Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XV


"May ex-girlfriend si kuya Haze?" Nag-aalinlangan kong tanong kay Simon, muli itong bumuntong hininga bago tumango.

"Yun ang alam ko, narinig ko pinag-uusapan nila noong minsan." sagot niya at binalot ng katahimikan ang buong kwarto. 

Napakunot ang noo ko habang ang mga kaibigan ko ay may sari-sariling reaksyon ngunit iisa lang ang ipinapahiwatig at iyon ay ang hindi sila makapaniwala.

Hindi naman kaduda-duda na may ex-girlfriend si kuya Haze. Sa gwapo niyang iyon ay paniguradong meron siyang girlfriend dati. 

Ang akin lang ay... bakit hindi ko alam ang tungkol dito? 

"S-Sino raw?" Nauutal kong tanong, nagbabakasakali na may malaman pa. 

Nagkibit balikat si Simon, "Hindi ko alam, hindi ko kilala. Basta narinig ko, pinag-uusapan nila." sagot nito at utay-utay akong tumango. Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko at ang bahagyang paghahabol ng hininga. 

"Paano mo nasabi na ex-girlfriend niya kung walang pangalan na nabanggit?" tanong naman ni Marga, 

"Inaasar nila si kuya Haze, eh--" 

"Paanong pang-aasar?" Putol naman dito ni Faye, napatingin sa akin si Simon, bakas sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. 

"Ano... na ano raw--" 

"Ano?" Matigas kong turan, 

"Inaasar siya na baka bumalik daw... ganiyan." sagot niya at napahugot ako ng malalim na hininga. 

Hanggang sa pagtulog ay tuliro ako. Hindi makahinga nang maayos at mabigat ang pakiramdam. Maraming bagay ang umiikot sa isip ko. Ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman at mga bagay-bagay na pumapasok sa utak ko. 

Bakit hindi ko manlang narinig ang tungkol doon? Alam ko naman na wala akong karapatan at buhay niya iyon pero... kahit kaunting pasada? At... bakit kailangan pa siyang asarin na babalik ito? Babalik ba talaga siya? At kung babaik siya... paano si kuya Haze? Paano ako? 


Pagkagising ko kinabukasan at pagtingin ko sa cellphone ko ay may message rito si kuya Haze na hindi ko pinansin. Naisipan ko rin na kumain na sa dorm at hindi na pumunta pa ng canteen mamaya, baka makita ko lang siya doon. 

Akala ko isang malamig na ligo ay gagaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko. Pero hanggang sa pagpasok at hanggang sa klase ay tuliro at maraming bumabagabak sa isip ko. 

Overthinking, that's what I'm going through right now. And maybe the fear of things to happen again. Rebound, back-burner, distraction, character development, I'm scared to go through those again. Nakakatakot magamit ulit. 

Mag-isa akong pumunta ng canteen dahil may inasikaso si Faye at Marga, mga naghahabol ng requirements. Doon ay nagkasalubong kami ni Matt. 

"Uy, kamusta? Hindi ka pa rin okay?" tanong nito at bahagya akong napa-iling, "Medyo mabigat pa rin ang pakiramdam." sagot ko at tumango ito habang hinihimas ang likod ko. "Sige na, uuna na ako, 'wag mo na kasi masyadong isipin." ani nito bago tumakbo palayo, mukhang magpapasa ng plates niya. 

Tahimik akong kumakain sa isang table nang may biglang tumabi sa akin, si ate Sav. 

"Balita ko... nag date raw kayo ni Alonzo kagabi? Kamusta?" Nakaguhit ang  mapang-asar na ngisi sa labi nito. 

Nagpilit ako ng ngiti, "Ah... opo, okay lang naman, masaya." Malamya kong sagot na agad napansin ni ate Sav. 


"Oh, eh bakit parang hindi naman? Nagkekwento raw si Alonzo kagabi, tuwang-tuwa, ngayon lang daw ulit nila nakita si Alonzo na ganun kasaya." turan nito at napabuntong hininga ako. 

"Masaya siya?" tanong ko at tumango si ate, "Oo, kinikilig nga raw yata." sagot nito at napatawa ako nang pagak. 

"Alam mo ba yung tungkol sa ex-girlfriend niya, ate?" tanong ko at nakita kong bahagyang nagparte ang labi ni ate. 

"Saan mo naman nakuha 'yan?" tanong niya at napanguso ako habang pinaglalaruan ang baso sa kamay ko. 

"So totoo nga? May ex siya?" tanong ko at tumango ito, "Oo, hindi naman niya yun itinatago." ani niya at napakunot ang noo ko, "Pero hindi ko alam, hindi niya nabanggit." ani ko at hindi nakasagot si ate. 

Biglang meron akong na-alala, napatawa ako nang mapait, "Nabanggit niya pala... noong lasing ako... pero ayaw niyang pag-usapan. Sinabi lang niya na may babae siya dati." ani ko at tumango si ate. 

"Meron naman talaga... hindi lang kasi  naging maganda yung relasyon nilang dalawa kaya siguro ayaw ni Alonzo na pinag-uusapan ang tungkol doon." sagot ni ate at utay-utay akong tumango. 

"Sino ate? Anong pangalan?" tanong ko at napakamot sa ulo si ate. "Ihh! Bakit gusto mo pa malaman? Baka masaktan ka lang! Matagal naman na silang wala." ani nito at napanguso ako, "Ate naman eh, dali na! Anong pangalan?" Pangungulit ko, 

"Bakit mo ba ginagawa sa sarili mo 'yan? 'Wag mo na alamin---" 

"Please!! Please! Please!!" Para akong bata na nagmamaktol kay ate,

Napabuntong hininga ito, "Camille Del Mundo," sagot niya at bahagyang napakunot ang noo ko. 

Pamilyar ang pangalan... pero hindi ko kilala... 

