Ending (editing)
"Hindi ko maintindihan... Pulis ka, ang trabaho mo'y itama ang mga mali ng tao. Hindi ang pagtakpan ito!" Dahan-dahang naihakbang ni Czarina ang mga paa niya, ganoon din si Kathy.
"Ang galing mong magmalinis Czarina! Hindi ba't marami na ring napatay ang mga kamay mong iyan? At isa pa, kagaya mo, may dahilan ako kung bakit nagagawa ko ito!" giit ni Kathy sa kausap.
Nakaramdam naman ng pangamba si Miggy nang biglang mawala ang signal niya kay Czarina, sinubukan pa niyang kausapin ang pamangkin ngunit wala siyang naririnig na anumang respond mula rito, "Czarina! Sumagot ka!"
"Bakit Mr. Javier? Anong nangyayari?" balisang tanong ni Montaro nang mapansing aligaga na si Miggy.
"Hindi maari! Hindi niya ako naririnig!" Patuloy ang pagkalikot ni Miggy sa mga button na nasa harapan nila.
"Anong gagawin natin?" Hindi sinagot ni Miggy ang tanong ni Montaro, sa halip ay sinubukan niya ulit bigyan nang babala ang pamangkin, "Czarina! May dalawang tao na ang papaakyat diyan. Naririnig mo ba ako? Please, say something? Can you hear me?" Ngunit kagaya ng kanina, wala pa rin siyang naririnig na respond mula sa pamangkin, subalit dinig niya ang mga sumunod na pag-uusap ng dalawa. Sa makatuwid, ang may sira ay ang earpiece mismo ni Czarina at hindi ang sa kanila.
"Pwes! Pasensiyahan tayo, dahil mas matindi ang dahilan ko kung bakit ako ganito." Ito ang mga litanyang naririnig ni Miggy mula sa kabilang linya.
Samantala, muling sumugod ng suntok si Czarina, naiwasan naman ito ni Kathy. Nagkaroon ulit ng palitan ng opensa at dipensa ang dalawa at walang gustong magpatalo sa kanila. Napatumba si Czarina nang sipain siya ni Kathy sa sikmura, napadausdos ang katawan niya sa malamig na samento na malapit sa may hagdanan, nagkaroon din siya ng galos sa may bandang siko niya, kasabay nito ang pagdugo ng labi niya. Sa di kalayuan sa kaniya, nahagip ng mga mata ni Czarina ang baril na inihagis ni Kathy kanina.
Nakita rin ito ni Kathy, kaya agad din niyang hinagilap ang baril na pagmamay-ari naman ni Czarina na nakalapag din malapit sa kaniya. Parehas ang naiisip nila, agad nilang dinakma ito at sabay na nagkatutukan ng baril, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagpaputok. Biglang napangisi si Kathy na ipinagtaka ni Czarina, "Huwag ka nang manlaban Czarina, dahil umpisa pa lang, alam mong talo ka na." Kumunot ng bahadya ang noo ni Czarina. Hanggang sa makarinig siya ng mga yabag na paakyat mula sa kinakalawang na hagdan. Nakaakyat na muli ang dalawang lalaki na kasama ni Kathy kanina, may hawak ang mga ito na baril na nakatutok na ngayon kay Czarina.
Kita naman sa monitor ni Miggy na napapalibutan na ang kaniyang pamangkin. Mapapansin mula sa monitoring screen ang kulay berdeng radar na tumutukoy kay Czarina at ang tatlong pulang kulay nakapalibot na sa kaniya, ang mga kulay na ito ang tumatayong radar mula sa kalaban nila. Biglang tumayo si Miggy, inalis niya ang suot na headgear kung saan ito ang gamit niya para makontak si Czarina, "Teka, saan ka pupunta?" puna ni Montaro sa kaniya.
"Pupuntahan ko si Czarina. Hindi na ako papayag na mawala pa ang kaisa-isang miyembro ng aking pamilya!" Nagsimula itong maglakad palabas sa silid na iyon. Sinundan naman siya ni Montaro habang nakasunod sa kanila ang mga tingin ng mga kasamahan nila.
