Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XVI


Cass's POV

Dahan-dahang naglalakad, halos kaladkarin ko na ang mga paa ko makarating lang sa kwarto namin. Kagat-kagat ang aking labi, pinipigilan ang bawat pagluha at paghikbi. 

Ang sikip ng pakiramdam sa dibdib ko na para bang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makahinga nang maayos. 

Tanaw ko na ang pintuan ng kwarto namin, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga binti ko. Napahawak ako sa pader malapit sa akin at doon ay napasandal. Hindi ko na nagawang pigilan pa ang mga luha ko at nag-unahan na itong umagos sa aking pisnge. 

"Hnng~!" Isang hikbi ang pumakawala sa aking labi, nagpahid ako ng luha sa aking mga mata ngunit mabilis din itong napalitan ng panibagong mga luha. 

Kahit nahihirapan ay huminga ako nang malalim bago naglakad patungo sa kwarto namin. Nakatungo akong pumasok sa kwarto  dahil ayaw ko namang mabungaran ako nila Faye na umiiyak. 

"Saan ka galing?" 

Pagkasara ko ng pinto ay narinig ko ang pagtawag sa 'kin ni Simon na ikinagulat ko at napataas agad ako ng tingin. 

"Oh?! Anong nangyari sa 'yo!?" Sabay-sabay napa-angat ng tingin sa akin sila Faye, Marga at Matt. Andito silang lahat? 

Doon ay kumawala ang isang hikbi sa aking labi bago tuluyang bumigay ang mga binti ko at napa-upo sa sahig. 

"Cass!!" Agad lumapit ang mga kaibigan ko sa akin, 

"Anong nangyari?! Huy?!" Tarantang tanong ni Faye. 

Si Marga ang agad yumakap sa akin at isinandal ako sa kaniyang balikat. 

Hindi agad ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko at sa papaanong paraan ko ipapaliwanag ang nangyari. 

"Huy, anong nangyari sa 'yo?" Si Matt lang ang tanging kalmado sa kanila habang hinihimas ako sa aking braso. 

"Saan kaba galing? Gabi na, ah!" Ramdam ko ang galit ni Simon, utay-utay akong umiling habang patuloy ang pag-iyak sa balikat ni Marga. 

Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang minuto. Nakatayo si Simon at nakasandal sa pader habang naka-cross ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. Si Matt naman ay naka-squat sa gilid ko at si Marga at Faye ang naka-upo sa sahig sa kabilang gilid ko. 

"Itayo niyo na muna si Cass, dalhin niyo sa sofa." Utos ni Simon, itinayo ako ni Marga at Matt at dahan-dahan kaming naglakad papunta ng sofa. Pagka-upo ko ay agad akong inabutan ng tissue at tubig ni Simon. 

Pinunasan ako ng luha ni Faye, "Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Faye, huminga ako nang malalim habang nakatungo at pinaglalaruan ang mga kamay ko. 

"Ano..." napahikbi ako, "Si Kuya Haze--" 

"Ay ano?" Matigas na turan ni Simon, 

Binubuo ko palang sa isip ko ang sasabihin ay nag-unahan nanamang umagos ang mga luha sa pisnge ko. 

"Hindi niya raw kayang ibalik yung nararamdaman ko kasi... makikipagbalikan na siya sa ex niya." Bumuhos ang mga luha at emosyon ko. Muli akong niyakap ni Marga at doon ay mas lumakas ang pag-iyak ko. 

"Simon--" Tawag ni Matt, hinabol ko ng tingin si Simon na humahangos lumabas ng kwarto. 

"Akala ko naman... akala ko naman may chance na, eh." Humahagulgol ako sa balikat ni Marga, 

"Ano ba naman 'yan! Nakakainis!" Napahigpit ang kapit ko kay Marga, "Naiinis ako... pero hindi ko alam kung sa sarili ko ba o ano? Kasi... bakit nga ba naman niya ako magugustuhan? Ito lang ako, oh. Ganito lang ako, sino nga ba naman ang magkakagusto sa 'kin?!" Hinimas-himas ni Marga ang likod ko habang patuloy ako sa pag-iyak.

"Alam ko namang hindi ako kagusto-gusto. Yun nga yung kinaiinis ko sa sarili ko, eh! Kasi hindi na ako nasanay! Lahat nalang! Lahat nalang ng lalaki na ginugusto ko... pinapaikot-ikot lang nila ako!" Napapikit ako nang mariin, 

"Akala ko naman iba na, akala ko siya na, eh! Ano palang ibig sabihin ng mga pinaggagawa niya?! Ng mga pinagaggawa namin?! Ipinakita niya sa 'kin lahat ng yun tapos sa huli pala... babalikan lang niya ex niya?!" 

Hindi ko lubusang maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, masakit, sobra. Mabigat at nakakasira ng ulo. Para akong natatanga at nawawala sa sarili. 

"Nakakasira siya ng ulo, nakakabaliw! Ipinakita niya lahat sa 'kin yun tapos ano?! Ano ba talagang gusto niya?! Ano, trial card lang?! Ganun?! Tiningnan lang niya if I'm worth it? Tangina!" Napasigaw na ako sa sobrang emosyon, 

"Hindi ba talaga ako worth it?! Hindi ba ako worth it mahalin?! Pag-aksayahan ng oras?! Alam ko namang... alam ko namang hindi ako maganda eh, wala akong laban sa ibang babae. Tangina kahit sa inyong dalawa ang layo-layo ko, eh. Gets ko naman yun, tanggap ko yun. Pero putcha..." Naghabol ako ng hininga, 

"Tapos... wala rin akong talent, hindi ako sporty o musically inclined. Hindi ako matalino, hindi ako artistic, hindi ako talented. Isa lang akong simpleng-naghihirap at barely surviving na estudyante. I always have to keep trying!" 

Naghahalo-halo na ang emosyon ko. Hindi ko alam kung umiiyak pa ba ako dahil kay kuya Haze o kasama na rito ang mga reklamo ko sa buhay.

"Kaya siguro ako iniwan ng mga magulang ko. Kasi hindi ako kamahal-mahal. Wala eh, ito lang ako. At nakakagago na ganito lang ako. Bakit ang unfair?! Ang unfair-unfair! Pangit na nga ako mataba pa, bobo na nga ako hindi pa talented. Eh tangina naman eh! Ano nalang ako?! Just a basic-mid, woman?! Tangina, eh minsan nga mas siga pa ako sa ibang lalaki! Hindi ba talaga ako special?! Wala bang ka-special-special sa 'kin?!" Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi habang patuloy ang pag-iyak. 

"Nakakainis naman, eh! Bakit ba kasi ako ganito?! Walang kahit anong special sa 'kin kaya hindi ako kamaha-mahal! Hindi ko ba deserve i-trato ng tama? Hindi ko ba deerve... mahalin? Dahil ba sa hitsura ko? Dahil ba madaldal at maingay ako?! Ayaw ba nilang i-try? Give me a chance? Wala ba talaga akong magandang trait?" Napalunok ako ng laway dahil pakiramdam ko ay natutyuan na ako ng lalamunan  sa kakaiyak. 

