. Okay Kathy show them what we've got," pagkasabi nito ay nag-abot ang dalaga ng mga folder sa bawat isa na naroon sa conferrence room. At doon na nagsimula ang meeting nila para sa kasong nilulutas nila.

***

"Anong pakulo 'yon Uncle?" tanong ni Czarina pagkatapos nilang mapanood ang interview ng tumestigo sa pagkamatay niya. Kasalukuyan siyang nag-ehersisyo gamit ang TRX as part of her daily routine.

"Iyan ay sa ikabubuti ng lahat, para di matuon ang pansin nila sa'yo. Mas mabuting malaman ng kalaban na patay ka na kaysa naman sa nag-aalangan pa ang lahat kung buhay ka pa ba o hindi na."

"Ang galing n'yo rin gumawa ng istorya, kanino bang ideya iyan," komento pang muli ni Czarina at nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa.

"Haha si Darwin ang nakaisip niyan, pero ang istorya? Binase ko lang naman sa mga naikuwento mo sa akin." Napabugtong-hininga na lamang si Czarina at nagpasyang iwan na lang ang Uncle niya sa salas. Gusto na niyang magpahinga, sapat na marahil ang ginugol niyang oras sa pag-eehersisyo. Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na araw para isakatuparan ang mga plano nila ng uncle niya.

Hindi maiwasang halu-halong emosyon ang nagtatalo sa kalooban ni Czarina . Sa ngayon, hindi niya alam kung ano ang susundin niya. Ang kagustuhan ba nila ng uncle niya na maghiganti o ang mga sinabi sa kaniya ni Caleb na tumigil na at ipaubaya na sa batas ang lahat? Sa ngayom, ang alam lang niya, nakakaramdam na rin siya ng pagod. Oo, napapagod na siyang mabuhay para lumaban salungat sa iba na lumalaban para mabuhay pa.

***

Lumipas ang ilang araw...

Nagpasya si Caleb na ibuhos ang sama ng loob sa paglunod sa sarili sa pamamagitan ng mga alak. Tinungo niya ang isa sa mga nightclub sa Eastwood. At doon ay nakipagbuno siya sa mga likidong pinaniniwalaan niyang papawi pansamantala sa pagkainis niya sa sarili at sa mga nangyayari.

Napalingon siya sa kalagitnaan ng dance floor dahil naagaw ng pansin niya ang hiyawan ng mga taong nag-iindakan doon. Parang may kung anong nagbibigay ng kaaliwan sa mga mata ng mga ito at ang lahat ng mga nandoon ay tutok na tutok sa tao na nasa kalagitnaan nila.

Dala ng pagtataka ay tinungo niya ang pinagkakaguluhan ng mga ito. At laking gulat niya ng malamang ang pinagpipyestahan ng mga mata nito ay ang babaeng pinapangarap niya. Sigurado siyang si Czarina iyon at hindi bahagi ng malikmata niya.

Parang wala sa sarili kung gumalaw si Czarina, lumalabas ang magandang hubog ng katawan niya dahil na rin sa suot niyang kulay pula at fitted na backless dress na above the knee ang haba na siyang inaabangan ng halos lahat ng kalalakihang naroon kapag igigiling ni Czarina ang kaniyang katawan pababa, umaasa na makakasilay sa tarangkahan ng langit.

Damang-dama ng lahat ang nakakakiliting sensasyon na dala ni Czarina sa bawat paggiling niya. Pati 'ata ang tugtog ay sumasang-ayon sa damdamin na baon niya.

"Ohh yeah, that's ma girl," komento ng lalaking nangahas na makipag-sexy dance kay Czarina, hindi nagpatalo ang dalaga sa halip ay ginantihan niya ito ng mas mapangahas pa na pag-indak na magpapalabas sa pagkalalaki nito.

Maingat na isinandal ni Czarina ang kaniyang likuran sa binata at doon marahang nagpagiling paibaba.

Naghiyawan ang mga naroon na animo'y tuwang-tuwa sa tila mag-couples na naglalampungan sa kanilang harapan.

