Chapter XXIX -A (editing)
"Agent Zembrano, may tawag ka sa line 6. Girlfriend mo raw," bungad sa kaniya ng kasamahan sa trabaho na nakatoka sa complain and information desk. Paakyat na sana si Caleb sa office ni Montaro dahil nga sa pinapa-follow up nito tungkol sa kanilang special assignment.
Pero hindi naman iyon talaga ang ikinagulat ng binata, dahil sa pagkakaalam niya wala naman siyang girlfriend. Lumapit siya sa kasamahan dala na rin ng pagtataka, "Girlfriend? Sino?"
"Rina daw ang pangalan niya." Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Zembrano dahil sa pangalang kaniyang narinig, "Rina!?"
"Bakit brad may iba ka pa bang girlfriend bukod sa Rina na iyan? Ikaw ha, hindi ka man lang nagsasabi may chicks ka na pala. Mukhang nagagaya ka na rin sa tropa, ayos iyan. Hayaan mo kapag need mo pa ng isa, may pangreserba pa naman ako diyan e he he," ngumisi pa ito at tinapik-tapik ang balikat ni Caleb.
Inihampas naman ni Caleb ang hawak ng folder sa lalaki, "Loko! Sige ako na bahala, salamat brad"
Agad niyang tinungo ang naka-hold na call di umano ni Rina, "Hello? Rina?" pangungumpirma pa niya.
Subalit nahalata agad ni Caleb na kabado ang nasa kabilang linya dahil sa garatal na boses nito, "Ca--Caleb... Ang kapatid mo, si Yllana--"
(...)
Nabitawan ni Caleb ang phone nang marinig ang masamang balita, dali-dali niyang tinungo ang parking lot. Habang nasa hallway ay nakasalubong pa niya si Arthuro, "Oh Pre ano, naibigay mo na ba kay Chief?" tanong nito sa kaniya. Subalit sa halip na sagutin ay ibinigay na lang ni Caleb dito ang hawak na folder, at walang sabi-sabi na umalis sa lugar. Napakamot tuloy sa ulo si Arthuro habang minamasdan siya palayo, "Problema niyon?"
***
Samantala...
Pinuntahan ni Caleb ang lugar kung saan silang magkikita ni Czarina, sa lupain mismo ng mga Javier. Makulimlim pa ang lugar na tila nagbabadya ang paparating na ulan. Natanaw niya agad ang dalaga, paroo't parito ito at halos hindi mapakali, pagkakita sa kaniya ay patakbong lumapit ito at agad siyang niyakap.
Mahigpit, tila naghahanap ng mapagkukuhaan ng lakas. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya inalis ang pagkakayakap nito sa kaniya. "Czarina, sabihin mo. Anong nangyare sa kapatid ko? Sino ba sila? Bakit nila kinuha si Yllana?"
Puno naman ng pagkabalisa ang mukha ni Czarina. "Caleb, alam na nilang buhay ako. They know who is Yllana in my life. And I am sure they took her just because of me! It was all my fault," paliwanag niya.
Halata kay Caleb ang kalituhan at kabado rin naman siya sa mga maaring mangyayare, "Sinong sila?"
"Sila ang sindikatong nasa likod ng pamamaslang sa buo kong angkan Caleb."
"Ibig sabihin, kilala mo na ang mga nasa likod sa pag-massacre sa pamilya mo, and yet hindi ka lumalabas as a witness stand o kahit man lang sabihin sa akin ang nalalaman mo para sana natulungan kita!"
"Hindi na mahalaga kung may alam man ako o wala! Caleb, ang kapatid mo. Posibleng hawak nila si Yllana!" Bakas sa mukha ni Czarina ang matinding pangamba para sa itinuturing na niyang kapatid.
"Kung gayo'y kailangan natin ang tulong ng mga pulisya--"
"No Caleb! Hindi pa pwedeng mangealam ang mga pulis sa laban ko."
Sobrang ikinabahala ni Caleb ang mga nasabi ni Czarina, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo ha Czarina? Kung ang sindikatong tinutukoy mo ay ang sindikatong binabantayan namin, sigurado akong delikado sila, tuso at hindi patas lumaban. At ikaw? Ano ba sa tingin mo ang panama mo sa kanila? Alam naman natin na wala ka pang kayang patuna--"
Narindi ang mga tenga ni Czarina kaya hindi niya napigilan ang sarili na sampalin ito, "Shut up Caleb! Hindi na ako ang dating Czarina at alam mo iyan! In fact, mas nauunahan ko pa kayong mga pulis sa pagkilos hindi ba? At ilang beses ko nang napatunayan iyan, siguro naman sapat ng pruweba ang mga iyon para sabihin sa 'yo na kaya ko! Caleb kaya kong lumaban kahit nag-iisa ako!" Pagkasaad nito ay napatungo na lamang si Czarina habang kagat niya ang ibabang bahagi ng kaniyang labi.
