CHAPTER I
Cass's POV
"Oh, anong nangyari d'yan?" Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Simon sa likod ko.
"Hindi pa nakikita ang crush niya, ayun, nanghihina raw." sagot ni Faye, umupo si Simon at Matt sa harap ko, parehas nakapinta ang nagtatakang ekspresyon sa kanilang mga mukha.
"Crush? May crush si Cass? Panibagong lalaki nanaman ba? O baka naman 'yan pa rin yung taga Arcadia Institute na ginawa kang rebound?" tanong ni Simon, napa-angat ako ng ulo mula sa pagkakasubsob sa lamesa bago napanguso.
"Grabe ka naman! Ang dami mo agad sinabi!" Asar kong turan dito, napatawa si Matt habang si Simon ay napa-iling.
"Sino ba kasi 'yang crush mo na 'yan? Taga dito ba?" tanong ni Matt, napanguso ako bago napasubsob muli sa lamesa at napabuntong hininga.
"Oo, taga rito, 4th year sa aviation." sagot ko rito at parehas kong naagaw ang attensyon ni Matt and Simon.
"Sino naman 'yan? Just drop the name already." ani ni Simon, napasimsim ng kaniya kape.
Nag-ayos ako ng upo at ngumuso, "Si Kuya Haze," sagot ko at gumuhit ang mga linya sa noo ni Simon.
"Haze? As in Haze Vergara? Of Congress?!" he sounded shocked with a hint of madness.
Utay-utay akong napatango, narinig kong sumaltik ang dila ni Simon, "Huwag kana diyan, they are bunch of red flags." he said in monotone as he once again took a sip of his coffee.
"Hoy! 'Wag mo naman lahatin! Malay mo siya, hindi." Nakanguso kong turan, napatango naman si Faye na nasa tabi ko.
"Oo nga! Ano ka ba! Baka nakakalimutan mo na nasa congress din ang kuya ko!" turan ni Faye, parang na-offend pa siya.
Napasinghap si Simon, "Fine, hindi ko nilalahat, pero kuya Haze? I don't think so, kasama ko siya at si kuya Xandro and Lorenzo sa isang org and they're just..." he slowly shook his head.
"Tsaka why him?! Come on, hindi ka pa ba nadadala sa mga lalaking nagugustuhan mo? Come on, Cass! You deserve someone better!" his voice slightly raised.
"Huy, Simon, kalmahan mo lang, 'wag mo awayin si Cassandra." Saway ni Marga, napanguso ako bago tumango. "Oo nga, bakit mo ba ako inaaway?" taka kong tanong dito,
Napamasahe ito sa kaniyang sintido, "Paanong hindi? Your choice of men is such... I can't even explain it." Nagkatinginan kami nila Faye at Marga, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Simon. Parang over naman na yata ang reaction niya na may bago akong crush.
"First, yung taga Elysium Institute na ghinost ka. Second, yung taga Lumos Uni na bad influence sa 'yo. Third, Quesar Univ, tatlo kayong pinagsabay-sabay. Fourth, yung sa Arcadia, na tatlong beses kang--"
"Tama na! Tama na!! Simon, grabe naman, balak mo bang i-enumerate lahat ng palpak kong love life?" Sarkastiko kong putol dito, napahagalpak ng tawa ang mga kaibigan namin.
Simon chuckled, "Hindi naman, what I just want to do is to make you realize na 'wag na 'yang Vergara na 'yan, I'm telling you, he's a big no no. Lagi kaya 'yang nasa inuman, specially sa Whiskey Barrel, damn." sagot nito at napatawa ako.
"Yun lang? Yun lang dahilan mo kung bakit siya red flag?" tanong ko at napakunot ang noo nito.
"Well, nag-iinom siya--"
"Ikaw rin." Putol ko rito, napa 'ooh' ang mag kaibigan namin, hinampas pa ni Matt si Simon sa balikat.
"Fine, that was a bit hypocrite of mine. Pero come on," he shook his head, "Some--" he glanced at Faye, "Some people in the congress is a playboy and he could be one or he could be influenced. Baka nakakalimutan niyo na mayaman 'yang Vergara na 'yan. We might have not heard any issues about Haze Vergara pero who knows, malay niyo, he's paying his girls to shut up." ani nito at nanlaki ang mata ko.
