Para Sa'yo (30)
hindi ko na kailangan ang kahit na anong may kinalaman sa'yo
hindi na hihingin pa ang oras mo
hindi na hahangarin pa ang atensyon mo
hindi ko na kailangan ang mga patutsada, bintang, init ng ulo mo
hindi na hihilingin pa ang panunuyo mo
hindi na hahanapin pa ang pag-intindi mo
hindi ko kailangang magmakaawa nang tuluyan sa'yo
hindi ko kailangang wakasan ang una palang ay iyo nang pinabayaan
sana bukas, hindi na rin talaga kita kailangan pa
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com