Nakisabay sa emosyon ni Czarina ang malakas na kulog, kasunod nito ang unti-unting pagpatak ng ulan sa kanilang mga katawan. Namagitan rin sa kanila ang tunog na nalilikha lamang ng malungkot na buhos ng ulan.
Kinapitan ni Caleb ang baba ng dalaga upang iangat ang mukha nito. "Czarina, gusto kong maging parte ng laban mo," malambing niyang suyo rito. "...dahil, mahal kita. At gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang," dagdag nito.
Hindi na napigilan pa ni Czarina ang kaniyang mga luha sa pagbagsak, mabuti na lamang at natatakpan agad ito ng tubig-ulan na bumabasa sa buong mukha niya. "Hi--hindi mo ako pwedeng mahalin... Hindi pwede--" bulong niya nang hindi tumitingin sa mata ng binata.
"Czarina.. kung alam mo lang, sinubukan kong pigilan itong lintik na pagmamahal na ito, pero hindi ko nagawa. Walang sinuman ang makakapigil sa pagtibok ng puso niya, hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko sa 'yo. Pagod ka na at alam ko iyon. Sobrang nasasaktan ka na at hindi na ako makakapayag na madagdagan pa ang sakit na iyan. Ayoko nang makitang napapahamak ang babaeng mahal ko dahil lang sa paghihiganti na iyan. Czarina... this time live for your own self, dream again Czarina... And this time, hayaan mong mahalin kita..."
***
"Agent De Chavez, mabuti at nakita agad kita. We will having an urgent meeting now. I want you to inform all the task force regarding this, especially Zembrano," salubong sa kaniya ni Colonel Kathy habang pabalik na siya sa lobby ng head quarters nila.
"Pero umalis ho si Caleb este si Zembrano pala."
"Then call him, we need you both in the conference room within 10 mins."
Magdadahilan pa sana si Arthuro pero iniwan na siya ni Kathy at nagmamabilis na pumunta sa meeting place na sinasabi nito.
Sa loob ng conference room.
"Matagal ng under surveillance ang mga location na nakalagay sa source list na hawak ko. Simula nang mapunta ito sa kamay natin, nagsimula na rin akong magpabantay sa mga lugar na nakasaad doon," panimula ni Montaro. "I think some of their up coming transactions were failed, maybe delayed or mukhang na rescheduled but this time--" Tinignan ni Montaro ng seryoso ang bawat isang naroroon.
"May nagtimbre sa amin from one of our credential source na may malaking operation ang sindikatong binabantayan natin ngayon, and here are the possible location." Ibinulatlat ni Chief Montaro ang isang malaking puting papel na may sketch ng lugar. "According to our trusted source, 50 women ang posibleng maging biktima ng human trafficking na ito. At hindi lang iyon, may mga kasama pa itong menor de edad. Naidagdag pa na mahigit 10 million worth of illegal drugs ang nakatakdang ilabas sa ating bansa. At ilalagay ang mga ito sa isang Cargo ship. "
Patuloy sa pakikinig ang mga miyembro ng PDEA, PNP at ang ilang mga kasama sa kasong hawak nina Arthuro maliban lang kay Caleb na wala pa rin sa kasalukyang meeting.
"So here are the plans. We will wait for the team Alpha to give us a signal. Colonel Mendez, you will lead the Alpha team. Remember this, walang gagalaw hangga't walang signal na manggagaling sa kanila. Kayo naman, kayo ang bahala sa exit point na pwede nilang takbuhan. We have four possible exit here, kailangan may mga bata tayo roon. While your team Agent De Chavez would go here, kailangan din na may bantay sa tubig in case na gumamit sila ng bangka or any kind of boata sa pagtakas, kailangan mag-abang kayo roon. Everyone! Do you copy?" istriktong kuha ni Chief Montaro sa pansin ng mga ito.
"Sir, Yes Sir!" sagot ng lahat nang nakarinig sa kaniya.
"Ang goal natin ay mahuli ang mga nasa likod sa iligal na gawaing ito. I heard na dawit dito ang pangalan ng isang senador, kaya kailangan makakuha tayo ng ebidensiya na magdidiin sa kaniya. This would be the biggest buy bust operation na gagawin natin kaya team galingan ninyo. Okay lets go! Lets go!"
