Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER II



"Tara canteen? Nagugutom na ako, nakakagutom ang dalawang oras na klase ni prof." Pag-aaya ni Faye, ipinapamaypay pa nito ang dala niyang folder, kakatapos lang namin ng first period at may isang oras lang kami na vacant. Balak kong matulog sa cafeteria sa isang oras na yun dahil bitin ang tulog ko kagabi. 

"Sus, lagi ka namang gutom!" Singhal ni Marga, napahagalpak ng tawa si Faye at ganun din ako. Pagkapasok namin ng canteen ay bumungad agad sa amin ang amoy ng pastries, sakto, bagong luto palang ang mga ito. 

"Huyy!! Yung cupcakes nila! Want!!" Parang bata na turan ni Faye habang nakaturo sa cupcakes na naka-display. 

"Aba! Gusto mo pa yatang ibili kita! Galing mo pala!" Narinig kong sagot dito ni Marga, habang ang dalawa ay patuloy na nagbabangayan na parang mga bata ay naagaw ang atensyon ko ng mga brownies. 

"Ate, magkano po ang isang kahon ng brownies?" tanong ko sa tindera, "180 po," sagot nito at tumango ako bago dumukot nng 200 pesos sa wallet, "Isa nga po, tapos yung sukli ay isang ensaymada nalang." ani ko bago ini-abot ang pera. 

Una niyang ibinigay sa akin ang ensaymada bago ang isang kahon ng brownies, "Thank you po,"

"Ay wow, ang sarap naman niyan, pahingi--" akmang kukunin ni Faye ang kahon ng brownies kaya agad ko itong inilayo. 

"Para kay kuya Haze 'to!" Kunot noo kong turan, nanlaki ang mata ni Faye bago napahagalpak ng tawa, "Wow naman! Brownies for kuya Haze tapos ikaw ensaymada lang? Love language mo ba ang giving gifts, ha?" Pang-aasar  nito kaya napa-irap ako, "Oo, may reklamo? Ha? Puso mo ba 'to? Puso mo?!" Ngayon pati ako ay nakikipag-bangayan na kay Faye. 

"Alam niyo, samahan niyo nalang ako sa building nila, ibibigay natin." Nakangisi kong turan, nanlaki ang mata ni Faye at Marga, "Huy, baka may klase yun, istorbo ka pa." ani ni Marga, 

Napanguso tuloy ako, "Sige na! Malay niyo vacant, please!!" Para akong bata kung magmaka-awa. 

"Akala ko ba mahal niyo 'ko?" Pagdadrama ko sa dalawa, napakamot sa buhok si Faye, "Sige na, sige na, tara na nga!" Gumuhit ang nigit sa aking labi at bahagyang nagtatalon habang hawak ang kahon ng brownies gamit ang aking dalawang kamay. 

Medyo malayo-layo sa canteen ang building kung nasaan sila kuya Haze. Dahil walang mga dalang payong ay napasabak kami sa init ng araw. 

"Dito ba sila? Huy, Cassandra, baka tayo ay nasa maling floor, ha!" ani ni Marga habang dahan-dahan kaming naglalakad sa hallway. 

"Oo naman, second floor kaya sila sa mga ganitong oras!" Pabulong kong sigaw dito dahil ang ibang classroom ay mga on-going classes. 

Pero ilang minuto na kaming pasikot-sikot dito sa second floor pero hindi ko siya makita sa mga classrooms. Nahihiya rin naman akong sumilip ng sobra dahil mahahalata na ako. Mas maganda sana kung makakasalubong ko nalang siya sa hallway. Ang hirap kasing ibigay sa kaniya itong mga brownies na ito kung ipapatawag ko pa siya. Wala pa naman akong kakilala na ibang aviation students! 

"Alam mo Cassandra, iihi muna ako, ikaw muna ang maglakad-lakad. Ikaw ba Marga? CR?" Pag-aaya ni Faye kay Marga, napatango naman ito, "Sige, sama ako, d'yan ka muna Cass." Pinanood kong umalis ang dalawa. 

Napasimangot ako bago naglakad-lakad ulit. Baka wala si kuya Haze rito. Baka hindi siya pumasok? Imposible kasi na nasa training ground sila dahil marami ang estudyante dito. Mukhang hindi naman nila schedule sa training ground ngayon. Siguro ay hindi ito pumasok. Ano kayang nangyari? May sakit kaya siya? Nagka-emergency ba siya? O tinamad ba siyang pumasok? 

