Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXVI (editing)

"Boss ginalugad na namin ang buong mansyon ni Tansingco, pero wala ho talaga roon ang folder na pinapahanap n'yo."

"Lintik na!- Hindi pwedeng mawala 'yon. Doon nakalagay ang mga history transaction natin sa mga clients pati na rin ang mga records nila. At- at maging ang mga upcoming transaction natin. Nalintikan na, baka sumabit tayo kapag napunta iyon sa kamay ng iba," nanggagalaiti na bulyaw ng bigutilyong lalaki.

"Mukhang napaghandaan na ito ni Tansingco boss, bago pa man namin pasabugin 'yong sinasakyan n'ya noong araw ding iyon," mahaba-habang pangangatwiran ulit ng isang tauhan sa nanggagalaiti nilang amo na siyang kabilang naman sa Big three sa ilalim ng Two Headed Snake Syndicate.

"Naisahan tayo ni Tansingco doon ah, ang hayop na iyon!" pagkasabi nito ay humarap siya sa tauhang kausap at muling nagsalita, "Alamin ninyo ang huling pinuntahan ni Tansingco, kailangan ninyong maibalik sa 'kin ang folder na iyon. Ha! Ha! Hindi ako makapaniwala! Mukhang nakatunog si Tansingco noong araw din na iyon, maaring may nagsabi ng plano natin sa kaniya. At malaki ang posibilidad na may nakakasama tayong isang mailap na ahas. Bwiset! Hoy kayo!" Itinuon niya ang kaniyang paningin sa ilang VIP members ng kinabibilangan niyang sindikato, nakaupo ang mga ito sa kaniya-kaniyang couch. Tahimik lang ang mga itong napatingin sa kaniya.

"Sa oras na malaman ko kung sino ang traydor sa grupong ito, hindi ako magdadalawang isip na ibigay ang pangalan n'yo kay Mr. Big A. At sigurado akong hindi ninyo ikatutuwa iyon. Matitikman ninyo ng maagap ang impyerno kahit hindi pa kayo mga malalaming na bangkay!" Nangibabaw sa kanila ang katahimikan. Muli niyang itinuon ang pansin sa mga tauhang kausap niya kanina, "Sige makakaalis na kayo at huwag na huwag kayong babalik ng walang magandang balita, ayokong maging ako, madamay sa pagiging inutil ninyo!" dagdag pa niya at muli niyang hinithit ang kaniyang Cigar at tumalikod. "Yess Boss," sagot ng isa sa mga ito sa kaniya.

"Kayo! Sumunod kayo sa akin," yaya ng isang lalaki sa mga kasamahan na agad din namang sumunod sa kaniya. Sa paglabas ng mga ito ay siya namang pasok ng dalawang pang tauhan.

"Boss, boss! Nasa hospital ngayon ang Juarez brothers- fithy-fithy!" Muling napaharap ang lalaking at naputol niya ang hawak na cigar nang hindi namamalayan. Sinubukan pa rin naman niyang maging kalmado, "Mukhang iniisa-isa nila tayo."

"Boss, ayon sa nalaman namin. Mga pulis ang nagdala sa magkapatid sa hospital, nilason ang mga ito habang nagkakasiyahan. Hindi lang sila ang nasa hospital pati ang ilan sa mga kasamahan natin. At ang sabi, babae- babae raw ang may kagagawan niyon sa kanila. Sa palagay nila isa iyong assassin."

"Assassin? Ha! Ha! Babae lang ang may pakana ng lahat. Hmmn mukhang interesado ito. Oh sige, siguraduhin mong may mabubuhay na tatayong witness sa babaing iyon. Gusto kong makilala at makaharap ang taong gumugulo at nagiging tinik sa daanan ni Mr. Big A. Pumunta kayo sa hospital, alamin ninyo ang nangyayari roon. At agad ninyong ibalita sa akin ang lahat."

"Masusunod boss!" Agad umalis ang dalawa.

"Marco!" tawag niya sa isa niyang tauhan na agad din namang lumapit. "Gusto ko gumawa ka ng iyong sariling imbestigasyon, alamin mo kung sino ang babaing iyon. Kung gusto ng babaing 'yon ang makipaglaro, pwes ibibigay ko ang larong hindi niya makakalimutan sa tanan ng buhay niya." Tumango lang ang lalaki pagkadaka'y umalis din agad.

