Para Sa'yo (26)
walang kasiguraduhan
ilalaban, susugal, hahangad ang isang hangal
patuloy ang pag-ikot ng mundo
sa pagkakilala sa'yo ay tumigil ito
at sa pagkawala mo'y tiyak, titigil muli ito
walang kasiguraduhan
aasa, maghihintay, mapapagod ang isang hangal
patuloy ang pag-ikot ng mundo
hindi mapapansin ng iba naloloko na ako
at sa pagkatuliro ko--manlulumo, manghihina ako
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com