Mabilis ang kilos ng bawat isa, mula sa pag-aayos sa mga kasuotan hanggang sa mga baril at balang dadalhin. Abala ang lahat para sa operasyong gagawin nila ngayong gabi.
"Colonel Kathy, you will stay here. Ikaw ang bahala sa back up in case na mapasubo ang lahat. I'll give you a signal before you do that okay?" Tumango lang si Kathy bilang pagtugon. Itinuon naman ni Montaro ang pansin ngayon kay Arthuro na abala rin sa pagkalikot sa baril niya. "Agent De Chavez, nasaan ba si Agent Zembrano." Ngunit walang maidahilan si Arthuro kaya nagkibit-balikat na lamang ito.
"Kathy, stay here for a minute, I need to show you something important," muling tumango ang dalaga bilang tugon.
Humarap naman si Montaro sa team leader na ina-assigned niya at tumango. Agad naman nakuha ng Mendez ang mensahe ng kanilang Chief , "Okay let's move! Let's move!" maotoridad na sigaw nito at sunod-sunod na nilisan nila ang lugar.
Ang naiwan lamang sa lugar ay si Kathy at si Julio, maya-maya ay may inilabas na folder ang Chief. "Isa itong malaking ebidensiya. I want you to keep this hangga't hindi natatapos ang operasyon natin ngayong gabi. Please lang huwag mong hahayaang mawala, may makabasa at may mangealam nito, nauunawaan mo ba?"
Kinuha ni Kathy ang folder, "Yes sir!"
"Good, sige makakaalis ka na." Agad nilisan ni Kathy ang lugar. Tinignan niya ang papalayo na si Kathy, masasalamin sa mukha ni Montaro na tila may bahid na siya ng pagdududa sa mga kinikilos ng isa sa mahuhusay niyang tauhan. Ayaw man niyang isipin ngunit parang may tinatago ang dalaga sa kaniya. Kinuha rin niya ang orihinal na ebidensiya, "Gusto kong malaman kung nakanino ang katapatan mo colonel Kathy."
***
Samantala...
Bago humarap sa kausap ay ibinalik kaagad ni Czarina sa bulsa ang maliit na botelya kung saan nakalagay ang mga gamot na iniinom niya. Lingid naman ito sa kaalaman ni Caleb na nanatiling nakatayo lamang at hinihintay ang dalaga na humarap sa kaniya. Madalas uminom si Czarina ng bagay na iyon bago niya umpisahan ang kaniyang mga misyon. Ito ang nagsisilbing pamalit-nerbiyos sa kaniya sa tuwing kinakabahan siya o di kaya'y natatakot. Ang gamot na iyon ang ibinigay sa kaniya ng Uncle niya noong mga panahong nagsasanay pa lang siya sa isla, hanggang nasanay na lang din siya na i-take ang mga ito sa tuwing may misyon sila. Sabi ng Uncle niya anti-depressant daw ang gamot na iyon. Effective naman para kay Czarina dahil mas nagiging matapang siya at aggresibo sa mga bagay na kinahaharap niya.
Pagkatapos ay nagbitaw ng makahulugang ngisi si Czarina na para bang umeepekto na ang gamot sa kaniya. Inilapit niya ng dahan-dahan ang kaniyang mukha sa binata hanggang sa halos magpalitan na lamang sila ng hininga. "Kaya mo bang mahalin ang desperadang katulad ko?" bulong niya na halos nagbigay ng sensasyong makapigil-hininga kay Caleb.
Hindi pa man sumasagot si Caleb ay marahas nang inilapat ni Czarina ang kaniyang labi sa mga labi nito. Ikinabigla naman ito ni Caleb, hindi nga niya alam kung ano ang irereaksyon, "Teka Rina-- sandali..." Ngunit hindi siya pinansin ni Czarina at nagpatuloy sa ginagawa, lingid sa kaalaman ni Caleb na epekto ito ng ininom na gamot ni Czarina kanina. Hindi naglaon nagugustuhan na rin ni Caleb ang eksenang iyon. Niyakap niya ng buong higpit si Czarina ganoon din ito sa kaniya. Kahit napakalamig ng ulan hindi ito naging hadlang para sa nag-aalab nilang damdamin. Sa halip mas naging dahilan pa nga ito upang hanapin nila ang init ng katawan ng bawat isa.
Mapangahas, maalab at punong-puno ng pagnanasa ang tugon nila sa isa't isa. Ilang saglit lang ay maingat na idinako ni Caleb ang mga kamay niya mula sa beywang ng dalaga hanggang sa hindi na niya namamalayan na kusa na pala niyang tinatanggal ang pagkaka-hook ng bra ni Czarina. Habang ang kaniyang mga labi ay nagsisimula na rin maglakbay pababa sa mahabang leeg ng dalaga.
