Chapter XXX - C (editing)
Sa isang silid: somewhere in Twin Tower.
"Akala ko hindi ka na darating."
"Pardon me, hindi ko pala nabanggit na may inaasikaso ako ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala, I canceled all my schedule just to meet you personally-my long lost old friend."
"Correction, we'd never been friends Adolf."
Napahalakhak naman si Anitohin. "Palabiro ka pa rin Miggy, tulad ng dati. Anyways, oras na siguro para ibigay mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nandito?" May isang lalaki ang lumapit sa kanila dala ang isang briefcase, sa loob nito ang isang laptop kung saan iyon ang gagamitin upang ma-transfer ang lahat ng pera ng mga Javier sa isang bank account, may isang device ang naka-connect dito na nangangailangan ng isang code na magmumula naman sa seal ng pamilya Javier, ito ang magiging susi upang mailipat sa kabilang account ang lahat ng kayaman ng isang Javier.
"Do you really think, makukuha mo ito ng ganoong kadali?" Inilabas ni Miggy ang seal ng kanilang pamilya. Nilalaro niya lang ito sa kaniyang mga daliri na tila ba inaasar pa ang kausap na nasa harapan niya lamang.
"Madali naman akong kausap Miggy." Pagkawika nito'y naitaas ni Anitohin ang kaniyang kamay bilang senyales sa kaniyang mga tauhan. Kaya naman sunud-sunod na itinutok ng mga ito ang kaniya-kaniyang hawak na baril sa nakaupong si Miggy. At anumang oras ay handa nang paputakan si Miggy dipende sa iuutos ng amo nilang si Anitohin.
Lingid naman sa kaalaman ni Anitohin, palihim palang pinindot ni Miggy ang isang hidden button na nailagay niya mismo sa gintong singsing na nasa hintuturo niya. Isinagawa niya ito upang bigyan din ng senyales si Darwin para isakatuparan naman ang dapat nitong gawin na parte pa rin ng mga plano nila.
"Copy that," tugon naman ni Darwin mula sa kabilang linya. Kanina pa pala siya naghihintay ng senyales mula kay Miggy. "Team Delta, team Charlie get ready!" aniya.
Mula sa katapat na building ng twin tower, may mga tauhan na pala mula kina Darwin ang nakapwesto roon. Hawak ng mga ito ang kaniya-kaniyang sniper rifles. At dahil sa signal ni Darwin ay walang anu-ano'y, isa-isang pinaputukan ng mga ito ang mga tauhan ni Anitohin. Ikinagulat naman ni Adolf nang biglang mabasag ang mga salaming bintana ng kaniyang opisina at biglang nagtumbahan ang mga tauhan niya. Kinuha itong pagkakataon ni Miggy upang sunggaban si Anitohin. Nagulat na lamang ang senador nang biglang bumalandra sa kaniya si Miggy at inunahan siya nang malakas na suntok. Nanlaban siya at ganoon din si Miggy sa kaniya.
Palibhasa, kapwa may alam sa pakikipaglaban kaya hindi naging madali sa dalawa ang talunin ang isa't isa. Ngunit hindi din naglaon, nagawang madipensahan ni Miggy ang sarili. Marahil ay mas ganado at praktisado siyang makipagbuno kaysa kay Anitohin. At walang duda na hindi pa rin niya nakakalimutan kung paano siya makipagbuno noon kahit pa nga ilang taon na ang nakakalipas.
"Magaling ka pa rin!" puri ni Adolf kay Miggy. Pinunasan niya ang dugo mula sa pumutok niyang labi.
"Ang pamamahinga ko nang matagal na panahon ay hindi nangangahulugan upang ako'y manghina. Tandaan mo iyan."
"Pwes! Hayaan mong bigyan kita ng pahingang panghabambuhay!" Kinuha ni Anitohin ang vase malapit sa kaniya at galit na ibinato kay Miggy. Nakailag si Miggy subalit hindi sa mga pasugod na suntok ni Anitohin. Hindi nagpatalo si Miggy at muling bumawi. Sa bawat nababagsakan at nahagipan ng kanilang mga kamay ay nasisira lamang ito.
Naagaw ng atensyon ni Anitohin ang samurai na naka-display at nakasabit sa may dingding ng office iya. Napuna rin ito ni Miggy, kaya nag-unahan ang dalawa sa pagkuha rito. Walang pumapayag sa kanila na may mauna sa pagkuha sa espadang iyon. Kahit halata na sa mga hitsura nila ang kapaguran at ang pagkalat ng mga dugo mula sa iba't ibang sugat na kanilang natamo ay hindi nila ito inalintana sa halip ay ipinagpatuloy nila ang ginagawa. Subalit sadyang pumapanig ang swerte kay Miggy, dahil matapos niyang tadyakan palayo si Anitohin ay mabilis niyang nahablot ang samurai. Habang tumalsik naman sa sofa si Anitohin, kasabay niya itong bumaligtad.
"Ang samurai na ito..." Dahan-dahan naglakad si Miggy palapit kay Anitohin habang hawak ang samurai. "Tanda ko pa ang araw noong ibinigay ko ito sa 'yo bilang regalo sa kaarawan mo. Akalain mo iyon? Ito pala ang magiging mitsa ng kamatayan mo." Sa paglapit ni Miggy sa kaniya ay siya namang pagapang na atras ni Anitohin. Sa bawat pag-atras niya'y nasasagasaan niya ang mga wala nang buhay na tauhan niya na nakabalandra sa sahig. Handa nang kitilin ni Miggy ang buhay ng dating kasamahan sa grupo. Kahit naman papaano'y may galit siya dahil sa pagdamay nito sa buo niyang pamilya. Marahil nga'y hindi siya maituturing na purong Javier, subalit kahit ganoon, naging mabuti pa rin ang pamilyang ito sa kaniya. Kaya marapat lang din sigurong siya na ang magbigay ng hustisya sa pagkamatay ng mga ito, total, may naiambag din siya kung bakit humantong sa ganoon ang lahat.
Bakas naman sa butil butil na pawis ang kaba at takot ni Anitohin habang nakasalag ang kaliwang kamay niya sa kaniyang mukha. "Mamatay ka!" Buong lakas na sanang itatarak ni Miggy ang samurai gamit ang dalawa niyang kamay patungo kay Anitohin, Subalit lingid sa kaalaman ni Miggy, ay naabot pala ng kamay ni Anitohin ang isa sa baril na mula sa tauhan niya. Mabilis niya itong kinuha, itinutok kay Miggy at kinalabit ang gatilyo. Malas dahil bago umabot kay Anitohin ang samurai ay tinamaan na si Miggy sa kaliwang braso nito kaya nabitawan ng kaliwang kamay niya ang samurai, ngunit bago pa man muling iputok ni Anitohin sa pangalawang pagkakataon ang baril ay buong lakas niyang naitarak ito kay Anitohin.
