Chapter XXX - B (editing)
"Arthuro, tumawag ka ng back up- magmadali ka!" Tango naman ang naisagot ni Arthuro at nagsimulang maglakad palayo. Ilang minuto pa at agad din itong nakabalik.
"Caleb, may paparating!" Naalerto sila kaya mabilis silang nakapagtago at inihanda ang sarili. May dalawang lalaki ang pumasok sa silid na kinaroroonan nila. Armado ng baril ang mga ito, pagkapasok ay agad na inambahan ni Arthuro ang isa habang si Caleb naman sa isa pa. Nakipagbuno pa ang dalawa bago tuluyang alisan ng malay at itali ang mga ito. Bago umalis ay kinuha rin nila ang mga baril ng mga ito upang gawing pang dipensa.
"Sir Darwin?! Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Caleb. Umaasa na nasa kabilang linya pa rin ang dating direktor.
Kasabay nang pagkunot ng noo ni Arthuro, ang pagtataka rin niya kung sino ang tinutukoy ni Caleb na Darwin na kausap nito sa kabilang linya.
"Pre, sinong Sir Darwin?" Sa halip na sagutin siya ni Caleb ay tumingin ito ng diretso sa kaniya at tinanguhan siya nito na parang sinasabi na tama kung anuman ang naiisip niya
"Don't worry, I'm still here Caleb. Anong balita riyan?" tanong ni Darwin sa kaniya.
"Nakita ko na siya," tukoy ni Caleb sa kapatid.
"Good!" maikling tugon ni Darwin.
"Kailangan ko ang tulong mo para makaalis kami ng ligtas dito."
Muli namang sumabat ang nagugulihaman nang si Arthuro, "Teka pare, tama ba ako ng pagkakaunawa? Si Director Aguirre ba ang tinutukoy mong Darwin?"
"Oo, siya nga ang tumutulong sa atin noong umpisa pa lang."
"Teka? Magtapat ka nga, kelan pa kayo naging close nang hindi ko man lamang alam?"
"Hindi na iyon mahalaga." Muling naipokus ni Caleb ang sarili sa kausap na nasa kabilang linya. "Caleb, naalala mo ba ang pinasuot ko sayong wrist watch?"
"Oo," tugon ni Caleb.
"Sa gilid niyan ay may kailangan kang pindutin para makuha ko nang malinaw ang location data mo, sa tulong ng device na iyan, makukuha ko ang kabuuang mapa ng lugar. The data will automatically connects to my monitor via satellite, and after that, mas magiging detelyado na tayo sa kung ano ang nasa malapit sayo Caleb. I will allert you kapag may kalabang nasa malapit lang, kaya huwag kang mag-alala, ilalabas ko kayo riyan."
"Copy that, salamat sir Darwin."
Ganoon nga ang ginawa ni Caleb. Ilang segundo lang ay umarangkada na ang monitor ni Darwin nang pindutin ni Caleb ang button sa gilid ng watch niya. Sa tulong ng satellite-- live at detelyado na ngang nasasaksihan ni Darwin ang sitwasyon nina Caleb. At dahil nga iyon sa tulong ng bagong device na naka-installed sa wrist watch ni Caleb. Nagagawa ring makita ni Darwin ang mga bagay na nasa palibot ng binata, kahit isang kilometro pa ang layo nito mula sa kanila at dahil iyon sa signal na nasa relo ni Caleb.
"Nakahingi ka ba ng tulong kay Chief Montaro?" tanong ni Caleb kay Arthuro.
"Oo kaya lang, hindi ko naibigay ang address natin, kase may biglang dumating."
"Ganoon ba? Okay lang, ako na bahala roon. Ako na ang kokontak sa kaniya."
Pagkatapos ay sinundan ito ng tinig ni Darwin, "Got cha! Okay, Caleb Listen, you can use three possible exit. All you have to do is to listen carefully sa akin, okay?" Tumango naman si Caleb bilang pagtugon kay Darwin.
This time kailangan niyang ipagkatiwala kay Darwin ang kaligtasan nila. Sa oras na mailabas na niya si Yllana at si Arthuro sa pabrikang kinaroroonan nila, saka nila babalikan ang mga biktimang maiiwan nila sa lugar. Sa ngayon ito lamang ang magagawa niya-- ang iligtas ang kapatid. Mas kailangan niyang isaalang-alang ang kaligtasan ng kapatid.
Marahan silang kumilos at naghanda. Inaalalayan ni Arthuro si Yllana dahil nananatili pa rin itong wala sa sarili, tila di alintana ang pagtakas nila. Habang si Caleb naman ang nangunguna, sa pangunguna ng kaniyang baril ay sinuong nila ang direksyong ibinigay sa kaniya ni Darwin. Umaasa na walang makakasagabal sa pagpuslit nila sa lugar na iyon.
***
Sa kabilang dako...
Matapos maalalayan ni Darwin sina Caleb, nagpokus naman siya sa isa pa nilang operasyon kung saan si Czarina naman ang nagsasagawa.
"Czarina, I'll give you 60 seconds to be there!" paalala ni Darwin. Namo-monitor din niya ang bawat galaw ni Czarina.
Sinimulan ni Czarina akyatin ang sumunod na palapag. Pribado na amg sumunod na palapag kaya bibihira lang ang tao na nakikita niyangng nagpaparoo't parito. Twin tower ang tawag sa establisyimentong kinaroroonan nila. Ang unang building ay para sa mga public business matter ng grupo. Habang ang kabilang tower ay private property na ng two headed snake. Mga mahahabang tulay naman ang umuugnay sa dalawang tower. Isa itong maituturing na apple of the eye sa buong syudad dahil na rin sa paboloso, kakaiba at angkin nitong ganda.
