Chapter XXVIII (editing)
"Pasensiya na ho, false alarm lang pala ang lahat, isa rin akong goverment agent." Sabay pakita ni Caleb sa kaniyang badge, "Akala ko ho kasi nawawala ang kapatid ko, may pinuntahan lang pala," dagdag pa niya.
Napatingin naman sa kaniya ng masama ang nakababatang kapatid na para bang sinasabi na bakit niya kailangang magsinungaling sa harap ng mga kapwa niya otoridad. Nakatayo si Yllana sa likuran ng mga pulis habang kinakausap ng mga ito ang kuya niya.
"Gan'on po ba sir? O sige po, nauunawaan po namin. Kapag may problema po, asahan n'yo po ang mga kapulisan namin dito. Sige po, aalis na ho kami," sinserong paalam ng isang pulis kay Zembrano. Pagkaalis na pagkaalis ng mga ito ay dali-daling lumapit sa kaniya si Yllana, baon ang pagtataka at sama ng loob.
"Kuya! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Nasisiraan ka na ba! Bakit 'di mo sinabi sa kanila ang totoo? Na ang nawawala rito ay ang kaibigan ko at hindi ako! Kuya! Posibleng nasa panganib si ate Rina ngayon, pero bakit nagawa mong pagtakpan ang bagay na iyon! Ano bang problema mo kuya!" nanggagalaiting bulyaw ni Yllana sa nakatatanda niyang kapatid.
"Hindi mo ako naiintindihan," pangangatwiran ni Caleb. Sa ngayon, ang alam niya lang, hindi maaring may makatuklas sa muling pagbabalik ni Czarina lalo na ang mga pulis. Hindi na rin niya kasi matukoy kung sino ang kaaway at kakampi nila ni Czarina.
"Anong hindi ko maiintindihan kuya! Kitang-kita ng mga mata ko na wala si Ate Rina sa sariling niyang kotse. Hindi pa ba halata iyon? Malaki ang posibilidad na may nangyareng masama sa kaniya, my God kuya!" patuloy na paghehesterikal ni Yllana.
"Bumalik na tayo sa sasakyan, sa daan ko na ipapaliwanag ang lahat." Nauna sa paglakad si Caleb, wala namang nagawa si Yllana kundi sumunod dito. Muli siyang sumulyap sa abandunadong kotse ni Yllana at kita sa mga mata niya ang sobrang pangamba sa kung ano ang kalagayan nito.
Tahimik pa rin si Yllana, nakabusangot ang mukha niya at nakatingin sa labas ng bintana upang ipakita na may tampo siya sa ginawa ng kuya niya.
"Bunso... I know nagagalit ka." Hindi siya pinansin ng kapatid sa halip ay inirapan lang siya nito. Nagpatuloy sa pagtakbo ang sinasakyan nila.
"Hindi mo kasi nauunawaan e, hindi pwedeng malaman ng mga kapwa ko pulis na ang nawawala ngayon ay ang matagal na pa lang wala!" Kunot ang noong napatingin sa kaniya si Yllana.
"Kuya kahit anong usap mo riyan, hinding-hindi talaga kita mauunawaan lalo na't kung ayaw mo siyang ipaunawa sa akin at saka bakit ba ganyan ka magsalita? I know, siguro nga, dahil ba sa bagong kakilala mo siya kaya wala kang pakealam sa nangyare sa kaniya- but that's not fair kuya!"
"Shut up Yllana! Makinig ka! Matagal ko nang kilala si Rina!"
Napatingin nang seryoso sa kaniya si Yllana, halata sa mukha niya ang pagkagulantang at pagkalito, natameme siya at walang nagawa kundi hintayin ang mga susunod na sasabihin ng kuya niya bilang paliwanag sa unang nasabi nito.
***
"Boss, kasama na ho namin siya," bungad ni Marco. Tumango muna si Arabis at saka ipinasok si Czarina. Pilit inaalis ni Czarina sa pamamagitan ng pag-uga sa kaniyang mga braso ang pagkakahawak sa kaniya ng dalawang lalaki. Naka-duct tape ang dalawa nitong kamay sa harapan, kasabay nito ang patuloy niyang paglalakad habang minamasdan ang kabuuan ng silid.