"Pero paano?"
"Kung kailangan kong makipag-unahan kay kamatayan, gagawin ko."
Hindi gusto ni Montaro ang binitawang salita ni Miggy, pero wala naman siyang makitang ibang paraan para pigilan ito. Iniisip din niya na malayo ang kasalukuyang lokasyon nina Czarina sa lugar kung nasaan sila at malabong maabutan niya ang mga ito. Wala na ngang nagawa pa si Montaro, mabilis na pinaandar ni Miggy ang nakaparada niyang motorsiklo. Bago pumanhik si Montaro pabalik sa silid kung nasaan ang mga kasamahan niya ay muli niyang inalala ang sinabi ni Miggy bago ito umalis, "Kakailanganin ko ang tulong mo Montaro, ikaw ang magsisilbing mata ko kay Czarina."
Malakas na hangin ang sumasalubong kay Miggy, kahit nakasuot sa kaniya ang kaniyang helmet ay hindi nito nahinto ang luha na kumawala sa kaniyang mga mata. Sumagi na naman kasi sa kaniyang isipan ang mga posibleng mangyari, na maaring hindi na niya makitang buhay ang nag-iisang miyembro ng kaniyang pamilya, at ang lahat ng iyon ay kasalanan niya, "Czarina, hintayin mo ako," bulong niya sa sarili. Nakikipaggitgitan siya sa mga nakakasabay niyang sasakyan sa daan. Ni wala na nga sa isip niya ang mga naglalakihang sasakyan na nakikipag-unahan sa kaniyang bilis. Kamuntikan na nga siyang mabundol ng isang truck ng mag-over take siya, mabuti na lamang at mapalad pa siya dahil sumasang-ayon sa desisyon niya ang tadhana.
***
Samantala...
Lumabas mula sa iba't -ibang direksyon ang mga kasamahan ni Caleb, at sa kaniyang pangunguna ay pinahinto niya sina Darwin, "Director Aguirre! Tigil!" Ngunit sa halip na tumigil ang mga ito ay sinenyasan ni Darwin ang mga tauhan niya na protektahan siya. "Pigilan n'yo sila!"
Pinaputukan nila ang grupo ng kapulisan na nakapaikot sa sa kanila. Agad naman umiwas ang mga ito, nagtago at nakipagpalitan din ng putok.
"Ikaw, sabihan mo ang piloto na paandarin na niya ang chopper."
"Yes Sir!"
Sumenyas naman ang lalaki sa piloto na nakasakay na sa helicopter, agad itong tumalima at sinimulan ang proseso sa pagpapaandar. Ilan sa mga tauhan ni Darwin ang tumumba at may ilan din sa grupo nina Caleb, mabuti na lamang at nakasuot ng bulletproof ang mga ito. Tinamaan si Arthuro sa kanang beywang nito, kaya napadausdos ito pababa mula sa kinatatayuan niya kanina, "Arthuro! Ayos ka lang?" sigaw ni Caleb habang nagkukubli siya sa isang malaking tipak ng bato. "O-Oo, wala ito, malayo sa bituka, huwag kang mag-alala. Pre, pigilan mo si Sir Darwin, baka makatakas na siya." Habang iniinda pa rin Arthuro ang sakit mula sa pagkakabaril sa kaniya, tumango naman sa kaniya si Caleb.
Huminga muna si Caleb nang malalim para kumuha nang bwelo at saka biglang tumayo at pinagbabaril ang ilang tauhan ni Darwin na abala sa pagbaril sa mga kasamahan niya. Tinamaan niya ang dalawa at napatumba. Nang tignan niya si Darwin ay nakaakyat na pala ito sa helicopter na kasalukuyan nang umiikot ang elisi. Agad siyang tumakbo palapit sa mga ito at tinungo ang unahang bahagi ng helicopter. Itinutok niya mismo ang hawak na baril sa dalawang nasa loob at buong tapang na pinapatukan ang unahan ng helicopter na yari sa transparent na salamin.
