Panibagong Yugto (01)
sa paglingon sa nakaraan
kaya bang suklian
matatag na ba't hindi magiging luhaan
kaya bang gampanan
mga bagay na nuon pa man
gusto nang tuparin at makamtan
sa paglingon sa nakaraan
hahantong pa rin ba sa kasawian
o may kasiyahang mararamdaman
kasabay ang pagkatuto at kaalaman
kung anuman ang nagdudulot ng sakit at kapaitan
minsa'y mahalagang kasangkapan
sa paglingon sa nakaraan
ang panibagong yugto ba ay mapagmamasdan
tatayo sa sariling mga paa at sarili'y panghahawakan
ngingiti ng totoo at lalaban
paghuhusayan; sarili naman ang uunahin, pangangakuan
kakayanin lahat dahil mahal ko aking katauhan
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com