Napabuntong hininga ako bago tiningnan ang mga brownies sa kamay ko, "Kakainin ko 'to kapag di ko siya nakita-- AH!" Napasigaw ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ng aking puwetan sa sahig. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na kumalat sa sahig ang kahon na hawak ko. Yung brownies ni kuya Haze! 

"I'm sorry, okay kalang ba?" Napa-angat ako ng tingin at sa kung pang-ilang pagkakataon ay parang tumigil ang tibok ng puso ko. 

There kuya Haze stands, a worried expression printed on his face. He's even reaching his hands forward. 

"Nasugatan ka ba?" he sounded worried, ganito ba talaga siya? Ang comforting ng boses niya, it's very soothing and soft. Sumisigaw ba itong tao na 'to? Sa tingin ko ay hindi bagay sa kaniya ang sumigaw? Lagi lang ba siyang kalmado? 

"Miss? Ahm... Cassandra?" Natauhan ako nang muli niya akong tawagin, agad tuloy akong napatayo at pinagpagan ang palda na suot ko. 

"O-Opo, okay lang po ako." Natataranta kong turan, nakatingin pa rin siya sa akin, parang gulat pa nga siya sa bilis ng pagtayo ko. 

He nod his head once before putting his hand down "Sure, if you say so." ani niya, ngayon ako medyo kumalma na ng kauntian, I noticed that he's wearing his backpack behind him, naka polo rin ito ng puti na naka tuck-in sa grey niyang trousers secured by a black belt. He's also wearing a watch on his right wrist and his hair in it's usual style, this time, his undercut have already grown a bit. 

"Yung brownies mo pala," ani nito bago itinuro ang naka-kalat na brownies sa sahig. 

Brownies mo dapat yun. 

"Don't worry, I'll pay for it." ani niya at nanlaki ang mata ko, agad akong napa-iling at ikinaway pa ang dalawa kong kamay sa harap niya, "Okay lang po--" he handed me a box of brownies, katulad noong binili ko para sa kaniya. 

"Kakabili ko lang niyan, mainit pa" Napakamot siya sa batok, "Sorry for dropping your brownies." Natameme ako, napa-angat ako ng tingin sa kaniya, he slightly lifted his brows. 

"Sure ka ba na okay kalang? Kasi papasok na ako," he pointed at one of the classrooms using his thumb. 

Napatango lang ako, "Okay, sorry ulit, bye." he turned his back at me, pinanood ko siyang maglakad palayo at pumasok sa isang classroom. 

Ilang segundo akong binalot ng katahimikan, bago ko narinig ang palirit nila Faye at Marga na nagmumula sa likod ko. 

"Cassandra!! Nakita namin yun! Lahat-lahat! As in!!" Inalog-alog ako ni Faye, napapalakpak pa ito bago hinampas ang pader na malapit sa kaniya. 

"Akala ko ba ikaw ang magbibigay? Bakit parang ikaw ang binigyan niya?! OMG!! May chance!! Did you see the way he looks at you?! Hindi! Kasi bobo ka sa eye contact!" Kinikilig-kilig na turan ni Faye, habang ako ay natatameme pa rin na nakatayo, parang hindi ko pa rin lubos maintindihan ang nangyari, ang dalawa kong kasama ay sasabog na yata sa kilig.

Umalis kami ng building na halos matumba kaming tatlo dahil hindi makapaglakad nang maayos si Faye dahil sa kilig. Ako, ito, hawak-hawak ang brownies na bigay niya, walang balak kainin. 

Gaya ng plano ay pumunta na lamang kami sa cafeteria para doon magpalipas ng oras. 

"Huy, wala raw si Miss Garcia today, mag self study nalang daw tayo, ibinigay niya ang pages na dapat aralin." Nilingon ko si Faye at napatango, 

"Buti naman, makakatulog ako." ani ko rito bago inilagay ang bag ko sa bangko sa tabi ko. Sumubsob na ako sa lamesa at pumikit. Dahil sa puyat ay agad din akong nakatulong. 

Nagising nalang ako nang may maingay na dumating. 

"Ayan, ingay niyo kasi, nagising tuloy si Cass!" ani ni Matt, lunch time na pala, kaya pala andito na itong dalawang ito, eh. 

Kinusot ko ang mata ko bago nag-ayos ng upo, "Oh, para sa 'yo," ini-abot sa akin ni Simon ang cup ng iced coffee. 