"Give me chance naman, oh. Kamahal-mahal din naman siguro ako. Mabait naman ako, eh. Kaya ko rin magbago, iparamdam lang nila sa 'kin na kamahal-mahal din naman ako." Napahagulgol ako, naririnig ko na rin ang ibang pag-iyak ng mga kaibigan ko. 

Patuloy ang paghimas ni Marga sa likod ko at ganun din si Faye. 

"Nakakainis... naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito lang ako. Na kaya... hindi ko deserve mahalin dahil ganito lang ako at hindi ko manlang nagawang... maging better. Na maging maganda, na maging matalino, maging talented, maging... ideal girl. Kaya ginagago lang ako ng mga lalaki dahil kagago-gago lang din naman ako." Naramdaman ko na umiling si Marga at narinig pa itong humikbi. 

Lumayo ako sa pagkakayakap kay Marga at nakita na itong umiiyak, "Ang hirap niyang gustohin..." ani ko at nagpahid ng luha. 

"Pero mas mahirap na ipakita niyang gusto niya ako pero hindi naman pala." ani ko at tumango si Marga bago pinahid ang luha sa pisnge ko. 

"Hindi mo naman kailangan si kuya Haze para makita yung worth mo." Lumingon ako kay Matt na mugto na rin ang mata. 

"Hindi ikinabawas ng pagkatao mo kung hindi ka niya gugustohin pabalik. Siya na ang may problema, his loss, not yours." ani nito at gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko. 

"At kung ayaw ka niyang mahalin, andito naman kami. Kami ang magmamahal sa 'yo. Hindi muna ako magjojowa hangga't wala kang jowa!" ani ni Faye at doon ay nawala ang mabigat na hangin sa paligid namin at napaltan ng aming mga pagtawa. 

"Sira ka!" Pabiro ko itong hinampas sa noo, "Gaga ka talaga," ani ko habang nagpapahid ng luha gamit ang tissue na ini-abot ni Matt.

Ibinigay na rin sa akin ni Matt ang tubig at nang maka-inom ako ay siya naman ang yumakap sa akin. 

"Alam niyo... salamat, thank you sa inyo. Kasi... kahit papaano... nabawasan nang kaunti ang nararamdaman ko." ani ko at tumango sila, "Thankful talaga ako na meron akong kayo." Dagdag ko at niyakap ako ni Faye. 

"Mahal na mahal ka kaya namin. Sinong nagsabi sa 'yo na hindi ka kamahal-mahal? Masyado mo kasing ibinabase ang halaga mo sa mga lalaking nagugustuhan mo. Paano naman kami? Na kahit ginagago mo na rin minsan mahal na mahal ka pa rin." ani ni Faye at napatawa ako. 

"Oo na nga po, sorry na." ani ko bago hinimas ito sa braso. 

Napalingon kaming lahat nang magbukas ang pinto at pumasok si Simon na pawis na pawis at namumula. 

"Oh? Saan ka naman galing?" tanong ko rito at nang lumapit ito ay agad nitong ininom ang tubig na natira sa baso ko kanina. 

"Huy Simon, galit kaba? May naka-away kaba?" tanong ni Marga at umiling si Simon. 

"Ha? Wala, wala naman. Kamusta na 'yan?" Turo nito sa akin, 

"Okay na ako... ikaw ba okay kalang?" tanong ko at tumango siya bago napa-pameywang. 

"Good, 'wag mo nang isipin yung Haze na yun, gago yun!" ani nito at utay-utay akong napatango habang nakunot ang noo. 

Pinagpahinga lang ako nila bago pinag-ayos ng gamit. Pinapasama ako ni Faye sa bahay nila dahil ayaw nila akong maging mag-isa sa dorm ng Sabado at Linggo. Para na rin daw makapagliwaliw naman ako tutal tapos na rin ang exams at wala na kaming kailangan gawin. 

Naglalakad kami palabas ng dorm nang makasalubong namin si kuya Lucas na may dala-dalang plastic na may lamang bulak at betadine. Bakas din sa mukha nito ang gulat at tumigil pa sa paglalakad na animo'y may sasabihin sa 'kin pero agad akong hinigit ni Faye dahil naghihintay na ang driver nila. 

Pagdating sa bahay nila Faye at agad akong nakatulog dahil sa pagod kakaiyak at sa bahagyang pagsakit ng aking ulo. 

Nagising ako at wala si Faye sa tabi ko, agad akong napabangon at kinuha ang cellphone ko. Laking gulat ko nang makita na 10:24 na ng umaga. 

Dali-dali akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto para hanapin si Faye. 

"Faye? Faye?" tawag ko rito nang makababa ako ng bahay nila. Mabuti nalang at natagpuan ko ito sa dining na kumakain. 

Agad ko itong nilapitan, "Gaga ka! Bakit hindi mo ako ginising? Magtatanghalian na!" ani ko rito bago naupo sa katapat nito. 

Napatawa ito, "OA mo naman, kakagising ko lang din 'no. Tsaka deserve mo ang mahabang tulog." ani nito at napa-ismid ako habang kumukuha ng kanin. 

"Anong balak mo today?" tanong ko sa kaniya at nagkibit balikat ito habang ngumunguya. 

"Gusto mo ba ako tulungan maglinis ng kwarto?" tanong nito at agad akong tumango. Pipiliin ko na magpaka-busy muna kaysa walang ginagawa dahil baka ma-aalala ko lang yung nangyari kagabi. 

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming bumalik sa kwarto ni Faye at nagsimula na mag-ayos ng kwarto niya. Marami siyang gustong itapon na gamit na pinanghihinayangan ko kaya naman ibinigay niya nalang sa akin. 

Hindi rin kami mabilis natapos dahil sa tuwing may makikitang nakakaaliw na gamit si Faye ay pinaglalaruan at kinukutingting pa namin itong dalawa. Kagaya nalang ng mga project na ginawa niya dati noong high school. 

Mag a-alas kwatro na nang matapos kami maglinis. Habang siya itong nag-cellphone muna ay naligo na ako dahil amoy pawis at nangangati na rin ako. Pagkatapos ko namang maligo ay si Faye naman ang naligo. 

"Gutom kana ba? Gutom na ako, eh." ani nito habang nagsusuklay. Napangisi ako bago tumango, "You know it! HAHAHAH! Alam mo namang patay gutom ako." ani ko at napahalpak ito ng tawa bago nag-aya bumaba. 

Dahil mayaman sila at unlimited ang pagkain ay namili nalang kami sa ref at pantry nila na kakain na parang nasa grocery store kami. Pagkatapos ay sa sala namin ito dinala para kumain habang nanonood ng TV. 

