Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XX

From: Allan Robert
anong tawag sa dinosaur na nagdadalawang isip?

From: Allison Faye
jusko allan ito nanaman tayo!

To: RESEARCH
ano?

From: Allan Robert
Dinasure...

"HAHAHAHAHA!!" Napahagalpak ako ng tawa, napatakip ako sa bibig ko at ramdam na ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko sa kakatawa.

"Bakit? Sinong kausap mo?" Napalingon ako kay Haze na nagbabalik-balik ng tingin sa akin at sa kalsada habang nagmamaneho.

"Wala, may nag joke lang kasi sa gc namin ng research." sagot ko, ngumuso ito nang bahagya bago tumango,

"Ah, si Faye at Marga?" tanong niya at tumango ako, nakatutuok pa rin sa cellphone dahil patuloy pa sa pagbibiro si Allan.

To: RESEARCH
tangina mo Allan! Tama na! Paawat ka naman!

"Hey, si Faye at Marga?" Napalingon ako kay Haze,

Tumango ako, "Yep, then si Allan." sagot ko at nagbalik ng tingin sa cellphone ko.

"Allan? You didn't tell me na may lalaki kayong ka-group." Napa-angat ako ng tingin sa kaniya,

"Eh? Hindi ba? Akala ko nabanggit ko na. Tsaka hindi ka naman nagtatanong." Sagot ko at umiling siya, ngumunguso-nguso pa siya.

Pagkadating namin sa tapat ng dorm ay siya na ang nagdala ng gamit ko paakyat ng dorm. Laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Faye at Marga, andito pala sila!?

"Nakita mo ba yung message ni Allan sa gc!? AHHAHAHA!! Tarantado talaga yun!" Humagalpak na turan ni Faye, hinigit ako nito papasok papunta ng sala kung nasaan si Marga.

May ipinakita sila sa akin na message ni Allan sa group chat. Napahagalpak ako ng tawa na halos maluha-luha.

"Ang gago! Putangina! Puro kalokohan!" turan ko at tumango naman sila Faye at Marga habang tumatawa,

"Cass!" Napalingon kami kay Haze nang sumisigaw ito,

"Sorry, hindi mo kasi ako naririnig. I'll put these here." He softly said while placing my things by the sofa,

I stood up and run towards him before placing a kiss on his cheeks, I smiled at him, "Oki, thank you!" He smiled back at me before leaving the room.


Kinabukasan, papasok na kami, laking gulat ko nang ayain kami ni Haze na ihatid.

"Diba may 7am schedule ka?" Tanong ko at tumango siya,

"Yes, but few minutes late won't hurt." He answered and I chuckled,

"Fine, whatever you say, mister."

Kakarating palang namin sa parking nang makita agad ni Faye si Allan, "Si Allan! Ayan na!" Para siyang bata kung makatili, tuwang-tuwa na makita si Allan.

Pagkatigil ng sasakyan ay agad lumabas ng sasakyan sila Faye at Marga para puntahan si Allan.

"See you later! Bye!" Papalabas na sana ako ng sasakyan nang tawagin niya ako,

"Uh, Cass," I looked at him, "Yes?" I gave him a smile,

He smiled back, "Take care, I love you." My smile grew wider,

"I love you much more," I gave him a peck on the lips before getting out of his car.

Sa first class namin ay magkakasama kami ni Faye at Allan. Pagdating namin sa klase before lunch ay kami lang ni Allan ang magkaklase.

"May tubig ka?" tanong ko rito habang nagkaklase kami,

Naubos na yung tubig kong dala first period palang. May dala kasing brownies si Allan at kinain namin buong period.

"Yes, meron," kinuha niya ang tumbler niyang nasa sahig, siya pa ang nagbukas nito bago ibigay sa akin.

"Salamat," ani ko bago naki-inom sa tubig niya.

"Here," ini-abot ko ito sa kaniya, "May kailangan kapa?" Bulong nito para hindi kami marinig ng prof namin,

Umiling ako at tumango naman siya bago inilapag sa sahig ang tumbler niya.

