Para Sa'yo (23)
hinding-hindi ko makakalimutan
mapupulang labi
matingkad na ningning
mapupungay na mata
mapuputing ngipin
isang haplos sa kamay
may paghawi sa buhok
biglang sambit,
"kailangan kita"
nakalimutang ipaalala
may hangganan ang lahat
pansamantalang pagtingin
ako ngayo'y nabitin
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com