Huminto ang oras ng dalawa, tulala at hindi makapaniwala si Anitohin nang tignan niya kung saan tumama ang samurai na itinarak sa kaniya ni Miggy. Nawalan siya ng lakas nang makitang tumagos ito sa sikmura niya. Tumulo ang dugo sa kaniyang bibig at pilit na hinahabol ang paubos na niyang hininga. Wala siyang nagawa kundi bitawan ang hawak na baril. Kahit si Miggy ay nagulat din sa kinahantungan ng kaniyang ginawa. Dama pa rin niya ang kirot sa sugat niya sa kaniyang braso na natamo niya mula sa pagbaril ni Anitohin sa kaniya.
Kahit nanghihingalo ay nagawa pang tanungin ni Anitohin si Miggy. "Mi--Miggy... Pinapunta ka ba ni Darwin dito pa--para i--pa--patay ako?" Kumunot naman ang noo ni Miggy, " Hindi pa ba malinaw sa 'yo na ako ang may gustong patayin ka? At kung katuwang ko man siya, ideya ko ang lahat ng ito "
Napangisi muna si Anitohin na para bang wala na siya sa sarili bago pa man magpatuloy sa kaniyang huling sasabihin. "Mangmang... Gi--ginamit ka lang din niya. Kagaya ng paggamit niya sa grupo. Alam mo bang si--siya, siya---" Ngunit binawian ng buhay si Anitohin bago pa man niya ipaalam ang nais sabihin.
"Miggy, what happened? Is he dead now?" tanong ni Darwin mula sa earpiece ni Miggy.
"Yes we're done!" sagot nito. Nanghihinayang siya dahil hindi niya narinig ang tila impormasyon na maaring makatulong sa kaniya. Napuno rin siya ng tanong tungkol sa pinupunto ni Anitohin mula sa kaibigan niyang si Darwin, ano ang bagay na hindi niya alam kay Darwin? At paano nasabi ni Anitohin na ginagamit lang siya ni Darwin, gayong alam niya sa sarili niya na sa simula pa lang, siya na ang gumagamit kay Darwin o baka naman, mali siya nang inaakala?
***
Samantala...
"Walang iba kundi ang former director ng NBI na si Darwin Aguirre." Halos manlaki ang mga mata ni Czarina, bahadya pa siyang napaatras dala ng pagkagulat. Nanatiling nakatutok ang hawak niyang baril sa nakalupaging si Migs.
"Malabo iyang sinasabi mo. Pinagloloko mo ba ako? Sa tingin mo, siraulo ako para maniwala sa mga kalokohan mo?"
"Totoo ang mga sinasabi ko sayo. Siya ang utak sa pag-massacre ng iyong pamilya. Dahil sa galit at inggit niya kay Miggy, nagpasya siyang gawin iyon. Sinamantala niya ang unti-unting pagbagsak ng grupo para tulungan siyang maisakatuparan ang plano niyang pagpapabagsak kay Miggy."
"Hinding-Hindi ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo." Dahil sa kalituhan, hindi na naitutok pa ng dalaga ang baril sa target. Nagpaparoo't parito siya habang sapo ng kaniyang mga kamay ang kaniyang ulo, wala siyang maintindihan o sadyang nanunumbalik na naman sa kaniya ang kawalan niya ng focus dahil sa depression na unti-unti na namang bumabalot sa kaniya. Sinamantala ito ni Mig at nagpatuloy sa pagsasalita, "Siya ang totoong Big A. Siya ang may pakana ng lahat! Siya ang nagpapatay sa pamilya mo! Itinago niya ang totoong posisyon sa grupo kaya kahit ang kaibigan niyang si Miggy, hindi alam iyon. Kung hindi ko pa nga aksidenteng natuklasan ang pagkatao niya baka pati ako, namatay na lang sa pagiging instrumento niya. Lahat ng ito, malamang parte pa rin ng mga palano niya. Ganito na lang, bakit hindi mo siya tanungin ng personal? Balita ko, nakikipagtulungan siya sa uncle mo?" Sinundan ito ng pagngisi niya sa dalaga.
Dahil sa pagiging balisa na naman ni Czarina, kinuha niya sa isa sa mga pocket niya ang isang botelya na naglalaman ng iniinom niyang gamot na pampakalma niya.
Huminga siya nang malalim at pilit ibinalik ang katinuan, "Hindi iyan totoo! Hinde, hindi iyan totoo..." paulit-ulit niyang banggit hanggang sa ang natatarantang boses ay unti-unti nang kumalma, mabilis nang umeepekto ang gamot sa kaniya.
Isang tinig naman ang nagpabalik sa mabangis na anyo ni Czarina. "Czarina? Huwag kang maniwala sa kaniya. Nililito ka lang niya!" At boses iyon ni Darwin. Subalit sa halip na gumaan ang pakiramdam niya ay naging dahilan pa ito para magising ang galit niya na nasa kaniyang puso.
Tumingin siya nang matalim kay Migs at dahan-dahang itinutok ang baril dito. Seryoso ang mukha niya at hindi mababakasan ng anumang awa at dahil iyon sa epekto ng gamot na ininom niya.
"Ang ayoko sa lahat, pinaglalaruan ako. Isang tanong isang sagot. Sino ang totoong BIG A sa grupong ito?"
Muling nangusap si Darwin sa kaniya, "Czarina, stop it! Stop listening to him, just kill him now! Sinisira niya lang ang mga plano natin! Can't you see it?"
Seryosong sumagot si Migs sa kanoya, "Inuulit ko, si Mr. Big A ay walang iba kundi si Director Darwin Aguirre..." Kasunod nito ang pag-alingawngaw ng isang malakas na putok ng baril.
Tuluyang bumagsak si Migs nang tumama sa dibdib niya ang bala, dahan-dahan namang ibinaba ni Czarina ang hawak na baril.
"I'm done..." komento niya sabay alis ng earpiece sa tenga niya na nagsisilbing komunikasyon niya kay Darwin. Hindi maiaakila ni Czarina na nagkaroon na siya ng pagdududa kay Darwin. Imposible namang magsinungaling pa si Migs habang kaharap niya ang kamatayan.
"Czarina? Czarina?" paulit-ulit na tawag ni Darwin ngunit hindi na niya narinig pa ang boses ni Czarina. Inihagis naman ni Czarina ang earpiece sa bangkay ni Migs at tuluyan ng umalis sa lugar.
"Damn it Migs, how dare you to ruin my plans!" galit na sambit ni Darwin habang nakaharap sa mga monitor niya. Ipinagpatuloy niya ang pagkalikot sa keyboard niya at pagkatapos ay kinuha ang mobile phone niya at may tinawagan. "Gawin n'yo na ang plan B. I want them all dead at wala kayong ititira ni isa sa kanila!"