"Ang lakas ng loob!" napapangising komento ni Darwin habang tinitignan niya si Caleb, papalapit ito at pinapaputukan sila. Tumatama ang bawat bala sa salaming bintana ng helicopter. "Paandarin mo na!" sigaw niya sa piloto.
"Yes Sir!"
Ngunit bago pa man nila mapaangat ang sinasakyan ay tuluyan nang nabasag ang bintana nito sa pangwalong beses na pagtama ng bala rito. Kaya napaiwas ang dalawa mula sa mga nagtalsikang basag na salamin, "Anak ng-" busal ni Darwin.
Nakarinig ulit si Darwin nang dalawang putok ng baril at nang imulat niya ang mata, ay wala nang buhay ang katabi niyang piloto. Napatingin siya sa nasa harapan niya, gigili na nakatitig sa kaniya si Caleb habang nakatutok pa rin sa kaniya ang hawak nitong baril, "Sumuko ka na Director Aguirre, hinding-hindi mo matatakasan ang batas!"
Halos lumabas ang mga ugat sa sintido ni Darwin dahil sa kinahantungan nang pagtakas niya sana. Dahan-dahang lumapit sa kaniya si Caleb at pinababa siya helicopter. "Hindi ko maiaakilang mahusay ka nga," wika pa ni Darwin pagkababa niya.
"Director Aguirre, ginagawa ko lang ang trabaho ko, kaya alam kong naiintindihan mo ako."
"Oo naman, hindi ba't dyan din ako nanggaling, hah!"
"Niloko mo ang lahat pati si Czarina, pinagsamantalahan mo ang kahinaan niya. Paano mo nagagawa iyon! Bakit!"
"Sabihin nating, mahusay talaga ako sa larangang iyan. Kaya hindi na nakapagtataka kung pati kayo ay nabibilog ko. Ang galing ko di ba?" pagkawika nito'y humalakhak pa nang malakas si Darwin.
"Baliw ka na!" Kinuha ni Caleb ang posas niya at mas dahan-dahan pang lumapit sa Director, "Sa ngalan ng batas, ikaw Director Darwin Aguirre, inaaresto kita bilang mastermind sa pagpatay sa pamilya Javier at ang lider ng sindikatong may kinalaman sa iligal na droga at human trafficking dito sa bansa. Sumama ka sa amin nang matiwasay at walang magiging problema."
***
Tulak-tulak naman ng mga tauhan ni Kathy si Czarina, nakakapit sa ulo ang dalawang kamay ng dalaga habang nakatutok sa kaniya ang dalawang baril na hawak ng mga ito. Nangunguna naman sa kanila si Kathy habang sabay-sabay na inaakyat ang hagdanan papuntang helipad kung saan alam nila ay nakaalis na ang mga nagpunta roon kanina.
"Kung ako sa'yo, patayin mo na ako rito dahil kung hindi baka pagsisihan mo," banta ni Czarina kay Kathy.
"Ipapaalala ko lang sa'yo, wala ka sa posisyon para pangunahan ako sa mga desisyon ko." Halata naman sa mukha ni Czarina ang pagkayamot niya dahil sa babala ni Kathy sa kaniya.
"Czarina Joy Javier, aaminin ko, noon isa ako sa mga naiinggit sa buhay na mayroon ka, noon iyon! Perpekto ka e, nasayo na ang lahat, mayaman, may napatunayan na, mahal ka ng magulang mo, ang saya ng pamilya mo. Pagkatapos, nagagawa mo pa ang lahat nang naisin mo-" Biglang napahinto sa paglalakad si Kathy bago pa man niya tuluyang maihakbang sa huling baytang ang paa niya. "Boss bakit kayo tumigil?" puna sa kaniya ng isa sa kaniyang tauhan. Nagtaka rin si Czarina kaya sinilip niya kung ano ang nakita ni Kathy. Kahit siya ay nagulat din sa kaniyang naabutang eksena. Nasa helipad pa rin pala sina Darwin at ngayon ay kasama na nito si Agent Caleb. Nakatutok ang baril ni Caleb kay Darwin, habang pinoposasan niya ito. Seryoso rin ang mukha ng mga ito. At kung anuman ang pinag-uusapan ng mga ito ay siguradong maririnig nila mula sa pwestong kinaroroonan nila.
