Panibagong Yugto (19)
sana'y patawarin
hindi lamang ang mga pagkakamali
kung hindi ang mga pagkukulang
mga hindi maunawaan
dahil akin namang sinubukan
kinalimutan ko na nga ang sarili ko
sa'yo lamang ay mapatunayan
ipinaramdam ang buong kahalagahan mo
bakit pagdating sa akin, hindi ito masuklian?
sa tuwing kakalimutan
mabibigo at magmumukhang hangal
sa tuwing tatalikuran
masasaktan lang lalo dahil wala namang pipigil, isa talaga akong hangal
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com