Pagsapit ng lunch ay inaya ko na si Allan kumain dahil napapadalas na rin naman namin siyang kasama at kilala na rin naman siya nila Simon at Matt.

Isang period nalang ang meron ako ng hapon pero 4pm-6pm kaya naman gabi na nang sunduin ako ni Haze.

Pagkapasok ko ng sasakyan ni Haze ay napansin ko na may nililingon-lingon siya.

"May hinahanap kaba?" Naguguluhan kong tanong, napalingon siya sa akin bago umiling,

"Wala, wala naman," sagot niya bago nagmaneho paalis.

Kinabukasan ay inihatid ulit ako ni Haze papasok. May pabaon pa siyang sandwich at baked macaroni.

"Ingat ka, update me paminsan-minsan." Bilin niya bago ako lumabas ng sasakyan,

"Copy po," sagot ko at napangisi siya,

Mga bandang alas otso palang ay nagsend siya sa akin ng picture ng field nila. Dahil nasa library lang naman ako ay nag-send na rin ako ng picture sa kaniya.

Lunch ay nagsend siya sa akin ng picture ng kinakain niya. Sinend ko ang picture ng pabaon niyang kinakain ko at ang cordon bleu na dala ni Allan.

Alas tres nang mag message siya ulit, picture naman ng klase nila. Pinicture-an ko ang table kung nasaan kami nila Allan ng 3rd period at sinend ito sa kaniya.

Pagkatapos ng klase na yun ay nagka-ayaan kami sa canteen para mag miryenda.

"Cass gusto mo ng canton? Libre kita," Alok ni Allan, gumuhit ang ngiti sa labi ko bago napahagalpak ng tawa,

"Sira! Seryoso ba 'yan?" Tanong ko at tumango ito,

"Asus! Sige na nga, bahala ka." Sagot ko at tumango ito, bago umalis para bumili,

Nag ce-cellphone ako nang lumapit sa akin si Simon, "Naku po, baka mamaya may nagseselos na." Bulong nito, napakunot ang noo ko bago ito nilingon,

"Si Haze? Hindi yun." Sagot ko at nagkibit-balikat lang ito.

"Susunduin ka ni kuya Haze, 'no?" Tanong ni Faye habang nagalakad kami papunta sa parking,

Tumango ako, "Yes, why?" Tanong ko,

"Pasabay na kami! Sa dorm uwi namin tonight, eh." Sagot nito at tumango ako,

Napalingon kaming tatlo nang narinig namin si Allan na sumisigaw at tinatawag kami,

"Ingay mo!" Saway ni Faye rito,

Napatawa ako habang napakamot naman sa ulo si Allan, "Si sungit! Pauwi naba kayo? Hatid ko na kayo." Ani niya at umiling ako,

"May sundo kami," sagot ko at nag-hum ito,

"Ah ganun ba? Andiyan naba?" Tanong nito bago tumingin sa paligid,

Umiling ako, "Wala pa, pero maya-maya andito na yun." Sagot ko at tumango ito,

"Akin na muna 'yang bag mo, mukhang mabigat, eh." Ani nito at umiling ako,

"'Wag na, okay lang, hindi naman mabigat." Ani ko at utay-utay tumango si Allan,

"Hay naku, Allan, ito oh, ipagdala mo ako ng gamit!" Halos mabitawan ni Allan ang gamit na ini-abot sa kaniya ni Faye, napatawa ako habang umiiling.

"Akin na 'yang bag mo, kaya ko pa, oh." Pangungulit ni Allan,

Napatawa naman ako, "Sige na nga, kulit mo rin, eh." Ilang minuto kaming naghintay, maya-maya lang din ay nakita ko na ang sasakyan ni Haze.

Pagkatigil nito sa harap namin ay agad itong lumabas ng sasakyan, nakakunot ang noo bago kinuha kay Allan ang bag ko.

Nakita kong napakunot ang noo ni Allan, itinuro nito si Haze, "Kuya mo?"