"Mo--" 

"Model! Yung model?! Camille Del Mundo na model?!" Hindi ako makapaniwala, 

Tangina! Camille Del Mundo?! Eh diyosa yun, eh! 

"Oh, chill ka lang!--" 

"Eh paano ako makaka-chill kung ang ex-girlfriend pala ng taong gusto ko ay isa lang namang sikat at napakagandang model?! Tapos ako..." Pinagtaasan ako ng kilay ni ate, 

"Tapos ikaw ay ano? Mas maganda ka naman kaysa dun--" 

"Hindi ah! Sexy-sexy nun! Yung beywang nun hita ko lang! Tapos... ang ganda-ganda, napaka... napaka-ideal type niyang babae!" Putol ko rito at napasinghap si ate. 

"Ikaw, loob at labas, maganda, yun... sus! Labas lang!" ani niya na parang may hinanakit sa Camille Del Mundo na yun. 

Napakunot nag noo ko, "Bakit naman may galit ka yata sa kaniya?" Taka kong tanong at napa-ismid ito, 

"Alam mo ba... kaya sila nag-break ni Alonzo dahil..." tumingin ito sa paligid bago lumapit sa akin para bumulong. 

"Ang sabi niya... magfo-focus daw siya sa modelling career niya. Tapos nalaman nalang namin... may iba pala siyang lalaki na co-model na  ipinalit niya kay Alonzo." ani ni ate at nahulog ang panga ko. 

"Ang tanga niya---" 

"Diba! Yun na nga! Sinayang niya si Alonzo! Mahal na mahal pa man din siya ni---" Natigilan ito, 

"Ay hindi, joke lang!" Bawi agad ni ate, napanguso ako bago napabuntong hininga at bumagsak ang mga balikat. 

"Ilang years naging sila bago nag-break?" tanong ko at nilingon si ate. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. 

"Ano... sure ka?" tanong niya at tumango ako, "Masakit na rin naman na, dagdagan pa natin." ani ko at tumango ito, 

"Ano... grade... grade 8 hanggang first year college... six years." 

Parang bumagsak bigla ang puso ko sa aking sikmura. 

Six years?! Anim na taon?! Paano makaka-move on si kuya Haze sa anim na taong relasyon?! 

Napasubsob ako sa lamesa, "Huy! Umiiyak kaba?! Hala! 'Wag kang iiyak! Maiiyak din ako!!" Nag-aalala nitong hinihimas ang likod ko. 

Umiling naman ako, "Hindi ako umiiyak..." ani ko pero ang totoo ay naiiyak na ako, hindi lang makaiyak. 

Basta mabigat ang pakiramdam ko. Masakit... nakakagulo lalo. Para akong... nawawalan ng buhay. Sinong makakalimot sa anim na taong relasyon?! Yung tatlong taon nga nakakabaliw na! Anim pa kaya!? 

"Nakakawala naman ng kumpyansa sa buhay 'to." ani ko at napahagalpak ng tawa si ate Sav. 

Napa-upo ako nang ayos bago ito sinimangutan, "Anong nakakawala ng kumpyansa sa buhay?" Paglilinaw niya habang tumatawa-tawa pa. 

Napanguso ako, "Yung ano... yung... nakakawala ng chance at hope na magugustuhan din ako ni kuya Haze! Ganun pala ang type niya sa babae at ang layo-layo ko doon! Tapos six years?! Naka-move on naba siya?!" Nasisiraan kong turan, napahagalpak nanaman ng tawa si ate Sav. 

"Oo! Jusko! Ang tagal na... tatlong taon na silang break. Nakapag-move on na si Alonzo." ani nito at napabuntong hininga ako. 


Para naman akong niloloko ng mundo, eh. 


Pagsapit ng lunch ay magkakasama kaming lima na kumain. Sa bandang malayo rin kami kumain at hindi sa madalas naming kinakainan dahil baka makasabay namin kumain ang congress. 

"Nabusog kaba?" tanong sa akin ni Simon, inilibre kasi ako nito ng isang platter ng sisig. 

Napangiti ako at tumango habang hinihimas ang tiyan na bundat. "Oo naman! Grabe, ngayon nalang ulit ako nakakain ng sisig!" Nakangiti kong sagot dito, 

Pagtingin ko sa aking unahan ay natigilan ako sa paglalakad, "Makakasalubong natin sila...!" May bakas ng pag-aatubili sa boses ko, nang mag-angat ng tingin si Simon ay siya ring pagtatagpo ng mga mata namin ni kuya Haze. 

"Halika," hinawakan ako ni Simon sa tagiliran bago inilihis ng daan. 


"Tangina... nasira nanaman araw ko." ani ko habang naglalakad kami sa ibang ruta, 

Ginulo ni Simon ang buhok ko, "Sus, ice cream lang katapat niyan. Ice cream, g kayo?" tanong nito sa mga kaibigan namin. 

Bago bumalik sa klase ay ibinili muna ako ni Simon ng ice cream bago inihatid sa kasunod kong klase. 


Sa klase ay halos oras-oras akong kinakamusta ni Simon, lagi siyang may ipapakitang meme o kung anong kalokohan, 'wag ko lang daw ma-alala o di naman kaya ay mamroblema nanaman kay kuya Haze. 


from: MonMon

susubukan kong humabol sa last class mo mamaya para ihatid ka, kapag hindi ako nakahabol, umuwi na kayo nila Faye at Marga


to: MonMon

oo naman! kaya na namin 'to 'no! 


from: MonMon

sus, parang hindi


to: MonMon

siraulo! bahala ka diyan! 



Magdidilim na nang matapos ang klase naming tatlo, nagkita-kita nalang din kami sa may main gate ng university. Naghihintay kami ng jeep nang tumigil ang isang pamilyar na sasakyan sa harap namin. 