Pinandilaan ko ito, "Alam mo, Simon, OA na, tama na pre. I know you just want to protect me pero over na, kaya ko ang sarili ko." ani ko rito, napangisi si Simon.
"Kaya mo sarili mo? Eh last time you got your heart broken ay sa amin ka umiyak nang umiyak." Napahagalpak ng tawa ang tatlo pa naming kaibigan, hinampas-hampas pa ako ni Faye sa likod.
Muli akong naanguso, "Bahala ka nga!" Napatayo ako sa kina-uupuan ko, akmang aalis na ako nang may nakita akong papasok ng cafeteria.
Si Kuya Haze! With Kuya Xandro, Lorenzo and Lucas! Half ng congress!
"Cass? Aalis kana ba?" Napansin nilang natulala ako, natauhan ako at napatingin sa kanila.
"Alam niyo, mamaya na pala tayo umalis." I sat back down, slowly, pa-demure, ganon. Kahit hindi naman talaga ako demure at feminine na babae kung gumalaw.
They're sitting 2 tables away from us, pero ka-linya lang namin ang table nila, in short, sobrang lapit lang.
"Ahhh, kaya naman pala," bulong ni Matt, the rest of us glance at him, then he pointed at Kuya Haze's direction using his eyes.
Ipit na napasigaw si Faye sa tabi ko at muli akong hinampas sa braso, habang ako ay utay-utay na binubuksan ang iPad ko, nagpipigil ng kilig. He's just wearing a black shirt and blue shorts. He looks like he have already went home and changed clothes. Pero kahit nakapangbahay ay ang lakas-lakas pa rin ng dating niya.
Just a glimpse of him is enough to make my heart go wild. Bakit ngayon ko lang siya napansin dito sa campus? Bakit ngayon ko lang nakita ang ganiyan ka-gwapo? Was I too focused on looking for a guy na wala dito sa university kaya hindi ko nakikita ang mga ganiyan ka-gwapo?
"Alam mo, dapat sumali ka sa org namin, head siya doon, me and Marga are under him, mabait 'yan! Sobra! Soft spoken! Halatang mahiyain, hindi kagaya ng inaakala mo na loko-loko. How could someone like him be a playboy too? Eh, mukhang he's too shy to even talk to girls!" Pabulong na turan ni Faye, our faces are even inches apart from each other para lang magkarinigan kami.
"Noong exams days, si Cass, nag-stay kami sa study area ng condominium building ng university, mag re-review raw kami, pero ang totoo ay hinihintay niya si kuya Haze. Tapos nagkasabay pa silang pumasok, sinundan talaga niya si kuya Haze sa pagpasok, tsk!" Chismis naman ni Marga, ipit kaming mga napatawa, aaminin ko na nakakahiya 'yon, but walking behind him is enough para kiligin ako. We were a meter apart, paanong hindi ako kikiligin?
Habang nagke-kwentuhan kami, I was glancing at kuya Haze's direction. He was just there, silently eating, while his friends are chatting and laughing. He would smile or giggle at some point, but he was focused on his food more.
And what I noticed, is that when he smile, his eyes disappear and his nose scrunch and when he laugh, his shoulders shakes.
But as I continued to gaze at him, I was able to examine his gorgeous features. His undercut looks great on him, and he has solid arched brows. I also noticed he has almond eyes that appear siren or sleepy. I have no words to describe how lovely those sets of eyes are, which appear to be sparkling to me. I can see how pointy his nose is from where I'm sitting, but unlike other people I've met, he has thin lips, which I think fit him better. I tried to imagine him with thick or big lips, but I don't think he'd look well with them.
I was enjoying while staring at him when he suddenly glanced at my direction. My eyes widened and immediately looked at my friends.
"Bakit? Anong nangyari?" Faye asked, "Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya!" Pabulong kong sigaw, napatawa sila habang naramdaman ko naman ang pag-init ng aking magkabilang pisnge.
Huminga muna ako nang malalim, "Alam niyo, tara na nga, umuwi na tayo." Itinabi ko na ang iPad ko sa aking bag bago tumayo para kunin ang mga pinagkainan ko.
Palabas kami ng cafeteria nang madaan namin ang mga prof namin na kumakain din. I smiled at them before handing the cafeteria staff my plates.
"Kamusta Miss Gonzales? Kamusta ang puso?" One of my prof asked, she's very friendly and closed to me.