Inilayo ng bahadya ni Czarina ang sarili at nakipagtitigan sa lalaking kaharap niya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuang hitsura ng binata. Naaninag ni Czarina ang mukha ng dating kasintahan sa mukha ni Caleb. Muling nagbalik-tanaw kay Czarina ang eksenang katulad ng kinasasadlakan nila ngayon ni Caleb. Subalit ang kasintahang si Andrew ang kasama niya noon, umuulan din ng mga panahon na iyon. Kapwa nilalamig sila subalit taliwas ito sa nag-iinit nilang mga katawan. Kusang loob na sanang ibibigay ni Czarina ang sarili noon sa kasintahan subalit tumanggi ito, hindi dahil sa hindi na siya mahal ni Andrew. Kundi pinanghahawakan lamang nito ang pangako nila sa isa't-isa, na hinding-hindi sila bibigay hangga't hindi sila naikakasal sa harap ng Diyos. Isang matinong lalaki si Andrew, dahil na rin siguro sa anak siya ng isang pastor. Kaya nga ganoon na lamang ang pag-ibig ni Czarina para kay Andrew, labis niyang ikanatuwa ang ugaling mayroon ang binata. Kaya lang, hindi na niya maibibigay ang sarili dito dahil wala na ito ngayon.
Hindi naiwasang maalala ni Czarina ang kasintahan sa lalaking kaharap niya ngayon. Nakaramdam siya ng panandaliang pagkahilo pero hindi niya ito ipinahalata. Napapikit siya, gumuhit na lamang ang ngiti sa kaniyang labi ng makita niya si Andrew sa katauhan mismo ni Caleb sa kaniyang pagmulat. Para bang ang yumayakap sa kaniya ngayon ay ang yumaong kasintahan. Andrew, bulong ng isip niya.
Si Czarina na rin ang nagsimulang kumilos, inalis niya ang suot ni Caleb na damit. Hindi na siya pinigilan pa ni Caleb sa halip ay tinulungan na rin siy nito. Pagkatapos ay naging abala ang mga mata ni Caleb sa pagtitig sa maamong mukha ng dalaga.
Nang tuluyang mahubad ang pang-itaas na damit ni Caleb, tumambad sa harap ni Czarina ang magandang hubog ng pangangatawan ng binata. Matipuno ito, magkaparehas na magkaparehas sila ng pangangatawan ni Andrew. Dahilan para mas lalo niyang maalala ang namayapa niyang kasintahan.
Pagkatapos ay mabilis din na hinubad ni Czarina ang suot na blouse, bumungad kay Caleb ang maganda at makinis na katawan ni Czarina. Isang magandang tanawin na kahit sino ay pangangarapin na maangkin. And this time, di maiwasang mahumaling siya sa kaniyang nakikita. Muling inilapat ni Caleb ang mga labi sa leeg ni Czarina, napapaigtad pa si Czarina dahil sa kiliting ginagawa sa kaniya ni Caleb.
Maingat na inalalayayan ni Caleb si Czarina pahiga sa damuhang kinatatayuan nila kanina. Kaya naman kapwa na silang nakahiga sa basa at berdeng-berdeng damuhan. Muling nagtagpo ang kanilang mga mata at masuyong dinampian nila ang labi ng bawat isa.
Saglit naghiwalay ang kanilang mga labi "Czarina... Ikaw ang pinakamagandang pangyayare sa buhay ko," masuyong wika ni Caleb.
Kinapitan naman ng mainit na palad ni Czarina ang pisngi ni Caleb, "At ikaw.. Ikaw ang ipinalit sa mga magagandang bagay na nawala sa akin, Caleb. Mula ngayon ikaw na ang kayamanan ko, na dapat kong pakaingatan."
Nagpalit sila ng pagkakapwesto, kaya naman si Czarina na ngayon ang nasa ibabaw ni Caleb. Hinalikan niya ang mga labing nasa harapan niya na para bang wala ng bukas. Ganoon din ang binata, sa bawat pagbitaw nila ay kapwa sila naghahabol ng hininga.
Isang maalab na eksensa sa gitna ng malamig na ulan. Wala na ngang makakapigil sa pag-iisa ng kanilang mga damdamin. Saksi na naman ang ulan sa pag-iibigan nila.
***
Paikot na pinagmasdan ni Caleb ang kinaroroonan nila ngayon ni Czarina, "Nasaan tayo?"