"Bakit n'yo naman tinalian ang aking bisita, hindi ko tinatrato ng ganyan ang bawat iniimbitahan ko. Hala! Sige tanggalin ninyo ang bagay na iyan sa kamay niya," utos ni Arabis na agad din naman sinunod ng mga naroon.
Pagkatanggal ay agad na inalok ni Arabis si Czarina na maupo, itinuro niya ang single couch na nasa harapan niya na nakalaan talaga para kay Czarina. "Halika, maupo ka, huwag kang mahiya," nakangiti pang sambit niya. Walang reklamong naupo si Czarina sa harapan ni Arabis.
Hindi na nga nagpaliguy-ligoy pa si Czarina, "So-- why I am here Mr. Arabis?" aniya.
"Hindi na ako magtataka kung kilala mo ako. Bueno, hindi na rin ako magpapaikut-ikot pa, hindi ba't ikaw ang pamangkin ni Miggy Javier? At ang anak naman ni Miguel Javier na obviously- nakatakas at nakaligtas kay kamatayan."
Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Czarina nang ipaalala nito ang sinapit ng kaniyang angkan.
"Ako nga- bakit Mr. Arabis? Natatakot ka ba sa maari kong gawin?"
"Ha? Ako matatakot? Ha ha, nagpapatawa ka ba? Ang totoo niyan, naaawa nga ako sa 'yo e."
Nanatiling tahimik si Czarina pero bakas sa mga mata niya ang tanong na Bakit? "Hindi mo ba aalamin kung bakit may nararamdaman akong awa sa tulad mo?" masinop lamang siyang tinitigan ni Arabis.
"Kung may gusto kang sabihin diretsahin mo. Kagaya nang sinabi mo noong una, ayaw mong nang may paliguy-ligoy pa," halatang iritable na si Czarina sa presensiya nito.
"Manang-mana ka talaga sa tiyuhin mong ganid, napakamainitin ang ulo. Well, its pretty obvious na totoo ngang napaikot ng Uncle mo iyang isipan mo. Nilalaro mo ang isang laro nang hindi inaalam kung ano nga ba ang ugat nito at ang maaaring kahantungan nito o kung para saan nga ba ang paglalarong ito-so how's the game? Ha ha ha!" Umalingawngaw sa buong silid ang malulutong halakhak ni Arabis.
"Ano bang pinagsasabi mo?" litong tanong ni Czarina.
"You still don't get it huh?" Bakas sa mukha ni Czarina na hindi na siya natutuwang makipagbiruan at makipagkwentuhan sa kaharap.
"Buong akala mo ba talaga'y dahil lang sa pagtayo ng Daddy mo bilang testigo ang dahilan kung bakit nasira sa 'yo ang lahat? Ni minsan ba, binanggit sa 'yo ng Uncle mo na maaring siya ang dahilan ng lahat. At dahil sa pagtatago niya sa saya ng iyong magaling na ama ay nagsimula ang kalbaryo ng iyong pamilya."
Pinilit ni Czarina na pakalmahin pa rin ang sarili,"Iniisip mo ba talaga na maniniwala ako sa 'yo? Hangal ka!"
"Hangal? Sino kaya ang mas hangal sa ating dalawa?" Iginusumot ni Czarina ang kaliwang kamao niya ngunit hindi niya ito pinahalata kay Arabis. Ayaw man niya ay nagpatuloy siya sa pakikinig.
"Alam mo bang ibinulsa lang naman ni Miggy ang pera na dapat sana ay pinapakinabangan namin ngayon? At dahil sa kabaitan ng sarili mong ama ay nagawa niyang maitago sa amin nang kay tagal ang ganid mong tiyuhin. Sa sobrang galing nga sa pagtago sa kaniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya nakikita. Teka, baka naman iba pagkakakuwento sa 'yo ni Miggy. Well- hindi na rin ako magtataka, magaling naman talagang gumawa ng kwento iyang tiyuhin mong traydor, e diyan naman talaga magaling ang angkan nyo!"
"How dare you para dungisan ang pagkatao ng Daddy ko at siraan ang pamilya ko sa mismong harapan ko!" Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo at idinuro ng daliri niya si Arabis.
"Czarina... Czarina... Czarina... Your eyes are wide open yet you are blinded with fanciful information or let say, binulag ka lang pala ng mga mapagpanggap na katotohanan."
