Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXV (editing)


Kinabukasan...

Nahagip agad ng mga mata ni Caleb ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa tapat ng puntod ng inaakala ng lahat na si Czarina.

Kinuha niya ang sticky note na nakadikit sa right side mirror nito at mahinang binasa ang nakasulat doon.

"That was my best night with you Caleb. What happened that night--- just leave it there."
-Rina

Czarina... Dahil sa mga nangyari mas lalo akong nagkaroon nang lakas ng loob para iligtas ka sa landas ng kapahamakang tinatahak mo. Gagawin ko ang lahat para maibalik ang dating sigla mo. Bulong niya sa sarili kasunod ang pagtanaw niya sa malayo.

Bigla naman nag-ring ang phone niya at agad na sinagot ang tawag.

"Yes... Speaking?"

"Agent Caleb, I need you in my office, May bagong updates na sa kaso ng Javier Family," ani ng tinig mula sa kaniyang cellphone.

"Copy Sir, I'm on my way."

***

Sa office ni Chief Montaro...

Nasa harapan ni Montaro sina Caleb at Arthuro, nakatayo naman sa gilid niya si Colonel Kathy at tahimik na nakikinig.

"Nasa kamay natin ang isa sa mga ebidensya na maaring magturo sa kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa Javier Family. Colonel Kathy, maari mo bang ipakita sa kanila ang hawak nating ebidensiya."

Agad inabot ng dalaga ang isang Folder, kinuha ito nina Arthuro at tinignan ang nasa loob.

"Walang nakakaalam kung sino ang nagbigay niyan sa ating poder, basta na lang iyan ipinadala rito nang taong hanggang ngayon hindi natin matukoy. Nakasaad dyan ang mga pangalan ng mga naging kliyente o big buyers ng TWO HEADED SNAKE SYNDICATE. Base sa preliminary researched ni Kathy, ang ilan sa mga nakasulat dyan ay mga kilala at bigating tao sa ating bansa. Meaning hawak natin ang maituturing na pinakamabigat na impormasyon mula sa sindikatong matagal nang tinitiktikan ng PDEA, PNP at NBI. Ang isa pang nakakamangha rito, napag-alaman namin na itong folder ay pagmamay-ari noon nang nasirang mayor na si Tansingco." Nagkatinginan pa sila sa isa't isa.

"Isa ito sa mga dokumentong pinangangalagaan ni Mr. Tansingco. Ibig sabihin, malaki ang posibildad na may koneksyon talaga si Tansingco sa sindikatong iyon at maari rin na ang kinabibilangan niyang sindikato ang utak sa lahat. Kaya nga pinatawag ko kayo para bigyan ng isang special assignment. Gusto kong personal ninyong ma-survelliance ang una sa mga listahan natin na nakalakip mismo sa folder na iyon," dagdag pa ni Chief Montaro.

Nagkasabay pa sa pagtatanong sina Arthuro at Caleb, "At sino naman ho?"

"Ang Juarez brothers." Tuluyan na ngang nabalot nang katahimikan ang kabuuan ng opisina na iyon.

"This assignment is very sensitive and considered a confidential. Gustong kong matyagan ninyo ng maigi ang kilos ng dalawang magkapatid. Bumalik kayo sa 'kin after one week with the result of your own observation. Alamin n'yo ang lahat, kung saan sila nagpupunta at kung sino ang madalas nilang nakakasama. Nagkakaintindihan naman siguro tayo? At umaasa rin ako na hindi ninyo ako bibiguin."

"Sir Yes Sir!"

***

Halos buong linggo nina Caleb at Arthuro ay nakalaan lamang sa pagsunod sa magkapatid, matyaga at tahimik nilang minamanmanan ang bawat kibot ng mga ito. Hanggang sa dumating ang espesyal na araw sa isa sa magkapatid.

