Maaliwalas ang Himpapawid
Sa maiksing oras ay masisilayan,
Ihanda ang mga mata sa matutunghayan,
Nakamamanghang pagpapalit ng kulay ng kalangitan,
Dumungaw sa bitana at damhin ang dalang kapayapaan.
Mga ulap ay parang sinabugan ng bahaghari,
Tila mga telang sa langit ay itinagpi,
Mga anghel kaya'y doon namamalagi?
Naglalaro rin kaya sila bago sumapit ang gabi?
Mga ibo'y tila sinusundan ang palubog na araw,
Binabagtas ang daan patungo sa tahanang tinatanaw,
Liwanag niyang kulay kahel at dilaw–
Ang nagsisilbi nilang tanglaw.
Kasabay nang pagningning ng buwan,
Ay ang paglitaw ng mga alitaptap na nagkukutitapan,
Mga paniki'y sa mga insekto na'y nakikipaghabulan,
Mga bituin ay isa-isa na ring naglilitawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com