"Katotohanan? Ang sinasabi mo bang katotohanan ay ang pagkitil ng grupo ninyo sa buong angkan ko! Iyon ba! Iyon ba ang katotohanang sinasabi mo!" muling napasigaw si Czarina, hindi na nga niya napigilan pa ang kanina pang kumukulong galit niya.
"Higit pa roon! Higit pa roon ang tinutukoy ko. Don't worry my dear, I will let you to discover it on your own what I am talking about. Mas maganda kung ikaw ang makakatuklas niyon, bakit hindi natin simulan sa Uncle mo." Biglang natigilan si Czarina, nahaluan na naman ng mga tanong ang emosyon niya dahilan para magsimula na naman sa pag-atake ang sikreto niyang sakit. Sa loob niya'y halos magwala na ang buong pagkatao niya ngunit sa kaniyang panlabas na anyo ay nagmumukha pa rin siyang kalmado. Pinilit niyang pahupain ang isip niya kahit hindi niya dala ang gamot na ibinigay ng Uncle niya. Ayaw niyang makita ito ng kalaban at gamitin laban sa kaniya.
" Ang Miggy na iyon, hindi nawawalan ng plano, teka nabanggit ko na ba sa 'yo na isa siya sa dating mataas na lider ng Two headed snake? At dahil nga sa ginawa niya sa aming panloloko, pati tuloy mga taong nakapaligid sa kaniya nadadamay. Kagaya ng sinabi ko kanina, stop thinking na ang pagpatay sa pamilya mo ay konektado pa rin sa kasong kinasangkutan ni Tansingco at ng daddy mo noon. Ha-ha, hindi na ako magtataka kung iyon ang dahilan na ginamit ni Miggy para gamitin ka, poor young lady. He is using you to fulfill his own greediness, malaki nga namang pera ang mapupunta sa kaniya kapag wala nang natira kahit isang Javier 'di ba? Ha ha ha!"muli itong humalakhak na nagbigay kilabot sa buong katawan ni Czarina, pakiramdam niya nakikipag-usap siya sa isang sugo ng demonyo at hindi na niya masikmura ito.
"Hindi totoo iyan! Hindi magagawa ni Uncle iyan! You're just lying! Damn you!" dahil sa galit ay akma niya sanang sasampalin si Arabis ngunit napigilan siya nito. Hindi siya nakaramdam nang takot dahil sa ginawa nito kundi natatakot siyang malaman na baka totoo ang mga pinagsasabi nito sa kaniya
"I won't push you to believe me. Gusto ko ikaw ang makatuklas sa nakakadiring pagkatao ng tiyuhin mo." Inalis ni Arabis ang pagkakahawak niya sa kaliwang braso ni Czarina.
"Tell me, bakit mo ito sinasabi? Ano ba ang gusto mong makuha mula sa akin?" seryosong tanong ni Czarina.
"If you will help me, I'll help you too."
"You crazy, paano ko magagawang tulungan ang mga taong dahilan ng lahat ng aking paghihirap? Ang dahilan kung bakit muhing-muhi ako ngayon sa mundo, ang dahilan kung bakit nawala sa 'kin ang lahat Ha! Nababaliw ka na nga!"
"Well as I said, its your own choice. I know mababago ang isip mo once na malaman mo ang katotohanan. So, I am now giving you the permission to leave here peacefully in my place. Kung gusto mo akong muling makausap, ang tauhan kong si Marco ang makikipag-communicate sa 'yo."
Hindi na nito hinintay ang sagot ni Czarina at nagsimula ng umalis palabas sa lugar. Napaupo at naiwang nakakuyos ang mga palad ni Czarina sa malambot niyang inuupuan. Naiinis talaga siya, para kasi siyang ginisa sa sariling mantika at ang masaklap pa tila pinagmumukha siyang mangmang nang lahat at kapag nagkataon na may katotoohanan ang mga narinig niya, ay siguradong ikababaliw niya ang katotohanang baka nga pinaglalaruan din siya ng sariling tiyuhin niya. Dalangin niyang sana'y pawang kasinungalingan lamang ang lahat nang narinig niya.
Mapayapang nakaalis sa lugar si Czarina, inihatid siya ni Marco palabas ng villa habang nakapiring ang mga mata niya. Natagpuan niya ang sarili sa isang parke.
***
Samantala,
"Kuya, nagbibiro ka lang 'di ba? Pero papaanong nangyare iyon? Si Ate Rina ay walang iba kundi si Czarina Javier? " nawiwindang pa rin na saad ni Yllana kahit ilang beses na siyang pinapaliwanagan ng kuya niya.
