The Finale (editing)
"Subukan mo pang humakbang Agent Caleb, at hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ang bungo mo." Walang nagawa si Caleb, kundi huminto at itaas ang dalawang kamay.
"Iharap mo ang sarili mo nang dahan-dahan Agent Zembrano." Iyon nga ang ginawa ng binata, "Ganyan nga," dagdag-komento ni Kathy.
"Nagkakamali ka ng kinakampihan mo Colonel Kathy. Huwag kang magpadala sa kasamaan ng daddy mo. Alam ko, mabuti ang hangarin ng puso mo," pilit na suyo ni Caleb sa dalaga pero nagmatigas lang ito sa kaniya.
"May dahilan ako kung bakit ko ito ginagawa Agent Zembrano, at lahat gagawin ko para makuha ko ang kapalit ng mga ito. Kaya hindi mo ako mapipigilan kahit ano pang sabihin mo! Hindi mo alam ang mga pinaglalaban ko," bulyaw nito sa kaniya.
Lingid sa kaalaman ng dalawa, may isang police pala nila ang nakakita sa kanila. Agad itong kumaripas sa pagtakbo papasok sa headquarters upang sabihin sa mga opisyales ang mga nakita niya.
***
Lumabas ng interrogation room si Chief Montaro, tukoy na nila kung sino talaga ang pinuno ng sindikatong matagal na nilang gustong buwagin. Ngunit hindi siya makapaniwala at hindi niya lubos maisip na si Director Darwin Aguirre pala ang nasa likod ng lahat. Nakasunod sa kaniyang paglalakad ang ilang heneral nang may sumalubong sa kanila. "Chief, may kaguluhan pong nangyayari sa parking lot! Si Colonel Kathy at Agent Zembrano ho!" wika ng lalaki kasunod ang paghingal nito bunga ng kaniyang pagmamadali. Kumunot naman ang noo ni Montaro wala siyang anumang ideya sa kung anuman ang kaganapan sa labas.
Mabilis nilang tinungo ang lugar kung nasaan ang dalawa. Hanggang sa maabutan nila ang mga ito na nakikipagbuno sa isa't isa at walang nais magpatalo sa kanila. May mga nabasag na nga silang bintana ng mga sasakyan na nakaparada roon.
"Anong kaguluhan ito?" paninindak na pigil ni Chief Montaro sa mga ito. Dito na nawalan sa konsentrasyon si Kathy kaya agad siyang naikulong ni Caleb sa mga braso niya at hindi na nagawang makagalaw pa.
"Sir... May ebidensiya ako na magsasabing magkasabwat sila ni Director Aguirre." Nanlaki ang mga mata ni Montaro nang marinig iyon. Awtomatiko namang naitutok ng mga kasamahan nilang pulis ang mga baril nila kay Colonel Kathy matapos nilang marinig na may sabwatang nangyayari sa pagitan ninA Colonel Kathy at ni Director Aguirre.
"Sige na Caleb, bitawan mo na siya." Dahan-dahan nga siyang binitawan ni Caleb, inis at pagkayamot naman ang mababanaag sa mukha ni Kathy.
Tumingin nang diretso si Montaro sa dalaga, "Totoo ba ang sinasabi ni Caleb? May koneksyon ka nga ba kay Darwin Aguirre?" Ngunit sa halip na sumagot ay inilahad na lamang ni Kathy ang dalawang kamay at nagpapaposas na lamang kaysa sabihin ang mga nalalaman niya. Si Caleb na ang nagposas sa mga kamay niya.
"I can't believe it..." dismayadong pahayag ni Montaro. Napapailing na lamang siya habang pinapanood niya si Kathy na ipinapasok pabalik sa headquarters, hindi bilang isa sa mga ginagalang at nirerespeto na officer kundi bilang isang kalaban na ngayon ng batas.
Lumapit si Caleb kay Montaro at may iniabot, "Dito nakalagay ang ebidensiya ko, nagkita sila ni Director Aguirre kanina. At isa pa—" Napatungo si Caleb, hindi niya alam kung paano sasabihin sa Chief ang mas matindi pa niyang natuklasan, "Chief, alam n'yo ho bang ama ni Colonel Kathy si Director Aguirre?"
Ang mga rebelasyong iyon ang mas lalong nagpakumpirma sa mga hinala ni Montaro patungkol kay Kathy.
***
...Confidential Room
Pinayagan ni Chief Montaro na mapasama sa kanilang meeting sina Miggy Javier at ang pamangkin nitong si Czarina. Kasama rin sa meeting na iyon si Arthuro, ilang representative ng PDEA at PNP na tutulong sa misyon nila.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na anak pala ni Darwin si Kathy. Yes, I know, Darwin has a daughter but as far as I know, she died very long ago. All this time pala, fake information lang ang hawak natin mula kay Darwin. And about Kathy naman, I remember what she had said before. She's an orphan, and based pa sa background check and history niya, namatay sa aksidente ang magulang at mga kapatid niya. Papaano nila nadaya ang mga importanteng impormasyon tulad ng mga iyon?" pagtataka ni Montaro bilang pasimula sa kanilang meeting.
Napapangisi naman si Miggy, "Same as what I've told you before, that's what a money can do. Ipapasok ba naman ni Darwin ang anak niya rito nang hindi pa niya nabubura ang mga impormasyong magkokonekta sa kanilang dalawa. At saka, parte na ng plano ng two headed snake na maipasok si Kathy sa loob ng pulisya upang magkaroon sila ng mata, tenga, galamay at kapangyarihan sa loob. On that part, Kathy really did a great job, hindi ko na nga mabilang sa mga daliri ko ang mga cases na nagawa niyang takpan, mga kasong binaliktad niya just to win her dad's favor."
Nanatili tikom ang bibig nina Caleb, Czarina at ng iba pa. Tanging sina Miggy at Montaro lamang ang nagpapalitan ng diskusyon sa close-door meeting na iyon.
"Caleb, let's begin," seyales ni Montaro.
"Okay."
Tumayo si Caleb at nagsimulang maglakad sa unahan. May malaking white screen sa likod niya at doon niya ipapakita ang lahat ng mga impormasyong hawak nila. "We all know about him," panimula niya. Lumabas sa screen ang larawan ni Darwin, "We were all inspired by his life. We respected him for all he has done in this job but all of these were just a mask from who really he is. Unfortunately, recently, nalaman namin na siya pala ang tumatayong lider ng two-headed-snake." Makikita sa screen ang iba't ibang kuha ng mga tauhan ng sindikatong two headed snake syndicate, mula sa mga mababa nitong miyembro hanggang sa mga big bosses na ngayon nga'y malalamig ng bangkay.
"Nakakalungkot man, pero si Colonel Kathy-- na anak niya, ang lumalabas na kasabwat niya para pagtakpan ang pagkatao niya at iligaw tayo sa totoong imbestigasyon." Pinakita rin ni Caleb ang larawan ni Kathy. Gulat na gulat naman ang ilang mga naroroon na hindi pa nakakaalam tungkol sa impormasyong iyon lalo na si Czarina.
"Ha? Papaanong sila naging mag-ama?" pagtataka ni Arthuro.
"Parang napakaimposible ng bagay na iyon, ilang taon na rin nating nakakasama si Colonel Kathy at ganoon din si Director Aguirre, pero ni minsan hindi natin sila nakitang close sa isa't isa," anang naman ng isa sa kanila.
"Sa ngayon, hindi pa rin klaro ang tungkol sa kanilang dalawa pero nasa kustodiya natin si Colonel Kathy for more further investigation. Mayroon akong ebidensiya na magpapatunay na nagkikita nga ang dalawa." Pinakita ni Caleb ang bidyong nakuhanan niya, makikita sa video ang pag-park ni Kathy sa kaniyang sasakyan sa tapat ng isang bahay, pumasok ito. Nai-fast forward ni Caleb ang video, makikita rin sa bidyo ang paglabas ni Kathy, umalis ito sakay ng kaniyang sasakyan. Nai-fast forward ulit ang bidyo pagkatapos ng dalawang minuto, sunod na lumabas ng bahay si Darwin, at dito na rin nai-pause ni Caleb ang bidyo. "Bago makuha ang bidyo na ito, we already released a warrant of arrest kay Darwin, Kathy knew about it, but still, she didn't do any action para mahuli si Darwin. At siya rin mismo ang nagsabi sa akin kung ano ang koneksyon niya kay Darwin. Sinabi niya ang lahat noong nasa parking lot kami."
"So, what should we do next?" tanong ng representante ng PDEA.