Nalaman nila na ngayon ay kaarawan pala ng isa sa Juarez brothers. Sinundan nila ang isa sa Juarez hanggang sa bahay nito kung saan nagaganap ang kanilang maliit na selebrasyon. Nasa di kalayuan lamang sina Caleb at Arthuro ng mansyon nina Hugh, tahimik na nakasakay sa Kotse at binabantayan ang bawat bisita na kanilang nakikita na dumarating. Pribado ang selebrasyon kaya pili lang din ang mga bisita.

Samantala...

"Congressman Hugh!" bati ng isang couple sa Congressman. Nagbeso at nakipag-shake hand ang mga ito at kaniya-kaniyang puri sa mga pinaggagawa nila sa buhay.

"Hmmn balita ko matunog ang pangalan mo ngayon sa mga napipisil na iboto sa susunod na eleksyon ng mga nasa skwater area ah!" banggit ng lalaki sabay ang pag-alog ng kaunti sa baso ng redwine na hawak, habang ang asawa naman nito ay nakasalukbit ang kamay sa braso niya.

"Well... Well... Well, ganoon talaga ang mga iyon, madaling mauto. Pakitaan mo lang ng kaunting halaga, bumibigay na hahaha." Kasunod ang malutong nitong paghalakhak, nakitawa rin ang mag-asawa na para bang sanay na sa ganoong usapin. "Salamat nga pala at nakarating kayo, halika at makisaya na kayo sa loob," dagdag ni Hugh.

"Oh thank you, happy birthday ulit Hugh," muling bati ng babae.

Pagkatapos maalalayan ni Hugh ang mga ito ay nilapitan naman siya ng kapatid na si Don Hugo, kasunod nito ang sariling pamilya.

"Oh Kuya I thought you won't come," pang-aalaska ni Hugh sa kapatid.

"Heto lang namang mga pamangkin mo ang nagpumilit, pumayag na rin ako total birthday mo naman." Nagmano naman ang dalawang chikiting na kasama ni Don Hugo habang halik naman sa pisngi ni Hugh ang ginawa ng asawa nito.

"Siya nga pala, may dapat tayong pag-usapan mamaya, after ng selebrasyon mo rito," seryosong usap ni Don Hugo. Abala na ang misis nito sa pagsunod sa dalawa nilang anak.

"Tungkol saan kuya?" wika niya. Pero hindi na niya hinintay ang sagot ng kuya niya dahil mukhang may ideya na siya sa kung anuman ang kanilang pag-uusapan.

"Huwag kang magpakaseryoso dyan, may regalo lang ang grupo nakahanda para sa 'yo," sabay naman ang pagngisi ni Hugo matapos pakabahin ng kaunti ang kapatid.

Pagkatapos makauwi ang lahat ng mga bisita ay siya namang alis ng dalawang magkapatid sa lugar. At nagtungo sila sa isang clubhouse kung saan naroon ang tinutukoy di umano'y regalo ni Don Hugo at ng grupo. Bumungad sa kanila ang maingay na paligid at mga nag-iindakang mga costumer sa nasabing club. Agad nilang tinungo ang naka-reserved na private room sa itaas at doon naabutan nila ang ilang mga piling miyembro ng two headed snake syndicate na imbitado sa kasiyahang iyon.

Patuloy pa rin silang sinusundan nina Caleb ngunit nagpasya ang mga ito na panandalian munang manatili sa labas ng establisyimento na pinasukan ng dalawa.

"Oh andyan na siya, Hugh! Halika at samahan mo kaming uminom Hahaha. Akalain mo iyon umabot ka sa ganyang edad haha," sabi ng isang lalaki. Nagtawanan naman ang ilang mga kababaihan na kasama nila na halos kinulang yata ng tela ang suot na damit. Ang ilan ay halos magmukhang suman sa sobrang pagkakahapit. Bawat lalaki ay may kapareha, ang ilan ay dalawa pa nga ang nakapulupot na babae.

