Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Para Sa'yo (28)

pinunasan aking luha, humingi ng patawad,
iniwan ang panyo't tumalikod
nakaraan na ang ilang buwan
bago ko mapagtanto

humingi ka ng tawad
hindi dahil nasaktan mo ako
hindi dahil napaluha mo ako
hindi dahil nabigo mo ako

humingi ka ng tawad
dahil hindi na kayang ipaglaban ang samahang 'to
dahil hindi na kayang ipaglaban ang pag-iibigan natin
dahil hindi na kayang ipanindigan ang mga sumpaan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com