***
"Nasaan si Miggy? Hindi n'yo ba kasama? Oo nga pala, bakit ko pa ba tinatanong, hindi naman marunong lumaban iyon nang harap-harapan kaya malamang, nagtatago na naman iyon sa lungga niya," natatawa pang komento ni Darwin pagkatapos siyang posasan ni Caleb.
Sumagot naman sa kaniya si Caleb nang maayos, "Katuwang namin si Mr. Javier sa operasyong ito. At dahil sa ginawa niyang iyon, maaring bumaba ang sistensya sa kaniya."
"Napakatuso talaga ng lalaking iyon. Haha!"
"Hindi ba't matalik kayong magkaibigan? Bakit mo ito ginagawa sa kaniya? Bakit mo pinapatay ang buo niyang pamilya? Bakit!"
"Bagay lang iyon sa traydor na lalaking iyon. Gusto mo bang malaman kung ano ang ginawa ng lalaking iyon? Pinagsamantalahan lang naman niya pati ang asawa ko. Ang walang hiya! Palibhasa, akala niya kontrolado ng pera niya ang lahat. Pwes, pinatunayan ko lang sa kaniya na hindi niya kayang kontrolin ang lahat lalo na ako. Sinira ko ang laro niya at ang lahat naman ay umayon sa mga plano ko. Marahil parusa na rin iyon ng Diyos sa kaniya."
Dahil sa narinig ay mas nanggalaiti sa galit si Caleb, hindi niya lubos maisip na dahil lang doon ay nagawang ipapatay ni Darwin ang walang malay na pamilya ni Miggy, higit sa lahat nagagalit siya dahil sa mga pangyayari tulad niyon, nasira pati ang buhay ni Czarina. "Dahil lang sa pagtataksil niya dinamay mo pati ang walang muwang na pamilya nina Czarina, wala kang puso! Alam mo ba iyon!" Pagkatapos sabihin iyon ay nawalan na rin ng kontrol si Caleb kaya nasuntok niya ang kaliwang pisngi ni Darwin habang sapo niya ang blusa nito. Susuntukin sana ulit niya ang nakaposas pa rin na si Darwin ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili.
Natatawa pa si Darwin bago ulit nakapagsalita subalit agad din itong napalitan ng lungkot, "Alam mo bang... Nagbunga ang panghahalay niyang iyon kay Mildred." Dito na siya binitawan ni Caleb.
"Anong ibig mong sabihin?" Halos natigilan si Caleb dahil muli na namang napuno ng mga katanungan ang kaniyang kaisipan. Sa kabilang banda'y ganoon din pala sina kathy at Czarina, dahil dinig na dinig ng mga ito ang mga nabanggit ni Darwin kay Caleb.
***
Samantala sa headquarters...
Kasalukuyang nasa daan pa rin si Miggy, napakabilis nang pagpapatakbo niya. Kinausap siya ni Montaro na kanina pa pala nakikinig sa usapan nina Caleb at Darwin. "Miggy... Sa tingin ko kailangan mong marinig ito."
"Ang alin?" takang tanong ni Miggy.