***
Sunud-sunod na senyas ang ipinukol ni Caleb sa mga tauhang ipinadala ni Montaro sa kaniya. Mabilis pero maingat na pumasok ang ilan sa grupo ng PDEA at tauhan ng PNP sa bodega kung saan niya natagpuan si Yllana at ang ilan sa mga biktima. Ilang saglit lang ay nagkaroon na nang palitan ng putukan sa magkabilang panig, pwersa ng pulisya laban sa mga tauhan ng sindikatong two-headed-snake. Hindi nagpatalo ang mga nasa loob ng pabrika, pilit pa rin nanlaban ang mga ito. Pero sadyang madami ang pwersa ng kapulisan kaya nagawa pa rin silang masupil. Ang ilan sa kanila ay napaslang at kakaunti lamang sa kanila ang nahuling buhay. "Chief, mission is successful!" balita ni Caleb sa kanilang Chief.
Isa-isang isinakay ang mga nahuli sa police mobil.
"Sir, the place is clear!" saad ng isang pulis na lumapit kay Caleb, tinanguhan naman ito Caleb. Simimulan nilang lisanin ang lugar matapos lagyan ng police line ang buong pabrika para sa mga karagdagan imbestigasyon na gagawin nila.
Ang lahat ng mga kaganapan sa pagitan ng mga pulisya at tauhan ng Two Headed Snake ay alam ni Darwin, dahil nakakonekta pa rin siya kay Caleb at alam niya ang bawat galaw nito. Lingid sa kaalaman ni Caleb, kasama siya sa plan b na tinutukoy ni Darwin.
Hindi pa man tuluyan nakakalayo sa lugar ay tinambangan na sila ng isang grupo. Pinaulanan sila ng mga bala, sa kabila nito'y nanlaban pa rin ang grupo nina Caleb. Nakipagpalitan sila ng mga putok sa mga taong bigla na lamang sumalubong sa kanila. Dahil sa pag-ambush na iyon, marami ang nalagas sa grupo nina Caleb. Kahit ang mga nahuli nilang mga suspect ay hindi rin nakaligtas. Sa makatuwid, hindi talaga kakayanin ng grupo nila ang makaligtas.
Tinamaan sa braso si Caleb, dahilan upang bumagsak siya, agad siyang pumailalim sa sasakyan nila nang unti-unti nang lumalapit sa kanila ang mga bumabaril sa kanila.
Sa pagkakataong ito, aminado si Caleb na dehado sila, na maari siyang mamatay anumang oras. Halos lahat ng mga kasamahan ni Caleb ay napaslang. Nang makalapit ang mga ito sa kanila, isa-isang tinadtad ng baril ang mga kasamahan niya. Marahil para makasigurong walang makakaligtas sa kanila. Mabuti na lamang at naging alerto siya at nakapagtago sa ilalim ng isa sa mga sasakyan nila kaya hindi siya napasama sa mga tinapos nila, wala rin ni isa sa kanila ang nakapansin sa kaniya.
"Wala na sila! Tara na sabi ni Boss," wika ng isa sa mga kalaban. Pagkatapos ay tumakbo sila pabalik sa kanilang mga sasakyan. Kinuha itong pagkakataon ni Caleb, inabot niya muna ang pinakamalapit na armalite sa kaniya at pagulong na lumabas sa pinagtataguan. "Haaaaaah! Tinadtad niya ng bala ang mga ito, kaya halos lahat din sa panig ng kalaban ay wala ring nakaligtas.
Nang makasigurong wala ng kalaban, lumapit siya sa mga ito. Naghahanap siya ng lead kung sino ang may pakana ng lahat, kung kanino nagtatrabaho ang mga ito. May isa siyang nakita, naghihingalo. Agad niya itong nilapitan, napansin niya na kagaya niya, may earpiece din ito sa kanang tenga niya. Kinuha niya iyon at pinakinggan kung sino ang nasa kabilang linya na nagbibigay ng utos sa kanila. Halos daganan siya ng mundo nang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na nasa kabilang linya, pamilyar ito at hindi siya maaring magkamali. "Anong nangyayare diyan? Sumagot kayo? Walang kwenta! Mga inutil! Napatay n'yo ba sila?"
Agad niya itong inalis sa kaniyang tenga at ibinato. Hindi siya makapaniwala, kaya naman tinadtad niya ito ng bala. Galit ang kaniyang nadarama, paano ito nagawa ni Darwin sa kanila, siya ang nag-utos sa mga ito na paslangin sila. Hanggang sa may napagtanto siya, "Hindi maari! Kung tinaraydor ako ni Darwin. Magagawa niya rin iyon kina Czarina. Hindi pwede nasa panganib si Czarina!"
Nalungkot man siya sa sinapit ng grupo niya ay natataranta pa rin siyang tumakbo pabalik sasakyan at umalis sa lugar kahit pa nga siya mismo ay may tama ng baril sa kaniyang braso. Agad niyang na ireport kay Chief Montaro ang ginawang pag-ambush sa kanila, ngunit hindi na niya binanggit kung sino ang may pakana. At mabuti na lamang din at pinauna nilang paalisin sa lugar ang mga nasagip na biktima dahil kung hindi, malamang kasama sila sa mga napatay sa ambush na iyon.
***
Lingid sa kaalaman nila Czarina at Miggy, tumawag si Darwin sa himpilan ng pulisya at ibinunyag ang tungkol sa kanila. Kung nasaan at kung bakit nasa twin-tower sila. Kaya naman mabilis na tinungo ng mga pulisya ang twin Tower, kung saan kasalukuyang nandoon nga sila. Sinadya ito ni Darwin upang hindi na siya mahirapan burahin sa landas niya ang dalawa, malakas ang kutob niyang pinaghihinalaan na siya ng mga ito kaya hindi na maari pang magkrus ang mga landas nila. Total , wala na rin siyang kailangan sa mga ito, nabura na nila sina Adolf at Migs, naibigay na rin kanina sa kaniya ni Czarina ang gusto niya. Hindi alam ni Czarina na nailipat pala niya nang hindi namamalayan ang lahat ng laman ng mga bank accounts nina Adolf, Migs at ng iba pang bigating miyembro ng two-headed-snake sa isang account ni Darwin.
Si Darwin ay eksperto sa mga modernong pamamaraan at ang pag-hack ay just-a-piece-of-cake lang para sa kaniya. Kaya walang duda kung nagawa niyang mailipat ang lahat ng pera sa hidden accounts niya nang hindi man lamang nalalaman ni Czarina.
Mabilis na bumaba si Czarina sa sumumod na floor kung nasaan siya ganoon din si Miggy. At kapwa silang may nasasagupang mga tauhan ng Two Headed snake habang binabaybay nila ang daan pababa.