"Kuya?" tawag ni Faye sa kapatid, 

Kumaway si kuya Shawn mula sa loob ng sasakyan niya, "Hey, Faye, Marga, sakay." Kalmado ang boses nito, napakunot ang noo naming tatlo. Napaturo ako sa sarili ko, "Paano si Cass?" tanong ni Faye, 

"May susundo diyan." sagot ni kuya Shawn at bahagyang nanlaki ang mata ko, nakita kong kasunod ng sasakyan ni kuya Shawn ay ang kay kuya Lorenzo, magkakasunod nanaman pala sila. 

Nagkatinginan si Faye at Marga bago sumakay ng sasakyan ni kuya Shawn. Iiwanan ba talaga nila ako?! 

"Ingat ka!" ani ni Marga, napakamot ako sa batok ko, pinanood kong umalis ang mga sasakyan ng congress. 

Nataranta ako bigla nang makita na papalapit na sa akin ang sasakyan ni kuya Haze. 

"Bahala na!" Tatakbo sana ako pabalik nang may humaglit sa aking tagiliran at itinalikod ako sa daan. 

"Sabi na nga ba, hindi mo kaya." ani ni Simon habang naglalakad kami pabalik sa loob ng campus. 

"Buti nalang dumating ka." Nakahinga ako nang maluwag. 

Napatawa ito, "Iniwan ka nila Faye at Marga?" tanong niya, "Wala eh, si kuya Shawn na yun." ani ko at nag-hum ito, 

"Maglakad nalang tayo pauwi?" tanong niya at tumango ako. 


Na-miss ko rin ang makasama si Simon na maglakad pauwi. Yung sunset, yung malamig na simoy ng hangin, yung mga street foods, ganitong-ganito kami noong first year. 


Pagdating namin ng kwarto ay wala pa si Faye at Marga, pero may message ito at ang sabi ay dinala raw sila ni kuya Shawn sa mall at doon kumain ng hapunan. 


Kasunod naman nito ang message ni ate Sav. 


from: Savanna Valerie 

Girl!! Sorry! Nadulas ako sa congress kanina! Alam na ni Alonzo na alam mo ang tungkol kay Camille, nagka-usap naba kayo? Ang sabi niya kasi kanina ay kakausapin ka niya!


to: Savanna Valerie

Okay lang yun ate, hayaan mo na. Pero hindi pa kami nakakapag-usap. 


from: Savanna Valerie

eh? akala ko susunduin ka niya at saka kayo mag-uusap? 


to: Savanna Valerie

hindi, iniligtas ako ni Simon, on time siyang dumating bago tumigil sa harap ko si kuya Haze


from: Savanna Valerie

iniiwasan mo si Haze? whyket? 


to: Savanna Valerie

medyo, ayaw ko muna siyang makita, broken pa ako



Napatawa ako habang nakaupo sa sofa, "Broken bagang?!" Natatawa ako sa sarili ko, ayan kasi, crush pa! 


Hindi ako iniwan ni Simon sa kwarto hanggang sa makauwi sila Faye at Marga na agad akong niyakap. 


"Cass!! Sorry na!! Takot kasi ako kay kuya! Hindi ako naka-hindi!!" ani ni Faye na parang bata kaya napatawa ako, 

"Gaga! Okay lang! Ano ka ba naman?" ani ko at napaguso ito. 

"Eh ano? Buti nalang magaling mag-timing si Simon! Hindi mo talaga pinansin si kuya Haze?" tanong ni Marga at utay-utay akong umiling. 

"Ano ba ang nararamdaman mo?" Dagdag pa ni Faye, 

Napabuntong hininga ako bago naupo sa sofa, "Naguguluhan at... natatakot." sagot ko at naupo sa tabi ko si Faye at Marga, 

"Natatakot na?" tanong ni Simon, 

"Na... malaman ko na mahal pa niya ex niya, na ginagamit niya lang pala ako para makalimot. Tapos sa huli... luhaan nanaman ako." ani ko at napatawa nang mapait si Simon. 

"'Yan ang sinasabi ko sa 'yo noon, sabi na kasing 'wag na si kuya Haze, congress 'yan! They all have their red flags! Lahat sila!" Sermon ni Simon at napasimangot ako. 

Ang katahimikan na bumabalot sa amin ay agad nabasag nang may tumawag kay Faye. 

"Si Kuya," agad niya itong sinagot, 


'Is Cass with you right now? Makikisabi naman may messages sa kaniya si Haze.' 


Rinig na rinig namin si kuya Shawn, napatingin sa akin si Faye bago tumango, "Sige po kuya, sasabihin ko." ani ni Faye bago ibinaba ang tawag. 

Ako naman itong napadamot sa cellphone, "Ano? Sasagutin mo pa?" tanong ni Simon at napatingala ako sa kaniya. 

"Baka may importante siyang sasabihin," ani ko at narinig ko itong suminghal. 


from: Alonzo Haziel

busy kaba? pede ba tayong mag-usap? 


from: Alonzo Haziel

and2 ako sa garden, hihintayin kita 


Tumayo ako mula sa sofa na agad nakuha ang atensyon ng mga kaibigan ko, "Saan ka pupunta?" tanong ni Simon, bakas sa mukha nito ang pag-aalala. 

"Pupuntahan ko lang si kuya Haze, nasa garden daw." sagot ko sa kaniya habang nagsusuot ng sapatos. 

Agad akong lumabas ng kwarto at lumabas ng dorm para pumunta sa garden. Madilim at wala gaanong tao ang namamalagi sa garden kapag gabi, medyo nakakatakot din kasi ito. 

Sa may flower box ay nakita ko si kuya Haze na naka-upo at nakatingin sa kalangitan. Ilang metro ang layo ko sa kaniya nang maramdaman niya ang presensya ko at nag-ayos ng tayo. 

