Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXIX -B (editing)


***

"Na-nasaan tayo? Saan nila tayo dadalhin?" Nangangambang tanong ni Yllana sa mga babaing kasama niya. Ngunit hindi naman siya kinikibo ng mga ito, mga iling at paghikbi lang ang tanging sagot ng mga ito. Nararamdaman niyang umaandar sila, pero wala naman silang makitang bintana para sana matukoy kung nasaan ba sila at kakarimpot na ilaw lang din ang mayroon sa lugar kung nasaan sila.

Natuon ang pansin ni Yllana sa isang babaing nakaupo sa may sulok, mukhang bata pa ito at kapansin-pansin ang kaba at takot nito. Lumapit siya rito at hindi nag-alinlangan na yakapin ito nang mahigpit, "Shhhh magiging maayos din ang lahat, huwag ka ng matakot," pagpapagaan pa niya sa kalooban nito.

''Gusto ko ng umuwi sa amin..." mangiyak-ngiyak nitong tugon kay Yllana.

"Alam ko, ganoon din naman ako, huwag kang mag-alala, tutulungan tayo ng kuya ko. Pulis iyon at mapapansin niya ang matagal kong pagkawala."

Isang tinig ang nagpalingon sa kaniya, "Nagkamalay ka na pala." Isang babae ang bumungad sa kaniya, na palagay niya ay nasa edad bente singko na pataas.

"Alam mo ba kung nasaan tayo?" tanong niya rito.

"Palagay ko'y nasa isang delivery truck tayo, may ilang mga babae na ang inihiwalay sa atin kanina, mukhang sila ang inunang dalhin," kalmado nitong pahayag. Hindi mababakasan ng anumang takot ang mukha niya. Napatingin ulit ito kay Yllana, "Ang alam ko, dadalhin sila sa ibang bansa para ibenta, then tayo ang second batch, in short we're just a sex slave, sex toy ng mga gahamang negosyante. Ha-ha-ha nakakatawa di ba? Fuck this life!" Halos umusok ang tainga nito sa galit. Hindi masisisi ni Yllana ang sama ng loob ng babaing kausap niya, dahil kahit siya nagagalit din sa naging sitwasyon nila.

Inalis na lang niya ang tingin sa kausap at muling ibinalik ang pansin sa babaing kayakap niya, "Ilang taon ka na?" tanong niya rito.

"Seventeen po..." Napayakap na lamang nang mahigpit si Yllana sa babae, napakabata pa nito para maging biktima ng mga ganitong bagay.

Kasunod nito ang pagbitaw niya ng buntong-hininga, "Kuya Ian... tulungan mo kami..." sigaw ng isip niya. Kahit natatakot ay hindi niya hinayaan na may makapansin niyon lalo na ang batang babae na katabi niya. Kailangan niyang maging matapang sa ayaw man niya o sa gusto.

***

"Kailan n'yo balak aminin ang lahat? Kapag patay na ako? Ha? Ha?" sarkastikang sigaw ni Czarina habang dinuduro niya sa dibdib si Darwin.

Kasalukuyan silang nasa lupain ng mga Javier, dito sila dinala ni Darwin. Hindi naman lubos maisip ni Caleb ang mga katotohanang lumalantad sa kaniya kaya nanatili siyang tahimik at nakikinig lamang sa sagutan ng dalawa.

Hindi naman mapigilan ni Czarina ang maiyak at maglabas ng saloobin, "All this time... Pinagmumukha ninyo akong tanga!" Sinusubukan naman siyang pakalmahin ni Caleb.

"Crazina, we didn't meant it. It just happened. Actually..."

Kapwa napatingin sina Caleb at Czarina kay Darwin, inihahanda and sarili sa anumang dapat nilang marinig mula kay Darwin.

Darwin's point of view.

"Alam ng Daddy mo ang tungkol sa sindikatong kinabibilangan naming dalawa ni Miggy. Yes, he really knows. Minsan na rin siyang inimbitahan ng grupo na mag-invest but he rejected us. He love his family so much at hindi niya magagawang mailagay sa kapahamakan ang mga ito.

Ito rin ang madalas pagtalunan ng daddy at ng uncle mo. Your Dad tried so hard to warn you Uncle even I, but we didn't listen. Hindi naman kasi ganoong kadali ang umalis sa grupo. Kung gaano kadali ang pumasok ay siya namang hirap makaalis sa kanila.

