Simple lang ang lahat
Wala pang mabigat na responsibilidad,
Mura pa kasi ang edad,
Hindi pa alam kung ano talaga ang reyalidad,
'Di pa rin alam humarap sa mga darating na kalamidad.
Ang mga tungkulin pa lamang ay mag-aral,
Makinig sa mga pangaral,
Palaging pagdadasal–
Nang sa gayo'y lumaking may mabuting asal.
Maglinis ng bahay,
Magtanim ng gulay,
Mag-ayos ng mga bagay-bagay–
Tulong sa mga magulang na naghahanap-buhay.
'Pag takdang aralin na'y tapos–oras nang manood ng telebisyon,
Pero mas pinipiling sa bintana magtuon,
Atensiyon kasi'y napukaw ng nagliliparang mga ibon,
At ng nakamamanghang dapit-hapon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com