Hindi alam ni Caleb kung ano ba ang dapat ireaksyon, ang alam niya lang, hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari at kailangan niyang gumawa ng paraan para mailayo ang dalaga sa lugar na iyon.

Lakas-loob siyang nakipaggitgitan makarating lang sa kinaroroonan ni Czarina, kung saan pakiramdam niya isa itong malaking kahihiyan para sa dalaga.

"Czarina!" sigaw niya upang marinig nito. Matagumpay naman niyang nakuha ang atensyon ng dalaga at bahadyang tumigil sa ginagawa. Ngumiti ito sa kaniya at napatunayan ni Caleb na lasing na nga talaga ito nang hagilapin nito mismo ang sariling pagbalanse.

"Oh Mr. Zembrano, you're here~ How are you Caleb?" Nakangisi pang tanong ni Czarina sa binata at nasundan ito na mahihinang sinok.

"Halika na!" Agad niyang hinablot ang kanang kamay ni Czarina at nang mahawakan niya ito ay siya namang pigil ng lalaking kasayaw ng dalaga kanina.

"Teka sino ka ba? Kita mong nagsasayaw pa kaming dalawa, bastos ka ah!" Binitawan muna ni Caleb ang braso ng dalaga. Para kumuha ng bwelo, "Maniwala ka, pagsisisihan mong pinigilan mo ako."

"Ang yabang mo ah! Bakit sino ka ba? Hindi mo ba ako kilala, ako ang batas dito!" Tinawan ito ni Caleb bago siya muling nagsalita.

"Girlfriend ko ang pinagnanasahan n'yo. Sabi mo ikaw ang batas dito, pwes ito naman ang batas ko!" Kasunod nito ang pag-angat ng kamao ni Caleb at dumiretso ito sa kaliwang pisngi ng lalaki. Hindi nagpatalo ang lalaki at gumanti ito ng suntok na siyang nailagan ni Caleb, kinuha itong pagkakataon ni Caleb upang tadyakan ito at muling banatan ng kambal na suntok. Nawalan ng balanse ang lalaki dala na rin ng kalasingan at hindi na ito nakatayo pa. Wala na rin gustong makipagbuno kay Caleb dahil ipinakita nito ang badge na dala na siyang kumikilanlan sa kaniya bilang pulis.

Muling kinapitan ni Caleb ang braso ni Czarina, papalag pa sana ang dalaga pero ibinuhos ni Caleb ang buong lakas upang hindi na niya mabitawan pa ang braso nito.

"Hey! What do you think you're doing? Who do you think you are?" reklamo pa ni Czarina, halata ang pagiging lango na ito sa alak.

"Oo nga! Oo nga!" komento naman ng mga taong nasa paligid nila.

"Huwag kayong mangealam dahil away lang namin ito ng girlfriend ko!" pagkasabi nito ay hinatak na niya ng buong pwersa si Czarina paalis sa lugar na iyon. Sinusundan na lamang sila ng tingin ng mga naroon. At nang mawala na ang dalawa ay nagpatuloy ulit sa pagsasayaw ang mga ito na para bang walang nangyari.

Lumabas sila ng establisyemento na iyon at agad na dumiretso sa parking lot kung nasaan ang motorsiklo niya.

Halata namang nasa impluwesya pa rin ng alak si Czarina, halos hindi nga niya mabigkas ng maayos ang mga sasabihin niya, "Hey... Zembrano, ano 'yong sinabi mo kanina? Ako?! Girlfriend mo... Since when? Bakit hindi ko alam ang tungkol doon~" natatawa pang tanong ni Czarina habang pinipilit ibalanse ang kaniyang pagkakatayo. Hindi ito pinansin ni Caleb. Isinuot niya ang kaniyang helmet at kinuha niya ang isa pang helmet sa kalapit na motor at may inilagay siya rito na pera bilang bayad sa kukunin niyang pink na helmet para kay Czarina, "Suotin mo ito," mahinahon niyang pakiusap kay Czarina.

