Mga pamilya'y sabay-sabay naghahapunan
"Mga anak kakainan na!"
Hiyaw ng mga ina,
Kung 'di ka susunod ay humanda ka,
Ika'y susunduin na may pamalong pang dala.
"Maghugas na ng mga kamay,"
Bilin ng naghahaing nanay,
Habang nakaupo na sa kabisera ang tatay,
Ang ulam ay pritong isda at nilagang gulay.
Bago ka kumurot ng isda,
Tandaan magdadasal muna,
Ipikit ang mata ng ulam ay 'di muna makita,
At pagkasabi ng malakas na 'Amen' umpisa na ng karera.
Matapos mabusog, 'wag kakalimutan ang batas,
Kung sino ang nahuli siya ang maghuhugas,
Hindi ka makakatakas,
Kung ayaw mong abutin ng malas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com