"Hello," bati nito, tono palang ng boses niya, alam ko na.

"Hello po," sagot ko bago tumabi sa kaniya, 

"Bakit niyo po 'ko gustong maka-usap?" tanong ko habang diretso ang tingin sa unahan ko. Nag-aala-alang hindi alam kung saan patungo ang usap na ito.

Nakita ko sa peripheral vision ko na humarap siya sa 'kin. "Alam ko na alam mo na ang tungkol kay Camille." 

Sinasabi ko na nga ba.

Tumango ako, hindi pa rin siya tinitingnan, "Opo, kinulit ko si ate Sav." sagot ko rito, sinusubukang hindi mautal. 

Nakita kong pinaglaruan niya ang mga daliri niya, "Dahil ba sa kaniya kaya hindi mo 'ko pinapansin?" tanong nito at saka ko siya tiningnan. 

Nagpeke ako ng tawa, "Bakit niyo naman po naisip 'yan?" tanong ko rito, 

Nagkibit balikat siya, mukha siya ngayong inosenteng bata na hindi alam ang kasalanan na ginawa niya. Pero wala naman kasi talaga siyang kasalanan. 

"Eh ano ba... dahil ba dun sa... halik kagabi?" tanong niya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Agad kong naramdaman ang pag-init ng magkabila kong pisnge kaya naman napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at napaharap sa kabilang gawi.


Shit, oo nga pala! 


Tumikhim ako bago muling humarap sa kaniya. Buti nalang madilim, hindi niya makikita ang pamumula ng pisnge ko. 


Umiling ako, "Hindi ah, sus." Susmaryosep! 

Tumango ito, "Yung kay Camille lang ang naiisip kong dahilan." ani nito, tiningnan ko siyang diretso sa mata at nakipagtitigan lang naman siya sa 'kin, no thoughts behind his eyes. Ang cuute niya actually, haha.

Bumuntong hininga ako, "Fine, sige na nga, oo na, suko na ako kuya Haze, dahil nga dun." Pag-amin ko at utay-utay itong tumango. 

"Bakit naman?" tanong niya at napakunot ang noo ko, "Anong 'Bakit naman?' eh siyempre ex-girlfriend mo yun! Tapos model pa! Nakakasira ng--" 

"Kumpyansa sa sarili?" Putol nito at napatawa ako bago tumango. 

"Alam mo pala 'yan-- pero oo, yun, ganun pala ang standard mo sa babae?" ani ko at nakita kong napakunot ang noo niya. 

"Ano naman?" tanong nito at napakunot din ang noo ko. 

"Anong 'Ano naman?' kuya naman, eh! Siyempre... ang ganda-ganda ng ex mo! Tapos ako... ginaganito mo?! Nakakasira kaya ng utak!" turan ko rito at pinanliitan ako nito ng mata. 

"What do you mean? Inaano ba kita?" Napasabunot ako sa buhok ko, 

"Yung date! Yung kagabi! Yung mga pabigay-bigay mo! Ano yun?! Imposibleng gusto mo 'ko dahil... dahil alam kong imposible! Tapos malalaman ko pa na si Camille Del Mundo pala ang ex mo?! Anong laban ko dun! Tapos... 6 years pa kayong mag-jowa!" Naramdaman ko nalang ang maiinit na luha na umagos sa pisnge ko. 

"Ginagamit mo lang ba ako para makalimot? Kasi kung oo... gosh... sige lang." ani ko bago napabuntong hininga at pinahid ang mga luha ko. 


Naramdaman ko ang kamay ni kuya Haze sa aking likod at maya-maya ay inilapit niya ako sa kaniya para yakapin. 


"Sino naman ang nagsabi sa 'yo na ginagamit lang kita?" tanong niya at napasinghot ako, 

"Wala, feel ko lang." sagot ko at bahagya siyang napatawa, "Ang sama naman ng feeling mo." ani niya at napatawa ako bago ito pabirong hinampas sa hita. 

"Iniiwasan ko lang masaktan." ani ko at nag-hum siya, "Sa tingin mo talaga sasaktan kita?" tanong niya at napalayo ako sa kaniya bago nagpahid ng luha. 

"Hindi, pero---" 

"Hindi ang sagot, iyon yun." Putol niya at napa-irap ako. "Si Camille... wala na yun, tatlong taon na ang nakakalipas. Matagal na kaming hiwalay at wala ng point na isipin pa siya." Paliwanag nito at napa-singhap ako, 

"Paano mo nagagawang makamove-on sa six years relationship?" tanong ko at sandali siyang napa-isip. 

"Siguro... ganun talaga kapag niloko ka." sagot niya at napakunot ang noo ko, hindi ko ito gaanong naintindihan kanina kay ate Sav. 

"Ano ba'ng ginawa niya sa 'yo?" tanong ko, nagbabakasakali na sasagutin na niya. 

Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya bago inayos ang buhok kong hinahangin, "Sure kaba na gusto mo siyang pag-usapan?" tanong niya at agad akong tumango, 

"Oo, chismis 'yan, eh." sagot ko at napatawa siya bago tumango, 

"Well... nagkahiwalay kasi kami ng university noong college, and her modelling career also started to... bloom. Mas sumikat siya, mas naging busy siya, ang sabi niya sa 'kin..." natigilan siya at napatingin sa 'kin. 

"Sure kaba talaga--" 

"Oo nga! Nakikinig ako, oh!" Putol ko sa kaniya at napakamot siya sa batok. 

Bumuntong hininga ito, "Sabi niya sa 'kin na mag fo-focus muna siya sa career niya at ayaw niya ng distraction kaya siya nakipaghiwalay. Siyempre ako, ayaw ko, sabi ko... hihintayin ko siya. Pero wala eh, desidido siya. And then..." he paused and think for a second. 