"Mahirap man paniwalaan pero ang lahat ng nasabi ko sa 'yo ay pawang katotohanan lamang. Kaya nga nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin pa ba natin sa kanila ang nangyare o hindi. Kung pinaalam man natin, sigurado ako, malaking gulo lang iyon. At saka, nangako ako kay Czarina, wala nang makakaalam bukod sa akin na buhay pa siya. Kaya lang, kailangan ko sa 'yo ipaalam ang lahat. Bunso makakaasa ba ako na wala ng iba pang makakaalam ng tungkol dito?"
"Ano pa bang magagawa ko, it seems like I'm trapped and doesn't have a choice but to keep my mouth shut."
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo bunso, I know Czarina can handle everything-- she's good enough for that," papahinang usap ni Caleb na tila kahit siya ay pinagdududahan ang mga salitang iyon.
"Gaano ka kasigurado kuya?" Tanong na nag-iwan ng kaba sa puso ni Caleb.
Maya-maya pa ay muling nag-ring ang phone ni Caleb.
"Yes Sir?"
"Come quickly, kailangan mong mapanood ito."
Agad in-off ni Caleb ang kaniyang phone, napatingin naman sa kaniya si Yllana na para bang nagtatanong kung sino iyon.
"Pinapabalik na ako ni Chief sa office, ihahatid na muna kita sa bahay bago ako dumiretso roon, okay?" Tumango lang si Yllana pero bakas pa rin sa mukha nito ang pangamba para sa kaibigan niya na ngayon ay kinilala niya bilang si Czarina-- ang kasintahan ng yumao niyang idolo.
***
Kasalukuyang pinapanood nina Caleb sa isang TV screen ang ambush interview sa pagsalubong ng mga reporter kay Mr. Miggy Javier. Nakaupo ito sa wheelchair habang tulak-tulak ng kaniyang personal nurse, katabi naman nito ang kaniyang abugado at ilang body guards. Hinang-hina ito, tila naninigas din ang bawat parte ng kaniyang katawan at 'di rin ito nagsasalita.
Sa bawat tanong ng mga media sa kaniya ay ang abugadong nito ang sumasagot.
"Iyan na lang ba ang nag-iisang Javier?," tanong ni Arthuro. Tahimik lang silang nanunood kasama sina Caleb.
"Yes, siya ang panganay na kapatid ni Mr. Miguel Javier," malumanay na paliwanag ni Chief Montaro.
"Anong nagyare sa kaniya, bakit naging ganyan siya?" pagtataka ng isa nilang kasamahan.
Si Kathy na ang nagpatuloy sa pagpapaliwanag, "Well, according na rin sa speaker at abugado niya. Matagal nang paralyzed si Mr. Miggy sa states. At ngayon lang din niya nalaman na patay na ang buong angkan niya rito sa Pinas. Nang malaman niya ang nangyare, agad siyang bumalik dito sa kabila ng sitwasyon niya." Na i-off na rin nila ang tv monitor kung saan pinanonood nila ang replay interviews kay Miggy.
"Kawawa naman siya, isang bangungot sa kaniya ang pagkakapaslang sa buong pamilya niya," malungkot na pahayag ni Arthuro.
"Diyan ka nagkakamali, I think He's not. Dahil sa siya na lamang ang natitirang Javier, automatically siya na ang nag-iisang tagapagmana sa lahat ng kayamanang naiwan ng Javier Family. House and lot, businesses, bank accounts, as in lahat," wika ng Chief nila.
"Aba, hindi na rin pala masama," bulong ni Arthuro.
"But there's one thing that really caught our attention, right colonel Kathy?" Ang tinging iyon ng dalaga ay nangangahulugan ng isang matabang impormasyon. Napuno ng mga katanungan ang pag-iisip nina Caleb.
Si Montaro pa rin ang nagpasyang magpaliwanag, "May mga butas kaming nakita ni Kathy mula sa binigay nilang dahilan ng pananatili ni Miggy Javier nang matagal sa ibang bansa, base na rin sa una na naming imbestigasyon, walang record si Mr. Javier na nagtagal ito sa labas ng ating bansa. Katunayan pa nga niyan ay labas-pasok siya sa pilipinas. At according sa last record niya, nakabalik siya ng pinas ilang taon na ang nakakaraan, at mula noon, wala na siyang record na lumabas ulit siya ng bansa, meaning, matagal na siyang na sa pinas even before the massacre. Kwestyunable rin ang pagkakaparalisado di umano nito. Kaya ngayon pa lang I doubt kung nagsasabi nga ba siya ng totoo."