Nanlaki ang mata ko habang napahagalpak naman ng tawa sila Faye at Marga. Si Haze na naglalagay ng bag ko sa sasakyan ay napasilip at masama ang tingin kay Allan.

"Gago! Boyfriend niya 'yan!" Sigaw ni Faye at napahagikhik ako nang bahagya habang bakas naman ang gulat sa mukha ni Allan.

Lumapit si Haze sa amin at inakbayan ako,

Inilahad ni Allan ang kamay niya, "Hello pre, Allan nga pala." Pagpapakilala nito, nilingon ko si Haze at nakitang nakatingin lang ito sa kamay ni Allan.

Nag-angat ito ng ulo, "I know, I'm Alonzo." Iyan lang ang sagot ni Haze bago kinuha kay Allan ang gamit nila Faye at inilagay sa likod ng sasakyan.

Bahagyang nahulog ang panga ni Allan. Tinapik ko ito sa balikat habang napapatawa-tawa. "Bad mood lang yata. Thank you sa pagdadala, Allan." Ani ko bago ito nilampasan at sumakay na sasakyan ni Haze.

Tahimik ang buong biyahe namin pauwi ng dorm. Kahit si Faye at Marga ay hindi nagsasalita. Ramdam ko rin ang bahagyang mabigat na paligid.

Pagkababa namin ng dorm ay naunang umalis sila Faye at Marga para umakyat na.

"Hindi kapa ba papasok?" Tanong ni Haze, sa boses palang niya ay alam kong pagod siya.

"May problema, alam ko." Dineretso ko na siya, napakunot ang noo niya bago umiling.

"Huh? Wala, ah." Sagot niya at pinagtaasan ko siya ng kilay,

"Talaga? Yung totoo, Haze." Seryoso kong turan,

Umiling ulit siya, "Wala nga, you should get inside na. Hihintayin ko lang sila Lorenzo then I'll get upstairs na rin." He answered and I slowly nod.

"Okay, sabi mo, eh. Basta kapag may problema sabihin mo lang." Ani ko at tumango siya,

"Yes, no get inside na. Get rest, goodnight, Cass." He flashed a small smile,

I smiled back and gave him a kiss on the lips, "Goodnight, Haze."

Sa mga sumunod na araw ay mas madalas akong inihahatid ni Haze. Napapadalas na rin na gabi kami umuuwi dahil inaasikaso namin ang research. Mas nalapalit din si Allan sa amin dahil lagi naming kasama.

"Hoy! Hoy! Baka magselos si kuya Haze, lagot kayo!" Sita sa amin ni Simon, tinutulungan kasi ako ni Allan sa research at magkatabi kami sa harap ng laptop ko.

Napatawa ako, at ganun din si Allan, "Siraulo," turan ko rito,

Naging biro na rin sa amin ang tungkol kay kuya Haze simula nang i-kwento ni Faye ang nangyari noong nakaraan sa parking lot.

Pinagmamasdan ko rin naman si Haze minsan at sa tingin ko naman ay hindi siya nagseselos. Minsan nga ay mukha naman siyang walang pakialam.

Hindi na rin kami o ako inihahatid ni Allan sa parking kapag maghihintay kay Haze. Natakot na yata lalo pa at marami itong mga kabarkada na niloloko nila Simon na gugulpihin daw si Allan.

"Uy! Samgyup tayo! Dali! Now na!" Bigla-bigla nalang nag-aaya si Faye,

Napatawa ako habang tumitipa sa laptop, "Para kang nakakaisip tumae." Ani ko at napatawa si Faye,

"Huy, oo nga! Tara na! G na ako!" Turan naman ni Matt, ganun din si Marga na payag naman sa aya ni Faye, si Simon at si Allan naman ay parang nag-iisip pa.

"Sasama kaba, Cass?" Tanong ni Simon, napasimangot ako bago dinampot ang phone ko.

