CHAPTER XXVIII
"Kung patuloy po ang pagsakit ay bumalik po kayo agad para maresetahan ko kayo ng iba pang gamot." turan ko sa aking pasyente,
"Sige po doc, salamat po," sagot nito bago tumayo mula sa bangko at saka nagpaalam.
Nang sumara ang pintuan ng aking clinic ay isang malalim na buntong hininga ang lumabas mula sa labi ko. Napasandal ako sa aking bangko bago ini-ikot ang aking sarili habang nakatingala sa kisame.
Ilang segundo akong natahimik, kung anu-anong mga bagay-bagay ang pumapasok sa isip ko. Trabaho, future, past, yung mga nangyayari at si Haze. Matapos ang nangyari sa amin ay hindi ako nito kinausap o kinamusta manlang. Parang wala lang ang nangyari sa aming dalawa. Hindi manlang siya nagpaparamdam.
Natauhan ako nang may biglang kumatok sa pinto, napa-ayos ako ng upo bago inayos ang damit ko, "Pasok po," Malambing kong turan sa pag-aakalang pasyente ito,
Nang bumukas ang pinto at agad sumilip si Kendrick ay gumuhit ang ngiti sa labi ko bago kumawala ang mahinang pagtawa.
"Akala ko naman pasyente," ani ko bago napasandal muli sa bangko, narining ko siyang tumawa bago naupo sa bangko sa harap ko,
"Aray! Aray! Masakit po yung ulo ko, doc." Pag-iinarte nito habang sapo-sapo pa ang ulo niya, napatawa ako habang napapa-iling, "Alam ko na sakit mo," ani ko, "Ano po?" tanong niya,
Napatawa muna ako bago sumagot, "Sakit sa utak," ani ko at napasimangot ito bago tumayo,
"Sungit naman nito," signhal nito at napatawa ako bago napatingala sa kisame, "Ikaw kasi, eh, aga-aga nangbubulabog ka." ani ko at narinig ko itong suminghal, "It's almost 10am, masungit ka lang talaga." Pang-aasar nito at napa-ismid naman ako,
"Magpalamig ka kaya ng ulo, busy kaba mamayang gabi?" tanong nito, nilingon ko siya bago napakunot ang noo ko,
"Why?" I confusedly ask, I saw him scratch the back of his head, "Want to have some dinner together?" he asked, my brows furrowed a bit before things started sinking in me.
I remembered last time sa birthday ni kuya Shawn na umamin nga pala siya sa akin na gusto niya ako at tinanong pa niya kung pwede ba siyang manligaw.
I bit my lower lip, unable to come up with an answer with his sudden invitation.
Our eyes met, it lasted for few seconds before he let out a chuckle, "Was the confession too much to handle? Was the courting a bad idea?" he asked and my eyes widened a bit, before I could even answer, he once again speak, "You can just reject me if you want." my eyes widened and I immediately shook my head, "No!" it came out a little too aggressive, maski siya ay nagulat,
"Ha?" Naguguluhan niyang turan, napalunok ako ng laway bago nag-ayos ng pagkaka-upo, "Ano... I mean... let's give it a shot." I replied and I saw his eyes widened a bit, "I'm interested in you too anyways so..." I shrugged, I saw a small smile grew on his lips that he immediately tried to hide by pursing his lips.
"Yiee kinikilig!" Pang-aasar ko at bahagyang nanlaki ang mata niya bago napatawa, "Hindi kaya, mauna na nga ako, see you later ng lunch." Paalam niya at napahagalpak ako ng tawa bago tumango at nagpaalam sa kaniya.
Pagsapit ng lunch ay inaya niya akong kumain sa isang fast food sa labas ng ospital para maiba naman daw ang kakainin namin at hindi na mula sa canteen ng ospital. Masarap at maayos naman ang pagkain dito, iyon nga lang ay medyo nakaka-umay na rin ang laging ganun nalang at halos natikman na rin namin lahat ng nasa menu rito.
Hindi kami gaanong nagtagal sa labas dahil tinawag kami sa ospital kaya naman kaagad din kaming nakabalik sa ospital. Pagkabalik namin ay nagtuloy-tuloy na ang dagsa ng pasyente at halos natunaw rin agad ang kinain ko.