Nasa kalagitnaan kami ng panonood ni Faye nang marinig ko ang pagtigil ng sasakyan sa harap ng bahay nila. 

"May tao yata." ani ko bago lumingon sa may bintana, "Hayaan mo sila," ani ni Faye habang tutok na tutok sa TV. 

Nakita ko si kuya Shawn na lumabas ng isang sasakyan kaya agad kong kinulbit si Faye. "Si Kuya Shawn, oh. Tapos may mga kasama siya--" Nagulat ako dahil agad tumayo si Faye at lumabas ng pinto. 

Napakunot ang noo ko at nag-ayos ng upo sa sofa. 

Anong meron? 

Nanonood ako ng TV nang may marinig na pag-uusap sa labas. Dahil isa akong chismosa ay hinaan ko ang volume ng TV at nakinig sa usap nila. 

'Umalis nalang kayo kuya, hindi kayo pwede rito.' 

'Sige sige, ingat kayo diyan. Enjoy kayo.' 

'Kamusta siya?' 

'Tanong ka pa nang tanong matapos mo paiyakin kagabi!' 

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago sila nilingon. Laking gulat ko nang makita si kuya Haze. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko,

"May sugat ba siya?" tanong ko sa sarili ko. Nanlaki ang mata ko nang tumingin ito sa gawi ko at nagtagpo ang mga mata namin. Agad akong napatalikod at sumandal sa sofa. 

"Tangina, tangina, tangina!" Napatakip ako sa mukha ko, 

Naiiyak ako na ewan! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko! Kinikilig yata ako na naiiyak! Nakita ko ulit siya, ganun naman talaga, masaya ang puso ko kapag nakikita siya pero ngayon, masakit. Dahil naalala ko yung nangyari at sinabi niya kagabi.

Ilang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pinakalma ang sarili ko lalo na nang bumalik si Faye. 

"Ano yun?" Pag-uutita ko, umiling ito, "Wala yun, si kuya lang, may sinabi lang sa 'kin." sagot ni Faye at nag-hum ako. 

"May kasama siya?" tanong ko at bahagya itong natigilan bago napalingon sa akin. "Oo, si ano... si kuya Xandro, Lorenzo, Edward at Howard lang." sagot niya at tumango ako kahit alam kong buong congress ang kasama nito at isa na doon si kuya Haze.

Kinabukasan ay tanghali na ulit kaming nagising dahil nagpuyat pa kami kakanood ng movies. Pagkagising ay inaya ako ni Faye na magluto dahil hindi nito gusto ang almusal. Kaya naman mag a-ala una na ng hapon nang makakain kami. Nasundan naman ito ng pag ba-bake namin ng cookies na kami rin ang kumain. 

Nang maghapon at malapit na gumabi ay inaya ako ni Faye maglakad-lakad sa labas at para manood na rin ng sunset. Nililibang niya talaga ako para na rin siguro hindi ko ma-alala si kuya Haze. 

Lunes na ng umaga nang bumalik kami ng dorm. Mag a-alas syete na rin at kakaunti na ang tao sa dorm. Pagpunta namin ng campus ay agad kaming dumiretso sa event hall dahil nagsisimula na ang program. 

First day na nga pala ng foundation week namin. Pagkatapos nito ay papasok nalang kami at wala ng gagawin. Magkakasama nanaman ang bawat department at courses. Mabuti nalang at hindi namin katapat o kalapit manlang ang aviation. 

Pero nang marining kong tawagin ang course nila ay nagbaba ako ng tingin. Baka kasi kapag tumingin ako sa gawi ng aviation ay magkusa ang mga mata ko at hanapin siya. 

Nagulat ako nang may kumalabit sa likuran ko na agad kong nilingon. 

"Tubig daw," ani ni kuya Xandro habang inaabot sa akin ang bote ng isang tubig. Nahihiya akong ngumiti bago tinanggap ang tubig na ibinibigay niya. 

Ang hirap naman kapag may nakikita ako sa isa sa mga kaibigan niya. Tumitibok ang puso ko sa hindi maipaliwanag na paraan. Parang sinasabi ba nito na kapag may nakita akong isa sa congress ay malaki ang chance na makikita ko rin siya. Para kasi silang bundle, see one, see all. Para silang walis tingting na laging magkakabugkos. 

Pagkatapos ng opening program ay agad kaming umalis nila Faye. Kahit sinabi pa ng mga seniors namin na huwag munang aalis dahil may mga palaro pa ay nagpalusot nalang kami para makaalis. Siguro ay magtatago at magtatago nalang ako buong araw. Mas malaki kasi ang chance na makita ko siya sa mga event at palaro kaysa kapag gagala-gala ako. Alam ko namang hindi yun pagala-gala at mas pipiliin na manatili sa isang lugar. 

Pumunta nalang kami nila Faye at Marga sa library para magpalamig habang nagbabasa ng kung ano-ano. Hindi naman ako ganun kasipag para mag-aral ulit, kakatapos lang ng finals. Nagpalipas lang talaga kami ng oras at hinintay magtanghalian. 

Pagdating namin ng canteen ay napakarami ng tao, kakatapos lang pala ng isang event kaya naman dagsa ang mga estudyante. 

Pagkatapos namin bumili ng pagkain ay may na-tyempuhan kaming bakanteng lamesa at agad iyong kinuha. 

"Anong balak natin ngayong hapon?" tanong ni Marga habang kumakain, 

"Sa totoo lang, wala akong maisip na gagawin. Kayo ba?" tanong ko at nagkibit balikat ang dalawa. 

"Manood nalang kaya tayo ng ibang event? Marami namang event, eh. Sabay-sabay pa nga." ani ni Faye at tumango ako, "Sige, yun nalang." ani ko bago isinubo ang huling kutsara ng kanin ko. 

"Maya-maya tayo umalis, pahangin muna tayo rito." ani ko at tumango silang dalawa. Nagpaka-busy lang kami sa mga cellphone namin habang nagpapalipas ng oras.

Napa-angat ako ng tingin nang may mga dumaan sa likuran ko at nang sundan ko ito ng tingin ay nakita ko ang buong congress na paupo sa katabing table namin, kasama siya siyempre. 

Agad akong tumayo, "Tara na," Medyo napalakas ang pagkakasabi ko at nakita ko pang napatingin sila kuya Lucas at Adrian. Si Faye at Marga naman ay nagulat sa biglaan kong pagtayo pero nang makita nila ang nasa katabing table ay agad din silang tumayo. Iniwan ko pa silang dalawa dahil ayaw kong magtagal doon at nauna nang magtapon ng pinagkainan. 

Nawala tuloy ako sa mood dahil doon. Bakit naman doon pa sila umopo sa tabi namin mismo? Napansin ko naman na marami na ang bakanteng lamesa. Nagpapapansin ba siya? Dahil kung oo... effective naman. 

Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko kanina ay baka nakatingin na ako sa gawi nila at hinanap pa siya mismo. 