Sa simula masaya, sino ba naman ang aayaw sa limpak-limpak ng pera. That time, sa tulong na rin ng Two headed snake ay nagawa kong makapasok sa mataas na posisyon ng kapulisan. Kailangan daw nila ng tauhan na poprotekta sa kanila para mas lumakas din ang kapit at panatilihin ang grupo. Dahil na rin sa lakas ng kanilang impluwensiya kaya pati ang halos sisenta porsyento ng kapulisan ay nagawa nilang sakupin. And of course behind that was Miggy.

Matalino si Miggy, mapamaraan, mahusay sa pananalita, magaling sa lahat, utak ang pinapagana niya at hindi ang kaniyang emosyon. Kaya naman naging alas siya ng aming grupo. The more na tumatagal kami kasama sila; the more na tumataas ang aming posisyon. No doubt, Miggy was really capable to be a leader. Siya rin ang naging utak sa bawat operasyon namin.

As the years goes by, mas tumindi ang paghahangad niya. He became more greedy, hindi lang sa pera kundi pati na rin sa kapangyarihan. Ang gusto niya, siya na ang mamuno sa grupo; ang dahilan niya, sa kaniya mas lumaki ang kinikita ng lahat. But the big three and the other members strongly disagreed about that.

How did he changed? Hindi ko alam, marahil nagbago siya after niyang malamang wala siyang makukuhang yaman, na inalisan na siya nang karapatan umangkin sa kayamanan ng mga Javier dahil nga sa mga iligal na pinaggagawa niya, later on nalaman niyang hindi pala siya totoong Javier.

Miggy found out that he was adopted. Ang hindi niya matanggap, pinagdamutan na nga siya sa kayamanan pati ba naman sa karapatang maging Javier ay aalisan pa siya ng karapatan. He felt so pity to him self, his heart was full of hatred.

Gusto niya, binibigyan din siya ng halaga kagaya nang nararanasan ng kapatid niyang si Miguel.

Mas nag-pokus siya sa grupo, doon kasi nirerespeto siya, pinahahalagahan siya, mataas ang tingin sa kaniya at kinatatakutan na rin siya. Hindi na rin siya kinikibo ng sariling pamilya kahit ang kapatid niyang si Miguel.

Isang araw, isa-isa na lamang pinapatumba ang ilan sa mga tauhan namin sa bawat parokyano, ni hindi namin malaman kung sino ang gumagawa nito o kung sino ba ang kumakalaban sa grupo. Until we found out, si Miggy pala ang nasa likuran sa pagtumba sa mga tauhan naka-assigned sa iba't ibang balwarte. At sa bawat lugar na iyon, mga sariling tauhan na rin niya ang nagpapatakbo sa operasyon doon nang hindi man lamang namin nalalaman. Kaya naman mas doble ang pumapasok na pera sa kaniya kumpara sa amin at mas dumarami na ang mga tagasunod niya. Nakuha rin niya ang tiwala ng mga bigating buyers namin.

Ang laki ng pinagbago nang Miggy'ng nakilala ko. He can even kill a person intentionally or not, kalaban man o maging kakampi walang ng kaso sa kaniya iyon. As long as na makakaharang ito sa mga plano niya at mangungwestyon sa mga plano niya.

Hanggang isang araw, pumalyado ang isa sa mga operasyon ni Miggy. Nasabotahe ito, malaking halaga ng droga ang napasakamay ng pulisya, ang masaklap hindi ko hawak ng mga panahon na iyon ang mga taong nakahuli sa mga bata niya. Bilyon ang nawala sa amin, doon na rin unti-unting nabunyag ang kataksilan ni Miggy sa grupo, lahat ng mga tagong operasyon na pinangunahan niya ay nalaman din namin.

Sa tulong ng sarili naming kayamanan ay nagawa naming baliktarin ang sitwasyon, naibasura ang kasong inilaban sa amin. Napanatili nga namin ang grupo ngunit malaki naman ang nawalang halaga sa amin. Nagpasya kaming lahat na singilin si Miggy sa danyos na kaniyang ginawa at sa lahat ng perang ibinulsa niya. Ngunit hindi sapat ang naipon niyang halaga para bayaran and hinihinging danyos ng bawat VIP members ng Two Headed Snake syndicate, hindi mo nanaising marinig ang halaga nito.

Lumapit si Miggy sa daddy mo, kinukuha na niya ang parte niya sa kayamanan ninyo. Ngunit hindi pumayag si Miguel, dahil hindi naman talaga siya marunong mangunsinti ng kamalian. At isa pa, inalis na rin si Miggy bilang isa sa tagapagmana sa kanilang kayamanan dahil na rin sa mga kamaliang pinaggagawa niya. Kaya naman mas lalong umigting ang galit ni Miggy nang hindi niya mahagilap ang tulong ng sarili niyang pamilya."