"Sabi ko na nga ba! Hin---di pa rin kayo mga nagbabago," saad ni Hugh. Inaalalayan siya ng kapatid papunta sa isang single couch. Inabutan siya ng alak ng isa sa kasamahan nila. Bale may anim na ang nasa loob ng kwartong iyon hindi pa kasama ang kani-kanilang mga babae at ang bagong dating na sina Hugh at Hugo.

"Kamusta na ang papalapit na sa senior citizen?" anang lalaki.

"Aba nandito ka rin pala, ikaw ang kumusta? Ang tagal mong nawala ah" tanong niya sa isa nilang kasama.

"Ganyan talaga kapag nagpapahinga, hahaha nagkakaroon na ng sariling mundo at nakakalimutan na pati tayo," biro naman ng isa na may pagkasingkit ang mga mata.

"Iyan! Iyan ang senyales na mas malapit ka na sa pagiging senior citizen, malilimutin ka na!" pang-aalaska ni Hugo sa isa pa nilang kasamahan na hindi naman talaga mababakasan ng anumang katandaan, katunayan pa nga niyan ay makisig pa rin ito sa kabila ng mga lumipas na panahon. Buhok lang nito ang naiba, mula sa pagiging itim ay may nababahiran na ito ng puting mga hibla.

"Oo na, ganoon talaga kapag tumatanda. Kailangan din naman nating maging mabait sa mata ng tao, hindi 'yong puro kawalanghiyaan na lamang."

"Nagsalita ang Hudas hahaha" wika ng isang nakasalamin kaya naman muling binalot ng mga halakhak ang pribadong silid.

"Oy mamaya na nga ang kamustahan at asaran na iyan, nandito tayo para magpakasaya," wika ng isa, kasunod ang paglambing sa kaniya ng babaeng nakatokang magpaligaya sa kaniya.

"Oh bakit walang naglalambing sa akin dito?" biro naman ni Hugh nang pagmasdan ang mga kasama.

"Hahaha oh siya dahil sabik ka na dalhin n'yo na ang regalo natin sa kaniya."

Agad na lumabas ang isang waiter na nakatoka sa kanila, nang bumalik ito ay tulak-tulak na niya ang isang pagkalaki-laking box at inilagay niya ito sa harapan ng mga ito.

May kalakihan ang silid na iyon, may bar counter, may isa pang waiter at waitress na nagse-serve ng kanilang iinumin. May maliit na enteblado sa kanilang harapan, Flat TV screen at ilang mga bakanteng couches na senyales na hindi kumpleto ang grupo nila.

"Aba mukhang pinaghandaan n'yo talaga hahaha!" komento pa ni Hugh. Mababanaag ang excitement niyang malaman kung ano ang nasa loob ng malaking box.

Dahan-dahan nang inaalis ng lalaki ang pagkakatali ng pulang ribbon sa malaking box na iyon, ilang segundo pa ay lumantad na sa kanilang harapan ang isang pagkaganda-gandang lahi ni eba na sinabayan pa ng mainam na tugtugin.

Nagpagiling-giling sa kanilang harapan ang babae pero ang atensyon nito ay nakatuon lamang kay Hugh. Hiyawan naman ng grupo ang maririnig sa loob ng silid na iyon na halatang siyang-siya sa mga nasasaksihan nila.

***

Samantala...

"Yes Uncle, I'm ready. They just started their party tss, nakakabwiset nga ang mga tawa nila e," usap niya kay Miggy sa pamamagitan pa rin ng suot niyang earings earphone.

"Hey miss, wala ng ice dito. And give us two wine here para sa mga kasama naming bagong dating," sigaw sa kaniya ng isa sa mga taong pinagsisilbihan niya sa loob ng kwartong iyon.

"Yes Sir, I'm coming." Tinungo ni Czarina ang bar counter at humingi ng yelo sa nakatoka roon at ilang mga baso na rin para sa mga inuming mamahalin.