Pumunta nalang kami sa mga art gallery ng art students dahil nakakamangha naman talaga iyon. May mga itinitinda rin silang kung ano-ano na nabudol si Faye. Habang si Marga naman ay nagpa-henna tattoo kaya natagalan din kami doon. 

Lubog na ang araw nang maka-uwi kami kaya naman tinamad na kaming magluto at nagpa-deliver nalang ng pagkain. 

"Wala palang paramdam si Simon? Ano kayang nangyari dun?" tanong ko habang papasok kaming tatlo, 

"May practice raw, yun ang balita ko." sagot ni Marga at napakunot ang noo ko, "Practice naman ng kung ano?" tanong ko at nagkibit balikat ang dalawa. Napasinghal ako, "Isa pa yung masyadong busy sa buhay." ani ko at napatawa ang dalawa. 

Medyo late na kaming nakarating ng campus dahil sa bagal kumilos ni Faye. Dumiretso naman kami ng canteen dahil pare-parehas namin gusto na bumili ng pastry. 

Paupo kami sa isang table nang mapansin ko ang grupo ng mga lalaki malayo sa amin. 

Shit, congress. 

Hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko at napatingin sa gawi nila para hanapin siya. Parang biglang tumigil  ng pagtibok ang puso ko ng ilang segundo nang makita siya. 

Miss ko na siya. 

Hindi ko masisisi ang sarili ko kung nami-miss ko na siya. Grabe rin naman kasing atensyon ang ibinigay niya sa akin noong mga nakaraan. Umasa na ako dun, ha. At ngayon nanghihinayang ako sa lahat ng yun. Wala ba talagang chance? Wala na ba talaga? 

Buong araw ko yata siyang iniisip. Inaya ko rin sila Faye at Marga na maglakad-lakad dahil nagkakasakali ako na makakasalubong ko siya. 

Pumunta kami sa isang film viewing hall ng mga film students at doon ay bumili kami ng ticket para panoorin lahat ng nakalap nilang mga short film o kahit anong panoorin ng mga SHU students. 

Noong una ay nag-e-enjoy ako, sobra, dahil mga rom-com at comedy ang ipinapalabas nila. 

Pero nang ang sumunod  na film ay mukha ni kuya Lorenzo at Edward ang bumungad ay parang kinabahan ako. Lalo pa nang masundan ng mukha ni kuya Shawn at Adrian. Film ba ito ng congress?! 

Nakatutok akong nanonood dahil patuloy ang paglabas ng ibang congress. Natigilan ako nang si kuya Haze na ang lumabas. Advertisement video pala ito ng buong congress para sa univeristy. First year palang sila dito at iba pa ang mga hitsura nila pero hindi maitatanggi na ang po-pogi nilang lahat. 

Pagkatapos namin manood ay kumain kami ng late lunch. Nakatanggap ng messages si Faye at Marga na kailangan sila sa isang palaro, nagpaalam naman ako na maggagala-gala lang ako. 

Nakarating ako sa sports arena namin at doon ay nakita si ate Sav na naglalaro ng lawn tennis. Naupo ako sa isang tabi at pinanood lang siya. 

Maya-maya ay tumigil sila sa paglalaro at umalis ang kalaro niya. 

"Oh, andiyan ka pala? Kanina ka pa diyan?" Saka lang niya ako napansin, ngumigisi ako bago tumango. "Kani-kanina lang," sagot ko at tumango ito bago naglakad papalapit sa kin. 

Tumabi ito sa akin, "Kamusta?" tanong niya at napatawa ako, "Si ate... 'wag mo na ako tanungin niyan, baka maiyak lang ako." ani ko at napatawa rin siya. 

"Ay sorry, hindi naman kasi si... toot yung sinasabi ko." Natawa ako sa pag-censor niya ng pangalan . 

"Ay hindi ba? Sige HAHAHAHA! Akala ko kasi..." ani ko at napatawa ulit siya. "Ikaw ang kinakamusta ko, kamusta ang buhay? Ganun." tanong niya at napatango ako. 

"Saks lang naman, ito, nahihirapan dahil sa kaniya." ani ko at napatawa siya, "Oh, akala ko ba ayaw mo siyang pag-usapan?" Natatawa niyang turan, 

Napasimangot ako, "Eh kasi... ano... miss ko na kasi--"

"Oh?! Huwag na, 'wag kana diyan! Alam ko na ang ginawa niya, napakagago talaga niyang si Alonzo! Akala ko pa man din matino 'yan, nasa top 3 kaya yan sa pinakamatino sa congress." ani niya at napatawa ako, 

"Wow ha, may top 3. Pero mabait naman talaga siya... yung ano lang...-" 

"Mga desisyon niya sa buhay. 'Yan ang pangit kay Alonzo. Pangit siyang mag-desisyon sa buhay. Yung mga desisyon niya sa buhay, nandadamay ng iba." ani nito at napahagikhik ako habang tumatango. 

"For real yun, kung makikipagbalikan lang din naman pala siya sa ex niya... sana hindi na niya ako ginagago." ani ko at nakita kong napakunot ang noo ni ate. 

"Makikipagbalikan pala siya? Akala ko--" 

"Makikipagbalikan siya, or what. Binanggit niya si Camille, eh. Kailangan daw siya... yun din yun. He'll do her a favor then they'll get back together. Napanood at nabasa ko na 'to." ani ko at tumango si ate,

"Alam mo... maghanap ka nalang ng bago, ang laki-laki ng SHU, oh! Anong course ba gusto mo? Gusto mo ba ng magpi-piloto rin? Marami akong kilala! I-reto kita!" ani nito at napatawa ako bago umiling. 

"Hindi na 'no! Ayaw ko na sa aviation student, baka lang maalala ko siya." turan ko at napatawa si ate. 

"Sige ano nalang... what if si Shawn?! Matino yun, ha! Kapatid pa ni Faye!" Napatawa ako sa sinabi ni ate, "Ayaw! Pass! Parang kuya na talaga tingin ko dun, eh!" ani ko at napatawa si ate Sav, 

"Aray! Kuya-zone naman pala." ani niya at napahagikhik ako. 

"Sino paba ang pwede sa congress? Si kuya Lorenzo kaya?" tanong ko at napahagalpak ng tawa si ate Sav. 

"Naku! Lalo nang 'wag yun! Eh babaero yun, eh! Naku! Lalo ka lang masasaktan dun." ani nito at napanguso ako. Bumalik ang kalaro ni Sav mula kanina na kasama pa ang coach nila kaya agad napatayo si ate Sav. 

"Lalaro na ulit ako, goodluck sa finding crush mo!" ani nito at napatawa ako bago kumaway. Umalis na rin ako ng sports arena para pumunta ng canteen at kumain ulit. 

Mas lalo ko siyang na-miss pagsapit ng gabi. Nadaanan ba naman namin ang buong congress sa may lobby at nakita siyang naglalaro ng cellphone. Hanggang tuloy pagtulog ay nami-miss ko siya. 