End of Darwin's povs

***

The flash back Continues...

Isang gabi nagtalo ang magkapatid na Javier, pilit kinukuha ni Miggy ang seal na hawak ni Miguel, ang young half brother niya, ito ang tanging tugon sa lahat ng mga problema ni Miggy sa kaperahan. Kapag napasakamay niya ang seal, may kakayahan na siyang ilipat o makuha ang halagang perang kailangan niya mula sa lahat ng ari-arian ng mga Javier. Ang seal na ito ay ang iniingatang pirma ng isang Javier. Ilang henerasyon na ang pinagdaanan nito, ang sinumang may hawak nito ay siyang tinuturing na higit na may karapatan sa kayamanan ng mga Javier.

"Binalaan na kita Kuya Miggy, iyang grupo mo na iyan ang papatay sa 'yo!"

"Sinabi ko na sa 'yo. Wala na akong matatakbuhan. Kapag hindi ko naibigay sa kanila ang perang hinihingi nila papatayin nila ako."

"Kuya, pinasok mo ang gusot na iyan kaya plantyahin mong mag-isa. Kuya naman! Maawa ka, huwag mong idamay ang mag-iina ko sa gulong iyan!"

"Bigyan mo ako ng 200 million, at ipinapangako ko, magpapakalayu-layo ako," pagpupumilit pa rin ni Miggy.

"At paano ang pamilya ko? Nasisiraan ka na kuya, hindi pwede! Ang mga negosyo natin,naisip mo man lamang ba iyon? Marami ang maapektuhan! Kuya, pasensiyahan tayo, hinding-hindi ko ibibigay sa 'yo ang seal. Siguro ito na rin ang oras para harapin mong mag-isa ang kaparusahan sa mga pinaggagawa mo."

"Miguel! Hindi mo kilala ang mga taong iyon! Kapag hindi mo ako tinulungan baka mas malaki pa ang imaging kapalit nito!" Napapailing na lamang si Miguel, sa halip na maawa sa nakakatandang kapatid ay sama ng loob ang nararamdaman niya. Buo na rin ang pasya niya, walang tulong siyang maibibigay dito. Ayaw niyang madamay at mapahamak ang sariling pamilya sa gulong pinasukan ng kuya niya.

Mas lumaki pa ang pinagbago ni Miggy, hindi na masikmura pa Nina Miguel ang mga natuklasan nila rito, kahit ang sarili nilang magulang ay tinalikuran na ang kaniyang kuya. At sa ayaw man niya o sa gusto, kailangan na niyang mailayo ang pamilya kay Miggy.

***

Isang umaga...

Nagtungo si Miggy sa tahanan nina Czarina, agad siyang sinalubong ng pamangkin. Disiotso anyos pa lang noon ang dalaga, ito ang huling pagkakita niya sa tiyuhin bago ito nawala na parang bula.

"Uncle." Humalik si Czarina sa pisngi nito. Wala siyang nalalaman patungkol sa lamat ng relasyon nito sa daddy niya

"Nandito na ba ang daddy mo?"

"Nasa Office po ho e."

"How about your Mom?"

"Nasa mall with kids, ako lang po ang nandito and sina kuya. Anyway nasa firing range na naman ang dalawa. You want some juice Uncle?"

"Yeah sure. Sayang, akala ko nandito na daddy mo. May ibibigay pa naman sana ako sa kaniya."

"Ay ganoon po ba, kung gusto n'yo po tawagan ko si daddy sabihin ko nandito kayo."

"Ha? No need, ilalagay ko na lamang ito sa office niya. Sa may table para makita niya agad."

"Hmmn okay, ikukuha ko na lamang ho kayo ng Juice."

"Oh sige Hija salamat, nandoon lang ako sa office niya ha."

"Okay po."

Tinungo ni Miggy ang pribadong silid ng kapatid. At habang wala pa si Czarina ay mabilis niyang hinalughog ang lahat ng pwedeng pagtaguan ng kaniyang hinahanap. Sa mga cabinet, book shelves, sa mga couches and even sa likod ng mga paintings na nandoon. Mabilis pero maingat at bago pa man dumating si Czarina dala ang juice para sa kaniya ay nahanap na niya ang seal.