Sinilip ni Miggy ang suot niyang relo, naka-set ito sa screen mode. Ginawa niya ito upang mamonitor ang kasalukuyang lokasyon ni Czarina nang hindi kinokompronta si Darwin. Inilagay niya nang palihim kay Czarina ang isang tracking device kaya sa pamamagitan ng kaniyang relo, nagawa niyang ma-trace kung nasaan na ito ngayon. Ang berdeng kulay sa screen ng relo niya ay kumakatawan kay Czarina. At ayon sa datus nito, malapit na sa kaniya ang dalaga.
Kagaya ni Czarina, iniwan na rin niya ang ginagamit na earpiece dahil kahit siya, nagsimula na rin magduda sa katapatan ni Darwin sa kaniya.
Bagamat nagkalat sa buong palapag ang mga tauhan ng two headed snake, nagagawa pa rin ng magtiyuhin na dipensahan ang sarili laban sa mga ito. Hanggang sa magtagpo sila sa sumunod na palapag.
Ngunit ipinagtaka ni Czarina nang itutok sa kaniya ni Miggy ang baril na hawak at bigla itong pinaputok. Bumagsak sa likuran ni Czarina ang isang lalaki na nakasunod pala sa kaniya at babarilin sana siya. Akala niya talaga, siya ang target ng tiyuhin, hindi pala. "Uncle..." aniya.
"We have to go!" Tumango na lamang si Czarina. Sa ngayon, wala silang pwedeng asahan kundi ang isa't isa. Magkasunod silang pumasok sa isang elevator na maghahatid sa kanila sa ground floor. Ikinasa nila ang mga hawak na baril at inihinada ang sarili, dahil sigurado na maraming nag-aabang sa ibaba sa oras na bumukas ang elavator.
"I'm sorry," bulong ni Miggy na sapat para marinig ni Czarina kaya napalingon siya rito.
"Don't say sorry, nothing will change. Uncle--- siya nga pala, palagay ko--- si Darwin--." Ang tinig ni Czarina ay binalot ng lungkot, napatungo ito at kagat labing pinigilan ang sarili sa gustong sabihin. Ni hindi niya mabanggit sa tiyuhin ang mga natuklasan niya tungkol kay Darwin. Dahil kahit siya, hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon.
Ngunit ang tiyuhin na rin ang nagpatuloy sa mga sasabihin niya dapat, "Hindi siya dapat pagkatiwalaan." Napatingin tuloy siya sa tiyuhin nang marinig ito.
Kapwa sila tumingin sa pintuan ng elevator nang marinig nilang tumunog na ito, senyales na narating na nila ang Ground floor, "Tara... tapusin na natin ito," matapang na deklara ni Miggy sa pamangkin. Sinang-ayunan naman siya ni Czarina at inihanda na rin ang sarili para sa susunod na bakbakan na papasukin nila. Pagbukas na pagbukas ng elavator ay wala silang sinayang na bala. Sinigurado nila na ang lahat ng balang natitira nila ay tatama sa lahat ng kalabang sasalubong sa kanila.
Bawat isang magtatangkang lumapit at barilin sila ay bigla na lamang tumutumba, parehas magaling umasinta ang dalawa kaya hindi na rin nakakapagtaka kung naubos nila ang lahat ng mga tauhang kanina pa nag-aabang sa kanila. Hanggang sa makarinig sila ng sunud-sunod na sirena mula sa labas ng building. Nagkatingan pa sina Miggy at Czarina sa isa't isa. Parehas silang nagtago sa malalapad na poste na nasa palibot lang ng ground floor. "Uncle, anong gagawin natin? May mga pulis na rin sa labas."
"Lets go back!" suhestiyon ni Miggy. Matapos nilang maubos ang mga kalaban, nagsimula silang tumakbo pabalik sa elavator subalit isang tinig ang nagpahito sa kanila.
"Tigil! Itaas ang kamay!"
Walang nagawa sina Czarina kundi ang huminto at itaas ang mga kamay habang nanatiling nakatalikod. Dama nila na maraming baril ang nakatutok sa kanila dahil sa mga laser na nahahagip ng mga paningin nila sa katawan ng isa't isa, muli nagkatinginan ang magtiyuhin na tila kapwa nagpapakiramdaman. Alam nilang mga pulis na ito dahil sinigurado nila na naubos ang lahat ng tauhan ng Two Headed Snake na sumalubong sa kanila kanina.
"Alam kong ikaw si Ms. Czarina Joy Javier. Kaya kung ako sayo, ibaba mo ng dahan-dahan ang baril na hawak mo. Pati na rin ikaw Mr. Miggy Javier." Laking taka ni Czarina kung paano siya nakilala ng mga pulis. Muling nagkatinginan ang magtiyuhin. Ngunit tinanguhan siya ni Miggy na para bang senyales na oras na para isuko muna nila ang kanilang mga sarili.
Ginawa nga ni Czarina ang sinabi sa kanila, lumunok muna siya bago dahan-dahang ibinaba ang dalawang baril na hawak, gan'on din si Miggy. "Ngayon naman, dahan-dahan ninyong iharap ang mga sarili ninyo."Ganoon nga ang ginawa nila.
"Okay move!" Senyas ni Chief Montaro sa mga tauhan habang nakatutok pa rin ang baril niya sa magtiyuhin. Wala nang nagawa pa sina Czarina at Miggy nang lapitan sula ng kapulisan at posasan. Napasakamay sila ng pulisya at tulak-tulak na inilabas sa twin tower. Dinaanan lang nila ang mga nagkalat na bangkay sa lugar. Pagkalabas nila, sumalubong sa kanila ang maraming police mobil at mga empleyadong takot na takot sa mga nangyare sa loob. Bago ipasok sa sasakyan ay nagsalita si Cheif Montaro sa kanila, "You have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future... Sige, ipasok na iyan." Hiwalay na isinakay ang magtiyuhin at mabilis na pinahaharurot ang mga sasakyan kung saan lulan na sila.
Sa gitna ng kanilang pagbabyahe, ay sinimulan na ni Chief Montaro ang pagtanong sa dalaga. Dito siya sumabay, dahil nais niyang makasigurong madadala nila ng payapa ang dalaga sa himpilan at madami rin kasi siyang nais itanong dito. "Czarina... tama?" pangungumpirma niya ngunit hindi siya pinansin ng dalaga. "Sabihin mo nga sa akin, paano ka nakaligtas sa trahedyang iyon?" Tinignan lang siya ng diretso ni Czarina. Pinanatili nitong tikom ang bibig niya.
"Okay, alam ko naman na hindi mo sasabihin. Alam mo bang malakas ang pakiramdam ko, na kayo ng Uncle mo ang nasa likod ng mga pagpatay kina Luke Hernandez, Mr. Tansingco, sa anak niyang si Jovit Tansingco, sa Juarez Bros. at sa iba pang may konektado sa grupong Two headed snake syndicate. Bakit? Sila ba ang may pakana ng Javier Massacre? Kaya inisa-isa ninyo ang pagpatay sa kanila?" Nakailang tanong na si Chief Montaro ngunit nananatiling tahimik si Czarina, inismiran nga lang siya nito. "Wala ka talagang balak magkwento ng kahit ano? Huh? Hindi ka ba nagtataka kung bakit alam ko ang tungkol sa 'yo?"