"Magpapaalam lang ako kay Haze." ani ko at nabalot kami ng kantyawan,

To: Alonzo Haziel
hello! Mag sa-samgyup lang kami, 'wag mo na akong sunduin

From: Alonzo Haziel
Cno cno kayo?

To: Alonzo Haziel
Ako, si Allan, Marga, Faye, Simon, Matt

Pumayag na sila Simon at Allan. Sagot nalang ni Haze ang hinihintay ko. Hindi naman sa hindi niya ako papayagan pero gusto ko na alam niya kung nasaan ako.

"Sumagot naba?" Tanong ni Faye, naiisip na,

Tiningnan ko ulit ang cellphone ko, napa-iling ako nang makita na wala pa rin siyang reply.

"Na-seen naba?" Tanong ni Simon at tumango ako,

"Oh, okay na 'yan, tara na." Ani nito at tumayo, tumayo na rin ang iba kaya sumunod na ako at inayos ang gamit ko.

Hindi pa kami umaalis sa table ay saka lang siya nag reply.

From: Alonzo Haziel
cge, ingat


Mag a-alas kwatro na nang makarating kami sa kakainan namin. Agad naman kaming naupo sa isang table at nakakain din kami agad. Si Allan at Simon ang nagluluto habang taga-kain lang kami nila Matt.

Kapag nag me-message si Haze ay agad ko rin napapansin dahil nakapatong lang naman sa lamesa ang cellphone ko. Naka-ilang message rin siya na hinahayaan ko lang. Nangangamusta lang siya o di naman kaya ay may kine-kwento.

Quarter to 7 na nang makabalik kami ng dorm. Lasing si Simon at Matt, ganun din si Marga at Faye, si Allan ay hindi gaanong nalasing dahil malayo-layo la ang uuwian nito habang ako naman ay hindi uminom.

Nasa entrance ako ng dorm nang matanggap ko ang message ni Haze.

From: Alonzo Haziel
and2 aq sa lobi, pnta k

Pagkapasok ko ng lobby ay naka-upo siya sa isang lamesa malapit sa may bintana at nakatingin sa labas.

"Hello!" Bati ko, agad naman siyang lumingon sa gawi ko at nang makita niya ako ay gumuhit ang ngiti sa labi niya.

Tumakbo ako papunta sa kaniya at agad naman siyang tumayo para salubungin ako ng isang mahigpit na yakap.

"Hey, how was your day?" He softly asked before planting a kiss on the top of mg head.

"It was tiring," I replied while both of us are slightly swaying our bodies together.

I missed this, I missed him.

"By the way," he pulled away from the hug, "I made you foods incase you're hungry." I chuckled a little,

"Pero busog pa ako," sagot ko, napasimangot siya na talaga namang cute na cute siya.

Napatawa ako bago siya pinisil sa pisnge, "Pero sige na nga, kakainin ko na, gawa mo 'yan, eh." Ani ko at gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya.

Naupo na kami at kinain ko na ang niluto niya. Napatagal din kami dahil hindi ko agad maubos ang pagkain. Pero mabuti na rin iyon dahil nakapag kwentuhan kami at nagkaroon ng oras na kaming dalawa lang.

We were able to catch up with each other's lives, bond and have our own time. It felt so nice to talk to him again. It's like the stress I had throughout the whole week vanished as I spend time with him.

"Isa nalang!" Agad akong napatakip sa bibig ko nang mapagtanto na napalakas pala ang boses ko, nasa library nga pala kami.

"Go Cass, todo mo 'yan..." Tutok na tutok si Allan sa laptop niya habang gumagawa rin ng research.

Si Faye ay tulog sa harapan ko habang si Marga naman ay busy rin sa pagtipa sa kaniyang laptop.

Napatingin ako sa orasan sa library at nakitang alas kwatro na pala ng hapon at malayo pa kami na matapos sa research.

Uminat muna ako nang bahagya bago kumuha ng Pringles na dala ni Allan.

Nalingat kaming lahat sa oras, napansin nalang namin na madilim na pala sa labas at pagtingin ko sa cellphone ko ay may mga messages na si Haze.