Aksidente niya kasing nakabig ang kumpol ng susi na nakalapag sa working table ni Miguel, bumagsak ito at may isa doon ang tila nahati sa dalawa. Nang kinuha niya ito, sinubukan niyang pagdikitin ang mga ito ngunit natuklasan niya na takip pala ang humiwalay sa kunwaring susi na iyon. Nagulat na lamang soya hang malamang ito na pala ang hinahanap niya, ang seal ng kanilang angkan.

Naitago pala ni Miguel bilang isang susi ang seal upang walang makahalata "sana". Subalit natuklasan pa rin ito ni Miggy nang hindi sinasadya. Agad niyang inihiwalay sa pagkakabungkos ang seal.

"Uncle?" maang na tanong ni Czarina pagkakita sa uncle niya na nakaupo at nakatalikod na para bang may kinakalikot.

Lumingon si Miggy sa pamangkin at dali-daling itinago ng pasimple ang hawak na seal sa bulsa, "Nandyan ka na pala. Ah iyong susi, kasi nakabig ko... Ah e, iyan na ba iyong juice ko? Sakto bigla akong nauhaw."

Iniabot ni Czarina ang dalang juice. Ibinalik naman ni Miggy ang kumpol na susi sa ibabaw ng lamesa. "Tinawagan ko na ang Daddy mo, alam na niyang nandito ako."

"Ah okay po," masaya pang tugon ni Czarina. Tanaw sa mga mata niya ang kainosentehan niyang taglay.

***

Darwin point of view (Again)

Nakuha niya ang seal ng pamilya ninyo, lingid iyon sa kaalaman ng daddy mo. Sinabi naman sa akin lahat ni Miggy ang mga plano niya. Kukunin niya ng patago ang dapat sanang kayamanan para sa kaniya, ililipat niya lahat sa second accounts niya. Pagkatapos ay magpapakalayu-layo at sa ibang bansa na maninirahan. Inalok niya nga rin ako na sumama na sa kaniya kasama ang sarili kong pamilya.

Pumayag ako, ayoko na rin mapabilang sa grupo. Masyado ng delikado hindi lang sa akin pati na rin sa pamilya ko. Palagay namin ay sapat na ang perang nalikom namin habang nasa grupo kami at ang perang makukuha pa namin sa lahat ng kayamanan ninyo.

But unexpected things happened, nakatunog ang big three na posibleng may malaking perang makukuha si Miggy sa mga Javier. Kaya bago pa man isakatuparan ni Miggy ang kaniyang plano ay dinukot siya at pinagbantaan ng grupo naming And they gave Miggy another chance para mabayaran nito ang lahat ng pagkakautang sa kanila, of course through the wealth of his own family.

Nangako si Miggy at sinabi rin niya sa mga ito na hawak na niya ang alas ng pamilya niya, walang iba kundi ang seal. Pinakawalan nila si Miggy para maproseso nito ang paglilipat sa lahat ng yaman ng Javier sa account ng Two Headed snake bilang kabayaran sa lahat ng perang nawala sa kanila. Kaya naman sa halip na sa account ni Miggy mapupunta ang pera na kukuhain niya sa kaniyang pamilya ay kailangan niya itong ilagay sa account ng big three at sa kabuuang account ng two headed snake syndicate.

Subalit hindi naman niya iyon ginawa, dahil pagkatapos ng usapang iyon ay hindi na nagpakita pa si Miggy. Weeks later, tumawag sa akin si Miggy and he said na tinulungan siya ni Miguel na makapagtago.

I found out na lang kamakailan na hinayaan siya ng Daddy mo na manirahan sa isla para magtago roon, pero wala itong alam sa panganib sa ginawa niyang pagtulong sa tiyuhin mo. Akala niya, kapag nawala nang parang bula si Miggy ay bigla rin mawawala ang problema nito na para ring bula.

Nagsimula na rin akong mag-resign sa trabaho bilang direktor, at kagaya ni Miggy gusto ko rin magtago at mailayo ang pamilya ko. Good thing bago pa man ako umalis sa serbisyo ay naipadala ko na ang pamilya ko sa Canada at ngayon nga ay doon na run sila gumagawa ng sarili nilang mga buhay. Ako na lamang ang nandirito.

Hiding him was the biggest mistake na ginawa ng Daddy mo, nalaman ng grupo na maaring may kinalaman si Miguel sa pagkawala ni Miggy. At hindi sila papayag na matakasan sila ng ganoon na lamang.

For the last time, Two headed Snake gave Miggy another warning, kinausap nila nang personal ang daddy mo about this, na kailangan nilang makausap si Miggy or else something worst will happen. Binantaan nila ang Daddy mo na kapag hindi nagsalita about sa kinaroroonan ni Miggy ay baka may mangyaring masama sa inyo. Si Tansingco ang nagsisilbing speaker ng grupo over to your Dad.

