Para Sa'yo (12)
kamay na minsa'y nahawakan
humulma sa palad
naisip na huwag bitawan
pangarap na sana'y matupad
kamay na dumaplos
parang isang yapos
kinalma ang katauhang nagwawala nang lubos
patawad kung pagdating sa'yo ako'y ubos na ubos
kamay na minsa'y nahawakan
humulma sa palad
pumikit at humiling sa kalawakan
sa tamang panahon, magkita muli at matupad
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com