Nakapang-attired na waitress si Czarina, bago pa man dumating ang grupo nina Juarez sa lugar ay nandoon na siya. Pinatulog niya sandali ang waitress na dapat ay nasa kaniyang pwesto, nasa stock room ito at hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hindi naman ito napansin ng kapwa niya waiter dahil hindi naman talaga sila magkakakilala ng personal kahit ang waitres na mahimbing nang natutulog.

Umalis sandali sa counter ang lalaki upang kumuha ng mga yelo sa fridge kinuha naman itong pagkakataon ni Czarina para gawin ang kanilang plano ni Miggy. Tinanggal niya sa kaniyang blouse ang isang butones, pinaikot ito at binuksan, may kaunting pulbora pala ang nakatago roon. Pasimple niyang binudburan ang dalawang baso ng wine. Matapos niyang gawin iyon ay ibinigay na ng waiter sa kaniya ang mga yelong dadalhin niya.

Ibinulsa ni Czarina ang butones at inihatid ang mga dala sa mga ito. Siniguradong mapupunta sa mga target niya ang basong nararapat sa mga ito. Masyadong abala ang mga mata ng mga naroon doon sa babaeng panay ang giling sa kanilang harapan.

Matapos iabot ang hinihingi ng mga ito ay naglakad si Czarina palapit kina Hugh at Hugo. Iniabot niya ang dalawang glass wine na para talaga sa mga ito.

Pagkatapos ay lumayo na muna si Czarina at hinintay ang senyales para gawin ang susunod na hakbang. Napalunok pa si Czarina nang makitang nilagok ng dalawang target niya ang ibinigay niya sa mga ito. Muli na namang namintana ang ngiti sa kaniyang mapulang labi.

"Our party will start any minute now Uncle," ani pa niya. Inilapag niya sa lamesa ang hawak na tray. Pumunta siya sa counter at muling humingi ng dalawang beer sa lalaking nagbabantay doon.

Sumenyas si Czarina sa lalaki na pakinggan ang kaniyang ibubulong na siya namang ginawa ng lalaki, "My favor sina boss, sunduin mo raw ang mga bisita pa nilang paparating. Sa baba mo na raw sila hintayin," nakangiti pang sabi ni Czarina.

"Ganoon ba, oh siya 'kaw na bahala rito. Dagdag tips din iyon." Agad umalis ang lalaki pagkabigay niya ng dalawang bote ng beer at sinunod ang sinabi ni Czarina sa kaniya. Sa kabilang pintuan na ito dumaan, ang daanan para sa tulad nilang mga staff.

Dahan-dahang lumapit si Czarina sa dalawang lalaking nakatalikod sa kaniya. Walang anu-ano'y ipinukpok niya ang dalawang bote na hiningi niya kanina. Nabasag ang bote at halos dumugo ang ulo ng dalawa na ngayon ay nakabagsak na sa sahig. Nagulat naman ang iba pang mga naroon, ang ilan ay napatayo kabilang na nga sina Hugh at Hugo. Subalit sa kanilang pagtayo ay nakaramdam ang mga ito ng pagkahilo. Nagsimula na rin kasing umipekto ang lasong inilagay ni Czarina sa inumin ng mga ito.

Napuruhan ni Czarina ang ulo ng dalawa kaya agad nawalan ng malay ang mga ito. Natataranta namang nagtungo sa sulok ang mga babaeng pinagpipiyestahan nila kanina pa at halatang takot dahil sa mga nasasaksihan nila.

"Ladies you better shut your damn eyes now or else-" banta niya sa mga ito. Kaya naman kaniya-kaniyang pikit at tungo ang mga kababaihan at nagturumpukan sila sa iisang lugar.

"A-anong na-nangyayare?" usisa pa ni Hugh habang nakahawak ang kanang kamay sa ulo nito. Bigla na lamang silang napadausdos sa sahig. Sinugod naman si Czarina ng apat pang natitirang nakatayong lalaki. Tumakbo siya palapit sa counter, sinundan naman siya ng apat.