"Good question! Lets proceed sa susunod nating gagawin. Ang dahilan kung bakit nandito tayo. Si Chief Montaro na ang magpapaliwanag ng mga bagay na iyan."
"Thank you Agent Zembrano. Listen everyone, huhulihin natin si Director Darwin Aguirre bago pa siya makatakas palabas ng bansa. We're more than sure na aalis siya ng bansa para takasan ang lahat ng ginawa niya rito. At may kakayahan siyang gawin iyon lalo na't marami siyang connection."
"Pero naniniwala akong hindi niya hahayaang maiwan ang anak niya rito sa pinas lalo na't alam na natin ang sikreto nilang mag-ama. He will do anything para makuha sa side natin si Kathy," komento naman ng representante ng PNP.
"Naisip na rin namin iyan ni Caleb, hindi naman pwedeng hintayin natin si Darwin ang kumuha sa anak niya. Dahil maniwala kayo, hindi ganoon kumilos at mag-isip ang lalaking iyon. Ganito ang gagawin natin, we will still do the search and arrest operation sa lahat ng lugar na maaring puntahan niya, ipapasama din natin sa block list si Darwin sa lahat ng Airport at mga pwedeng daanan palabas ng bansa. Kasama roon ang monitoring sa lahat ng mga eroplano't barkong lalabas ng bansa. Arthuro ikaw na ang bahala roon, ikaw ang inaasahan ko sa bagay na iyan." Tumango sa kaniya si Arthuro.
Ipinagpatuloy ni Montaro ang pagsasalita, " Dito papasok ang magiging problema natin. As of now, we don't have any specific kung saan natin sisimulang hanapin ang former director." Nagsimulang balutin ang grupo ng pangamba. Sino ba naman ang hindi mangangamba? Sa lawak ng pilipinas at sa dami ng mga exit point nito, imposibleng mahanap agad nila ang lugar kung saan naroon ang target nila. Ni hindi nga nila alam kung saan mag-uumpisa. Nananaig sa kalagitnaan nila ang nakakabinging katahimikan hanggang sa binasag ito ni Miggy, itinaas nito ang kanang kamay niya.
"Is this meeting open for our suggestion?" He asked as a smile quickly peeped on his face. Kaya naman, halos lahat ng mga matang nandoon ay napatingin sa kaniya maliban kay Czarina na bahadyang nangiti pa.
"Of course, Mr. Javier. Kagaya ng mga nabanggit ko sayo kanina, you and your niece are now part of this team," paliwanag ni Montaro.
"Thank you. Okay, here is my suggestion, why don't we let Kathy lead us to his own father?"
"Mukhang malabo ang gusto ninyo Mr. Javier. Dahil mismong si Colonel Kathy na ang nagsabi, wala tayong mapapala sa kaniya, na hindi niya sasabihin sa atin ang lahat ng kaniyang mga nalalaman or kung nasaang lupalop pa man ang tatay niya."
"Tss, tss, tss, munting agent! Masyado mo naman hinuhusgahan at minamaliit ang suggestion ko. Again, I said... let kathy lead us to his own father. How?" Tumingin siya bawat isang naroroon, nagbabakasakaling may naka-gets sa gusto niyang sabihin, pero wala ni isa. Puro pagtatanong lang ang impresyon ng mga mukha nito sa kaniya. Maliban ulit kay Czarina na ngayon ay nangingiti-ngiti na. Tila, nakuha niya agad ang nais sabihin ng uncle niya, well, mukhang siya lang ang nakakuha sa plano ng uncle niya.
"Simple lang, patatakasin natin si Kathy at hindi ipapaalam na sadya iyon. Babawasan natin ang magbabantay sa kaniya para lang makasiguradong makakatakas siya. Then, I do believe na kapag nakatakas na siya, isang tao lang ang pupuntahan niya."
This time si Czarina naman ang nagsalita, "Walang iba kundi kay Darwin. Sa mismo niyang ama!" seryosong niyang banggit habang nilalaro sa kanang kamay niya ang isang bolpen.
"Patatakasin?! Paano kapag hindi natin masundan si Colonel Kathy, o di kaya, taliwas ang mga teyorya ninyo sa gagawin niya. Baka magkamali tayo, baka parehas pa silang makatakas! Paano kayo nakakasiguro na ganoon nga ang gagawin ni Kathy? Baka matalo tayo! Mababalewala ang lahat ng mga naumpisahan natin sa kasong ito." pangambang saad ng isa sa kanila.
"Ano bang ginagawa ng modern technology? Natatawa ako sa inyo, hindi ba kayo updated sa mga new invention ngayon? At saka, ang mga pulis lang naman ang natatakasan at hindi kami," pangaasar pa ni Miggy.
"Okay, Mr Javier. Ano ba talaga ang plano ninyo?" Finally, one of them asked. Sumenyas naman si Miggy bago panandaliang umalis, "Gimme one second!" Lumabas ito kasunod si Czarina at sa pagbalik nila, bitbit na ni Czarina ang ilang bag. Inilapag ito ng dalaga sa malawak na table.
"This is LY N24 Rifle," Inilabas nito ang may kalakihang uri ng Sniper Rifle, kakaiba ang disenyo nito. Katunayan pa nga'y, ngayon lang ito nakita ni Chief Montaro sa personal. Yap, nakita na niya ito once, pero sa hidden site lang iyon ng mga police department and it was considered as one of the confidential files na meron ang gobyerno.
"Where did you get that?!" hulat na tanong ng ilan. Aware sila na, bibihira lang ang mga tao na maaring makahawak ng mga ganoong uri ng baril. Sa halip na sagutin ang tanong, nagpatuloy na lang si Miggy sa pagpapaliwanag ng mga plano nila.
"Through this, makakapaglagay tayo kay Kathy ng isang surveillance Chip that will help us to navigate where she is or where she'll be headed to. In short, ang bullet na gagamitin natin dito ay isang tracker. I'll be the one who will handle the whole monitoring, para maging mabilis ang mga kilos natin. Chief Montaro will be working with me." Humarap muna ito kay Chief, "Kung papayag siya." Sumang-ayon naman si Chief.
"Lemme handle the riffle," Caleb voluntarily himself pero hindi pumayag si Miggy.
"That's a big No! Let Czarina do it." Napatingin naman ang lahat kay Czarina na ngayon ay seryoso pa rin na nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. Nagkibit -balikat na lamang ang dalaga, sang-ayon siya sa sinabi ng Uncle niya.
"Paano kapag nalaman iyan ni Kathy?" pangamba ng isa sa kanila.
"Don't worry, it was designed to make someone moves unnoticeable. Walang maririnig o mararamdaman si Colonel Kathy, and it will only happen kung si Czarina ang gagawa. Gamay niya ang bagay na ito at sisiw lang ang paglalagay ng trackers sa anumang bahagi ng katawan ni Colonel Kathy."
"Well, if that is the case. Ipagkakatiwala na namin sayo ang kabuuan ng misyon na ito," sinserong sang-ayon ni Montaro sa mga planong nailatag ni Miggy.
"Wait, bakit ba natin ipinagkakatiwala sa kanila ang misyon natin? Paano kung lokohin lang nila tayo,sa pagkakatanda ko, magkakasabwat ang tatlong iyan sa mga operasyong ginawa nila, paano kung palabas lang nila ito para makatakas?" pahayag ng isa.
"Huwag kayong mag-alala, ipinapangako ko sa inyo, ito na ang pinakatamang desisyon na gagawin ninyo. Pagkatiwalaan n'yo kami dahil kagaya ninyo, pinaikot lang din nila kami." Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Miggy.
Mukha namang nakumbinsi niya ang lahat ng naroon kaya nagtagal pa ang meeting nila ng halos mga dalawang oras, nilalatag nila ng maayos ang mga hakbang na gagawin nila.
Matapos ang meeting, kinausap ni Czarina ang tiyuhin. "Uncle, maari ko bang makuha ang family seal natin?" bungad niyang tanong, sila na lamang ang natitira sa labas ng confidential room.
Gulat man ay hindi na rin nagmatigas pa si Miggy, ano naman mapapala niya kung itago pa niya ang seal. Total, mas karapatan ni Czarina na makuha ang daan-daang milyon kayaman nila. This time, balewala na kay Miggy ang kayaman at kapangyarihan. Ang nais na lang niya'y makabawi sa kapatid niyang si Miguel at sa buo niyang pamilya. Nais na niyang mamuhay ng tahimik sa malayung-malayo sa buhay niya noon. At hindi ito mabibigyan ng katuparan hangga't nabubuhay si Darwin, ang kaibigan niyang pinaikot at tinaraydor siya. Hanggang ngayon, iniisip pa rin niya kung bakit nagawa iyon ni Darwin sa kaniya. Hindi rin pumasok sa isip niya na ito pala ang misteryosong lider nila. Ibig sabihin, bago pa man siya pumasok sa sindikato ay matagal na pala itong kabilang doon. Una pa lang, niloloko na siya ng kaibigan, isa na lang ang gumugulo sa isipan niya, ano ang dahilan ni Darwin para gawin ito sa kaniya.