Maya-maya ay umalis na rin siya sa silid, sinundan siya ng sunud-sunuran niyang mga tauhan. Ang tanging naiwan sa silid ay ang mga nakaupo sa couches na binantaan niya kanina, "Akala mo kung sinong boss, e kanang kamay lang naman siya ni Mr. Big A. Isa lang din siyang utusan, hindi ba niya alam iyon?" anang ng isa sa mga nakaupo roon.

"Tumigil ka, hindi mo ba alam na ang posisyong iyon ang pinapangarap ng lahat. Dahil tanging si Arabis lang ang nakakausap kay Mr. Big A. Ibig sabihin, kahit papaano may pagkakakilanlan siya kay Mr. Big A."

"Walang kwenta, kailangan ng matigil ang kahibangan ng Mr. Big A na iyan. Sino ba siya para ating sundin? Ni wala nga nakakakilala sa kaniya. Dapat sa kaniya pinapabagsak! Hindi siya ang dapat namumuno sa atin!" himutok naman ng isa.

"Pakalmahin ninyo ang mga sarili n'yo. Dito n'yo pa talaga naisip sabihin ang mga iyan."

"Bakit Mr. Aguirre? Ikaw ba ay espiya niya? Isa ka ba sa mga aso niya?"

"Hindi, pero ako kasi 'yong tipo ng tao na sinisiguro muna na hindi ko ikapapahamak ang bawat salitang bibitawan ko," kalmadong paliwanag ni Darwin.

"Pinagbabantaan mo ba ako?"

"Bakit? Kinabahan ka ba Mr. Castro?" sarkastikang wika ni Darwin.

Kumunot ang noo ni Mr. Castro matapos ang pangbabara sa kaniya ni Darwin. Tumayo ito bago muling nagsalita, "Kilala akong tao, at hindi ako basta-basta na lamang susunod sa utos ng isang taong hindi ko naman nakikita. Mr. Aguirre, good to see you here, siya nga pala, mag-ingat ka, baka sa mga susunod na araw malasin ka." Tila may bahid niyang pagbabanta kay Darwin at saka umalis sa lugar, sumunod sa kaniya ang ilang mga bigating miyembro na tila suportado siya sa kaniyang mga himutok kanina. Na tama lang na hindi nila ibigay ang buong tiwala sa taong ni minsan hindi man lamang nila nasilayan. Halos lahat naman sila ay iisa lang ang tanong, sino nga ba ang nasa likod ng pangalang Mr. BIG A. Napapailing na lamang si Darwin at sa huling pagkakataon nag-iwan ito ng isang nakakalokong ngisi.

***

Samantala,

Agad na tinungo ng pulisya ang club kung saan naganap ang engkwentro nina Czarina at ng Juarez Brothers. Nakakalat ang mga pulis sa loob upang mangalap ng ebidensya, mula sa mga sirang kagamitan hanggang sa mga basag na bote at baso na nagkalat doon. Kasalukyan din naroon sina Caleb at Arthuro, kasama si Chief Montaro.

Lingid sa kaalaman ng tatlo na may ilang kasamahan pala nilang pulis ang nakapagtago na ng mahahalagang mga ebidensiya. Dalawang pulis ang patagong kinuha at inilabas sa crime scene ang dalawang nguso ng basag na bote. Maingat nila itong nailabas ng walang nakakahalata.
Pumasok sila sa isang itim na van na naka-park sa di kalayuan.

"Boss Marco, nakuha namin ang ginamit na panghampas sa ulo ng dalawa sa mga kasamahan natin. Ah boss, bakit n'yo po pala ito pinakuha sa amin?" tanong ng lalaki. Nakalagay na sa safety bag ang dalawang basag na bote. Tinanggal na rin ng dalawang pulis ang suot na gloves. "Dito natin kukunin ang pagkakakilanlan ng babaeng iyon, sigurado akong may naiwan siyang finger prints sa mga iyan. Magaling ang ginawa ninyo, sige bumalik na kayo sa loob. Baka may makahalata pa sa inyo."

"Sige po Boss Marco." Tumango ang dalawa at lumabas na sa Van, hindi pa sila nakakapanhik sa itaas ay mabilis nang nakaalis ang sasakyan lulan ang mga ebidensya na dapat ang mga totoong pulis ang may hawak.