Sakto naman na bandang 4pm ay bigla akong dinalhan ni Kendrick ng pizza, "Wow, thank you! Sakto gutom na ako!" ani ko bago agad binuksan ang box ng pizza at naupo sa bangko ko,
"Masyado kang naging busy pagkabalik natin," ani niya at nag-hum lang ako dahil may laman ang bibig ko,
"5:30 ang out mo diba?" tanong niya at tumango lang ako, "Diretso na tayo sa resto?" tanong niya at napakunot ang noo ko,
"Haggard na haggard ako," ani ko at napakunot ang noo niya bago ako pinagmasdan, "Parang hindi naman, wala akong makitang haggard." turan nito at napa-irap ako habang siya naman itong napatawa nang bahagya,
"Napaka bolero mo! Kainis ka!" Pabiro ko siyang binato ng tissue habang siya naman itong napahagalpak ng tawa.
May mga pailan-ilan pa akong pasyente na dumating. Pagsapit ng 5:30 ay tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit at sabay na kaming nag clock-out.
"Bago ba yung resto?" tanong ko habang binabaybay namin ang kalsada, umiling ito, "Ang pagkakaalam ko ay kabubukas lang nila recently." sagot niya at tumango ako,
Dumungaw ako sa bintana at tiningnan ang bawat billboard na nakikita ko. May mga ala-alang bumabalik sa isipan ko na pilit kong isinasantabi noon. Pero ngayon, kapag na-aalala ko ang mga ito ay parang wala nalang ito sa akin. Parang nasanay na rin ako at nakabitaw na sa mga ala-alang iyon.
Nang dumating kami sa restaurant ay ipinagbukas ako ni Kendrick ng pinto at inalalayan ako sa pag-akyat ng hagdan.
"Reservation for Mr. Dizon," he told the staff that welcomed us, the staff immediately guided us to a table, the complimentary foods immediately arrived.
"Thank you," turan ko nang abutan ako ng menu,
"I've never heard of this place before, bago nga." ani ko habang tinitingnan ang menu, "Narining ko lang 'to sa mga katrabaho natin, masarap daw." sagot ni Kendrick at napatango ako,
Ilang minuto ang nakalipas at tinawag na namin ang waiter para ibigay ang mga order namin.
"Sino kaya ang may-ari nito?" tanong niya habang inililibot ang tingin sa paligid ng restaurant,
Napatawa ako, "Gusto mo itanong natin?" Pagbibiro ko, ilang segundo niya akong tinitigan na animo'y nag-iisip nang bigla itong naglibot ng tingin sa paligid,
"Oo nga 'no, tara tanong natin--" itataas sana nito ang braso nang pigilan ko ito, "Joke lang, huy! Patola ka! Nakakahiya!" Pigil ko sa kaniya, napahagikhik siya habang ako naman ay napatakip sa mukha sa sobrang hiya.
"Nakakainis ka!" Pabulong kong sigaw dito at parehas kaming napahagikhik.
"Ang isip bata natin, jusko!" Dagdag ko at mas lalo kaming napatawa,
"Ang kulit, eh! Daig mo pa bata!" saway ko at napatakip siya ng mukha habang humahagikhik,
"Okay lang, at least favorite ako ni tanda--"
"Sira ka!" Halos hindi ko mapigilan ang paghagalpak ng tawa, "Alam mo sa susunod sa tabi-tabi nalang tayo mag-date kung ganiyan ka rin, di ako makahagalpak ng tawa, eh!" Pabulong kong sigaw dito , napapasubsob na ako sa lamesa sa sobrang tawa,
"Napakagago mo! Pati si tanda dinamay mo!" Dagdag ko at siya itong patuloy sa paghagikhik, nang tanggalin nito ang kamay mula sa mukha niya ay pulang-pulang ito kaya naman hindi ko napigilan ang matawa.
"Oh bakit? Totoo naman, kahit ganito ako, favorite ako ni tanda!" Napa-irap ako sa tinuran niya, "Napakayabang! Utusan ka naman--"
"At least hindi nagagalit sa 'kin." Putol niya at pinandilaan ko ito, para kaming mga bata na nagbabangayan at nag-aasaran habang hinihintay ang pagkain. May mga beses na napapatakip nalang ako sa mukha dahil ang co-corny ng sinasabi niya.
