Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Panibagong Yugto (11)


hindi kita masisisi
kung bakit ka ganyan
ngunit hindi mo ba kayang
tignan ako sa mata at pagbigyan

kilalanin, pakiramdaman
hindi lang ikaw ang may kailangan ng medisina
pakiusap, pakinggan
hindi lang ikaw ang may mga pinagdadaanan

hindi kita masisisi
kung bakit ka ganyan
sa rami ng nangyayari kulang na lang sumigaw
lamunin ng kalungkutan at kasawaan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com