"Haha bakit? E kung ayaw ko may magagawa ka ba?" Nginisihan lang siya nito.

Tatalikod na sana si Czarina para umalis ngunit muling hinatak ni Caleb ang braso nito para mapaharap sa kaniya. Nawala sa pagkakabalanse si Czarina, mabuti na lang at agad itong nasalo ni Caleb kaya aksidenteng nayakap nila ang isa't isa. Ngiti naman ang itinugon ni Czarina at saka nakipagtitigan kay Caleb. Ngunit bago pa man siya akitin ni Czarina ay mabilis na naisuot ni Caleb ang helmet sa ulunan nito, "Ano ba! Ayoko nga sabi e," giit ni Czarina subalit parang kandilang upos ang lakas niya ng mga oras na iyon. Ni hindi nga niya maialis ang helmet na biglang isinuot ni Caleb sa kaniya. Marahil ay dala na rin ng kaniyang kalasingan.

"Sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo! Kung hindi ididiretso kita sa himpilan namin para malaman ng lahat na buhay ka pa!" pananakot ni Caleb, umaasa siyang kakagat ang dalaga sa mga sinabi niya. Wala nang nagawa pa si Czarina kundi ang sumakay sa motorsiklo na para bang isang tigreng napaamo.

Nasa iisang lugar lang ang parehong paa ni Czarina habang nakaangkas sa motorsiklo ni Caleb. Naiilang na napayakap ang mga braso niya sa katawan ng binata nang paandarin nito ang kanilang sinasakyan.

Dahil gabi na at wala naman masyadong sasakyan ay pinaharurot ni Caleb ang kaniyang pagpapatakbo nang higit pa sa normal niyang ginagawa.

Malakas na hangin ang sumasalubong sa dalawa, tinanggal saglit ni Czarina ang kamay at inalis ang suot na helmet at basta na lamang niya itong inihagis.

"Anong ginagawa mo?" sigaw ni Caleb sa kaniya para siguraduhing maririnig siya ng dalaga. Bigla rin kasi nitong tinanggal ang pagkakayakap nito sa kaniya.

"Ibaba mo ako! Ihinto mo ito!" sigaw din sa kaniya ni Czarina.

"Ayoko! Hindi ako papayag!"

"Pwes tatalon ako!" pagbabanta ni Czarina.

"Kapag tumalon ka, sinisigurado ko sa'yo, ibabangga ko ito sa kahit na anong matigas na bagay at wala akong pakealam kong ikamatay ko pa ito!" pagbabanta rin ni Caleb. Mas pinabilis pa niya ang pagpapaandar sa motorsiklo niya.

Wala na siyang pakialam kung mamatay man siya. Kung tatalon lang din naman si Czarina, sasabayan na lamang niya ito sa pagpapakamatay.

Alam ni Caleb na hirap na hirap na ang dalaga. Nakakayanan nito na gumawa ng mga bagay na labag sa kalooban dahil sa galit na nararamdman nito. Nahihirapan si Caleb na makita ang dalaga sa ganoong sitwasyon, ang alam lang niya, kailangan ni Czarina ng masasandalan at para sa kaniya siya iyon.

Namagitan muli ang katahimikan at malakas na hangin sa kanilang dalawa. Nakikisimpatya rin ang malawak na kalsada dahil wala masyadong sasakyan ang nakikisabay sa kanila, kung meron man, hindi naman ito lumalagpas ng lima. Nag-o-overtake lang si Caleb sa mga ito.

"Czarina, iiyak mo lang! Hayaan mong nasa tabi mo ako ngayon. Gusto kong makidalamhati sa'yo. Gusto kitang maunawaan at maintindihan, kaya payagan mo akong maging bahagi ng buhay mo sa mga pagkakataong ito. Alam mo bang nasasaktan ako sa mga ginagawa mo sa sarili mo. Please Rina, hayaan mong damayan kita kahit ngayon lang." Ilang saglit lang ay naramdaman na lamang ni Caleb na dahan-dahang bumabalik ang pagkakayakap sa kaniya ni Czarina. Mas mahigpit ito kumpara kanina, mas dama niya ang lungkot sa mga yakap na iyon. Hanggang sa makaramdam na lamang siya na isinandig na rin ni Czarina pati ang mukha nito sa likuran niya.