Sa tuwing may makakasalubong si Czarina na ilan sa tauhan ng mga two headed snake, ay aarte lang ito na isang simpleng empleyado at kapag may makakahalata sa pagpapanggap niya ay saka niya ito pinapatumba. Ang bawat isa sa tauhan ng two headed snake ay nakasuot ng black tuxedo bilang uniporme o pagkakakilanlan nila. Hindi rin sinasayang ng dalaga ang oras, kaya napapabagsak niya ang mga ito sa mabilis na paraan.
"May tatlo pa na nasa kabilang pinto. Ikaw na ang bahala sa kanila," babala ni Darwin habang umaakyat sa hagdanan si Czarina patungo sa susunod na palapag. Nasa pintuan na siya, kaya sa kaniyang pagbukas ay agad niyang pinaputukan ng baril ang tatlong tauhan na bumungad sa kaniya na una na ngang binanggit ni Darwin. Huli na bago nila makita si Czarina kaya lahat sila ay napatumba na ni Czarina gamit ang baril nitong may silencer. Matapos mapabagsak, parang walang nangyare nilisan ni Czarina ang palapag na iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad na para bang excited ulit siyang makapatay ng mga tauhan ng two headed snake na posibleng makasalubong niya.
Bakas ang karangyaan ng gusaling kinaroroonan ni Czarina, kapansin-pansin ang caramel-marble na kulay ng wall at tiles ng bawat palapag hanggang sa nagmamahalang chandelier na palamuti sa kahabaan ng hallway. Nakakaakit din ang floral scent na taglay ng bawat pribadong silid at offices na kaniyang napapasok. Sa tulong ng Key-card na kinuha ni Czarina sa isa sa mga tauhang pinatumba niya kanina ay nagkakaroon siya ng access sa mga unauthorized rooms upang malaya niyang mahanap ang mga target sa misyo niyang ito.
Ginawa ni Czarina ang lahat para maging malinis at walang gusot ang pagpapatahimik sa bawat tauhan na makakasalubong niya. Iniisa-isa niyang pagbagsakin ang mga ito- mabilis, subalit maingat. Bukod sa mano-manong lakas, nakatulong din ang silencer na nakalagay sa kaniyang baril . Syempre mas malaki rin ang ambag ni Darwin dahil ito lang naman ang tumatayong mata ni Czarina para sa kabuuan ng building. Marahil kung wala si Darwin ay mabilis niyang mahahatak ang atensyon ng lahat ng kaniyang kalaban.
Agad naman na i-report ng gwardiya sa high security group tungkol sa fake ID na natagpuan niya, pati ang mga kahina-hinalang kagamitan na nasa loob ng janitor room.
"Boss may nakapasok sa building natin! Last seen, sa Janitor Room , ground floor Tower A."
Pagkarinig nito ay agad na pinautos ng isa sa mga head security na nasa loob ng control room, na balikan ang mga huling kuha ng CCTV sa last location na ibinigay nang nakatuklas na gwardiya.
Mula sa monitor, ipina-rewind ng isang lalaki ang lahat na na-record nang CCTV na naroon. At doon nga nila na kumpirma na may nakapasok sa kanilang unauthorized and mysterious person. Kita sa monitor ang pagpasok ng isang matanda habang tulak nito ang isang bagay na may kargang mga garbage bin. At pagkatapos makarating sa Janitor room, kitang-kita sa camera ang paghuhubad nito sa kaniyang mga ginamit na pagpapanggap. Hindi naman maibigay ang pagkakakilanlan dahil hindi rin naman kasi nito itinataas ang kaniyang mukha, halata na propesyunal ito at alam ang lokasyon ng bawat cctv , walang dudang nag-iingat ito sa bawat galaw niya. Ang tanging hawak lang nilang impormasyon ay isa itong babae, isang dalagang nagpanggap bilang isang uugod-ugod nang matandang babae.
"All units, please proceed to the Tower A. Our target is a woman wearing all black with red scarf on her neck. Secure all the entrance and exit na maari niyang daanan. Huwag ninyo siyang hahayaang makalusot at makapanhik pa. All units do you copy?" wika ng Lalaki na nagmamando ng security system sa buong building. Matapos mairadyo ang utos, mabilis namang naalerto at nagtungo ang lahat ng mga tauhan ng two headed snake. Mabibilis at kaniya-kaniya sila ng pwesto sa mga posibleng ngang daan ng kanilang target.
Ayaw man nilang gumawa ng eksena, subalit lahat ng kilos nila ay puna na ng mga civilian na naroon at nagdadala ito ng kaba sa kanila. Kaya ang ilang civilian , takot na nagkumpulan sa bawat sulok habang ang iba ay nagsimula nang lumabas ng building sa takot na madamay. Kaniya-kaniya rin ng labas ng baril ang mga tauhan na nakausot ng tuxedo, lahat ng mga pwedeng daanan ng target ay tinungo nila at doon nag-abang, sa bawat elevator, exit door at mga maaring lusutan. May mga tumitingin din sa bawat empleyado at civilan na lumalabas ng building.
***
"Isang boto na lang ang kakailanganin ko para pangunahan na ang senado. Sa oras na bumigay sa offer ko si Senator Penquia. E di mas lalawak pa ang magiging operasyon natin, mas malaking halaga rin ang aasahan natin, hindi na rin tayo mahihirapan sa BOC, dahil maglalagay na tayo ng mga tao roon. At magagawa ko lang ang lahat nang iyon kung ako ang mapipisil na senate president," puno ng pag-asang wika ni Anitohin.