Wala bang surprise diyan? Hindi ba siya mag me-message bigla at mag-so-sorry? Hindi ba niya ako ime-message para sabihin na mag-usap kami? 

Kinabukasan ay mag-isa akong gumagala ng campus dahil nahigit sila Faye at Marga para maglaro ng patintero. Nabalitaan ko na ang kalaban nila Faye at Marga ay sila kuya Shawn at Lorenzo, congress, paniguradong andoon ang buong barkadahan nila kaya naman hindi na ako nanood kila Faye. 

Pumunta ako ng canteen para bumili ng pagkain. Tumitingin-tingin ako ng pagkain at nakita ang isang ramen stall. 

"Isa po nito," turo ko sa nagtitinda, ilang minuto akong naghintay ng pagkain at nagpapaka-busy sa cellphone ko. May dumating na bagong customer at mabuti nalang ay luto na ang akin. 

"Ito na po," inabot ko ang bowl ng ramen pero hindi ko inaasahan na ganun pala ito kainit. 

"Aray!" Bahagya akong nabubuan ng sabaw nito at nabitawan ko pa ang wallet ko. 

"Salamat po," pupulutin ko na sana ang wallet ko nang may pumulot na nito. 

Takte si kuya Haze.

"Okay ka lang--"

Agad kong kinuha ang wallet ko sa kaniya bago nag-martsa paalis. Habang naglalakad ay ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Ngayon ko nalang ulit narinig ang boses niya at nakakapanghina pa ito. 

Naramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko, iiyak nanaman ako. 

Tumikhim ako bago dumiretso sa isang lamesa para doon kainin ang binili ko. Nanginginig ang mga luha ay ngumunguya ako ng noodles. Ilang minuto ko rin pinakalma ang sarili ko at pinigilan ang mangiyak. 

Tangina naman, eh! Parang sira! Oo na mi-miss ko siya, oo nangungulila ako, oo... ayaw ko siyang makita! Pero gusto ko pa rin siya! Gusto ko siyang nakaka-usap at nakikita pero ayaw ko rin! Ang gulo! Ang gulo-gulo! 

Gusto ko siya pero ayaw ko ng ginawa niya sa 'kin. 

Napatingin ako sa kamay kong napaso at saka lang naramdaman ang sakit nito. Kumuha ako nhg tissue bago ito pinunasan. 

"Anong nangyari d'yan?" tanong sa akin ni Marga habang nagluluto kami ng hapunan sa dorm. Napatingin ako sa kamay ko bago napatawa, "Napaso ako nung ramen kanina sa school, pero okay naman na." sagot ko at tumango si Marga bago hinalo ang niluluto niya. 

Nag-aayos ako ng lamesa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong tiningnan dahil baka importante. 

Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita kung sino ang nag-message. 

from: Alonzo Haziel

musta kamay mo? 

Nanlaki ang mata bago agad pinatay ang cellphone ko. Naka-ilang malalim na hininga muna ako bago muling binuhay ang cellphone ko at sa pagkakataong ito ay ini-restrict ko si kuya Haze para hindi ko na makita ang mga messages niya. 

Naghapunan akong nakasimangot at wala sa mood na hindi naman napapansin nila Faye at Marga. 

Nakakainis! Naiinis ako sa kaniya!! May pag-kamusta pa talaga siya! 

"May hinihintay ka bang message?" Napalingon ako kay Marga, "Kanina mo pa tinitingnan cellphone mo." Dagdag nito at napatawa ako bago umiling, "Wala naman." 

Paulit-ulit kong tinitingnan kung nadadagdagan ba ang messages sa akin ni kuya Haze. Baka sakaling mangulit siya at sabihing gusto niya akong maka-usap. Hindi ba talaga niya ako kukulitin? Talaga bang hahayaan lang niya na hindi ko siya pansinin? Paano niya kinakaya yun? 

"Cass! Halika rito!" Tawag sa akin ng isa kong senior, 

"May gagawin ba kayong tatlo?" tanong nito sa amin nila Marga at Faye, nagkatinginan kaming tatlo. 

"Kami po ni Faye at Marga ay maglilinis sa science lab, bakit po?" sagot ni Faye at tumango ito, 

"Si Cass ba?" tanong nito at umiling ako, "Ah sige, ikaw muna ang tumao dito sa stall, tinatawag kasi ako ng prof ko." ani nito at hindi na ako nakatanggi dahil agad itong umalis. 

Nang makalayo ang senior namin ay humagalpak ng tawa si Faye, "Tingnan mo nga naman, gumagala lang tayo tapos nautusan ka pa! HAHAHAHAAHAH!" Pang-aasar ni Faye at inirapan ko ito habang nag-aayos ng mga paninda ng medicine department. 

"Aalis na nga kami ni Faye, baka mautusan pa kami ng iba." ani ni Marga at isa pa itong inirapan ko. 

"Umalis nga kayo, nakakainis lang kayo!" Pananaboy ko sa dalawa,  humagalpak ito ng tawa at umalis na. 

Kung kailan magha-hapon na at patapos na ang araw ay saka naman ako mauutusan. Maaga sana ako uuwi ngayon, eh. Paalis na nga sana ako kapag maglilinis na sila Faye pero hindi, magbabantay pa ako sa food stall. 

Mabuti nalang at hindi ako nahirapan nang masyado kahit marami-rami ang bumili. Ganito pala ang feeling na nagtitinda. 

"Miss, isa nga nito." Nakangiti pa akong nag-angat ng tingin para asikasuhin ang bibili pero agad ding bumagsak ang ngiti ko nang makita si kuya Haze. 

Nakita ko nag pagkagulat sa mukha niya, "O-Oh... Cass, ikaw pala." ani niya at nag-aalinlangan akong tumango bago kinuha anhg bayad niya. 

"Ito lang po ba?" Sinubukan kong hindi mautal, "Uh... gusto mo ba ng cookie? I can buy if you want." He offered but I immediately shake my head and handed him his change.

"Thank you sir," I lowered down my head and pretend I'm busy working on the other food supplies. 

Ganun nanaman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bumibilis pa ang tibok ng puso ko dahil kinakausap at nakikita ko siya o dahil ba nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. 

Kinabuksan ay ay nakapaggala muna kaming magkakaibigan dahil ang sabi sa akin ng senior ko ay mga 10am pa ako kailangang tumao sa stall, may papalit din naman sa akin bago mag lunch kaya okay lang din sa akin at dahil wala na rin naman akong ginagawa. 

"Cass! Bili na!" Binubudol ako ni ate Sav na bumili sa stall ng aviation students. Hindi mga pagkain ang tinda nila kundi mga merch ng aviation students at ng iba't-ibang org ng course nila. 

"Ito Cass, kahit hindi ka piloto pwede kang magpa-personalized ng pin." Ini-abot sa akin ni ate Sav ang isang pin na pwede ko nga naman lagyan ng pangalan ko. 