Alam ni Caleb na tama ang naging desisyon niya, umaasa siya na sa ganitong paraan maiibsan niya ang sakit na nararamdaman ni Czarina. Hanggang sa naramdaman na lamang niya na unti-unti nang nababasa ang kaniyang suot na damit na siyang sinasandalan ng mukha ni Czarina. Umiiyak na pala ito, ang tahimik na pag-iyak ay umabot na nga rin sa pandinig ni Caleb. Tahimik itong humahagulgol habang nakayakap ito sa kaniya. Tinatangay naman ng malakas na hangin ang luha sa mga mata ng dalaga, hindi na muna nagsalita si Caleb at hinayaan na lamang niya si Czarina na ibuhos ang lahat ng sama ng loob sa pamamagitan niya.

Gustong makisabay sa emosyon ni Czarina ang panahon, nagbabadya ang kalangitan sa paparating na ulan. Kaya mas pinabilis ni Caleb ang pagpapaandar at naghahanap ng ligtas na lugar kung saan walang makakakilala kay Czarina. Halos ilang minuto na siyang naghahanap, hindi naman niya pwedeng dalhin sa hotel si Czarina, una baka may makakilala rito, hindi rin pwede sa bahay niya dahil nandoon ang kapatid niyang si Yllana.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, naramdaman na lang din niya na tumigil na sa pag-iyak ang dalaga. Sa paghinto nito sa pag-iyak ay siya namang buhos ng ulan kaya mas nataranta si Caleb na maghanap ng pansamatala nilang masisilungan.

May isang lugar ang biglang pumasok sa kaniyang isipan, ang lupain ng mga Javier. Pagkarating nila sa lugar ay nabasa na rin sila ng ulan. Agad nilang tinungo ang maliit na guard house noon nina Czarina na ngayon ay isa na lamang abandunadong espasyo. Nagpasya siyang dito na sila magpalipas ng oras habang hinihintay ang pagtila ng ulan.

Tahimik lang si Czarina, mukhang nawala na ang pagkalasing nito dala na rin ng pagbasa ng ulan sa kaniya. Napansin ni Caleb na nanginginig ito dahil na rin sa suot nito. Agad tinanggal ni Caleb ang kaniyang Jacket at pinasuot sa dalaga. Habang tahimik pa rin siyang tinitignan ni Czarina sa kaniyang ginagawa.

Sinadya ni Caleb na magtira ng espasyo sa pagitan nila, parehas silang basa at tahimik ng mga oras na iyon, tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Gi-giniginaw ako..." nanginginig pang sabi ni Czarina. Dahan-dahan siyang lumipat sa tabi ni Caleb at isinandal ang sarili sa binata. Ikinabigla naman ito ni Caleb, para bang may kung anong kuryente ang biglang dumaloy sa kaniyang buong katawan. Hindi niya tuloy mawari kung yayakapin ba niya ang dalaga o hindi. Nagulat na lamang siya nang kusang gumalaw ang kamay niya at niyakap na rin niya si Czarina.

Ang alam lang ni Caleb, sila lang ang nandoon at nasa gitna pa sila ng malamig na ulan, hindi tuloy mapakali ang kaniyang isipan. May kung anong sensasyon ang tila nagbabadya sa pagitan nila. Isang temtasyon na para kay Caleb ang hirap labanan.

"Salamat..." mahinang bulong ni Czarina nang iharap niya ang mukha sa binata. Ilang inches lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Kahit amoy alak ay hindi pa rin matatakpan nito ang bangong taglay ng dalaga.

"Wa-wala iyon, kahit sinong nakakakilala sayo gagawin iyon," nauutal namang sagot ni Caleb. Hindi maiwasan na mapatingin si Caleb sa namumulang labi ni Czarina, para itong nangungusap sa kaniya para gawin ang isang bagay na noon pa ma'y kinasasabikan na niya.