Your Dad confronted Miggy regarding this. Pinaliwanag niya rito ang kondisyon na hinihingi ng mga ito. But Miggy refused, slam niyang kapag nagpakita siya sa mga ito, tiyak katapusan na ng buhay niya. Miggy had a selfish heart that time to the point na hindi na niya iniisip ang posibleng mangyare sa kinagisnan na niyang pamilya.

No choice si Miguel kundi ang humakbang sa sariling kaparaanan, aminado siya na wala na siyang mapapala sa kuya niya 'coz Miggy getting even worst. Then that Tansingco case happened, it was part of Miguel's planned. Akala niya kapag nahuli niya ang isa sa mga Two Headed Snake at mabigyan ng kaso ay masisira niya ang grupo. But definitely he was wrong, alam mo naman ang kinahantungan ng kaniyang ginawa. Naging hudyat pa nga ito para galitin ang Big Three. Nauubusan na sila ng pasensiya sa pagtatago ni Miggy at sa pagtatangkang pagsira ni Miguel sa grupo.

That's why, they ended up sa isang desisyon, kung hindi lalabas si Miggy pwes sila na mismo ang kukuha ng halagang hinihiningi nila kay Miggy mula sa pamilya Javier mismo.

And then your birthday came, your very special day Czarina. Ang dapat talaga na plano nila, is to kidnap you and your family and take as their hostages. Ang kapalit? Walang iba kundi ang tiyuhin mo at ang mismong seal an nasa kaniya.

Pero kagaya ng mga plano, may nasusunod, mayroon namang hindi. Ang plano, papatayin nila ang lahat ng dadalo sa iyong kaarawan. Bubuhayin nila kayo and they will try to contact Miggy pero Hindi ganoon ang nangyare. Hindi kailanman nagparamdam ang Uncle mo, kaya wala silang choice kundi tapusin na rin ang mga buhay ninyo, total, nasimulan na rin nila ang sigalot sa pamilya mo.

Nang araw din na iyon, aksidenteng napunta ka sa isla. Nalaman ng uncle mo na ikaw na lamang ang natira mula sa trahedyang iyon. Maniwala ka, sobrang nagsisisi si Miggy sa hindi niya paglitaw noong mga panahon na iyon, pero wala na siyang magagawa dahil huli na.

Ganoon pa rin naman ang plano, ang ipaghiganti ang mga mahal ninyo sa buhay. Ang hindi niya lang binanggit, sinadya ka niyang manatiling patay sa mata ng publiko upang siya na ang ligal nasasalo sa lahat ng kayamanan ninyo. At gagamitin niya ang lahat ng yaman na iyon para mapabagsak ang grupong hanggang ngayon hinahangad niyang mapamunuan.

Czarina, your Uncle still wants to rule the Two headed snake syndicate. Pababagsakin niya ang big three pero hindi ang mismong sindikato. Pinaiisa niya sayong ipapatay ang mga taong posibleng kumalaban sa kaniya kapag siya na mismo ang tumatayong pinuno nito.

I'm sorry Czarina, but now I can say na, isa ka lang sa mga kasangkapan niya para sa mga plano niya. Yes he wants a revenge pero hindi ang pagkamatay ng pamilya mo ang ugat kundi ang kasakiman na unti-unti na namang bumabalot sa kaniya.

End of Darwin's POV's

***

Samantala....

Agad sinagot ni Miggy ang isang tawag sa phone niya, "Mr. Javier, hawak ko na ang mga files," tinig ng isang babae mula sa kabilang linya.

"That's good hija," tugon ni Miggy.

"Ipapadala ko na lamang ho ba o personal ko na lang ibigay sa inyo?"

"Ipadala mo na lang, gusto kong maging maingat, ayokong may makakita sa atin na magkasama."

"Copy Sir"

"Just keep your eyes sa bawat galaw ng NBI. Gusto kong maging updated sa operasyon na ginagawa nila ngayon."

"Copy Sir."

"Sigurado ka bang iyan ang ebidensiyang hawak ni Montaro?"

"Yes sir, personal pa niyang ibinigay sa akin ito."

"Very Good Kathy, talagang pinapahanga mo ako, manang-mana ka sa daddy mo." Ngisi lang ang itinugon ni Kathy sa puri ni Miggy sa kaniya, halatang hindi siya natutuwang marinig ang salitang daddy na tumutukoy sa ama niya. Si Miggy na rin ang unang nagbaba ng telepono.