I smiled, "Okay na po ma'am, naka move-on na." she knows about my recent heartbreak, since she's a bit younger than other profs and her age is somehow close to our ages, she's closer to her students.
"Tsaka may bago na po akong crush." Pagchichika ko rito, she gasped, "Sino na?" I pointed at kuya Haze's direction, his back facing us, "Si kuya Haze po." I said, her eyes widened and looked at sir Toledo.
"Crush daw niya alaga mo!" she said and my eyes widened, sir Toledo who's an engineering prof gasped.
"Kilala po ni sir Toledo si kuya Haze?" I asked, surprised and worried. Mali yata na chinismis ko sa mga prof na ito ang tungkol sa crush ko-- scratch that, potential crush palang.
Sir Toledo laughed, "Oo naman, 1st year palang alaga ko na 'yan, gusto mo ipakilala kita? Haze! Halika rito!" he shouted at kuya Haze's direction, nanlaki ang mata ko at wala ng nagawa nang bigla akong paupuin ng iba pang prof.
When I looked at kuya Haze's direction, he's already standing up, about to walk towards us. Ang mga kaibigan ko na nasa likod ko lang kanina ay tumakbo paalis, iniwan ako!! I felt my cheeks heat up and my insides went wild. Nagpapanic na ako, I tried to stand up and tell my profs na kahit 'wag na pero they insisted. Sinusuportahan nila kaharutan ko! I'm about to talk to him! Is there a no way out?!
Para akong nanigas sa kinauupuan ko when he sat right in front of me next to sir Toledo. I now know why he is called 'alaga' by sir Toledo. Magkamukha pala silang dalawa, para silang mag-ama.
He's there, across me, less than a meter away, looking at me. While me, someone who sucks at eye contact kept looking away.
"Oh, Haze, this is Cass, Cass, this is Haze." My bio prof, Miss Garcia said,
I had the courage to look at kuya Haze, he's just there, a slight smile printed on his lips
"Hello," he awkwardly said, almost a whisper, I couldn't help but to shyly smile, "Hello po," I replied, nahihiya rin.
"Kilala ko po si kuya, their old condominium room is our room now."
It was true, the university give their students condominium units for them to stay at, and the unit you'll stay at will change each year. And it was three days ago when we realized that the room me, Faye and Marga use is kuya Haze's old unit together with kuya Lucas, Howard, Lorenzo and Adrian, nakita namin ang ibang mga name stickers nila sa iba't-ibang parte ng unit and we figured out na sila ang dating gumagamit nito.
It was a coincidence of course, pero para sa akin, sign na ng universe 'to.
Sir Toledo gasped, "Woah!" napasigaw si sir na para bang hindi siya makapaniwala kaya napatawa ako, "Kaya ayun po, kilala ko si kuya, we figured out na sila po ang gumamit dati." I shyly said,
"Ah, yung sticker names, oo." Kuya Haze said, para akong kinilabutan nang marinig ng boses niya, his voice didn't sound deep or husky unlike others, it was rather soothing. Parang ito yung tipo ng boses na comfortable agad ako.
"Nakakalat pa sticker names niyo doon? Akala ko ba pinapalinis? Tsaka bakit may sticker names kayo? Bata?" Pagbibiro ni Miss Garcia, kuya Haze slightly smiled, "Nagkakalituhan kasi ng gamit minsan, para lang alam namin kung kanino ang alin." sagot nito kay Miss Garcia, di ko napigilan ang mapangiti, kinikilig ako habang nakikinig sa boses niya. Favorite ko na yata itong boses na ito.
Patango-tango lang ako habang nakikinig, sa mga prof nga ako nakatingin dahil hindi ko siya kayang tingnan. His eyes could kill me, kung gaano ka soothing pakinggan ang boses niya, siya namang nakaka-intimidate tingnan ang mga mata niya. His eyes somehow looks like he's glaring at you, saka ko rin napansin kung gaano pala kaganda ang pilik mata niya. Nakakatunaw kapag nakatingin siya sa mga mata ko, kapag nagtatagpo ang mga mata namin. Parang mapapaluhod nalang ako sa sobrang panghihina.
"Oh ano, may gagawin pa ba kayong dalawa? Haze, kumain kana ba? Ikaw Cassy?" tanong ni sir Toledo, finally! As much as kinikilig ako, I can feel the awkward air around us.
