Mura ang bilihin
Huwag maliitin ang mga barya,
Munti man ang mga halaga,
Makakabili ka na ng meryenda,
Tiyak maiibsan ang pagkalam ng iyong sikmura.
Ang kendi ay piso ang dalawa,
Piso rin ang tsitsirya,
Kaya may sukli pa ang lima,
Panghulog na rin iyon sa alkansya.
Sa limampisong pamasahe,
Makakarating ka sa palengke,
Makakabili ka na ng damit sa halagang bente,
Sa ukay man galing, tinginin pa ring desente.
Sa pamimili ay hindi ka talaga mananamlay,
Hindi sumasakit ang ulo ni Nanay,
Baboy, manok, baka, isda at gulay–
Mga presyo nila ay abot kamay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com