"Sa lugar kung saan natin sisimulan hanapin ang kapatid mo." Binuksan niya ang pintuan ng bahay at maingat na pumasok doon.
Pagkatapos ng maalab na pagmamahalan nila kanina, na pagdesisyunan ni Czarina na isama ang binata sa safe house ng Uncle niya. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya pero kailangan niya itong gawin. Kailangan niya pansamatala si Caleb para sa kaniyang plano.
"Dito ka ba nag-i-stay?"
"Would you mind? Stop asking personal question."
Naunawaan naman ni Caleb ang gusto ni Czarina kaya nanahimik na lamang ito. Hindi naman niya maiwasan na mamangha sa mga makabagong teknolohiya na nasa harapan niya. Una na nga niyang napuna ang big satellite na nasa labas kanina.
Dumiretso sila sa isang silid kung saan naroon ang mga gamit ni Miggy. Pinakealaman agad ni Czarina ang mga computers at laptop to get some information and clues.
"Si Mr. Miggy Javier ito 'di ba at ang daddy mo?" puna ni Caleb sa isang picture frame na nakapatong sa ibabaw ng hindi kalakihang cabinet, nakalagay ito sa silid ng kinaroroonan nila. Napatingin si Czarina sa tinutukoy ni Caleb, naroon nga ang larawan ng tiyuhin kasama ang daddy niya, magkaakbay pa ang dalawang magkapatid. Nakaramdam tuloy siya ng lungkot pagkakita sa masayang larawan. Muli niyang ibinalik ang pansin sa laptop na kasalukuyan na niyang ginagalaw.
"Please show me something... Please..." bulong niya sa sarili habang patuloy sa pagkalikot sa mga files na naroon.
Wala naman narinig na sagot si Caleb mula sa dalaga kaya't kinuha na lamang niya ang larawang iyon para mas matitigan pa. Ngunit ikinabigla niya ng sa pag-angat niya rito ay may lihim na lagayan pala doon mismo sa pinagpapatungan nito. "Czarina! Tignan mo ito."
Madali naman tumalima si Czarina at inalam ang tinutukoy ni Caleb. Bumungad sa dalaga ang isang bilog na hawakan na kasing laki lamang ng singsing, iniiangat niya ito upang alamin kung ano nga ba ang nasa loob. Maliit lamang ang espasyo na tila sikretong lagayan na iyon, kasing laki lamang halos ito ng isang cellphone box.
***
Samantala...
Lingid sa kaalaman nina Caleb at Czarina, may lihim pa lang nanood sa kanila sa pamamagitan ng isang malaking monitor. Kasalukuyan silang napapanood sa CCTV mula sa kung saan.
"Kasama ng babaeng iyon ang pulis," puna ng isang matipunong lalaki at halos balutin ang mga braso niya ng iba't ibang disenyo ng tattoo, pero mas angat sa lahat ang simbolo ng sindikatong kinabibilangan niya.
"Its okay, hindi naman siya makakagulo. Ang mahalaga umaayon ang lahat sa plano ko," pagkasaad nito ay himithit muli sa kaniyang Cigar si Arabis.
Bigla namang isang tinig ang nakisali sa kanilang usapan, "Kaya naman pala hindi mo pinatay ang babaeng iyan noong napasakamay mo siya. Hindi ba't parang malaking banta siya sa grupo natin?"
Tinignan lang ni Arabis ang papalapit sa kaniya na si Adolf. "Kagaya ng sinabi ko, may mas maganda akong plano. Hindi ko pinapaslang kaagad ang may mga pakinabang pa. Sa oras na makuha ko na ang kailangan ko sa kaniya. Bakit ko pa ba bubuhayin ang katulad niya. Ha nagpapatawa ka." Kinuha nito ang telepono at may tinawagan, "Marco, ihanda mo na ang mga bata."
At nang maibaba niya ang telepono, ay sabay-sabay silang napalingon sa direksyon ng pinto dahil sa isang katok. "Pasok!"
Isang lalaki ang bumungad sa kanila, may kapayatan naman ito at nakasuot ng salamin sa mata, "Mr. Senator, ngayong gabi na ilalabas ng bansa ang mga trade products natin mula sa taiwan. Inaasahan na bukas ng hapon makakarating sa mga buyers ang mga iyon."
"Sinigurado n'yo bang malinis ang pagkakagawa sa mga papeles? Ayokong sumabit ang operasyon na ito. Kilala n'yo ako, ayokong may dumi sa mga operasyon ko. Kakailanganin ko ang perang makukuha natin doon para sa campaign ko. "
"Inayos na ho ni Mr. Aguirre ang lahat kaya wala ho tayong magiging problema." Mababanaag sa lalaki na nanginginig ito dala na rin siguro ng katandaan.
