Sagana ang bakuran
Hindi mauubusan ng sariwang gulay,
Dahil maraming nakatanim sa likod ng bahay,
Iba't ibang uri, iba't ibang kulay,
Sa sustansiya nilang taglay hindi ka mananamlay.
Mayroon ding iba't ibang prutas,
Huwag mag-alala kung sila'y masyadong mataas,
Mayroong panungkin na makakatulong sa pagpitas,
Kailangan lang ng kaunting gilas.
May mga hayop na doo'y inaalagan,
Tulad ng baboy na nilelechon 'pag may handaan,
Pato at manok na naglilisawan,
Kalabaw na may kasipagan.
Mga halamang gamot ay may nakatanim din,
Iba't ibang karaniwang sakit ay kayang gamutin,
May ilalaga para inumin,
Kung sakit sa balat ang problema, sa paliligo gamitin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com