Para Sa'yo (27)
nakakatawang isipin na hindi medisina ang lunas
sabagay kakaiba naman ang sakit ko na ito
hindi nakakahawa at walang humawa
halong kabiguan, kalungkutan, at kaguluhan
isip ko'y hindi matahimik
puso ko'y laging may dinadamdam
hindi ko naman maintindihan
sa sobrang tawa ko'y naiyak na pala ako
gagaling pa ba ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com