"Paano ka nakakasigurong makukuha mo ang boto niya?" tanong ng mga kausap niya na nasa round table.
"Aalukin ko siya sa isang bagay na hindi niya kailanman kayang tanggihan." Napangisi na lamang si Anitohin, matapos tignan ang reaksyon ng mga kausap. Ilang saglit lang ay may isang tauhan niya ang lumapit sa kaniya at may ibinulong, "Nasa Twin tower ho si Mr. Miggy Javier. Sir, kayo po ang hinahanap."
Tumaas pa ng bahadya ang kilay ni Anitohin, "So, tinotoo nga niya ang pagpunta sa twin tower. Hindi ko inaasahan ito." Pagkatapos ay tumingin siya sa tauhang lumapit sa kaniya. "Sige makakaalis ka na-- siya nga pala! Ipahanda mo ang chopper, gusto ko rin naman magkausap kami ng personal ni Miggy. Gusto ko ang mga kamay kong ito ang papatay sa isang tulad niya. If ever, that would be my second greatest achievements kasunod kapag naging senate president na ako." Sinundan ito nang mga malulutong niyang halakhak na animo'y nakamit na niya ang tagumpay sa mga binabalak niya. Napangiwi na lamang ang ilan sa mga kaharap niya, nananatiling tikom ang bibig ng mga ito at saka sinundan nang tinginan nila sa isa't isa.
Inayos ni Senator Anitohin ang kaniyang coat at nagsimula nang maglakad palayo. Patuloy pa rin siya sa paghalakhak. Nang marating niya ang helipad helipad ay inihanda niya ang sarili para sa kaniyang pagbalik sa twin tower, sa wakas magkukrus muli ang landas nila ni Miggy na kay tagal din niyang inasam. Total, nagawa na niya ang trabaho sa harap at likod ng mga masang sinusuyo niya.
***
Matiwasay na nakalabas sa basement sina Caleb, mabilis ngunit maingat pa rin ang paglalakad nila mula sa malawak at malaking bodega na puno ng mga paraphernalia na siyang ginagamit naman sa paggawa ng mga makabagong droga. Kakailanganin pa nilang dumaan sa dalawa pang mas malalaking bodega upang tuluyang makalabas sa loob ng factory site na iyon.
Lingid sa kanilang kaalaman, may mga kalaban na pala ang nakatuklas sa lalaking itinali nila, kaya naalerto na rin ang mga kalaban na may nakapasok sa teritoryo nila. Agad na tinungo ng dalawang armadong lalaki ang mga dinaanan nina Caleb.
Hanggang sa matanaw ng mga ito ang dalawang lalaki at ang isa sa mga preso nilang babae na tumatakas. Akay-akay ng isang lalaki ang babae habang nangunguna naman ang isa pa. Upang hindi mahatak ang atensyon ng mga ito, dali-dali ngunit walang ingay nilang binaba at tinutukan ng baril ang isa sa mga tumatakas, "Hoy!"
Agad namang naramdaman ni Caleb na may nakatutok na baril sa kanila, kaya bago humarap dito ay inihanda na niya ang sarili sa matinding bakbakan. Kailangan niyang maprotektahan ang kapatid at ang kaibigan.
Nang hunarap ay mabilis na sinipa ni Caleb ang kamay ng isa kung saan hawak nito ang baril na nakatutok sa kaniya, tumalsik ito palayo kasabay nito ang paghablot naman niya sa kamay ng kasamahan nito kung saan may hawak din itong baril. Tumakbo naman palayo si Arthuro at mabilis na humanap ng ligtas na lugar para kay Yllana. "Yllana, dito ka lang muna, huwag kang aalis ha!" Agad niya iniwan si Yllana at binalikan si Caleb na kasalukuyang nakikipagbuno sa dalawang lalaki.
"Pre ang kapatid ko?" tanong ni Caleb habang nakasandal sa likod ng isa't isa, nakapaikot naman sa kanila ang dalawang lalaki, hindi na rin hawak ng isa ang baril niya.
"Iniwan ko muna para tulungan ka."
"Balikan mo siya, huwag mo siyang iiwan. Ako na bahala rito, at ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Sayo ko ipinagkakatiwala ang kaligtasan niya pre."
"Sige." Nang makakuha ng pagkakataon ay agad na binalikan ni Arthuro si Yllana.
"Yllana!" tawag niya rito. Natuwa siya nang makitang ayos pa rin ito. Ngunit nang lalapitan na niya ang dalaga para muling buhatin ay bigla itong naghesterikal, nanlalaki ang mga mata at makikita ang matinding takot sa mukha nito.
"Bakit Yllana?" takang tanong ni Arthuro. Ngunit panay lang ang ungol nito sa kaniya. Huli na nang malaman niya na may kung sino pala ang nasa likuran niya. May isang matigas na bagay ang tumama sa kaniyang batok kaya napabagsak siya sa samento. Hawak ang nanakit niyang ulunan ay tinangka pa niyang tignan kung sinong may kagagawan niyon. Subalit malakas na sipa ang nagpaigtad sa kaniya kaya tumalsik siya palayo kay Yllana . Habang idinadaing pa ni Arthuro ang sakit na natamo mula sa atakeng iyon. Ibinuntong naman ng lalaki ang atensyon kay Yllana, walang anu-ano'y hinablot nito ang buhok nito at hinatak palayo na para bang nakabitbit lang ng laruan.
"Ahrg! Ahrg huwag! Huwag! Bitawan mo ako." Nangingiyak pang wika ni Yllana habang sapo niya ang kamay ng lalaking nakahawak sa kaniyang buhok. Hatak-hatak siya nito palayo sa lugar.