Sa pagsugod ng isa sa kaniya ay dali-dali niyang kinuha ang metal stool na nasa katabi niya. Buong lakas na binuhat at hinampas ang may kahabaan na upuan sa unang sumugod sa kaniya, halos umikot naman ang buo niyang katawan sa kaniyang ginawa. Tumama ito sa mukha ng lalaki dahilan para magsuka ito ng dugo at tumumba.

"Aba ang lakas ng loob mong kalabanin kami," sigaw naman ng isa.

Sumugod din ito, napaatras si Czarina at kinuha ang isa pang tray na puno ng mga baso at alak na nakalapag sa may counter at inihagis ito sa lalaki. Nakailag ang lalaki ngunit agad na inambahan ni Czarina ng suntok sa mukha at sipa sa tagiliran nito kaya napaatras ito at bahadyang nawalan ng balanse. Habang ang dalawa naman ay patakbong pumunta sa kaniyang likuran.

Mabilis na nahawakan ng mga ito ang braso ni Czarina, pero di ito sapat na dahilan para magpatalo ang dalaga. Buong pwersa siyang umatras dahilan para makabuelo ulit siya upang pagdikitin ang dalawang taong humahawak sa magkabilang braso niya. Nagkauntugan naman ang mga ito kaya agad siyang nakawala mula sa pagkakahawak sa kaniya.

Habang iniinda pa ng dalawa ang sakit ay siya namang sugod ulit ng isa nang makabawi ito ng lakas mula sa pagkakasipa sa kaniya ni Czarina. Agad tumakbo sa bakanteng sala si Czarina at walang takot na nakipagbuno rito. Sinutok siya ng lalaki na kaniya namang na dipensahan sabay bitaw ng kaniyang kanang paa ng malakas na sipa subalit, agad itong nahawakan ng lalaki. Pero hindi pa tapos si Czarina sa kanyang gagawin dahil isinunod naman niyang isinipa ang kaliwa niyang paa. Ikot sabay sipa kaya naman napabitaw muli ang lalaki sa paa ni Czarina at nawalan ulit ng balanse.

Mabilis na lumapit si Czarina nang mahagilap niya ang sariling balanse pagkatapos ng ginawa niya, hinawakan ang buhok ng lalaki sabay untog nito sa lamesang gawa sa salamin na nasa harapan lang nila. Nabasag ang salamin at dumugo ang noo ng lalaki, tuluyan na nga itong humandusay sa kaniyang harapan.

Tumakbo ulit siya palayo sa salang iyon, humarang sa harapan niya ang dalawang lalaking humawak sa kamay niya kanina. Ito na lang ang natitira maliban sa Juarez brothers na hilo pa rin. Dumipensa siya at hinihintay ang susunod na galaw ng mga ito.

Panandalian silang binalot ng katahimikan.

"Wala akong pakealam kung babae ka, tapos ka na ngayon Hyaaaah!" Unang sumugod ang lalaking nasa kaniyang kaliwa. Kasunod naman nito ang nasa kanan.

Nasalo ni Czarina ang pagsuntok ng naunang umatake, umikot pa siya para mabali niya ang kamay nito. Hindi naman siya nabigo kaya namilipit sa sakit ang lalaki, sumunod na umatake ang isa kahit hawak pa ng mga kamay niya ang braso ng isa. Sinipa ng pagkalakas-lakas ni Czarina ang maselang bahagi ng katawan nito, kagaya nang nauna namilipit din ito sa sakit. Bago bitawan ni Czarina ang isa ay buong pwersa niya hinatak ang lalaki at sa 'di malamang dahilan ay naiangat niya ito at naihagis papunta roon sa isang kabinet kung saan nakalagay ang ilang mga mamahaling alak at mga muebles, halos daganan ang lalaki ng mga bagay na naroon nang ito bumagsak sa kaniya; hindi na nga ito nakatayo pa.