Hindi na nagdalawang isip si Miggy. Ibinigay niya ang seal sa pamangkin at pagkatapos ay iniwan na siya nito.
***
Pagkatapos...
Personal na kinausap ni Czarina sina Chief Montaro at Caleb. Nais niyang humingi ng pabor na kung maari, bago siya sumabak sa kaniyang huling misyon, makita niya at makausap man lang si Yllana na kasalukuyang nasa hospital. Pumayag naman ang mga ito, sumama si Caleb sa hospital para ihatid si Czarina. Muling nakita ni Czarina si Yllana, subalit hanggang ngayon ay nasa under trauma pa rin daw ito at hindi pa makapagsalita, tulala lang ito. Ito na rin ang huling kita ni Czarina sa tinuring na niyang kaibigan at nakababatang kapatid. Awang-awa siya rito matapos niyang makita ang kalunos-lunos na sinapit nito, muli siyang nagbitaw ng isang pangako, bibigyan niya ng hustisya ang ginawa nila kay Yllana.
Bago umalis ng hospital ay siniguro ng dalaga na pagkatapos nang misyon nila ni Caleb, magiging maayos at mas gaganda na ang buhay ni Yllana. May ipinangako at ibinigay siya rito na siguradong magpapabago sa buhay nito.
Samantala, pinuntahan ni Miggy si Kathy sa isang secured na silid, nagbabakasakaling may sabihin itong impormasyon sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito? Wala kang mapapala sa akin, tapos na ang serbisyo ko sayo."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Darwin ang may pakana ng lahat?" Hindi sumagot si Kathy. "Alam mo bang kamukha mo ang iyong ina, nakikita ko siya sayo." Dito na nakuha ni Miggy ang atensyon ni Kathy, "Nakita mo na siya?"
"Oo, minsan na kaming nagkasama."
"Itinatago siya sa akin ni Dad, hindi ko alam kung bakit pinaghihiwalay niya kami. Kung bakit, malayo ang loob sa akin ni Dad. He never treated me as his daugter."
"Magulo ang utak ng daddy mo, puno ng mga sikreto. Anuman ang dahilan niya, dadating ang araw na mauunawaan mo iyon. Masuwerte nga siya dahil nagkaroon pa siya ng anak, anak na katulad mo."
"Sana dumating ang panahon, ganyan din ang maging tingin sa akin ni Dad." Isang police officer ang lumapit sa kanila, "Tapos na ang oras ng pakikipag-usap mo sa kaniya Mr. Javier." Tumango siya sa rito at nagpaalam kay Kathy.
"Kathy, sana magbago pa ang isip mo. Makipagtulungan ka sa amin para mahuli ang dad mo."
"Malabo ho iyang sinasabi mo. Hindi ko pwedeng ilaglag si Dad lalo na ngayon, konting-konti na lang at sasabihin na niya sa akin kung saan niya---"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Kathy dahil mulinh umeksena sa kanila ang bantay na pulis, "Mr. Javier, inuulit ko, tapos na ho ang oras ninyo. Bumalik na kayo sa sarili ninyong kwarto." Walang nagawa si Miggy kundi ang sumunod.
Ang sumunod na araw...
Agad na sumaludo kay Caleb ang mga nagbabantay sa silid na kinaroroonan ni Kathy. Kasama niya ang ilang mga officer na magdadala kay Kathy sa Korte. Palalabasin niyang ngayon aarangkada ang kasong kanilang isinampa kay Kathy. Isa lamang ito sa mga napagplanuhan nila. "Dadalhin siya kay Judge Mendoza. At ito ang ibigay n'yo sa kaniya." May iniabot siyang mga papeles sa mga officer na kasama niya pagkatapos ay agad nang umalis si Caleb.
May apat na pulis ang nakatokang mag-convoy kay Kathy. Habang kasama naman ni Montaro si Miggy sa isang confidential security room, dito sa lugar na ito, mino-monitor ang lahat ng mga aktibidades na may kinalaman sa mga modernong teknolohiya,katulad na nga ang mga cctv sa buong lugar.
"How sure na, masusunod ang lahat ng mga plano mo?" pagdududa ni Montaro.
"Trust me, Mr. Montaro. Hindi naman kami magtatagumpay ng pamangkin ko sa mga nakaraang misyon namin kung hindi planado at organisado ang mga hakbang na ginagawa namin. So trust me, umaayon ang lahat sa napag-usapang plano."
Walang nagawa si Montaro kundi ang magtiwala sa ginagawa ni Miggy. "Teka nasaan pala si Czarina?"
Bago nakasagot ay napangisi muna si Miggy, sinimulan na niyang i-on ang ang earpiece niya. May kinalikot sa mga control buttons na nasa harapan niya at may tila pinag-aaralan pa sa malaking monitor na nasa harapan nila. At mula sa kabilang linya, naghihintay naman si Czarina ng mga senyales niya. Nasa rooftop ng building na iyon si Czarina, naghihintay ng tamang oras kung kelan sisimulan ang kaniyang trabaho. Mag-isa lang siya roon, abala sa pag-asemble ng baril na gagamitin niya.
"Czarina, what is your status?" tanong ni Miggy sa pamangkin.
"Give me more minutes Uncle."
"Okay."
Bigla namang nag-ring ang phone ni Montaro, nasa kabilang linya niya si Caleb. "Chief, 15 minutes bago mailabas ng selda si Kathy," deklara nito. "Okay, let us do the rest."
Mas naging kapana-panabik sa kanila ang mga sumunod na nangyare. Nakaposas ang mga kamay ni Kathy, nasa unahan niya ang dalawang bagitong pulis at dalawa naman sa likuran niya. Narating ng lima ang harapan ng headquartes, without knowing na naghahanda at nag-iisip na pala si Kathy kung paano makakatakas. Mula sa naikubli niyang hairpin, nagawa niyang tanggalin ang pagkakaposas sa kaniya. Naghintay pa siya ng tamang tyempo hanggang sa matuntong ang mga paa niya sa labas kung saan tanaw niya ang maaring maging exit point niya.
Tinungo nila ang sasakyan na maghahatid di umano sa kanila sa isang judge. Samantala, nakahanda na rin si Czarina habang nasa tuktok siya ng isa sa mga building na naroon. Kung saan, malaya niyang nakikita ang mga kaganapan sa ibaba sa pamamagitan ng telescope ng baril na minamaniobra niya.
"Not yet..." paalala ni Miggy sa kaniya.
"I know," iritable niyang tugon. Para kay Czarina, she doesn't need reminders dahil alam naman niya ang ginagawa niya. Alam niya kung kelan siya dapat kumilos. Hanggang sa makita na niya sa telescope ng riffle niya sina Kathy at ang apat na pulis na kasama nito. Nakikita rin nina Miggy ang mga kaganapan sa labas ng headquarters sa pamamagitan ng iba't ibang anggulo ng mga cctv.
"Natanggal na niya ang posas sa mga kamay niya," puna ni Czarina nang makita mula sa riffle niya ang mga kamay nitong nagpapanggap na lamang na nakaposas. Hindi ito pansin ng apat na naghahatid sa kaniya. At ayon sa teyorya ni Miggy, sinisimulan na ni Kathy ang pag-iisip kung paano siya makakatakas mula sa mga bantay niya.
Nagulat na lamang ang apat na bagitong pulis sa mabilis na paggalaw ni Kathy. Bigla kasi silang inatake nito at isa-isang napatumba. Mabilis na nakuha ni Kathy ang susi ng sasakyang gagamitin sana sa paghatid sa kaniya. Nakuha rin nito ang isa sa mga baril ng isa sa mga pulis, pinagbabaril niya sa mga binti ang apat, hindi na nakapalag pa ang mga ito sa ginawa niya dahil na rin sa pagkabigla. Wala kaalam-alam ang mga ito sa plano nina Chief Montaro na sadyang patatakasin si Colonel Kathy.
"Bakit hindi pa ginagawa ni Czarina? Baka makatakas si Colonel Kathy nang hindi natin nailalagay sa kaniya ang dapat mailagay sa kaniya," muling pangamba ni Montaro habang tutok na tutok sila sa monitor.