"Hoy bitawan mo siya!" sigaw ni Arthuro. Subalit sa halip na matakot ang lalaki sa kaniya, itinutok lamang ng armadong lalaki ang hawak na baril, desidido ito sa gagawin niya. Wala naman nagawa si Arthuro dahil dama pa rin niya hanggang ngayon ang sakit nang pagkakahampas sa kaniya sa bandang ulunan niya, sa katunayan nga'y nahihilo pa rin siya at pinipilit lang magkamalay para kay Yllana. Pinipilit din niyang makatayo upang iligtas ang dalaga, subalit bigo siyang maibalik ang dating lakas.
Hanggang sa isang putok ng baril ang umalingangaw sa pabrika.
Mabilis na bumulagta sa sahig ang lalaking humatak kay Yllana, kapwa naman napatingin sina Arthuro at Yllana sa kung sino ang may kagagawan. At laking tuwa nila nang malamang si Caleb ang may kagagawan.
At dahil din doon, kaya biglang nanumbalik sa katinuan si Yllana, "Kuya!" Patakbo siyang lumapit sa kaniyang kuya at agad itong niyakap.
"Yllana!" Niyakap din ni Caleb ang kapatid nang mahigpit. Natutuwa siya dahil kanina hindi nila makausap nang matino ang nakababatang kapatid dahil nakatulala lang ito pero ngayon ay bakas sa kapatid na mas okay na siya kumpara sa kanina. "Kuya... Kuya..." Tila isang bata si Yllana na nagsusumbong sa lahat ng mga hindi magandang nangyare sa kaniya habang nasa poder siya ng mga kalaban.
"Shhh tanan na, magiging maayos na ang lahat."
Matapos mabigyan ng comfort ang kapatid, dali-dali nilang tinulungan si Arthuro na makatayo, "Ayos ka lang?" Tumango naman ang binata, "Oo, ka--kaya pa! Malayo sa bituka."
"Malayo sa bituka, pero kanina, hindi ka na makatayo riyan."
"Pre, ikaw kaya tamaan ng dospordos sa ulo, tignan mo oh, may bukol pa nga." Sapo ni Arthuro ang nanakit niyang ulo.
"Tara na nga, kailangan na nating makaalis agad!" Hinatak ni Caleb ang kapatid. Subalit nagmatigas ito, "Bakit Yllana?"
"Si Monic, kuya! Kailangan din natin siyang mailigtas," sambit ni Yllana. Hindi naman mawari ni Caleb kung sino ang uunahin, ang kaligtasan ba ng kapatid o ang kaligtasan ng mga naiwan.
Ang tinutukoy naman ni Yllana ay ang batang nakilala niya na kagaya niya ay isa rin sa mga dinukot. Mas naawa siya sa kalagayan nito. Kaya hindi kakayanin ng konsensiya na iwanan ito, ang tumatakbo talaga sa isip ni Yllana ay tumakas, kasama ang lahat ng babaeng nadoon na nakasama niya.
Pinaalalahanan naman siya ni Darwin, "Caleb, konting oras na lang ang natitira sa atin, kailangan n'yo nang makaalis diyan." Huminga muna nang malalim si Caleb bago siya gumawa ng desisyon na base sa sinabi ni Darwin sa kaniya.
Humarap siya sa kapatid at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, "Yllana, makinig ka. Ililigtas ko ang mga maiiwan natin dito, pero kailangan ko munang makasigurong ligtas ka. Maniwala ka sa akin, gagawin ko ang lahat upang mailigtas din sila. Sa ngayon, kailangan muna nating makalabas dito ng buhay, naiintindihan mo naman siguro ako, di ba bunso?"
Labag man sa kalooban ni Yllana, ay wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Tumango siya sa kuya niya, muli rin nagkatinginan sina Arthuro at Caleb, inalerto nila ang sarili para makaalis na nang ligtas sa lugar.
***
"I saw her," wika ng head security. Agad niyang nai-radyo sa lahat ang lokasyon ni Czarina. Naglalakad na ito palapit sa isang elevator at naghihintay na lamang na bumukas ito para sumakay. Nang bumukas ang elevator, makikita sa monitor nila ang malumanay na pagpasok ni Czarina.
Sa kabilang banda...
"In the count of 3 after you press the button, lumabas ka kaagad and I'll do the rest." Ginawa nga ni Czarina ang sinabi sa kaniya ni Darwin, nai-press niya ang 26th floor pagkatapos ay lumabas agad bago pa man sumara ang pinto.
Mabilis na nadaya ni Darwin ang mga nakikita sa monitor ng kalaban, nagawa niyang manipulahin at dayain ang mga nasasagap nitong senaryo dahil na rin sa pagkaka-hack niya sa buong computer system ng mga ito. Makikita mula sa monitor ng security room, na nanatili pa rin si Czarina sa loob ng elavator, at hindi nila nakita ang pag-alis nito. Sa halip, ang nakikita nila ay si Czarina na nananatiling nakatayo at ang lahat ng iyon ay minamaniobra ni Darwin.
Hindi nagsayang ng oras ang head security agad niyang nai-secure ang lahat ng elevator. "All units, the subject is now on the elevator. Abangan n'yo siya at maghanda, I'm commanding you-- shoot to kill her. Again, shoot to kill!"
Mabilis na naalarma ang mga tauhan ng two headed snake na kasalukuyang nasa iba't ibang floor. Tinambangan nilang ang bawat elavator sa buong building. Mga nakaabang armas nila ang sasalubong sa sinumang iluwa ng elavator.
