Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Panibagong Yugto (25)

huwag na mag-alala
ako na ang bahala
huwag na magwala
kumalma sa mga problema

hindi kita hahayaan
hindi kita iiwanan
hindi kita pababayaan
hindi kita tatawanan

huwag na magtaka
ayos lang ang mapaluha
huwag na umalma
ayos lang ang masaktan

tatayo kang muli
tatapang ka sa huli
tunay na may ligaya sa labi
tunay na may paki sa sarili

sinasabi ko sa'yo
payuhan at pakinggan mo ang sarili mo
maging andyan ka kung kailangan mo
mahalin at alagaan mo ang sarili mo


magiging panatag, payapa, maligaya, at mapagpasalamat ka rin. mapapagod pero hindi susuko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com