"Mr. Montaro, hayaan mong gawin namin ang aming trabaho at hahayaan ka namin gawin ang sarili mong mga plano. Let Czarina do her job carefully, hindi lahat minamadali, there is always a right timing." Wala nang nagawa pa si Montaro kundi ang maghintay.
Agad na binuksan ni Kathy ang sasakyan na gagamitin sana nila, habang si Czarina naman ay hinihintay na lamang ng tamang tyempo. Napangiti siya, simbolo na dumating na ang tamang pagkakataon, kaya bago pa man tuluyang makasakay si Kathy, agad niyang kinalabit ang gatilyo sa hawak niyang baril. Mabilis na tumama at nakakapit ang maliit na tracker chips sa nakapusod na buhok ni Kathy, hindi man lang ito naramdaman ng dalaga dahil abala ang mga senses niya sa pagtakas. Sumabay din ang pagdait ng tracker sa vibrate nang isara ni Colonel Kathy ang pintuan ng sasakyan. Agad na pinaandar ng dalaga ang sasakyan at nilisan ang lugar. Huli na nang dumating ang mga back-ups na paniwalang-paniwala na nakatakas nga si Colonel Kathy. Sinubukan pa nilang habulin si Kathy ngunit nakatanggap sila ng utos na huwag na.
Agad namang sinimulan ni Miggy ang pagbasa sa data na nakukuha nila mula sa tracker chip na ngayon nga'y matagumpay nang naka-equipped kay Kathy nang hindi man lamang nito namamalayan.
***
Samantala...
Sa sobrang bilis ni Kathy magpatakbo, agad siyang nakalayo sa lugar. Nang mapansin hindi na nakasusunod sa kaniya ang mga pulis ay bumalik siya sa main road at agad na naghanap ng mga bagay na makakakontak sa kaniyang ama. Natanaw niya sa gilid ng kalsada ang isang tumpok ng estudyante na naglalakad. Inihinto niya ang sasakyan sa harap ng mga ito. Hindi siya nagdalawang-isip na tutukan ang mga ito ng baril, "Subukan ninyong tumakbo, kundi babasagin ko ang bungo ng isa sa inyo!" banta niya. Halos maihi naman sa takot ang mga kaawa-awang estudyante na hindi lalagpas ng tatlo.
"Give me that phone!" utos niya sa isang babae. Natataranta namang ibinigay ng babae ang phone niya. Pagkatapos niyon, muling pinahaharurot ni Kathy ang sasakyan. Agad niyang tinatawagan ang daddy niya, "I am on my way!" aniya.
"You only have two hours to get here."
"Okay!" Pagkatapos ay agad niyang inihagis sa labas ng bintana ang ginamit na cellphone at mas pinabilis pa ang pagpapatakbo sa sinasakyan. Lumingon muna siya at nang wala siyang makitang bakas ng mga pulis na sumusunod sa kaniya ay napangisi na lamang siya sa pag-aakalang matagumpay niyang natakasan ang mga kapwa niya pulis.
***
Mabilis na pagkilos ang ginawa ng mga kasama ni Caleb para sa kanilang misyon. Hindi sila nagsayang ng oras, inihanda agad nila ang mga sarili at ang mga kagamitan na dadalhin. Kasama nina Caleb sa paghahanda ang grupo ng PDEA at ng mga PNP, ganoon din si Czarina. Matapos nang ginawa ni Czarina sa rooftop, wala siyang sinayang na oras at agad na naghanda.
Naging abala si Miggy sa pag-locate sa kasalukuyang lokasyon ni Kathy, nagsimula naman si Chief Montaro na ipaliwanag sa mga tauhan niya ang mga dapat gawin. May kasunduan sila ni Miggy na tanging si Miggy lang ang makikipag-usap kay Czarina, at hindi magbibigay ng personal na utos si Miggy sa mga mismong tauhan ni Montaro. Ang mga pagbabasehan ni Chief Montaro para mapakilos ang mga tauhan niya ay base sa mga ikikilos nina Miggy at Czarina.
"Bingo!" Ilang saglit lang ay nalaman na nga ni Miggy ang current location ni Kathy. Kasalukuyan itong bumabaybay NLEX, palabas ng maynila.
"Ano pa ba ang hinihintay natin? Ipapasunod ko na ang mga tauhan ko sa kaniya," agresibong wika ni Montaro.
"Not yet Montaro, katulad ng sinabi ko kanina, wait for the right time. Kung pasusundan agad natin si Kathy, siguradong mahahalata lang niya ito, baka sa halip na dalhin niya tayo kay Darwin ay iligaw pa niya tayo. We need to wait, until the perfect timing finally comes, kung ayaw mong masira ang mga plano natin."
Wala na naman nagawa si Montaro kundi ang makinig kay Miggy. Walang duda,, matalino talaga si Miggy pagdating sa mga estratehiya at mas sanay ito sa mga ganoong galawan. At sa mga pagkakataong ito, ang tanging magagawa lang ni Montaro ay ipagkatiwala ang kanilang misyon sa plano nang magtiyuhin.
***
Pagkatapos nang halos isa't kalahating oras, sa wakas ay tumigil din sa isang lokasyon ang tracker na binabantayan nina Miggy. Dito na nagpasya si Montaro na pakilusin na ang mga tauhan niya. Dali-dali niyang iniutos sa mga ito na puntahan ang lugar na itinuturo ng kanilang tracker.
"Chief, Hindi ko pa nakikita si Czarina," puna ni Caleb. Kasalukuyan nang sumasakay sa kaniya-kaniyang vehicle ang mga kapulisan na kasama sa kanilang misyon.. Narinig naman ito ni Miggy kaya ito na ang sumagot," May dinaanan lang siya but she's on her way, don't worry."
"Teka, wala naman sa napag-usapan natin iyan ah!" saad ni Caleb.
"Actually, Czarina, doesn't want to work with anyone except me. In short ayaw niya nang may sagabal. So, in this case, pabayaan na natin siya at walang magiging problema."
Wala nang nagawa si Caleb kundi ang umalis nang may bahid ng pagkayamot. Nais niya sanang mamonitor sa lahat ng oras ang presensiya ni Czarina habang nasa misyon nila.
"I know this place, I've been here before, bakit ba hindi ko naisip na nariyan sila?" biglang komento ni Miggy matapos makita ang datus ng buong lugar.
"Anong meron sa lugar na iyan?" tanong ni Montaro.
"This was the first hideout ng Two headed snake, but we decided to abandon this plantation because we found out that there was someone investigating the place."
"So alam mo ang mga pasikut-sikot diyan?"
"Not really, once lang ako nakapunta riyan. But don't worry, dahil gagamitin ko ang satellite system ko sa misyong ito." Pagkatapos ay agad na sinimulan ni Miggy ikonekta ang system ng satellite account niya. And everything comes out according sa kaniyang mga inaasahan. "Kung tama ang hinala ko at kung hindi ako nagkakamali, may hellipad sa lugar na iyan. Malaki ang posibilidad na gagamit si Darwin ng helicopter patungo sa isa pang lugar para makalabas ng bansa. Kailangan natin silang mapigilan, bago pa mahuli ang lahat," pangambang wika ni Miggy.
"May alam ka bang kung saan ang lugar na iyon?"
"Heto, nakikita mo ba ang isla na iyan. Sa pagkakaalam ko, diyan noon nagaganap ang mga milagro ng two headed snake, pero katulad ng lugar na ito, inabanduna na rin namin iyan but who knows? Malaki ang posibilidad na gamitin ni Darwin ang lugar na iyan para tumakas."
"Don't worry, let me handle that island. Magpapadala ako ng mga tao ko roon."
"Great! But we have to make sure na mauuna ang mga tao mo kaysa sa mga tauhan ni Darwin, dahil kapag nagkataon. Malaya siyang makakaalis ng bansa."
***
Sa bilis na 90 km/h na pagpapatakbo ni Czarina sa motorsiklo na inihanda ng uncle niya sa kaniya, ay agad niyang narating ang lugar kung saan nakahimlay ang buo niyang pamilya. Nais niya sanang magpaalam muna sa mga ito bago sumabak sa huling misyon niya.