Bahagyang nanlaki ang mata ko, "Galing sa 'yo?" tanong ko rito, pero hindi ako nito sinagot at umalis na para bumili ng pagkain niya. Sumimsim ako nito at agad kong nakilala ang pamilyar na lasa. Galing nga ito kay Simon, alam niya kung ano ang gusto ko sa kape. 

Ilang minuto akong mag-isa sa table namin, natulala kasi ako habang umiinom ng kape, nagulat nalang ako nang dumating na sila Faye kasama sila Simon, may mga dalang pagkain. 

"Ibinili na rin kita, wala ka yatang balak tumayo diyan, eh." ani ni Simon bago inilagay sa harap ko ang tray na may lamang kanin at ulam, may dessert pa. 

"Wews! Salamat bestie!" ani ko bago masaya na kumain, nagutom ako sa pagtulog. 

Pagkatapos ng lunch ay may klase na kaming tatlo kaya naman busy na kami buong hapon. Alas singko nang matikal kami sa klase kaya agad kaming umuwi ng condo. Pauwi ay dumaan na kami sa basketball court dahil mahirap kung sa main road pa kami dadaan, marami masyadong sasakyan, tanga pa man din ang mga kasama ko pagdating sa kalsada. 

"Huy, Cassandra, si kuya Haze!" Kinurot ako ni Faye sa tagiliran kaya agad niyang nakuha ang atensyon ko. Agad akong napalingon sa gawi ng court at doon ay nakita ang buong congress na naglalaro, pero ang aking mga tingin ay napukaw kay kuya Haze na naka black sleeveless top at blue basketball shorts. 

Sumabog nanaman ang kilig sa loob-loob ko. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko dahil pawisan siya, ang hot niya!! 

"Hoy! Allison! Uwi na! Maggagabi na!" Napatingin kaming tatlo kay kuya Shawn na sinita si Faye. 

Napakamot sa ulo si Faye at nagdabog na parang bata, "Si kuya! Pinapanood lang kita!" sigaw ni sa kapatid, 

Habang nagbabangayan ang magkapatid na pinapanood na ng iba pang mga kaibigan ni kuya Shawn ay bahagya kong nilingon si kuya Haze na hawak-hawak ang bola at bahagyang napapangisi sa pag-aaway ng magkapatid.

"Umuwi na kayong tatlo, sabihin mo nanaman pinapabayaan kita." Muli akong napatingin sa gawi ni kuya Shawn, pinandilaan ito ni Faye bago nag-martsa paalis, kami tuloy ni Marga ay napasunod dito. 

Pagkapasok namin ng condominium building ay agad kaming sumakay ng elevator doon ay nakasabay namin si ate Sav, vice president ng Acads club.

"Uy, Cass, I forgot to tell you, may meeting ang Acads club tomorrow, ha? Sa building namin 5pm, may class ka pa ba that time?" ani nito at agad akong napa-iling. 

"Wala na po, I'll be there po, sa building niyo po? Sa Aviation?" Nag-aalinlangan kong turan, ate Sav is an Aviation student too, and another thing, close sila ni kuya Haze. She's like a mutual friend of me and kuya Haze, I met her sa Acads club, and she's really nice and friendly. 

She smiled and nod, "Yes, classroom 2nd from the left, alam mo na yun, andoon ka kanina eh." she has this teasing smile printed on her lips that made my eyes widened. 

"I saw everything," bahagya niya akong binangga sa balakang gamit ang balakang niya. 

"And... you're somehow a talk sa friend group nila." she said and the door of the elevator opened, 

"Dito na ako, see you tomorrow." she said before exiting the elevator leaving the three of us confused and shocked. 

"I knew it! Pagke-kwentuhan ka nila!" Parang nanay na nagse-sermon si Marga sa harap namin ni Faye, 

"Kumalma ka nga, bakit ba ganiyan ang reaction mo?" ani ni Faye kay Marga, I sat there in silence. Kabaliktaran na nag-aalala si Marga, kinikilig naman ako. They're talking about me, kung pinag-uusapan nila ako, may possibility na madalas marinig ni kuya Haze ang pangalan ko at ma-fall siya sa akin. 

"Because... we don't know what they're talking about Cass, paano kung masama pala yun?" sagot ni Marga kay Faye, 

"Huy, relax sis, hindi ganun sila kuya, malay mo, ano... inaasar lang nila si kuya Haze." Tiningnan ako ni Faye at may nakakalokong ngisi sa kaniyang labi ako bago hinampas sa hita, ako tuloy itong di an napigilan ang mapangiti. 