"Mukhang masama ito," komento ni Miggy pagkakita sa video na nasa hawak niyang Ipad. Nasa isang coffee shop siya at kasalukuyang nagre-relax. Malinaw na malinaw ang bidyong napapanood niya. Ito ay ang mga kuha ng CCTV niya sa kanyang rest house. Ngunit alam din niyang may kung sino ang nagawang makapasok sa mga CCTV at computer system. Sinubukan niyang alamin kung sino ang naglakas-loob na i-hack siya, hanggang sa nalaman niyang and two headed snake syndicate ang nasa likuran niyon.

Kasalukuyan niyang pinapanood ang bakbakan na naganap sa pagitan nina Czarina at ng ilang mga tauhan ng Two Headed Snake. Kita niya and bawat anggulo ng labanan.

Mas lalong nanlaki and mga Mata ni Miggy nang makita ang sumunod na bidyo, "Ang seal! Alam na nilang na kay Czarina na ito. Hindi! Mapapahamak sila!" Nasaksihan niya mismo kung paano ito na diskubre ng dalawa. Agad niyang denial ang phone number ni Czarina pero ring lang ito ng ring at walang sumasagot. Ang totoo niya'y naiwan ito ng dalaga sa mismong tahanan ng tiyuhin.

Habang abala ang mga Mata niya sa panonood at ang isang kamay sa pagtawag kay Czarina ay nakita niya sa bidyo ang sasakyang sumundo kina Czarina na siyang tumulong upang makatakas ang mga ito. Nai-close up niya ang video upang alamin ang pagkakakilanlan ng kotse at nakilala niya kung sino ang nagmamay ari sa sasakyan, "Na kay Darwin sila ngayon!" bulalas niya.

Mabilis niyang kinontak ang kaibigang si Darwin, alam niyang nasa pangangalaga nito ang dalawa.

***

Sa kabilang banda...

Nanghina halos ang mga tuhod ni Czarina pagkarinig sa buong kwento ni Darwin. Napaupo ito sa damuhan at halos hindi makapaniwala sa mga narinig nila mula kay Darwin. Gusto niyang maging matapang sana sa paningin ng dalawa, pero hindi niya mapigilan ang papalabas na niyang mga luha. Maging si Caleb ay hindi rin makapaniwala, dahil ang isa sa mga kagalang-galang at hinahangaan niyang officer sa kaniyang larangan ay nagkaroon pala ng malaking ambag sa sindikatong pilit nilang binubuwag.

Napuno rin ng awa at hinanakit ang puso ni Caleb, kahit siya ay nais damayan ang dalaga sa sakit na nararamdaman nito, "Czarina..." bulong niya. Kita sa mga mata nito ang pakikiisa niya sa damdamin ng dalaga.

Nanginginig na tinungo ni Czarina ang puntod ng mga magulang niya na ilang dipa lang ang layo sa kanila. Susundan sana siya ni Caleb pero pinigilan siya ni Darwin, "Hayaan mo na muna siya."

Pagkarating ni Czarina sa harap ng dalawang puntod ay hindi na niya napigilan pa ang humagulgol ng taimtim, naisubsob niya ang mukha sa lapida ng mommy niya at halos magpatirapa na room sa kaiiyak. Tahimik siyang umiiyak at pilit pa rin nagpapakatapang sa harapan nina Caleb.

Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ni Darwin, ipinakita niya kay Caleb kung sino ang tumatawag, "Si Miggy."

Napatingin si Caleb kay Czarina na walang alam na kasalukyang tumawatag pala ang tiyuhin.

"Miggy?" bungad ni Darwin nang sagutin ang tawag.

"Kumusta si Czarina? Ayos lang ba siya? May nangyare ba? Nasaan kayo?" sunod-sunod na tanong ni Might..

"Don't worry Miggy, we're fine." Maririnig pa mula sa kabilang linya ang pagbuntong hininga ni Miggy pagkarinig sa sinabi ni Darwin, tila nawala ang pangamba into para sa pamangkin.

"Gusto kong makausap si Czarina, nasaan siya?"

"Pasensiya na Miggy, gusto ko man siyang ipakausap sa 'yo. Mukhang ayaw din niya."

"M--may... alam na ba siya?" tanong ni Miggy.

"Oo , sinabi ko ang lahat sa kaniya. Pasensiya na, pinilit niya ako, alam mo naman siya."

"Tawagan mo ako kapag okay na siya." Pagkasabi nito ay nai-off na ni Miggy ang kaniyang phone.