Sa pagkakataong ito, tumingin ulit sa kaniya ang dalaga at nagsalita, "Pangalan ko lang ang alam mo, hindi ang buo kong istorya," mahinahon nitong saad at muling itinuon ang pansin sa labas ng bintana.
"Okay. Siguro wala nga akong masyadong nalalaman tungkol sayo, pero sigurado ako, si Caleb, madlrami na siyang natuklasan sa 'yo. Siguro sa kaniya ko na lang din itatanong ang lahat nang nalalaman niya sayo." Dito na tumingin si Czarina sa kaniya, tingin ng naiirita.
Nginitian lamang siya ni Montaro na para bang inaasar lang siya. At hindi na ito nagsalita pa habang bumabyahe sila. Hanggang sa isang tawag ang natanggap ni Chief Montaro, "Yes?"
(...)
"Ano?! Papaanong nangyare iyon? Sinu-sino kayong nakaligtas sa grupo n'yo?"
(....)
Nanlulumong ibinaba ni Chief Montaro ang hawak na cellphone. Nakatingin naman sa kaniya si Czarina, bakas sa mukha na nais niyang malaman kung sino o ano ang pinag-usapan ng mga ito.
Napuna ito ng Chief, kaya nagbitaw siya ng mga salita. "Marami ang nalagas sa panig ng mga tauhan ko. At hindi katangga-tanggap ang ginawa sa kanila," galit na sambit nito habang nakakuyos ang isang kamao. Pero mas pinili ni Czarina na itikom ang bibig at huwag ng mangealam pa.
***
Gulat at pagtataka ang sumalubong kay Caleb, pagkapasok niya sa kanilang headquarters. Ngunit hindi na niya ito pinansin pa, natuon ang pansin niya sa breaking news sa TV na nakalagay sa malawak na hallway na dinadaanan niya.
"Ikinumpirma ng PNP na patay na nga si Senator Anitohin kasama ang mga tauhan nito. Hinihinala na ang nasabing grupo ay konektado sa Two Headed Snake Syndicate, at dahil dito, agad na nagpatawag ang supreme court nang mabilisang imbestigasyon dahil sa pagkakadawit ng mga malalaking personalidad sa most wanted syndicate group and illegal drugs..."
Hindi na niya tinapos pa ang panonood, sa ngayon ang gusto niyang malaman ay kung nasa mabuting kalagayan ba si Czarina, kahit iniinda pa rin niya ang kirot ng tama niya, nakabenda na ito.
"Mabuti't nandito ka na. Follow me," wika ni Montaro sa kaniya ng unahan siya nito sa paglalakad. Nakasunod sa Chief si Kathy at ang ilang Heneral.
"Alam mo bang nasa kamay na natin si Ms. Czarina Joy Javier?" wika ni Montaro habang patuloy sila sa paglalakad. Ikinagulat naman ito ni Caleb, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Pansin naman ni Chief ang biglaang pananahimik ng binata.
"I want you to talk to her, at alamin ang lahat nang nalalaman niya. Saka nga pala, huwag kang mag-alala sa kapatid mo. Nasa hospital na siya kasama si Agent De Chavez. After that, talk to Kathy, give her all possible information sa mga nangyare sa inyo kanina para sa mga impormasyong hinihingi sa kaniya ng media, may prescon tayo regarding sa pag-ambush na iyan. Kailangan magbayad sa batas ang lahat ng nasa likod ng pagpuksa sa grupo ninyo kanina."
"Sir... Yes sir."
***
"Salamat sa Diyos at ligtas ka," bungad ni Caleb.
"Si Yllana, nailigtas mo ba?"
"Oo, nasa hospital siya ngayon." Nagsimula nang manahimik si Czarina. Kasalukuyan silang nasa interrogation room, para tanungin ang ilang detalye. Nakikinig naman sa kabilang silid sina Chief Montaro, Col. Kathy at ang iba pang may access na makinig.
"Napatay n'yo na silang lahat, siguro naman ay gagaan na ang kalooban mo at ititigil n'yo na ito."
Mahinahong tumingin ang si Czarina sa kaniya, subalit bakas sa mga mata nito na hindi siya natutuwa. "My mission is not done yet, Caleb..."
"Anong ibig mong sabihin? Narinig ko sa balita na napatay n'yo na sina Migs at Senator Anitohin, Hindi ba't sila naman ang huli sa mga taget ninyo?"
"Ang misyon ko... Patayin ang nasa likod ng pagpaslang sa pamilya ko," kalmadong saad ni Czarina.
"Ang ibig mo bang sabihin, hindi ang two headed snake ang nasa likod niyon?" Napailing naman si Czarina bilang sagot.
Kaya labis itong ipinagtaka ni Caleb "Anong ibig mong sabihin?"
"Hanggang ngayon, malaya pa ring nakakahinga sa labas ang utak sa pagpatay sa angkan ko. At ngayon kilala ko na kung sino ang nasa likod niyon. Hindi ako papayag na hindi ko siya mapapatawan ng hustisyang matagal ko nang ipinaglalaban. Kaya Caleb, I need your help!"
"Ibig sabihin hindi mo n'yo pa napapaslang ang totoong salarin?" Tumango lang sa kaniya si Czarina bilang pagsang-ayon.
"Hindi Czarina! Hindi ko na hahayaan pang isugal mo ulit ang buhay mo! Hayaan mo na kami! Hayaan mong kami na ang humuli sa kung sino man siya. Kaya kailangan mong sabihin sa akin kung sino siya." Ngunit nagalit lamang si Czarina sa kaniyang mga narinig.
"Hindi pwede! Ang mga katulad niya, hindi dapat binubuhay! Ako, ako mismo ang papatay sa kaniya! Ang walang hiya na iyon! Wala siyang puso! Ginamit niya ako Caleb! At hindi ako papayag na hindi ko maididiit sa kaniya ang mga kamay ko na puno ng galit! Caleb... Papatayin ko siya, papatayin ko siya!"
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chief Montaro. Sumaludo naman sa kaniya si Caleb. "Mukhang hindi mo siya kayang kontrolin Caleb," pang-aalaska ng chief. Napatungo lamang si Caleb habang galit naman ang mababanaag sa awra ni Czarina. "Kalma ka lang Hija... Huwag kang mag-alala, uulitin ko, hindi kami ang iyong kalaban. May maganda akong offer sa 'yo, baka sakaling mabago nito ang isip mo." Tumingin sa ibang direksyon si Czarina upang ipakita na hindi siya interesado.
"Okay ganito, we know na marami na kayong natutuklasan patungkol sa sindikatong matagal na naming binabantayan. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, kukunin kita bilang stand witness against this group dahil base sa mga narinig ko kanina, kilala n'yo ang Big Boss ng grupong ito. Sa pamamagitan niyon bababa ang sistensiyang maaring ipataw sayo."