Nang dumating ang mga in-order namin ay laking gulat ko dahil ang lalaki ng portion. Nang umalis ang server ay napatawa kaming dalawa.
"Balutin mo ako~~" Kanta nito at napatawa ako, "Siraulo! Ang dami nito, hindi natin mauubos." ani ko at napatawa siya,
"Sabi nga ni tita Shawi 'Balutin mo ako~~'" Pag-uulit nito at napatawa ako habang kumukuha ng pasta, "Anong sasabihin ko sa server? 'Kuya pahingi nga po ng sili, silipin.' ganon?!" ano ko at napahagikhik siya,
Pagkain lang ang nakapagpatahimik sa aming dalawa. Payapa at tahimik kaming kumakain nang biglang pumasok ang isang pamilyar na mukha sa restaurant, nilapitan ito ng mga waiters na animo'y importanteng tao ang dumating.
Nanlaki ang mata ko bago napatungo para itago ang mukha ko, nang dumaan ito sa may table namin ay narinig kong tinawag siya ng isang server na 'boss'.
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago saka nag-angat ng ulo, nilingon ko ito bago nagbalik ng tingin kay Kendrick.
"Kilala ko na kung sino ang may-ari nitong resto." ani ko at napakunot ang noo niya, "Sino?" tanong ko,
"Edward Custudio," sagot ko at nanlaki ang mata niya nang bahagya bago nilingon si kuya Edward na nasa gawing likod ko, "Sobrang yaman siguro niyan, doktor na, ang dami pang business." ani ni Kendrick at utay-utay akong tumango.
Nakita niya kaya kami? Kung nakita niya kami, ike-kwento kaya niya kay Haze? May pake paba si Haze?
Pagkatapos kumain ay si Kendrick ang nagpabalot ng mga natira namin. Parehas kaming natatawa at nahihiya habang ipinapabalot niya ang mga pagkain. Nang dumating ang bill ay card ang ginamit niyang pambayad.
Inihatid niya ako sa condominium building ni Faye, noong una akala ko'y hanggang baba lang pero inihatid niya ako hanggang sa pintuan ng unit ni Faye.
"Thank you for tonight, I really enjoyed it." I said and he smiled, "I'm glad you did." he replied,
Napatawa ako bigla, "Pero sa susunod 'wag na tayong kumain sa fancy restaurant, hindi ako makatawa nang malakas." ani ko at napatawa siya bago tumango, "Sige sige--"
Napalingon kaming dalawa nang buksan ni Faye ang pinto, "Oh, may bisita ka pala," ani niya at agad umiling si Kendrick, "Paalis na rin ako, inihatid ko lang si Cass, para sa inyo nga pala ito." Ini-abot niya kay Faye ang ipinablot namin na pagkain.
"Ay salamat, nag-abala pa kayo." ani ni Faye bago pumasok sa loob, nagpaalam na ako kay Kendrick bago pumasok sa loob.
"Taray naman, may paghatid na sa 'yo." ani ni Faye habang inilalabas mula sa paper bag ang mga pagkain,
"Uh ano kasi... nanliligaw na si Kendrick." ani ko at natigilan si Faye bago napalingon sa akin,
"Seryoso ba? Paano si kuya Haze?" tanong niya at napahilamos ako sa mukha, "Faye... 'wag na natin siyang pag-usapan. Kasi wala na eh, kung kami talaga para sa isa't-isa hindi ko magugustuhan si Kendrick kahit alam kong andiyan lang siya at single." ani ko at nakita kong napabuntong hininga si Faye na may nanghihinayang na ekspresyon.
"At... wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Masaya ako kay Kendrick, masaya ako kapag kasama siya, iba yung pakiramdam kapag kasama ko siya." Dagdag ko, tumango si Faye bago inilagay sa ref ang mga pagkain.
"Wala na talaga si kuya Haze?" tanong niya ulit at umiling ako, bumuntong hininga siya bago tumango.
"Balita ko nga pala na... umalis siya ng bansa. Wala lang, share ko lang." ani niya bago ako iniwan sa kusina.
Napasandal ako sa kitchen island bago isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa bibig ko. Kumuha ako ng beer sa ref bago lumabas ng terrace, dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa bawat pagsipsip ko ng alak.
Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan ay isang mapait na tawa ang kumawala sa labi ko, "Wala na talaga, talo na." ani ko bago sumimsim ng alak, "Parehas lang naman palang wala yung nangyari sa amin."
Sa mga sumundo na araw, linggo at buwan ay mas napapadalas ang paglabas namin ni Kendrick. Madalas niya akong inaaya na kumain kung saan-saan. Minsan ay nakakarating pa kami ng La Union para lang magkape o hindi naman kaya ay kumain lang ng kung ano.
Pero hindi naman ako nagre-reklamo. Sa totoo lang kahit nakakapagod ay nakakatuwa dahil nagagawa kong makapaglayas at makapunta kung saan-saan.
Kung ano-ano rin ang mga ibinibigay niya sa akin. Minsan ay may katuturan kagaya ng mga gamit sa opisina o sa bahay. Minsan ay mga bulaklak at chocolates pero may mga beses na walang sense ang mga binibigay niya sa akin.
"Bakit mo 'ko binigyan ng pangbukas ng bote?" Taka kong tanong nang mabuksan ang regalo niya, nagkibit balikat siya, "Wala lang... naisip lang kita noong nakita ko 'yan." sagot niya at nahulog ang panga ko.
"Mukha ba akong mag-iinom?" Hindi ko makapaniwalang tanong, napahagalpak siya ng tawa bago umiling.
"Malay mo lang kailangan mo ng pangbukas ng bote, para lang meron ka." sagot niya at napatawa ako bago ito itinago sa bag ko.
Kahit madalas din niya akong inaasar at madalas ko siyang inaaway ay agad siyang nakakabawi at nanunuyo. Magbiro lang siya at napapatawa na niya ako, minsan wala pa siyang ginagawa, magkatinginan lang kami ay napapatawa na ako at nawawala na ang inis ko sa kaniya.
At sa tanda ko itong na malapit na akong mag 30, madalas niya akong napapakilig. Hindi man halata at hindi ko man ipakita ay binubuhay nanaman niya ang kilig sa puso ko. Para akong teenager minsan kung kiligin. Yung mga pasimple niyang gestures, yung pag-aalaga niya, kapag may sakit ako, siya ang tagapagpaalala sa akin na uminom ng gamot, ipinagluluto niya rin ako kapag nagugutom ako o di naman kaya ay nagpapadeliver siya kapag alam niyang may gusto akong kainin.
Nang mag-birthday ako ay inaya ko siyang mag-celebrate sa Japan. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako dahil baka mabigla siya sa gastusin. Pero mali ako na i-underestimate siya dahil nanguna-nguna pa siya sa pagbili ng ticket at pag-book ng mga hotel. Agad din kaming nakapagpaalam para sa work-leave ng isang linggo.
Isang araw bago ang birthday ko ay lumipad kami papuntang Japan. Gabi ng November 22 nang makarating kami. Agad akong nakatulog dahil sa pagod at paggising ko kinabukasan ay may cake at mga lobo sa loob ng hotel room namin.
"Ang sweet naman!" ani ko bago nag-wish at inihipan ang kandil ng cake,
"Ang galing nga dahil may mga bakeshop na maagang nagbubukas." ani niya bago inilapag sa kama ang cake at inabutan ako ng tinidor, "Masarap daw yung cake, chocolate at caramel." ani niya bago kumuha ng cake at sinubuan ako,
"Masarap?" tanong niya at agad akong tumango, "Masarap!! Isa pa!" Ngumanga ako para subuan niya at napatawa siya bago ako sinubuan ng mas malaking tipak ng cake, napatawa siya nang magka-amos ako sa gilid ng labi na agad niyang pinunasan.
Para akong bata na ngumunguya ng cake, narining ko siyang humagikhik bago ako inabutan ng bote ng tubig, "Baka sumakit ang lalamunan mo sa tamis." ani niya at napanguso ako bago ininom ang tubig na ini-abot niya.
"May regalo nga pala ako sa 'yo." ani niya bago tumayo at may kinuha sa mga gamit niya,
"Sa Pilipinas ko pa 'to binili kasi balak ko talagang i-surpise ka sa umaga ng birthday mo, buti nalang hindi ko dito planong bumili dahil wala akong makitang bukas na tindahan kanina." ani niya bago ini-abot sa akin ang maliit na paper bag.
