Para Sa'yo (34)
makakarating pa ba ang mensahe
kung ito'y lulukutin at isasantabi
sa takot at pangamba na ako'y kamuhian
o kaya ay kasuklaman
hindi ko puwedeng isigaw
hindi ko puwedeng ipagmalaki
ngunit matagal ko nang kinikimkim
ako'y madinig, maintindihan, aking pinagbabasakali
makakarating ba ang mensahe
bigyan ako ng pagkakataon, gusto kong masabi
patawad sa kaduwagan
gusto ko lamang, ika'y makilala pa't maunawaan
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com