"Captain Andrea Cassandra Gonzales! Ayy!! Bagay!!! Bumili kana!" Pati ba naman si Faye ay binubuol din ako kaya napatawa si ate Sav. 

"Bibili ako, nakalagay Captain Allison Faye Estrella! Bagay diba! Isa nga po sa 'kin." Agad nagbayad si Faye at napatawa ako, mga burgis nga naman. 

"Bagay ba sa akin ang mag-piloto?" tanong ko kay ate Sav, 

Sumagot naman ang isa nitong kasama, "Mas bagay sa 'yo ang piloto--" Agad itong siniko ni ate Sav at sinenyasan na tumahimik. Alam lang siguro nito na gusto ko si kuya Haze pero hindi nila alam ang tungkol sa nangyari. 

"Yung ano nalang ate sa 'kin... itong pin na ito." Dinampot ko nag isang enamel pin nila na may design ng eroplano bago nag-abot ng bayad. 

"Ay perfect! Thank you!!" ani ni ate Sav bago nag-abot ng sukli. 

Pinapanood ko nag paggawa sa pin na binili ni Faye at hindi ko maiwasan na hindi isipin kung ano kaya kapag pangalan na niiya ang nakalagay doon. 

Captain Alonzo Haziel Vergara

Medyo masakit isipin, masakit kasi siya nanaman ang naiisip ko pero nakakatuwa dahil bagay na bagay naman talaga sa kaniya ang mag-piloto at alam ko rin na dedicated siya na maabot ang pangarap niya na ito. 

"Cass una na muna kami, ha, may ini-utos lang kasi sa amin si alam mo na... prof na pala-utos." ani ni Faye at napatawa ako bago tumango. Iniwan ako ng dalawa sa food stall at inayos ko na ang mga naiwang gawain ng pinalitan ko. 

Nag-pa-pack ako ng mga pick-up orders nang marinig ko ang pagdating ng isang grupo sa harap ng stall. 

As usual, iwe-welcome ko sila ng ngiti pero laking gulat ko nang makita ang buong congress sa harap ko. 

"Miss walo ngang-- oh! Si Cass pala 'to, eh." ani ni kuya Edward sa tonong ikinatawa ko pa, "Nautusan lang po," sagot ko at napatawa ito, "Kawawa ka naman, ubusan na namin paninda mo." ani nito at napatawa ako bago umiling, "Para kang sira kuya." ani ko at tumawa ito bago umiling, 

"Joke lang, wala akong pera, walong cookies kami." ani nito at tumango ako bago kumuha ng paper bag at kumuha ng walong cookies. 

"Wala raw pera, napakasingungaling mo talaga Edwardo, dagdagan mo nga ng tatlong box ng brownies 'yan, Cass." ani ni kuya Xandro at napatawa ako bago tumingin muna kay kuya Edward, nang tumango ito ay kumuha na ako ng tatlong box ng brownies at inilagay ito sa panibagong paper bag. 

"Busy ba kayo mamaya? Tara BGC," Narinig kong turan ni kuya Lucas, 

May napasinghal sa isa sa kanila, "Ito si inom, tutugtog kami mamaya, ako, si Xandro, si Edward, si Adrian, vocalist namin yung ano... yung dumali kay Haze." ani ni kuya Shawn at bahagya akong napatango habang kumuha ng sukli ni kuya Edward. 

"Ah si Simon," napa-angat ako ng tingin nang marinig si kuya Lorenzo na magsalita, 

"Kakanta po si Simon mamaya?" Pag-uutita ko sa kanila, sabay-sabay silang napalingon sa akin at tumango si kuya Shawn, "Oo, hindi ba nasabi sa inyo?" tanong nito at umiling ako, "Madalang ko na nga po makita yun, sa dorm nalang. Ang alam ko nga po ay may practice yun ng kung nao pero hindi ko alam kung ano." ani ko at tumango si kuya Shawn. 

Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko, "OMG! Mga anong oras po kayo tugtugtog? Hala excited na ako!!" Hindi ako magkamayaw sa tuwa, 

Ini-abot ko kay kuya Edward ang sukli niya, "Hindi ko lang sure pero pangatlo kami sa mag pe-perform mamaya." sagot ni kuya Edward at tumango ako, 

"6PM nga po ba ang start?" tanong ko at tumango sila, "Ah sige po, manonood pala ako!" Para akong bata na pumapalakpak. 

Nakita kong napatawa si kuya Shawn bago sila umalis na. Napapakanta-kanta ako habang nag-aayos nang may mapagtanto. 

Aba, himala ah... hindi ko siya napansin. Nakita ko naman siya pero hindi ako gaanong na-apektuhan ng presensya niya. 

"Nabalitaan niyo ba?" Naglalakad-lakad kami ngayon nila Faye at Marga, kakatapos lang namin kumain ng lunch at alas dos na ng hapon. 

Napakunot ang noo ni Faye habang kumakain ng ice cream, "Ano yun?" tanong nito, "Kakanta pala si Simon mamaya? Gagi! Di nagsasabi sa atin!" ani ko at sabay napasigaw ang dalawa. 

"EH?! Seryoso ba?! Grabe yun! Walang pasabi!" ani ni Marga at napahagalpak ako ng tawa bago tumango. 

"May pino-pormahan yun," ani ko at napatawa si Faye, "6PM yun diba? May ticket na ako, tayong tatlo pala." ani nito at nagulat ako, "Wow ha, ang bilis." ani ko at napatawa si Faye, "Aba, siyempre andun ang kuya ko, alangang hindi niya tayo i-secure ng ticket." Pagyayabang nito at napahagalpak kami ng tawa. 

Mga bandang alas kwatro ay umuwi muna kami ng dorm para magpalit ng damit dahil medyo pinawisan ako at ganun din sila. 

5:30 na nang makabalik kami at dumiretso na kami sa event hall para pumunta sa pwesto namin,  laking gulat ko nang ang bangko ko ay katabi si kuya Lorenzo at Lucas, aba nga naman. 

"Yan na ba yung ticket na nakipag-unahan si Shawn?" tanong ni kuya Lucas at napahagalpak ng tawa si Faye. 

"Opo, inaway ko kasi, sabi ko di kami bati kapag hindi niya kami bibilhan ng ticket." sagot ni Faye at napatawa sila kuya Lorenzo. 

Nagulat ako nang si kuya Howard naman ay umupo sa likuran namin at may kasamang babae. Apat nga pala sa kanila ay tutugtog mamaya. 

Nagsimula na ang concert at nag-enjoy naman ako. Lalo na at nasa unahan kami ay kitang-kita ko ang nag pe-perform. 

Napalingon ako sa katabi ko nang mapagtanto na tatlo lang sa congress ang andito? Si kuya Haze? 

Pasimple akong sumilip sa gilid ni kuya Lucas pero ibang tao na ang katabi nito. Baka naman nasa backstage si kuya Haze? 