"Oh kanina pa kayo hinahanap ni Chief, saan ba kayo nagpunta?" tanong agad sa kanila ng kapwa nila pulis pagkaakyat nila.

"Nagyosi lang, sige punta na kami doon," pagsisinungaling ng mga ito. Nagkatinginan na lang ang dalawang pulis at saka umakyat na sa crime scene.

Oo, kasabay ng paglilingkod nila sa batas ng bansa ay naglilingkod din sila sa mga hinahabol ng batas at sa mga lumalabag dito. Nasa Two headed Snake ang katapatan ng ilan sa mga pulis. Katunayan pa nga niyan hindi lang sila ang tauhan ng two headed snake sa nasabing departamento kundi marami pa sila, ngunit ito'y lingid sa kaalaman ni Chief Montaro. Kaya naman ganoon na lamang kabilis maabswelto ang ilan sa mga tauhan ng Two Headed Snake Syndicate kapag nahuhuli ang mga ito, dahil na rin sa lakas ng kapit ng sindikato sa pulisya. Marami silang mga nakakalat na tauhan lalo na sa NBI, PNP at ilan pang mga serbisyo at departamento ng bansa. Iyan lang naman ang nagagawa ng salapi.

***

Kinabukasan...

Tatlong lalaki ang kasama ni Marco na pumasok sa isang bangko, agad din naman silang pinapasok ng guard dahil nagpakilala sila bilang mga bagong depositor. Formal ang kasuotan ng mga ito, kilos mayaman kaya hindi nagduda ang mga empleyado ng nasabing bangko. Agad nilang tinungo ang private counter para sa mga depositor applicants. Pribado ang bangko na iyon at tanging mga matataas lang sa lipunan ang mga nagiging kliyente nito lalo na kung nais makapag-open ng dollar accounts at iba pang mga accounts mula sa iba't ibang bansa. Isang lalaki ang bumati sa kanila pagkapasok nila sa isang silid, "Yes what can I do for you sir?" pormal pa nitong bati.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, nandito kami para kumuha ng konting impormasyon lang naman." Ginamitan pa niya ito ng hand gesture na nagsasabing maliit na bagay lang.

"Naku sir, mahigpit pong ipinagbabawal ng aming kumpanya ang maglabas ng detalye patungkol sa aming mga kliyente. Labag po iyan sa aming rules and regula-tion," nagkandautal naman ang lalaki pagkakita sa inilabas sa kaniyang harapan, isa itong briefcase at nang buksan ay halos malula siya sa dami ng perang nasa loob nito.
"Magiging sa 'yo ang limang daang libo na ito, kapag ibinigay mo sa amin ang impormasyon na hihingiin namin. Don't worry, hindi 'yon magiging malaking abala sa inyo. Katunayan nga ay napakasimple lang ng bagay na iyon, walang kahit sino ang makakahalata sa gagawin natin." Nakangiti pa si Marco nang humarap siya sa mga kasamahan niya. Luminga-linga naman muna ang lalaking nasa counter, napalunok pa ito bago nagsalita, "Napag-uusapan naman iyan at huwag kayong mag-alala madali po akong kausap." Nag-iwan din ng makahulugang ngiti ang lalaking accountant, "Ano ba ang kailangan ninyo?" aniya.

"Gusto ko lang malaman kung sino ang huling nangealam sa vault ni Mr. Tansingco nitong mga nakaraang linggo, kung may ebidensiya kang maibigay baka magbago ang isip ko at madagdagan pa ang perang ibibigay ko sa 'yo bilang bonus."

"Iyon lang pala e, madali lang iyan. Sige ibibigay ko sa inyo ang kuha ng aming cctv. Sa pagkakaalam ko, may nagpunta nga sa vault ni Mr. Tansingco ilang araw pagkatapos niyang mamatay. Pero sige bibigyan ko kayo ng kopya."

"Good! Mukhang ikaw ang magiging paborito kong accountant dito. Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng bank account dito at gusto ko ikaw mag-asikaso niyon, nagkakaintindihan ba tayo?"

"Walang problema."

***

Mabilis nakuha ni Marco ang impormasyon sa tulong ng pera na dala niya. Agad siyang bumalik sa poder ng boss nila upang ibigay ang magandang balita matapos niyang personal na pag-aralan ang video.