"Mom, Dad... Ginagawa ko ito dahil mahal ko kayo. I'm sorry, kung naging ganito ako, sana kapag nagkita-kita na tayo sa kabilang mundo-- mapatawad n'yo ako." Muling nangilid ang mga luha niya sa mga mata niya, this time kinuha niya ang maliit na botelya sa pocket niya. Ito ang gamot na pinapainom ni Miggy sa kaniya sa tuwing natatakot siya, kinakabahan o bago pa man niya simulan ang isang misyon, buong lakas niyang ibinato ito sa malayo, nakita pa niya kung paano nagkahiwa-hiwalay sa damuhan ang mga gamot nang ihagis niya ito. Gusto niyang nasa katinuan ang pag-iisip niya habang kinokompronta ang mga taong sumira sa buhay niya. Pagkatapos ay nai-kwintas niya ang pulang scarf na dala-dala niya, senyales na handa na nga siyang sumabak.
Maaaninag mula sa malayo ang magandang hubog ng katawan ni Czarina sa suot niyang black catsuit at pulang scarf sa leeg. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil maaring ito na ang huling beses na madadalaw niya ang himlayan ng buo niyang pamilya, malungkot pero masaya dahil alam niya na sa wakas, mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito. Walang kasiguraduhan kong makakaligtas siya sa misyong ito, pero isa ang sinisigurado niya, magbabayad ng malaki ang may pakana ng lahat ng ito.
Dahil sa kaisipang iyon, muling nanaig sa puso ni Czarina ang galit. All this time pinaglalaruan lang pala sila ng tunay na salarin. Hindi pa rin niya lubos maisip na kasa-kasama lang pala nila ang nagpapatay sa buo nilang pamilya. Nakikipagtulungan siya sa taong gusto niyang makitang nagmamakaawa sa kaniya habang pinapatay niya.
Muli niyang isinuot ang helmet at pinaandar ang kaniyang motorsiklo. Sa kalagitnaan ng muli niyang pagpapatakbo, nakaramdam siya bigla ng takot nang maalala si Caleb. Tanong niya rin iyon sa kaniyang sarili, bakit nga ba bigla siyang nakaramdam ng takot? Takot na baka hindi na sila magkita pa ni Caleb, na maaring ito na ang huling beses na makakasama niya ang binata. Paano kung isa sa kanila ang mapahamak? Ito ang mga gumugulo sa isipan ni Czarina. Aminin man niya o hindi, gusto niyang makita at makasama pa si Caleb, kaya naman mula roon ay humugot siya ng lakas ng loob at nagbitaw sa sarili ng isang pangako, kailangan niyang bumalik ng buhay para sa binata. Sa pagkakataong ito, tila nakahanap siya ng panibagong dahilan para ipagpatuloy ang buhay.
"Magkikita pa tayo Caleb, pangako..." bulong niya. Pinanindigan din niya na wala siyang balak mamatay sa huling misyon na ito, Kaya naman mas pinaharurot pa niya ang motorsiklo patungo sa target location nila kung saan papunta na rin ang grupo nina Caleb doon.
***
Habang binabagtas nina Caleb ang malawak na kalsada, nagulat na lamang ang grupo niya nang may isang motorsiklo ang biglang nanguna sa kanila, ito ay walang iba kundi si Czarina. Binuksan pa ni Czarina ang takip na nakaharang sa suot niyang helmet at tinignan ang grupo nina Caleb. Napakaastig at ang gandang niyang tignan habang nakasakay sa motorsiklo, para siyang babae na pinapangarap ng mga lalaking kasama ni Caleb. Namula si Caleb nang tignan at saluduhan siya ni Czarina, hindi rin niya maiwasang matuwa nang makita niya ito, inulan ng pang-aasar si Caleb, kaya mas lalo tuloy siyang namula. "Hoy! Mag-seryoso nga kayo! Baka nakakalimutan ninyo, nasa kalagitnaan tayo ng misyon!" aniya sa mga ito. Siniko naman siya ni Arthuro na kalapit lang niya, "Ang tindi ng chicks mo pre, ang hot!" dagdag pang-aasar ni Arthuro sa kaibigan.
"Tumigil ka nga riyan, kung mananatili kang ganyan! Hinding-hindi mo talaga makukuha ang boto ko sa'yo para sa kapatid ko!"
"Ito naman, nagsasabi lang naman ng totoo." Hindi na pinansin pa ni Caleb ang pang-aalaska ng kaibigan, sinundan na lamang niya nang tingin ang nauuna na sa kanila na si Czarina.
***
"Distance, 145 km."
"Copy!" tugon ni Czarina. At habang binabagtas niya ang daan, nakita niya ang isang kahina-hinalang check point stop sa kaniyang unahan. Ni isa sa mga lalaking naroon ay hindi nakasuot ng pulis-uniporme, armado rin sila ng mga kalibre ng baril. Ngunit sa halip na hintuan ang mga ito ay mas pinabilis pa ni Czarina ang pagpapatakbo at wala sa isip niya ang maabutan siya ng mga ito.
"Hoy! Tumigil ka!" sigaw ng isang lalaki na nasa check point pagkadaan niya pero binalewala niya lang ito. "Uncle, tell the others na may grupo ng kalalakihan ang nadaanan ko. May mga baril sila! More or less 15 sila," banta ni Czarina sa kanila..
"We have unidentified intruder," pag-uulat ng isang lalaki sa hawak na radiophone. Sinigawan naman siya ng kausap sa kabilang linya," Siguraduhin ninyo na hindi sa site natin ang tungo niyan!"
"Copy!" sagot nito. May dalawang lalaki ang agad na sumunod kay Czarina, gamit ang kani-kanilang mga sariling motorsiklo, mabibilis din magpatakbo ang mga ito makahabol lang sa dalaga.
Pagkalipas lamang ng sampung minuto, ang grupo naman nina Caleb ang nakakita sa check point stop. Hindi pa man nakakalapit ay nakita na nila ang mga taong nandoon na nagkakagulo, kargado ang mga ito ng baril at anumang oras ay handa na silang barilin, mukhang naalarma sila nang makitang mga sasakyan ng pulis ang paparating. Palibhasa nabigyan na sila nang babala ni Miggy patungkol sa mga armadong lalaki kaya naman alerto silang nakipagpalitan ng putok ng baril nang barilin sila ng mga ito.
Malaking tulong sa grupo ni Caleb ang impormasyong ibinigay ni Czarina kaya konti lang ang nasaktan sa kanila. Halos maubos naman ang mga nasa kabilang grupo.
"Natatalo na kami!" sigaw ng isang lalaki na nakakubli sa isang malaking bato. Nairadyo niya agad sa iba pang mga kasamahan ang mga nangyare sa kanila. Binanggit din niya na pwersa ng kapulisan ang mga nakalaban nila. Matapos ang palitan ng putok, agad na hinuli ng grupo nina Caleb ang mga naiwang buhay, ang ilan sa mga ito ay hindi na nagawa pang manlaban.
Habang patuloy sa pag-andar, napansin ni Czarina ang dalawang motorsiklo na nakasunod sa kaniya. Mabibilis din ang takbo ng mga ito, kaya halos maabutan na siya. "Uncle... May nakasunod sa akin na dalawang nakamotor."
"Okay, I'm checking..." Gamit ang GPS sa motorsiklo ni Czarina, nagawang mai-trace ni Miggy ang lokasyon ng mga ito. Agad niyang tinignan ang road na binabagtas ng tatlo, "Czarina, sa susunod na lilikuan mo ay pa zigzag na riyan, distance 5 meters. Siguraduhin mo na hindi sila magtatagumpay sa unang pagliko."
"Copy that.."
"Mag-iingat ka."
Mas pinabilis pa ni Czarina ang pagpapatakbo, ganoon din ang mga sumusunod sa kaniya. Hanggang sa naabutan siya ng mga ito, at ngayon nga'y magkakapantay na sila sa pagpapatakbo. Kaliwa't kanan ang pagpapatakbo nila, hindi alintana ng dalawang lalaki ang mangyayari kapag nanatili silang magkakapantay sa kalsada. May mata si Czarina sa mga susunod na dadaanan nila sa tulong na rin ng Uncle niya na gumagabay sa kaniya. Ngunit matagumpay na nakaliko ang dalawang lalaki at patuloy siyang sinundan. Muling nagbato si Miggy ng plano, napangisi siya nang makita kung ano ang naghihintay sa susunod na likuan. "On your next turn, magpreno ka bigla."
Mas pinabilis pa ni Czarina ang pagpapatakbo niya, ganoon din ang ginawa ng mga sumusunod na sa kaniya at kagaya ng sinabi ni Miggy sa kaniya, bago lumiko ay bigla siyang nagpreno. Nagulat ang dalawang lalaki nang maiwan nila si Czarina at hindi na nagawa pang makapreno nang makita nila ang paparating na truck. Sumalpok sila dito at tumalsik sila pareho. Tinanggal muna ni Czarina ang helmet at tinignan ang mga ito, "Sana sumaklob sa kanila ang swerte," aniya. Pagkatapos niyon ay binigyan siya ni Miggy ng panibagong ruta papunta sa target location nila.