Pagbukas ko nito ay bumungad sa akin ang maliit na gift box, at pagbukas ko nito ay silver bracelet na may mga pendant ang laman nito.
"Ang ganda!" ani ko bago ito kinuha mula sa kahon, "Suot mo sa 'kin," ani ko nang i-abot sa kaniya ang bracelet at inilahad sa kaniya ang braso ko.
Pagkasuot niya nito sa akin ay pinagmasdan ko ito, "Nagustuhan mo ba?" tanong niya at agad akong tumango, "Oo naman! Ang ganda kaya!" ani ko habang pinagmamasdan ang bracelet, nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong may ngiting nakaguhit sa labi niya habang pinagmamasdan ako.
"May regalo rin ako sa 'yo, tagal mo magtanong, eh." ani ko at napakunot ang noo niya, "Ano yun?" Taka niyang tanong, "Lapit ka," sinenyasan ko siyang lumapit, nang inilapit niya ang mukha niya sa akin ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi, "Tayo na, hindi ka pa nagtatanong, sinasagot na kita." ani ko at nanlaki ang mata niya na animo'y hindi siya gumagalaw sa kinauupuan niya.
Napahagalpak ako ng tawa sa hitsura niya, hinampas ko siya sa hita, "Hoy! Para kang namamatanda diyan." ani ko at gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya bago ako sinunggaban ng yakap, mahigpit na yakap pero napakasarap nito sa pakiramdam.
"Tayo na..." Para siyang hindi makapaniwala sa sinasabi niya, napatawa ako sa tinuran niya, "Oo tayo na, baka umiyak kapa, tanda mo na umiiyak kapa dahil diyan." ani ko at kumalas siya mula sa pagkakayakap at nakasimangot nang tingnan ako, napatawa ako bago siya sinubuan ng cake.
"'Wag kana magdrama, mag-ready na tayo dahil lilibutin pa natin ang Japan." ani ko bago tumayo sa kama at naghanda na.
Umaga palang ay marami na kaming napuntahan, yung mga lugar na hindi ko napuntahan noong huling beses na punta ko rito ay magkasama naming pinuntahan. May camera rin siyang dala na gamit na gamit namin sa pagkuha ng mga pictures ng isa't-isa. Pagsapit ng tanghalian ay sa isang famous ramen place kami kumain. Dahil sa kahiligan ko sa noodles ay apat na bowl ang in-order namin at halos lahat ay tinikman ko.
Pagsapit ng gabi ay pumunta naman kami sa Tokyo Tower. At sa mga sumunod na gabi ay bumisita ri kami sa Tokyo Skytree at iba pang mamagandang pailaw. Saka rin kami namili sa mga souvenir shops na nadaanan namin at kumain ng mga streetfoods.
Sa mga sumunod na araw ay lumibot pa kami sa iba't-ibang lugar, syudad at probinsya ng Japan. Sa sobrang dami ay halos hindi ko na nabilang, isang linggo lang kami rito pero pakiramdam ko ay lampas kalahati na ng Japan ang nalibot namin.
Kaya naman pagbalik namin ng Pilipinas ay pagod na pagod ako. Halos hindi ko kayanin ang pagpasok ng trabaho pero kailangan. Sinundo pa ako ni Kendrick para hindi raw ako tamarin.
Ilang araw lang ang nakalipas ay nagtawag ng inuman sila Simon, isinama ko si Kendrick para ipakilala sa kanila bilang boyfriend ko.
Doon ay nabalot kami ng kantyawan, "So kailan ang kasal?" tanong ni Matt at nabalot kami ng kantyaw,
"Oo nga Cass, ang tanda mo na, 28 kana 'no?" tanong ni Faye at pinandilaan ko sila, "Ikaw ba pare? Ilang taon kana?" tanong ni Simon kay Kendrick, uminom muna ng alak si Kendrick bago sumagot, "30," sagot niya at nagulat silang lahat,
"Kita mo na! Dapat sa edad ni Kendrick kasal na siya, diba Kendrick?" Pang-aasar ni Allan at napatawa si Kendrick,
"Hindi naman, kung kailan ready si Cass, saka ang kasal." sagot ni Kendrick at naging tampulan naman ng asar si Allan.