Ganoon din si Czarina, nakatitig lang ito sa labi ni Caleb. Si Czarina ang gumawa ng unang hakbang, tinangka niyang abutin ang nagungulilang labi ni Caleb, ngunit ikinagulat niya ng iniiwas ito ng binata. Nanatili itong walang imik.

"Please, Don't do this to me..." malambing na bulong ni Czarina at kasunod nito ang pag-angat ng kaniyang palad sa pisngi ng binata upang muling iharap sa kaniya.

Sa pagkakataon na ito ay hindi na napigilan pa ni Caleb ang kaniyang nararamdaman. Mismo si Czarina na rin naman kasi ang nagpasimula. At isa ito sa mga kahinaan ng lahi ni Adan, kapag si Eba na ang gumagawa ng unang hakbang kaya naman pinagsaluhan nila ang malumanay na paghalik ng bawat isa.

Muling inihiwalay ni Caleb ang sarili at nakipagtitigan sa mga mata ni Czarina, kapwa naghahabol sa hanging bumubuhay sa kanila. "Baka, malungkot ka lang kaya nagagawa mo ito. Ayokong pagsamantalahan ang kalungkutan mo," masuyong bulong ni Caleb.

"Siguro nga malungkot ako, pero dahil na rin iyon sa'yo. Simula nang magkita tayo, nagkagulu-gulo na ang lahat ng mga plano ko, pati na ang damdamin ko. Caleb, matagal ko nang nakikita ang mga effort mo para sa pamilya ko at para sa akin. Hayaan mong kahit sa ganitong paraan maibigay ko ang taos-pusong pasasalamat ko sa'yo." Muling napako ang mata nila sa isa't isa.

"Pero..." Pinigilan ni Czarina ang mga sasabihin pa ni Caleb sa pamamagitan ng saglit na paghalik sa mga labi nito, "Shhhh, maniwala ka, It's okay, no worries, this is what I want," pagkasabi nito ay muling itinuloy ni Czarina ang masuyo niyang paghalik kay Caleb at sa pagkakataon na ito ay nakikisabay na rin ang binata sa kaniya. Si Czarina na rin ang marahas na nagtanggal sa pagkakasuot ng damit ni Caleb matapos niyang maialis ang sa kaniya.

Saksi ang ulan sa mga kaganapan na iyon, marahil tadhana na rin ang naglagay sa kanila sa sitwasyon nila ngayon. Parehas silang naghahanap ng kanilang ikapupuno at sa parehong pagkakataon natagpuan nila ang makakapuno sa kanila.

Kinabukasan...

Nagising na lamang si Caleb na wala na sa kaniyang tabi si Czarina. Nasisikatan na ng araw ang lugar na kinaroroonan niya. Napaigtad siya at natanong ang sarili, "Panaginip lang kaya ang lahat?" aniya matapos masapo ang kaniyang ulo dala ng pananakit nito dahil na rin sa kaniyang kalasingan kagabi. Tumayo siya at sa kaniyang pagtayo ay nahagip niya ang isang sticky note na nakadikit sa window glass ng guard house na iyon at binasa ang nakasulat.

"Thanks for the unforgettable night with You Caleb, siya nga pala hiniram ko ang motor mo. Don't worry isasauli ko rin naman sa susunod nating pagkikita"

Napatunayan ni Caleb na totoong nakasama niya nga kagabi si Czarina at hindi na bahagi lamang ng panaginip niya. Mas lalo tuloy siyang napaisip kung ano nga ba ang mga nangyari sa magdamag na magkasama silang dalawa? Gumuhit sa mga labi niya ang mga ngiti matapos sariwain ng isip niya ang kay tamis na pinagsaluhan nila kagabi ni Czarina at kailanma'y hindi na ito mawawaglit sa isip niya.

***

To be continued....

#Revencher
#Czarina&Caleb

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com