***
Sa bahay-bakasyunan ng Uncle niya dumiretso si Czarina, sinadya niya ang pagtungo sa lugar ng tinitirhan nito para personal sanang makausap. Ngunit wala naman ito roon.
Hindi man sadya ay tila nagkusa ang mga paa niya na tinungo ang isang silid kung saan naroon ang mga personal things ni Miggy na madalas gamitin during their mission or kapag nalalagay siya sa alanganin. She never dare to enter in this room, simply because his uncle forbid her.
Agad bumungad sa kaniya ang may kalakihang lamesa, nakapatong dito ang ilang mga papers at mga impormasyon ng mga nauna nilang target, nakadikit naman sa pinboard katabi nito ang mga larawan, ang ilan sa mga iyon ay may marka pa nga ng pulang x. Umagaw sa attention niya ang ilang mga Personal Computer na nakalagay doon, may tatlong PC at isang laptop ang nasa harapan niya. Habang mga monitor naman ang nasa bandang itaas ng mga ito. Kung saan tila nababantayan ng Uncle niya ang lahat, nasusubaybayan niya ang mga kaganapan na nakukuha ng CCTV ng Uncle niya , nagawa rin ni Miggy na makakonek sa CCTV ng MMDA nang hindi namamalayan ng nasabing departamento. Kaya naman, malaya niya talaga nalalaman ang mga kaganapan sa labas ng kaniyang pinagtataguan.
Sa likurang bahagi ng bahay na iyon nakalagak ang isang malaking satellite, may access ang Uncle niya sa google map ng Pilipinas pati na rin sa buong mundo, personal ito at more details kumpara sa public access na usually ginagamit ng publiko.
Nakabukas ang mga Personal Computer maliban sa laptop, hindi nagdalawang-isip si Czarina na kalikutin ang bawat computer. May mga files and document na pamilyar na siya, ito 'yong mga naunang information na na-send na sa kaniya sa mga natapos niyang misyon. But there's one thing made her more confused and curious, her eyes focused next on the laptop. She turned it on and good thing it doesn't have any locked. Then she received a notification from the laptop. Binasa niya ito, and she was shocked and surprised on the things she is seeing right now.
May nagpadala ng mga pictures showing that her Uncle and the guy she met earlier ay mukhang magkakilala na noon pa man. Meaning si Arabis na kausap niya kanina at ang Uncle niyang si Miggy Javier ay magkakilala talaga ng personal. May mga larawan pa nga kung saan masayang-masaya ang dalawa. At may pumukaw pa sa atensyon niya, may isang larawan si Miggy na topless kaya kitang-kita sa balakang nito ang isang tattoo-- isang tattoo na kumikilanlan sa pagiging miyembro ng sindikatong alam niyang pinapabagsak nila ng Uncle niya.
Halos pasabugin ang ulo niya sa kalituhan dahil sa unti-unti niyang natutuklusan. Kumpirmadong naging miyembro nga ng sindikatong iyon ang Uncle niya. Bakit ni minsan, hindi nabanggit ni Miggy sa kaniya ang tungkol dito, na minsan na pala niyang nakasama ang mga ito. At ang masaklap pa, naging miyembro pala talaga siya ng nasabing grupo.
Kumalabog ang dibdib ni Czarina nang biglang mag-ring ang phone niya, unregistered ang number kaya labis ang kaniyang pagtataka, kahit ganoon sinagot pa rin niya ito.
"Wh--who's this?"
"Kumusta? Natanggap mo ba ang mga pinadala ko?" tanong ng lalaking nasa kabilang linya.
"I said who's this," iritableng tanong muli ni Czarina.
"Calm down Ms. Czarina, its just me, Marco-- remember?"
"Tsss."
"May gusto rin ipanood si Boss sa 'yo at ayaw niyang ma-miss mo ang isa sa mga palabas ng Uncle mo. I'm sending you a video of your Uncle's interview, sa mismong IP address ng Uncle mo, panoorin mo ng ikaw mismo makasaksi kung gaano kagaling umarte ang traydor mong tiyuhin."