Nai-set ni Montaro ang komunikasyon niya kay Caleb bilang conference call at isinama si Miggy, kaya naman malaya nang naririnig ni Miggy ang anumang mapag-uusapan pa nina Caleb kahit kasalukuyan pa siyang bumabyahe sakay ng kaniyang motorsiklo, "Alam mo bang... Nagbunga ang panghahalay niyang iyon kay Mildred." Ramdam ni Miggy ang malungkot na tinig ni Darwin mula sa kabilang linya. Gustuhin man niyang tumigil sa pagpapatakbo ay hindi na niya magawa, ayaw niyang sayangin ang oras, kailangan siya ng pamangkin niya. Mas hinigpitan pa niya ang pagkapit sa manibela ng motorsiklo at pinaandar nang mas mabilis pa na para bang walang siyang anumang narinig. "Where's Czarina?" tanong na lamang niya kay Montaro kaysa magpokus sa minumutawi ni Darwin.
"She was captured at kasalukuyang bihag na ni colonel Kathy."
"Damn it! Gaano pa ako kalayo sa kanila?"
"Kung ibabase sa bilis ng takbo mo ngayon, may kalahating oras ka pa para makarating sa lokasyon."
"Pwes, uunahan ko ang oras sa pagtakbo nito."
"Pero Mr. Javier- oh sige, mag-iingat ka," paalala na lamang Montaro sa kaniya dahil wala rin naman itong magagawa.
Ang sumunod pang pag-uusap nina Caleb at Miggy na malayang naririnig ng lahat ang siyang tila nagpatigil sa mundong ginagalawan ng lahat, "Anong bunga ang tinutukoy mo? Wala akong maintindihan," boses ni Caleb.
"Si Kathy..."
"Ibig sabihin~ Hindi mo anak si Colonel Kathy?"
"Hindi! Dahil si Kathy, ay bunga lamang ng paglapastangan ni Miggy kay Mildred!"
"Ang gandang biro nito, Darwin" bulong ng isip ni Miggy. Malaki ang paniniwala niyang isa lamang ito sa mga pakulo ni Darwin. Lolokohin na naman sila nito. "Uhrg! Hindi-hindi mo na ako maloloko Darwin!" giit pa niya sarili.
***
Samantala sa kabilang banda...
Nagpapalitan lang kina Caleb at Kathy ang paningin ni Czarina, Kanina pa tahimik si Kathy, kaya hindi niya mawarian kung ano ang totoo nitong nararamdaman. Kahit siya ay gulat na gulat sa mga narinig nila. Kung tama ang sinasabi ni Darwin, anak ng Uncle niya si Kathy at maaring ito ang punot dulo ng lahat, ang dahilan kung bakit nawala ang buo niyang pamilya at kung bakit na sa ganitong sitwasyon sila ngayon. Tumatarak na naman sa puso niya ang sakit matapos malaman ang buong katotohanan.
"Boss," tukoy ng isang lalaki kay Kathy na kalapit niya lamang. Nang muling ibaling niyang ang paningin kay Kathy ay nagsimula na itong maglakad sa malawak na helipad na iyon palapit kina Caleb at Darwin. Doon na sila napansin nina Caleb.
"Czarina..." mahinang busal ni Caleb pagkakita sa kanila.
"Totoo ba?" Lahat ng kanilang mata ay nakatuon lamang sa mag-ama. Hindi agad nakasagot si Darwin, sa tanong ni Kathy, tikom ang bibig nito habang nakatingin sa malayo.
"Kaya ba~ kahit anong gawin ko, hindi ko maramdaman ang pagiging ama mo, dahil hindi talaga ikaw ang totoo kong ama?" Nakita ng lahat kung paano dumaloy ang luha ni Kathy sa kaniyang mga namumulang pisngi. Hindi na nito napigilan pa ang kanyang emosyon.
"Tigilan mo ako sa mga kadramahan mo Kathy. Ang totoo niyan, isinusuka talaga kita dahil nagmula ka sa tarantadong lalaking iyon!"