Napangisi naman si Mr. Senator Anitohin sa kaniyang mga narinig, "May pakinabang pa rin naman pala si Darwin."
"Mawalang galang na ho, mukhang may nadiskubre ho sila sa silid ni Miggy," pansin ng isa pang lalaki na kanina pa nagmamatyag sa ginagawa nila Caleb.
"That's it! Sige tawagan n'yo ulit si Marco, kailangan mapasakamay natin ang bagay na iyon. Pakisabi na rin na oras na makuha nila iyon, burahin na rin nila sa mundo ang mga pakelamero." Ang tinutukoy nito ay sina Caleb.
Tumango ang lalaki bilang tugon sabay alis nito sa silid para gawin ang pinauutos sa kaniya.
"We should thank Darwin, because of him, nagawa natin magkaroon ng access sa mga personal things ni Miggy," paalala ni Arabis.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan, they're still connected to each other. Mukhang mas kailangan natin ituon ang pansin natin sa Darwin na iyan. Anong malay natin, siya ang susi para makilala natin si Mr. Big A? Malakas din ang kutob kong konektado siya kay Mr. Big A, pero hindi ko talaga masabi kung sa paano." Napatingin na lamang si Arabis matapos marinig ang opinyon na iyon mula kay Anitohin. Kahit naman siya ay nagdududa rin sa katapatan ni Darwin. Hindi nga rin nila mawari kung nasa panig ba nila ito o hindi.
***
Ipinagtaka ni Czarina nang malaman kung ano ang nakatago roon-- isang susi? Hindi ito ordinaryong susi, kasinlaki nito ang hinlalaki ni Caleb, bilog ang duluhan at halata na hindi ordinaryo ang anumang paggagamitan nito. Hindi ito ilalagay at itatago ng uncle niya kung hindi naman ito mahalaga, iti ang tumatatak sa isipan niya.
Kinuha ni Czarina ang susi sa pinaglalagyan nito, nababalutan pa ito ng foam bilang proteksyon, "Susi para saan naman kaya ito?" taka niya.
Nagkibit-balikat si Caleb dahil hindi rin alam kung para saan nga ba iyon, ngunit mabilis na nahagip ng mga mata niya ang mga anino mula sa puting kurtina na humaharang sa pader na salamin. "Dapa!" sigaw niya. Napansin din kasi niya ang anino ng mga baril na hawak ng mga ito.
Sunud-sunod na patok ang ibinitaw ng mga ito sa kanila. Kumalat sa silid ang mga bubog mula sa nabasag na salamin. Nagpatuloy pa rin ang sunud-sunod na putok ng mga baril, nanatili namang nakadapa ang dalawa habang nakaalalay si Caleb sa ulunan ni Czarina.
Mabilis na kinuha ni Caleb ang personal na baril, habang binuksan naman ni Czarina habang nakayuko ang mga kabinet doon upang maghanap ng baril na magagamit, may nakapa siya roon at agad itong kinuha.
Bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan nila, pinaputukan ni Caleb ang mga lalaking bumungad doon. Habang nakapokus naman si Czarina sa nasirang pader, dahil may mga sumusubok pa rin dumaan doon.
Nawasak ang lahat ng mga gamit na nasa loob, kasama na ang mga computer, cctv monitors at ang ilan pang mga kagamitan. Nang mapatay na nila ang mga nagtangkang pumasok sa silid ay tumayo agad sila upang makatakas, kinuha ni Czarina ang susing nakita nila. Pakiramdam niya malaki ang maitutulong nito sa kanila.
Sumenyas si Czarina na kailangan nilang makarating sa sala, kaya naman mabilis pero maingat at alerto sila sakaling may makasalubong na kalaban.
Pagkarating nila sa sala, agad na inusog ni Czarina ang may kalakihang kabinet. Sa likod nito ay maayos na nakahilera ang iba't ibang uri ng baril. Kumuha siya ng para kay Caleb, "Oh salo!" Gulat namang sinalo ni Caleb ang isang uri ng armalite at kinasa iyon. Kumuha rin si Czarina ng para sa kaniya.
Sinenyasan niya ang binata na sa likuran na sila dumaan dahil kung may mga kasamahan pa ito tiyak papasok na rin ang mga ito. "Sumunod ka sa akin, doon tayo!" Tango lang ang tugon ni Caleb.
Sa kusina pa lang ay nagkaroon na muli ng palitan ng putok. Nagpatuloy ang putukan hanggang sa makaabot ang dalawa sa likod bahay. Hindi na rin sila nagtaka kung may mga kalaban din silang nakasagupa roon.