Napatingin naman sa kaniya si Caleb at puno na naman ng pagtataka ang mukha nito, "Hindi ba't na paralisado si Mr. Miggy Javier, paano niya nagagawang makipag-usap sa 'yo?"

"E palabas lamang niya iyon."

"Ibig sabihin? Alam ni Czarina ang tungkol sa palabas na iyon? Nagsinungaling siya sa akin sa sinabi niyang wala siyang kaugnayan sa tiyuhin niya?"

"Zembrano, tama ba?" pangungumpirma ni Darwin sa ngalan nito bago sabihin ang kaniyang paliwanag. Tumango naman sa kaniya ang binata. "Alam mo, nobenta porsyento ng mga tulad ni Miggy ay pawang kasinungalingan lamang ang pinaiiral. At tandaan mo, kung may pera ka magagawa mong lahat. Ang itama ang mali, at gawing mali ang mga bagay na tama. Ang magpanggap na patay at magpanggap na walang malay sa mga nangyayare. Ito ang pakatandaan mo Ginoong Zembrano, hindi tayo nabubuhay sa isang pantasya. Nasa totoong mundo tayo kung saan nagagawa ng taong may pera ang lahat ng nais niyang gawin. Katulad ni Miggy, he easily manipulated everything."

Maya-maya ay kabadong lumapit sa kanila si Czarina, basa pa ang pisngi nito ng kaniyang mga luha. Kumalat nga rin halos ang eyeliner dahil sa kaniyang pag-iyak.

"Darwin, I lost my medicine, bigyan mo ako please, may dala ka ba?" tila wala sa sariling saad ni Czarina. Laking pagtataka naman ni Caleb sa kakaibang kinikilos ni Czarina. Pawisan pa ito at tila nahihirapan sa paghinga.

Kinapitan niya ang dalawang braso nito at inalalayan, "Czarina ayos ka lang?"

"Okay lang siya Caleb, don't worry. Bantayan mo muna siya may kukunin lang ako sa kotse." Mabilis na iniwan ni Darwin ang dalawa at tinungo ang kotse sa di kalayuan.

Inalalayan naman ni Caleb ang tila natatakot na si Czarina. Ngayon niya lang nakita ang dalaga na ganito, hirap huminga at pawis na pawis. "Czarina, anong nangyayare sa 'yo?" Kahit si Caleb ay naghihisterikal na rin ngunit pinipilit niyang maging mapayapa sa harapan nito.

Ilang saglit lang ay bumalik na rin si Darwin at may hawak na itong maliit na botelya, binuksan niya ito, kumuha ng laman at iniabot kay Czarina. Natatakam na kinuha ito ni Czarina na tila uhaw na uhaw sa gamot na iyon at sabay isinubo.

Hinablot ni Caleb ang botelya, "Teka ano itong pinainom mo sa kaniya?"

"Sasabihin ko na sa 'yo ang lahat, total malalaman mo rin naman. Ito ang bagong produktong pinagkakaabalahan ng Two headed snake, isang bagong drugs na matagal na nilang pinag-aaralan. Actually this drug is under our government surveillance kaya lang they found out na may masamang side effects ito sa tao. Yes, malaki nga ang maitutulong nito, its very effective as anti-depressant and ang goal talaga nito ay para mas tumapang at lumakas ang kumpyansa at ang pisikal na pangangatawan ng isang tao, pero syempre, hindi maiaalis ang side effects nito. Kaya naman it failed sa standards ng ating government at ng BFAD, in short, pinatigil nila ang operasyon. Subalit may mga tao na matataas ang posisyon sa gobyerno at ipinagpatuloy ito ng patago, ang ilan sa mga iyon ay miyembro ng Two headed snake. Malaki ang kikitain nila sa drugs na ginawa nila kaya kahit may side effects, ipinagpatuloy nila iyon. Huwag ka nang magtaka kung paano nila naipagpatuloy ang operasyon until now. Mga pulitiko sila, mga makapangyarihan. They can twist and play the situation ng walang kahirap-hirap at sa tulong iyon ng kanilang mga pera."

Kahit papaano ay nagiging kalmado na ang paghinga ni Czarina, nagpatuloy naman si Darwin sa pagpapaliwanag.

"And Miggy has no choice but to allow Czarina to take this kind of drugs. That time kasi sobrang depress siya. At talaga namang malaki ang ipinagbago ni Czarina, matapos siyang masanay sa gamot na iyan. Mas nagiging agresibo at matapang siya after taking this drugs. At kailangan ni Miggy ng isang matapang na Czarina during their mission. Kita mo naman kung paano hanapin ng katawan niya ang gamot na iyan. You cannot stop her lalo ngayon mas nasanay na siya. Baka kapag biglaang pinatigil mo ito sa kaniya ay ikamatay pa niya iyon."