"Sa tingin mo, makikipagtulungan ako sa mga mahihinang pulis kagaya ninyo? Nagpapatawa ka! Hindi n'yo ba alam na mas masarap kumilos kapag nag-iisa. Why don't we change your offer. Palayain n'yo ako, at ibibigay ko sa inyo mismo ang ulo ng pinaka-big boss ng sindikatong hindi n'yo man lamang makilala ang pagkakakilanlan. Alam mo nakakatawa kayo, wala kayong kamalay-malay na nakakasalamuha n'yo na ang mga taong nasa likod ng sindikatong ito." Nakangisi subalit seryosong saad ni Czarina.
"Magkaparehas na magkaparehas talaga ang pagkakatabas ng dila n'yo ng tiyuhin mo. Kaya hindi na ako magtataka kung gan'on din katigas ang puso mo."
"Kung hindi n'yo ako palalayain, pwes wala kayong mapapala sa akin. Hindi rin kayo magtatagumpay sa pagpapabagsak sa grupong iyon, dahil sigurado ako sa mga oras na ito, nagbabalak na ang taong iyon na umalis sa bansang ito-- si Mr. Big A ng Two headed Snake Syndicate." Sinundan pa ito ng mapang-asar na ngiti niya.
"It means, you really know him!"
"You bet!"
Panandaliang binalot sila ng nakakabinging katahimikan. "Sige... Papayagan kitang makaalis sa lugar na ito--"
"Pero sir!" pigil ni Caleb kay Chief Montaro, pero pinahinto lang siya nito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sa isang kondisyon... You will work with us. We will work together para hulihin ang big Boss ng Two headed Snake. Kailangan mong sumunod sa diskarte namin at makipagtulungan sa amin."
"Pag-iisipan ko..." Kasabay nito ang pananahimik ng dalaga. Kaya naman nagpasya sina Chief Montaro na iwan muna si Czarina para makapag-isip.
***
Kasalukuyang nasa office ni Chief Montaro si Caleb, kinakausap niya ito. "May ideya ka ba kung sino ang may pakana nag pag-ambush sa grupo ninyo?" Nanatiling tikom ang bibig ni Caleb, sa kabila ng kaalaman niya sa kung sino ang nasa likod niyon. Mga iling lang ang isinagot niya.
"Agent Zembrano, marami ang nalagas sa tropa natin at hindi maaring walang mananagot sa lahat ng ito, nararamdaman kung may alam ka, kaya anong humahadlang sa'yo?"
"Sir, buong buhay ko naging tapat ako sa tungkulin ko at saksi kayo roon. Pero sa mundong ginagalawan ko, nakikihalubilo ko na pala ang mga anay ng bansang ito. Kaya, hindi ko na alam kung sinu-sino pa ba ang pagkakatiwalaan ko o kung sino pa ba ang pakikinggan ko."
Ipinagtaka naman ito ni Montaro, "Anong ibig mong sabihin?"
"Alam n'yo ho bang konektado si Director Darwin Aguirre sa sindikatong matagal na nating tinitiktikan. Malakas ang kutob ko, siya ang protektor ng grupong iyon noon pa man kaya naman pala wala ni isa sa grupo nila ang napaparusahan."
"Mabigat na paratang iyan Caleb? Ang former Director? Imposible."
"At siya rin ang nasa likod sa pag-ambush sa amin. Oo, aaminin kong siya ang dahilan kung bakit nailigtas ang kapatid ko, siya ang tumutulong sa akin. Pero hindi ko aakalain na siya rin ang magtatangka sa buhay ko. Siya rin ang katuwang nina Czarina upang makapasok sa Twin tower at mapatay ang mga naroon. Umpisa pa lang, siya na ang tumutulong sa mga ito."
Hindi agad nakapagsalita si Chief Montaro, pilit niyang kinaklaro ang lahat sa kaniyang isipan. "Ang lalaking iyon! Hindi na nahiya sa batas na sinumpaan niya. Salamat Caleb, naniniwala ako sa mga sinabi mo. Magpapahanda ako kay Kathy ng warrant of Arrest para kay Aguirre. Kailangan niyang sumuko sa batas at harapin ang parusang nararapat lang sa kaniya."
"Chief, kailangan niya ring mahanap agad dahil baka sa mga oras na ito naghahanda na siya para tumakas."
"I'll understand... But before that, Caleb I have a favor to you. You have to convince Czarina na makipagtulungan sa atin, tumestigo siya laban kay Darwin."
"Hindi ko maipapangako pero susubukan ko ho, kilala ko si Czarina, may paninindigan iyon sa mga sinasabi niya."
Matapos magpaalam ay umalis si Caleb sa silid . Agad siyang nagtungo sa rooftop ng kanilang head quarters, para maglabas ng sama ng loob. Doon siya nagsisigaw, ayaw na kasi niyang mapahamak pa si Czarina, pero nararamdaman niya na sa mga susunod na hakbang na gagawin nila, tiyak na malalagay na naman sa kapahamakan ang buhay nito. Kapag hinayaan nilang umalis si Czarina sa poder nila, mamatay ito at wala ng pakealam pa doon si Czarina. Ayaw niyang mawala ulit si Czarina sa kaniya. Naging kalmado lang siya nang makaramdam ng pagod, hinayaan na lamang niyang pakalmahin siya ng malamig na hangin.
Ilang minuto lang ang lumipas hanggang sa naramdaman niya na may umakyat din rooftop kung saan naroon siya. Hindi siya nagsalita, sinilip niya lang kung sino iyon. Si colonel Kathy lang pala, may katawagan ito sa kaniyang cellphone. Hindi sana niya balak makinig pero may sinabi ang dalaga na kumuha sa atensiyon niya. Kaya nanatili siyang nakakubli at tahimik na nakinig.
"Alam na nila ang lahat, hindi na ako makagagawa ng paraan para pagtakpan ka pa. Maghahain na sila ng warrant of arrest sa'yo..."
(...)
"Oo, hawak namin sila. Buhay sila pareho."
(...)
"Gagawa ako ng paraan."
(...)
"Okay, I'll be there after an hour. I have to go, baka hanapin na nila ako."
Hindi siya napansin ni Kathy. Agad itong umalis sa lugar, naiwan naman kay Caleb ang halu-halong ekspikulasyon at mga pagdududa mula sa katrabaho nilang si Colonel Kathy. Malaki ang hinala niyang kilala niya ang kausap nito sa telepono.
***
Agad na bumaba si Caleb, dumiretso siya kung nasaan sina Chief Montaro. Nakita niya na nandoon si Kathy at nakatayo, pero hindi muna niya sinabi ang mga narinig niya. Gusto niyang makahalap ng ebidensiya bago magsalita.
