Panibagong Yugto (08)
hinding-hindi ko makakalimutan
paano mo pinulot ang bawat piraso
tinanggap ang aking nakaraan at mga kahinaan
sa kung paano mo ako tinulungang tumayo
walang-sawang hinangaan.
ngayon bakit mo ipipilit
hindi ka karapat-dapat para sa akin
akala mo ba madali, masakit
ako nga ang hindi karapat-dapat para sa'yo, iyong isipin
sabay nating harapin ang bawat araw, andito lang ako; sa'yo ay walang papalit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com