From: Alonzo Haziel
hey, and2 na q sa parking

From: Alonzo Haziel
6:15 na, wer u?

From: Alonzo Haziel
I'm worried, miss u na

Napatawa ako nang bahagya bago nag-type ng reply.

To: Alonzo Haziel
Library, research

Ibinaba ko na ang cellphone ko bago patuloy sa pag pro-proofread ng research namin. Bumili na rin si Allan ng medyo mabigat na pagkain para sa hapunan.

Maya-maya ay dumating si Haze na may dalang pagkain, "Hindi paba kayo uuwi?" tanong niya, wala ni-isa sa aming apat ang nag-angat ng tingin sa kaniya pero lahat kami umiling.

"Cass, it's almost 7pm, you need to go home and rest." he softly said, I pouted and looked up at him.

"Bukas na kasi yung defense, need na need namin tapusin 'to." sagot ko at ngumuso siya habang napa-isip, napunta ang paningin niya kay Allan bago nagbalik ng tingin sa akin.

"Gumising ka nalang nang maaga?" Malumanay niyang turan, napanguso ako bago tiningnan ang mga kagrupo ko.

Hanggang sa may na-alala ako, "Wait, diba balak natin mag overnight kila Allan?"

"What?!" Napalingon kaming lahat kay Haze na nakakunot ang noo at mariin ang pagkakabigkas ng salita.

Napakunot ang noo ko, "Why naman? Need pa namin mag practice para sa defense." turan ko at naningkit ang mata nito,

"You don't need to stay at his place, right? Why not sa dorm? Sa lobby? O-Or Google Meet? Zoom? There's other alternatives." Napanguso ako bago tumingin sa mga ka-grupo ko, tahimik lang sila at hindi nagsasalita.

"Hindi dormer si Allan, tapos if Zoom naman wala kaming matatapos." Paliwanag ko, bahagyang humaba ang nguso ni Haze habang nag-iisip.

Hinawakan ko ito sa kamay, "Dali na! Please!!" Pagmamaka-awa ko rito,

Bumuntong hininga ito, "Fine, pero you should go home muna at kumain, ihahatid ko nalang kayo doon." Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko bago napatayo. Inayos na namin ang mga gamit namin at umalis ng university.

Ibinili na kami ni Haze ng hapunan at nakikain na rin siya sa dorm. Naghanda lang ako ng mga dadalhin at nagbihis bago saka kami inihatid ni Haze sa bahay nila Allan.

"Ingat, ha? Love you," turan ni Haze bago ako lumabas ng sasakyan. Gumuhit ang ngiti sa labi ko bago siya nilapitan para halikan nang mabilis sa labi.

"I will, love you more." I stepped out of his car and was welcomed by Allan by their gate.

Nilingon ko pa si Haze at kinawayan bago tuluyang pumasok sa loob.

Sinalubong kami ng maraming pagkain sa hapag nila Allan. May sofa bed at foam na rin sa sala nila, may mga inumin at kutkutin sa may center table nila.

Nagsimula rin kami agad para marami at mabilis kaming matatapos.

"May canton kayo?" Tanong ni Faye mga bandang 10pm,

Napangiwi si Allan, "Ang daming pagkain, maghahanap ka ng canton?" turan nito at natawa ako,

Napasimangot si Faye, "Para mas dama natin yung paggagawa ng research!" Pagmamaktol ni Faye, napatawa ako habang nagbabasa ng RRL.

Narinig kong bumuntong hininga si Allan bago tumayo at pumunta sa kusina.

Ilang minuto ang nakalipas, umalingawngaw ang amoy ng canton sa buong bahay. Maya-maya lang din ay dumating si Allan na may dalang isang hawong ng canton.

"Yey!! Thank you Allan!" Nagtatalon si Faye papunta sa lamesa kung saan inihain ni Allan ang canton.

Tumayo kaming dalawa ni Marga at sumunod para kumain. Mula sa sofa ay lumipat kami sa hapag para doon naman mag practice at mag-aral ng research namin.