Napabaling ako sa unahan nang magsigawan sila Faye at Marga, sila Simon na!! Pati sila kuya Lorenzo sa tabi ko ay sumigaw, siyempre ako, nakisigaw na rin. 

"WOOH!! Go Simon!!! Kaibigan ko 'yan!!" sigaw ko at napahagalpak kami ng tawang tatlo. 

Ngumiti pa ito sa amin at kumaway kaya lalo kaming napasigaw tatlo. 

Napasigaw kami nang simulan ng drums ni kuya Shawn ang kanta, agad ko agad nakilala ang kanta, 'Kung Maging Akin Ka' by Sugarcane. 

"Kasalanan ba na umibig sa'yo? Alam kong ikaw ang sinisigaw nito. Dinggin sana ang himig, upang malaman mo. Na ang puso ko ay para sa'yo." Umalingawngaw ang sigawan sa buong hall nang marinig ang malamig na boses ni Simon. 

"Tangina magaling nga pala kumanta 'to!!" sigaw ko kila Faye at Marga. Madalas nalilimutan ko na sikat nga pala si Simon dito sa campus dahil sa pagkanta nito, sanay kasi akong ginagago lang 'to. 

"Ang ngiti mo'y 'di na masilayan, labis ang luha ng iyong mga mata. Kung ang pag-ibig mo'y sa akin ilaan, madarama mo ang tunay na ligaya." Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan ng video sila Simon.

"Kung maging akin ka, ikaw ay liligaya, kung maging akin ka. Wala nang hahanapin pang iba
 mamahalin kita nang lubos. Kung maging akin ka." Nakikisabay ako sa pagkanta ni Simon. Tumitingin pa ito sa gawi ko at ngumingiti kaya nginingitian ko ito pabalik. 

Itinaas ko rin ang kamay ko para makisabay sa iba na isinasayaw ang mga kamay nila sa ere habang sumasabay sa kanta. 

Napasigaw naman ako nang mag guitar solo si kuya Xandro at ganun din ang buong hall, ang astig nila!! 

Napalingon ako sa gawi nila kuya Lorenzo nang marinig ko itong sumigaw pero si kuya Howard at Lucas ang kausap. 

"Uy! Si Alonzo, nag dra-drama sa gc! Uuwi na raw, baka mapa-ano yun sa daan! Ang lakas pa man din ng ulan!" sigaw nito sa mga kaibigan dahil maingay at hindi sila magkarinigan.

Parang tumayo ang magkabila kong tenga sa narinig ko. Hindi na ako nakinig sa pagkanta ni Simon kundi sa pinag-uusapan na nila kuya Lorenzo. 

"Siraulo yun! Naka-inom yun kaya ganun!" sigaw naman ni kuya Lucas. Lumapit si kuya Howard kay kuya Lorenzo kaya mas narinig ko ito. 

"Hindi ba mas delikado yun? Kasi naka-inom siya tapos magmamaneho siya sa maulan na daan? Tsaka gabi na rin, oh." ani nito at parang may kung anong kinabahan sa loob ko. 

Napakuyom ang mga kamay ko dahil pinipigilan ko ang sarili ko na gumawa ng kahit anong katangahan. Pero hindi na ako mapakali dahil naiisip ko si kuya Haze. 

"Nasaan po si kuya Haze?" Napalingon sa akin si kuya Lorenzo, "Ha?" 

"Si Kuya Haze po, nasaan ngayon?" tanong ko at napalingon muna ito kay kuya Howard, 

"Nasa tapat ng aviation building kaso--" 

Hindi ko na pinatapos si kuya Lorenzo at agad tumayo bago tumakbo palabas ng hall. Pagkadating ko sa pinto ay malakas nga ang ulan. Natanaw ko ang aviation building mula rito at nakita na nabuhay ang ilaw ng isang sasakyan. 

"Shit!" Baka hindi ko na siya maabutan pero sinubukan ko pa rin at sumugod sa malakas na ulan. 

Habang tumatakbo ay bumubulong ako na sana'y hindi pa ito umalis. 

"Kuya Haze!" Ilang metro pa ang layo ko sa sasakyan ay sumisigaw at kumakaway na ako. 

Nakita ko pang bahagyang umandar ang sasakyan pero nang makalapit ako ay agad din itong tumitigil. 

Bumukas ang pinto ng driver seat at iniluwa nito si kuya Haze, 

"Cass-"

"'Wag ka munang umalis, lasing ka, baka mapa-ano ka!" Putol ko rito, agad niya akong inakbayan bago mabilis na ipinasok sa loob ng sasakyan niya. 

"What are you doing?! Basang-basa ka!" sigaw nito nang nasa loob na kami ng sasakyan. 

"Eh kasi naman! Sabi nila kuya Lorenzo nag da-drama ka raw sa gc niyo! Tapos lasing ka at magmamaneho ka?! Paano kung mabangga ka?!" sigaw ko pabalik dito, ako na yung concern dito, ha!

Ilang segundo ako nitong tinitigan bago napatawa nang pagak, "Cass I'm not drunk. I'm just... I just had few glasses--" 

"Kahit na! Naka-inom ka pa rin! Tapos ang lakas ng ulan! Madilim na rin!"  sigaw ko nanaman dito at napahagod ito ng buhok niya. 

"But why are you here? Ano naman kung naka-inom ako na magmamaneho at malakas ang ulan?" Parang may panghahamon  sa boses niya. 

Napakunot ang noo ko, "Well... I'm concerned." I replied and he raised a brow, 

He leaned closer, "Concerned or... worried?" My lips parted, 

"Wow, as if! After what you did?! Heck no! Over my dead body!" I spat out, my brows furrowed when he pulled away, laughed and lean on his seat while combing his hair with his hands. 

"Why? What did I do?" he faced me and my jaw dropped. 

"Wow! Ang kapal ha! You used me! Ginawa mo 'kong... what?! Rebound?! Back burner?! Pampalipas oras! Tapos ano?! Babalik ka sa ex mo?" Pakiramdam ko ay puputok na ang mga litid sa leeg ko, nagsimula na rin mamuo ang luha sa mata ko pero hindi dahil sa lungkot at sakit pero dahil sa galit. 

Narinig kong tumawa nang mapait si kuya Haze, nang tingnan ako nito sa mga ay para akong matutunaw. Duda ako sa few glasses nito, nakarami 'to. 

"Sinong may sabi na babalik ako sa ex ko?" tanong nito at parang nanuyo ang lalamunan ko, nakatingin pa rin siya diretso sa mga mata ko. 

Nilawayan ko ang pang-ibaba kong labi dahil nanunuyo ito, "Ano... s-sabi mo kailangan ka ni Camille--"

"Yun lang ang sinabi ko because you didn't let me finish. Wala akong balak balikan siya... siguro... me and her had a deal but it was just for her. I don't like nor love her anymore. Heck, I won't feel the same again for her. Kasi ginago niya 'ko and she... I despise her." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.