Halos ikalabas ng puso ni Caleb nang magpaputok si Czarina nang nakaharap sa kaniya ang hawak nitong baril, halos isang dangkal lang ang layo sa tenga niya nang maramdaman niya ang pagdaan ng bala sa kaniya. "Ooops," pilyang ngiti ni Czarina. Sinilip ni Caleb kung sino ang nasa likuran niya kasunod ang pagbulagta ng isang lalaki, "Salamat," bulong niya. Hindi maikakaila na mahusay na nga si Czarina sa pagbaril.
***
"Sino sila?" tanong ni Caleb. Sa halip na sagutin ni Czarina ay nilapitan niya ang isa sa kanilang napatay. Hinawi niya ang kwelyo sa may batok nito at lumantad sa kanila ang isang pamilyar na tattoo.
"Miyembro sila ng two headed snake." Tinignan din ni Czarina ang ilan sa mga napatay doon, ang ilan sa mga ito ay nakalitaw na ang mga tattoo.
"Paano nila nalaman na nandito tayo?" muling tanong ni Caleb. Napatingin naman si Czarina sa kaniya, "Akalain mo iyon, parehas tayo ng tanong."
Napayuko muli sila nang may magpaputok sa kanila mula sa 2nd floor ng bahay. Nakaiwas naman sila, "Sigurado akong madami pa sila, kailangan na nating makaalis dito." Mabilis na sumunod si Caleb, at sa tuwing may makakasalubong silang kalaban ay nakikipagbarilan sila sa mga ito.
Natatanaw nila ang maliit na gate sa likuran ng bahay, nang bigla na lamang nakatanggap ng malakas na suntok si Caleb. May dalawang lalaki ang sumulpot sa kanilang harapan.
"Caleb!" pangamba ni Czarina. Nabitawan ni Caleb ang baril at napahandusay sa damuhan kasunod ang pagkapit niya sa pumutok niyang labi. Hinahamon siya ng lalaking sumuntok sa kaniya, natanaw niya ang baril ilang dipa ang layo sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at nakipagbuno rito nang sugurin siya nito.
Habang itinuo naman Czarina ang pansin sa isa pang lalaki. Nabitawan din niya ang baril na hawak nang sipain ito ng lalaki sa kamay niya. Sabay na sumugod sina Caleb at Czarina, suntok, salo, ikot, sipa at mga paraan para iwasan ang mga binibitawan ng kalaban nila. Nagagawang makipagsabayan ni Czarina sa kalaban kahit pa nga isa siyang babae, sapat na ang itinuro ng Uncle niya para ipagtanggol ang sarili.
Subalit hindi naiwasan ni Czarina ang huling suntok na binitawan ng kalaban niya, napadausdos siya sa damuhan at napahawak sa sikmura.
"Czarina!" sigaw ni Caleb nang makita ang nangyare. Nagkaroon naman siya ng karagdagang lakas para tapusin na ang kaniyang kalaban, sinipa niya ito ng buong lakas hanggang sa bumagsak ang lalaki sa may sulok kung saan may malaking paso ang nahulog sa kaniya.
Samantalang dumampot naman ng paso ang lalaking kalaban ni Czarina at tangkang ihahagis ito sa kaniya kahit pa nga siya'y nakabalandra pa rin sa damuhan. Subalit bago pa man ito mangyari ay tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang tumama rito.
Napatingin si Czarina kay Caleb kung saan hawak na nito ang kaniyang baril, "Czarina, ayos ka lang?"
"Oo salamat. Tara na!" Tumayo si Czarina at tinungo ang maliit na gate malapit sa kanila. Sa wakas at nakalabas na rin sila sa property ni Miggy, pero hindi pa rin sila tinigilan ng mga lalaking nasa loob ng bahay. Problema pa'y nasa harapang bahay ang gamit nilang motor ni Caleb.
Ikinabahala nila nang may isang kotse ang pumarada sa kanilang harapan, bumukas ang bintana nito. Agad na itinutok ni Czarina ang hawak ng baril sakaling kalaban nila ito.
"Czarina! Sakay na!"
Nanlaki ang mga mata ni Czarina pagkakita kay Darwin, una ay nagdadalawang-isip pa siya pero narinig nila ang mga boses mula sa gate na nilabasan nila, "Dito sila dumaan!" Kaya wala siyang mapagpipilian kundi ang sumakay na lang dito upang makatakas.