"Wow ha, kinikilig ka pa talaga?" tanong sa akin ni Marga, napatawa na ako ng tuluyan, "Well... pinag-uusapan nila ako, nakakakilig kaya, the more you talk about a person, the more you fall for them, diba?" sagot ko dito at napasapo si Marga sa kaniyang noo. 

"My gosh, nakalimutan ko na marupok nga pala ang kaibigan ko." ani nito bago umupo sa pagitan namin ni Faye. 

"Anong balak mo?" tanong ni Marga at napakunot ang noo ko, "What do you mean na anong balak ko?" taka kong tanong dito, 

She shrugged, "Kay kuya Haze, crush mo na ba talaga siya?" tanong nito at bahagya ko siyang pinanliitan ng mata, "Crush ko na siya?" tanong ko sa sarili ko. 

At first, I thought I was just infatuated, naga-gwapuhan lang ako, ganon. Pero after what happened today? After that short interraction and after he gave me his brownies? Crush ko na nga siguro yung tao.  



"Bakit ginagawa mo na agad 'yan? May mamayang gabi pa." sita sa akin ni Faye, kakatapos lang ng 2nd period namin at vacant na kami hanggang 2pm, napag-desisyunan ko na gawin na agad ang pinapagawa sa amin ng prof namin na kanina lang ibinigay. 

Napabuntong hininga ako bago ibinaba ang ballpen na hawak ko, "Baka gabihin ang meeting, much better kung gagawin ko na agad 'to, panigurado pag-uwi ko mamaya ay pagod ako at baka hindi ko pa magawa." sagot ko dito bago muling dinampot ang ballpen. 

Lunch lang nang kumalas ako sa ginagawa ko, pagkatapos kumain ay ipinagpatuloy ko na ito. Payapa at tahimik akong gumagawa nang bigla akong sipain ni Marga sa paa, "Ano?" Nag-angat ako ng tingin, nakita kong may sinesenyas ito gamit ang mata niya kaya agad akong tumignin sa gawing iyon. 

Nakita ko si kuya Haze kasama si kuya Adrian at Edward, grabe, ang prim and proper nilang tingnan tatlo, yung tipong lakad palang nila pogi na. 

They were passing by our table, and at some point, I must admit, a little, I was hoping he would  look at our direction or even smile at me, pero wala. 

"Parang hindi ako binigyan ng brownies kahapon." Nakanguso kong turan, pinagtaasan ako ng kilay ni Marga, "Hindi ka naman talaga binigyan, binayaran lang yung brownies na nahulog. Na-guilty lang yung tao, assumera mo rin eh." Pambagsak nito sa mood ko, napakamot sa ulo si Faye bago hinampas si Marga sa balikat nito. 

"Aray ha!" Hinimas ni Marga balikat nito, "Ang KJ mo!" ani ni Faye rito bago humarap sa gawi ko. 

"Isipin mo nalang, mahiyain talaga 'yang si kuya kaya nahihiyang ngumiti o tumingin sa 'yo." ani nito sa akin at tumango ako. 

"And baka iniisip niya na ma-awkward-an ako kapag ngingitian niya ako, tama!" I tried to cheer myself up, and it actually helped cause it make sense. Hindi pa naman kami close friends, or even friends, senior and juniors lang, kaya siguro nahihiya itong tumingin o  ngumiti manlang sa akin. 

It was around 4pm nang matapos ang klase ko ngayong araw, kagaya ng nakakasanayan ay sa cafeteria kami namamalaging tatlo, minsan ay kasama sila Simon at Matt. Minsan nag-aaral, madalas nagdadaldalan at kumakain. 

"Hindi kapa ba uuwi, Cass?" tanong ni Simon nang tumayo na silang apat para umuwi. 

Umiling ako bago sumubo ng kamote chips, "Hindi, may meeting pa ang Acads club, need na ulit namin mag-compile ng lessons from each department." sagot ko rito at napakunot ang noo ni Simon. 

"Hintayin na kita para may kasabay kang umuwi." ani nito at umiling ako, "Hindi na, kasama naman doon si ate Sav, nakatira rin naman siya sa condo." sagot ko rito at muling napakunot ang noo nito. 

"Are you sure? Paano kung gabihin kayo?" tanong nito, ibinaba pa niya ulit ang bag na dala niya. 