"Napakasama mo! Sana~ sana noon pa pinatay mo na lang ako!" Gustung-gusto ng saktan ni Kathy ang tinuring niyang ama ngunit nagawa niyang pigilan ang sarili. Agad namang sumabat si Darwin, "Marahil ito na ang araw na pinakahihintay ko, alam ko kahit wala ka rito naririnig mo ako, kaya Miggy, demonyo ka! Ito ang mainam na parusa sa lahat ng kahayupang ginawa mo!" Hanggang sa ikinagulat na lang ng lahat ang sumunod na ginawa ni Darwin, mabilis niyang naagaw sa kamay Caleb ang hawak nitong baril kahit pa nga nakaposas ang mga kamay niya at hindi nagdalawang-isip na itinutok kay Kathy kasunod ang pagkalabit sa gatilyo ng baril.
Bang!!!
Umalingaw-ngaw sa paligid ang ingay mula sa dalawang sunod na putok ng baril.
***
Czarina Joy Javier Point of view.
Ang galit ko sana para sa babaing ito ay biglang naglaho, para bang isa naunawaan ng isip ko na tulad ko'y biktima rin siya ng pagkakamali ng iba. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang kahangalang ginawa ko.
Bang!!!
Ang ingay na iyon ang naghudyat para kusang gumalaw ang mga paa ko.
"Czarina!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Si Caleb? Tiyak magagalit iyon dahil sa kahangalang ginawa ko. Naramdaman ko ang pagsalo ni Kathy sa akin pagkatapos ay bumagsak kami pareho. Nasundan ito ng mga tunog ng barilan na hindi ko na alam kung sino ang matapos niyon ay biglang may nanakit sa bahagi ng likod ko, sinubukan kong himasin ang biglaang paninikip ng dibdib ko, pero nang tignan ko ang aking palad, may bahid na ito ng dugo. Hanggang sa bigla na lamang sumulpot sa harapan ko ang lumuluhang si Caleb. Kinuha niya ako mula sa pagkakasalo sa akin ni Kathy at ikinulong sa mga bisig niya, "Czarina!, Bakit! Bakit mo iyon ginawa! Please! Please! Magpakatatag ka, huwag kang bibitiw," hagulgol pa niya.
Naramdaman ko pa ang pagpatak ng luha niya sa pisngi ko. Marami pa akong gustong sabihin sa kaniya, pero paano? Lalo na ngayon nahihirapan na akong magsalita. "C-caleb~ S-sorry~"
Naiinis ako dahil hindi ko masabi sa kaniya na mahal ko siya. Diyos ko, kung parusa mo sa akin ang mamatay nang hindi niya nalalaman ang nararamdaman ko ay tatanggapin ko, pero maari bang kahit sandali ay pagbigyan mo ako, gusto ko lang marinig niya sa huling pagkakataon na iniibig ko siya bago man lang ako mawala sa mundong ito subalit mukhang huli na ang lahat~
End of her Point of view
***
Halos hindi na mapakali si Miggy, nang makarinig mula sa kabilang linya ng mga sunod-sunod na putok, "Montaro! Anong nangyayare? Sabihin mo!"
"Hoy! Magpapakamatay ka ba!" sigaw ng isang driver sa kaniya kasunod ang malalakas na pagbusina nito. Nag-over take kasi siya rito pero hindi na niya ito pinansin pa.
"Montaro magsalita ka!"
Dinig ni Montaro ang malakas na boses ni Miggy mula sa kabilang linya ngunit hindi niya ito pinansin. Sa halip ay mas nakatuon siya sa ilang mga tauhan na kasama ni Caleb.
"Sir... Director Aguirre is dead," pagbabalita ni Arthuro mula sa kaniyang radyo. Ang grupo pala nila ang bumaril kay Darwin matapos ang ginawa nito kina Czarina at Kathy.
"How about Czarina?" Sa halip na makarinig nang sagot ay nanahimik na lamang si Arthuro, kahit siya ay hindi magawang magbigay ng kaniyang opinyon mula sa kaniyang mga nasaksihan. Ang pananahimik niyang iyon ay tila binahiran ng isang nakakalungkot na pangyayari.