"Ayan! Maharot ka kasi, eh! 26 palang engaged kana! Tapos last year lang ikinasal kana, harot mo rin, eh!" ani ni Faye at napahagalpak kami ng tawa.
Hindi gaanong nag-inom si Kendrick dahil ihahatid pa niya kami ni Faye. Hindi rin ako gaanong nag-inom dahil may pasok pa kinabukasan, si Faye ang lasing na lasing nang umuwi kami. Binuhat pa ito ni Kendrick papasok ng unit dahil hindi na ito halos makalakad nang maayos.
Pagkahiga namin kay Faye sa kama ay inihatid ko sa labas ng unit si Kendrick, "Thank you for today at sorry rin sa kulit ng mga kaibigan ko." ani ko at napatawa siya, "Sus, wala yun, normal lang ang asaran na ganun." ani niya at napangiti ako,
"Sige na, ingat ka pauwi, ha? Text ka pagnakauwi kana." Hinalikan ko siya sa pisnge bago nagpaalam at pumasok na ng unit.
Dalawang linggo bago magpasko ay nakapagsabi na si Faye sa akin na mag o-out of the country siya sa pasko, ganun din si Marga at Allan, sila Simon at Matt naman ay pupunta ng Palawan. Nang malaman kong lahat ng kaibigan ko ay busy sa pasko at bagong taon, agad kong inaya si Kendrick na mag-out of the country rin.
"Saan mo gusto?" tanong niya sa akin, ako naman ang bumisita sa clinic niya.
Ngumuso ako, "Tara... Hong Kong! Sa Disneyland!" ani ko at napatawa bago tumango, "Sige, kailan mo gusto? Para makapag file na tayo ng leave." ani niya at nagkibit balikat ako, "Ikaw bahala..." ani ko at para siyang nagulat sa sinabi ko,
"Uhm... gusto mo... 24 na tayo umalis?" tanong niya at agad akong tumango, "Pwede naman... hanggang New Year na tayo doon?" tanong ko at tumango siya, "Pwede rin, kung gusto mo." sagot niya at agad akong tumango,
"Oo, pero hindi na tayo maggagala, sa hotel nalang tayo, pahinga nalang. Pero siyempre pupunta tayo ng Disneyland!" ani ko at napatawa siya bago tumango.
Agad din kaming nag-file ng leave dahil baka maunahan pa kami ng iba at ang ending ay hindi kami payagan. Halos hindi ako makapaghintay na umalis sa sobrang pagka-excited ko. Nang sumapit ang December 24, ay buong araw na kaming magkasama ni Kendrick sa apartment niya. Hapon ang flight namin at dahil hindi naman ganoon katagalan ang flight ay naka-abot kami ng Noche Buena sa Hong Kong.
Kumain kami sa isang restaurant ni Kendrick habang dinadama ang lamig ng Hong Kong. Pagkatapos kumain ay naglibot-libot din kami at pinapanood ang magagandang ilaw at dekorasyon sa labas.
Sa mga sumunod na araw ay pumunta kami sa Disneyland at namasyal sa iba't-iba pang lugar sa HongKong. Sa ibang araw ay wala man kaming pasyalan pero puro naman kami kain sa labas.
Nang malapit na ang bagong taon ay nanatili nalang kami sa hotel room at hinintay ang Media Noche. Um-order nalang kami ng mga pagkain na kakainin namin sa hotel room.
Pagsapit ng alas dose ng hating gabi ay lumabas kami ng terrace para panoorin ang mga fireworks display.
"Happy New Year, Kendrick!" Bati ko sa kaniya habang nakayapos sa kaniya, hinalikan ako nito sa ulo, "Happy New Year, Cass!" ani niya bago ako niyakap nang mahigpit.
Nagpaalam siya na may kukunin lang sa loob ng kwarto kaya binitawan ko muna siya.
Ilang minuto ang nakalipas nang maramdaman kong kulbitin niya ako sa tagiliran, pagharap ko sa kaniya ay laking gulat ko nang makita siyang nakaluhod sa isang tuhod habang nakalahad ang kahon na may lamang singsing sa harapan ko.
Napatakip ako sa bibig, "Cassandra, I know... sobrang bilis, I know we've only knew each other for six months, last month lang naging tayo. And I am willing to accept a rejection for this pero... I'm still gonna shoot my shot dahil ayaw kong mawala kapa sa 'kin. You're the woman I am willing to do everything. You're the woman I am willing to risk things." Naramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko at pamumuo ng mga luha ko sa bawat salita na kaniyang binibitawan.