Kabaligtaran naman ito sa totoong sitwasyon ni Czarina, ngayon ay mas nagkaroon pa siya ng oras para magparoo't parito sa mga kwarto upang hanapin ang mga taong misyon niyang burahin.
Kasama sa listahan nang pababagsakin nila ni Miggy ay ang mga kabilang sa big three. Upang tuluyan na nilang masira ang grupo, ito kasi ang nagiging katawan ng grupo upang magpatuloy ang mga iligal nilang gawain.
***
"Chief, I think you have to see this," seryosong saad ni Colonel Kathy. Napatingin sa kaniya si Chief Montaro at namuo sa mukha niya ang ilang pangamba.
Agad silang nagtungo sa AVR ng kanilang opisina. Laking gulat ni Chief Montaro at halos di siya makapaniwala sa kaniyang mga napapanood. Tanging sila lamang nina colonel Kathy at isang Professional IT ang nasa loob.
"Nalaman ko na ang babaeng kasa-kasama ni Agent Zembrano sa mga video na iyan ay ang anak na dalaga nina Mrs. and Mr. Javier."
"Imposible..."
Hindi inalintana ni Kathy ang reaksyon ni Julio, sa halip ay nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag. "Tama kayo Chief. Hindi pa rin malinaw kung paano siya nakaligtas sa trahedyang naganap sa kaniyang pamilya, ngunit nalaman kong matagal nang alam ni Agent Zembrano ang tungkol sa pagkakaligtas nito. At base sa mga bidyo, ilang beses na rin nagkatagpo ang dalawa. Sila rin ang nasa likod ng barilan sa isang bahay sa QC na pinaghihinalaan naming pagmamay-ari rin ng mga Javier. Obvious naman sa bidyo na nagtutulungan sila." Ang isa sa mga video na tinutukoy ni Kathy ay kuha sa mismong Town House ni Miggy kung saan nagkapalitan ng putok ng baril sina Caleb at Czarina at ng mga miyembro ng two headed snake.
"Pero bakit kailangan itago sa atin ni Caleb ang katotohanan patungkol kay Ms. Czarina Javier?" Nagkibit balikat na lamang si Kathy bilang tugon.
Ang bidyo na huli nilang pinanood ngayon ay nang magkausap sina Caleb at Czarina sa kanilang sariling lupain. Para bang may tahimik na nagmamanman sa kanila at palihim silang kinukuhaan ng bidyo. Halos lahat ng mga napanood nilang video ay kuha mula sa malayo, kung hindi hagip ng CCTV, ang ilan ay kinuha ng patago. Parang may kung sino ang nagmamanman sa kanila, mula pa noong umpisa.
Napuno tuloy nang maraming katanungan si Chief Julio, "Kathy, alam mo ba kung kanino nagmula ang mga videos na ito."
"Hindi po sir. Pinadala lamang po iyan sa ating agency, pero hindi namin ma-trace kung sino ang sender."
"Sige, makakalis ka na muna. I'll call you after an hour."
Pagkalabas ni Colobel Kathy sa AVR, agad siyang nagtungo sa roof top ng kanilang building at nagsimulang mag-dial sa kaniyang telepono.
"Naipakita ko na ho ang mga videos kay Chief."
"Very good Kathy-- I knew it, hindi mo ako bibiguin. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo, at makikita mo na siya sa lalong madaling panahon." Matapos ay agad niyang ibinaba ang telepono at dahil sa mga narinig, kusang namintana ang ngiti sa kaniyang mga labi.
***
Samantala...
"Makararating ba ang hinihintay ko?" tanong ni Miggy.
"Talaga bang wala kang balak ibigay sa akin ang seal na hawak mo ngayon?!"
"Migs, nawala man ako sa grupong ito. Hindi mo pa rin maikakaila na mas mataas ang posisyon ko kumpara sayo. Kaya allow me to revise your question. Karapat-dapat mo bang mahawakan ang mahalagang seal na ito?" Napangisi si Miggy matapos sabihin iyon. Mas lalo namang nagpuyos sa inis si Migs, dahil harap-harapan na siyang minamaliit ni Miggy.
"Miggy... Miggy... Miggy-" Tumayo si Migs, at nagsimulang lumapit sa isang table kung saan nakalagay ang isang champagne, ice bucket at ang dalawang baso. Matapos maglagay ng mga yelo at magsalin ng alak sa isang baso, masinop niya itong sinuri sa pamamagitan nang pag-amoy. At pagkatapos ay diretso niya itong nilagok. "Ahhhh..."
Ibinaba niya muna ang baso bago ulit nagsalita. "Baka naman sa sobrang panliliit mo sa akin, iyan ang ikapahamak mo Miggy." Napangisi sa kaniya si Miggy. Maya-maya ay may isang lalaki ang lumapit kay Migs at may ibinulong, pagkatapos ay agad itong umalis.
"Bueno, padating na ang hinihintay mo. Aalis na lamang ako , total kagaya ng sinabi mo. Wala na naman akong silbi rito."
"Hanggang sa susunod na lang nating pagkikita Migs." Nagbigay pugay naman kahit papaano si Miggy sa pamamagitan ng pagsaludo niya rito. Nananatili pa rin siyang nakaupo at hinihintay na lamang umalis ang kausap.
Kasunod na lumabas ni Migs sa silid ang lahat ng tauhan ng two headed snake. Kaya ang naiwan na lamang sa kwarto ay sina Miggy at ang sariling tauhan na kasama niya.
Nang makasigurong nakaalis na silang lahat ay saka sinenyasan ni Miggy si Darwin na nasa kabilang linya pa rin. Kanina pa nito hinihintay ang signal mula sa kaniya. "Darwin, ipaligpit mo na kay Czarina si Migs."