***
Halos tulalang nakatitig lang si Kathy habang nasasaksihan niya ang makabasag-pusong eksena sa pagitan nina Caleb at nang nakahandusay na si Czarina. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Czarina sa kaniya, ang saluhin ang bala na para sana sa kaniya. Nahihibang na nga talaga si Czarina dahil sa ginawa nito, pero hindi niya maalis sa isip niya na kasalanan niya ang lahat. Siya dapat ang nasa ganoong sitwasyon dahil nararapat iyon sa kaniya at hindi si Czarina na sa simula't sapol ay biktima lang din naman ng sitwasyon.
Hindi na pumalag pa si Kathy nang iposas ni Arthuro ang mga kamay niya, ganoon din ang mga tauhan ng nakasunod sa kaniya. Naluluha siyang tumingin kay Caleb, at pabulong na kinausap ito, "Hi-hindi ko sinasadya~ pa-patawarin mo ako Agent Zembrano." Subalit hindi na siya alintana ni Caleb, panay lang ang hagulgol nito habang yapos-yapos ang babaeng pinakamamahal niya.
***
Makalipas ang isang buwan.
Idineklara sa hukuman na guilty si Colonel kathy sa kasong kinahaharapan niya. At ngayon ay kasalukyan nang nakakulong. Nagpatuloy naman sa serbisyo sina Caleb at ang ilang nakasama nila sa kanilang operasyon. Habang na-promote naman ni Pangulo si Chief Julio Montaro mula sa pagiging head ng CRID at Section Chief ng NBI, ito ay naging general Director na nang nasabing departamento, matapos niyang matukoy ang lider ng kinakatakutang sindikato sa bansa. Tuluyan na ngang mabubura sa listahan ang malaking sindikato na umiiral sa pilipinas, ang 'Two Headed Snake Syndicate'.
"Ms. Yllana, ako ang abogado ng Family Javier. And I am here to say na ikaw na ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng mga Javier."
"Ha! Pero papaano mangyayare iyon? Hindi naman ako isang Javier?"
"Ang pamilya Javier ay may kakaibang paraan kung paano makakamkam ang mga kayamanan nila. Ang paraang ito ay nagsimula pa sa mga sinaunang miyembro ng kanilang pamilya. Natatandaan mo ang bidyo ni Czarina kung saan ikaw ang sinasabi niyang pagbabagsakan ng perang maiiwan nila? Pati ang seal na ibinigay niya sa iyo noong ikaw ay nasa hospital pa?" Tumango sa kaniya si Yllana, gulat pa rin ito sa mga rebelasyon ng abugadong kausap niya.
"Well, that's a big help para ipasa sa pangalan mo ang bilyon-bilyon nilang kayamanan. These include their hotel and restaurants all over the Philippines at ang mga share stock nila sa ilang kumpanya." Halos malula si Yllana sa mga pinagsasabi nito sa kaniya kaya pinigilan na niya ito sa pagsasalita, "T-teka, wala akong alam sa mga ganyang pagpapatakbo. Promise! Kaya huwag na lang ho..."
"Don't worry, we'll help you to do that. Hindi ka namin pababayaan."
Gusto sana ni Yllana na huwag nang tanggapin ang inaalok nito sa kaniya ngunit sa tuwing aalalahanin niya ang bidyong ibinigay sa kaniya ni Czarina nang minsang bumisita ito sa kaniya sa hospital bago pa man tuluyang sumabak sa huling misyon, ay madalas talaga siyang usigin ng kaniyang konsensiya.