"On one interview with her male co-worker, they... admitted that they're in a relationship for 4 months... we just broke up 2 months ago that time." My lips parted, 

"Oh... so... nag-two timer siya?" tanong ko at tumango siya, 

"Pero hinihintay mo pa rin siya ngayon--" 

"Siyempre hindi!" Sagot niya agad at napahagalpak ako ng tawa, "Bilis ng sagot, ah." 

"Cause that's the truth. I was willing to wait until I found out about that." he replied and I nod, 

"You're fully healed?" I asked, sinisigurado ko lang.  

He hummed, "Of course, I won't do all these if I'm not." he replied and I slowly nod, 

"We should go back, baka magsakit kapa, tara na." ani nito bago umalis sa pagkakasandal sa flower box. 

Tahimik lang kaming bumalik sa dorm. Pero may pasulyap-sulyap siyang nalalaman kaya naman napapahagikhik nalang kaming dalawa. 

Inihatid pa niya ako sa kwarto at pagbukas ng pinto ay agad nitong iniluwa si Simon na bakas sa mukha ang pag-aalala. Pero nang makita nito si kuya Haze ay nakita kong kumunot ang noo nito. 

"Andiyan kana pala." ani nito bago ako tinalikuran, pumasok ako ng kwarto at nagpaalam na kay kuya Haze. 


"Anong sabi ni kuya Haze?" tanong ni Faye, nagkibit balikat ako habang nakangisi, "Wala... ano lang... assurance, ganon." sagot ko at napatili si Marga at Faye, 

"Wow naman! May assurance na!" Pang-aasar ni Matt, andito na pala siya. 

Silang tatlo itong inaasar ako habang si Simon ay tahimik na nakatayo sa gilid. Halata ko agad sa ekspresyon palang niya na bad mood ito. Lalo na nang sumaltik bigla ang dila nito at napakamot sa ulo niya. 

"Pinagloloko kalang nun, aalis na ako." ani niya bago ako nilampasan lang at lumabas ng kwarto. 


"Naku alam mo inggit lang si Simon kaya ganun, at least diba, binibigyan ka ng assurance ni kuya Haze!" ani ni Matt at napangisi ako bago tumango. 


In the next days and weeks, I see a very different side of kuya Haze. He gone sweet and romantic. Napapadalas ang pagsundo niya sa akin, ang pagbibigay ng kung ano-ano. Tumatapang na rin siya dahil siya na mismo ang nagbibigay sa 'kin nito. 

I never knew I would get to experience this from Alonzo Haziel Vergara. 

Hindi lang naiiwasan ang mga inggitera. 

"Ang sama ng tingin sa 'kin nung isang second year." bulong ko kay kuya Haze, nasa isa kaming kainan malapit sa campus at pinagtitinginan kami ng mga second year sa kabilang table. 

Napatawa siya pagkatapos itong lingunin, "Hayaan mo na, as long as they're not hurting you." ani nito at tumango nalang ako habang kumakain. 


Kapag Sabado at Linggo ay hindi ko na pinoproblema ang pagkain, hindi na rin ako nalilipasan ng gutom dahil may nagagalit na kapag hindi ako kumakain. 


from: Alonzo Haziel

alas tres na ng hapon ndi kpa kumakain? sa tingin m ba gawa ka sa bakal? 


to: Alonzo Haziel

HAHAAHAH sira! kakagising ko nga lang


from: Alonzo Haziel

dba nagising kna kaninang 11? anong nangyari?


to: Alonzo Haziel

nakatulog ulit, hihi


Napatawa ako at napapadyak, grabe naman, ganito pala ang feeling kapag may nagagalit kapag hindi ka kumakain. 


from: Alonzo Haziel

see you in 15 minutes


Napatayo ako sa pagkakaupo sa sofa, "Parang timang naman! Shyet!!!" 

Agad akong napatakbo sa kwarto at kumuha ng damit, mabilis akong nag-shower at hindi nagtagal ay may kumakatok na sa kwarto. 

"Ang bilis mo!" sigaw ko bago siya pinagbuksan, "Pasok ka," nilakihan ko ang bukas ng pinto. Hindi pa manlang ako nakakapagsuklay kaya pinatuloy ko muna siya. 


"Let's eat sa bagong restaurant nila Edward, they just opened a week ago." ani niya bago umupo sa sofa, 

"Huh? Ano naman meron dun?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok, 

Nagkibit balikat ito, "Marami, it's a buffet so..." utay-utay akong tumango, 

"Pwede bang ano... may kine-crave kasi ako, eh. Time of the month, ganun." Nagparte ang labi niya bago agad tumango, "Sure, what do you like ba?" tanong niya at napanguso ako. 

"Gusto ko ng chami, yung sweet and spicy, tapos... calamares-- alam mo, tara, libre kita." Pag-aaya ko rito. 


"Diyan, liko ka diyan." Turo ko sa kaniya, may alam akong kainan na may magandang ambiance at masasarap na pagkain. 


"Alam mo ba... noong bakasyon ng first year, lagi akong andito, walang sawa." ani ko sa kaniya pagkababa namin ng sasakyan. 


Doon ay um-order kami ng chami at calamares, idagdag pa ang sisig na natakam ako dahil sa amoy. May available rin na mga alak na inumin dito pero dahil ayaw ko naman malasing ay beer nalang ang binili ko para sa amin ni kuya Haze. 


"Oh, pinapabigay ni kuya Haze." Ipinatong ni Faye ang isang bar ng chocolate sa arm chair ko. 

Dinampot ko ito, "Bakiit hindi siya?" Nakanguso kong tanong, "Nagmamadali beh, hinahabol yata ang prof niya." sagot ni Faye at utay-utay akong napatango. 