"Copy."
Muli niyang naikonekta ang linya niya kay Czarina na ngayon ay abala sa pagnanakaw ng ilang mga files and documents- hard and soft copy sa isang pribadong silid. Sinubukan niya rin i-corrupt ang mga nakalagay sa laptop at i-send ang ilan kay Darwin. Ito ang isa sa mga iniutos ni Darwin sa kaniya na lingid sa kaalaman ni Miggy.
Walang ideya si Czarina sa mga bagay na pinapakealaman niya, ang alam niya lang- parte ito ng mga iniuutos sa kaniya. Kasama na nga rito ang tila pagbubukas niya sa isang malaking bank accounts na matagumpay naman niyang na hack sa tulong na rin ni Darwin. Agad niyang ipinadala kay Darwin ang ilang mahahalagang impormasyong nakalap niya, mula sa mga legal bank accounts hanggang sa mga transaction of their illegal businesses. Kahit ang mga personal bank accounts ng mga stock holder at VIP's ng two headed syndicate ay nagawa niya rin pasukin sa tulong ni Darwin. Ang lahat ng detalye ay naipadala na niya kay Darwin-- kung bakit? Iyon ang hindi tukoy ni Czarina. Humanga siya dahil isa palang magaling na hacker si Darwin.
"Hija, time to clean that mess. Pinapatapos na rin sayo ni Miggy si Migs, dahil any time parating na rin sa building na iyan si Anitohin to meet your Uncle," wika ni Darwin sa kaniya.
"Ibig sabihin, hindi pa rin pala tapos si Uncle sa trabaho niya," komento ni Czarina.
"Go and find Migs. And make sure he is dead when you leave him, Okay?"
"Walang problema." Mabilis na tumayo si Czarina mula sa kinauupuan, hindi na niya hinintay pa mag-complete send ang naipadala niya kay Darwin. Dahil expected na niya na maipapadala niya ito successfully.
Hindi pa man din nakakalapit si Czarina sa pinto ay agad niyang nakita ang paggalaw ng door knob, senyales na may nagtatakang pumasok sa silid kung nasaan siya.
Agad niyang naitutok ang hawak na baril, sakto namang bumukas ang pinto. At walang anu-ano'y pinagbabaril niya ang tatlong lalaking gulat na gulat pagkakita sa kaniya.
Nagpatuloy siya sa paghahanap ng kinaroroonan ni Migs. Ayon kay Darwin na sa isang silid lang ito malapit doon. Nang matunton niya ang silid mismo ng mga ito. Inilabas niya ang ilan sa mga modernong kagamitan na dala niya, isang metal chips device na kapag idinikit niya sa kahit anong pader ay magagawa na niyang marinig ang lahat ng ingay na nasa kabila ng pader. Gamit ang isang earpiece, maliwanag niyang maririnig ang pag-uusap ng mga taong nasa kabilang bahagi ng pader. Hindi ito naririnig ni Darwin, tanging siya lamang muna ang makaririnig ng mga mapag-uusapan ng mga taong nasa loob.
"Kapag napatay nila ang isa't isa, saka lang magiging matagumpay ang plano namin. Masosolo ko na ang two headed! At ako na! Ako na ang magiging bagong pinuno. Hahaha"
"Teka Boss, paano ho si Mr. Big A. Hindi ba't kasama siya sa planong ito?"
"Sa tingin mo, hahayaan ko siyang hatian ako sa pwesto ko? Hindi! Hindi ko siya pahihintulutan kahit siya pa ang utak ng lahat ng ito. Naghanda na ako ng libingan para sa kaniya. Siguro nga mautak, magaling at malinis siyang kumilos. Pero, hindi ko hahayaan na sa pagkakataong ito- siya ang makikinabang ng lahat. Hindi!"
Ilan lang iyan sa mga narinig ni Czarina, kahit siya ay nagtataka rin kung sino ang tinutukoy ni Migs na Mr. Big A? Natatandaan niya ang pangalang iyon, ito ang kausap sa telepono ng isa sa mga killer nila, ang nag-utos na tapusin na ang buhay nila. Dahil sa naalala, muli na naman kumulo ang dugo niya at nabuhay ang kagustuhang makaghiganti.
Dahilan din ito upang maiwan sa kaisipan niya ang malaking katanungan. Kung hindi si Mr. Anitohin ang tinutukoy ni Migs na Mr. Big A, na may pakana sa pag massacre sa kaniyang pamilya, then sino pala ang totoong Mr. Big A?
Sa tulong ng device na ginagamit niya, nagawa rin niyang ma-detect kung ilan ang kasama ni Migs sa silid. At base sa data mula sa hawak niyang tablet, may limang katao ang kasama ni Migs sa loob. Tinignan ni Czarina ang hallway na kinalalagyan at sa dulo nito ay ang babasaging bintana. Ito ang pinakamalapit sa room target niya, pinuntahan niya ito. Gamit ang glass cutter, bumutas siya ng isang bilog na kasya lang ang tulad niya. Pagkatapos, maingat siyang lumabas doon. Hindi niya alintana ang lakas ng hangin at taas ng lugar na kinaroroonan niya. Mabuti na lamang at may bakal doon na maari niyang pagsabitan ng suot niyang harness. Mabilis niyang na-assemble ang lahat at nagsimulang tumawid sa gilid ng building patungo sa kabilang silid kung saan naroon ang mga target niya.