Sunod niyang binuweltahan ang natitira pang isa. Nang makitang nakatungo ito at namimilipit pa sa sakit habang nakahawak ang kamay nito sa maselang bahagi ng kaniyang katawan ay hindi nagdalawang-isip ang dalaga na sipain ang mukha nito pataas. Sa kaniyang ginawa ay napaangat pa ang lalaki, nahilo at tuluyan na ngang bumagsak.

Nalinis na niya ang mga sagabal, itinuon niya naman ang pansin sa mga babaeng nagtuturumpukan sa may sulok.

"Kayo, lumabas na kayo rito. At huwag na huwag kayong gagawa ng ingay o subukang humingi ng tulong. Tandaan ninyo, deserve ng mga taong ito ang lahat ng nangyari sa kanila. Bagay lang sa kanila iyan, now leave this room, bilis!"

Nagmamabilis na lumabas ang mga kababaihan. Tinungo naman ni Czarina ang pinaka-main target niya. Ang Juarez brothers.

"Ang la-lakas ng loob mo para gawin sa 'min ito," nahihirapan pang saad ni Don Hugo.

"Lakas ng loob? Tama ka, malakas nga ang loob kong gawin ito dahil na rin sa galit na una n'yo nang itinanim sa akin."

"Si-sino ka ba?" tanong naman ni Hugh.

"Ako? Sorry ha, pero hindi ko na rin kasi kilala ang sarili ko. Basta't ang alam ko lang, nandito ako para patayin kayo isa-isa. By the way You only have five minutes to live, mayroon ba kayong huling habilin?" malumanay pa niyang saad habang naglalakad sa harap ng mga ito.

"What the heck are you talking about?"

"Ah hindi ko pa pala nababanggit, 'yong drinks na ibinigay ko sa inyo kanina. Hmmn nilagyan ko lang naman siya ng kaunting lason. Huwag kayong mag-alala after ng kaunting sakit matatapos na rin naman ang paghihirap ninyo, sayang nga lang at saglit na hirap lang ang mararanasan ninyo. How I wish, maranasan n'yo rin ang paghihirap na dinanas ko," kalmado pa si Czarina habang ipinapaliwanag niya ito. Ngunit ikinabigla ng tatlo nang bumukas ang pinto.

"Freeze!" sigaw ng dalawang taong bumukas ng pinto. Nakatutok agad ang mga baril ng mga ito, subalit tila mas sila ang nagulat sa kanilang nasasaksihan.

"Tu-tulong... Ni-nilason kami ng babaeng iyan," pagmamakaawa ni Hugh sa dalawang makisig na binata.

Sa pagkakataong ito, muli na namang nagkrus ang landas nina Czarina at Caleb, panandaliang nanumbalik sa kanilang isipan ang mga naganap sa pagitan nila noong gabing nagkasama sila. Nakiramdam muna si Caleb kay Arthuro, inaalam niya kung nakikilala pa niya si Czarina. Nang mapansin na hindi, saka siya nagpanggap na hindi niya rin kilala ang dalaga. Itinutok ni Caleb ang kaniyang baril kay Czarina, dahan-dahan namang itinataas ni Czarina ang kaniyang mga kamay.

"Dalhin n'yo kami sa hospital bago mahuli ang lahat!" utos naman ni Don Hugo na unti-unti nang tinatalaban ng lason.

"Pa-patayin n'yo ang babaeng iyan! Patayin n'yo!" naghihimutok na sigaw ni Hugh kahit medyo nahihirapan ng huminga.

"Hi Boys... Wanna shoot me?" May pagkapilyang hamon ni Czarina sa dalawa.

"Hindi ka masasaktan kung hahayaan mong dalhin ka namin ng mapayapa sa himpilan, nagkakaintindihan ba tayo?" wika ni Caleb. Tahimik naman si Arthuro at nakikiramdam na lang sa mga susunod na mangyayari.