"May iba kaming kasama sa club, may mga lalaki rin, so don't worry." sagot ko rito, I'm trying my best na mapakampante sila na iwan ako mag-isa. 

"Sino-sinong--" 

"Bastaa!! Kulit! Di na ako bata, I got this, Si. Umuwi na kayong apat." I cut him off, utay-utay siyang tumango bago muling binuhat ang bag niya. 

"Ingat, call us when you need anything." ani nito bago nagpaalam na silang apat at umalis. 

Ten minutes before 5pm nang umalis ako sa cafeteria, sakto dahil before 5pm ay nasa building na ako. Nahihiya akong pumasok ng silid, napansin ko kasi na may mga ibang estudyante pa rito, parang puro lahat sila 4th year. 

"Pasok kana, 'wag kang mahiya." Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko, si kuya Adrian pala, officer ng club. 

Nahihiya akong ngumiti at tumango bago pumasok, nakatungo  ay agad akong naupo sa pinakamalapit na bangko. Ito ang mga ayaw ko eh, yung mag me-meeting kami sa classroom tapos may mga tao pa rito na hindi member ng club tapos hindi ko pa kakilala, plus they're my seniors, nahihiya ako ng sobra. 

Ang ingay nila, grabe, para akong nasa classroom ng mga highschoolers. May napansin pa nga ako kanina na nakataas ang paa sa bangko. May mga naglalaro rin ng e-games, feels... weird na it feels familiar. Ganito rin kami noong highschool eh. 

"Guys, settle down, 5pm na, yung mga hindi officers ay umalis na muna." Si kuya Edward, president ng Acads club, nag-angat ako ng tingin at napansin na umaalis na ang iba. Bahagya akong kinabahan dahil nakita ko ang ibang congress na hindi naman kasama sa club, si kuya Lucas itinulak pa ni kuya Edward na lumabas. 

"Hoy, Haziel, lumabas kana, tangina mo! Kanina pa kita pinapalabas, tigas ng ulo mo, COD pa!" Nanigas ako sa aking kina-uupuan nang sabihin iyon ni kuya Edward, may itinuro siya sa may bandang likod kaya napatingin ako doon, andoon pala si kuya Haze, naglalaro sa cellphone. 

"Hintayin ko na kayong matapos, sasamahan ko pa si Savanna umuwi, ibinilin 'yan sa 'kin." sagot nito, nakatutok pa rin sa kaniyang cellphone at hindi manlang nag-aangat ng tingin. 

"Mahiya ka naman kay Cassandra," napalingon ako kay ate Sav na nasa unahan, may nakakalokong ngiti nanaman ito sa kaniyang labi, halatang nang-aasar, siyempre ako, nagtago ng kilig. Nag-iisa akong third year sa mga officers na andito, hindi kasi pumunta ang representative ng ibang year, para akong napag-trip-an kaya naging secretary ako. 

"Hayaan na natin 'yan, let's start, Cass, minutes, ha?" ani ni kuya Edward, tumango lang ako at kinuha na ang iPad ko para sa minutes. 

After 1 hour, natapos ang meeting. Pero nanatili pa rin kami sa classroom dahil nag co-compile na kami ng mga lessons and reviewers for each department, for each year level. Bilang isang third year med student, natapos ko na i-compile ang mga lessons namin. Nakapag-message na rin ako sa ibang med students from different year level. Hindi ko naman naging problema ng 4th year med dahil si kuya Edward na ang bahala doon. 

"Alonzo, pakikuha nga muna ako ng tubig." Napa-angat ako ng tingin nang tawagin ni ate Savanna si kuya Haze para kumuha ng tubig, si kuya Haze na kanina pa walang gawa sa tabi ay parang bata na tumayo at lumapit. 

"Ate, saan may water dispenser? Kukuha rin ako mamaya." bulong ko kay ate Sav na katabi ko lang, "Ah, wala kana rin tubig? Alonzo--"

"Ate 'wag--"

"Ikuha mo na rin si Cassandra." Napapikit ako ng mariin, naramdaman ko ang presensya ni kuya Haze sa aking likuran, tiningnan ko si ate Sav at nakitang nakangisi ito bago ini-abot kay kuya Haze ang kaniyang tubigan, 

"Cass, yung tubigan mo? Dali at wala namang ginagawa si Alonzo." ani ni ate Sav, kinuha ko ang tubigan ko mula sa bag bago ini-abot kay kuya Haze, hindi ko magawang tingnan ito. 