Bakas din sa mukha ni Caleb ang pagtataka pagkakita kay Director Aguirre, pero sinunod na lamang niya ang dalaga at sumakay na rin sa kotse. Nasa likod ng kotse si Caleb habang katabi naman ni Czarina si Darwin. Pagkaandar ng kotse nila ay siyang labas sa maliit na gate ng mga lalaking humahabol sa kanila.
Mas pinaharurot ni Darwin ang pagpapatakbo, bago pa man makalayo ay sumilip si Czarina sa bintana hawak ang kaniyang baril.
"Anong gagawin mo?" pangambang tanong ni Caleb.
"Manood ka!"
Pagkadaan nila sa harapan ng bahay ni Miggy ay pinagbabaril niya ang ilang nakabantay doon, isinama na rin niya ang mga gulong ng sasakyang gamit ng mga ito.
Kinabig ni Darwin ang manibela para makaliko at tuluyan na nga silang nakalayo sa kalsadang iyon.
Nang makasigurong nakalayo na sila, mabilis na itinutok ni Czarina ang baril sa nagmamanehong si Darwin. "Ihinto mo ang kotse!" sigaw niya.
"W--w--wait Chill ka lang hija. Tandaan mo, may bala iyang hawak mo," pamimilosopo pa ni Darwin.
"Sabi ko tigil!" Bakas sa mukha ni Czarina na hindi siya nakikipaglokohan dito.
Hindi na napigilan ni Caleb ang magtanong dala na rin ng kalituhan, "Czarina, ano bang nangyayare? Director Aguirre, kilala mo siya? Magkakilala kayong dalawa? At alam mong buhay siya?". Dahan-dahan naman inihinto ni Darwin ang kotse sa tabi ng malawak na kalsada.
"Caleb, manahimik ka muna pwede ba!" saway ni Czarina habang nakatutok pa rin ang baril niya kay Darwin.
Nag-aalangan pa sana si Czarina na magtanong dahil nga kasama nila ngayon si Caleb, pero kahit naman itago niya ay malalaman at malalaman pa rin ito ng binata. "Ngayon magpaliwanag ka sa akin, matagal mo ng alam na miyembro si Uncle sa sindikatong iyon di ba?"
"Teka, nakalimutan bang sabihin sa iyo iyon ng Uncle mo?" pabiro pang tanong ni Darwin.
"Damn it Darwin, hindi ako nakikipaglokohan!"
"Okay! Okay!" Naitaas pa nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Oo, miyembro nga siya ng sindikatong iyon at pati na rin ako!" dagdag pa niya.
Hindi lang si Czarina ang nagulat maging si Caleb ay abot-langit din ang pagkagulat, wala nga siya maunawaan sa mga pinag-uusapan ng dalawa. Ang alam lang niya, ang tinutukoy ni Czarina na sindikato ay ang Two Headed Snake Syndicate, at sinasabi ni Czarina na kasapi pala si Darwin sa mga ito. Hindi siya makapaniwala dahil kumpirmado na may galamay nga ang mga sindikatong binabantayan nila sa organisasyong kinabibilangan niya.
"Paano n'yo ako nagawang lokohin? Pinagmukha n'yo akong tanga!" bakas sa tono ni Czarina ang sama ng loob.
"Hindi naman ganito ang plano e, hindi dapat ganito."
"Anong ibig mong sabihin? Ano pa bang plano ang hindi ko pa alam? O baka naman ibang plano ang sinasabi n'yo sa akin sa totoong plano ninyo!"
"Ipapaliwanag ko ang lahat, pero pwede bang ibaba mo na iyang baril na iyan. At huwag dito, hindi tayo safe makipagkwentuhan dito at magtagal pa."
Nagkatinginan muna sina Czarina at Caleb, bago naibaba ng dalaga ang hawak na baril. "Sige, madami kang dapat liwanagin sa akin," dismayadong saad ni Czarina. Muli nang pinaandar ni Darwin ang sasakyan palayo sa lugar. Baon naman ni Caleb ang napakaraming katanungan at umaasa na masasagot nga ito ng dating director na sobra pa naman niyang hinahangaan.
To be continued
***
A/N: Sensiya na po, ito iyong chapter na after two consecutive nights ng pagsusulat e, bigla na lamang nabura because of just one mistake. As in wala akong na save sa una kong nagawa. I lost 2500 words sa unang draft ko para sana sa chapter na ito. No choice ako kundi bumalik sa uno. Nawala kasi lahat nang isinulat ko. Ay sobra, nakaka-highblood po talaga, to the fact na nagalit pa nga ako ng sobra sa auto save ng wattpad. Lecheplan naman kasi, sana ibalik ang undo button! I thank you vow! :3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com