"Agent Zembrano, kanina pa kita hinahanap," puna ni Montaro pagkakita sa kaniya.
"Sorry Chief, nagpahangin lang."
"Nasabi ko na kay Kathy ang mga impormasyon na sinabi mo sa akin patungkol kay Darwin Aguirre. Nakahanda na rin ang warrant of arrest para sa kaniya."
"Damn it!" bulong ng isip ni Caleb, mukhang tama ang hinala niya.
"Kailangan natin malaman ang mga lugar na pwede niyang pagtaguan. Nabanggit mo sa akin na nakikipagtulungan ka sa kanila. Baka mayroon kang alam na lugar kung saan siya maaring nagtatago."
Tumingin muna siya kay Kathy, hindi mababakas sa hitsura nito na may ginagawa siyang anumang anumalya. At naiinis siya dahil alam niya sa puso niya na malaki ang posibilidad na may koneksyon ito kay Darwin, ito ang kausap niya sa rooftop kanina, pero ano ang umuugnay sa dalawa? Iyon ang hindi niya tiyak sa ngayon.
"Sige ho, ibibigay ko ho mamaya ang mga lugar na maari niyang puntahan, pero uunahan ko na kayo na hindi ako sigurado sa mga lugar na iyon. Isang beses ko lang nakasama sa operasyon si sir Darwin at ito ay noong iniligtas namin ang kapatid ko.
"Naiintindihan ko, but we have to take the risk. Be on my office Caleb after an hour," pagkawika nito ay umalis na si Chief Montaro upang bumalik sa interrogation room kung saan si Miggy naman ang nakasalang ngayon.
Umalis din si Kathy sa pagkatapos maibigay kay Caleb ang warrant of arrest para former director na si Darwin Aguirre.
Nagpasya si Caleb na palihim na sundan si Kathy, dahil base sa kaniyang narinig sa itaas may kakatagpuin ito. At kung tama ang kaniyang hinala, si Darwin ito.
***
"Alam mo bang isa kang mahusay na aktor dahil napapaniwala mo kami na ikaw ay naparalisado sa ibang bansa. Ang gandang istorya, ikaw ba ang writer niyon?"
"Parang hindi mo naman alam ang kalakaran, iyan ang nagagawa ng pera," nakangisi pang saad ni Miggy.
"Okay Mr. Miggy, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ayon sa legitimate source na nakalap ko, isa ka sa mga dating pinuno ng Two Headed Snake, kaya alam kong alam mo kung sino ang pinaka-big boss nila. Kaya sabihin mo sa akin, kung sino ito at ano ang kinalaman niya sa pagpatay sa buo mong angkan?"
"Legitimate Source? Si Colonel Kathy ba ang tinutukoy mong legitimate source mo? At sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ang mga impormasyong ibinigay niya sayo?" makahulugang saad ni Miggy.
"So, kilala mo siya?" puno ng pagtataka ang mukha ni Montaro.
"Let's say, parang inaanak ko na rin siya. Isang masunuring bata."
"Imposible ang sinasabi mo Mr. Javier. Hindi niya nababanggit na may kaugnayan siya sayo? At paano mo maipapaliwanag na ikaw ang itinuturo niya na isa sa mga bigating boss ng Two headed snake base sa kaniya mga imbestigasyon."
Sa halip na makaramdam ng kaba ay nanatili lamang kalmado si Miggy habang kinakausap siya ng Chief, hindi mababanaag sa kaniya ang anumang takot. "Hmmn, let say, wala na kasi sa akin ngayon ang katapatan niya."
"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo Mr. Javier."
"No, no, no, no, lemme re-phrase that sentence. Kayo ang hindi nakakaalam kung sino ba talaga ang mga kalaban n'yo. Alam mo natutuwa nga akong pagmasdan kayo e, natataranta kayong hulihin ang ahas gamit ang mailap na daga. Ang hindi ninyo alam, ang dagang iyon mismo ang magpapabagsak sa inyo, huwag n'yo masyadong maliitin ang mga daga, masyadong matatalino ang mga iyon." Sinundan ito ng paghalakhak ni Miggy. Nakaramdam nang panliliit si Chief Montaro, kahit kailan 'ata hindi niya makakasundo si Miggy.
"Mr. Javier, malinis ang konsensiya ko at wala akong inaalagaang daga sa poder ko," giit niya. Muli namang pinakalma ni Montaro ang sarili. "Okay, Mr. Javier. Ito na ang huli kong tanong sayo. Pag-isipan mo sana itong mabuti." Tumingin nang matalim si Miggy sa kaniya, sinubukan niyang magseryoso habang nakaposas pa rin ang mga kamay niya.
"Paano mo nagagawang gamitin ang inosente mong pamangkin para mapabagsak ang grupong gustong-gusto mong maangkin? Hindi ba't ginamit mo lamang si Czarina, para lang sa iyong sariling interest? Hindi ba't ikaw ang totoong dahilan kung bakit namatay ang sarili mong angkan."
"Hindi totoo iyan. Huwag kang umasta na may alam Mr. Julio Montaro," tanggi ni Miggy pero nagpatuloy lang si Chief Montaro sa pagtatanong sa kaniya, "O baka naman sinadya mong ipapatay sila sa grupo mo para masolo ang buong yaman nila? Dahil mas nanaig sayo ang pagiging ganid mo."
Sa galit ay napatayo at nakalabog ni Miggy ang lamesa, "Ang lakas ng loob mo para sabihin sa akin iyan! Hindi mo alam ang mga paghihirap na dinanas ko! At huwag mong sasabihing ako lang ang nakinabang sa pamangkin ko. Sige! hindi ba't malaking tulong sa inyo si Czarina dahil isa-isa niyang napapabagsak ang mga naging salot sa bansang ito. Dahil sa kaniya, hindi na kayo nahihirapan patumbahin ang mga big supplier ng droga na dapat sana kayo ang gumagawa. Kaya huwag mong ipamukha sa akin , na ako lang ang nakikinabang sa pamangkin ko." Ang pagiging agresibo ni Miggy ay mabilis na napalitan ng pagiging mahinahon, Bigla itong huminahon at muling napaupo, ipinagpatuloy niya ang pagsasalita."Hindi ko ginusto ang mga nangyare sa kanila, kay kuya Miguel at sa pamilya ko. Si Czarina mismo ang humingi ng tulong ko. Sinubukan ko siyang pigilan, pero puno na nang galit ang puso niya. Kahit sino naman magiging halimaw pagkatapos ng mga nasaksihan niya. Hindi kita papipilitin maniwala sa sasabihin ko, pero mahal ko ang pamangkin ko at hindi ko siya gustong mapahamak kaya pinilit ko siyang sanayin para maprotektahan niya ang kaniyang sarili laban sa kalupitan ng mundong ito. Ngayon, sabihin mo sa akin? Sariling interest ko na lamang ba ang mga nangyare kay Czarina? Ginawa ko iyon, para rin sa kaniya." Muling naghari ang katahimikan sa pagitan nila.