Malayang nakapasok si Czarina sa bintana ng kwarto gamit pa rin ang glass cutter, binutas niya ang bintanang salamin. Walang tao ang nandoon, marahil ay nasa sala at nagpapakasaya. Samantalang dalawang lalaki naman ang lumabas ng office ni Migs, upang sundin ang iniutos nito sa kanila.
"Ikaw, ikuha mo ako ng bagong coat sa silid ko. Ayoko nang manatili sa building na ito. Mahirap na at baka madamay pa ako sa patayan nila," utos ni Migs sa isa niyang tauhan. Agad naman itong narinig ni Czarina kaya inilabas niya ang dala niyang stun gun. Nang makapasok ang lalaking initusan ni Migs sa silid na kinaroroonan niya ay dali-dali niyang idinikit ang hawak dito, hindi na ito nakaiwas kaya, nakoryente ito, nangisay at nawalan ng malay. Mabilis na hinatak ni Czarina ang walang malay na lalaki.
Pagkatapos ay inilabas niya ang dalawang pistol. Ito na ang tamang oras para tapusin si Migs.
Sinipa niya ang pinto patungo sa sala kung saan naroon si Migs at ang nag-iisang tauhang kasama nito. Kapwa nagulat pa sina Migs pagkakita kay Czarina habang hawak nito ang dalawang pistol na nakatutok sa kanila pareho.
"Sino ka!" Napatayo sa kinauupuan niya si Migs. Huhugutin naman sana ng kaniyang tauhan ang baril, ngunit pinatigil siya ng dalaga.
"Subukan mo lang!" Pagbabanta ni Czarina sabay baril paanan ng lalaki. Napaatras tuloy ito at itinaas pareho ang dalawang kamay. Tinuon naman niya ang pansin kay Migs.
"Hello Mr. Migs, don't you remember me?" Bahadyang kumunot ang noo ni Migs. Sa totoo lang, ngayon lang niya nakita ang dalaga.
"I don't even know you!" Ngumisi lang si Czarina nang marinig iyon.
Isang tinig naman mula sa earring niya ang kaniyang narinig, "Finish Him!" utos ni Darwin.
Ngunit hindi muna ito pinansin ng dalaga, maaga pa para tapusin ang palabas. This time, nais niya munang maglaro.
"Ohh, how rude am I? Hindi mo nga pa pala ako nakikilala. I'm Czarina, the only survivor sa ginawa ninyong pag massacre sa Javier Family. Mr. Javier was my dad. Do you remember everything now?"
"Wow! I can't believe it. Someone really did survived after that. Congrats to you. Anong kailangan mo?"
"Hustisya!"
"Hustisya?"
"Yes. At kung mapatay na kita, I'll have that... Pero syempre, before that..." Walang anu-ano'y ipinutok ni Czarina ang isang baril sa tauhan nito nang tangkain nito sugurin siya, agad itong bumagsak. "Balak pa niya akong unahan, thats bad for him." Ikinagulat ito ni Migs kaya di sinasadyang napapikit tuloy siya.
Binalot ng kaba si Migs, dahil alam niyang desidido ang babaeng kaharap niya na patayin siya. Pinilit pa rin niyang magsalita. "How sure you are-- na kapag na--napatay mo ako, ma--makukuha mo na ang hustisyang hi---hinahangad mo?"
"Huwag kang masyadong kabahan Mr. Migs, hindi naman kita pahihirapan e, kagaya ng ginawa n'yo sa akin noon pero dipende iyon sa mood ko. Sa ngayon kasi, kasiyahan ko na ang makitang patay ang lahat ng mga taong nasa likod ng Javier Massacre. Kapag napatay na ni Uncle Miggy si Anitohin at napatay na rin kita, then saka na lang siguro ako makaka-move on sa lahat ng mga pangit na nangyari sa akin."
"So, magkatuwang kayo ni Miggy? Huh, no wonder kung tiyuhin mo nga siya. Parehas kasi ang pagkakatabas ng dila ninyo." Naglakad ito papunta sa kaniyang kanan kung saan nakapwesto ang isang bote ng alak, naalerto naman si Czarina. Isinunod niya rito ang hawak na baril. Nag-alok ng alak si Migs sa dalaga, "You want some?" Itinaas lang ni Czarina ang kaniyang kilay bilang pagtanggi. Naglagay naman ng yelo at wine si Migs sa baso at nilagok iyon. Uminom siya upang lumakas ang loob at mawala ang kaba sa puso niya. "I can assure you, you will NEVER, ever have the justice that you really wanted so bad. Dahil, mapatay n'yo man kami pareho ni Anitohin. Hinding-hindi n'yo pa rin mapapatay ang totoong Mr. Big A, ang utak ng grupong ito." Humalakhak pa ng malakas si Mig matapos sabihin iyon.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba't kayo nina Alizares at Anitohin ang itinuturing na BIG Three sa grupong ito. So sino sa inyong dalawa ni Anitohin ang totoong Mr. Big A? Ang siyang totoong nag-utos na ipapatay ang buo kong angkan?!"
Muling napahalakhak nang matining si Migs, "Ha! ha! ha! You actually didn't know who is your real foe don't you?"
"Sige lang magpakasaya ka lang. Dahil sisiguraduhin kong iyan na ang huling pagtawa na gagawin mo."
"Anyway, mukhang seryoso ka mula sa pagkakahawak mo sa mga baril mong iyan. Kaya dapat na rin siguro akong magpakaseryoso. Gusto mo ba talaga makilala ang totoong Mr. Big A sa grupong ito? Sa aming lahat, ako lang ang aksidenteng nakatuklas sa totoong pagkatao niya, simula noon, ako na ang tinuturing niyang kanang kamay lingid sa kaalaman ng lahat."