Final season na nga pala, nakakakaba man isipin pero pagkatapos nito at tapos na ang school year at magbabakasyon nanaman. Paniguradong subsob nanaman ako sa kaka-review nito. 


"What's your plan after finals?" tanong ko kay kuya Haze habang kumakain kami ng hapunan sa isang restaurant. 

He wiped the sides of his cheeks, "Well... honestly, last year after finals... hindi na ako pumasok. Ikaw ba?" tanong niya at napatawa ako, "Siyempre papasok pa rin!" sagot ko at napa-iling siya habang nakangisi. 

"I know, what I mean is... may plano kaba? Kasi kung may plano ka, sasama nalang ako sa plano mo." ani niya at napatawa ako bago tumango, "Wala akong plano sa after finals, ang plano ko is before finals." sagot ko at napakunot ang noo niya, "And that is?" 

"Review, aral lang, ganun." sagot ko at tumango siya, "Then sasama ako sa 'yo, study date." ani niya at tumango nalang ako. Nagpipigil ng ngiti at kilig. 


Kagaya ng plano, dalawang linggo bago ang finals, alas tres palang ng hapon ay umaalis na kami ng university para pumunta sa isang cafe. Siya ang nag-isip na sa cafe na kami mag review kahit ang plano ko lang naman ay library. 


Noong mga unang araw ay sinasaway ko pa ito. Masyadong mabilis mawala ang focus niya at malingat lang ako saglit, maya-maya ay naglalaro na sa cellphone niya. Madalas ko itong pagsabihan dahil sa isang hapon na pagre-review ay wala pang isang subject ang na-aaral nito. 


"Busog pa ako," sabi ko kay Faye at Marga nang maka-uwi, "Galing kayong cafe ni kuya Haze 'no? Ilang cafe na ang napupuntahan ninyo?" tanong ni Faye, napa-upo ako sa sofa at napasapo sa noo. 

"Nakaka... well... anim yata na cafe, yung iba ay hindi naman cafe pero nakakapag-aral pa rin kami." sagot ko at nag-hum si Faye. 

"Grabe ha, ang consistent din ni kuya Haze. Ilang araw na kayong hapon-hapon lumalabas?" tanong niya at napa-isip ako, 

"Ano... walong araw na rin. Last week pa, hayst! Grabe,  next week na ang finals!" ani ko at nag-hum ang dalawa na tumabi sa akin sa sofa. 

"Masaya ka naman?" tanong ni Faye, "Na?" 

"Na ganiyan na kayo ni kuya Haze ngayon. Dati, hanggang nakaw tingin ka lang, ngayon... lagi mo na kasama." tanong ni Faye at tumango ako, "Siyempre naman, masaya ako." sagot ko rito, 

"Grabe 'no, mutual na yung feelings niyo. Paano niya sinabi na gusto ka rin niya?" tanong ni Marga at napalingon ako sa kaniya. 

"Honestly... hindi niya sinabi na gusto niya rin ako. Hindi ko naman hinihingi sa kaniya yung reply niya sa confession ko. Matagal na yun tsaka... masaya naman kaming dalawa." sagot ko at sabay napalingon sa 'kin ang dalawa. 

"Hindi sapat na masaya lang kayo, dapat... may label, kahit MU lang, ganun!" ani ni Marga at napatawa ako bago tumango. 

"Sige-sige, next time sasabihin ko, siguro ay after finals nalang." ani ko at nag-hum ang dalawa. 


"Boom, tapos!" Inilapag ni kuya Haze ang isa niyang aklat na matagal na niyang binabasa. 

"Wow naman, ang galing!" Parang bata ko siyang pinupuri. Napatawa siya bago sumandal sa bangko, "Hindi kapa ba pagod? Mag a-alas otso na, oh." Malambing niyang turan, 

Hindi ako nag-alis ng tingin sa aking binabasa, "Five minutes, please, malapit na." ani ko at nag-hum siya. 

Pagkatapos ng limang minuto ay aayusin ko na sana ang gamit ko nang mapagtanto ko na inayos na pala niya ang mga ito. 

Napangisi ito, "Para wala ng dagdag sa pagod mo. Tara na?" Aya niya at napangiti ako bago tumango. Siya na ang nagsakbit ng bag ko, kinuha rin niya ang aklat na binabasa ko kaya sarili ko at cellphone nalang ang bitbit ko pag-uwi. 


Kinabukasan ay hindi kami nakalabas ng campus dahil may make-up class ako. Pero hindi pa rin siya nagpatinag at sa lobby naman kami ng dorm nag-aral. 

"Busog kana ba?" tanong nito sa akin, um-order kasi siya ng Jollibee para sa hapunan namin para raw hindi na kami lumabas pa. 

Agad akong tumango pagka-inom ng tubig, "Oo naman, ang dami kong kinain 'no! Ready na ulit ako mag-aral." ani ko at tumawa siya, "Sige, aral na ulit nang mabuti." ani niya at tumango ako, 

Mas nakapag-aral ako sa lobby ng dorm dahil wala kaming inaalalang oras dahil nasa dorm na rin naman kami. May mga oras na may maiingay sa lobby pero agad din naman silang tumatahimik o di naman kaya ay napapagsabihan pa. 

Kaya sa mga sumunod pa na araw ay hindi na kami pumunta kung saan at sa lobby nalang ulit nag-aral. 

"Any plans for tomorrow? It's Saturday." he asked while I'm taking my 15 minutes break. 

I slowly shook my head, "Well... I actually planned to... rest. Maybe half day review but by evening, I'll rest. I've been reviewing for 2 weeks, I need some rest naman." I answered and he slowly nod. 

"Ikaw ba?" tanong ko rito at umiling ito, "Wala naman, wala." he answered and I nod, 

After 15 minutes ay nag-aral na ulit ako. Dahil Friday ay inabot kami hanggang 11pm sa lobby dahil nalingat ako sa oras. 