Hanggang sa tumayo si Chief Montaro, "Sige, aalis na ako. Babalikan na lamang kita pagkatapos kong makausap muli ang pamangkin mo." Tanging sambit niya at iniwan na nga niya sa silid si Miggy.
***
Agad na tinungo ni Chief Montaro si Czarina na nasa sa kabilang interrogation room naman. "Hija, napag-isipan mo na ba ang offer ko sayo?" Tumingin muli nang matalim si Czarina sa kaniya, kulang na lang, lamunin siya nito ng buo. Mataray itong sumagot sa kaniya, "Oo, sasabihin ko kung sino siya at makikipagtulungan ako sa inyo sa isang kondisyon." Tumitig siya diretso sa mga mata ni Chief Montaro. "Gusto ko, ang uncle ko lang ang makikipag-communicate sa akin as I finish my last mission together with your staff."
Nag-isip ng ilang minuto si Montaro at sa huli ay sumang-ayon din. "Okay deal, but I just want to remind you na huhulihin mo siya ng buhay."
"Nakadipende iyan kung hindi siya manlalaban," sarkastikang wika ni Czarina.
"Okay, tell me. Sino ba talaga ang namumuno sa Two Headed Snake Syndicate?"
Ngumisi pa si Czarina bago nagsalita, "No other than your former Director Darwin Aguirre, ang Mr. Big A ng Two Headed Snake Syndicate, siya ang nagpapatay sa pamilya ko at wala ng iba."
"Kalokohan!"
***
Patuloy sa pagsunod si Caleb, ilang metro lang ang layo niya sa sinasakyan ni Kathy. Hanggang ang pagsunod niya rito ay humantong sa isang lumang subdivision sa sucat.
Pumasok sa isang malaking bahay si Kathy. Mula sa malayo, nakamasid naman si Caleb. Nagpasya siyang doon na lamang maghintay hanggang sa lumabas ulit ito. Sigurado siya na anumang oras, lalabas din si Kathy. Hindi naman ito pwedeng magtagal dahil alam niyang marami pa itong kailangan gawin sa opisina. Sinigurado ni Caleb na makakakuha siya ng ebidensiya.
Lumipas ang ilang minuto, tama siya. Agad din lumabas ng bahay si Kathy, sumakay sa sasakyan at umalis sa lugar. May pakiramdam si Caleb na kailangan pa niyang mag-stay sa lugar upang alamin kung sino ang kinatagpo ni Kathy doon. Paglipas ng sampong minuto, nagulat siya kung sino ang isinuka ng naturang gate. Walang iba kundi si Darwin Aguirre. Dito niya nakumpirma na may koneksyon nga si Kathy kay Darwin.
Agad din bumalik si Aguirre sa loob ng bahay tila nagmamadali pa nga ito, hindi rin siya nakita nito. Sinimulan ni Caleb paandarin ang kaniyang sasakyan pabalik sa kanilang headquarters. Wala siyang dapat sayangin na oras lalo na ngayon may hawak na siyang ebidensiya na magpapatunay sa hinala niya.
Nang makarating siya sa kanilang opisina, saktong nakita niya si Kathy sa parking lot, katulad niya, kararating lang din nito.
Kaya naman, agad niya itong pinigilan. "Col. Kathy, Sandali..." Huminto naman si Kathy.
"Agent Zembrano... Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa--"
"Sinundan kita."
Dahil sa narinig biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Kathy.
"Sinundan?" Para tuloy siyang kriminal na nahuli sa akto at walang pwedeng gamitin na alibi.
"Colonel, I respected you because of your outstanding achievements. Pero sa mga nasaksihan ko kanina, bumaba na ang tingin ko sayo."
"Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo," nuutal niyang wika. Sabay lakad nang mabilis palayo kay Agent Caleb. Nagmabilis naman si Caleb sa pagsunod sa kaniya at sadyang inunahan niya ito para humarang.
"Nakipagtagpo ka kay Director Darwin Aguirre, at wala kang ginawa kahit alam mong may warrant of arrest ng naka issue sa kaniya! Hindi ba pagtataksil sa katungkulan mo iyon. Isa ka sa mga dumudungis sa pangalan ng kapulisan!"
"Tumigil ka Agent Zembrano, wala kang ebidensiya sa mga sinasabi mo at alam mo ang batas natin na hangga't wala kang ebidensiya na maipapakita, magiging null lamang ang iyong testimonya."
Hindi makapaniwala si Caleb sa kaniyang mga naririnig, kaya naman mas pinanindigan niya ang kaniyang mga paratang, "Paano mo nagagawang pagtakpan ang mga taong kagaya niya? Pasensiyahan tayo Colonel Kathy pero may ebidensiya ako na magpapatunay sa mga sinasabi ko." Inilabas nito ang hawak na cellphone. Kung saan nagawa niyang kunan ng video ang pagpasok at paglabas ni Kathy sa isang bahay kung saan nakuhaan din niya ng video si Aguirre ng lumabas ito roon.
Halos mandilat ang mga mata ni Kathy habang nakatingin sa hawak ni Caleb.
"Sa oras na mapanood ito ni Chief Montaro, sigurado akong hindi ka lang matatanggal sa trabaho kundi makukulong ka pa. Kaya sabihin mo sa akin, bakit mo ito ginagawa, bakit mo siya pinagtatakpan--"
Natatawa pa si Kathy, hindi niya inaasahan na sa ganitong paraan siya mahuhuli, hindi rin pumasok sa isip niya na si Caleb pala ang makakatuklas ng sikretong itinatago niya. Kaya, wala na siyang nagawa kundi sabihin ang totoo. "Nagtatrabaho ako sa kaniya, dahil--dahil siya ang daddy ko. Oo ama ko si Darwin Aguirre!"
Ikinagulat ito ng sobra ni Caleb, hindi pumasok sa isip niya na ganoon pala ang relasyon ng dalawa, "Colonel Kathy..." bulong niya.
"At paano ko tatraydurin ang sarili kong ama ha Sabihin mo, lalo pa't may dahil ao kung bakit kailangan ko siyang sundin!"
Napapailing pa si Caleb, "Kahit anong sabihin mo, mali pa rin ang ginawa niya. Siya ang utak ng ambush na nagyare sa amin. Marami siyang napatay sa kampo natin, patawarin mo ako pero hindi ko mapapayagan ang mga ganoong kamalian. Kailangan na itong malaman ni Chief Montaro."
Naglakad palayo si Caleb at iniwan niya si Kathy, ngunit ang mga sumunod na katagang narinig niya ang nagpahinto sa kaniya.
"Sige Agent Zembrano, subukan mo pang humakbang at hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ang bungo mo." Itinutok ni Kathy ang hawak na baril sa nakatalikod nang si Caleb.
***
To be continued
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com