Panibagong Yugto (18)
sa pagsapit ng dilim
kumakawala ang mga lihim
pinipigilan ang maingay na paghikbi
basang-basa na mga unan
nagkukunwaring kakayanin pa ang lahat
walang nakakaalam
ang lahat inaakalang kilala na siya
bigla-biglang nagagalit pag nagpakita ng totoong kulay
sa napakagulong mundo
iisa lamang ang kahilingan niya
sa bawat bagong araw na lumilipas
at mga oras na nasasayang
kailan manlang ba matitigil ang pagwawala sa kaloob-looban niya
at kailan mawawala ang mga parusa na tila ba ay iniaalay sa kanya kahit para sa mga kasalanang hindi niya ginawa
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com