033. narration
[ JENNIE ]
papasok na sana ako sa school nang makita si taehyung sa harap ng bahay ko kaya napangiti nalang ako.
sa ngayon kasi ay mas natanggap ko na nasaktan ako sa nakaraan ko at kailangan ko na rin magpatawad sa tao. humingi si taehyung ng chance na maging mabuti sakin at makabawi sa mga kasalanan nya na nagawa sakin dati.
lininawan nya na din na hindi nya na ako gusto kaya pumayag ako doon. wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko ulit sya sa buhay ko, sa totoo lang ay nakakagaan sa loob.
" ano bang favorite food ni jisoo? " tanong nito sakin, may ilang oras pa naman bago magsimula ang klase kaya pumayag akong makipagusap muna kay taehyung saglit.
at si jisoo pala ang paguusapan namin.
sinabi ko sakanya na mahilig sa chicken si jisoo kaya napatango na sya. hanggang sa hindi ko namalayan na naguusap na pala kaming dalawa tungkol samin ni kai.
" bakit hindi mo sya bigyan ng second chance tulad ng ginawa mo sakin? " tanong nya na hindi ko naman nasagot.
ang gulo lang kasi, maraming tao ang magugulat kung kaming dalawa ang nagkatuluyan- maraming tao ang hadlang kung sakali. sigurado na ako sa nararamdaman ko pero hindi ako sigurado kung seryoso ba si kai sakin o hindi.
" gusto kong subukan. " yun nalang ang mga nasabi ko.
ngumiti si taehyung sakin pero biglang nahagip ng mata ko si kai na nakatingin samin, may hawak itong flowers at chocolate. pinuntahan nya ako dito sa bahay?
maglalakad na sana sya palayo pero agad akong tumakbo papunta sakanya at hinarangan ang dinadaanan nya.
" para sakin ba yan? " nahihiya kong tanong at pilit ang ngiti. bakit ako kinakabahan?
" dapat pero baka hindi pa kayo tapos ni taehyung magusap, haha. " napansin ko ang lungkot sa mukha nya.
nagseselos ba sya?
kinuha ko ang hawak nya kahit hindi nya naman kusang binibigay, " thank you. "
tumingin ako sakanya ng daretso, " thank you din sa pagrerealize sakin na sa rumor man o hindi, pwede parin akong magmahal ng isang kai. "
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com