"Mr. Arabis," panimula niya.

Ang ngiting iyon ay simbolo na may dala itong magandang balita,"Mahusay Marco, maasahan ka talaga sa lahat ng bagay."

"Nasa video na iyan ang taong huling nagpunta sa vault ni Tansingco." Agad niyang sinalang ang video tape at makikita nga sa video ang isang babae na galing sa vault ni Tansingco. Nai-pause at nai-zoom in nila ito upang makilala ang babae. Maganda at malinaw ang pagkakakuha ng video, high class at best quality 'ika nga.

"Mr. Arabis, magugulat ka kung sino ang babaeng nasa video na iyan." Napatingin lang sa kaniya ang kausap.

"Walang iba kundi ang anak na babae ni Mr Javier; si Czarina Joy Javier." Napakunot-noo naman si Arabis sa kaniya.

"Papaano mangyayari 'yon? Hindi ba't patay na ang buong angkan ng pakelamerong Miguel Javier na iyon?"

"Iyon na nga po boss, ang alam talaga namin, kasama ang babaing iyan nang pasabugin namin 'yong yate na sinasakyan nilang dalawa ng sa tingin ko'y kasintahan niya; at sigurado akong napatay namin iyan kasama ang kasintahan niya. Katunayan nga e may testigo pa nga ang nakakita sa mga nangyari. Hindi ba't inilabas pa iyon ng PNP sa isang Media confference. Pero kung ibabase natin sa video, walang duda- siya ang babaing kasama sa pinasabog naming yate."

"May sapusa pala ang babaing ito. Okay, magaling ang ginawa mo Marco. Gusto kong iharap ninyo sa akin ang testigong hawak ng mga pulis ngayon. Mukhang may malaking kalokohan ang nangyayari sa kasong inaawitan niya. Kunin n'yo ng buhay ang testigo at dalhin sa akin. May pakakantahin lang ako at gusto ko sa maganda tono niya iyon gagawin."

"Masusunod po," magalang na paalam ni Marco. Pagkatapos ay umalis na siya sa silid na iyon kasama ang ilang mga tagasunod niya.

***

Sumunod na araw..

"Mr. Arabis, kagaya ng sinabi n'yo. Heto ang kakanta para sa inyo," nakangisi pa si Marco nang itulak niya sa harapan ng boss nila ang isang lalaki. Nasa luma at abandunado ng bus station ang grupo nila. Ang lugar ay pagmamay-ari ng isa sa mga lider ng two headed snake. Kaya malaya silang nakagagalaw sa lumang istasyon na kinaroroonan nila. Nasa paligid nila ang ilang mga sira-sira at lumang mga bus. Naroon din ang ilang mga tauhan ng two headed snake, nakalat ang mga ito sa paligid bitbit ang kani-kanilang baril.

"Pinabibilib mo talaga ako Marco, magaling ang ginawa mo, tiyak akong matutuwa si Mr. Big A sa 'yo," puri pa ni Arabis.

"Sino kayo? Bitawan n'yo ako. Wala akong ginagawang masama sa inyo! Bitawan n'yo ako!" Pagpupumiglas ng lalaki, habang may dalawang tao ang nakahawak sa magkabila niyang mga kamay.

"Oo nga, wala ka ngang ginagawang masama. Bakit may sinabi ba kami," pamimilosopo pa ng isa sa mga naroon.

"Tama na iyan, dalhin n'yo siya rito," saway ni Arabis sa kanila.

Patulak na naibato ang lalaki sa harapan ng isa sa kanilang mga lider kaya napadausdos na lamang ito sa mainit na samento. Halata ang panginginig nito lalo na nang mahagip ng mga mata niya ang mga baril na nakatutok naman sa ibaba. Hawak ito ng ilang tauhan na nasa likuran ng lider.

"Parang awa n'yo na, wa-wala akong kinalaman sa kung anuman ang habol n'yo sa akin."

"D'yan ka nagkamali, ngayon sabihin mo sa akin. Nakita mo ba talagang patay ang anak na babae ni Mr. Miguel Javier o hindi?"

"O-oo.. . Oo... Pa--patay na ang babaeng iyon," nanginginig pang wika ng kaawa-awang lalaki.