"Gusto kong matulog nang maayos... tara 7/11." Pag-aaya ko sa kaniya, napakunot ang noo nito, "Why? Anong bibilhin mo?" tanong niya at nagkibit balikat ako, "Midnight snack," sagot ko at tumango siya bago isinakbat ang bag niya at ang bag ko. 

Pagkadating namin sa 7/11 ay may na-alala ako bigla. 

"Dati... naabutan kita ditong lasing... o di naman kaya ay pumupunta ka ritong lasing." ani ko habang naglalakad-lakad. 

Napatawa si kuya Haze, "Yes, parang dito tayo nagsimula, eh." ani niya at napatawa ako bago tumango, "True, this is our place." sagot ko at nilingon niya ako, our eyes locked for few seconds before I break the contact. 

His eyes are so mesmerizing, I could look at it for eternity. 

Bumili lang ako ng fresh milk at sandwich bago kami lumabas at kinain ito sa may hagdan. 

"Hindi ako magaling sa mga matatamis na salita pero..." Napalingon ako kay kuya Haze, 

"Ang saya ko kapag kasama ka." ani niya bago ako nilingon, ramdam ko ang pagiging genuine niya lalo na nang tumingin ako sa mga mata niya. 

Napabungisngis siya bago umiling, "Sorry, corny ba?" tanong niya at umiling ako, "Hindi kaya! Cute nga, eh!" turan ko at tumango siya. 

"Ngayon lang din ako nakaranas ng seryosong study session." ani niya at napatawa ako habang kumakagat sa sandwich. 

"Parang tanga kasi mga kaibigan ko! Magaling lang mag-aya na mag-aral, pero kapag magkakasama na, wala na, finish na." ani niya at napahagalpak ako ng tawa. 

"Si Adrian at Howard naman, ayun, matino sana! Kaso... nahahawa rin, natutukso!" Dagdag pa niya na animo'y nanggigigil kaya lalo akong natawa. 

Naluha pa ako sa sobrang pagtawa at napa-ubo nang humupa ang tawa ko. "Seeing your commitment and dedication in achieving your goals... makes me incredibly proud of you already." 

Parang sumabog ang mga kwitis at paru-paru sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. 

"Sus!" Hinampas ko ito sa braso, "Bolero ka, kainis!" ani ko, ala-alang hindi halos hikain sa sobrang kilig. 

Tumawa siya, "Totoo nga! Tapos... like what I said, I really enjoy being with you. You make me feel less alone and... I like me best when I'm with you. Yung ganung feeling, gets mo ba?" tanong niya at napatawa ako bago tumango, "Oo, gets ko naman." 

Ano ba naman 'yan! Gets ko, beh! Gets ko! Sabihin mo na rin na mahal mo 'ko! 

"Ay... oo nga pala," agad niya akong nilingon, "Medyo demanding pero... pwede ba na... mahingi ko yung response mo sa confession ko?" tanong ko at agad siyang tumango bago nagpahid ng labi. 

"Sige, gusto mo ngayon na?" tanong niya at agad akong umiling. "Tangik! Hindi! Kahit after finals na." ani ko at tumango siya, "Para naman wala akong iisipin before finals." Dagdag ko at napatawa siya. 

"Bakit naman?" tanong niya, "Kinakabahan kasi ako, eh!" Pag-amin ko at napakunot ang noo niya. 

"Sus, bakit? Wala naman akong sasabihing masama." ani niya bago ako pabirong pinitik sa braso. 


Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming bumalik sa dorm at nagpahinga na. 

Gaya ng aking plano ay nagpahinga ako ng Sabado at Linggo, siguro ay maximum na ang limang oras na review pero the rest ay pahinga na. Nakabawi rin ako ng tulog at pagsapit ng Lunes ay hindi pagod ang utak ko. 


"My grade's doesn't define me. Uunahan ko na, after kong gahulin sa oras ng test 8, tanggap ko na." ani ko sa mga kaibigan ko habang kumakain kami ng miryenda, tapos na ang day 3 at last day na bukas ng exams. Medyo mabibigat pa rin bukas pero kaya naman. 

"Sus! Ikaw pa? Basta ako... tatapusin ko nalang ang exams bukas." ani ni Marga at napatawa ako, 

"Naku, same! Ayoko na talaga!" ani ni Matt at napa-ismid ako, "Sus! Ayaw na raw tapos DL." ani ko, "Ikaw rin naman, ah! Tayo namang lahat, ah!" ani ni Matt at sumang-ayon kaming lahat. 

"Malakas lang kapit ko sa guardian angel ko." ani ni Simon at napatawa kaming lahat. 

"Gaga! Feel ko sinukuan kana ng guardian angel mo!" Pang-aasar ko rin at pabiro ako nitong binato ng tissue. 

Nang tumunog ang cellphone ko ay agad kong tiningnan kung sino ang nag-message. 


from: Alonzo Haziel

day 3 done! bukas ulit! 


to: Alonzo Haziel

fr! bukas ulit! tapos next sy na ulit HAHAHAH


from: Alonzo Haziel

graduate na ako next year! yess!! 


Hala oo nga, graduate na siya next year. Saan kaya siya mag-aaral? 


"Hoy, Cassandra! Aalis na kami, ano hinihintay mo diyan? Pasko?" Natauhan ako nang tawagin ako ni Simon. Agad kong kinuha ang pinagkainan ko at sumunod sa kanila. 


Pagka-uwi namin ng dorm ay natanaw ko si kuya Haze sa lobby na kasama ang mga kaibigan niya. Kinawayan ko lang ito dahil ayaw ko naman na siyang istorbohin at papunta na rin naman ako ng kwarto namin. 