Nanlaki pa ang mga mata ni Czarina. Kahit siya ay nalilito at nagtataka na rin. May duda man ngunit nais niya talagang matukoy kung totoo ba ang sinasabi sa kaniya ni Migs, na wala sa big three ang tinutukoy ng lahat na Mr. Big A.
Muli na naman siyang binalaan ni Darwin, ngunit isinantabi niya ang lahat ng sinabi nito sa kaniya. "Czarina! What are you doing? Finish him now!" Hindi niya ito pinakinggan dahil mas nanaig sa isip niya ang maraming katanungan.
Ngunit biglang nagulat si Czarina nang bumukas ang pintuan ng sala kung saan sila naroon. Nakabalik na pala ang dalawang lalaking inutusan ni Migs kanina na maghanda ng kaniyang masasakyan. Bitbit din nila ang balita tungkol sa tensyon sa loob ng building na may unauthorized person nga ang nakapasok sa kanilang teritoryo. Ngunit huli na dahil ang mismong hinahanap sa baba na unauthorized person ay nasa harapan na mismo ni Migs.
Babarilin na sana ni Czarina ang dalawa ngunit napigilan ng isa sa kanila ang kamay niya. Sinipa nito ang kanang kamay niya dahilan upang tumalsik sa malayo ang mga baril na hawak niya. Walang nagawa si Czarina kundi ang makipagbuno na lamang. Sipa, tadyak at malakas na suntok ang naisukli niya sa dalawang lalaking sumusugod sa kaniya.
Habang abala si Czarina sa pagtanggol sa sarili, abala naman si Migs na makapunta sa kaniyang table upang hanapin ang kaniyang baril. Nang makita ay mabilis niya itong ikinasa at itinutok sa nakikipagbuno pa rin na si Czarina.
Agad itong nakita ni Czarina, kaya bago pa man ito iputok sa kaniya ay ipinansalag niya ang isa sa nakikipagbuno sa kaniya. Kaya sa halip na sa kaniya ay dito tumama ang dalawang magkasunod na putok ng baril. Kasabay nito, nahugot ni Czarina ang isa sa mga nakasuksok na baril sa isa pa niyang kinakalaban at walang anu-ano'y pinaputukan niya ang kamay ni Migs kung saan hawak nito ang baril. Tumagos sa palad ni Migs ang bala kaya nabitawan nito ang baril at ngayon ay namimilipit na siya sa sakit. Bumagsak naman ang lalaking tinamaan ng bala na para sana sa kaniya.
Siniko naman ni Czarina palayo, ang isa pang lalaki at bago pa man niya ito barilin ay nag-iwan siya nang munting mensahe para rito, "Pakelamero!" At walang anu-ano'y ipinutok niya rito ang hawak na baril. Nagtalsikan sa kamay niya ang dugo mula sa napatay.
Pagkatapos ay naglakad siya palapit kay Migs, "Totoo nga ang nababalitaan ko, isa ka ngang malaking duwag Mr. Migs. Kumikilos ka habang nakatalikod sayo ang kalaban. Tapos na akong maglaro kaya dapat sayo tinatapos na!"
Kakalabitin na sana ni Czarina ang gatilyo ng baril na hawak niya nang pigilan siya mismo ni Migs, "Teka lang! Kung papatayin mo ako, hindi mo malalaman kung sino ang totoong Mr. Big A! Buhayin mo ako at sasabihin ko sayo ang tungkol sa kaniya!" Seryosong tinignan ni Czarina si Migs, mula ulo hanggang paa. Inoobserbahan kung totoo ang mga sinasabi nito. At dahil mas naging interesado siya sa nalalaman nito kaya nagbitaw siya ng isang pasya.
"Ok, tell me and I'll let you live!"
"Czarina! Wala sa plano iyang ginagawa mo," muling paalala ni Darwin sa kaniya, pero ipinagwalang-bahala niya ito.
***
Matagumpay ang ginawang pagtakas nina Caleb. Dahil sa panghihina ng katawan ay si Arthuro na ang bumuhat kay Yllana. Laking pasalamat na lamang nila kay Darwin dahil ito ang katuwang nila upang makalabas at makalayo sa lugar ng walang nagiging aberya.
"Arthuro, dalhin mo agad sa hospital si Yllana. Ako na ang hihingi ng back-up kay Chief, ikaw na ang bahala sa utol ko ha." Tango ang naisagot ni Arthuro sa kaibigan, habang buhat niya ang kapatid nito.
"Kuya, mag-iingat ka," pabulong na wika ni Yllana. Lumapit si Caleb sa kaniya at panandaliang ginulo ang buhok nito, ngumiti at nagwika. "Pagaling ka, tandaan mo mahal ka ng kuya."
Pagkatapos nito ay umalis na sina Arthuro gamit ang sarili nitong owner jeep na nakaparada sa malayo. Ang tanging naiwan sa lugar ay si Caleb. May kalayuan na sila sa pabrika at sigurado sila na walang sinuman ang makakapansin na naroon sila.
Mabilis na tinawagan ni Caleb si Chief Montaro at sinabi niya rito ang lahat nang nasaksihan niya pati na rin ang mga ebidensiyang nakuhaan ng surveillance camera na mismong binigay nito sa kaniya. Mabilis din naman tumugon si Montaro ngunit humingi siya ng pabor kay Caleb na kung maaring makapag-usap sila ng personal pagkatapos na pagkatapos mismo nang gagawin nilang pag-raid sa pabrika. Walang nagawa si Caleb kundi ang pumayag dahil sinabi ni Chief Montaro ang nalalaman niya patungkol kay Czarina.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com