Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Panibagong Yugto (12)

hindi matigil sa pagdaloy ang mga salita
labis na nagmamalabis ang nadarama
inaalay ang mga tula, obra, at alaala
bawat sabihin mo'y binibigyan ng halaga
wala ka namang sinabing umasa
ngunit ito pa rin ako't patuloy sa paghanga
pikit-mata sa mga pangamba
ikaw pala ang yayanig sa mundo ko bakit pa ba kita sinasamba

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com