Kinabukasan ay dalawa nalang ang exams namin at natapos din ito bago pa man mag-lunch. Hindi agad kami nakakain dahil nagpahintay si Matt na may hinagilap pa na prof at may ipinasang plate. Mag a-alas dos na ng tanghali nang makakain kami sa labas ng univeristy. 

"Third year, I am so done with you!" Ibinato ni Simon ang tissue sa table, "Next school year na ulit ang grind. Bahala na ang foundation week!" Dagdag pa ni Simon at napatawa kaming lahat. 

"Tulala nalang ako sa foundation week, laging nasa library para matulog." ani ko at tumango si Matt, "Ako sa clinic para naka-kama." ani niya at napatango ako, "Oo nga! Ang utak mo dun!" 

"Papasok pa kayo?" tanong naman ni Simon at napahagalpak kami ng tawa. 

Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko, message ni kuya Haze. 


from: Alonzo Haziel

kita tayo mamaya, mga 7pm, may importante akong sasabihin.


to: Alonzo Haziel

syurr! gaur lang! 


Bumalik ako sa pakikipagchikahan sa mga kaibigan ko pagka-reply kay kuya Haze. Alas tres na nang umalis kami sa kainan. Dumiretso na rin kami ng uwi ng dorm dahil pare-parehas pagod sa finals. 


Malapit na mag alas sais nang magising ako, walang message sa akin si kuya Haze. Busy siguro, o di naman kaya ay magkakasama silang magkakaibigan. 

Quarter to 7 ay bumaba na ako ng dorm at pumunta sa lobby para hintayin. Wala rin akong sinabi sa mga kaibigan ko tungkol rito dahil gusto ko silang i-surprise na sumagot na si kuya Haze sa confession ko. 

Hindi ko gaanong hinintay si kuya Haze kaya nalingat ako sa oras, 7:30 na pala. Tiningnan ko ang cellphone ko at wala naman siyang message sa akin. 

Naglibang nalang ako at naglaro sa cellphone ko. Nalingat ulit ako sa oras at na-lowbat bigla ang cellphone ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas otso na pala. 

"Nasaan na si kuya?" tumingin ako sa paligid, saka lang ako nag message rito. 


to: Alonzo Haziel

wer kana kuya? 


to: Alonzo Haziel

okay kalang ba? 


Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago tumanaw sa labas, wala talaga. 

Lumipas pa ang ilang minuto at bumuhos na ang ulan. Lalo akong kinabahan, magmamaneho ba siya? Baka ma-aksidente siya sa lakas ng ulan. 


8:49pm, nagsimula akong tumawag sa kaniya. Ilang missed calls, ilang spam messages, hindi siya sumasagot. Hanggang sa namatay nalang ang cellphone ko. Ayaw ko namang umalis sa puwesto ko dahil baka bigla siyang dumating at isipin niyang hindi ko siya hinintay. 


"Nasaan kana ba??" Bakas na ang  pag-aalala sa boses ko. Nagsimula na rin mamuo ang mga luha sa mata ko. 


Hindi ko alam kung napa-ano naba siya, wala namang ni-isang congress ang nasa paligid. Hindi na rin ako makapag-message sa kahit sino. Ang tanging nagagawa ko nalang ngayon ay ang maghintay. 


9:15pm, tumigil ang maraming sasakyan sa harap ng dorm. Doon ay nabuhayan ako ng loob, nang masigurado kong sila kuya iyon ay sinalubong ko sila sa pagpasok ng lobby. 

"Basang-basa ka!" Bumabakat na ang katawan niya sa basang-basa niyang puting polo, bagsak na ang buhok niya at nakadikit na sa noo.

"Okay kalang ba? Anong nangyari sa inyo?" Napatingin ako kila kuya Lorenzo, "A-Ano pong nangyari?" tanong ko sa kanila, nagbabakasakali na sasagot sila.

"Cassandra--" 

"Magpalit ka muna ng damit mo kuya, magkakasakit ka niyan." putol ko sa kaniya, hinawakan ako nito sa balikat at medyo nagulat ako sa lamig ng palad niya. 

"I have to tell you something---" 

"I know, pero magpalita ka muna." Putol ko sa kaniya, nang tingnan ko ang mga mata niya ay malikot ito na animo'y nag-aalinlangan. 

Napalunok siya ng laway, "I-I... I can't reciprocate your feelings..." Natigilan ako sa sinabi niya. 

"H-Ha? A-Anong pinagsasabi mo kuya? Nagdedeliryo kana ba? Umakyat ka muna at magbihis bago mo sabihin 'yang sasabihin mo---" 

"I'm sorry Cass, pero... hindi ko kayang ibalik yung... nararamdaman mo." Putol niya sa 'kin at doon lang naintinidhan ng buong katauhan ko ang gusto niyang iparating. 

Naramdaman ko ang panunuyot ng lalamunan ko at ang pamumuo ng luha sa mga mata ko, 

"A-Ano ba naman 'yan kuya? Pwede bang--" 

"Sorry, I'm really sorry pero... pwede bang friends muna? Kasi... Camille needs me and--" 


Hinawakan ko siya sa braso, "Okay lang... gets ko na kuya. Magpalit kana, umakyat kana, maligo ka, baka magkasakit ka." Putol ko sa kaniya bago pilit na inalis ang kamay niya sa balikat ko at naglakad palayo sa kaniya.


"Cass--" itinulak ko si kuya Lorenzo na pipigilan pa sana ako.


Nang makalabas ako ng lobby ay agad akong tumakbo papunta ng elevator at sa segundong sumara ang pinto ay doon ako napahikbi, "Tangina..." 



--------------------------

A/N: 

HAPPY NEW YEAR!!!!!! HAHAHAHAHAH taena, ready na ako sa chapter 16 HAHAHAHA, editing this ng December 31, 11:02pm, ready na akong mag-move on sa real life Alonzo Haziel ko at iiwan na ang feelings sa 2023 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com