Binabaan si Czarina ng telepono, kaya medyo nainis siya. Out of her curiosity, muli niyang tinignan ang laptop. She checked the notification where she found the video that Marco telling her about.
Czarina really amazed when she saw his Uncle acting like an impotent person, hindi makapagsalita, hindi makakilos-- useless wika ng iba. Malayung-malayo sa Uncle na nakakasama niya sa mahaba-habang panahon. At alam niya rin na ang lahat ng mga sinasabi ng mga kasama nito that time sa interview ay pawang kathang-isip lamang, isang malaking kalokohan para sa kaniya.
But the fact that his Uncle did that, it means he really have big influence both inside and outside of the Philippines. Hindi pa nga siguro niya lubusang kilala ang tiyuhin, ang pagkakaalam niya lamang ay kapatid ito ng papa niya.
The video doesn't convinced her, because Czarina already know that his Uncle can do anything just to hide the real situation. Dahil sa kaisipang iyon, hindi maiwasang may maiwang katanungan sa kaniyang isipan. Bukod pa kaya sa pagtatago sa katotohanang buhay siya, may itinatago pa kaya ang tiyuhin niya na hindi niya alam?
Muli na namang binalot ng kaba si Czarina nang mag-ring na naman ang phone niya, sinagot niya ito at pinagtaasan na ng boses. "Tumigil na kayo, ano pa ba ang gusto ninyong mapatunayan ha!" himutok niya.
"Czarina? What is going on?" Ngunit ikinabigla niya nang mapagtanto kung kaninong tinig iyon.
"U--uncle?" nauutal niyang wika.
"May nangyayare bang hindi ko alam?" tanong ni Miggy.
"Ha? Wa--wala, everything's alright. Ahh Uncle, napanood ko pala ang interview n'yo."Hindi na natapos ang sasabihin ni Czarina nang sumabat na ang Uncle niya.
"Iyon nga ang dahilan kung bakit tumawag ako. Remember, I told you before na lalantad na ako sa publiko. I did this, to make your identity remains secret."
"I--I know Uncle." Kasunod nito ang pananahimik niya habang pinagbubulay-bulayan ang mga sinabi ng tiyuhin niya at ang mga nalaman niyang impormasyon tungkol sa Uncle niya.
***
Kinabukasan...
"Kuya, may lakad kami ng mga Classmate ko na kasama sa production team namin ngayon. Baka malate po ako ng uwi," paalam ni Yllana. Pero ang totoo ay maglalabas lang siya nang sama ng loob kasama ang mga bestfriend at klasmeyt niyang sina Coco at Keshia. Sa may paborito nilang public park sila nagtungo malapit sa kanilang eskwelahan.
Nais man niyang ilabas ang lahat ng saloobin sa mga ito, subalit hindi naman maaari. Kaya nagsisinungaling na lamang siya sa mga kaibigan at pinapalitan ang mga pangalan at sitwasyon for the sake lang na mailabas ang tampo o kung ano pa man ang nararamdaman niya.
"Okay lang iyan Yllana, magiging maayos din ang lahat," payo pa ng isa niyang kaibigan.
Pasado alas sais ng hapon nang magpasya sina Yllana at ang mga kaibigan nito na umalis na sa lugar. Subalit isang tawag ang nagpalingon sa tatlo.
"Yllana."
Labis ang saya ni Yllana nang mapagtanto niya kung kaninong tinig iyon. Binitawan niya ang kaniyang mga gamit at patakbong lumapit sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. At isang mainit at malaking yakap ang isinalubong niya dito.
"Ate Rina!"
Hindi naman maipaliwanag ni Czarina ang nararamdaman, ang alam lang niya kahit papaano pala ay may isang tao pa ang nag-aalala at nagmamalasakit sa kaniya. Para namang batang nagsumbong si Yllana habang nakayakap ito sa kaniya. Umagos ang mga luha nito sa White hanging shirt ni Czarina. Nagulat naman si Czarina nang kusang kumilos ang mga kamay niya upang pakalmahin ang paghagulgol ng maituturing na niya ngayong isang matalik na kaibigan.
Saksi naman ang mga kaibigan ni Yllana sa dalawa. Ito ang kauna-unahang beses makita nila si Yllana na ganoon ang reaksyon.
