Panibagong Yugto (15)
may mga labang hindi na dapat sinisimulan pa
may mga prinsipyong hindi na dapat ipinaglalaban pa
may mga kaugaliang hindi na dapat ipinagpapatuloy pa
oh bayan ko
anong nangyari sa mga namumuno nito
oh bayan ko
anong naiisip ng mga naninirahan dito
sa isang giyera lahat ay talunan
sa kagustuhang manlamang, inaapakan ang kapwa, sa mga yamang hindi madadala sa hukay ay nag-aagawan
sa mga kasinungalingan nagpapalinlang ang karamihan
sa bayan ko
mali ang rebolusyon, mali ang paghiling sa isang matinong konstruksyon
sa bayan ko
mali ang mangielam, mali ang maging maalam
ang daming katanungan
ang daming nasasayang
ang daming katiwalian
ang daming pinanghihinayangan
oh bayan ko
bayan ng sinilangan
oh bayan ko
kahit mga bayani ay nagigimbal sa kadumihan
bayang Pilipinas
bakit ganito?
bakit natin hinayaang sirain ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com