"Damn it!" Galit na ibinato ni Caleb sa lupa ang botelyang hawak niya kaya naman nagkalat ang mga gamot sa damuhan.

"I have a plan," biglang usap ni Czarina. Kalmado na ito na tila nanumbalik na ang kumpiyansa sa sarili. Ngayon ay umiiral na naman sa pagkatao niya ang pagiging palaban. Napatingin sa kaniya sina Caleb, and mga tingin nila ay may bahid ng pagtatanong mula sa ideyang sinasabi nito. "Anong plano?" sabay nilang wika.

"Ibibigay ko sa kanila ang seal na hinahanap nila."

"Your just kidding, right Czarina?" napangiwi pa ng bahadya si Darwin.

"Bakit Darwin mukha ba akong nagbibiro?"

"Czarina... Kapag napasakamay nila iyan. Tuluyan ka nang mawawalan ng karapatan sa sariling kayamanan ninyo. Mawawala sa 'yo and lahat," komento naman ni Caleb.

"Bullshit Caleb! Matagal nang nawala sa akin ang lahat! At saka gagawin ko ito para iligtas si Yllana, ang kapatid mo! Dahil hindi naman siya dapat nadadamay dito." Walang nagawa si Caleb kundi ang manahimik.

Tama naman talaga si Czarina, kailangan niyang isipan ang kapakanan ng kapatid niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ulit nagsalita si Caleb, "Sasamahan kita!"

Dahil sa mga narinig, napangiti si Czarina at mas lumapit pa ito sa kaniya. Napatigil naman si Caleb, nagulat na lamang siya nang yakapin siya ni Czarina, kaya pati tuloy siya napayakap na rin sa dalaga. Ngunit lingid sa kaalaman niya, ay dahan-dahan na palang kinukuha ni Czarina ang posas nito na nakalagay malapit sa hips ng binata.

Pasimpleng niya itong kinuha at nang mapasakamay ay mabilis niyang inalis ang pagkakayakap dito. Pwersahan at dali-daling nailagay ni Czarina ang isang kamay ni Caleb sa posas. Hindi na nakapalag si Caleb dala ng pagkabigla, masyadong mabilis ang mga kilos ni Czarina, nanlaban man siya ay nagawa pa rin ni Czarina ang gusto nito. Bang magtagumpay ay biglang hinatak ni Czarina ang kamay ni Darwin na katabi lamang nila at naipasok sa kabilang posas. Pagkatapos ay itinulak niya ang mga ito palayo dahilan para humandusay ang dalawa sa damuhan.

Mabilis na iniwan ni Czarina ang dalawa, hindi pa rin makatayo ang mga ito mula sa pagkakatumba. Agad tinungo ni Czarina ang kotse ni Darwin, nakasalpak na ang susi kaya naman sumakay na siya at pinaandar ito. Bago umalis ay tumingin siya sa dalawa at sumigaw, "Hindi ko kailangan ng katuwang sa huli kong misyon. Makakasira lang kayo sa plano ko. Pasensiya na Caleb, pero hanggang dito na lang ang maitutulong mo!" pagkasabi nito ay pinaharurot na niya ang sasakyan palayo sa dalawa.

Sinubukan pang habulin ni Caleb ang dalaga, ngunit nahirapan siya dahil hindi pa rin sila nakakakuha ng balanse sa pagtayo.

"Czarina! Sandali! Tumigil ka sa kahibangan mo!" Hinatak pa niya si Darwin ngunit wala na siyang nagawa dahil tuluyan nang nakalayo ang sasakyan kung saan naroon si Czarina.

Napatingin naman sa kaniya si Darwin, "Hawak mo naman ang susi 'di ba?" tanong nito.

Napasuklay na lamang sa buhok si Caleb dala ng inis at pagkayamot. Hindi siya naiinis dahil sa tanong ni Darwin, kundi, naiinis siya dahil hindi niya nagawang pigilan si Czarina.

***

To be continued

Ps. Oo, nasa kaniya naman ang susi, huwag kayo mag-alala hehe.

***

Author's note. Malapit na tayo sa dulo yehey! Hanggang chapter 30 lang tayo mga peeps, sana abangan ninyo ang katapusan. Yehey ulit.

Pa like po pala ng page ko, kung okay lang po, just search yhinyhin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com