"Teka? Sino kaya ang babaeng iyon? Parang nakita ko na siya, pero hindi ko talaga maalala kung saan e?" pagtataka ni Keisha.
"Kaya nga e, wala naman naikukwento si Yllana tungkol sa babaeng iyon. Baka naman kamag-anak niya," konklusyon naman ni Coco. Nanatili lang silang minamasdan sa malayo sina Yllana at ang niyayakap nitong babae.
"Oh huwag ka ng umiyak, mga patay lang ang iniiyakan," biro pang sambit ni Rina. Muling nasilayan ni Czarina ang masayahing ngiti ni Yllana, ngiti ng isang pagiging inosente kagaya ng mga ngiti niya noon.
"Nagpunta ako rito para kausapin ka, we need to talk, 'yong tayong dalawa lang. Don't worry, kahit hindi ngayon, kahit bukas na lang." Sinabayan pa ito ni Czarina na isang ngiti upang pahupain ang kalooban ni Yllana. Umalis sa pagkakayakap si Yllana sabay pahid sa kaniyang mga luha.
"I am free anytime," anito.
"Magkita na lang tayo bukas sa coffee shop, okay? Same place, same time."
"Okay Czari-- Ay! Ate Rina pala, dadating po ako, pangako."
Pagkatapos ay nakangiting nagkahiwalay na nga ang dalawa.
Kinabukasan...
Kalmadong hinahalo ni Czarina ang bagong order niyang kape, nakaupo ito sa dating pwesto sa labas ng coffee shop na iyon. Hinihintay niya ang pagdating ni Yllana.
Naalala niya ang nangyare kahapon bago pa man siya makipagkita kay Yllana sa park. Dumaan siya sa puntod ng mga mahal sa buhay, sa hindi inaasahang pagkakataon naroroon din pala ang binatang si Caleb, na tila hinihintay talaga ang kaniyang pagdating.
Doon sila nagkaroon ng oras para makapag-usap pa pagkatapos ng insidenteng pagkakidnap sa kaniya. Sinabi niya ang lahat maliban lang sa pagkakakilanlan ni Arabis at ng Uncle niya.
Sinabi sa kaniya ng binata ang tungkol sa paglitaw ng Uncle niya sa publiko, ngunit pawang kasinungalingan lang ang isinagot niya rito. Sinabi niya rito na hindi pa nga sila nagkikita ng Uncle niya at wala siyang alam na buhay pa ito.
Idinagdag din ni Caleb na may alam na ngayon ang kaniyang kapatid na si Yllana tungkol sa kaniya at sa buong pagkatao niya. Kaya ito ang nagtulak kay Czarina ngayon para kausapin ang dalaga ng personal. Oo aaminin na niya rito ang lahat, alam niyang mapagkakatiwalaan niya si Yllana. Kapatid na ang turing niya rito, kaya okay lang sabihin ang mga bagay-bagay sa kaniya at kung sino talaga siya.
Isang tawag ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyang oras, tawag iyon mula kay Yllana, at nang tignan niya ay masaya siyang kinakawayan nito. Naglalakad na ito palapit sa kaniya nang biglang isang itim na Van ang humito sa harapan nito. Napatayo si Czarina sa kinauupuan, pilit naman ipinapasok si Yllana ng tatlong lalaking nakabonet sa kanilang sasakyan.
"Ano ba bitiwan ninyo ako, tulong!" sigaw ni Yllana.
"Namimilis naman bumaba ng hagdan si Czarina, subalit gawin man niya ang lahat ay tuluyan nang naipasok ng tatlo si Yllana sa kanilang sasakyan. Mabilis na pinaharurot ng mga ito ang sasakyan palayo sa lugar.
Sinubukan pang pigilan ni Czarina ang sasakyan, kinuha niya ang baril na nakatago lang sa kaniyang hita at sinubukang barilin ang gulong ng sasakyan. Subalit wala na siyang nagawa dahil malayo na ito sa kaniya.
"Hindi! Yllana!" kabadong sigaw ni Czarina. Napatingin na lamang ang ilang mga naroon sa kaniya na ngayon ay minamasdan siya habang nakaupo siya malawak na kalsada at hindi malaman kung ano ang gagawin. Wala ring gustong lumapit sa kaniya dahil sa hawak niyang baril.
***
To be continued.
Masakit katawan ni otor, pakiramdam niya, binugbog siya 😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com