Para Sa'yo (33)
kaya bakit?
bakit kailangan mo pang mabwisit at sa akin ay mainis
bakit kailangan mo pang ipagtulakan ako palayo masabi lang na gusto mo ang huminga
bakit kailangan mo pang magalit at sa akin ay mawalan ng gana
bakit kailangan mo pang ipagdiinan na perwisyo ako sa buhay mo
bakit, ha, bakit?
bakit kailangan mo pang magkunwari at humingi ng tawad kung hindi ka rin naman aayos
bakit kailangan mo pang ipagsigawan kung gaano mo ako kinamumuhian
bakit kailangan mo pang magpatuloy sa pagpapaasa na maayos pa ang matagal mo nang winasak
bakit kailangan mo pang ipagpilitan na kasalanan ko ang lahat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com