"Cold or room temp?" tanong nito, napa-angat ako ng tingin at saka itong tiningnan, "Cold pero hindi yung malamig na masakit sa lalamunan." sagot ko rito, napakunot ang noo niya bago tumango at umalis. 

"Tama 'yan Cass, pahirapan mo siya." ani ni ate Sav at napatawa kaming dalawa. 

Few minutes later, bumalik si kuya Haze, dala lang niya ang tubigan ko habang si kuya Adrian na ang may hawak ng kay ate Sav. 

Ini-abot ni kuya Haze sa akin ang tubigan ko pero kay ate Sav nakatingin, "Matagal pa ba kayo? It's 8pm already," he asked ate Sav, he even yawned that I find cute. 

"8:30 ang sabi ni Edward, ilang minuto nalang, maghintay kalang diyan." sagot nito kay kuya Haze. 

Just like what ate Sav said, after few more minutes, when the clock strikes 8:30pm, we all packed our stuffs and left the classroom. Everyone bid goodbye to each other took their way home.

"Sinong kasama mo umuwi, Cass?" tanong sa akin ni ate Sav, umiling ako, "Mag-isa lang po ako, pina-uwi ko na sila Faye at Marga." sagot ko rito, 

"Eh? Sumabay kana sa amin." ani niya at bahagyang nanlaki ang mata ko bago umiling. 

I shyly smiled, "'Wag na po, nakakahiya." sagot ko, sinong hindi mahihiya, si kuya Haze, kuya Edward, at si kuya Adrian ang kasama niya. 

"Sus, 'wag kana mahiya sa tatlong 'yan, tara na." Inakbayan ako ni ate Sav kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sumabay sa kanila. 

Nauuna kaming maglakad ni ate Sav habang sila kuya ay nasa likuran namin, dalawa o tatlong metro rin ang layo namin sa tatlo. 

"Alam mo, 'wag kang mahihiya sa mga 'yan dahil mga walang hiya 'yan." Pabulong niyan turan para hindi marinig nila kuya,

Napatawa ako, "Hindi naman po sa nahihiya talaga ako, nahihiya ako dahil sa sinabi mo na pinag-uusapan nila ako." Pabulong ko ring sagot, 

"Eh? Sus, wala yun, kung iniisip mo na pinag-uusapan ka nila in a bad way, engk, mali ka. Chismoso 'yang mga 'yan, madadaldal, hindi lang halata. Naku, kapag magkakasama 'yang walong 'yan, sobrang ingay." ani niya at parehas kaming napahagikhik. 

"Tapos 'yan kasing si Alonzo, hindi 'yan ma-kwento, maraming nagkakagusto d'yan, pero sadyang mukha siyang hindi approachable. Kita mo naman diba? Mukhang hindi siya interesado sa mga relasyon, hindi siya mukhang mabait, in short." ani niya at napatawa ulit kaming dalawa. 

"Pero ikaw? Lakas mo, bilib kami sa 'yo na ganon ka kabilis nakapagpa-picture diyan, di 'yan ganun kadali ma-akit ng iba. Tapos yung brownies, naku, hindi kita pinapaasa, ha? Pero ang akin lang, baka mabago mo 'yang isang 'yan." Kinurot ako ni ate sa tagiliran kaya halos matumba kami nang bahagya akong lumayo. 

"Ate naman, crush lang naman itong kay kuya." Depensa ko rito, pinagtaasan ako ng kilay ni ate Sav. 

"Sa tingin ko ay hindi, kung paano ka tumingin kay Haziel? Sus, malakas na tama mo." ani niya at napangisi ako, 

"At kung paano gumalaw si Haze kapag andiyan ka? Kanina? Iba, may iba kay Haze kanina, pero gaya ng sabi ko, hindi kita pinapaasa, ha?" Bawi agad nito kaya napatawa ako na medyo malakas yata kaya napalingon ako sa tatlo sa likod, mukhang hindi naman sila nakikinig. May sinisipa pa nga na bato si kuya Adrian habang si kuya Haze ay busy sa cellphone niya. 

Muli akong napatawa, pero ngayon ay mahina na at napa-iling ako, "Hindi naman ako umaasa, ate. Hindi naman ako aasa." 





---------

a/n: ops, again, this story is a work of fiction, wala ng totoong nangyari dito sa buhay ni otor HAHAHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com