***
Agad na nagpalit si Kathy ng blazer, isang lalaki ang umalalay sa kaniya para gawin iyon. "Ms. Kathy kanina pa kayo hinihintay ni boss," wika nito. Tumango si Kathy sa lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso sila sa isang pahingahan kung nasaan si Darwin, malapit lang ito sa helipad na ilang saglit lang ay pupuntahan na nila. Nang marating niya ay agad niyang nakita ang Daddy niya, abala itong nakikipag-usap sa mga tauhan nila. "Sir, andyan na po so Ms. Kathy," puna ng isa sa mga tauhan ni Darwin.
"Malinis ba ang pagpunta mo rito?" bungad na tanong ni Darwin pagkalapit niya.
"Yes, sinigurado kong wala makakasunod sa akin. Gusto ko nang makita si Mom."
"Darating tayo riyan." Pagkatapos ay nagsimula na silang maglakad paakyat sa matarik na hagdanan, sa ibabaw nito naghihintay ang chopper na gagamitin nila. Sa kanilang paglalakad ay inabala sila ng isang lalaking may hawak ng radiophone, "Sir,"
"Ano iyon?"
"Masamang balita ho, nakasagupa ng mga tauhan natin ang grupo ng kapulisan! Patungo na sila ngayon sa direksyon natin." Nanlaki ang mga mata ni Darwin pagkarinig sa masamang balita. Matatalim na tingin ang ipinukol niya kay Kathy. "Wa--wala akong kinalaman diyan," panananggol ni Kathy sa sarili dahil tingin pa lang ni Darwin sa kaniya, alam niya na siya ang sinisisi nito.
Naglakad paikot si Darwin kay Kathy na tila ba may hinahanap. "Sinasabi ko na nga ba e," anito pagkatapos ay may kinuha ito sa buhok ni Kathy. Isang tracker ang hawak ni Darwin na ikinagulat din ni Kathy. "Te--teka, ka--kailan nila nailagay sa akin iyan nang hindi ko namamalayan?."
"Stupid! Kayang mailagay sayo ito ni Miggy nang hindi mo napapansin kahit nasa harapan mo pa siya. Damn it! Bakit ba hindi ka nag-iisip! Teka, may nalalaman na ba sila?"
"O--Oo, na--nakita tayo ni Agent Zembrano na magkasama kagabi. Alam na rin nilang anak nyo ako. Pagkatapos, ikinulong nila ako buong gabi at kanina nga, ipapaubaya dapat sana nila ako kay judge Mendoza pero nakatakas ako."
"Hindi ka nag-iisip! Plano talaga nila na tumakas ka! Nang sa gayo'y madala mo ako sa kanila." Hindi naman agad naka-react si Kathy dahil kahit siya, naiinis sa sarili. Pakiramdam niya tuloy mas nanliit siya dahil napaniwala siya ng mga ito na nakatakas nga siya..
"Hoy! Kayo! Siguraduhin ninyong hindi kami maabutan ng mga iyon," utos ni Darwin sa kaniyang mga tauhan. Agad umalis ang mga ito para salubungin at pigilan ang grupo ng kapulisan. Muling naglakad si Darwin paakyat sa helipad, kasunod naman niya si Kathy. Inakyat nila ang may kahabaang hagdanan, napapalibutan ito ng mga puno't halaman. Sa bawat sampung baitang ay may lumang cottage na naghihintay. Sa itaas naman nito'y nakaabang ang chopper na sasakyan nila. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtakas, nakarinig sila ng mga putok ng baril. Kaya naman ang lakad na ginagawa kanina ay patakbo na paahon sa matarik na hagdanan. "Bilis! Bilis!"
Hindi naman maiwasan ni Kathy na magtanong kay Darwin, "Am I able to see my mom?"
Ngunit sinigawan lamang siya ni Darwin, "You still asking me that after you failed me?"
"But you promised na dadalhin mo ako sa kaniya!" Napahinto si Kathy sa pagtakbo dahil humarap sa kaniya si Darwin.
"Wala sa usapan natin na bibiguin mo ako. Tignan mo ang ginawa mo! Because of you! Nasundan tayo ng mga pulis na iyan!" Kagat-labi namang pinigilan ni Kathy ang maluha, sa halip ay namutawi sa labi niya ang munting bulong na sapat para marinig ni Darwin, "But dad~"
Maglalakad na sana ulit si Darwin nang muli siyang humarap kay Kathy, "And one more thing, don't call me Dad. Your not my daughter and you'll never be, ayokong magkaroon ng anak na palpak." Dahil sa narinig mas umigting ang hinanakit ni Kathy. Pagkatapos nang lahat ng mga nagawa niya para sa Daddy niya ay ganoon pa rin siya kung tratuhin nito, kahit kailan hindi ito nagpakaama sa kaniya. Ever since yata na magkaisip siya ay hindi pa niya nararamdaman na tinuring siyang anak nito, ni yakap mula rito ay wala. Pero hindi lang iyon ang ikinasasama ng loob ni Kathy, dahil kahit ang pagmamahal ng isang Ina ay ipinagdamot din sa kaniya ni Darwin. Inilayo siya ni Darwin sa kaniyang ina noong maliit pa siya at pinalaki siyang may takot dito. Halos lahat nang ipagawa nito'y sinusunod niya, sa takot na pagalitan. Lumaki siyang walang pagmamahal buhat sa kinagisnan niyang ama. Nagkaroon siya ng uhaw sa atensyon nito lalo na't inilayo pa siya sa sarili niyang ina na hanggang sa nagdalaga't naging parte ng NBI ay hindi pa rin niya alam kung nasaan ang sariling Ina. Isa lang ang sigurado siya, buhay pa ito at itinatago lang ni Darwin.
Pinapasok siya ni Darwin sa NBI upang magkaroon ito ng mata at tenga sa loob ng Departamento, halos sa lahat naman ng government agencies ay may galamay ito. Sinunod din niya ang lahat ng nais nito sa pag-aakalang mapapalambot niya ang puso ng daddy niya at hahayaan na siya nito na makita ang sariling Ina. "D-dad~" hindi sinasadyang utal niya.
Sasampalin sana ni Darwin si Kathy dahil sa muli na namang pagtawag nito sa kaniya ng Dad ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Bakas ang galit niya para sa dalaga, galit na hindi naman malaman ni Kathy kung ano ang pinagmumulan. Ibinaba na lamang ni Darwin ang malapad niyang kamay at tumingin sa mga mata ni Kathy, "Kung gusto mong bumawi sa mga nagawa mong kapalpakan sa akin, pwes! Pigilan mo ang mga pulisya na makarating dito! Kapag nagawa mo, then I'll let you to see your mom. Ako mismo ang magdadala sayo sa kaniya!" Ito lang ang sinabi ni Darwin at nagsimula ulit tumakbo paakyat kasunod ang ilang mga tauhan niya. Naiwan naman tiganggang si Kathy kasama ang mga nagpaiwan na mga tauhan ng daddy niya, hindi siya makapaniwala na nasabi iyon ni Darwin sa kaniya, na hahayaan siya nito na maiwan at makipaglaban sa mga pulis para lang makatakas. Pero mas naiinis siya sa katotohanang kailangan na naman niyang sundin ang sinabi ng Daddy niya para makita na niya sa wakas ang inang matagal nang inilalayo sa kaniya. Kinuha niya ang baril na iniabot sa kaniya at kinasa iyon. Kasabay nito ang kaisipang bakit nga ba ganoon na lamang ang tindi ng galit ni Darwin sa kaniya. Ano ang nagawa niya, ano ang naging kasalanan niya. "Sumunod kayo sa akin! Pipigilan natin sila!" wika niya at nagsimulang maglakad pababa. Sinundan naman siya ng mga tauhang piniling samahan siya.
***
Unang nakarating si Czarina sa lugar, isang malawak na abandunadong pabrika ang bumungad sa kaniya. Kinakalawang na ang mga higanteng tangke na nandoon. Hindi na rin natatanaw ang mga samentong daan dahil sa mga tuyong dahon na nagkalat at tumabon sa mga ito. Ang mga pulang dahon sa paligid ay senyales ng taglagas na, sira-sira na rin ang mga bakal na nasa pader kaya napakadali lamang pasukin ang lugar.