"Hi Yllana, its me Rina, I know, nagulat ka. When you found out na ako si Czarina Joy Javier. I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sayo. Hindi ko lang kasi alam kung paano. By the way, salamat. You have been good to me, sa kabila nang pagsusungit ko sayo. Thank you, dahil isa ka sa mga nagpasaya sa mga nalalabing araw ko. Sound crazy right? Para ba akong nagpapaalam? Ha ha ha, actually, Yes, I am here to say good bye." Bakas sa bidyo ang biglaang pagtamlay ni Czarina, ngunit nagpatuloy pa rin ito sa kaniyang mga sinasabi. "Malakas ang pakiramdam ko na ito na ang huling beses na makakausap mo ako. I just want to say na, ikaw ang napili ko para mamahala sa kayamanan namin. I am hoping na hindi mo ako bibiguin, ikaw na rin ang bahala sa mga foundation nina Mom and Dad. Gamitin n'yo ito ni Caleb para makatulong sa iba. Sayo ko ipinagkakatiwala ang seal ng pamilya namin, here, just take it, Ikaw na ang bahala. Pakisabi rin sa kuya mo na... Mahal ko siya, mahal na mahal." Nag-iwan nang malungkot na ngiti si Czarina bago pa man matapos ang bidyo.
Ilang beses na itong pinapanood ni Yllana, pero hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na iniwan sa kaniya ni Czarina ang lahat-lahat. Maya-maya'y may kumatok sa kaniyang silid.
"Pasok."
Bumungad sa kaniya si Arthuro bitbit ang isang bugkos ng pulang rosas, kasunod niya si Caleb na may dala namang mga prutas.
"Nakasalubong ko na naman 'yong abogado kanina sa ibaba. Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong sa kaniya ni Caleb.
"Kuya... Baka hindi ko mapangalagaan ang pinagkatiwala ni ate Czarina. Natatakot akong mabigo ko siya." Umupo si Caleb sa hospital bed na kinapupwestuhan ng kapatid.
"May tiwala si Czarina sa'yo kaya sayo niya iyan iniwan. Malaki ang tiwala niya sa'yo bunso." Sinapo ni Caleb ang ulo ng kapatid at hinagkan ito para maibsan ang kaba nito kahit papaano.
"Ang drama nyong magkapatid, dapat magsaya tayo dahil bukas na bukas ay makakalabas na ng hospital si Yllana at bukas na rin, ipoproklama na siya na ang tagapagmana ng Javier's Wealth." Nagkatinginan na lamang sina Caleb at Yllana. May bahagi sa puso nila ang nangungulila pa rin sa iisang tao.
"Teka, di ba kuya. May tiyuhin pa si Ate Czarina? Nasaan na nga pala siya?"
Nagkatinginan pa muna sina Caleb at Arthuro bago nakapagpaliwanag si Caleb, "Wala nang nakakita pa sa kaniya noong araw na iyon. Bigla siyang naglaho, walang nakakaalam kung buhay pa ba siya. Hindi na rin namin siya ma-trace kahit saan. Ewan hindi rin namin alam kung ano na ang nangyare sa kaniya."
Paliwanag na nag-iwan pa rin sa kanila nang malaking katanungan, nasaan na nga kaya ngayon si Miggy Javier?
***
Sa parehong araw din na iyon.
Ibinaba ni Caleb ang hawak niyang tatlong puting rosas sa isang lapida na nasa harapan niya.
In memories of
Ms. Czarina Joy Javier.
Born: October 02, 1999
Died: July 24, 2024
"Czarina, patawarin mo ako kung hindi kita nailigtas noong araw na iyon. Alam ng Diyos kung gaano kita kagustong mabuhay... Pero, siguro hanggang dito na lang talaga ang kwento nating dalawa. Kung bibigyan ako nang pagkakataon para iligtas ka, ako mismo ang sasalo ng mga balang tumama sayo. Alam kong masaya ka na ngayon kasama ang pamilya mo. Salamat sa lahat... Mami-miss kita Czarina. Mahal na mahal kita at kahit wala ka na ngayon, mananatili ka pa rin dito sa puso ko." Ito ang munting bulong ng isipan na Caleb habang nakatitig sa itim na lapida ni Czarina. Sinulyapan din niya ang ilang lapida kung saan nakahimlay din ang mga kamag-anak ng dalaga. At ang bawat isa ay may nakalapag na isang puting rosas.
~Wakas~
Revencher written by Ms. Yhin2x
All right reserved © 2014
[Alternative ending on the next page]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com