Ang hot niya pala kapag lasing at galit. 

"Hindi mo ako pinatapos. Tangina, pero pinagsisisihan ko naman talaga lahat. Natakot lang ako, eh. Ang dami niyang kasamang body guard. Tapos walo lang kami dun, natatakot ako para sa amin ng mga kaibigan ko kaya pumayag nalang ako sa putang-inang gusto niyang mangyari!" Wala akong kibot sa kinauupuan ko at nanatili siyang pinapanood. 

"Ano b-bang gusto niyang mangyari?" tanong ko at ilang segundo nanaman niya akong tiningnan sa mga mata habang naghahabol ng hininga. 

He cleared his throat, "She wants... she wants me to be her fake boyfriend in front of the cameras because she's having issues with her ex boyfriend. And... ayaw ko, ayaw ko talaga. Pero... I felt like hindi kami makakalabas ng buhay that time." Nagpakawala pa ito ng mapait na tawa. 

"That night... I planned to tell you the whole thing but I started shit. I shouldn't have mentioned you her name first." His eyes slightly softened and I suddenly felt guilty. I should've listened pala talaga muna. 

"Yun ba yung importante mo na sasabihin sa 'kin?" tanong ko rito, tiningnan nanaman niya ako sa mga mata at para akong kinilabutan. Parang susunggaban niya ako bigla sa mga tingin niya. 

He smirked, "No, I have something else to tell you that night." he responded and my brows furrowed. 

"And that is--"

"I like you. A lot. Sobra. Gusto ko akin ka nalang." Napatawa pa ito sa sinabi niya, 

"Minsan nga gusto kitang i-bulsa." Dagdag nito, sumandal ulit siya sa bangko niya bago napapikit habang ako itong naka-awang ang mga labi. 

Tangina?! Gusto niya rin ako?! Seryoso ba siya?!

Pero lasing siya... baka yung alak ang nagsasalita at hindi siya. 

Pero drunk words are sober thoughts? 

"Natahimik ka?" Nagbalik ang atensyon ko sa kaniya nang magsalita ito. 

Utay-utay akong napa-iling, "H-Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi mo. Kasi... kasi I don't really think I'm your type and we don't really look good together. Tapos--"

"Oh come on!" 

Laking gulat ko nang bigla niya akong sunggaban ng halik. Hindi ordinaryong halik pero yung gutom na halik. 

Agad akong napahawak sa kaniyang dibdib at sinubukan siyang itulak pero hinawakan niya ang likuran ng ulo ko para mas ilapit pa sa kaniya. 

Bigla itong kumalas sa halik, "You don't know how to kiss?" he asked, that's when things sink in me and I had the urge to initiate the kiss this time. 

I pulled him by his head and pull him closer to me to kiss him the way he kissed me awhile ago. 

He was rough and hungry and so am I. I missed him, damn I missed him. 

But I didn't thought I miss him like this.

My seat abruptly reclined as he pushed his body closer to mine, causing us to fall a little as if I'm laying down on a bed. 

"Ah!-" 

A squeal escaped my lips when I felt his cold hands brushing my stomach. At first it was just on one area until it started moving around and going to other parts making me to squirm a bit under him as just from his mere touch gives me a different kind of sensation. 

He slightly pulled away from the kiss making us both able to catch out breaths. He looked straight into my eyes as we both pant and catch for air, no words, just eyes talking, and we both know what we both wanted. 

He chuckled, "Where is this leading anyways?" he asked and I let out a small laugh, "I don't know, you decide." 

He pulled me for another kiss, still rough, still hungry. He pushed his body closer to mine and our chest touching each other. 

His hands roaming around my body inappropriately touching me in different parts. His kiss shifted from my lips to my jaw, then to my neck. 

He stopped for few seconds and I can feel his hot breath on my neck. 

"We should stop, a girl like you doesn't deserve to make love in a car. You deserve more than this, Cassandra." 

I was disappointed, of course. But his reason and what he just said made him way more attractive and now I want more. 

Pagkabalik namin ng dorm ay wala pang masyadong maraming tao dahil ang iba ay nasa campus pa. Pero ang bali-balita ko ay natapos na ang ibang banda sa concert at umuwi na rin ang iba dahil maggagabi na. 

Nasa harap kami ng elevator nang may nakita akong pumasok sa may stairs, parang kilala ko yun, ah.

Tahimik lang kami sa loob ng elevatoor ni kuya Haze pero ang kamay niya ay nasa tagiliran ko. Kapag naaalala ko ang nangyari kanina ay napapakagat ako sa pang-ibaba kong labi. May wild side rin pala talaga si kuya Haze! At sinabayan ko pa! 

Pagkarating namin sa floor ng kwarto namin ay inihatid lang ako ni kuya Haze. 

"Goodnight," ani nito at nahihiya akong tumango, "Okay naba tayo?" tanong nito at napatawa ako, "After nung kanina? Mukha bang hindi pa?" sagot ko at napatawa siya bago umalis na, hinintay ko siyang makapasok ng elevator bago nagtatalon sa kilig sa harap ng pintuan namin.

"Gagi! Gagi!! Gagi!!!" 

Hindi ko naisip na I would have a moment like that with kuya Haze. Akala ko happy crush lang siya at hanggang dun lang. Pero yung ginawa namin kanina... something tells me this won't end here and I'm actually hoping it won't. 

"Masyado ka yatang masaya?" Nagulat ako nang may nagsalita sa likdo ko, si Simon. 

"Oh! Andito kana! Ang galing niyo kanina!" Nakangiti kong turan sa kaniya, naglakad siya palapit sa akin habang nakapamulsa, 

Pinagtaasan niya ako ng kilay, "Hindi mo nga tinapos." ani niya at napanguso ako, "Sorry na," pabiro ko itong hinampas, "May pinuntahan lang--"

"Si kuya Haze? Yung putang-inang yun?" Putol niya sa akin. 

Hindi ko na nagugustuhan ang tono ng pananalita niya. "Hoy! Umayos ka nga, senior natin yun--

"Oh eh ano ngayon?! Ginago ka niya diba?! Tapos ano?! Makikita ko kayo magkasama! Basang-basa! Ano yun, naglakad kayo sa ilalim ng buwan pero maulan?!" sigaw nito at doon ay natigilan ako. 

Parang pati siya ay nagulat sa ginawa niya at napapisil sa taas ng ilong niya. 

"Look, Cass--"

"Ano ba Simon?! Bakit ba ang init-init ng dugo mo kay kuya Haze?! Ha?! Parang ayaw na ayaw mo na gusto ko--"

"Dahil gusto kita!!" 

----------

a/n

exams done mga anteh, 1st sem done jusko, mangingisay na ako dito HAHHHAHAH pero anyways, MWAHAHAH naka-amin na ang Simon bestie natin. Yung breakdown yata ay hindi na breakdown ni Cass, breakdown na yata  ni Dominous yun HAHAHAH





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com