"Ikaw ang babaeng gusto kong pakasalanan at iharap sa altar. You made me want to settle in life and be the one who's with you forever until afterlife. At kung tanggapin mo man ang proposal kong ito, willing pa rin akong maghintay gaano man katagal kung kailan mo gustong magpakasal. Pero gusto kong malaman mo na ikaw ang babaeng gusto kong makasama sa habang buhay, babaeng gusto kong makasama bago matulog at sa paggising. Ang babaeng ipagluluto ko ng almusal, tanghalian, hapunan, midnight snack at miryenda sa hapon." ani niya at doon ay nag-unahan na ang mga luha kong umagos sa pisnge,
"Mahal na mahal kita Cass, maaring mahirap man paniwalaan dahil sa ikli ng panahon na pinagsamahan natin pero... wala naman yun sa tagal, diba? Kaya Andrea Cassandra Gonzales, handa kana bang tawaging misis ko? Will you marry me?" ani niya at doon ay napatango ako,
"Oo Kendrick! Oo... handa na ako!" ani ko at gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya bago ako sinunggaban ng mahigpit na yakap.
Narining ko ang pailan-ilan na paghikbi niya bago ako hinalikan sa noo at isinuot ang singsing sa akin. Magkasama naming pinanood ang fireworks display habang yakap-yakap niya ako mula sa likod, isinasayaw ang aming mga katawan, dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
"WHAT?!!" Sabay napasigaw sila Faye at Marga, kakabalik lang namin ni Kendrick mula sa HongKong kahapon, January 2, at agad kong kinita sila Faye at Marga para sabihin sa kanila ang balita.
"OMG kayo!! Nanggugulat kayo! Kami yata ang hindi ready!!" ani ni Marga at napatawa kami ni Kendrick,
"Same!! Kailan? Kailan ang kasal?" tanong ni Faye, nagkatinginan kami ni Kendrick, "Baka mga June pa, hindi naman agad-agad." sagot ko at tumango silang dalawa,
"I'm so happy for you!!" ani ni Marga bago ako niyakap ng dalawa,
Hanggang sa trabaho kinabukasan ay marami ang bumati sa akin. Mabilis din kasing kumalat ang balita matapos kong i-upload sa Facebook ang mga picture namin sa HongKong at ang picture ng singsing na ibinigay sa akin ni Kendrick.
"Kailan ang kasal? Dapat kasunod na agad ang kasal." tanong ng isa naming katrabaho, napatawa kaming lahat, "Ang bilis naman, kakapasok palang ng January, 4 days palang kaming engaged, 'wag nating madaliin yung kasal." ani ni Kendrick at napatawa kami,
"Sus, eh lampas 1 month palang kayong mag girlfriend at boyfriend pero engaged na kayo, 'yan ba ang hindi minamadali?" tanong ng isa at napahagalpak kami ng tawa,
"Iba naman yun, sabi ko sa kaniya, kahit gaano katagal yung kasal, hihintayin ko, ang akin lang... nag propose na ako sa kaniya." ani ni Kendrick at napatawa kami, napaka-possessive rin naman ng isang 'to. Sinigurado na agad na sa kaniya ako magpapakasal. Gusto ko rin naman.
Nabasag ang pag-uusap namin nang dumating ang terror namin na senior at lahat kami ay kaniya-kaniya ang pag-alis papunta kung saan-saan.
Pagsapit ng gabi ay sa condo ako ni Kendrick natulog, habang hinihintay siyang matapos maligo ay tiningnan ko ang post ko ng mga pictures namin. Marami ang nag-congratulate, marami rin ang nagtatanong kung kailan ang kasal. Maski ang ate ko ay nakita ito, tinanong niya rin kung kailan ang kasal para maka-uwi siya.
Binabasa ko ang mga comments nang biglang mag pop-up ang isang message mula sa taong hindi ko inaasahang mag me-message sa akin.
From: Alonzo Haziel Vergara
ikakasal kana pala?
----------
A/N: grabe yung panghihinayang at panlulumo ko habang sinusulat ang chapter na ito, oh well... ganun talaga ang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com