"Paano mangyayari iyon? E may hawak akong ebidensiya na mali ang sinasabi mo. Hindi mo ba ako nakikilala? Ang ayoko sa lahat pagmumukhain akong tanga. Kaya magsabi ka na ng totoo. Sino ang nag-utos sa'yo na magsinungaling sa publiko?" paninindak ni Arabis na boss nila.

"Si... Si... Si... Mi-miggy Javier ho. Si Mr. Javier ang may pakana ng lahat. Siya! Siya ang nag-utos na gawin ko iyon!," nangangatal at mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki.

"Miggy? Aba't nagiging mas interesado ang lahat. Akala ko matagal na siyang pataba sa lupa, akalain mo 'yon. Buhay pa pala ang hudas!"

"Bakit Mr. Arabis, kilala n'yo ho siya?" tanong ni Marco.

"Siya lang naman ang unang umahas sa grupong ito. Sinolo niya ang halos kalahating bilyon na kita dapat ng grupo. Isa siya sa mga matataas na tauhan ni Mr. Big A, kinuha niyang lahat ang dapat sanang kikitain namin. Pagkatapos niyang ilipat sa bank account niya ang kita mula sa mga smuggling weapons at ang kita sa mga nabenta nating mga kababaihan, ni anino niya ay di na nasilayan pa ng kahit sino, kahit ang sarili niyang pamilya." Dama sa pananalita ni Arabis ang pagkayamot niya sa mga nangyare noon, dahil isa siya sa mga nawalan ng kita

"...ang lalaking iyon, Oo siya na ang pinakatuso sa lahat ng nakilala ko. So-- naiintindihan ko na ngayon, siya ang tumutulong sa pamangkin niya. Hahaha, nakakatuwa naman ito, tiyak matutuwa si Mr. Big A. kapag nalaman niya ang tungkol dito ha ha ha!" dagdag pa niya.

"Parang awa n'yo na, 'yon lang naman ang ginawa kong tulong sa kaniya. Pagkatapos noon, hindi na kami nagkita pa. Kaya please palayain n'yo na ako! Maawa kayo, maliliit pa ang mga anak ko. Kailangan nila ako, kaya please... Please!" pahagulgol ng pagmamakaawa ng lalaki, halos yakapin na nito ang mga binti ni Arabis para lang magmakaawa. Nalibagan niya tuloy ang kulay puti nitong kasuotan.

"Itayo n'yo na siya," utos ni Mr. Arabis na agad din naman sinunod ng mga tauhan niya.

"Sa-salamat... Salamat boss." Halos magtatalon sa saya ang testigong lalaki.

"Wala 'yon, mabait naman ako e. Huwag kang mag-alala, lalakihan ko na lang ang ibibigay kong abuloy sa pamilya mo," sarkastikong pananalita ni Arabis.

"A-anong ibig n'yo hong sabihin?"

"Just keep my word." Walang anu-ano'y hinugot ni Arabis ang kaniyang sariling baril at hindi nagdalawang isip na ipinutok sa lalaki. Umalingaw-ngaw ang dalawang putok ng baril at bumulagta sa kanilang harapan ang tumayong testigo sa kasong Javier Massacre. At tuluyan na nga itong binawian ng buhay.

"Muntik na akong maniwalang palalayain mo siya," komento ng isang lalaking palapit sa kanila.

"Darwin para namang hindi mo ako kilala. Hindi ako nag-iiwan ng dumi sa mga ginagawa ko di katulad mo."

"Aba, mag-iingat ka sa pananalita mo. Tandaan mo, hindi ako ang kaaway mo. Magkakampi tayo baka nakakalimutan mo."

"Aba malay ko bang baka maging katulad ka rin ng Miggy na iyon! Hindi ba kayo naman noon ang madalas magkaroon ng sariling lakad at madalas magka-usap."

"Masama ang magbintang lalo na't wala kang hawak na ebidensya," may pagkapilya pang saway ni Darwin sa kausap.

"Hindi naman ako nagbibintang, teka ba't ka nga ba nandito? Anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo rito?"

"Mabuti't natanong mo. Masamang hangin? Well kailangan ko lang ng signature mo para maikarga na at mai-release na ang mga baril at ilang mga babae natin papuntang Taiwan. Pirma mo na lang ang kailangan pagkatapos sigurado ako, mababawi na natin ang nawalang pera sa atin."