"Sure... Do whatever you want," nakangiti pang sagot ni Czarina. Dahan-dahang lumalapit si Caleb sa dalaga.

Nang makalapit ito, ikinagulat ni Caleb nang biglang sipain ni Czarina ang baril na hawak niya, hindi ito inaasahan ni Caleb. Malaki na nga ang pinagkaiba ng Czarina nakilala niya noon sa Czarinang na sa harapan nila ngayon. Tumalsik sa malayo ang baril, sa pagbagsak ng baril ay siya namang palitan ng atake ang dalawa.

Habang nakikipagbuno ay tinutungo ni Czarina ang pinagbagsakan ng baril, sinundan naman siya ng binata. Ayaw man ni Caleb makipaglaban kay Czarina ay hindi naman maari, hindi siya pwedeng mahalata ni Arthuro. Makikita naman sa mukha ng dalaga na tila natutuwa pa siya sa maaksyong pag-aagawan nila sa baril, isang malakas na sipa ang nagpahiwalay sa dalawa at ito ay mula kay Czarina. Matagumpay din na nakuha ni Czarina ang baril at agad na itinutok kay Caleb.

Naalarma naman si Arthuro nang makitang mahahawakan na ng babae ang baril, kaya tinawag niya si Caleb at mabilis na ibinato rito ang sariling na baril.

"Caleb, salo!" Nasalo ito ni Caleb kaya ngayon ay kapwa may baril na ang nakatutok sa kanila ni Czarina.

"Hanggang doon lang ba ang kaya mo?" maangas pang insulto ni Czarina kay Caleb. Katulad ng dati, nahihirapan pa rin magdesisyon si Caleb sa pagitan ng batas at sa babaeng mahal niya. Namagitan sa kanilang dalawa ang komunikasyon na tila sila lang ang nagkakaunawaan.

Lingid sa kaalaman ni Czarina na may nagtatangka pa lang paputukan siya sa kaniyang likuran, ang lalaking huli niyang binanatan kanina. Dahan-dahan pala itong tumatayo at itinutok ang baril na nakita sa nakatalikod na si Czarina.

"Hindi!" Makapigil hiningang kinalabit ni Caleb ang hawak na baril kahit nasa harapan niya si Czarina. Nakita kasi nito ang pagtatangka ng lalaki na paputukan ang babaeng mahal niya. Tiwala siyang hindi niya matatamaan si Czarina, nasapol ang ulo ng lalaki at tuluyan na nga itong bumagsak. Napalunok naman si Czarina dahil sa ginawang aksyon ni Caleb, hindi niya naramdaman na may nagtatangka pala sa kaniyang panganib mula sa kaniyang likuran, ngunit anuman ang kaniyang naging reaksyon ay hindi niya ito pinahalata.

Matapos niyon ay ipinutok din ni Czarina ang hawak na baril sa may paanan ni Caleb, kaya halos mapatalon ito palayo sa kaniya. Napaatras naman si Arthuro at parang ahas na natuklaw dahil sa mabilis na pangyayari. Apat na putok ang pinakawalan ni Czarina at sa panglima; nang makasigurong sapat na ang layo nila sa isa't isa ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kabilang pintuan para sa daanan ng mga staff sa kwartong iyon.

Masyadong mabilis ang mga kaganapan, kapwa nakatulala sila Arthuro at Caleb, hahabulin na sana ni Caleb ang tumatakas na naman na si Czarina pero pinigilan sila ng mga naghihingalong mga boses.

"Ano ba! Da-dalhin n'yo kami sa Hospital mga inutil!"

***

To be continued
Do like my page po, salamat.

Sana ay mabasa nyo rin po ang aking SCIENCE FICTION na story. HAVEN REY a Glimpse of Hope at pasukin ang mundo mula sa hinaharap. Ano nga ba ang naghihintay sa kinabukasan ng buong sangkatauhan?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com