"I'm in," deklara ni Czarina kay Miggy. Una niyang pinuntahan ang isang gusali na tila hindi na itinuloy ang paggawa rito, may dalawang palapag lamang ito, at halos dalawang pader lamang ang natapos. Agad niyang ginawa ang sumunod na plano, ang magkaroon ng access sa lugar upang makita ng Uncle niya ang eksaktong detalye ng buong lugar. Mula sa kaniyang maliit na bag ay inilabas niya ang isang maliit na satellite dish na siyang gagamitin nila ni Miggy bilang medium upang makita sa pamamagitan satellite ang kabuuan ng lugar kasama na ang mga maliliit na detalye. Humanap siya ng mainam na signal para matransfer sa system nina Miggy ang lahat ng signal na kailangan.
"Downloading..." wika ni Miggy. Hindi pa natatapos ni Miggy ang ginagawa nang makarinig si Czarina nang mga papalapit na boses. Kaya agad siyang naalarma, iniwan niya ang mga gamit niya at naghanap ng mapagtataguan. Mula sa palapag na kinaroroonan niya, natanaw niya ang ilang kalalakihang nagmamabilis sa paglakad at nagkaniya-kaniya sila nang pwesto. May hawak na baril ang mga ito at tila may inaabangan sila kung saan siya pumasok kanina. Binilang niya ang mga ito, at hindi lalagpas ng sampu. "Uncle, pakisabihan sina Caleb na mukhang alam na ng mga kalaban na parating sila. Nag-aabang sila sa mga enter points. Please pakibalaan sina Caleb.".
"Copy..." This time, si Montaro naman ang komunekta kay Caleb. Papasok na ang grupo nina Caleb sa isang likuan patungo sa lokasyon kung saan kasalukuyang nang naroon si Czarina at sina Darwin. Iniwan nila ang mga sasakyan nila at nagsimula nang maglakad paloob.
"Caleb... Mag-iingat kayo dahil may mga nag-aabang nasa inyo sa mga enter points ng lugar. Change your route to the south instead."
"Kopya..." Mabilis sinenyasan ni Caleb ang mga kasama na sa halip na pa diretso sila ay sa magkabilang gilid ang babagtasin nilang mga daan.
Samantala...
Habang hinihintay ni Czarina na matapos si Miggy sa pag-download ng details, kinuha niya itong pagkakataon upang mabawasan ang mga taong nag-aabang kina Caleb. Inalis niya mula sa pagkakasalukbit sa likuran niya ang isang long range sniper rifle at nai-set up, kinabitan din niya ito ng silencer. Sinilip niya isa-isa sa telescope ng baril niya ang mga nasa ibaba. May mga nagtatago sa likod ng puno, may mga nakadapa sa mga tuyong dahon at damuhan, may nasa likuran ng mga kinakalawang na tangke at ang ilan ay nasa likuran ng malalaking tipak na bato. Handa ang mga ito kagaya ng kahandaan ng mga hawak nilang baril. Una niyang tinutukan ang nasa pinakang likod. Upang walang makahalata kapag bigla na lamang itong bumagsak. Isinabay niya ang pagkalabit sa gatilyo sa malakas na ihip ng hangin. Bumagsak ang unang lalaki nang walang nakakaalam ni isa sa mga kasamahan nito. Ganoon ulit ang ginawa niya sa kasunod pa.
Samantala...
"Sir, sigurado ho ba kayo na iiwan nyo siya?" tanong ng isang lalaki kay Darwin, ang tinutukoy nito ay si Kathy. Napatingin tuloy si Darwin sa kumausap sa kaniya, may bahid na yamot sa kaniyang mga mata. "Kinukwestyon mo ba ang mga desisyon ko?!" aniya. Hindi na umimik pa ang lalaki, tinikom niya ang bibig at tahimik na sumunod na lamang kay Darwin. Mahirap ng mapagbuntungan ng galit ng boss nila. Sa pagkakataon din na ito, mas sumeryoso ang mukha ng Former director. Sa ayaw man niya at sa gusto, ay biglang nanumbalik sa kaniyang isipan ang dahilan kung bakit kahit kailan hindi niya matatanggap si Kathy bilang kaniyang anak.
"Totoo ba?!" galit na tanong ni Darwin kay Mildred pagkapasok niya sa dining room--- si Mildred ang kaniyang live-in partner, . Naabutan niya itong naghahain na ng kanilang hapunan sa kabila nang maselan nitong kalagayan. Isang linggo na lang at magsisiyam na buwan na ang sanggol na nasa kaniyang sinapupunan, ito ang magiging kauna-unahang anak nila ni Darwin kung sakaling magtagumpay siya sa pag-deliver dito. Nakaraan lamang ay sinabihan siya ng kaniyang doctor na baka mahirapan siya sa normal deliberation dahil sa highblood pressure na mayroon siya."Ang alin? Anong sinasabi mo?" takang tanong ni Mildred. Hindi ito tumigil sa paglalatag ng mga kubyertos sa lamesa.
Lumapit si Darwin sa kaniya at buong lakas siyang iniharap nito. "Magsabi ka ng totoo! Ako ba ang ama ng dinadala mong iyan?" Nalaglag sa sahig ang natitirang kobyertos sa kamay ni Mildred. Hindi niya mahagilap kung saan kukuha ng lakas ng loob para sabihin ang totoo sa asawa. Nararamdaman niya ang panginginig ng kalamanan ni Darwin, kita rin niya ang matinding galit sa mga mata nito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong takot mula sa kaniyang asawa. Bago pa man magsalita ay lumandas na ang mga luha sa kaniyang mga mata, at natataranta ang mga ito sa pagdaan mula sa mga pisngi niya. Napahagulgol siya, isang masamang senyales na tama ang hinala ni Darwin tungkol sa dinadala niya. "Patawarin mo ako Darw--" Ngunit isang malakas na sampal ang nagpangiwi sa mukha ni Mildred. Ngayon lang siya nakatikim ng ganoon mula kay Darwin.
"Walang hiya ka! Paano mo nagawa sa akin ito? At talagang hindi ka nahiya at kaibigan ko pa ang tinalo mo!" Halos maputol ang litid nito sa leeg sa tindi ng pagbulyaw niya kay Mildred.
"Hindi ko ito ginusto! Nilasing niya ako!"
"Ang sabihin mo malandi ka!" Kulang na lang ay lamunin niya ng buo si Mildred sa sobrang sama ng loob niya. Ngunit hindi ito ang nagpatiklop kay Mildred. Sinampal niya si Darwin ng buong lakas kaya naman mas lalong nag-uumigting sa galit si Darwin, pero nagawa pa rin niyang pigilan ang sarili, nais niyang marinig ang sasabihin ni Mildred. "Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko Darwin! Pinagbantaan niya ako, tinakot niya ako! Sinabi niya sa akin na ibabagsak ka niya! At hindi lamang ikaw kundi ang buong negosyo na mayroon tayo at ang pamilya ko, ipapapatay niya ang mga magulang ko. Natakot ako! Kaya hindi ko nagawang sabihin sayo ang pambababoy niya sa akin! Darwin! Alam mong mahal na mahal kita! Kaya please, paniwalaan mo ako!"
Sobrang galit ang naramdaman ni Darwin matapos malaman ang malagim na sinapit ni Mildred sa kamay ng tinuring niyang kapatid na si Miggy. Hinawi niya ang lahat ng mga nakalatag sa lamesa, dito niya ibinunton ang lahat ng galit niya kaya naman tumilapon sa iba't ibang parte ng dining room ang mga bagay na nakahain kanina sa lamesa. "Papatayin ko siya! Hindi-- masyadong madali iyon para sa kaniya. Pababagsakin ko ang Miggy Javier na iyon! Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang pagtatraydor niya sa akin," malakas na sigaw ni Darwin. Yayakapin sana siya ni Mildred ngunit nagsimula na itong makaramdam nang pananakit ng tiyan at nang araw din na iyon ay naisilang ng kulang sa buwan ang sanggol na nasa sinapupunan ni Mildred. Ang sanggol sana na iyon ang magiging anak nila ni Darwin, ngunit hindi, dahil ang musmos na bata ay bunga ng paglapastangan ni Miggy Javier sa asawa ni Darwin na si Mildred..