"Iyon lang pala e, doon na natin sa opisina pag-usapan iyan at huwag dito sa playground ko." Nagsimula na itong maglakad kasunod ang kausap nitong si Darwin pati na ang kaniya-kaniya nilang mga tauhan.

"Mr. Arabis ? Pa'no ang isang ito?" Ang tinutukoy nito ay ang pinatay nilang testigo.

"Ano pa? E di ipa-deliver mo sa kaniyang pamilya at dahil nakatulong naman siya sa atin, lakihan mo na ang abuloy. Sapat na siguro ang isang tatlongpung libo bayad sa impormasyong ibinigay niya," pagkasabi nito ay tuluyan na nga nilang nilisan ang lumang terminal sakay ng kani-kanilang mga sasakyan.

At kagaya ng iniutos kay Marco ay naipadala na niya ang katawan ng biktima sa pamilya nito na may kasamang pera. Halos pagpiyestahan naman ito ng media at ng publiko.

Nanggagalaiti sa galit si Chief Montaro dahil sa mismong pangangalaga pa nila napatay ang inilabas nilang testigo. Lingid sa kanilang kaalaman na kapwa pulis din pala ang nagdala nito sa pinuno ng two headed snake.

***

Nalaman naman ni Mr. Arabis, na hawak na pala ng pulisya ang folder na hinahanap nila kay Tansingco. Sa tulong na rin ng ilang tauhan n'yang nakadestino bilang pulis, nalaman nilang nasa pangangalaga ito ng isa sa mga chairman na hindi niya minsan man nahawakan sa leeg; si Chief Montaro.

Nagpasya si Migz na si Anitohin na lang ang gumawa ng paraan para mapasakamay muli nila ang ebidensiyang iyon. Personal na tinungo ni Mr. Adolf Anitohin si Chief Julio Montaro nagbabakasakaling masusuhulan niya ito.

"Have a seat," alok ni Chief Montaro.

"Thank you." Sabay senyas niya sa mga tauhan na hintayin na lamang siya sa labas.

"It's been a long time since you visited me here senator Anitohin, ano ba ang maipaglilingkod ko?" Pormal na panimula ni Chief Montaro.

"Masyado ka namang pormal. Nandito lang ako para kamustahin ka."

"Senator, diretsahin mo ako. Alam mo naman ayokong ginagamitan ako ng mabulaklak na salita."

"Iyan ang gusto ko sa'yo... Alam kong hawak mo ang folder na pagmamay-ari ni Tansingco, ibalik mo siya sa akin, dahil akin na ngayon iyon!"

"Senator, kagaya nang nabanggit ninyo, pagmamay-ari iyon ni Mayor Tansingco kaya kailanman hindi iyon magiging sa 'yo."

"Ha ha hindi ka pa rin nagbabago Julio, kagaya ka pa rin ng dati, tinik sa lalamunan ko. Didiretsahin na kita, ibabalik mo ba ang bagay na iyon o--," Nahinto sa pagsasalita ang senador.

"Sandali tama ba ako ng pagkakaunawa senator, pinagbabantaan mo ba ako sa sarili kong opisina?"

"Chief Montaro, hindi mo kilala ang binabangga mo."

"Sorry Senator but I know you, pwera na lang kung may ibang bagay ka pang ginagawa bukod sa pagiging senador." Nagbigay nang makahulugang ngiti si Chief Montaro na halatang kinayamot ito ng senador.

"How dare you-- Matapang ka, sige tignan natin kung hanggang saan ang katapangan mo Chief Montaro," pagkasabi nito ay tumayo na si Adolfo sa kinauupuan niya. At naglakad na palayo sa kausap.

"Have a nice day senator Anitohin," paalam pa ng Chief. Hindi na ito pinansin pa ng senador at galit na isinara ang pinto. Napasimangot naman si Chief Montaro, binuksan niya ang maliit na cabinet malapit sa kaniya at agad na bumungad sa kaniya ang folder na tinutukoy ng senador. Kinuha niya ito at huminga ng malalim.

Ang bagay na ito ang magpapabagsak sa mga katulad mong salot sa lipunan. Paghahandaan ko ang gagawin mong hakbang. Bulong pa niya sa sarili.

***

To be continued

Property of yhinyhin

#Action #Revencher

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com