Alas dose ay natapos na kami, halos memoryado ko na rin ang research namin at nasasagot ko na rin ang mga ibinabatong tanong ni Allan.

Bandang alas una ay sumakit ang tiyan ko, "Tatae lang ako," paalam ko kila Marga,

"Geh, ingat," sagot ni Marga nang hindi manlang nag-aangat ng tingin sa akin.

Pagpasok ko ng banyo ay agad akong naghubad ng pang-ibaba.

"Putangina!" Napamura ako,

Dali-dali akong lumabas ng banyo at tumakbo sa sala.

"May dala kayong napkin?" Tanong ko kila Marga at Faye, napahagalpak ng tawa si Faye habang nahulog ang panga ni Allan.

"Wala, bakit? Dinatnan ka?" Tanong ni Faye, ngumuso ako at tumango.

Napasaltik ako ng dila, "Tapos naman na tayo, diba? Magpasundo na kaya ako kay Haze? Uuwi na ako," ani ko at tumango si Allan,

"Umuwi ka nalang, para makapagpahinga kana rin." Ani nito at tumango ako, dinampot ko ang cellphone ko at nag-message kay Haze.

To: Alonzo Haziel
Sunduin mo 'ko please

Inilapag ko ang cellphone ko at dinampot ang bag ko, "Cass may tagos ka," napalingon ako kay Marga bago sinubukang tingnan ang puwetan ko.

"Seryoso ba?!" Hagas kong tanong at tumango sila,

Kinuha ko ang pantalon na suot ko dapat sa defense at tumakbo papunta ng banyo para magpalit.

Inayos na namin ang mga gamit ko habang hinihintay si Haze.

Maya-maya ay may bumosinang sasakyan, rinig na rinig ko sa loob ng bahay ang pagtaklab ng pintuan nito.

"Cass! I'm here na!" Sigaw nito mula sa labas, agad lumabas si Allan habang tinutulungan ako nila Marga sa gamit ko,

"What's wrong!?" Bakas sa boses nito ang pagkahagas nang lumabas ako,

Ngumuso lang ako at hindi nagsalita bago nilatagan muna ang bangko ng sasakyan niya at naupo.

"Bye! See you later!" Paalam ko sa tatlo bago sinaraduhan ang pintuan ng sasakyan.

"What's wrong?" He sounded calm this time while driving,

"Dinatnan ako, may tagos." Malungkot kong turan, nawala ako bigla sa mood, ang lungkot-lungkot ko.

"Aww, it's alright, I got you." He shifted his hands from the gear to my legs and caress it a bit.

"What do you want?" He asked,

I pouted, "I want to go home and cuddles." I answered and he chuckled.

Nang makabalik kami ng dorm ay agad akong nagbihis at naglagay ng napkin habang siya naman ay inayos na ang higaan ko.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nahiga sa tabi niya.

"I feel tired as fuck," I mumbled,

He hummed and caress my head before planting a soft kiss on my forehead.

"I know, and I also know you're strong and kayang-kaya mo 'yan. Pahinga kapag pagod na, tapos dali ulit." Malambing niyang turan at napatawa ako,

"Thank you," I snuggled on his chest,

"You know I'm always here for you and I love you, right? Just tell me when you need me." He pulled me closer towards him,

I hummed and inhaled his scent, "Ang cute naman natin, let's take a picture." Dinampot niya ang cellphone niya na nasa bed side table, inayos ko ang buhok ko para matino naman akong tingnan sa picture.

"Cute mo," itinaas niya ang cellphone niya para mag picture. Naka-ilang click din siya bago namin tiningnan ang mga picture.

"Ang maga ng mukha ko!" Pagmamaktol ko pagkakita ko sa pictures.

"What? Hindi 'no, you're gorgeous and cute." he said as he zoomed in the pictured.

Suddenly, a notification popped up.

From: Amanda Nathalie
May naiwan ka here,,,



--------------
A/N: ga-graduate na ang real life Haze jusko, mami-miss ko siya wahhh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com