Tumango naman ako, "Kumain na po ako, sir." sagot ko rito, gustuhin ko mang titigan siya ng ilang oras, maka-usap siya, makinig ang boses niya, makatitigan siya, alam kong hindi ko kakayanin ang ganun, kaya gusto ko na umalis dito.
"Kakain palang ako, sir." sagot naman ni kuya Haze, his voice, once again, sounded bored. Siguro ay gutom na ito,
"Ah ganun ba? Sige kumain kana muna." Aktong tatayo na kami ni kuya Haze nang pigilan kami ng mga prof.
"Pero bago kayo umalis, picture muna." Napangirit ako, napasapo ako sa noo ko sa hiya.
"M-May picture na po--"
"Iba naman 'yon, dali Haze akin na phone mo. Phone mo ang gagamitin natin." Putol sa akin ni sir Toledo, napilitan si kuya Haze na ibigay kay sir ang phone niya. This is so embarrassing!!
"Haze, tayo ka sa likod niya, hawakan mo yung sandalan ng chair niya." ani naman ni Miss Garcia, I sat there in embarrassment. Nakakahiya!! It's obvious na napipilitan lang si kuya Haze, and I hate that I am bothering him. I'm probably making him uncomfortable and I don't want that!
Itinapat sa amin ni sir Toledo ang phone, "Okay, 1, 2, smile!!"
"Hindi niya manlang sine-send yung pictures..." Nakanguso kong turan, it's the next day and I've been waiting for the photos, hindi ko rin naman mine-message si kuya dahil nahihiya ako. Hindi naman kasi kami close and ang random if hihingin ko yung photos.
"I-chat mo na kasi! Hindi kayo uusad kung ganiyan." Sermon ni Faye sa akin, umiling ako, "Ah hindi, ayoko, siya mag first move." ani ko at nanlaki ang mata ni Faye at Marga bago napahagalpak ng tawa.
"Tanga! Ikaw ang may crush sa kaniya! Tapos hihintayin mo na siya ang mag first move!" Napa-irap ako sa sinabi ni Marga.
"Hayaan mo na, halika, may picture ako ninyo, stolen, may videos pa!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Faye. Agad akong lumapit sa kaniya, hinihintay na mabuksan yung pictures and videos.
Para nanaman akong na-kuryene nang makita ang videos at pictures. Grabe talaga ang nangyari kagabi! Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Felt like a dream! Hindi ko naisip na mangyayari yun sa akin! Iba ang tama ko kay kuya Haze! What is it in him that is making me act like this? Anong nakita ko sa kaniya?
"Huy, he looks straight to your eyes kapag nagsasalita ka, one thing yun, Cass!" Hinampas ako ni Faye sa balikat. Ito nanaman 'tong kaibigan ko na ito, eh. She's feeding my delusionality.
"Cass, Cass!" Napakunot ang noo ko nang sipain ako ni Marga sa ilalaim ng lamesa, "Ano!?" inis kong turan, sumenyas siya sa likod ko kaya agad naman akong napatingin, there Kuya Haze, Kuya Shawn, Kuya Howard and kuya Adrian, kakapasok lang nila ng library, naka white polo shirt lang si kuya Haze pero ang lakas-lakas ng dating niya, dala-dala pa niya ang backpack niya sa isang balikat at may hawak na libro sa kabilang kamay.
"Ay wow naman, masipag mag-aral." bulong sa akin ni Faye, hinahabol ko ng tingin sila kuya hanggang sa makalayo na sila at natabunan na ng mga shelves.
And suddenly, an idea popped in my head.
"Alam ko na, you know what, gagamitin ko nalang siyang inspiration ngayong 2nd sem." ani ko at taka akong tiningnan ng dalawa.
"Bakit naman?" takang tanong ni Faye, napangisi ako, "Para sa future, maipagmamalaki niya na doktor ang asawa niya." Hindi ko na napigilan na lumawak ang aking ngiti, si Faye at Marga ay parehas nanlaki ang mata at animo'y mapapasigaw na.
"HUYYYY!!!" sabay na palirit ng dalawa, habang naghahampasan pa sa harap ko, parehas kinikilig.
"SSHHHH!! Silence! Nasa Library kayo!"
---------
a/n: fun fact, up to this day, di ko talaga hiningi sa crush ko yung pictures na yun, he probably deleted them na but it's fine hahaha, bagong gising pati ako sa picture na yun haahaha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com