Ipinadala ni Darwin sa ibang bansa si Mildred sa ayaw man nito o sa gusto. At hinayaan niyang maiwan sa poder niya ang anak ni Miggy sa kaniyang asawa. Isang plano ang nabuo sa isipan ni Darwin,, papalakihin niya ang sanggol at sisiguraduhin niyang ang batang ito ang papaslang o magpapabagsak sa mismong kay Miggy na sarili niyang Ama. Noong mga panahon na iyon, aminado siyang wala pa siyang kakayahan para ipatumba si Miggy dahil mas mataas ang posisyon nito sa grupong kinasasadlakan nila. Ngunit dahil sa estratehiyang taglay niya, unti-unti siyang nakakuha ng kapangyarihan at shares sa Two Headed Snake, nakipagsabwatan siya hanggang sa mas lumaki pa ang kakayahan niya. Mas lumawak pa ang posisyon niya nang magsimulang magtago si Miggy, tuluyan nang lumawak ang kontrol niya lalo na nang magkaroon siya nang pagkakataon na ipapatay ang totoong Big A. Inangkin ni Darwin ang pinakamataas na posisyon sa pinakatusong paraan. Isa lang ang alam niya, umaayon sa plano niya ang lahat nang hindi namamalayan ni Miggy Javier.
"Miggy Javier! Magbabayad ka sa lahat ng nagawa mo sa akin!" bulong ni Darwin sa sarili. At tuluyan na nga nilang naakyat ang mahaba at matarik na hagdanan kung saan nakaabang na sa kanila ang isang helicopter na gagamitin sa kanilang pagtakas.
***
Matagumpay na nakapasok sa loob nang malawak at abadonadong plantasyon ang grupo nina Caleb. Pinakalat niya ang mga kasama, salamat sa tulong ni Miggy dahil naaalalayan sila sa mga dapat daanan nila at syempre hindi mangyayari iyon kung wala ang tulong ni Czarina. Nahati sa tatlo ang grupo nina Caleb, sa kaliwa niya pinapunta ang unang grupo, sa kanan naman niya ang sumunod na grupo. Habang siya at ang dalawa pa niyang kasama ay dumiretso paglalakad. Magubat at mabato ang lugar, nasa likurang bahagi sila ng lumang plantasyon. Nagkalagas-lagas na rin ang mga dahon sa mga puno, nakakalat ang mga ito sa paligid, magkahalong mga pula at mga tuyot na dahon. May mga pagkakataon na kailangan pang umakyat nina Caleb sa malalaking batuhan upang makarating lang sa loob at masulyapan ang kabuuan ng lugar. Malaya nilang narating ang tuktok nang inaakyat nilang malaking tipak ng bato hanggang sa may napansin si Arthuro sa di kalayuan, "Caleb, may helicopter sa banda doon, hindi kaya iyon ang get away na gagamitin ni sir Darwin."
Tinignan ito ni Caleb, nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang bagong akyat sa malawak na helipad na una nang nakita ni Arthuro. "Sir, confirm! Director Aguirre is here!" Wika ni Caleb sa suot na earpiece na agad narinig nina Montaro. Mabilis na nagpadausdos paibaba sina Caleb, mabuti na lamang at sinalo sila ng mga nakatumpok na dahon sa ibaba. "Misyon natin na hindi sila makaalis sa lugar na ito! Kaya gawin ninyo ang lahat para pigilan si Director Aguirre!" Kasunod nito ang kaniya-kaniya pagkasa sa mga hawak na baril ng mga pulis na nakarinig sa nairadyo ni Caleb.
***
Agad na pinahinto ni Kathy ang mga sumusunod sa kaniya nang makita niya na may bumaril sa tauhan ng daddy niya mula sa kung saan. Agad na hinanap ng mga mata niya ang posibleng may pakana niyon. Natuon ang mata niya sa isang abandunandong gusali na may dalawang palapag lamang. Hindi tapos ang construction nito. May tatlong malalaking tank sa ibaba nito na kinalawang na dahil sa tagal ng pagkatengga nito. At doon nga'y nakita niya ang isang pamilyar na mukha, si Czarina, nakadapa ito habang nakahawak sa sniper niya at tila, handa na ito sa susunod niyang patutumbahin.
"Kayong dalawa maiwan dito, at kayo naman sumunod kayo sa akin," utos niya sa mga tauhang kasama niya. Dahan-dahan nilang pinuntahan ang lokasyon ni Czarina, wala itong kamalay-malay na may nakakita na pala sa kaniya.
Mabuti na lamang at namonitor ito ni Miggy kaya agad niyang binalaan ang pamangkin, "Czarina... May nakikita ako sa monitor paakyat sa gusaling kinaroroonan mo. Tatlo sila, mag-iingat ka!". Naging alerto naman si Czarina, tumayo siya at inilabas ang dalawa niyang baril na nakalagay sa magkabila niyang mga hita. Naghanap siya nang matataguan na malapit lang sa may hagdanan.
Nakatutok ang baril nina Kathy at nang dalawa pa niyang kasama habang inaakyat nila ang bawat palapag. Ngunit laking taka nila dahil bigla na lamang nawala si Czarina sa kung saan ito nakapwesto kanina, ang tanging naroon lamang ay ang riffle na gamit-gamit ni Czarina.
Mula sa pinagtataguang scaffolding, tinalunan ni Czarina ang dalawang lalaki na nasa likuran ni Kathy. Nadaganan niya ang mga ito at sumubsob sa hagdanan mabilis siyang lumayo sa mga ito nang makasigurong nabitawan ng dalawa ang mga hawak na baril at upang hindi madamay sa paggulong ng mga ito pababa ng hagdanan. Nagulat naman si Kathy kaya napaatras siya at agad na tinutukan ng baril ang may pakana niyon. Bumungad sa kaniya si Czarina na ngayon nga'y mabilis din naitutok ang hawak na baril kay Kathy. Kaya naman parehong may nakatutok na baril sa kanila, pero ni isa sa kanila, walang kumalabit sa gatilyo.
"Mabilis ka," puri pa ni Kathy.
"At mabagal ka," pang-aasar ni Czarina. Bahadya tuloy tumaas ang isang kilay ni Kathy.
"Paano ninyo nagawa iyon? Ang lagyan ako ng tracker nang hindi ko man lang namamalayan?" Nagsimula silang maglakad paikot habang nakatutok pa rin ang baril nila sa isa't isa.
"Hindi pa ba obvious? Ganyan ako kahusay," pagmamayabang ni Czarina na halos ikapikon lalo ni Kathy.
"Kahusay? E kung sa labanan kaya? Sino ang mas mahusay sa ating dalawa?"
"Huwag mo akong subukan," banta ni Czarina ngunit may halo nang pananabik.
"Pwes hinahamon kita!" Hindi naman maiwasan ni Miggy ang magkomento habang nakikinig mula sa kabilang linya, "Girls fight! Gusto ko iyan, sayang wala tayong visual." Napatingin naman si Montaro sa kaniya, hindi makapaniwala sa nai-reaksyon ni Miggy sa kabila nang mapanganib na sitwasyon ni Czarina.
Tila tinamaan naman ang parehong ego ng dalawang dilag kaya hindi sila makakapayag na hindi patulan ang hamon ng bawat isa. Kapwa itinaas nila ang hawak na baril at sabay na ibinato sa malayo. Sa pagdait ng baril sa samento, ito na rin ang nagsilbing hudyat sa dalawa para umatake. Nagpalitan ng suntok ang dalawa, at parehas lamang nila itong naiiwasan o nasasalagan. At kapag may nasaktan na isa sa kanila, agad nababawi ang isa at aatakihin ang kalaban kung saan parte ng katawan sila nasaktan. Isang suntok ang nagpahandusay kay Czarina, pumutok ang labi niya dahil sa atakeng iyon ni Kathy, kahit si Kathy ay may natamo ring sugat sa labi. "Akala ko may ibubuga ka, wala naman pala!"
Hinayaan ni Kathy na makatayo si Czarina, "Ikaw si colonel Kathy di ba? Ang anak ng taong nagpapatay sa angkan ko!"
"Kung isusumbat mo sa akin ang kawalanghiyaan ng daddy ko. Pwes! Gusto kong malaman mo na wala na akong pakealam sa bagay na iyon!" Tuluyan na ngang nakatayo si Czarina.
"Hindi ko maintindihan. Hindi ba't pulis ka, ang trabaho mo'y itama ang mga mali ng tao. Hindi ang pagtakpan ito!" Dahan-dahan naihakbang ni Czarina ang mga paa niya, ganoon din si Kathy.
"Ang galing mong magmalinis Czarina! Hindi ba't marami na ring napatay ang mga kamay mong iyan? At isa pa, kagaya mo, may dahilan ako kung bakit ginagawa ko ito!"
***
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com